Tagalog Christian Video | "Swerte at Kasawian" | A Christian's Testimony

Mayo 23, 2018

Dahil siya ay nagmula sa dukhang pamilya, mula pa sa pagkabata determinado na si Du Juan na yumaman at magkaroon ng mas magandang buhay. Para magkatotoo ang mithiing ito, tumigil siya sa pag-aaral para magtrabaho, anuman ang kaya niyang gawin para magkapera. Hindi siya nagreklamo kapag mahirap at nakakapagod ang trabaho. Gayunman, hindi niya nakuha ang hangad niyang resulta. Gaano man siya nagpakasipag, hindi niya natamo ang buhay na gusto niya para sa kanyang sarili. Noong 2008, kimkim ang pangarap na yumaman, nagpunta sila ng kanyang asawa sa Japan para magtrabaho. Pagkaraan ng ilang taon, hinimatay siya sa pagod dahil sa dami ng mabibigat na gawain at sobrang haba ng pagtatrabaho. Nalungkot siya nang husto dahil sa mga resulta ng mga imbestigasyon sa ospital, ngunit para makamit ang kanyang mga pangarap, hindi sumuko si Du Juan. Patuloy siyang nagtrabaho, sa kabila ng kanyang karamdaman, na determinadong magsikap. Kalaunan, napilitan siyang tumigil sa pagpapayaman dahil sa labis na paghihirap sa kanyang kalagayan. Sa gitna ng kanyang sakit, nagsimula siyang magnilay-nilay: Sa kabila ng lahat, bakit nabubuhay ang tao? Nararapat bang isapalaran ang buhay ng tao alang-alang sa pera? Masaya ba ang maging mayaman? Patuloy na naglaro sa kanyang isipan ang mga pagdududang ito. Di nagtagal, dumating sa kanya ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nalaman niya ang pinagmumulan ng pasakit sa buhay ng tao, at naunawaan din niya kung bakit nabubuhay ang tao, at paano mabuhay bago maging makabuluhan ang kanyang buhay …. Tuwing iisipin niya ang karanasang ito, napapabuntong-hininga si Du Juan: Ang karamdamang ito ay talagang nagbigay sa kanya ng pagpapala mula sa kapighatian!

Ang ilang materyal sa video na ito ay galing sa: https://stockfootage.com/

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger