Christian Song | "Taglay ng Nagkatawang-taong Diyos ang Pagkatao at Mas Lalo Na ang Pagka-Diyos"
Abril 9, 2024
Ang "pagkakatawang-tao" ay ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao;
gumagawa ang Diyos sa gitna ng nilikhang sangkatauhan sa larawan ng katawang-tao.
Kaya ngayong nagkatawang-tao ang Diyos,
kailangan muna Siyang magkaroon ng katawang-tao,
katawang-taong may normal na pagkatao; ito ang pinakapangunahing kinakailangan.
Ang pahiwatig ng pagkakatawang-tao ng Diyos
ay na ang Diyos ay namumuhay at gumagawa sa katawang-tao,
na ang Diyos sa Kanyang pinakadiwa ay nagkatawang-tao, naging isang tao.
Umiiral ang Kanyang pagkatao para sa Kanyang pisikal na diwa;
hindi maaaring magkaroon ng katawang-tao nang walang pagkatao,
at ang isang taong walang pagkatao ay hindi isang tao.
Sa ganitong paraan, ang pagkatao ng laman ng Diyos
ay isang likas na katangian ng nagkatawang-taong laman ng Diyos.
Ang sabihing "kapag naging tao ang Diyos, Siya ay ganap na banal,
at walang pagkatao," ay isang kalapastanganan,
sapagkat wala talagang ganitong pahayag,
at lumalabag ito sa prinsipyo ng pagkakatawang-tao.
Ang kumakatawan sa gawain ay ang pagka-Diyos na nananahan sa Kanyang pagkatao.
Ang Kanyang pagka-Diyos, hindi ang Kanyang pagkatao, ang gumagawa,
subalit ang pagka-Diyos na ito ay nakatago sa loob ng Kanyang pagkatao;
sa totoo lang, ang Kanyang gawain ay ginagawa ng Kanyang ganap na pagka-Diyos,
hindi ng Kanyang pagkatao.
Ngunit ang nagsasagawa ng gawain ay ang Kanyang katawang-tao.
Masasabi ng isang tao na Siya ay isang tao at isa ring Diyos,
sapagkat ang Diyos ay nagiging isang Diyos na namumuhay sa katawang-tao,
may katawan ng tao at diwa ng tao ngunit mayroon ding diwa ng Diyos.
Dahil Siya ay isang tao na may diwa ng Diyos,
nangingibabaw Siya sa lahat ng taong nilikha,
nangingibabaw sa sinumang taong makakagawa ng gawain ng Diyos.
Sa lahat ng may katawan ng taong kagaya ng sa Kanya,
sa lahat ng nagtataglay ng pagkatao,
Siya lamang ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao—
lahat ng iba pa ay mga taong nilikha.
Bagama’t lahat sila ay may pagkatao,
walang ibang taglay ang mga tao maliban sa pagkatao,
samantalang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naiiba:
Sa Kanyang katawang-tao hindi lamang Siya may pagkatao kundi,
ang mas mahalaga, mayroon Siyang pagka-Diyos.
Ngayong naging tao ang Diyos,
ang Kanyang diwa ay isang kumbinasyon ng pagkatao at ng pagka-Diyos.
Ang kumbinasyong ito ay tinatawag na Diyos Mismo,
Diyos Mismo sa lupa.
Ngayong naging tao ang Diyos,
ang Kanyang diwa ay isang kumbinasyon ng pagkatao at ng pagka-Diyos.
Ang kumbinasyong ito ay tinatawag na Diyos Mismo,
Diyos Mismo sa lupa.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video