Mga Serye ng Sermon: Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya | Pagkilala Kung Paano Ginagawa ng Iisang Diyos ang Tatlong Yugto ng Gawain

Disyembre 8, 2022

Ang mga kalamidad ay mas lalong lumalawak, at lahat ay nais sumalubong sa Tagapagligtas sa mga huling araw, upang matamo ang pagliligtas ng Diyos, tumatakas sa kalamidad at pumapasok sa kaharian ng langit. Ngunit makikilala ba ninyo ang gawain ng Diyos? Alam ba ninyo kung paano isinasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas? Kung hindi ninyo alam kung paano makikilala ang gawain ng Diyos, malamang na mapalampas ninyo ang Kanyang pagliligtas. Tulad lang ito noong pumarito ang ating Tagapagligtas na Panginoong Jesus 2,000 taon na ang nakalipas, na nagpapahayag ng mga katotohanan at ginagawa ang gawain ng pagtubos—hindi Siya nakilala ng mga Judio, at ipinapako Siya sa krus. Dahil dito, pinarusahan at isinumpa sila ng Diyos. Naparito na ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nagpapahayag ng mga katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos upang lubos na linisin at iligtas ang sangkatauhan. Ngunit, nakikita na ang Makapangyarihang Diyos ay hindi tinatawag na Jesus at hindi pa Siya bumababa na sakay ng ulap, talagang ayaw Siyang tanggapin ng mga kasapi sa mundo ng mga relihiyon, at hibang pang kinokontra at tinutuligsa ang Makapangyarihang Diyos. Ipinapako nilang muli ang Diyos at napalalagpas ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Kaya nga, ang pagkilala sa gawain ng Diyos ay napakahalaga para lubos na maligtas at makapasok sa kaharian ng langit. Kung gayon, paano isinasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas? Paano natin makikilala na ang tatlong yugtong ito ng gawain ay isinasagawa ng iisang Diyos? Sa bahaging ito ng Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya, maaari nating sama-samang bungkalin ito at matutunan pa ang tungkol sa gawain ng Diyos.

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin