Malinaw itong nasusulat sa banal na kasulatan: “Si Jesucristo ay Siya ring kahapon at ngayon, at magpakailanman” (Mga Hebreo 13:8). Kaya ang pangalan ng Panginoon ay hindi nagbabago, pero sinasabi mo na ang pangalan ng Panginoong Jesus ay magbabago sa mga huling araw. Paano mo ito ipaliliwanag?

Agosto 26, 2018

Sagot: Mga kapatid, sinasabi sa Biblia, “Si Jesucristo ay Siya ring kahapon at ngayon, at magpakailanman” (Mga Hebreo 13:8). Tinutukoy nito ang katotohanan na ang disposisyon ng Diyos at ang kanyang diwa ay walang-hanggan at di nagbabago. Hindi ibig sabihin nito na hindi magbabago ang Kanyang pangalan. Tingnan natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay hindi nagbabago. Ito ay tama, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nagbabagong diwa at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang diwa ay nagbago; sa madaling salita, ang Diyos ay palaging magiging Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano ng pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi nagbabago ang Diyos magpakailanman, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, magagawa ba Niyang akayin ang sangkatauhan hanggang sa kasalukuyang panahon? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit nagawa na Niya ang gawain sa dalawang kapanahunan? … ang mga salitang ‘Ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma’ ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang ‘Ang Diyos ay hindi nagbabago’ ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon ang Diyos at kung ano Siya. Anupaman, hindi mo maaaring ibatay ang anim na libong taong gawain sa iisang punto, o limitahan ito gamit ang mga patay na salita. Ganito ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi kasingpayak ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kanyang gawain ay hindi magtatagal sa isang kapanahunan lamang. Ang pangalang Jehova, halimbawa, ay hindi maaaring laging kumatawan sa pangalan ng Diyos; maaari ding gawin ng Diyos ang Kanyang gawain sa pangalan na Jesus. Isa itong tanda na ang gawain ng Diyos ay laging kumikilos nang pasulong.

Ang Diyos ay palaging Diyos, at hindi kailanman magiging si Satanas; si Satanas ay palaging si Satanas, at hindi kailanman magiging Diyos. Ang karunungan ng Diyos, ang Kanyang pagiging kamangha-mangha, ang Kanyang katuwiran, at ang Kanyang kadakilaan ay hindi kailanman magbabago. Ang Kanyang diwa at kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya ay hindi kailanman magbabago. Subalit, ang Kanyang gawain ay palaging kumikilos nang pasulong, laging lumalalim, dahil ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma. Sa bawat kapanahunan ay nagkakaroon ng bagong pangalan ang Diyos, sa bawat kapanahunan ay gumagawa Siya ng bagong gawain, at sa bawat kapanahunan ay hinahayaan Niyang makita ng Kanyang mga nilalang ang bago Niyang kalooban at bago Niyang disposisyon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3).

Makikita natin sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na ang Diyos Mismo ay di nagbabago. Nakapatungkol ito sa disposisyon at diwa ng Diyos, hindi sa Kanyang pangalan. Kahit na nagsagawa ang Diyos ng kaibang gawain at gumamit ng iba’t ibang mga pangalan sa iba’t ibang panahon sa Kanyang proseso ng pagliligtas sa sangkatauhan, ang Kanyang diwa ay di maaaring magbago kailanman. Ang Diyos ay mananatiling Diyos. Kaya’t ang pangalan man Niya ay Jehova o Jesus, ang Kanyang diwa ay di nagbabago kailanman. Iisang Diyos pa rin ang gumagawa. Gayunman, noong panahong iyon ay di alam ng mga Fariseong Judio na nagbabago ang pangalan ng Diyos kasabay ng pagbabago ng panahon, sa Kanyang gawain. Naniwala sila na si Jehoa lang ang kanilang Diyos, kanilang Tagapagligtas dahil sa paglipas ng mga panahon napanatili nila na si Jehova lang ang Diyos, at walang ibang Tagapagligtas kundi si Jehova. Bilang resulta, nang binago ng Diyos ang Kanyang pangalan at dumating para gawin ang pagtubos gamit ang pangalang “Jesus,” buong kabaliwan nilang kinondena at kinalaban ang Panginoong Jesus. Sa huli, ipinako nila Siya sa krus, ginawa ang karumal-dumal na krimen, at dumanas ng kaparusahan ng Diyos. Gayundin naman, ngayong nasa mga huling araw na tayo, kung itatatwa natin ang diwa ng Diyos at na ito ang gawain ng isang Diyos dahil binago Niya ang Kanyang gawain at Kanyang pangalan, iyan ay kawalang-ingat at pagka-ignorante ng tao. Napakahalaga ng bawat pangalang tinaglay ng Diyos sa bawat panahon, at lahat ng ito’y malaking kaligtasan sa sangkatauhan.

Ang Diyos ay palaging bago, at hindi naluluma. Siya ang Diyos na nakasasaklaw sa lahat ng bagay. Ang bawat pangalan ng Diyos ay hindi maaaring kumatawan sa Kanyang kabuuan. Kaya nga, sa pagsulong ng mga panahon, ang Kanyang mga pangalan ay patuloy ding nagbabago. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang pangalan na Jesus ay ginamit para sa gawain ng pagtubos, kaya tatawagin pa rin ba Siya sa parehong pangalan pagbalik Niya sa mga huling araw? Gagawin pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit kung iisa lamang si Jehova at si Jesus, Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan sa magkaibang kapanahunan? Hindi ba’t ito ay sa kadahilanang magkaiba ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain? Maaari bang kumatawan sa Diyos, sa Kanyang kabuuan, ang iisang pangalan lamang? Dahil dito, nararapat na tawagin ang Diyos sa ibang pangalan sa ibang kapanahunan, at nararapat Niyang gamitin ang pangalang ito upang baguhin ang kapanahunan at katawanin ang kapanahunan. Dahil walang anumang pangalan ang maaaring ganap na kumatawan sa Diyos Mismo, at ang bawat pangalan ay maaari lamang kumatawan sa pansamantalang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa isang tiyak na kapanahunan; ang kailangan lang nitong gawin ay kumatawan sa Kanyang gawain. Samakatuwid, maaaring mamili ang Diyos ng anumang pangalan na angkop sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3). “Ang pangalang Jesus ba—‘Diyos na kasama natin’—ay maaaring kumatawan sa buong disposisyon ng Diyos? Maaari ba nitong malinaw na maipaliwanag ang Diyos? Kung ang tao ay nagsasabi na ang Diyos ay maaari lang tawaging Jesus, at hindi maaaring magkaroon ng iba pang pangalan dahil hindi maaaring baguhin ng Diyos ang Kanyang disposisyon, ang mga salitang iyon ay talagang kalapastanganan sa Diyos! Naniniwala ka bang ang pangalang Jesus, Diyos na kasama natin, ay maaaring mag-isang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan? Maaaring tawagin sa iba’t ibang pangalan ang Diyos, ngunit sa mga pangalang ito, walang kahit isa ang makakayang lumagom sa kabuuan ng Diyos, walang kahit isa na maaaring lubos na kumatawan sa Diyos. At kaya, maraming pangalan ang Diyos, ngunit ang mga pangalang ito ay hindi maaaring ganap na maipahayag ang disposisyon ng Diyos, dahil ang disposisyon ng Diyos ay napakasagana at lumalampas sa kakayahan ng tao na kilalanin Siya. Walang paraan ang tao, gamit ang wika ng tao, na ganap na mabuod ang Diyos. … Ang isang partikular na salita o pangalan ay walang kakayahan na kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan, kaya sa tingin mo ba ay maaaring gawing permanente ang Kanyang pangalan? Ang Diyos ay napakadakila at napakabanal, ngunit hindi mo Siya hahayaang magpalit ng Kanyang pangalan sa bawat bagong kapanahunan? Samakatuwid, sa bawat kapanahunan na personal na isinasagawa ng Diyos ang Kanyang sariling gawain, gumagamit Siya ng isang pangalan na naaangkop sa kapanahunan upang lagumin ang gawain na Kanyang balak gawin. Ginagamit Niya ang partikular na pangalang ito, isa na nagtataglay ng pansamantalang kahalagahan, upang kumatawan sa Kanyang disposisyon sa kapanahunang iyon. Ito ang paggamit ng Diyos ng wika ng tao upang ipahayag ang Kanyang sariling disposisyon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3). Ang Diyos ang matalinong, makapangyarihang Pinuno. Siya ay dakila, Siya ay sagana, at saklaw Niya ang lahat. Anumang partikular na pangalan ay di maaaring kumatawan sa lahat ng kung ano ang Diyos. Bukod pa riyan, sa bawat panahon bahagi lamang ng Kanyang gawain ang nagawa ng Diyos, at bahagi lang ng Kanyang disposisyon ang Kanyang ibinunyag. Hindi Niya ipinahayag ang lahat ng mayroon Siya at kung ano Siya. Kaya nga, sa bawat yugto ng Kanyang gawain ay gumagamit Siya ng partikular na pangalan na sumasagisag sa kahalagahan ng kapahunang iyon upang kumatawan sa Kanyang gawain sa panahong iyon, at sa ipinapahayag Niyang disposisyon. Ito’y isang alituntunin ng gawain ng Diyos, at ito ang pangunahing dahilan kaya binabago Niya ang Kanyang pangalan.

mula sa iskrip ng pelikulang Nagbago ang Pangalan ng Diyos?!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.