Kabanata 40

Bakit napakahina ng utak ninyo? Bakit napakamanhid ninyo? Hindi pa kayo nagising ng ilan nang paalala, at ito ay lubhang nakakabagabag sa Akin. Tunay na hindi Ko matiis na makita ang Aking mga anak na ganito. Paano ito mababata ng Aking puso? A! Kailangan Ko kayong turuan sa pamamagitan ng Aking sariling kamay. Ang Aking paglakad ay patuloy na bumibilis. Aking mga anak! Magmadali kayong bumangon at makipagtulungan sa Akin. Sinong taos na gumugugol ng kanilang mga sarili para sa Akin sa kasalukuyan? Sinong may kakayahang lubos na ihandog ang kanilang mga sarili nang wala ni katiting na pagrereklamo? Kayo ay laging masyadong manhid at mapurol ang isip! Ilan ang may kakayahang magsaalang-alang sa Aking damdamin, at sinong tunay na makauunawa sa Espiritu ng Aking mga salita? Ang tanging magagawa Ko ay ang sabik na maghintay at umasa; dahil nakikita Kong ang inyong bawat pagkilos ay hindi makapagbibigay-kasiyahan sa Aking puso, ano ang Aking masasabi? Aking mga anak! Ang lahat ng ginagawa ngayon ng inyong Ama ay para sa Kanyang mga anak. Bakit hindi maunawaan kahit kailan ng Aking mga anak ang Aking puso, at bakit ang Aking mga anak ay palaging pinag-aalala Ako, ang inyong Ama? Kailan lalago ang Aking mga anak, hindi Ako bibigyan ng alalahanin, at hahayaan Ako na hindi mabahala sa kanila? Kailan magagawa ng Aking mga anak na makapamuhay nang nagsasarili, makatayo, at mapagaan ang mga pasanin sa balikat ng kanilang Ama? Tahimik na lamang Akong lumuluha para sa Aking mga anak, at Aking ibinubuhos ang lahat para sa kaganapan ng plano ng pamamahala ng Diyos at upang iligtas ang Aking mga anak, ang Aking mga minamahal. Wala na Akong ibang pagpipilian pa.

Naganap na ang Aking mga pangako at namamalas na sa harap ninyo. Bakit hindi ninyo magawang isaalang-alang ang Aking puso? Bakit? Bakit? Magpahanggang ngayon, binilang mo na ba: Ilang bagay ang iyong ginawa na nagbigay-kasiyahan sa Aking puso, at ilang bagay ang iyong ginawa na nagpalusog at nagpakain sa iglesia? Maingat mo itong bulay-bulayin; huwag maging pabaya. Huwag mong bitawan ni isang butil ng katotohanan. Hindi ka puwedeng magtuon lamang sa panlabas na anyo at ipagwalang-bahala ang diwa. Sa lahat ng oras, dapat mong suriin kung ang bawat salita at kilos mo at ang bawat galaw mo ay dumaan sa paghatol sa harap ng luklukan ni Cristo, at kung ikaw ay nagbago na tungo sa larawan ng isang bagong tao—hindi sa panggagaya, kundi mula sa kaibuturan gamit ang pagpapahayag ng buhay. Huwag antalahin ang iyong buhay upang maiwasan ang pagdanas ng mga kawalan. Magmadaling lunasan ang sitwasyong ito, bigyang-kasiyahan ang Aking puso, at isaisip ang mga prinsipyo ng pag-asal: Gawin ang mga bagay-bagay nang may pagiging matuwid at pagiging tama, at bigyang-kasiyahan ang Aking puso. Huwag kang maging walang ingat. Kaya mo ba itong tandaan?

Sinundan: Kabanata 39

Sumunod: Kabanata 41

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito