Karagdagan: Kabanata 2

Kapag namamasdan ng mga tao ang praktikal na Diyos, kapag personal silang namumuhay na kasama, at lumalakad nang kasabay, ang Diyos Mismo, isinasantabi nila ang pag-uusisang nasa puso na nila sa loob ng napakaraming taon. Ang kaalaman tungkol sa Diyos na binanggit noong una ay unang hakbang pa lamang; bagama’t may kaalaman ang mga tao tungkol sa Diyos, nananatili pa rin ang maraming patuloy na pagdududa sa kanilang puso: Saan nanggaling ang Diyos? Kumakain ba ang Diyos? Malaki ba ang kaibhan ng Diyos sa mga ordinaryong tao? Para sa Diyos, madali bang makitungo sa lahat ng tao, madali lamang gawin? Lahat ba ng nagmumula sa bibig ng Diyos ay mga hiwaga ng langit? Mas dakila ba ang lahat ng Kanyang sinasabi kaysa sa mga bagay na sinasabi ng lahat ng nilalang? Nagmumula ba sa mga mata ng Diyos ang liwanag? At iba pa—ito lamang ang kaya ng mga kuru-kuro ng mga tao. Ito ang mga bagay na dapat ninyong unawain at pasukin bago ang lahat ng iba pa. Sa mga kuru-kuro ng mga tao, malabong Diyos pa rin ang Diyos na nagkatawang-tao. Kung hindi sa pamamagitan ng praktikal na kaalaman, hindi Ako kailanman makakayang unawain ng mga tao, at hindi nila kailanman mamamasdan ang Aking mga gawa sa kanilang mga karanasan. Nagkatawang-tao lamang Ako kaya “hindi maintindihan” ng mga tao ang Aking kalooban. Kung Ako ay hindi nagkatawang-tao, at nasa langit pa rin, nasa espirituwal na dako pa rin, “makikilala” Ako ng mga tao; yuyukod sila at sasambahin nila Ako, at magsasalita tungkol sa kanilang “kaalaman” tungkol sa Akin sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan—ngunit ano ang magiging silbi ng gayong kaalaman? Ano ang magiging halaga nito bilang isang sanggunian? Totoo kaya ang kaalamang nagmumula sa mga kuru-kuro ng mga tao? Ayaw Ko sa kaalaman ng utak ng mga tao—nais Ko ng praktikal na kaalaman.

Inihahayag sa inyo ang Aking kalooban sa lahat ng oras, at sa lahat ng oras ay naroroon ang Aking pagpapalinaw at kaliwanagan. Kapag kumikilos Ako nang tuwiran sa pagka-Diyos, hindi ito sinasala sa pamamagitan ng utak, at hindi na kailangang dagdagan ng “pampalasa”—ito ay isang tuwirang gawa ng pagka-Diyos. Ano ang kakayahan ng mga tao? Hindi ba Ako ang nagsagawa ng lahat mula noong panahon ng paglikha hanggang ngayon? Noong araw, binanggit Ko ang Espiritu na pinatindi nang pitong beses, ngunit walang sinumang nakaunawa sa Kanyang diwa—kahit noong may kamalayan sila tungkol doon, hindi nila kayang ganap na umunawa. Kapag gumagawa Ako sa sangkatauhan sa pamamahala ng pagka-Diyos, dahil ang gawaing ito ay isinasakatuparan sa mga sitwasyon na pinaniniwalaan ng mga tao na hindi higit sa karaniwan kundi normal, tinutukoy itong gawain ng Banal na Espiritu. Kapag gumagawa Ako nang tuwiran sa pagka-Diyos, dahil hindi Ako napipigilan ng mga kuru-kuro ng mga tao, at dahil hindi Ako napapailalim sa mga limitasyon ng “higit sa karaniwan” ayon sa pag-iral nito sa kanilang mga kuru-kuro, may agarang epekto ang gawaing ito; tumutuloy ito sa pinakabuod ng usapin, at dumidiretso sa mismong paksa. Dahil dito, ang hakbang na ito ng gawain ay mas dalisay; mas mabilis nang dalawang beses, bumibilis ang pag-unawa ng mga tao at nadaragdagan ang Aking mga salita, na nagiging sanhi upang lahat ng tao ay magmadali upang makaabot. Dahil iba ang epekto, dahil ang paraan, ang katangian, at ang nilalaman ng Aking gawain ay hindi pare-pareho—at, bukod dito, dahil opisyal Kong sinimulang gumawa sa katawang-tao, dahil sa mga nabanggit, ang hakbang na ito ng gawain ay tinutukoy na “ang gawain ng Espiritu na pinatindi nang pitong beses.” Hindi ito isang bagay na mahirap unawain. Kasunod ng mga pagbabago sa paraan ng Aking paggawa sa inyo, at kasunod ng pagdating ng kaharian, ang Espiritu na pinatindi nang pitong beses ay nagsisimulang gumawa, at ang gawaing ito ay patuloy na lumalalim at tumitindi. Kapag namamasdan ng lahat ng tao ang Diyos at nakikita nilang lahat na ang Espiritu ng Diyos ay nasa piling ng tao, lumilinaw ang buong kabuluhan ng Aking pagkakatawang-tao. Hindi na kailangang magbuod—natural itong alam ng mga tao.

Kung isasaalang-alang ang maraming aspeto—ang mga pamamaraan kung saan Ako ay gumagawa, ang mga hakbang ng Aking gawain, ang tono ng Aking mga salita ngayon, at iba pa—ang lumalabas lamang mula sa Aking bibig ngayon ay “ang mga pagbigkas ng pitong Espiritu” sa tunay na kahulugan. Bagama’t nagsalita rin Ako noong araw, iyan ay sa yugto ng pagtatayo ng iglesia. Para itong paunang-salita at talaan ng mga nilalaman sa isang nobela—wala itong diwa; mga pagbigkas lamang ng ngayon ang matatawag na mga pagbigkas ng pitong Espiritu pagdating sa tunay na diwa ng mga ito. “Ang mga pagbigkas ng pitong Espiritu” ay tumutukoy sa mga pagbigkas na nagmumula sa luklukan, na ibig sabihin, binibigkas ang mga iyon nang tuwiran sa pagka-Diyos. Ang sandaling bumaling ang Aking mga pagbigkas sa paghahayag ng mga hiwaga ng langit ay ang sandaling nagsalita Ako nang tuwiran sa pagka-Diyos. Sa madaling salita, di-mapigilan ng pagiging tao, tuwiran Kong inihayag ang lahat ng hiwaga at sitwasyon ng espirituwal na dako. Bakit Ko sinasabi na Ako ay dating sumailalim sa mga limitasyon ng pagiging tao? Nangangailangan ito ng paliwanag. Sa mga mata ng mga tao, walang sinumang may kakayahang maghayag ng mga hiwaga ng langit; kung hindi dahil sa Diyos Mismo, walang sinuman sa lupa ang maaaring makaalam sa mga hiwagang ito. Sa gayon, tinutukoy Ko ang mga kuru-kuro ng mga tao at sinasabi na hindi Ko inihayag ang anumang mga hiwaga noong araw dahil sumailalim Ako sa mga limitasyon ng pagiging tao. Ang mas partikular, gayunman, hindi ito ang totoo: Ang nilalaman ng Aking mga salita ay nag-iiba kapag nag-iiba ang Aking gawain, at sa gayon, nang simulan Kong isagawa ang Aking ministeryo sa pagka-Diyos, naghayag Ako ng mga hiwaga; noong araw, kinailangan Kong gumawa sa mga sitwasyon na itinuring ng lahat ng tao na normal, at ang mga salitang Aking sinambit ay kayang makamit sa mga kuru-kuro ng mga tao. Nang magsimula Akong maghayag ng mga hiwaga, walang isa man sa mga ito ang kinayang matamo ng mga kuru-kuro ng mga tao—hindi tulad ang mga iyon ng pag-iisip ng tao. Kaya, opisyal Kong sinimulang bumaling sa pagsasalita sa pagka-Diyos, at ang mga ito ay mga pagbigkas ng pitong Espiritu sa tunay na kahulugan. Bagama’t ang mga salita noong araw ay mga pagbigkas mula sa luklukan, sinambit ang mga iyon ayon sa kung ano ang kayang makamit ng mga tao, at sa gayon ay hindi binigkas nang tuwiran sa pagka-Diyos—ang mga ito ay hindi mga pagbigkas ng pitong Espiritu sa tunay na kahulugan.

Sinundan: Kabanata 11

Sumunod: Kabanata 12

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito