Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Awit ng Kaharian

Ipinagbubunyi Ako ng mga tao, pinupuri Ako ng mga tao; lahat ng bibig ay tinatawag ang nag-iisang totoong Diyos, lahat ng tao ay tumitingala upang mamasdan ang Aking mga gawa. Ang kaharian ay bumababa sa mundo, ang Aking persona ay mayaman at masagana. Sino’ng hindi magdiriwang para dito? Sino’ng hindi sasayaw nang may galak para dito? O, Sion! Itaas ang iyong matagumpay na bandila upang ipagdiwang Ako! Awitin ang iyong mapagwaging awit ng tagumpay at ipalaganap ang Aking banal na pangalan! Lahat ng bagay sa lupa! Ngayon linisin ang inyong mga sarili bilang alay sa Akin! Mga bituin sa langit! Ngayon bumalik sa inyong mga lugar at ipakita ang Aking kadakilaan sa kalangitan! Nililingap Ko ang mga tinig ng mga tao sa lupa, ibinubuhos ang walang-hanggang pag-ibig at paggalang para sa Akin sa awit! Sa araw na ito, habang ang lahat ng bagay ay nananariwa, dumarating Ako para maglakad sa lupa. Sa sandaling ito, namumukadkad ang mga bulaklak, umaawit ang mga ibon, lahat ng bagay ay puno ng kagalakan! Sa tunog ng pagpupugay ng kaharian, gumuguho ang kaharian ni Satanas, nawasak sa umaalingawngaw na koro ng awit ng kaharian. At hindi na ito kailanman babangong muli!

Sino sa lupa ang nangangahas na mag-alsa at lumaban? Habang bumababa Ako sa lupa nagdadala Ako ng pagsunog, nagdadala ng poot, nagdadala ng lahat ng sakúnâ. Ang mga kaharian sa lupa ay kaharian Ko na ngayon! Sa itaas sa himpapawid, gumugulong at umaalon ang mga ulap; sa ilalim ng himpapawid, ang mga lawa at mga ilog ay rumaragasa at humahalimbukay ng isang nakaaantig na himig. Naglalabasan ang nagpapahingang mga hayop sa kanilang mga lungga, at ginigising Ko ang lahat ng taong natutulog. Ang araw na pinakahihintay ng lahat ng tao ay nakarating na sa wakas! Nag-aalay sila ng pinaka-magagandang awit sa Akin!

Sa magandang sandaling ito, sa kapanapanabik na panahong ito,

Ang kalangitan sa itaas at lahat ng nasa ilalim ng langit ay nagpupuri ngayon. Sino ang hindi mananabik para dito?

Sino ang hindi magbubunyi para dito? Sino ang hindi mapapaiyak sa pagkakataong ito?

Ang himpapawid ay hindi na ang dating himpapawid, ngayon ito’y himpapawid na ng kaharian.

Ang lupa ay hindi na ang dating lupa, kundi ngayon ay lupang banal na.

Pagkalipas ng isang malakas na ulan, ang maruming lumang mundo ay lubusang binabago.

Nagbabago ang kabundukan … nagbabago ang katubigan …

Nagbabago rin ang mga tao … nagbabago ang lahat ng bagay …

Tahimik na mga bundok! Sumayaw para sa Akin!

Di-umaagos na mga katubigan! Malayang umagos!

Natutulog na mga tao! Bumangon sa inyong mga pagtataguyod!

Nakarating na Ako … at naghahari Ako …

Makikita ng lahat ng kanilang sariling mga mata ang Aking mukha, maririnig ng lahat ng kanilang sariling mga tainga ang Aking tinig,

Mararanasan sa kanilang mga sarili ang buhay sa kaharian …

Napakatamis… Napakaganda …

Di-malilimutan … Di-malilimutan …

Sa pagsusunog ng Aking poot, nagpupumiglas ang malaking pulang dragon;

Sa Aking makaharing paghatol, ipinakikita ng mga diyablo ang tunay na anyo ng mga ito;

Sa Aking mahihigpit na mga salita, lahat ay nahihiya,

Hindi nangangahas ipakita ang kanilang mga mukha.

Ginugunita ang nakaraan, paano nila Ako kinutya,

Laging ipinagmamarangya ang kanilang mga sarili, lagi Akong sinasalungat.

Ngayon, sino ang hindi iiyak? Sino ang walang nadaramang taos na pagsisisi?

Puno ng mga luha ang buong mundo ng sansinukob …

Puno ng mga tunog ng pagsasaya … puno ng tawanan …

Walang-katulad na galak … Walang-katulad na galak …

Tumatagiktik ang mahinang ulan … pumapagaspas pababa ang makapal na niyebe …

Pinaghahalo ng mga tao ang lungkot at ligaya … tumatawa ang ilan …

Humihikbi ang ilan … at nagbubunyi ang ilan …

Para bang nakakalimutan ng mga tao … kung ito’y isang tagsibol na makulimlim at maulan,

Isang tag-araw ng namumukadkad na mga bulaklak, isang taglagas ng masaganang ani,

Isang taglamig na singlamig ng yelo at nagyelong hamog, walang nakakaalam …

Tinatangay ang mga ulap sa himpapawid, karagata’y nagngangalit sa lupa.

Ikinakaway ng mga anak-na-lalaki ang kanilang bisig… iginagalaw ng mga tao ang kanilang mga paa sa sayaw…

Nasa paggawa ang mga anghel … nagpapastol ang mga anghel …

Abalang-abala ang mga tao sa lupa, nagpaparami ang lahat sa lupa.

Sinundan:Ang Ikasampung Pagbigkas

Sumunod:Ang Ikalabing-isang Pagbigkas

Baka Gusto Mo Rin