Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Volume II, Ukol sa Pagkakilala sa Diyos

Ukol sa Pagkakilala sa Diyos, ang ikalawang volume ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ay naglalaman ng mga pahayag ni Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, para sa buong sangkatauhan na kasunod ng mga nasa Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ipinaliwanag ng Diyos ang tungkol sa gayong iba’t ibang katotohanan bilang gawaing Kanyang ginawa mula nang likhain ang mundo, napapaloob dito ang Kanyang kalooban at Kanyang mga inaasahan sa sangkatauhan, at ang pagbuhos ng lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos mula sa Kanyang gawain, gayundin ang Kanyang pagiging matuwid, Kanyang awtoridad, Kanyang kabanalan, at ang katunayan na Siya ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay. Matapos basahin ang aklat na ito, makukumpirma ng mga tunay na nananalig sa Diyos na ang nakakagawa ng gawaing ito at nakakapagbunyag ng mga disposisyong ito ay Siya na may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay, at tunay rin nilang malalaman ang pagkakakilanlan ng Diyos, ang Kanyang katayuan, at ang Kanyang diwa, sa gayon ay makukumpirma na si Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, ay ang Diyos Mismo, ang natatangi.

Mga Aklat ng mga Salita ng Makapangyarihang Diyos

Kontakin Kami Gamit ang Messenger