Sabi mo nagbalik na ang Panginoong Jesus, kung gayo’y bakit hindi pa namin Siya nakikita? Kailangan muna namin Siyang makita bago kami maniwala at wala kaming tiwala sa sabi-sabi lang. Kung hindi pa namin Siya nakikita, ibig sabihin ay hindi pa Siya nakakabalik; maniniwala ako kapag nakita ko Siya. Sabi mo nagbalik na ang Panginoong Jesus, kung gayo’y nasaan Siya ngayon? Anong gawain ang ginagawa Niya? Anong mga salita ang nasabi na ng Panginoon? Maniniwala ako kapag nalinaw mo na ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng pagpapatotoo.

Abril 18, 2018

Sagot: Ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw ay tulad ng ipinropesiya ng Panginoong Jesus. May dalawang bahagi ito—ang Kanyang lihim na pagdating at ang Kanyang pampublikong pagdating. Ang lihim na pagdating ay tumutukoy sa pagkakatawang-tao ng Diyos sa gitna ng sangkatauhan bilang Anak ng tao upang bigkasin ang Kanyang mga salita, at gawin ang Kanyang gawain sa mga huling araw. Ito ang Kanyang lihim na pagdating. Ang pampublikong pagdating ay ang hayagang pagdating ng Panginoon sakay ng mga ulap, ibig sabihin, ang pagdating ng Panginoon na may kasamang libu-libong santo, na makikita ng lahat ng bansa at lahat ng tao. Kapag sumasaksi tayo ngayon sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, maraming taong nag-aalinlangan: “Sabi mo, nagpakita na ang Diyos at gumagawa. Bakit hindi pa namin Siya nakikita? Kailan at paano binibigkas ng Diyos ang Kanyang mga salita? Mayroon na bang nagtala ng mga salita ng Diyos habang sinasambit Niya ang mga ito, o ipinararating Niya nang direkta sa atin ang mga salitang iyon? Bakit nagsasalita ang Diyos sa gitna ninyong lahat? Bakit hindi namin naririnig ang Kanyang tinig o hindi namin Siya nakikita?” … Nagpakita na ang Diyos sa China, sa Silangan; ipinapahayag Niya ang Kanyang tinig at gumagawa sa larawan ng nagkatawang-taong Anak ng tao. Walang anumang kahima-himala. Karaniwan ang katawang-tao ng Diyos, ang Kanyang anyo ay tulad sa karaniwang tao, at nagsasalita at gumagawa Siya na kasama natin. Walang anumang kahima-himala. Sabi ng ilan: “Kung hindi man lang ito katiting na himala, Diyos nga ba Siya o hindi? Kung nagpapakita at gumagawa ang Diyos, dapat ay kahima-himala ang Kanyang pagpapakita at gawain.” Ang tanong ko sa iyo, kahima-himala ba ang Panginoong Jesus nang Siya ay gumawa? Habang kausap Niya si Pedro, nakikita ba iyon ng mga tao sa ibang lugar? Nang magpakita Siya ng mga tanda at kababalaghan sa isang lugar, nakikita ba iyon ng mga tao na nasa ibang lugar? Talagang hindi. Ang Panginoong Jesus ang Anak ng tao na nasa katawang-tao, at ang Kanyang gawain at Kanyang mga salita ay hindi kahima-himala; bukod pa sa mga pagpapakita Niya ng mga tanda at kababalaghan, walang anumang kahima-himala. Kaya nga hindi marinig ng mga tao sa ibang lugar ang Kanyang mga salita o makita ang Kanyang gawain—yaon lamang mga nasa Kanyang tabi ang nakakita, nakarinig, at nakaranas ng mga ito. Ito ang praktikal at normal na bahagi ng gawain ng Diyos. Samakatuwid, hindi alam ng ibang mga relihiyon at denominasyon ang gawaing nagawa ng Diyos sa pamamagitan ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa China. Bakit hindi nila alam? Hindi gumagawa ang Diyos sa kahima-himalang mga paraan. Yaon lamang mga taong nakasama Niya sa gawain ang nakakakita at nakakarinig dito; yaong mga hindi Niya nakasama sa gawain ay hindi maririnig ang Kanyang tinig. Noong isagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain sa mga Judio, nakita o narinig ba naming mga Chinese ito noon? Nakita at narinig ba ito noon ng mga Briton at Amerikano sa Kanluran? Kung gayo’y bakit natanggap ng mga taga-Kanluran at ng mga Chinese sa Silangan ang gawain ng Panginoong Jesus sa huli? Dahil may mga tao noon na nagpatotoo, na nagpalaganap ng ebanghelyo sa amin, at ibinigay nila sa amin ang Bibliang ito kung saan nakatala ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus. Nang magdasal kami sa Panginoong Jesus, ginampanan ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain at kapiling namin Siya; biniyayaan Niya kami, kaya kami naniwala na ang Panginoong Jesus ang Diyos at ang Tagapagligtas. Naniwala kami sa ganitong paraan. Sabi ng mga taga-Kanluran, “Nagpakita at gumawa na ang Diyos sa China—bakit hindi namin ito nalaman? Bakit hindi namin ito nakita at narinig?” Madali bang ipaliwanag ang tanong na ito?

May mga propesiya ba ang Diyos sa Biblia tungkol sa gawain sa mga huling araw? Ano ang sinabi ng Panginoong Jesus tungkol dito? “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27). Ano ang ibig sabihin nito? Ibig sabihin ay parang kidlat ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, na lumalabas sa Silangan. Gagawa ang Anak ng tao sa Silangan, na magtutulot sa mga taga-Silangan na makita muna ang pagpapakita ng dakilang liwanag, na makita ang pagpapakita ng tunay na liwanag, na makita ang pagpapakita ng Diyos, at kasunod na kasunod niyon, magnininging ang dakilang liwanag sa Kanluran na parang kidlat. Ibig sabihin, matapos lumabas ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa Silangan, inilathala ang mga ito online at sa gayo’y lumaganap ito sa Kanluran. Kailan inilathala ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos online? Ang Chinese edition ay inilathala online noong 2007, o mas maaga pa noong 2005. Ang English edition ay malamang na inilathala online noong 2010. Online na ang mga salita ng Diyos sa loob ng napakaraming taon, subalit ilang taong relihiyoso na ba ang nagsiyasat sa mga ito online? Hindi marami, kaunting-kaunti ang gumagawa nito. Ang paraan ng Diyos at ang mga salitang nabigkas Niya ay matagal nang nasa Internet. Nakita na ng mga tao ngayon na nasa Internet ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, kaya bakit hindi sinisiyasat ng tinatawag na mga debotong nananalig sa Panginoong Jesus ang mga ito? Ano ang problema rito? Naibigay na sa mga tao sa lahat ng bansa at lahat ng rehiyon ang patotoo tungkol sa paraan ng Diyos. Kung hindi sinisiyasat ng tao ang mga ito, at sa huli ay napahamak sila at nalipol, kaninong responsibilidad iyon? Sino ang responsable sa pagkakamaling ito? Ang Diyos ba ang nagkamali o ang tao? Ang tao. Bakit namin sinasabi iyon? Dahil matagal nang sinabi ng Panginoong Jesus na, “Mangagpuyat nga kayo: sapagka’t hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon(Mateo 24:42), “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya(Mateo 25:6), “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig(Juan 10:27). Maraming beses pang sabi ng Panginoong Jesus ang gayong mga bagay: “Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan(Mateo 7:7). Ito ang pangako ng Diyos, at ilang beses ding may sinabing ganito ang Panginoong Jesus. Ayon sa mga salita ng Panginoong Jesus, kung hindi hinahanap ng tao ang Diyos kailanman, at hindi ito sinisiyasat kailanman kapag naririnig niyang magpatotoo ang isang tao tungkol sa pagparito ng Diyos, sa halip ay pikit-mata niyang tinutuligsa ang mga ito, na nagsasabi ng mga bagay na tulad ng “Lahat ng nagpapatotoo sa pagparito ng Diyos ay mga erehe at taksil sa pananampalataya,” ang mga taong ito na hindi pa natatanggap ang gawain ng Diyos hanggang wakas ay magdaranas ng malalaking kapahamakan at mamamatay sa paghihirap sa kanilang mga kaparusahan sa mga kalamidad. Sino ang dapat sisihin? Maraming taong relihiyoso ang nagdududa sa bagay na ito. “Bakit hindi nagpapakita ang Diyos sa amin? Bakit nakatago ang Diyos sa amin? Bakit hindi Niya ipinapaalam sa amin?” Sinabi na ba ng Diyos na, “Kapag lihim Akong dumating para magsagawa ng gawain, magpapakita Ako at magbibigay ng mga paghahayag sa lahat ng tao”? Ano ang sinabi ng Diyos? “Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo(Pahayag 3:3). Ipinropesiya ito sa Aklat ng Pahayag. Samakatuwid, kung naririnig nating mga nananalig sa Panginoon na may nagpatotoo na “Dumating na ang kasintahang lalake; bumalik na ang Panginoon,” subalit hindi natin aktibong sinisiyasat o tinatanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, kapag nadisgrasya tayo at namatay sa ating kaparusahan, hindi natin masisisi ang Diyos. Dapat nating hanapin ang problema sa ating kalooban upang makita kung anong mga aspeto ang hindi natin nagawa nang maayos. Patas lang ito. Sa paglingon sa nakaraan, paano mo tinanggap ang Panginoong Jesus? Lumapit ba sa iyo ang Panginoong Jesus? Nagpakita ba sa iyo ang Panginoon? Hindi Niya ginawa iyan pareho. Tinanggap mo ang Panginoong Jesus dahil ipinangaral ng iba ang ebanghelyo at nagpatotoo sila sa iyo tungkol sa Panginoon. Ang paniniwala sa daan ay nagmumula sa pakikinig tungkol sa daan, samantalang ang pakikinig tungkol sa daan ay nagmumula sa mga salita ng Diyos. Ngayong may isang tao nang nagpatotoo sa iyo tungkol sa ebanghelyong ito at dahil sa katotohanan na dumating na ang Diyos upang isagawa ang gawain, ito ang pag-ibig, awa, at malasakit ng Diyos sa iyo—kaya hindi mo ba dapat unawain iyon? Ganito ito dapat unawain ng isang tapat na tao. Samakatuwid, huwag maging mapagmataas sa harap ng Diyos, huwag mong masyadong hangaan ang sarili mo, huwag mo lang isipin na, “Pagdating ng Diyos dapat muna Niya akong bigyan ng mga paghahayag. Dapat muna Niyang ihayag iyon sa akin. Kung dumating Siya nang hindi ito inihahayag sa akin, hindi Siya ang Diyos, at hindi ko Siya kikilalanin.” Anong klaseng tao ang mga ito? Anong mga pagkakamali ang nagawa nila? Nangangahas ka bang tiyakin na kailangan iyong ihayag sa iyo ng Diyos pagdating Niya? Ano ang batayan mo para dito? Sinabi ba sa iyo ng Panginoon na “Ihahayag Ko muna iyon sa iyo pagdating Ko”? May sinabi na ba Siyang ganoon sa iyo? Palagay mo ba nakahihigit ka sa lahat ng iba pa sa mundo, na ikaw ang pinakamahalaga, na ikaw ang pinaka-nagmamahal sa Diyos? Nakahihigit ka ba sa lahat ng iba pa? Napaka-espesyal mo bang nilikha? Madali bang maililigtas ang taong katulad niyon? Bakit kailangang isagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Iyon ay dahil ang tiwaling sangkatauhan ay hindi angkop na makita ang Diyos. Lahat ng tiwaling sangkatauhan ay may disposisyon ni Satanas; sila lalo na ang mga mapagmataas at mayayabang, at lahat sila ay maluho ang mga pagnanasa tungkol sa Diyos. Inilalagay nila ang kanilang sarili na nakahihigit sa lahat, mas mababa lang nang kaunti sa kalangitan at napakataas kaysa iba, na para bang sila ay pinapaboran ng Langit. Sa gayong klase ng tiwaling disposisyon, sinumang hindi pa tumatanggap ng paghatol at pagkastigo ng Diyos ay hindi angkop na makita ang Diyos.

—mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay

Maraming tao, kabilang na ang mga relihiyoso, na nagsasabi: “Kung dumating na ang Diyos, bakit hindi ko pa Siya nakikita? Dahil hindi ko pa Siya nakikita, nagpapatunay iyon na hindi pa dumarating ang Diyos.” Ano ang dating niyan sa iyo? Nakakatawa at walang katotohanan. Nakikita mo bang dumarating ang Diyos? Kung nakita mo ang totoong anyo ng Diyos patay ka na! Kaya, paano dumarating ang Diyos? Nagkakatawang-tao Siya Mismo sa anyo ng Anak ng tao, na nagsasalita upang iligtas ang sangkatauhan. Makikilala mo ba ang Diyos na nagkatawang-tao kung nakita mo Siya? Kahit nakita mo Siya, hindi mo Siya makikilala. Katulad lang ito noong dumating ang Panginoong Jesus. Maraming taong nakakita sa Panginoong Jesus, pero ilan sa kanila ang nakakilala sa Kanya bilang Cristo, ang Anak ng Diyos? Isang tao lamang: si Pedro, at iyon ay dahil niliwanagan siya ng Banal na Espiritu. Ano ang pinatutunayan nito? Pinatutunayan nito na walang pagkakataon ang tiwaling sangkatauhan na makita ang espirituwal na katawan ng Diyos habang Siya ay nasa pisikal na anyo. Kung dapat mong makita ang espirituwal na katawan ng Diyos patay ka na—hindi mo makikita ang Kanyang espirituwal na katawan kailanman. Ang marinig ang tinig ng Diyos ay malaking pabor na para sa tiwaling sangkatauhan. Nang gumawa ang Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan, ilang tao ang nakakarinig sa tinig ng Diyos? Hindi marami. Alam namin na narinig ni Job ang tinig ng Diyos, ngunit nakita ba niya ang mukha ng Diyos? Hindi, narinig lang niyang kinakausap siya ng Diyos na si Jehova mula sa loob ng isang ipuipo, kaya masasabi natin na ang pakikinig sa tinig ng Diyos ay katumbas ng pagkakita sa Kanyang mukha? Narinig ni Moises na tinatawag siya ng Diyos, ngunit nakita ba niya ang mukha ng Diyos? Kalaunan ay nakita ni Moises ang likod ng Diyos, ngunit hindi ang Kanyang mukha. Kaya kung marinig mong sinasabi ng isang tao na: “Nagpapatotoo ka na dumating na ang Diyos, pero bakit hindi ko pa Siya nakikita? Bakit wala pa ito sa pambansang istasyon ng TV o sa radyo?” Ano sa palagay mo ang ganitong klaseng pananalita? Masyadong parang bata! Sino ang nakakita sa pagdating ng Panginoong Jesus? Iilang Judio lang noong panahong iyon. Sinundan Siya ng mga Judiong iyon noon na, sabi nga ng Panginoong Jesus, nakarinig sa tinig ng Diyos at nakarinig sa awtoridad at kapangyarihan. Ngunit sa bandang huli, ilan ang talagang naniwala sa Panginoong Jesus, talagang sumunod sa Kanya? Masyadong kakaunti. Kaya kapag dumating ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw na nadaramitan bilang karaniwang tao, hindi natin kailangang makita ang mukha ng taong ito upang makita ang mukha ng Diyos. Sa halip, kapag narinig natin ang Kanyang tinig at nakita ang mga katotohanang ipinapahayag Niya, dapat nating tanggapin, sundin, at isagawa ang mga iyon. Ang mga taong gumagawa nito ay makakamit ang katotohanan at buhay, at matatamo ang pagliligtas ng Diyos. Mapaninindigan ba ng mga tao na sabihing “Kailangan kong makita ang mukha ni Cristo bago ko Siya tanggapin”? Maaari bang kumatawan ang imahe ng nagkatawang-taong Diyos sa espirituwal na katawan ng Diyos? Maaari bang kumatawan ang imahe ng Panginoong Jesus sa tunay na imahe ng Diyos? Hindi, hindi nito kaya. Kaya pansamantala ang imaheng ginagamit ng katawang-tao, at sapat nang nakikita ng mga tao na isa lamang Siyang normal at karaniwang tao. Ang pinakamahalaga, kailangang tanggapin ng mga tao ang Diyos na nagkatawang-tao, makinig sa Kanyang mga salita at tanggapin ang lahat ng katotohanang ipinapahayag Niya. Ito ang paraan para matamo ang pag-ibig at pagliligtas ng Diyos! Kung hindi mo pakikinggan ang Kanyang mga salita at tatanggapin ang lahat ng katotohanang ipinapahayag Niya, hindi ka magkakaroon ng kaugnayan sa Diyos, hindi mo matatamo ang papuri ng Diyos kailanman. Ang mga katotohanang ipinapahayag ng Diyos sa mga huling araw ay pawang katotohanan na nagpapadalisay at nagliligtas sa mga tao, at dahil dito, ito ang pinakamahalagang mga katotohanan. Ang mga taong hindi tinatanggap at isinasagawa ang mga ito ay tiyak na hindi makakamit ang pagliligtas ng Diyos kailanman.

—mula sa Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Matagal na naming narinig na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagpatotoo na tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. At Siya ang Makapangyarihang Diyos! Nagpapahayag Siya ng mga katotohanan at gumaganap sa Kanyang gawaing paghatol sa mga huling araw, ngunit karamihan sa mga tao ng mga relihiyosong lipunan ay naniniwala lahat na babalik ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbaba nang nasa mga alapaap. Ito ay dahil malinaw na nagsabi ang Panginoong Jesus na: “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:30). Ipinropesiya rin ng Libro ng Pahayag: “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya” (Pahayag 1:7). Pinananatili ko rin ang paniniwalang babalik ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbaba nang nasa mga alapaap upang direkta tayong dalhin sakaharian ng langit. Tinatanggihan namin ang Panginoong Jesus na hindi bumaba nang nasa mga alapaap. Sinasabi ninyo na ang pagbabalik ng Panginoon ay pagbabalik sa katawang-tao at pagbaba nang palihim. Ngunit walang nakakaalam tungkol dito. Gayunman, ang lantarang pagbaba ng Panginoonnang nasa mga alapaap ay ganap! Kaya hinihintay naming bumaba ang Panginoonnang nasa mga alapaap at lantarang magpakita upang dalhin tayo nang direkta sa kaharian ng langit. Tama ba ang aming pag-unawa o hindi?

Sagot: Pagdating sa paghihintay sa Panginoon na bumaba nang nasa mga alapaap, hindi tayo dapat umasa sa mga paniniwala at imahinasyon ng...