Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Pagpapakahulugan sa Ikaapatnapu’t-isang Pagbigkas

Paano ba gumagawa ang Diyos sa tao? Naaabot mo ba ito? Ito ba ay malinaw? At paano ba ito ginagawa sa iglesia? Ano sa palagay mo? Naisaalang-alang mo ba kahit kailan ang mga katanungang ito? Ano ba ang inaasahan Niyang matupad sa pamamagitan ng Kanyang gawain sa iglesia? Ito ba ay malinaw nang lahat? Kung hindi, kung gayon ang lahat nang iyong ginagawa ay walang-silbi, walang-kabuluhan at walang-bisa! Hinihipo ba ng mga salitang ito ang iyong puso? Ang lahat ba na kinakailangan upang makamit ang ninanasà ng Diyos ay maagap na pag-unlad lamang, at hindi pagiging negatibo at pag-urong? Ang bulag bang pakikipagtulungan ay sapat na? Ano ang dapat mong gawin kung mayroon pang bahid ng kalabuan tungkol sa pangitain? Ayos ba ang hindi maghanap? Sinasabi ng Diyos, “Ako ay minsang nagsagawa ng isang malaking gawain sa gitna ng mga tao, nguni’t hindi nila napansin, kaya’t kinailangan Kong gamitin ang Aking salita upang ibunyag ito sa kanila. At gayunman, hindi pa rin maunawaan ng tao ang Aking mga salita, at nanatiling walang-alam sa layunin ng Aking plano.” Ano ang kahulugan nito? Kahit kailan ba ay naisaalang-alang mo ang layunin nito? Ang Diyos ba ay basta kumikilos ng walang-layunin at walang-basehan? At kung gayon, ano ang punto? Kung ang layunin ay hindi malinaw, at kung ang tao ay hindi nakakaunawa, kung gayon paano sila maaaring tunay na makikipagtulungan? Sinasabi ng Diyos na ang mga paghahabol ng mga tao ay nasa walang-hangganang mga karagatan, nasa loob ng walang-lamang mga salita at mga doktrina. Hindi mo pa nga nakakayang sabihin kung anong kategorya pumapatak ang inyong mga paghahabol. Ano ba ang nais ng Diyos na makamit sa tao? Dapat kang maging malinaw sa lahat ng ito. Ito ba ay para lamang hiyain ang malaking pulang dragon sa negatibong aspeto? Maaari kaya na pagkatapos hiyain ang malaking pulang dragon, ang Diyos ay mamumuhay lamang bilang isang ermitanyong walang ari-arian? Kung gayon ay ano itong ninanais ng Diyos? Nais ba Niya talaga ang mga puso ng mga tao? O ang kanilang mga buhay? O ang kanilang kayamanan at mga ari-arian? Anong gamit ang mga ito? Sila ay walang gamit sa Diyos. Ang Diyos ba ay nakágáwâ nang napakalaki sa tao para lamang Kanyang magamit sila bilang patunay ng Kanyang tagumpay laban kay Satanas, at ipakita ang Kanyang kapangyarihan? Hindi ba nito gagawin ang Diyos na tila hind mahalaga? Ang Diyos ba ay talagang ganyang uri ng Diyos? Tulad lamang ng isang batang hinihila ang mga matatanda sa isang away? Anong kabuluhan nito? Laging nasúsuri ng tao ang Diyos sa pamamagitan ng kanyang sariling mga paniwala. Minsan ay sinabi ng Diyos, “Ang isang taon ay may apat na mga panahon, at sa bawa’t isang panahon mayroong tatlong buwan.” Ang tao ay nakinig, at nagunita ang Kanyang mga salita, at nagpatuloy na sabihing mayroong tatlong buwan sa isang panahon at apat na mga panahon sa isang taon. At pagkatapos, nang itinanong ng Diyos, “Ilang mga panahon mayroon sa isang taon? At ilang buwan bawa’t panahon?” ang tao ay sumagot nang sabay-sabay, “Apat na panahon, tatlong buwan.” Laging sinusubukan ng tao na bigyang-kahulugan ang Diyos batay sa isang pangkat ng mga alituntunin. Ngayong mga araw sa kapanahunan ng “tatlong panahon kada taon, apat na buwan kada panahon,” ang tao ay hindi pa rin nakakamalay, halatang bulag, sinusubukang magtalaga ng mga alituntunin sa bawa’t bagay. At ngayon sinusubukan ng taong ilapat ang kanyang mga alituntunin sa Diyos! Sila ay tunay na bulag! Hindi ba nila nakikita na ngayon ay wala nang “taglamig,” tanging “tagsibol, tag-araw, at taglagas”? Ang tao ay tunay na hangal! Sa kasalukuyang katayuan, ang tao ay hindi pa rin nakakamalay kung paano makikilala ang Diyos. Sila ay tulad lamang ng mga tao noong taóng mga 1920, na nag-aakalang ang transportasyon ay hindi-maginhawa, kaya sila ay naglalakad, o kumukuha ng isang asno, o nag-aakalang sila ay dapat na gumamit ng lamparang-langis, o iba pang sinaunang pamamaraan ng pamumuhay. Hindi ba ang lahat ng mga ito ay mga paniwala mula sa mga isipan ng mga tao? Kaya bakit magsasalita pa rin tungkol sa kahabagan at pag-ibig ngayon? Anong gamit nito? Tulad ng isang dumadakdak na matandang babae, isinasalaysay ang kanyang nakaraan, anong gamit ng mga salitang ito? Sa paanuman, ang kasalukuyan ay ang kasalukuyan; ang orasan ba ay maibabalik nang 20 o 30 taon? Ang mga tao ay palaging sumusunod sa agos; bakit ito napakahirap para sa kanila na tanggapin iyan? Sa kasalukuyang kapanahunang ito ng pagkastigo, anong gamit ng mga pananalitang ito ng habag at pag-ibig? Na para bang ang lahat-lahat sa Diyos ay habag at pag-ibig? Bakit sa panahong ito ng “harina at bigas,” ang mga tao ay laging nagsisilbi ng mga talukap at mapapait na mga gulay? Hindi pumapayag ang Diyos, nguni’t pinipilit ng taong supilin Siya. Kung Siya ay lalaban, Siya ay matatatakan bilang isang “kalabang-rebolusyonaryo,” at kahit sinabi na nang paulit-ulit na ang Diyos ay hindi mahabagin o maibigin, sino ang makikinig? Ang tao ay masyadong kakatwa. Parang ang salita ng Diyos ay walang epekto. Laging tinatanaw ng mga tao ang Aking mga salita sa isang naiibang liwanag. Ang Diyos ay laging kinakantyawan ng mga tao, at tila ang walang-muwang na mga tao ay nahaharap sa isang walang-batayang pag-aakusa; sino ang kikilos nang naaayon sa Diyos? Kayo ay palaging handang mamuhay sa kahabagan at pag-ibig ng Diyos, kaya ano ang maaaring magawa? Kailangang pagdusahan ng Diyos ang mga pang-iinsulto ng tao; subali’t, Ako ay umaasa na inyong makukuro kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu bago makipagtalo sa Diyos. Inuudyukan Ko pa rin kayo na abutin ang orihinal na kahulugan ng salita ng Diyos. Huwag mong isipin ang iyong sarili na marunong, at akalain na ang salita ng Diyos ay nagtataglay ng dumi. Ito ay hindi kailangan! Sino ang makapagsasabi kung gaanong “dumi” ang naroroon sa salita ng Diyos? Malibang sinasabi ito ng Diyos nang tuwiran, o ipinakikita ito nang malinaw. Huwag mong ipalagay na napakataas ng iyong sarili. Kung kaya mong makita ang landas ng pagsasagawa mula sa Kanyang mga salita, kung gayon ay nakákatagpo mo ang mga kinakailangan. Ano pa ang nais mong makita? Sinabi ng Diyos “Ako ay wala nang habag sa kahinaan ng tao.” Kahit na ang ibang-iba at simpleng mga salitang ito ay hindi mabigyang-pakahulugan, kaya ano ang katuturan ng higit pang pagsasaliksik at pagsisiyasat? Kung wala ang kahit na pangunahing kaalamang pang-pisikal, paano ang taong magiging kwalipikadong magbuo ng isang “rocket”? Hindi ba iyan ay isang tao lamang na ninanais magyabang? Ang tao ay hindi kwalipikadong gumawa ng gawain ng Diyos; itinataas lamang sila ng Diyos. Hindi nalalaman kung ano ang minamahal Niya, ano ang kinamumuhian Niya, at naglilingkod lamang sa Kanya. Hindi ba ito isang paraan para sa kapahamakan? Hindi nauunawaan ng mga tao ang kanilang mga sarili, nguni’t inaakalang sila ay di-pangkaraniwan. Sino ba sila sa akala nila! Sila ay tunay na bulag tungkol sa pagkakaiba sa pag-itan ng mabuti at masama. Pag-isipan mo ang nakaraan, at tumingin ka sa hinaharap. Ano ang iyong iniisip? Pagkatapos ay kilalanin mo ang iyong sarili.

Nagbunyag ang Diyos nang napakalaki tungkol sa hangarin at layunin ng tao. Sinabi ng Diyos, “Ito ang panahon na Aking nakita ang hangarin at layunin ng tao. Naghinagpis Ako mula sa kalabuan: Bakit ang tao ay kailangang laging kumilos para sa kanyang sariling mga interes? Hindi ba ang Aking mga pagkastigo ay para gawin silang perpekto? Sinusubukan Ko bang papanghinain ang kanilang loob?” Ano ang natututunan mo tungkol sa iyong sarili mula sa mga salitang ito? Talaga bang nawala na ang hangarin at layunin ng tao? Kahit kailan ba ay nasuri mo? Makabubuting lumapit kayo sa harap ng Diyos at matuto, ano ang nakakamit ng Kanyang gawain ng pagkastigo sa inyo? Nabuód na ba ninyo ito? Marahil ay halos hindi, o kaya ay matagal na kayong nagumon sa pagsasalita nang sobra. Ano ba ang hinihingi ng Diyos na inyong makamit? Sa mga salitang nabibigkas sa inyo, gaano ang inyong naíságáwâ? Gaano ang sinabing nawalan ng kabuluhan? Sa mga mata ng Diyos, kaunti sa Kanyang mga salita ay aktwal na natupad; ito ay dahil hindi kailanman maaaring maging maliwanag sa tao ang Kanyang orihinal na kahulugan, at kanila lamang tinatanggap kung anuman ang umaalingawngaw pabalik. Sa paraang ito maaari ba nilang malaman ang isipan ng Diyos? Sa malapit na hinaharap, dadami pa ang gawain ng Diyos para sa tao; matutupad ba ng tao ang gawaing iyan sa pamamagitan ng maliit na tayog na mayroon ang tao ngayon? Kung hindi punô ng kamalian, ang tao ay katawa-tawa, o marahil ay mayabang, tulad nito ang kalikasan ng mga tao. Ito ay talagang ‘di-matingkala: Sa lahat nang nasabi ng Diyos, bakit hindi ito isinasapuso ng tao? Maaari kaya na ang salita ng Diyos ay isa lamang biro, hindi nakalaang magkaroon ng anumang epekto? Ang lahat ba ay alang-alang sa pagkakita sa tao na gampanan ang isang drama ng “Kaligayahan, Galit, Kalungkutan, at Galak”? Upang pasayahin ang tao sa isang sandali, at paiyakin sa susunod, pagkatapos ay asikasuhin ang kanyang sariling gawain sa labas ng tanghalan? Anong magiging epekto nito? “Bakit ganito na ang Aking mga kinakailangan sa tao ay palaging nauuwi sa wala? Ito ba ay mistulang hinihingi Ko sa isang aso na umakyat sa isang puno? Sinusubukan Ko bang lumikha ng gulo mula sa wala?” Ang mga salitang binibigkas ng Diyos ay nakaumang sa tunay na katayuan ng tao. Ang isa ay mabuti pang magsuri ng kalooban, at tingnan kung sino ang namumuhay nang naaayon sa salita ng Diyos. “At ngayon pa rin, malaki sa kalupaan ay patuloy na nagbabago. Kung balang-araw ang lupa ay talagang nag-iibang uri, agaran Ko itong isasantabi—hindi ba iyan ang yugto na kinaroroonan Ko sa kasalukuyan sa Aking gawain?” Tunay nga, ang Diyos ngayon ay nasa proseso ng gawaing ito; subali’t, kapag binabanggit ng Diyos ang “agad itong isasantabi,” ito ay tumutukoy sa hinaharap, bilang ang bawa’t bagay ay isang proseso. Nakikita mo ba na ito ang takbo sa kasalukuyang gawain ng Diyos? Dahil sa kakulangan ng hangarin ng tao, sinasamantala ng maruruming mga espiritu ang pagkakataon upang mahayag. Sa panahong ito, “ang lupa ay nag-iiba ng uri” at ang mga tao sa panahong iyan ay magbabago sa pangkalidad, nguni’t ang kanilang kakanyahan ay mananatiling pareho. Ito ay dahilan sa mayroong isa pang bagay sa lupa ng pagpapaunlad. Sa ibang mga salita, ang orihinal na lupa ay mababang uri, at sa sandaling ito ay napaunlad ito ay maaaring magamit. Subali’t, pagkatapos nitong magamit sa loob ng isang tiyak na sakop ng panahon, at pagkatapos ay hindi na ginagamit, ito ay unti-unting babalik sa orihinal nitong anyo. Ito ay buod ng susunod na hakbang sa gawain ng Diyos. Ang panghinaharap na gawain ng Diyos ay magiging higit na masalimuot, dahil ito ay panahon upang uriin ang sari-saring uri ng mga tao. Sa dakong tagpuan ng katapusan, ito ay magiging isang magulong kalituhan, at ang tao ay mawawalan ng tiyak na pagtanaw. Gaya ng sinabi ng Diyos: “Ang mga tao ay mga nagsisiganap lahat na sumasabay sa grupo.” Gaya ng ang mga tao ay may kakayahang gumanap upang sumabay sa grupo, ginagamit ng Diyos ang kakulangang ito para sa susunod na hakbang sa Kanyang gawain, upang maaari Niyang magawa na baligtarin ng lahat ng tao ang kakulangang ito. Ang mga tao ay madaling mahikayat dahil wala silang tunay na tayog. Kung mayroon sila, sila ay magiging matataas na mga puno. Hinahangad ng Diyos na gamitin ang isang bahagi ng gawain ng masasamang espiritu upang perpektuhin ang isang bahagi ng tao, upang ang mga taong ito ay maaaring lubusang makakita sa kaloob-looban ng mga gawa ng mga demonyo, at tulutan ang bawa’t isa na maunawaan ang kanilang mga ninuno. Saka lamang maaaring ganap na makalaya ang mga tao, hindi lamang tinatalikdan ang pamana ng mga demonyo, nguni’t higit pa ang kanilang mga ninuno. Ito ang orihinal na hangarin ng ganap na paggapi ng Diyos sa malaking pulang dragon, upang gawin na lahat ng tao ay nakikilala ang tunay na anyo ng malaking pulang dragon, lubusang pinupunit ang maskara nito, at nakikita ang tunay nitong anyo. Ito ang ninanais ng Diyos na makamit, at ito ang Kanyang huling layunin sa lupa kung saan para dito ay nakágáwâ Siya ng napakalaking gawain; nilalayon Niyang tuparin ito sa lahat ng tao. Ito ay tinatawag na pagmamaniobra ng lahat ng mga bagay para sa layunin ng Diyos.

Malinaw ba kayo sa kung paano magagawa ang panghinaharap na gawain? Ang lahat ng ito ay dapat na maunawaan. Halimbawa: Bakit sinasabi ng Diyos na hindi kailanman inaasikaso ng mga tao ang kanilang mga tungkulin? Bakit Niya sinasabi na maraming mga tao ang nabigong tapusin ang gawaing-bahay na iniwan Niya sa kanila? Paano matutupad ang mga bagay na ito? Naisaalang-alang mo ba kahit kailan ang mga katanungang ito? Naging paksa na ba ang mga ito ng iyong pakikipagtalastasan? Para sa yugtong ito ng gawain, dapat maunawaan ng tao ang kasalukuyang mga hangarin ng Diyos. Sa sandaling iyan ay nakakamit, ang iba ay maaaring talakayin, tama bang lahat? Kung ano ang inaasam ng Diyos na makamit sa tao ay kailangang maipaliwanag nang hayagan, kung hindi wala itong paggagamitan. Hindi nila makakayang pumasok dito, at lalo nang malámáng na hindi nila ito makakamit; lahat ito ay pinagtatalunan. Nakasumpong ka ba ng isang landas ng pagsasagawa ng kasalukuyang sinasabi ng Diyos? Tinatanaw ng mga tao ang salita ng Diyos nang may damdamin ng takot. Hindi nila ito naaabot, at natatakot na magkasala sa Diyos. Ilan ba sa mga paraan ng pagkain at pag-inom na natútukoy ngayon ang kanilang nasumpungan? Karamihan ay hindi alam kung paano kumain; paano ba ito maaaring malutas? Naghanap ka ba ng paraan ng paggawa ng ganoon sa pagbigkas ngayon? Sa anong paraan mo sinubukang makipagtulungan? At sa sandaling natánggap ninyong lahat ang mga salita, sa pamamagitan ba ng anong paraan ninyo tinatalakay ang inyong mga impresyon? Hindi ba dapat gawin ng tao ito? Paano mo ba dapat ireseta ang tamang gamot? Kailangan mo pa rin ba ang tuwirang tinig ng Diyos? Ito ba ay kinakailangan? Paano ba ang mga suliraning ito ay mawawasak nang lubusan? Tingnan lamang kung tunay na nakakaya ninyong sumunod sa Banal na Espiritu sa gawa. Kung mayroong karampatang pagsunod, ang Banal na Espiritu ay gagawa ng dakilang gawain. Kung walang karampatang pagsunod nguni’t sa halip ay kalituhan, ang Banal na Espiritu ay hindi malalagay sa isang katayuan upang tumulong. “Kung kilala mo ang iyong kaaway at kilala ang iyong sarili, ikaw ay laging lalabas na mapagtagumpay.” Kung sino man ang orihinal na bumigkas ng mga salitang ito, ang mga iyon ay pinaka-akma sa inyo. Sa madaling sabi, dapat muna ninyong makilala ang inyong mga sarili bago ninyo maaaring makilala ang inyong mga kaaway, at sa huli ay makakaya ninyong pagtagumpayan ang bawa’t labánán. Lahat kayo ay dapat na makayang gawin ito. Kung anuman ang hinihingi sa iyo ng Diyos, kailangan mo lamang ibigay dito ang iyong lahat-lahat. Makaaasang nakakaya mong ipakita ang iyong katapatan sa Diyos sa harap Niya sa katapusan, at hangga’t nakikita mo ang nasisiyahang ngiti ng Diyos sa Kanyang trono, kung ito man ay ang oras ng iyong kamatayan, dapat mong makayang tumawa at ngumiti habang ipinipikit ang iyong mga mata. Dapat mong gawin ang iyong huling tungkulin sa Diyos sa loob ng iyong panahon sa lupa. Sa nakaraan, si Pedro ay ipinako sa krus nang pabaligtad para sa Diyos; subali’t, dapat mong bigyang-kasiyahan ang Diyos sa katapusan, at ubusin ang lahat ng iyong lakas para sa Diyos. Ano ang maaaring gawin ng isang nilalang para sa Diyos? Kaya dapat mong ibigay ang iyong sarili sa habag ng Diyos nang mas maaga sa halip na mas hulí. Hangga’t ang Diyos ay masaya at nasisiyahan, kung gayon ay hayaan Siyang gawin kung ano ang ninanais Niya. Ano ang karapatan na mayroon ang mga tao para dumaing?

Sinundan:Pakahulugan sa Ika-apatnapung Pagbigkas

Sumunod:Pakahulugan sa Ikaapatnapu’t-dalawang Pagbigkas

Baka Gusto Mo Rin