Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Kabanata 6

Ang sangkatauhan ay napipipi sa mga pagbigkas ng Diyos habang kanilang natatanto na nakagawa ang Diyos ng malaking gawain sa kinasasaklawan ng espiritu, isang bagay na hindi kaya ng tao at ang Diyos lamang Mismo ang makatutupad. Sa kadahilanang ito, minsan pang bumibigkas ang Diyos ng mga salita ng kaluwagan sa sangkatauhan. Kapag puno ang mga puso ng mga tao ng mga pagsasalungatan, nagtataka: “Ang Diyos ay isang Diyos na walang awa o pag-ibig, bagkus isang Diyos na nakatutok sa paghagupit sa sangkatauhan; kaya bakit Niya tayo pagpapakitaan ng habag? Maaari kayang minsan pang lumipat ang Diyos sa isang pamamaraan?” sa sandaling ang paniwalang ito, ang kaisipang ito ay nabuo sa loob ng kanilang mga isipan, nakikipagtunggali sila laban dito sa abot ng kanilang buong kakayanan. Magkagayunman, pagkatapos na nakasulong ang gawain ng Diyos sa isa pang tagal ng panahon, nakapagsakatuparan na ang Banal na Espiritu ng isang malaking paggawa sa loob ng iglesia, at nagtalagang gumawa bawa’t tao upang gampanan ang kanyang tungkulin, kung gayon sa sandaling iyan nakapasok ang buong sangkatauhan sa pamamaraang ito ng Diyos. Ito ay sa kadahilanang wala ni isang nakakakita ng anumang kakulangan sa sinasabi at ginagawa ng Diyos, at hinggil sa kung ano ang tunay na susunod na gagawin ng Diyos, wala ni isang nakakaalam o nakakahula man dito. Gaya ng nasabi ng Diyos sa Kanyang sariling bibig: “Sa lahat ng mga taong nabubuhay sa silong ng langit, mayroon bang sinuman na wala sa loob ng Aking palad? Mayroon bang sinuman na hindi kumikilos ayon sa Aking pagpatnubay?” Nguni’t nag-aalok Ako sa inyo ng munting payo: Sa mga bagay na hindi ninyo lubusang nauunawaan, huwag, sinuman sa inyo, ang alinman sa magsasalita o kumilos. Ang katatapos Ko lamang sabihin ay hindi upang sugpuin ang iyong kasigasigan, kundi upang palakasin ka na sumunod sa pamamatnubay ng Diyos sa iyong mga pagkilos. Sa anumang dahilan ay huwag kang, dahil sa sinabi Ko tungkol sa “mga kakulangan,” mawawalan ng pag-asa o mag-aalinlangan: Ang Aking layunin ay pangunahing upang ipaalala sa iyo na bigyang-pansin ang mga salita ng Diyos. Kapag sinasabi ng Diyos: “Sa mga bagay tungkol sa espiritu, kailangan kang maging sensitibo; sa Aking mga salita, maging maingat ka sa pakikinig. Kailangang magkaroon ka ng layuning makita ang Aking Espiritu at ang Aking sariling laman, ang Aking mga salita at ang Aking sariling laman, bilang isang buong hindi mahahati, upang mabigyan Ako ng kasiyahan ng lahat ng sangkatauhan sa Aking harapan,” sa pagbabasa ng mga salitang ito, ang sangkatauhan ay, minsan pa, napipipi. Ang kanilang nakita kahapon ay isang salita ng babala, isang halimbawa ng kahabagan ng Diyos, nguni’t ngayon ang pagsasalita ay bumaling bigla sa mga bagay sa loob ng espiritu—ano kaya ang ibig nitong sabihin? Bakit patuloy na binabago ng Diyos ang Kanyang paraan ng pagsasalita? At bakit maituturing ang lahat ng ito na isang di-mapaghihiwalay na kabuuan? Maari kaya na kulang sa realidad ang mga salita ng Diyos? Sa pagbubulay-bulay sa mga salitang ito, natatanto ng isa ang ganito: Kapag magkahiwalay ang Espiritu at laman ng Diyos, ang lamang iyon ay isang katawang pisikal na may mga katangian ng isang pisikal na katawan, sa madaling salita, ang sinasabi ng mga tao na isang naglalakad na bangkay. Ang nagkatawang-taong laman ay nagmumula sa Espiritu: Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu, iyan ay, ang Salita ay nagiging katawang-tao. Sa madaling salita, Ang Diyos Mismo ay namumuhay sa loob ng laman. Makikita mula rito ng isa kung saan naroon ang matinding kamalian ng pagsisikap na paghiwalayin ang Espiritu mula sa tao. Sa kadahilanang ito, kahit na tinatawag Siya na “tao,” hindi Siya kabilang sa lahi ng tao, at walang pantaong mga katangian: Ito ang tao na ibinibihis ng Diyos sa Kanyang Sarili, ito ang tao na sinasang-ayunan ng Diyos. Sa loob ng mga salita ay sinasagisag ang Espiritu ng Diyos, at ang mga salita ng Diyos ay tuwirang ibinubunyag sa laman. Lalo nitong ginagawang malinaw na nabubuhay ang Diyos sa katawang-tao at isang higit na praktikal na Diyos, kung saan ay napapatunayan na umiiral ang Diyos, sa gayon ay tinatapos ang kapanahunan ng paghihimagsik ng sangkatauhan laban sa Diyos. Pagkatapos, yamang naturuan na ang sangkatauhan tungkol sa landas na hahantong sa pagkakilala sa Diyos, binabagong muli ng Diyos ang paksa, at kinukuha ang isa pang aspeto ng problema.

“Nalibot na ng Aking mga paa ang sansinukob, nakita na ng Aking paningin ang buong kalawakan, at lumakad na Ako sa gitna ng buong sangkatauhan, natikman Ko na ang lasa ng tamis, asim, pait, at anghang ng karanasan ng tao.” Ang pangungusap na ito, sa kabila ng kasimplehan nito, ay lubhang hindi-madaling maunawaan. Bagama’t nabago ang paksa, nananatiling pareho ito sa diwa: Binibigyang-kakayahan pa rin nito ang sangkatauhang makilala Siya sa Kanyang nagkatawang-taong laman. Bakit sinasabi ng Diyos na natikman na Niya ang matamis, maasim, mapait, at maanghang na mga lasa ng pantaong karanasan? Bakit sinasabi Niya na nakalakad na Siya sa kalagitnaan ng buong sangkatauhan? Ang Diyos ay Espiritu, nguni’t Siya rin ay naging katawang-tao. Ang Espiritu, hindi natatakdaan ng mga hangganan ng tao, ay maaaring lumakad sa buong sansinukob, nilalampasan ang kalawakan sa isang lahatang sulyap. Mula rito ay nakikita ng isa na pinupuno ng Espiritu ng Diyos ang buong kalawakan at tinatakpan ang buong daigdig; walang lugar na hindi nailatag ng Kanyang mga kamay, walang lugar na hindi nagtataglay ng bakas ng Kanyang mga yapak. Kahit na ang Espiritu, na nagiging laman, ay isinisilang bilang isang tao, hindi Siya, dahilan sa Kanyang pag-iral bilang isang Espiritu, humihinto sa pangangailangan ng lahat ng mga bagay na kinakailangan ng tao, bagkus, tulad ng isang pangkaraniwang tao, ay kumakain ng pagkain, nagsusuot ng mga damit, natutulog, at tumitira sa isang tahanan, ginagawa ang lahat ng ginagawa ng isang pangkaraniwang tao. Kasabay nito, dahil naiiba ang panloob na diwa, hindi Siya kapareho ng isa na karaniwang sinasabi na isang tao. Kahit na tinitiis Niya ang lahat ng mga pagdurusa ng sangkatauhan, hindi Niya tinatalikuran ang Espiritu sa ganoong kadahilanan; kahit na nagtatamasa Siya ng pagpapala, hindi Niya kinakalimutan ang Espiritu sa ganoong kadahilanan. Ang Espiritu at ang tao ay magkarugtong sa tahimik na pag-uugnayan; hindi maaaring mapaghiwalay ang dalawa, at hindi pa kailanman napaghiwalay. Dahil ang tao ang pagkakatawang-tao ng Espiritu, at nagmumula sa Espiritu, mula sa Espiritung mayroong anyo, kaya ang Espiritu na nananahan sa laman ay hindi nangingibabaw, ibig sabihin, hindi Niya kayang gumawa ng di-pangkaraniwang mga bagay, na ang ibig sabihin, hindi kaya ng Espiritung ito na lisanin ang pisikal na katawan, dahil kung ginawa Niya, mawawala ng kilos ng Diyos sa pagiging laman ang lahat ng kahulugan nito. Saka lamang kapag lubusan nang nahayag ang Espiritu sa pisikal na katawan na magagawang kilalanin ng sangkatauhan ang praktikal na Diyos Mismo, at doon lamang matutupad ang kalooban ng Diyos. Pagkatapos lamang na maipakita ng Diyos ang Espiritu at ang laman nang magkahiwalay sa sangkatauhan na Kanyang tinutukoy ang pagkabulag at pagkamasuwayin ng tao: “ngunit hindi kailanman Ako nakilala ng tao, ni napansin man niya habang naglalakad Ako sa ibayo.” Sa isang banda, sinasabi ng Diyos na, hindi nalalaman ng mundo, itinatago Niya ang Sarili Niya sa isang katawang may laman, hindi kailanman gumagawa ng anumang higit-sa-karaniwan para makita ng mga tao; sa kabila, nagrereklamo Siya laban sa sangkatauhan sa hindi pagkakilala sa Kanya. Gayunpaman, walang pagkakasalungat dito. Sa katunayan, kapag tiningnan sa mga detalye nito, hindi mahirap makita na mayroong dalawang panig sa paraan ng Diyos sa pagkamit ng Kanyang mga layunin. Ngayon, kung gaganap ang Diyos ng higit-sa-natural na mga tanda at mga himala, kung gayon, walang pangangailangang gumawa ng anumang malaking gawain, susumpain lamang Niya ang isang tao hanggang mamatay gamit ang Kanyang sariling bibig, ang tao ay mamamatay sa sandaling iyon, at sa paraang ito mapapaniwala ang bawa’t tao; nguni’t hindi nito makakamit ang layunin ng Diyos sa pagiging katawang-tao. Kung tunay na gagawin ito ng Diyos, hindi kailanman magagawa ng sangkatauhan, gamit ang kanilang gising na mga isipan, na maniwala sa Kanyang pag-iral, hindi kailanman makakayang tunay na maniwala, at higit pa ay mapagkakamalian ang diyablo na Diyos. Mas mahalaga pa, hindi kailanman malalaman ng sangkatauhan ang disposisyon ng Diyos: Hindi ba ito isang aspeto ng kahulugan ng pagiging nasa katawang-tao ng Diyos? Kung hindi kaya ng sangkatauhang kilalanin ang Diyos, kung gayon palagi itong magiging isang malabong Diyos, isang higit-sa-karaniwang Diyos, na nangingibabaw sa pantaong kinasasaklawan: Hindi ba ito isang katayuan ng pag-angkin ng mga paniwala ng tao sa tao? O, sa mas malinaw na pagsasalita, hindi ba si Satanas, ang diyablo, ang nangingibabaw? “Bakit Ko sinasabing babawiin Ko ang Aking kapangyarihan? Bakit Ko sinasabing ang pagkakatawang-tao ay may napakaraming kahulugan?” Sa sandaling nagiging katawang-tao ang Diyos, ito ay kapag binabawi Niya ang Kanyang kapangyarihan; ito rin ay kapag dumarating ang Kanyang pagka-Diyos nang tuwiran upang gawin ang Kanyang gawain. Isa-isang hakbang, dumarating ang bawa’t tao sa pagkakilala sa praktikal na Diyos, at dahil dito ang dakong tangan ni Satanas sa puso ng tao ay ganap na nasusupil samantalang ang lugar ng Diyos ay napag-iibayo. Dati, ang Diyos na umiral sa mga isipan ng mga tao ay inakala bilang isang larawan ni Satanas, isang Diyos na hindi-nahihipo, hindi-nakikita, at gayunman ang isa ay naniwala na hindi lamang umiiral ang Diyos na ito kundi may kakayahan ring gampanan ang lahat ng uri ng higit-sa-natural na mga tanda at mga himala at ibinubunyag ang lahat ng uri ng mga hiwaga, tulad ng kapangitan ng sinaniban-ng-demonyo. Sapat ito upang patunayan na ang Diyos sa mga isipan ng mga tao ay hindi isang larawan ng Diyos bagkus ay larawan ng isang nilalang bukod sa Diyos. Sinasabi ng Diyos na nais Niyang kuhanin ang isang lugar na sumasakop sa 0.1 porsiyento ng puso ng tao, at ito ang pinakamataas na pamantayan na hinihingi Niya sa sangkatauhan. Hindi lamang mayroong mababaw na panig sa pangungusap na ito; mayroon ding makatotohanang panig. Kung hindi ito ipinaliwanag sa paraang ito, ipapalagay ng mga tao ang mga hinihingi ng Diyos sa kanila na napakababa, na parang napakaliit ng pagkaunawa ng Diyos tungkol sa kanila. Hindi ba ito kaisipan ng tao?

Kung kukunin ng isa ang nasa itaas at isasama ito sa halimbawa ni Pedro sa ibaba, makikita nila na tunay ngang si Pedro ang tao na nakakilala sa Diyos nang pinakamainam, dahil nakaya niyang talikuran ang malabong Diyos at habulin ang pagkakilala sa praktikal na Diyos. Bakit natatanging tinukoy ng Diyos na ang kanyang mga magulang ay mga diyablo na sumalungat sa Diyos? Mula rito ay napapatunayan na hindi naghahabol si Pedro sa Diyos na nasa kanyang sariling puso, at kinakatawan ng kanyang mga magulang ang malabong Diyos: Ito ang hangarin ng Diyos sa pagtataas ng halimbawa ng mga magulang ni Pedro. Hindi isinasaalang-alang ng malaking mayorya ng mga tao ang katunayang ito, nagtutuon ng kanilang pansin sa halip sa mga panalangin ni Pedro, hanggang sa punto kung saan ang ilan ay palagi pang pinananatili ang mga panalangin ni Pedro sa kanilang mga bibig at sa kanilang mga isipan, nguni’t nang hindi kailanman iniisip na ihambing ang malabong Diyos sa pagkakilala ni Pedro. Bakit tumalikod si Pedro sa kanyang mga magulang at naghangad na makilala ang Diyos? Bakit niya isinama ang mga aral na natutunan sa mga yaong nabigo sa nakalipas nang sa gayon ay maisulong ang kanyang sarili sa higit na pagsisikap? Bakit niya natamo ang pananampalataya at pag-ibig ng lahat niyaong mga umibig sa Diyos sa buong mga kapanahunan? Naunawaan ni Pedro na ang lahat ng positibo ay nagmumula sa Diyos—nagmumula ito nang tuwiran sa Diyos nang hindi sumasailalim sa anumang pagpoproseso sa pamamagitan ni Satanas. Makikita ng isa mula rito na ang Isa na kilala niya ay ang praktikal na Diyos at hindi isang higit-sa-natural na Diyos. Bakit sinasabi ng Diyos na nag-ukol ng tanging pansin si Pedro sa pagtatamo ng pananampalataya at pag-ibig ng lahat niyaong mga umibig sa Diyos sa buong mga kapanahunan? Makikita ng isa mula rito na ang pangunahing dahilan kung bakit nabigo ang mga tao sa buong mga kapanahunan ay dahil nagtaglay lamang sila ng pananampalataya at pag-ibig nguni’t hindi nakilala ang praktikal na Diyos, kaya’t ang kanilang paniniwala ay patuloy na naging malabo. Bakit binabanggit lamang ng Diyos ang pananampalataya ni Job nang maraming ulit nang hindi kailanman sinasabing kilala niya ang Diyos, at higit pa ay tinatawag siyang mas mababa kay Pedro? Mula sa mga salita ni Job, “Narinig kita sa pakikinig ng tainga; nguni't ngayo'y nakikita ka ng aking mata,” nakikita ng isa na nagtaglay lamang si Job ng pananampalataya nguni’t walang pagkakilala. Sa pagbabasa sa pangungusap na, “Dahil sa salungat na halimbawa ng kanyang mga magulang upang magsilbi bilang hambingan, naging daan ito para maging mas handa siya na kilalanin ang Aking pag-ibig at kaawaan,” karamihan sa mga tao ay mauudyukan na magtaas ng maraming mga katanungan: Bakit nakikilala lamang ni Pedro ang Diyos kapag ipinaris laban sa isang salungat-na-halimbawa, nguni’t hindi tuwiran? Bakit nalalaman lamang niya ang kaawaan at pag-ibig, subali’t hindi binanggit ang ibang mga bagay? Kapag nakikilala lamang ng isa ang pagiging di-makatotohanan ng malabong Diyos na nakakaya ng isa na habulin ang pagkakilala sa praktikal na Diyos. Ang layunin ng pagbigkas na ito ay upang pangunahan ang mga tao na buwagin ang malabong Diyos mula sa kanilang mga puso. Kung palaging nakilala ng sangkatauhan ang tunay na mukha ng Diyos, mula sa umpisa ng paglikha hanggang sa kasalukuyan, kung gayon hindi sila magiging lubusang nasanay sa mga paraan ni Satanas, gaya ng nalalaman mula sa salawikaing, “Hindi napapansin ng isa ang pantay na lupa hanggang ang isa ay nakatawid sa isang bundok,” na gumagawang napakalinaw sa ibig sabihin ng Diyos sa pagsasalita ng mga salitang ito. Dahil inaasam Niyang pangunahan ang mga tao na maabot nang mas malalim ang katotohanan ng halimbawang Kanyang nagamit, sadyang binibigyang-diin ng Diyos ang kaawaan at pag-ibig, pinatutunayang ang kapanahunan kung saan nabuhay si Pedro ay ang Kapanahunan ng Biyaya. Sa pagtingin mula sa isa pang pananaw, ibinubunyag nito nang lalong malinaw ang pangit na mukha ng diyablo, na bumibitag lamang at gumagawang masama sa sangkatauhan, at sa pamamagitan niyon ay ipinakikita, sa higit pang malinaw na kaibahan, ang pag-ibig at kaawaan ng Diyos.

Binabalangkas din ng Diyos ang mga katunayan tungkol sa mga pagsubok kay Pedro at higit pa rito ay inilalarawan ang tunay na kalagayan ng mga iyon, upang mas mainam na mabatid ng mga tao ang sumusunod: na hindi lamang kaawaan at pag-ibig mayroon ang Diyos, kundi mayroon din Siyang kamahalan at poot, at yaong mga namumuhay sa kapayapaan ay hindi nangangahulugang namumuhay sa kalagitnaan ng pagpapala ng Diyos. Higit pa rito, ang pagsasabi sa mga tao tungkol sa mga karanasan ni Pedro kasunod ng mga pagsubok sa kanya ay nagpapakita nang lalo pang maliwanag sa katotohanan ng mga salitang ito ni Job: “Tayo ba ay tatanggap ng mabuti sa kamay ng Diyos, at tayo ba ay hindi tatanggap ng masama?” Ito ay sapat upang ipakita na nakarating si Pedro sa isang wala pang nakagagawang pagkakilala sa Diyos, isang bagay na walang sinuman sa anumang naunang kapanahunan ang nakatamo kahit kailan: Ito ang natamo ni Pedro nang makamit niya ang pananampalataya at pag-ibig ng lahat niyaong umibig sa Diyos sa buong mga kapanahunan at isinama ang mga aral ng nakaraang mga kabiguan upang palakasin ang kanyang sarili. Sa kadahilanang ito, sinuman ang nakakatamo ng tunay na pagkakilala sa Diyos ay tinatawag na isang “bunga,” at isa si Pedro sa gitna ng mga ito. Sa mga panalangin ni Pedro sa Diyos makikita ng isa ang tunay na pagkakilala sa Diyos na kanyang natamo sa pamamagitan ng kanyang mga pagsubok, subali’t ang isang maliit na kakulangan ay hindi niya nakayang lubusang natarok ang kalooban ng Diyos. Ito ang dahilan, na sa pagtatayo sa ibabaw ng saligan ng pagkakilala sa Diyos na nakamit ni Pedro, ang Diyos ay nagtalaga ng hinihinging “pagsakop sa 0.1 porsiyento lamang ng puso ng tao.” Isinasaalang-alang ang katunayan na kahit si Pedro, ang tao na nakakilala sa Diyos nang pinakamainam, ay hindi nakayang matarok nang tumpak ang kalooban ng Diyos, masasabi lamang na hindi nasangkapan ang sangkatauhan ng isang bahagi na para sa pagkilala sa Diyos, dahil nagawa nang tiwali ni Satanas ang tao nang gayong kalawak, at dinadala nito ang lahat ng mga tao sa pagkakilala sa kakanyahan ng sangkatauhan. Ang dalawang patiunang mga kalagayang ito—na walang bahagi ang sangkatauhan na para sa pagkilala sa Diyos at higit pa rito ay napasok ni Satanas nang lubus-lubusan—ay nagbibigay ng isang tagpo upang ipakita ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, dahil ang Diyos, sa pamamagitan lamang ng mga salita at walang kahit anong pagsasabalikat ng anumang uri ng gawain, ay nakasakop ng isang tiyak na katayuan sa puso ng tao. Bakit ang pagsapit sa 0.1 porsiyento ay nangangahulugang pagsapit sa katuparan ng kalooban ng Diyos? Upang ipaliwanag ito gamit ang katunayan na hindi pinagkalooban ng Diyos ang tao ng bahaging tinutukoy: Kung, sa kawalan ng bahaging ito, ang sangkatauhan ay makakarating sa isandaang porsiyentong pagkakakilala, kung gayon ang bawa’t paggalaw at pagkilos ng Diyos ay magiging isang bukas na aklat sa tao, at, nalalaman ang kalikasan ng tao, daglian siyang maghihimagsik laban sa Diyos, tumatayo upang salungatin Siya nang lantaran (ito ang paraan ng pagbagsak ni Satanas). Kaya’t hindi kailanman minamaliit ng Diyos ang tao. Ito ay sa kadahilanang lubusan Niyang nasuri ang tao, kaya’t nalalaman Niyang lahat nang kasing-linaw ng kristal kahit hanggang sa kung gaanong karaming tubig ang nakahalo sa kanyang dugo: Gaanong higit na kalinaw ang nauunawaan Niya sa kitang-kitang kalikasan ng tao? Hindi kailanman nakakagawa ng mga pagkakamali ang Diyos, at higit pa rito, sa Kanyang mga pagbigkas, pinipili Niya ang Kanyang mga salita nang may lubos na katiyakan. Sa ganitong kadahilanan, ang katunayan na hindi tiyak si Pedro sa pagtarok ng kalooban ng Diyos ay hindi sumasalungat sa katunayan na siya rin ang isang tao na nakakilala sa Diyos nang pinakamainam, at ang higit pa ang dalawa ay ganap na hindi magkaugnay. Hindi para ituon ang pansin ng mga tao kay Pedro kaya ginamit ng Diyos ang kanyang halimbawa. Bakit makakaya ni Pedrong makatamo ng pagkakilala sa Diyos kung kahit ang isang gaya ni Job ay hindi kaya? Bakit Niya sasabihin na kaya itong makamit ng isang tao at gayunman ay sasabihin ding dahil ito sa dakilang kapangyarihan ng Diyos? Tunay ba na ang katayuan ay mabuti ang likas na kaloob sa sangkatauhan? Hindi nadadalian ang mga tao na matarok ang puntong ito—wala ni isa na makakaalam ng panloob na kahulugan nito malibang Aking ipinaliwanag ito. Ang layunin ng mga salitang ito ay upang bigyang-kakayahan ang mga tao na dumating sa kaunting anyo ng pagtalos, kung saan sila ay makakatamo ng tiwala na makipagtulungan sa Diyos. Tanging sa paraang ito ang Diyos, katulong ang mga pagsisikap ng taong makipagtulungan sa Kanya, ay makakakilos: Ito ang tunay na katayuan sa kinasasaklawan ng espiritu, isang bagay na hindi lubusang makaya ng sangkatauhan na matarok. Upang alisin ang lugar na kinalalagyan ni Satanas sa puso ng tao at mula roon ay hayaan ang Diyos na sumakop, tinatawag ito na pagtataboy sa pagsalakay ni Satanas; tanging kapag nagawa ito na maaaring masabi na nakababa si Cristo sa lupa, at saka lamang maaaring masabi na ang mga kaharian ng sanlibutan ay naging kaharian ni Cristo.

Dito ay binanggit na naging isang halimbawa at isang huwaran si Pedro para sa sangkatauhan sa loob ng libu-libong taon. Hindi lamang ito para sa kapakanan ng pagpapaliwanag sa katunayan na isa siyang halimbawa at isang huwaran: Ang mga salitang ito ay isang salamin ng tunay na tagpo ng isang labanan sa espirituwal na kinasasaklawan. Sa buong panahong ito gumagawa si Satanas sa tao, sa walang kabuluhang pag-asam na paglulon sa sangkatauhan at sa gayon ay sinasanhi ang Diyos na wasakin ang mundo at maiwala ang Kanyang patotoo. Nguni’t sinabi ng Diyos: “Lilikha muna Ako ng isang huwaran upang Aking makuha ang pinakamaliit na lugar sa loob ng puso ng tao. Sa yugtong ito, hindi Ako napaluluguran ni lubusang nakikilala ng sangkatauhan; magkagayunman, sa pagsandig sa Aking dakilang kapangyarihan, makakaya ng tao na magpasakop sa Akin nang buo at huminto sa paghihimagsik laban sa Akin, at gagamitin Ko ang halimbawang ito upang gapiin si Satanas, ibig sabihin niyan, gagamitin Ko ang Aking kinatatayuan na binubuo ng 0.1 porsiyento upang supilin ang lahat ng mga pwersang ginagamit ni Satanas sa tao.” Kaya’t, ngayon, naibangon ng Diyos ang halimbawa ni Pedro upang maaari siyang magsilbi sa buong sangkatauhan bilang isang huwarang susundan. Kapag isinama ito sa pambukas na talata, makikita ng isa ang katotohanan ng sinabi ng Diyos tungkol sa tunay na katayuan sa kinasasaklawan ng espiritu: “Hindi na katulad ng dati ang mga bagay ngayon: Gagawa Ako ng mga bagay na hindi pa nakikita ng mundo, simula nang likhain ang sanlibutan, magpapahayag Ako ng mga salitang hindi pa naririnig ng mga tao sa buong panahon, dahil hinihiling Kong makilala Ako ng buong sangkatauhan sa katawang-tao.” Mula rito ay makikita ng isa, ang tungkol sa sinalita ng Diyos na nasimulan Niya ngayon. Makikita lamang ng mga tao ang mga bagay-bagay ayon sa hitsura ng mga ito sa panlabas at hindi ang tunay na katayuan sa loob ng kinasasaklawan ng espiritu. Sa kadahilanang ito, sinabi ng Diyos sa isang tuwiran at walang-paliguy-ligoy na paraan: “Ito ang mga hakbang sa Aking pamamahala, na hindi lubos na maunawaan ng sangkatauhan. Kahit magsalita Ako sa kanila nang lantaran, magulo pa rin ang isipan ng tao at imposibleng ipaliwanag ang mga ito sa kanya sa bawat detalye. Nakalakip rito ang kasuklam-suklam na kababaan ng tao, hindi ba?” Mayroong hindi-nabigkas na mga salita sa loob ng mga salitang ito, nagpapaliwanag na isang labanan ang naganap sa espirituwal na kinasasaklawan, gaya ng ipinahiwatig sa itaas.

Hindi pa rin lubos na nakamit ng pagbalangkas sa kasaysayan ni Pedro ang kalooban ng Diyos, kaya hiningi ng Diyos ang sumusunod kaugnay sa mga kaganapan sa buhay ni Pedro: “Sa buong sansinukob at sa walang hanggang kalawakan ng papawirin, ang libo-libong mga bagay na nilikha, ang hindi mabilang na mga bagay sa mundo, at ang napakaraming mga bagay sa kalangitan, bawat isa’y nag-aalay ng kanilang lakas alang-alang sa huling bahagi ng Aking gawain. Tiyak na ayaw ninyong manatiling tagapanood lamang sa isang tabi, na itinutulak lamang paroo’t parito ng mga puwersa ni Satanas hindi ba?” Ang pagsaksi sa pagkakilala ni Pedro ay malalim na nakapagliliwanag para sa sangkatauhan, kaya’t, upang magkamit ng higit pang mabuting mga bunga, pinahihintulutan ng Diyos ang sangkatauhan na makita ang mga naidudulot ng walang habas na di-mapigilan at kamangmangan tungkol sa Kanya, at higit pa rito ay sinasabi sa sangkatauhan—minsan pa at taglay ang higit na katiyakan—ang tungkol sa tunay na mga kalagayan ng labanan sa kinasasaklawan ng espiritu. Sa paraang ito lamang na maaaring maging mas maingat ang sangkatauhan sa pangangalaga sa kanilang mga sarili laban sa pagbihag ni Satanas; higit pa, nililinaw nito na, sa pagkakataong ito, kung mahulog sila, hindi na sila muling tatanggap ng kaligtasan mula sa Diyos gaya ng ginawa nila sa pagkakataong ito. Kapag pinagsama-sama, ang maraming mga babalang ito, sa pagpapalalim sa impresyon ng sangkatauhan tungkol sa mga salita ng Diyos, ay gumawa sa mga tao na pahalagahan ang Kanyang kaawaan nang higit at hawakan nang mas maigi ang Kanyang mga salita ng babala, sa gayon ay tunay na nakakarating sa layunin ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan.

Sinundan:Kabanata 5

Sumunod:Tungkol sa Buhay ni Pedro

Baka Gusto Mo Rin