Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Kabanata 111

Lahat ng bansa ay pagpapalain dahil sa Iyo; ipagbubunyi at pupurihin Ako ng lahat ng mga bayan dahil sa Iyo. Ang Aking kaharian ay lalaganap at uunlad, at mananatili magpakailanman. Walang sinumang papayagang yumurak dito at walang anumang papayagang umiral na hindi umaayon sa Akin, dahil Ako ang makahari at hindi nalalabag na Diyos Mismo. Hindi Ko hinahayaan ang sinuman na hatulan Ako at hindi Ko hinahayaan ang sinuman na hindi Ko makatugma. Ito ay sapat upang ipakita ang Aking disposisyon at Aking kamahalan. Kapag ang sinuman ay lumalaban sa Akin, Akin siyang parurusahan sa Aking sariling panahon. Bakit walang sinumang nakakita na sa Akin na pinarurusahan ang sinuman? Ito ay dahil lamang sa hindi pa dumarating ang Aking panahon at ang Aking kamay ay hindi pa talaga nakakakilos. Bagaman matitinding mga sakúnâ ang naibuhos na, nagpapakita lamang ito tungkol sa kung ano ang ibinubunga ng matitinding mga sakúnâ, habang ang katunayan ng matitinding mga sakúnâ ay hindi pa bumabagsak sa sinumang tao. Nakatarok na ba kayo ng anuman kahit kailan mula sa Aking mga salita? Aking sisimulang pawalan ang katunayan ng matitinding mga sakúnâ ngayon. Pagkatapos nito, sinupamang lumalaban sa Akin ay pababagsakin ng Aking kamay. Sa nakalipas kabubunyag Ko pa lamang ng ilang tao, at walang matinding sakúnâ ang dumating. Ngayon ay iba mula sa nakalipas. Yamang nasabi Ko na sa inyo ang lahat nang tungkol sa kung ano ang ibinubunga ng matitinding sakúnâ, sa isang itinakdang panahon Aking ibabalita sa publiko ang katunayan ng matitinding sakúnâ. Bago ito, walang sinumang naapektuhan na ng isang malaking sakúnâ, kaya karamihan sa mga tao (iyan ay, ang mga anak ng malaking pulang dragon) ay nagpatuloy na kumilos nang walang-ingat at kung ano ang maibigang gawin. Kapag ang katunayan ay dumating ang mga bagay na ito ay ganap na makukumbinsi. Kung hindi lahat ay magiging walang-katiyakan tungkol sa Akin, at walang sinumang magiging malinaw tungkol sa Akin. Ito ang Aking utos sa pangangasiwa. Mula rito ay makikita na ang Aking paraan ng paggawa (tumutukoy sa Aking paraan ng paggawa sa lahat ng tao) ay nagsimula nang mabago: Sa mga inápó ng malaking pulang dragon Aking ipinakikita ang Aking poot, Aking ipinakikita ang Aking paghatol at ang Aking sumpa, at nagsimula na ang Aking kamay na kastiguhin ang lahat ng lumalaban sa Akin. Sa mga panganay na anak-na-lalaki Aking ipinakikita ang Aking awa at Aking pagmamahal. Lalong higit pa sa mga panganay na anak-na-lalaki Aking ipinakikita ang Aking banal at di-nalalabag na disposisyon, Aking ipinakikita ang Aking awtoridad, at Aking ipinakikita ang Aking persona. Ang mga tagaserbisyo ay nakapirmi na upang maglingkod sa Akin, at ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki ay nakikilala nang nakikilala. Sa pamamagitan ng pagpapabagsak sa mga yaon na lumalaban sa Akin hinahayaan Ko ang mga tagaserbisyo na makita ang Aking walang-patawad na kamay upang sila ay maglingkod sa Akin nang may takot at panginginig, at Aking hinahayaan ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki na makita ang Aking awtoridad at maunawaan Ako nang mas maigi upang sila ay lumagô sa buhay. Ang mga salitang Aking binigkas sa huling panahon (kasama ang mga utos sa pangangasiwa, hula, at paghatol sa lahat ng uri ng mga tao) ay nagsisimulang matupad nang sunud-sunod, iyan ay, makikita ng mga tao na nagkakatotoo ang Aking mga salita sa harap ng kanilang mga mata, makikita na wala Akong salita na walang-bunga; lahat ay praktikal. Bago natutupad ang Aking mga salita maraming tao ang aalis dahil hindi na natupad ang mga iyon. Ito ang paraan ng Aking paggawa—hindi lamang ito tungkulin ng Aking bakal na pamalò, kundi ito lalong higit pa ay ang karunungan ng Aking mga salita. Mula rito, makikita ng isa ang Aking pagka-makapangyarihan-sa-lahat at makikita ang Aking pagkamuhi sa malaking pulang dragon. (Makikita lamang ito pagkatapos Kong simulan ang Aking gawain. Ngayon ang ilang tao ay ibinubunyag—ito ay maliit na bahagi lamang ng Aking pagkastigo, nguni’t hindi ito maaaring isama sa matitinding sakúnâ. Ito ay hindi mahirap maunawaan. Sa gayon ay makikita na mula ngayon ang Aking paraan ng paggawa ay magiging mas mahirap pa para sa mga tao na maunawaan. Ngayon ay sinasabi Ko sa inyo upang kayo ay hindi maging mahina dahil dito pagdating ng panahon. Ito ang ipinagkakatiwala Ko sa inyo dahil mangyayari ang mga bagay na hindi pa nakita ng mga tao simula pa sa sinaunang mga panahon, at gagawin nitong mahirap para sa mga tao na isantabi ang kanilang mga emosyon at kanilang sariling-pagkamatuwid.) Ang dahilan kung bakit gumagamit Ako ng iba’t-ibang paraan upang parusahan ang malaking pulang dragon ay dahil ito ay Aking kaaway at ito ay Aking katunggali. Dapat Kong wasakin ang lahat ng mga inápó nito—saka Ko lamang maaalis ang pagkamuhi sa Aking puso, at saka Ko lamang maipapahiya nang wasto ang malaking pulang dragon. Ito lamang ang ganap na pagwasak sa malaking pulang dragon at pagtatapon dito sa lawa ng apoy at asupre at sa walang-hanggang hukay.

Hindi lamang kahapon, kundi ngayon din, at higit na mahalaga, bukas, Aking hahayaan ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki na magharing kasama Ko at samahan Ako sa pangangasiwa sa lahat ng mga bansa at sa pagtatamasa ng mga pagpapala. Matagumpay Kong natapos ang Aking gawain—matagal Ko na itong sinasabi, at maaari ding masabi na nagsimula Akong magsalita nang gayon mula sa simula ng paglikha, nguni’t hindi nauunawaan ng mga tao ang Aking sinasabi. Mula sa paglikha hanggang ngayon hindi Ako personal na gumawa; sa madaling salita, ang Aking Espiritu ay hindi kailanman ganap na nakababâ na sa tao para magsalita at gumawa. Nguni’t ngayon ay iba sa nakalipas: ang Aking Espiritu ay gumagawa nang personal sa lahat ng dako ng mundo ng sansinukob. Dahil sa mga huling araw gusto Kong makamit ang isang pangkat ng mga tao na maghahari sa kapangyarihan kasama Ko, una Akong nagkamit ng isang tao na kaayon Ko, upang sa gayon ay maging mapagsaalang-alang sa Aking pasanin, at pagkatapos ang Aking Espiritu ay bababa nang ganap sa Kanya upang ipahayag ang Aking tinig at ilabas ang Aking mga utos sa pangangasiwa at ibunyag ang Aking mga hiwaga sa mundo ng sansinukob. Personal Siyang peperpektuhin ng Aking Espiritu; personal Siyang didisiplinahin ng Aking Espiritu. Dahil nabubuhay Siya sa normal na pagkatao, walang sinuman ang nakakakita nang malinaw. Kapag ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki ay pumasok sa katawan magiging lubusang malinaw kung ang Aking ginagawa ngayon ay katunayan. Sabihin pa, sa mga mata ng tao, sa pagkaintindi ng tao, walang sinumang naniniwala at walang sinuman ang magiging masunurin. Nguni’t ito ang pagpaparaya Ko sa mga tao. Dahil ang katunayan ay hindi pa nakakarating, samakatuwid hindi makakapaniwala ang mga tao at hindi makakaunawa. Hindi pa nagkaroon kailanman ng sinuman na maniniwala sa Aking mga salita sa kanilang pantaong pagkaintindi. Ang mga tao ay ganitong lahat: Alinman ng sila ay naniniwala lamang sa kung ano ang sinasabi ng Aking sariling katawang-tao, o naniniwala lamang sa tinig ng Aking Espiritu. Ito ang pinakamahirap na bagay na pakitunguhan sa mga tao. Kung hindi pa sila nakakita ng isang bagay na nangyayari gamit ang kanilang sariling mga mata, walang sinumang makakabitaw sa kanilang sariling mga pagkaintindi, at walang sinumang makakapaniwala sa Aking sinasabi, kaya ginagamit Ko ang Aking mga utos sa pangangasiwa para parusahan yaong mga anak ng pagsuway.

Nasabi Ko na ang gayong mga bagay dati: Ako ang Una at ang Huli, at Ako rin ay mula sa simula hanggang katapusan ang nasusunod sa lahat. Sa mga huling araw, kakamtin Ko ang 144,000 matagumpay na mga batang lalaki. Nauunawaan ninyo nang kaunti ang tungkol dito sa mga salitang “matagumpay na mga batang lalaki”, nguni’t hindi kayo malinaw tungkol sa 144,000. Sa pagkaintindi ng tao ang isang bilang ay dapat na tumukoy sa isang bilang ng mga tao o sa isang bilang ng mga bagay. Para sa 144,000 na[a] naglalarawan sa “matagumpay na mga batang lalaki” sa “144,000 na matagumpay na mga batang lalaki,” iniisip din ng mga tao na mayroong 144,000 ng matagumpay na mga batang lalaki. At higit pa rito ilang tao ang nag-iisip na ito ay isang paunang-itinalagang bilang, at kanilang ipinaliliwanag ang 140,000 at ang 4,000 nang magkahiwalay. Nguni’t ang dalawang pagpapaliwanag na ito ay mali. Hindi ito tumutukoy sa isang tunay na bilang, at lalong higit pa, hindi ito tumutukoy sa isang paunang-itinalagang bilang. Sa mga tao, walang sinuman na nakakapasok dito—ang mga tao ng nakaraang mga henerasyon ay nag-isip lahat na maaring ito ay isang paunang-itinakdang bilang. Ang isandaa’t apatnapu’t apat na libo ay iniuugnay sa matagumpay na mga batang lalaki. Sa gayon, ang 144,000 ay tumutukoy sa pangkat ng mga tao sa mga huling araw na maghahari, at siyang Aking minamahal. Iyan ay, ang 144,000 ay pinapakahulugan bilang ang pangkat ng mga tao na dumating mula Sion at babalik sa Sion. Ang kumpletong paliwanag sa 144,000 matagumpay na mga batang lalaki ay ang sumusunod: Sila ang mga tao na nagmula sa Sion patungo sa mundo at pinásámâ ni Satanas, at na sa huli ay Aking mababawi at babalik sa Sion kasama Ko. Mula sa Aking mga salita nakikita ng isa ang mga hakbang ng Aking gawain, ibig sabihin na hindi ito isang malayong bagay na kayo ay papasok sa katawan. Kaya Aking paulit-ulit na ipinaliwanag at pinaalalahanan kayo kaugnay dito. Inyong makikita nang malinaw, at mula sa Aking mga salita inyong masusumpungan ang daan ng pagsasagawa; mula sa Aking mga salita inyong matutuklasan ang tulin ng Aking gawain. Para matuklasan ang tulin ng gawain ng Banal na Espiritu, dapat ninyong matalos ito mula sa mga hiwagang Aking ibinubunyag (dahil walang sinuman ang makakakita at walang sinuman ang makakapasok sa gawain ng Banal na Espiritu). Iyan ang kung bakit Aking ibinubunyag ang mga hiwaga sa mga huling araw.

Sa Aking tahanan hindi magkakaroon ng anuman na hindi umaayon sa Akin, at mula ngayon Ako ay magsisimulang mag-alis at maglinis, unti-unti. Sa gitna ng mga tao, walang sinuman ang makakapakialam, at walang sinuman ang makakagawa ng gawaing ito. Ibinubunyag nito kung bakit Ako ay gumagawa nang personal sa mga huling araw. At ito ang kung bakit nasabi Ko na sa inyo nang maraming ulit na kailangan lamang ninyong masiyahan ang inyong mga sarili at hindi kailangang igalaw kahit isang daliri. Sa pamamagitan nito ang Aking kapangyarihan ay ibinubunyag, ang Aking pagkamatuwid at kamahalan ay ibinubunyag, at lahat ng Aking mga hiwaga na hindi mabubuksan ng mga tao ay ibinubunyag. (Dahil ang mga tao ay hindi pa kailanman nagkaroon ng anumang kaalaman tungkol sa Aking planong pamamahala o anumang pagkaunawa sa mga hakbang ng Aking gawain, ang mga iyon ay tinatawag na “mga hiwaga.”) Ang Aking tatamuhin at ang Aking gagawin sa mga huling araw ay mga hiwaga. Simula nang bago Ko nilikha ang mundo hindi pa Ako nakagawa kahit kailan ng ginagawa Ko ngayon at hindi Ko pa kailanman naipakita sa mga tao ang Aking maluwalhating mukha o anumang bahagi ng Aking persona, kundi ang Aking Espiritu lamang ang nakagawa na sa ilang tao. (Dahil simula sa paglikha walang sinuman ang nakayang ipamalas Ako at walang sinuman ang nakayang ipahayag Ako, hindi Ko kailanman hinayaan ang mga tao na makita ang Aking persona, at ang Aking Espiritu ay nakagawa na sa ilang mga tao.) Ngayon Ko lamang naibunyag na ang Aking maluwalhating larawan at ang Aking persona sa mga tao, at ngayon lamang nila nakita na ang mga iyon. Nguni’t ang nakikita ninyo ngayon ay hindi pa rin buo, at hindi pa rin ito ang gusto Kong makita ninyo. Ang gusto Kong makita ninyo ay nasa katawan lamang, at sa sandaling ito wala pa ring sinuman ang nakakatagpo sa kundisyong ito. Sa madaling salita, walang sinuman ang makakakita sa Aking persona bago sila pumasok sa katawan. Samakatuwid Aking sinasabi na Aking ibubunyag ang Aking persona sa mundo ng sansinukob sa Bundok Sion. Mula rito ay makikita na ang pagpasok sa Bundok Sion ang huling bahagi ng Aking proyekto. Sa sandali ng pagpasok sa Bundok Sion, ang Aking kaharian ay matagumpay na itatayo. Sa madaling salita, ang Aking persona ay ang kaharian. Ang sandali kung kailan ang mga panganay na anak-na-lalaki ay papasok tungo sa katawan ay tiyakang ang sandali kung kailan ang kaharian ay magkakatotoo, kaya paulit-ulit Akong nagsasalita tungkol sa pangyayari ng pagpasok ng mga panganay na anak-na-lalaki tungo sa Bundok Sion. Ito ang sentrong punto ng Aking buong planong pamamahala, na walang sinuman ang nakatarok na kahit kailan noong una.

Sa sandaling binabago Ko ang Aking paraan ng paggawa magkakaroon pa ng higit na maraming bagay na lampas sa naaabot ng isip ng tao, kaya mag-ingat kaugnay dito. May mga bagay na lampas sa naaabot ng isip ng tao, nguni’t hindi ito nangangahulugan na ang Aking sinasabi ay mali. Ito lamang ay yaong mas kailangan pa ng mga tao na magdusa, at mas kailangan pa para sa mga tao na makipagtulungan sa Akin. Huwag maging walang-patumanggang di-masupil o basta sundin ang inyong sariling mga pagkaintindi. Para sa karamihan ng mga naglilingkod sa Akin natitisod kaugnay dito. Aking ginagamit ang Aking mga salita para ilantad ang kalikasan ng tao at para ibunyag ang mga pagkaintindi ng tao. (Nguni’t yaong naglilingkod sa Akin, dahil hindi Ko napalitan na ang kanilang mga pagkaintindi, basta natitisod kayo, samantalang Aking nabago na ang mga pagkaintindi ng Aking mga panganay na anak-na-lalaki at naalis na ang kanilang pag-iisip sa pamamagitan nito.) Kaya sa katapusan, ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki ay peperpektuhing lahat dahil sa mga hiwagang Aking naibunyag na.

Mga Talababa:

a. Ang orihinal na teksto ay nababasang “Para doon na.”

Sinundan:Kabanata 110

Sumunod:Kabanata 112

Baka Gusto Mo Rin