Christian Music | "Lubos na Inihayag ang Paghatol ng Diyos" | Gospel Choir (Tagalog Subtitles)
Pebrero 1, 2023
Isang dumadagundong na tinig ang lumalabas,
niyayanig ang buong sansinukob.
Labis itong nakabibingi na hindi agad makaiwas ang mga tao.
Ang ilan ay napatay, ang ilan ay winasak, at ang ilan ay hinatulan.
Ito’y tanawing tunay na hindi pa nakita ng kahit sino man.
Makinig na mabuti: Ang mga dagundong ng kulog
ay may kasamang tunog ng pagtangis,
at ang tunog na ito ay nagmumula sa Hades; mula ito sa impiyerno.
Ito ang mapait na daing
ng mga anak ng paghihimagsik na nahatulan ng Diyos.
Yaong mga hindi nakinig sa sinasabi ng Diyos
at hindi isinagawa ang Kanyang mga salita
ay malubha nang hinatulan at tumanggap ng sumpa ng Kanyang poot.
Ang tinig ng Diyos ay paghatol at poot;
hindi Niya niluluwagan at pinapakitaan ng habag ang sinuman,
sapagkat Siya ang matuwid na Diyos Mismo,
at Siya ay napopoot;
Siya ay nanununog, naglilinis, at nangwawasak.
Siya ay napopoot;
Siya ay nanununog, naglilinis, at nangwawasak.
Sa Diyos ay walang natatago o madamdamin,
bagkus lahat ay bukas, matuwid, at walang kinikilingan.
Dahil ang mga panganay na anak ng Diyos ay kasama Niya na sa trono,
namumuno sa lahat ng bansa at lahat ng bayan,
yaong di-makatarungan at di-matuwid na mga bagay at mga tao
ay sinisimulan nang mahatulan ngayon.
Sisiyasatin sila nang isa-isa ng Diyos,
walang nilalagpasan at ibinubunyag sila nang ganap.
Sapagkat ang paghatol ng Diyos ay lubusan nang nabunyag at lubusan nang bukas,
at wala Siyang itinira ni anuman;
itatapon Niya ang anumang hindi nakaayon sa Kanyang kalooban
at hahayaan itong mapahamak nang walang-hanggan
sa walang-hanggang kalaliman.
Hahayaan Niya itong masunog doon nang walang-hanggan.
Ito ang katuwiran ng Diyos, at ito ang Kanyang pagkamatuwid.
Walang sinumang makapagbabago nito,
at lahat ay dapat na nasa ilalim ng pamumuno ng Diyos.
Ito ang katuwiran ng Diyos, at ito ang Kanyang pagkamatuwid.
Walang sinumang makapagbabago nito,
at lahat ay dapat na nasa ilalim ng pamumuno ng Diyos.
Ito ang katuwiran ng Diyos, at ito ang Kanyang pagkamatuwid.
Walang sinumang makapagbabago nito,
at lahat ay dapat na nasa ilalim ng pamumuno ng Diyos.
Ito ang katuwiran ng Diyos, at ito ang Kanyang pagkamatuwid.
Walang sinumang makapagbabago nito,
at lahat ay dapat na nasa ilalim ng pamumuno ng Diyos.
mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video