Christian Song | "Walang Nakababatid sa Pagparito ng Diyos" Choral Hymn
Abril 15, 2024
Walang nakababatid sa pagparito ng Diyos,
walang sumasalubong sa Kanyang pagparito,
at, bukod pa riyan, walang nakakaalam sa lahat ng Kanyang gagawin,
at, bukod pa riyan, walang nakakaalam sa lahat ng Kanyang gagawin.
Ang buhay ng tao ay nagpapatuloy tulad ng dati,
walang naiiba sa kanyang puso, at lumilipas ang mga araw tulad ng dati.
Ang Diyos ay namumuhay sa ating piling,
bilang isang taong katulad ng iba pang mga tao,
bilang isa sa pinakahamak na mga tagasunod
at isang ordinaryong mananampalataya.
Mayroon Siyang sarili Niyang mga paghahangad; sarili Niyang mga layon;
at, bukod pa riyan, mayroon Siyang pagka-Diyos na hindi taglay ng ordinaryong mga tao.
Walang sinumang nakapansin sa pag-iral ng Kanyang pagka-Diyos,
at hindi nahiwatigan ng sinuman ang pagkakaiba
sa pagitan ng Kanyang diwa at ng diwa ng tao.
Namumuhay tayo na kasama Siya, malaya at walang takot,
sapagkat sa ating paningin Siya ay isa lamang hamak na mananampalataya.
Minamasdan Niya ang bawat kilos natin,
at lahat ng ating mga iniisip at ideya ay nakalantad sa Kanyang harapan.
Walang sinumang may interes sa Kanyang pag-iral,
walang sinumang nakakaisip ng anuman tungkol sa Kanyang tungkulin,
at, bukod pa riyan, walang sinumang
may kahit katiting na hinala tungkol sa Kanyang identidad.
Ipinagpapatuloy lamang natin ang ating mga paghahangad,
na para bang wala Siyang kinalaman sa atin …
Subalit ang ordinaryong taong ito,
na nakatago sa gitna ng mga tao,
ang gumagawa ng bagong gawaing iligtas tayo,
ang gumagawa ng bagong gawaing iligtas tayo.
Ang Kanyang mga salita at pagbigkas ay lalo pang nagiging mas madalas.
Mula sa pag-aliw, pagpapayo, pagpapaalala, at pagbabala,
hanggang sa pagsaway at pagdidisiplina;
mula sa tinig na banayad at maamo, hanggang sa mga salitang malupit at maringal—
lahat ng iyon ay nagkakaloob ng awa sa tao at nagdudulot ng pagkabahala sa kanya.
Lahat ng Kanyang sinasabi ay tumatama sa mga lihim na nakatago sa ating kaibuturan;
ang Kanyang mga salita ay dumuduro sa ating puso, dumuduro sa ating espiritu,
at iniiwan tayong puno ng matinding kahihiyan,
na halos hindi natin malaman kung saan tayo magtatago.
Hindi natin alam, inakay na tayo ng hamak na taong ito
sa sunod-sunod na hakbang ng gawain ng Diyos.
Dumaranas tayo ng napakaraming pagsubok, pumapasan ng napakaraming pagtutuwid,
at sinusubok tayo ng kamatayan.
Nalalaman natin ang matuwid at maharlikang disposisyon ng Diyos,
natatamasa rin natin ang Kanyang pag-ibig at awa,
napagtatanto ang dakilang kapangyarihan at karunungan ng Diyos,
nasasaksihan ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos,
at namamasdan ang sabik na hangarin ng Diyos na iligtas ang tao.
Sa mga salita ng ordinaryong taong ito,
nalalaman natin ang disposisyon at diwa ng Diyos,
nauunawaan ang kalooban ng Diyos, nalalaman ang kalikasang diwa ng tao,
at nakikita ang landas tungo sa kaligtasan at pagiging perpekto.
Mula noong sandaling iyon, nagkamalay na ang ating isipan,
at tila muling nabuhay ang ating espiritu:
Ang ordinaryong taong ito, na namumuhay kasama natin
at matagal na nating itinakwil—
hindi ba Siya ang Panginoong Jesus, na lagi nang nasa ating isipan,
sa paggising man o sa panaginip, at ating kinasasabikan gabi’t araw?
Siya nga! Siya talaga!
Siya ang ating Diyos!
Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay!
Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay!
Binigyan Niya tayo ng kakayahang muling mabuhay at makita ang liwanag
at pinatigil na ang ating puso sa paglalaboy-laboy.
Nakabalik na tayo sa harap ng luklukan ng Diyos, tayo ay humarap na sa Kanya,
nasaksihan na natin ang Kanyang mukha,
at nakita na natin ang daan tungo sa hinaharap.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 4: Mamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video