Mga Aklat
-
Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos
Ang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw, na nagpakita upang gawin ang Kanyang gawain, ay ipinahahayag ang lahat ng katotohanang nagdadalisay at nagliligtas sa sangkatauhan, at lahat ng mga ito ay kasama sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Naisakatuparan nito ang nakasulat sa Biblia: “Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Diyos, at ang Verbo ay Diyos” (Juan 1:1). Para sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, ito ang unang pagkakataon mula noong paglikha ng mundo na nangusap ang Diyos sa buong sangkatauhan. Ang mga pagbigkas na ito ang bumubuo sa unang tekstong ipinahayag ng Diyos sa sangkatauhan kung saan inilalantad Niya ang mga tao, ginagabayan sila, hinahatulan sila, at nagsasalita Siya nang tapatan sa kanila at ito rin ang unang mga pagbigkas kung saan ipinaaalam ng Diyos sa mga tao ang Kanyang mga yapak, ang lugar na Kanyang pinaghihimlayan, ang disposisyon ng Diyos, kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, ang mga kaisipan ng Diyos, at ang Kanyang pag-aalala sa sangkatauhan. Masasabi na ito ang mga unang pagbigkas na sinambit ng Diyos sa sangkatauhan mula sa ikatlong langit simula noong paglikha, at ang unang pagkakataon na nagamit ng Diyos ang Kanyang likas na pagkakakilanlan upang magpakita at ipahayag ang tinig ng Kanyang puso sa sangkatauhan sa gitna ng mga salita. Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao (pinaikli bilang Ang Salita), na ipinahayag ni Cristo ng mga Huling Araw, ang Makapangyarihang Diyos, ay kasalukuyang binubuo ng anim na volume: Ang Unang Volume, Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos; ang Ikalawang Volume, Ukol sa Pagkakilala sa Diyos; ang Ikatlong Volume, Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw; ang Ikaapat na Volume, Paglalantad sa mga Anticristo; ang Ikalimang Volume, Ang mga Responsibilidad ng mga Lider at Manggagawa; at ang Ikaanim na Volume, Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. -
Ukol sa Pagkakilala sa Diyos
Ukol sa Pagkakilala sa Diyos, ang ikalawang volume ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ay naglalaman ng mga pahayag ni Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, para sa buong sangkatauhan na kasunod ng mga nasa Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ipinaliwanag ng Diyos ang tungkol sa gayong iba’t ibang katotohanan bilang gawaing Kanyang ginawa mula nang likhain ang mundo, napapaloob dito ang Kanyang kalooban at Kanyang mga inaasahan sa sangkatauhan, at ang pagbuhos ng lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos mula sa Kanyang gawain, gayundin ang Kanyang pagiging matuwid, Kanyang awtoridad, Kanyang kabanalan, at ang katunayan na Siya ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay. Matapos basahin ang aklat na ito, makukumpirma ng mga tunay na nananalig sa Diyos na ang nakakagawa ng gawaing ito at nakakapagbunyag ng mga disposisyong ito ay Siya na may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay, at tunay rin nilang malalaman ang pagkakakilanlan ng Diyos, ang Kanyang katayuan, at ang Kanyang diwa, sa gayon ay makukumpirma na si Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, ay ang Diyos Mismo, ang natatangi. -
Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw
Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw ay ang ikatlong volume ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos. Ang unang bahagi ng aklat ay binubuo ng mga sermon at pagbabahagi na ibinigay ng Makapangyarihang Diyos sa kongregasyon, ang ikalawang bahagi ay naglalaman ng mga diskurso ng Makapangyarihang Diyos sa mga lider at manggagawa, at ang ikatlong bahagi ay binubuo ng pagbabahagi ng Makapangyarihang Diyos sa isang bahagi ng mga taong hinirang Niya. Tinatalakay ng mga sermon at pagbabahaging ito ang mga problemang umiiral sa iglesia, gayundin ang mga praktikal na paghihirap sa pagpasok sa buhay ng mga hinirang ng Diyos. Hindi lamang itinuturo ng mga ito ang mga diwa at kasalukuyang sitwasyon ng mga tao, kundi tinatanglawan din ng mga ito para sa mga tao ang mga mithiing dapat nilang hangarin. Lubhang kapaki-pakinabang ang mga ito para sa pag-unawa ng mga tao sa katotohanan at pagtamo nila ng pagpasok sa buhay. -
Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan
Ang Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan ang ikaanim na volume ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Nilalaman ng aklat na ito ang espesyal na pagbabahagi at pangangaral ng Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw, sa mga iglesia. Malinaw at klarong ipinapaliwanag ng mga sermon at pagbabahagi na ito kung ano ang kahulugan ng paghahangad sa katotohanan, at kung ano ang kabuluhan ng paghahangad sa katotohanan, na inihahayag ang iba’t ibang maling paniniwala at baluktot na pagkaunawa ng tao tungkol sa paghahangad sa katotohanan, gayundin ang iba’t ibang maling saloobin at pananaw, at mga negatibong emosyon ng tao, habang sinusuri at tinutukoy rin ang mga ito. Dagdag pa, itinuturo ng mga sermon at pagbabahaging ito sa tao ang mga landas ng paghahangad sa katotohanan at pagpasok sa realidad. Lubhang mahalaga ang mga katotohanang ito para matamo ng mga taong naghahangad sa katotohanan ang kaligtasan. -
Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos
Ang mga seleksyon sa aklat na ito ay pawang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos para sa Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, na pangunahing hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga ito ay mga katotohanang kailangang matamo agad ng bawat taong naghahanap at nagsisiyasat sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ang mga pagpapahayag ng Diyos na nasa aklat na ito ay ang sinasabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesia ayon sa ipinropesiya sa Aklat ng Pahayag. Ang kasalukuyang mga salita ng Diyos ang pinakamagandang patotoo sa Kanyang pagpapakita at gawain, at ang pinakamaganda ring patotoo sa katunayan na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Nilalayon ng aklat na ito na bigyang-kakayahan ang lahat ng nananabik sa pagpapakita ng Diyos na marinig ang Kanyang tinig sa lalong madaling panahon. Nawa ay mabasa ng lahat ng naghihintay sa pagdating ng Panginoon at nag-aasam sa pagpapakita at gawain ng Diyos ang aklat na ito. -
Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw
Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga sipi mula sa mahahalagang salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw, sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Ang mahahalagang salitang ito ay direktang nagpapaliwanag sa katotohanan, at maaaring direktang magbigay ng kakayahan sa mga tao na maunawaan ang kalooban ng Diyos, malaman ang Kanyang gawain, at magtamo ng kaalaman tungkol sa Kanyang disposisyon at kung ano ang mayroon Siya at ano Siya. Isang gabay ang mga ito para sa lahat ng nananabik sa pagpapakita ng Diyos upang mahanap ang Kanyang mga yapak. Maaakay ka ng mga ito na matagpuan ang pasukan sa kaharian ng langit. -
Araw-araw na mga Salita ng Diyos
Tampok sa aklat na ito ang mga piniling sipi mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Para makamit ng mga taong hinirang ng Diyos ang katotohanan at pang-araw-araw na panustos sa buhay mula sa Kanyang mga salita, ang mahahalagang salitang ito ng Makapangyarihang Diyos, na lubhang nagpapatibay sa pagpasok ng mga tao sa buhay, ay sadyang pinili para sa kasiyahan ng mga tao, sa gayon ay tinutulutan ang mga nagmamahal sa katotohanan na maunawaan ito, mabuhay sa harap ng Diyos, at maligtas at magawang perpekto ng Diyos. Ang mahahalagang salitang ito ng Diyos ay mga pagpapahayag ng katotohanan; bukod pa riyan, ang mga ito ang pinakamahalaga sa lahat ng salawikain sa buhay, at walang mga salitang mas nagpapatibay at nakakabuti sa mga tao. Kung tunay kang nasisiyahan sa isang sipi ng mga salitang ito bawat araw, ito ang iyong pinakamalaking kayamanan, at pinagpala ka ng Diyos. -
Mga Pagpipiliang mga Salita ng Makapangyarihang Diyos
Ang mga seleksyon mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa Kanyang gawain ay kasama sa aklat na ito, at nagpapatotoo sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian. Ipinauunawa ng mga ito sa lahat ng nasasabik sa pagpapakita ng Diyos na matagal nang nagbalik ang Panginoong Jesus na sakay ng mga puting ulap, at na Siya ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw—ang Corderong ipinropesiya sa Aklat ng Pahayag na nagbukas ng scroll at sumira sa pitong tatak. -
Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian
Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga tinipon na katanungan at kuru-kuro na karaniwan sa mga taong naghahanap at nagsisiyasat sa tunay na daan, na binibigyan nito ng solusyon na may kalakip na mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Malaking pakinabang sa mga tao ang mga katanungan at sagot na ito upang maunawaan ang katotohanan at siyasatin ang tunay na daan, at napakahalaga ring sanggunian ang mga ito para sa mga hinirang na tao ng Diyos habang ipinapalaganap nila ang Kanyang mga salita at pinatototohanan ang Kanyang gawain. Dinirinig ng mga tupa ng Diyos ang Kanyang tinig, at kung matuklasan nila ang katotohanan at makilala na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang tinig ng Diyos matapos mabasa ang aklat na ito, kung magkagayon, sila ang matatalinong dalaga na sumalubong sa Panginoon. -
Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Ang aklat na ito ng mga himno ay nahahati sa dalawang pangunahing bahagi: Ang una ay kinabibilangan ng mga himno ng mga salita ng Diyos, na binubuo ng mahahalagang pahayag mula sa Makapangyarihang Diyos, at ang pangalawa ay kinabibilangan ng mga himno ng buhay-iglesia, na aktuwal na mga patotoong ibinigay ng mga hinirang ng Diyos matapos magdaan sa Kanyang gawain ng paghatol at mga paghihirap at pagdurusa habang sinusundan Siya. Ang mga himnong ito ay malaking pakinabang sa mga tao sa pagsasagawa ng kanilang mga espirituwal na debosyon, higit na paglapit sa Diyos, pagninilay sa Kanyang mga salita, at pag-unawa sa katotohanan. Mas malaki pa nga ang pakinabang nito sa mga taong nagdaranas ng mga salita ng Diyos at pumapasok sa realidad ng mga salita ng Diyos. -
Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos
Ang aklat na ito ay isang pagtitipon ng mga mapangitaing katotohanang tulad ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos, Kanyang mga pangalan, hiwaga ng Kanyang pagkakatawang-tao, at kung paano makakatukoy sa pagitan ng tunay na daan at ng mga maling daan. Maaari itong basahin at gamitin ng mga taong kailan lamang natanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, upang maunawaan nila ang mga mapangitaing katotohanan ng gawain ng Diyos at makapaglatag sila ng mga pundasyon nang mabilis hangga’t maaari sa tunay na daan. -
Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos
Makikilala ng matatalinong dalaga ang tinig ng Diyos at makikita ang Kanyang pagpapakita mula sa Kanyang mga pahayag, at sasalubungin ang pagbalik ng Panginoon. Ang aklat na ito ay isang koleksyon ng mga katotohanang may kaugnayan sa pagkakatawang-tao ng Diyos at sa Kanyang tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas. Ang mga katotohanang ito ay nagpapatotoo sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw: Ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, at ipinahayag na Niya ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng “paghatol simula sa bahay ng Diyos” sa mga huling araw, sa gayon ay inaakay ang sangkatauhan na bumalik sa luklukan ng Diyos. -
Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian
Ang aklat na ito ay humahango ng mga sipi mula sa mga iskrip ng pelikula ng mahahalagang tanong at sagot na may kaugnayan sa katotohanan. Ang mahahalagang sagot na ito ay binubuo ng mga karanasan at pagkaunawa ng mga hinirang ng Diyos sa katotohanan ng Kanyang mga salita, at nagmumula sa kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu. Hindi lamang malulutas ng aklat na ito ang anumang mga isyu at palagay ng mga naghahanap sa katotohanan at nagsisiyasat sa tunay na daan, kundi isa rin itong kahanga-hangang sanggunian na magagamit ng mga hinirang ng Diyos upang masangkapan ang kanilang sarili ng katotohanan at magpatotoo sa gawain ng Diyos. -
Mga Patotoo ng mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo Volume I
Nagsimula na ang paghatol sa harap ng malaking puting luklukan sa mga huling araw! Ipinahayag na ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, ang katotohanan upang isagawa ang Kanyang gawain ng paghatol at paglilinis sa sangkatauhan. Sa pamamagitan ng mga paghahayag at paghatol ng mga salita ng Diyos, unti-unting natatanto ng Kanyang mga hinirang ang katunayan ng kanilang napakasamang katiwalian at naghahanap ng landas para matakasan ang impluwensya ni Satanas at magtamo ng kaligtasan, at unti-unting nakakakita ng pagbabago sa kanilang mga disposisyon sa buhay. Ang mga aktuwal na karanasang ito ay nagpapatotoo na ang gawain ng paghatol na isinasagawa ng Makapangyarihang Diyos ay ang gawain ng lubusang pagdadalisay at pagliligtas sa sangkatauhan. -
Mga Patotoo ng mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo Volume II
Nagsimula na ang paghatol sa harap ng malaking puting luklukan sa mga huling araw! Ipinahayag na ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, ang katotohanan upang isagawa ang Kanyang gawain ng paghatol at paglilinis sa sangkatauhan. Sa pamamagitan ng mga paghahayag at paghatol ng mga salita ng Diyos, unti-unting natatanto ng Kanyang mga hinirang ang katunayan ng kanilang napakasamang katiwalian at naghahanap ng landas para matakasan ang impluwensya ni Satanas at magtamo ng kaligtasan, at unti-unting nakakakita ng pagbabago sa kanilang mga disposisyon sa buhay. Ang mga aktuwal na karanasang ito ay nagpapatotoo na ang gawain ng paghatol na isinasagawa ng Makapangyarihang Diyos ay ang gawain ng lubusang pagdadalisay at pagliligtas sa sangkatauhan. -
Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos
Bawat taong naniniwala sa Diyos ay may isang espesyal na kuwento tungkol sa personal na paglalakbay ng pagbabalik sa Kanya. Ibinabahagi ng aklat na ito ang aktuwal na mga karanasan ng mga hinirang ng Diyos sa pagtanggap ng patnubay mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, pagiging tiyak tungkol sa tunay na daan, at pagbalik sa harap ng Kanyang luklukan. Ang ilan ay nakalaya mula sa mga tanikala at kahigpitan ng kanilang mga relihiyosong palagay, ang ilan ay natakasan ang paggambala at pag-uusig ng mga puwersa ng mga anticristo sa mga relihiyon at ng masasamang puwersa ng Chinese Communist Party, at ang iba pa ay nagkamit ng paghiwatig hinggil sa masasamang kalakaran ng mundo. Sa huli, nagsibalik silang lahat sa harap ng Diyos.