Christian Movie | "Ako at ang Aking Pastor na Asawa" | Spiritual Warfare in Welcoming the Lord's Return

Agosto 20, 2024

Si Zhao Xinhui ay may asawa na isang pastor na minamahal at sinusuportahan ng mga mananampalataya, at silang mag-asawa ay kapwa sabik na naghihintay sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. Isang araw, binasa ni Zhao Xinhui ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at sa kanyang pagkagulat ay nakilala niya ang tinig ng Diyos doon. Sa pamamagitan ng paghahanap at pagsisiyasat, natukoy niya na ang Makapangyarihang Diyos ang pangalawang pagparito ng Panginoong Jesus, at lubha siyang naantig at, puno ng kagalakan, gusto niyang ipaalam sa kanyang asawa ang balita na nagbalik na ang Panginoon. Ngunit hindi niya inasahan na mahigpit na kumakapit ang asawa niya sa mga salita ng Bibliya at hinding-hindi ito naniniwala na ang Panginoon ay magkakatawang-tao at babalik bilang Anak ng tao. Iginigiit nito na babalik ang Panginoon bilang espirituwal na katawan na bababa sakay ng mga ulap, at nagpakalat pa nga ito ng mga kuru-kurong panrelihiyon at hinadlangan si Zhao Xinhui sa pagsisiyasat at pagtanggap sa tunay na daan. Pagkatapos nito, sunud-sunod ang naging pagtatalo nila. Lalong nalito si Zhao Xinhui; paanong nauunawaang mabuti ng kanyang asawa ang Bibliya a ngunit hindi pa rin nito marinig ang tinig ng Diyos? Lalo pa niyang ikinagulat na ang kanyang asawa, na dati ay sobrang mahinahon, maalalahanin, at mapagmahal, ay nagiging mapanlaban tungkol sa pagbabalik ng Panginoon. Bukod sa hindi ito naghahanap o nagsisiyasat sa tunay na daan, nagsisikap din ito nang husto na pigilan ang mga mananampalataya sa pagsalubong sa Panginoon, iniuulat pa nga nito sa mga pulis ang mga kapatid na nagpapalaganap sa ebanghelyo ng mga huling araw at ipinaaresto sila, at naging marahas pa nga ito kay Zhao Xinhui. Nahaharap sa espirituwal na labanang ito sa loob ng kanyang pamilya, ano ang pipiliin ni Zhao Xinhui? Makakapanindigan ba siya sa tunay na daan?

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger