Christian Song | "Nais ng Diyos na Hangarin ng Sangkatauhan ang Katotohanan at Mabuhay"

Abril 4, 2024

Bakit dapat hangarin ng tao ang katotohanan?

Ang pangunahing dahilan ay na, para sa Diyos,

ang paghahangad sa katotohanan ay kinapapalooban ng Kanyang pamamahala,

ng Kanyang mga ekspektasyon sa sangkatauhan,

at ng mga inaasam Niya na ipinagkakatiwala Niya sa sangkatauhan.

Ito ay isang bahagi ng plano ng pamamahala ng Diyos.

Kahit sino ka man at gaano ka man katagal nang nananalig sa Diyos,

kung hindi mo hinahangad ang katotohanan o minamahal ito,

hindi maiiwasan na ikaw ang mapapalayas sa huli.

Napakalinaw nito.

Gumagawa ang Diyos ng tatlong yugto ng gawain;

mayroon na Siyang plano ng pamamahala simula nang likhain Niya ang sangkatauhan,

at isa-isa Niyang isinakatuparan ang bawat yugto

ng Kanyang pamamahala sa sangkatauhan,

at hakbang-hakbang Niyang inaakay ang sangkatauhan papunta sa kasalukuyan.

Napakalaki ng Kanyang puspusang pagsisikap at ng halagang Kanyang ibinayad,

at napakatagal ng Kanyang pagtitiis,

tungo sa pinakalayon na isagawa ang mga katotohanang Kanyang ipinapahayag

at ang bawat aspekto ng pamantayan ng Kanyang mga hinihingi,

na sinasabi Niya sa sangkatauhan, sa tao,

ginagawang buhay at realidad ng tao ang mga iyon.

Para sa Diyos, napakahalagang usapin nito.

Labis na matimbang ito para sa Diyos.

Para sa Diyos, napakahalagang usapin nito.

Labis na matimbang ito para sa Diyos.

Hindi mahalaga ang iyong kakayahan,

o edad, o kung ilang taon ka nang nananalig sa Diyos,

ang bawat tao ay dapat na magsumikap tungo sa landas ng paghahangad sa katotohanan.

Hindi mo dapat bigyang-diin ang anumang obhektibong katwiran;

dapat mong hangarin ang katotohanan nang walang kondisyon.

Huwag sayangin ang iyong mga araw.

Kung hahangarin at pagsusumikapan mo ang paghahangad sa katotohanan

bilang ang dakilang bagay sa buhay mo,

maaaring ang katotohanang iyong nakakamit at kayang maabot sa iyong paghahangad

ay hindi iyong ninanais mo.

Pero kung sinasabi ng Diyos

na bibigyan ka Niya ng wastong hantungan depende sa saloobin mo

sa iyong paghahangad at sa iyong sinseridad, napakaganda niyon!

Sa ngayon, huwag tumuon sa kung ano ang kahahantungan

at kalalabasan mo o kung ano ang mangyayari at ano ang magaganap sa hinaharap,

o kung maiiwasan mo ba ang sakuna at hindi ka mamamatay—

huwag mong isipin o hilingin ang mga bagay na ito.

Tumuon ka lang sa paghahangad sa katotohanan

sa mga salita ng Diyos at sa Kanyang mga hinihingi,

sa paggampan nang maayos sa iyong tungkulin,

at sa pagtupad sa kalooban ng Diyos,

nang sa gayon hindi mo mapatutunayang

hindi ka karapat-dapat sa anim na libong taong paghihintay ng Diyos,

sa Kanyang anim na libong taon ng pananabik.

Bigyan ng kaunting kapanatagan ang Diyos;

hayaan Siyang makita na may kaunting pag-asa sa iyo,

at hayaang matupad ang Kanyang mga kahilingan sa iyo.

Tatratuhin ka ba ng Diyos nang masama kung gagawin mo ito?

At kahit na ang mga resulta sa huli ay hindi tulad ng iyong ninais,

bilang isang nilikha, dapat kang magpasakop sa lahat ng bagay

sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos,

nang walang anumang personal na pakay. Iyan ang tamang pag-iisip.

mula sa Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Bakit Dapat Hangarin ng Tao ang Katotohanan

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin