Ang Gawaing Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw
-
1
Nagpapatotoo ka na ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng katotohanan at ginagawa ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, subali’t naniniwala ako na ang ating pananalig sa Panginoong Jesus at pagtanggap sa gawain ng Banal na Espiritu ay nangangahulugan na pumasailalim na tayo sa gawain ng paghatol ng Diyos. Narito ang mga salita ng Panginoong Jesus bilang patunay: “Sapagka’t kung hindi ako yayaon, ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; nguni’t kung ako’y yumaon, siya’y susuguin ko sa inyo. At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:7–8). Naniniwala kami, bagama’t ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, sa araw ng Pentecostes matapos Siyang umakyat sa langit at bumaba ang Banal na Espiritu at gumawa sa mga tao: “… kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol.” Ito ang dapat na gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, kaya ang gusto kong hanapin ay, ano ba talaga ang mga kaibhan sa pagitan ng gawain ng paghatol sa mga huling araw na ginawa ng Makapangyarihang Diyos at ng gawain ng Panginoong Jesus?
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
33
Sinasabi mo na kung hindi natin tatanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, hindi tayo malilinis, kaya hindi tayo magiging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng Diyos. Hindi kami naniniwala rito. Kahit na tayo ay may kakayahan pa ring magkasala at nakagapos sa laman, malinaw na nakasaad sa Biblia na, “Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin” (1 Corinto 15:52). Naniniwala kami na ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat: Ang isang pagpapahayag mula sa Diyos ay lumikha ng langit at lupa at lahat ng mga bagay, at ang isang pagpapahayag mula sa Diyos ay maaaring magpabangon ng mga tao mula sa kamatayan. Pagdating ng Diyos, mababago Niya agad ang ating anyo at itataas tayo sa kaharian ng langit. Samakatuwid ay hindi natin kailangan na magkatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw at ipahayag ang katotohanan at isagawa ang gawain ng paghatol at pagdalisay.
-
34
Pinatototohanan mo na ang Panginoon ay bumalik upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, ngunit sinabi ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t kung hindi Ako yayaon, ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; nguni’t kung Ako’y yumaon, siya’y susuguin Ko sa inyo. At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:7–8). Naniniwala kami na pagkatapos ng muling pagkabuhay at pag-akyat ng Panginoong Jesus, ang Banal na Espiritu ay bumaba upang gumawa sa tao sa panahon ng Pentecostes, na sinasaway ang mundo sa kasalanan, at ng katuwiran, at ng paghatol. Hangga’t ipinagtatapat natin ang ating mga kasalanan at nagsisisi sa Panginoon, tayo ay masasaway at madidisiplina ng Banal na Espiritu, at ito ang paghatol sa atin ng Panginoon. Ano nga ba ang pagkakaiba sa pagitan ng gawain ng paghatol sa mga huling araw na iyong binanggit, at ng gawain ng Panginoong Jesus?
-
-
-
37
Nagpapatotoo kayo na nagbalik na ang Panginoong Jesus na walang iba kundi ang Makapangyarihang Diyos na nagpahayag ng katotohanan sa paggawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw. Paano naging posible ’yan? Talagang paparito ang Panginoon para dalhin tayo sa kaharian ng langit, paano Niya tayo maiiwan para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Palagay ko sa pananalig sa Panginoong Jesus at pagtanggap sa gawain ng Banal na Espiritu, nararanasan na natin ang gawain ng paghatol ng Diyos. May patunay sa salita ng Panginoong Jesus: “Kung hindi ako yayaon, ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; nguni’t kung ako’y yumaon, siya’y susuguin ko sa inyo. At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Juan 16:7–8). Palagay namin matapos mabuhay na mag-uli at umakyat sa langit ang Panginoong Jesus, noong Pentecostes bumaba ang Banal na Espiritu para magsagawa sa mga tao. Iyan ang dahilan kaya sinisi ng mga tao ang kanilang sarili dahil sa kanilang mga kasalanan, sa pagkamatuwid at paghatol. Kapag nangumpisal at nagsisisi tayo sa harap ng Panginoon, talagang nararanasan natin ang paghatol ng Panginoon. Naniniwala tayo na bagama’t ang gawain ng Panginoong Jesus ay gawain ng pagtubos, matapos umakyat sa langit ang Panginoong Jesus, ang gawaing ginawa ng Banal na Espiritu na bumaba noong Pentecostes ay dapat maging gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Kung hindi ito naging gawain ng paghatol, paano nangyaring “kanyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol”? Bilang nga nananalig sa Panginoong, madalas tayong antigin, pagsabihan at disiplinahin ng Banal na Espiritu. Kaya, sa harap ng Panginoon, lagi tayong umiiyak at nagsisisi sa Panginoon. Ang maraming mabubuting asal na ibinubunga nito ay kung paano tayo nabago ng ating pananampalataya sa Panginoon. Hindi ba ito ang resulta ng pagdanas ng paghatol ng Diyos? Ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw na binabanggit n’yo, iba pa ba ito sa gawain ng Panginoong Jesus?
-
-
-
-