Ang Landas … 4

Na nakakaya ng mga taong matuklasan ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos, mahanap ang daan ng pag-ibig sa Diyos sa kapanahunang ito, at na handa silang tanggapin ang pagsasanay ng kaharian ngayon—lahat ng ito ay biyaya ng Diyos, at higit pa rito, ito ang pagtataas Niya sa sangkatauhan. Kapag iniisip Ko ito, nadarama Ko nang matindi ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Tunay na minamahal tayo ng Diyos; kung hindi, sino ang makatutuklas sa Kanyang pagiging kaibig-ibig? Sa gayon Ko lang nakikita na ang lahat ng gawaing ito ay personal na ginagawa ng Diyos Mismo, at ang mga tao ay ginagabayan at pinapatnubayan ng Diyos. Nagpapasalamat Ako sa Diyos para rito, at nais Kong samahan Ako ng Aking mga kapatirang lalaki at babae sa pagpupuri sa Diyos: “Lahat ng kaluwalhatian ay suma-Iyo, ang pinakamataas na Diyos Mismo! Nawa ang Iyong kaluwalhatian ay sumagana at mabunyag sa mga kasama naming napili at nakamit Mo.” Binigyang-liwanag Ako ng Diyos: Ipinakita Niya sa Akin na patiunang itinalaga na tayo ng Diyos maraming panahon na ang nakalipas, at nais Niyang makamit tayo sa mga huling araw, sa gayon ay tinutulutan ang sansinukob at ang lahat ng bagay na makita ang kaluwalhatian ng Diyos sa kabuuan nito sa pamamagitan natin. Tayo, sa gayon, ang mga naibunga ng anim na libong taon ng plano ng pamamahala ng Diyos; tayo ang mga huwaran, ang mga halimbawa ng gawain ng Diyos sa buong sansinukob. Ngayon Ko lang napagtanto kung gaano talaga tayo iniibig ng Diyos, at na ang gawaing ginagawa Niya sa atin at ang mga bagay na Kanyang sinasabi ay hinihigitan ang mga nasa nakaraang kapanahunan nang milyong ulit. Kahit na sa Israel o kay Pedro ay hindi personal na gumawa ng napakalaking gawain at nagsalita ng napakaraming salita ang Diyos—na nagpapakitang tayo, ang pangkat na ito ng mga tao, ay tunay na di-kapani-paniwalang pinagpala, di-maikukumparang mas pinagpala kaysa sa mga banal ng mga panahong lumipas. Ito ang dahilan kung bakit laging sinasabi ng Diyos na ang mga tao sa huling kapanahunan ay pinagpala. Anuman ang sabihin ng iba, naniniwala Ako na tayo ang pinakapinagpala ng Diyos. Dapat nating tanggapin ang mga pagpapalang ipinagkaloob sa atin ng Diyos; marahil ay mayroong ilan na dumaraing sa Diyos, nguni’t naniniwala Ako na kung galing sa Diyos ang mga pagpapalang ito, nagpapatunay ito na nararapat tayo sa mga ito. Kahit na ang iba ay dumaraing o hindi masaya sa atin, naniniwala pa rin Ako na walang ibang makapagmamana o makapag-aalis sa atin ng mga pagpapalang ibinigay na ng Diyos sa atin. Sapagkat ang gawain ng Diyos ay isinasakatuparan sa atin at nagsasalita Siya sa atin nang harap-harapan—sa atin, at wala nang iba pa—ginagawa ng Diyos ang nais Niya. At kung hindi kumbinsido ang mga tao, hindi ba nagdudulot lang sila ng kaguluhan sa kanilang mga sarili? Hindi ba sila nagdadala ng paghamak sa kanilang mga sarili sa paggawa noon? Bakit Ko sinasabi ang gayong mga bagay? Sapagkat may malalim Akong pagpapahalaga rito. Gaya ng gawaing ginagawa ng Diyos sa Akin, halimbawa: Ako lang ang makagagawa ng gawaing ito—magagawa ba ito ng iba? Naging mapalad Akong matanggap ang tagubiling ito mula sa Diyos—magagawa ba ito ng iba nang basta-basta? Umaasa Ako, gayunpaman, na mauunawaan ng Aking mga kapatirang lalaki at babae ang Aking puso. Hindi Ako nagyayabang tungkol sa Aking mga kredensiyal, bagkus ay nagpapaliwang ng isang usapin. Nais Kong ibigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Diyos, at na nawa ay tumingin ang Diyos sa puso ng bawat isa sa atin, upang ang ating mga puso ay maaaring madalisay sa harapan Niya. Sa Aking puso, hinihiling Ko na maging ganap na nakamit ng Diyos, na maging isang dalisay na birhen na isinakripisyo sa dambana, at bukod pa rito, na magkaroon ng pagkamasunurin ng isang tupa, nagpapakita sa gitna ng buong sangkatauhan bilang isang banal na espirituwal na katawan. Ito ang Aking pangako, ang panatang itinalaga Ko sa harap ng Diyos. Hinihiling Kong tuparin ito at suklian ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan nito. Handa ka bang gawin ito? Naniniwala Ako na ang pangako Kong ito ay makapagpapalakas ng marami pang mas nakababatang kapatirang lalaki at babae, at na magdadala ito ng pag-asa sa maraming kabataan. Para sa Akin ay tila binibigyan ng Diyos ng espesyal na pagpapahalaga ang mga kabataan. Marahil ito ay sarili Kong pagkiling, ngunit lagi Kong nadarama na ang mga kabataan ay may mga inaasam at pag-asa; tila gumagawa ang Diyos ng dagdag na gawain sa mga kabataan. Maaaring kulang sila sa kabatiran at karunungan, at maaaring sila ay masyadong masisigla at matatakutin gaya ng isang bagong silang na guya, gayunman ay naniniwala Ako na ang kabataan ay hindi lubos na mga walang halaga. Makikita mo ang kawalang-malay ng kabataan sa kanila at madali silang tumanggap ng mga bagong bagay. Bagaman ang mga kabataan ay kumikiling sa kayabangan, kabagsikan, at kapusukan, hindi nakaaapekto ang mga bagay na ito sa kanilang kakayahan na tumanggap ng bagong liwanag, sapagkat ang mga kabataan ay madalang na kumakapit sa luma, lipas na mga bagay. Iyan ang dahilan kung bakit nakikita Ko ang walang limitasyong pag-asa sa mga kabataan, at ang kanilang kasiglahan; ito ang dahilan na mayroon Akong magiliw na damdamin para sa kanila. Wala Akong kinaaayawan sa mga mas matatandang kapatirang lalaki at babae, subalit wala rin silang anumang interes para sa Akin—kung saan ay taos-puso Akong humihingi ng paumanhin sa kanila. Marahil ang Aking nasabi ay wala sa lugar o walang pakundangan, subalit umaasa Ako na mapatatawad ninyong lahat ang Aking kawalang-ingat, sapagkat napakabata Ko pa upang masyadong bigyang-pansin ang Aking paraan ng pagsasalita. Subalit sa totoo lang, ang mas matatandang kapatirang lalaki at babae, matapos ang lahat, ay may ginagampanang tungkulin—hindi sila ganap na mga walang silbi. Iyon ay dahil may karanasan sila sa pangangasiwa ng mga bagay-bagay; sila ay matatag sa kung paano nila pangangasiwaan ang mga bagay-bagay, at hindi sila nagkakamali nang ganoon karami. Hindi ba ang mga ito ang kanilang mga kalakasan? Sabihin nating lahat sa harap ng Diyos: “O Diyos! Nawa ay magampanan naming lahat ang aming sariling mga tungkulin sa aming iba’t ibang katayuan at nawa ay magawa naming lahat ang aming makakaya para sa Iyong kalooban!” Naniniwala Ako na ito ang kalooban ng Diyos!

Sa Aking karanasan, marami sa mga lantarang sumasalungat sa daloy na ito—na yaong tuwirang sumasalungat sa Espiritu ng Diyos—ay mas matatanda. Ang mga taong ito ay may napakatibay na mga relihiyosong kuru-kuro; sa bawat pagkakataon, ikinukumpara nila ang mga salita ng Diyos sa mga bagay na lipas na, at sinusubukang itugma ang mga salita ng Diyos sa mga bagay na tinanggap sa nakaraan. Hindi ba sila kakatwa? Maisasakatuparan ba ng gayong mga tao ang gawaing ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos? Magagamit ba ng Diyos ang gayong mga tao sa Kanyang gawain? Ang Banal na Espiritu ay may pamamaraan para sa anumang araw ng Kanyang gawain; kung kakapit ang mga tao sa makalumang mga bagay, darating ang araw na itutulak sila mula sa entablado ng kasaysayan. Sa bawat yugto ng Kanyang gawain, gumagamit ang Diyos ng bagong mga tao. Hindi ba nagdadala ng pagkawasak sa mga tao ang mga sumusubok na mangaral sa iba gamit ang mga bagay na lipas na? At hindi ba nila inaantala ang gawain ng Diyos? At kung gayon, kailan matatapos ang gawain ng Diyos? Marahil ay may ilang tao na may ilang kuru-kuro tungkol sa kasasabi Ko lang. Marahil ay hindi sila kumbinsido. Subalit hindi Ko nais na mag-alala ka: Di magtatagal, maraming bagay na gaya nito ang mangyayari, at maipaliliwanag lang ang mga ito sa pamamagitan ng mga katunayan. Bisitahin natin ang ilang mahahalagang personalidad, ilang prestihiyosong pastor o mga tagapagpaliwanag ng Bibliya at ipangaral ang daloy na ito sa kanila. Hindi sila hayagang lalaban dito sa una, tiyak iyon—ngunit ilalabas nila ang Bibliya upang hamunin ka. Ipasasalaysay nila sa iyo ang Aklat ni Isaias at Aklat ni Daniel, at ipapapaliwanag pa nila sa iyo ang Aklat ng Pahayag. At kung hindi ka makapagsasalita rito, tatanggihan ka nila, at tatawagin ka nilang isang huwad na Cristo, at sasabihing nagkakalat ka ng daan ng kalokohan. Makalipas ang isang oras ay gagawa sila ng mga maling paratang laban sa iyo hanggang hindi ka na makahinga. Hindi ba ito lantarang paglaban? Ngunit pasimula pa lang iyan. Hindi nila kayang pigilan ang susunod na hakbang ng gawain ng Diyos, at hindi magtatagal, pipilitin sila ng Banal na Espiritu na tanggapin ito. Ito ang di-mababagong pangyayari; ito ay isang bagay na hindi kayang gawin ng mga tao at isang bagay na hindi kayang guni-gunihin man lang ng mga tao. Naniniwala Ako na ang gawain ng Diyos ay lalaganap nang di-napipigilan sa buong sansinukob. Ito ang kalooban ng Diyos, at walang makapagpapatigil dito. Nawa ay bigyang-liwanag tayo ng Diyos at tulutan tayong tumanggap ng higit pang bagong liwanag, at huwag gambalain ang pamamahala ng Diyos sa bagay na ito. Nawa ay kaawaan tayo ng Diyos upang magawa nating lahat na makita ang pagsapit ng Kanyang araw ng kaluwalhatian. Ang sandali kung kailan ang Diyos ay makatanggap ng kaluwalhatian sa buong sansinukob ay siya ring sandali na makakamit natin ang kaluwalhatian kaagapay Niya. Tila iyon din ang magiging sandali na Ako ay mawawalay mula sa mga lumalakad na kasama Ko. Umaasa Ako na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay magtataas ng kanilang mga tinig kasama ng sa Akin sa isang pagsusumamo sa Diyos: Nawa ang dakilang gawain ng Diyos ay matapos na sa lalong madaling panahon, upang makita nawa natin ang Kanyang araw ng kaluwalhatian sa panahon ng ating buhay. Umaasa pa rin Ako na matatamo ang kalooban ng Diyos sa panahon ng Aking buhay, at umaasa Ako na ipagpatuloy nawa ng Diyos na gawin ang Kanyang gawain sa atin, at na wala na kailanmang anumang mga hadlang. Ito ang Aking walang hanggang hangarin. Nawa ang Diyos ay laging sumaatin, at nawa ang Kanyang pag-ibig ay magtayo ng mga tulay sa pagitan natin upang ang pagkakaibigan sa pagitan natin ay magiging mas mahalaga. Umaasa Ako na ang pag-ibig ay makalilikha ng higit pang pagkaunawa sa pagitan natin at na ang pag-ibig na iyon ay magpapalapit pa sa atin, aalisin ang anumang pagkakalayo sa pagitan natin, at na ang pag-ibig sa pagitan natin ay magiging mas malalim, mas malawak, at mas matamis. Naniniwala Ako na ito nga ang kalooban ng Aking Diyos. Umaasa Ako na nawa ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay mas mapalapit pa sa Akin, at na nawa ay itangi naming lahat ang maikling mga araw namin na magkakasama, na nawa ang mga ito ay magsilbing magandang mga alaala para sa amin.

Maaaring may mas marami pang hakbang ng gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, subalit ang mga ito ay hindi kumplikado. Kung pag-iisipan ito, may katuturan sa bawat hakbang ng Kanyang gawain; ang bawat isa ay personal na isinakatuparan ng Diyos, at ang lahat ay may bahaging ginampanan sa gawaing ito. Bawat tagpo ay talagang katawa-tawa, at sino nga ba ang makaiisip na ang mga taong ito ay magsasadula ng gayong drama, totoong-totoo ang kanilang pagganap sa gitna ng bawat pagsubok, ang lahat ng uri ng tao ay iginuhit nang napakalinaw at ganap sa ilalim ng panulat ng Diyos, bawat isa ay naglalantad nang labis sa liwanag ng araw? Subalit sa pamamagitan nito, hindi Ko sinasabi na pinaglalaruan ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng Kanyang gawain. Walang magiging katuturan doon; may layunin ang gawain ng Diyos, at hindi Siya kailanman gagawa ng anumang walang kabuluhan o walang halaga. Ang lahat ng Kanyang ginagawa ay upang gawing perpekto ang mga tao, upang makamit sila. Mula rito ay tunay Kong nakikita na ang puso ng Diyos ay lubos na para sa kabutihan ng tao. Maaaring tinawag Ko itong isang drama, subalit masasabi rin na ang dramang ito ay hango sa tunay na buhay. Kaya lang ay para sa Diyos—ang pangkalahatang direktor ng dramang ito—ang mga tao ay naroon upang makipagtulungan sa Kanya sa pagtatapos ng gawaing ito. Sa ibang pakahulugan, gayunpaman, ginagamit ito ng Diyos upang makamit ang mga tao, upang mapangyari na lalo pa nila Siyang mahalin. Hindi ba ito ang kalooban ng Diyos? Kaya umaasa Ako na walang sinuman ang may anumang mga pag-aalala. Wala ka ba talagang kaalam-alam sa kalooban ng Diyos? Napakarami Ko nang nasabi—umaasa Ako na naunawaan na itong lahat ng Aking mga kapatirang lalaki at babae at hindi nagkamali ng pagpapakahulugan sa Aking puso. Wala Akong duda na lahat kayo ay makakamit ng Diyos. Lahat ay lumalakad sa iba-ibang landas. Nawa ang landas sa ilalim ng inyong mga paa ay buksan ng Diyos, at nawa kayo ay manalangin sa Kanya at sabihin: O Diyos! Hinihiling ko na makamit Mo ako, upang ang aking espiritu ay maaaring makabalik sa Iyo. Handa ka bang hanapin ang paggabay ng Diyos sa kaibuturan ng iyong espiritu?

Sinundan: Ang Landas … 3

Sumunod: Ang Landas … 5

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito