Kung ang Panginoong Jesus ay Diyos Mismo, bakit kapag nagdarasal ang Panginoong Jesus, nagdarasal pa rin Siya sa Diyos Ama? Mayroon talagang hiwaga dito na dapat maihayag. Magbahagi ka naman sa amin.

Agosto 30, 2018

Panalangin sa Gethsemane

Sagot: Totoong may hiwaga sa pagtawag ng Panginoong Jesus sa Diyos ng langit na Ama sa Kanyang mga panalangin. Nang nagkatawang-tao ang Diyos, nagtago ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao, mismong ang katawan ay hindi alam na naroon ang Espiritu. Tulad ng hindi natin nadarama ang ating mga espiritu na nasa ating kalooban. Bukod pa riyan, ang Espiritu ng Diyos ay hindi gumagawa ng anumang bagay na pambihira sa loob ng Kanyang katawan. Kaya’t kahit na ang Panginoong Jesus ay Diyos na nagkatawang-tao noon, kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi nagsalita at nagpatotoo sa Diyos Mismo, hindi sana nalaman ng Panginoong Jesus na Siya ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Kaya’t sa Biblia ay sinasabing, “kahit ang Anak, kundi ang Ama(Marcos 13:32). Bago isinagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang ministeryo, Siya ay nabuhay sa loob ng normal na pagkatao. Talagang hindi Niya alam na Siya ang pagkakatawang-tao ng Diyos dahil ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao ay hindi gumawa sa pambihirang paraan, gumawa Siya sa saklaw ng normal na katawan, tulad ng iba pang tao. Kaya, natural lang na ang Panginoong Jesus ay magdarasal sa Ama sa langit, na ibig sabihin, mula sa Kanyang normal na pagkatao, ang Panginoong Jesus ay nagdasal sa Espiritu ng Diyos. Kumpleto ang diwang ito. Nang pormal na isagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang ministeryo, ang Banal na Espiritu ay nagsimulang magsalita at magpahayag, sumasaksi na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao. Noon lamang natanto ng Panginoong Jesus ang Kanyang tunay na pagkatao, na dumating Siya para gawin ang gawain ng pagtubos. Ngunit noong ipapako na Siya sa krus, nanalangin pa rin Siya sa Diyos Ama. Ipinakikita nito na ang diwa ni Cristo ay lubusang masunurin sa Diyos.

Magbasa tayo ng dalawa pang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos para malinawan ang ating pagkaunawa sa isyung ito. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nang tawagin ni Jesus ang Diyos sa langit sa pangalang Ama nang Siya ay manalangin, ginawa lamang ito mula sa pananaw ng isang taong nilikha, dahil lamang sa nakadamit ang Espiritu ng Diyos ng isang ordinaryo at normal na katawan at may panlabas na panakip ng isang nilalang. Kahit nasa loob Niya ang Espiritu ng Diyos, ang Kanyang panlabas na anyo ay sa isang normal na tao pa rin; sa madaling salita, Siya ay naging ‘Anak ng tao’ na binanggit ng lahat ng tao, maging ni Jesus Mismo. Dahil Siya ay tinawag na Anak ng tao, Siya ay isang tao (lalaki man o babae, ano’t anuman ay isang may panlabas na balat ng isang tao) na isinilang sa isang normal na pamilya ng mga ordinaryong tao. Samakatuwid, ang pagtawag ni Jesus sa Diyos sa langit sa pangalang Ama ay katulad ng pagtawag ninyong Ama sa Kanya noong una; ginawa Niya iyon mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Naaalala pa ba ninyo ang Panalangin ng Panginoon na itinuro ni Jesus na isaulo ninyo? ‘Ama namin na nasa langit….’ Hiniling Niya sa lahat ng tao na tawagin ang Diyos sa langit sa pangalang Ama. At yamang tinawag Niya rin Siyang Ama, ginawa Niya iyon mula sa pananaw ng isang nasa isang katayuang kapantay ninyong lahat. Yamang tinawag ninyo ang Diyos sa langit sa pangalang Ama, nakita ni Jesus ang Kanyang Sarili na kapantay ninyo, at bilang isang tao sa lupa na hinirang ng Diyos (ibig sabihin, ang Anak ng Diyos). Kung tinatawag ninyong ‘Ama’ ang Diyos, hindi ba dahil kayo ay isang nilalang? Gaano man kadakila ang awtoridad ni Jesus sa lupa, bago Siya ipinako sa krus, isa lamang Siyang Anak ng tao, na pinamamahalaan ng Banal na Espiritu (ibig sabihin, ng Diyos), at isa sa mga nilalang sa lupa, sapagkat hindi pa Niya natatapos ang Kanyang gawain. Samakatuwid, ang pagtawag Niya sa Diyos sa langit na Ama ay dahil lamang sa Kanyang pagpapakumbaba at pagsunod. Gayunman, ang Kanyang pagtawag sa Diyos (ibig sabihin, ang Espiritu sa langit) sa gayong paraan ay hindi nagpapatunay na Siya ang Anak ng Espiritu ng Diyos sa langit. Sa halip, iba lamang talaga ang Kanyang pananaw, hindi dahil iba Siyang persona. Ang pag-iral ng magkakaibang mga persona ay isang kamalian! Bago Siya ipinako sa krus, si Jesus ay isang Anak ng tao na nakatali sa mga limitasyon ng katawang-tao, at hindi Niya lubos na taglay ang awtoridad ng Espiritu. Kaya nga maaari lamang Niyang hangarin ang kalooban ng Diyos Ama mula sa pananaw ng isang nilalang. Katulad iyon ng tatlong beses Niyang ipinanalangin sa Getsemani: ‘Huwag ang ayon sa ibig Ko, kundi ang ayon sa ibig Mo.’ Bago Siya inilagay sa krus, isa lamang Siyang Hari ng mga Judio; Siya si Cristo, ang Anak ng tao, at hindi isang niluwalhating katawan. Kaya nga, mula sa pananaw ng isang nilalang, tinawag Niyang Ama ang Diyos.” “May mga iba na nagsasabi na, ‘Hindi ba malinaw na sinabi ng Diyos na si Jesus ay ang Kanyang sinisintang Anak?’ Si Jesus ang sinisintang Anak ng Diyos, na lubos Niyang kinalulugdan—tiyak na sinambit ito ng Diyos Mismo. Iyon ang Diyos na nagpapatotoo sa Kanyang Sarili, ngunit mula lamang sa ibang pananaw, yaong sa Espiritu sa langit na nagpapatotoo sa Kanyang sariling pagkakatawang-tao. Si Jesus ang Kanyang pagkakatawang-tao, hindi ang Kanyang Anak sa langit. Nauunawaan mo ba? Hindi ba ang mga salita ni Jesus na, ‘Ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa Akin,’ ay nagpapahiwatig na Sila ay iisang Espiritu? At hindi ba dahil sa pagkakatawang-tao kaya Sila nagkahiwalay sa pagitan ng langit at lupa? Ang totoo, Sila ay iisa pa rin; kahit ano pa, ito ay ang Diyos lamang na nagpapatotoo sa Kanyang Sarili. Dahil sa pagbabago sa mga kapanahunan, sa mga kinakailangan ng gawain, at sa magkakaibang yugto ng Kanyang plano ng pamamahala, ang pangalang itinatawag sa Kanya ng tao ay nag-iiba rin. Nang Siya ay pumarito upang isagawa ang unang yugto ng gawain, maaari lamang Siyang tawaging Jehova, na Siyang pastol ng mga Israelita. Sa ikalawang yugto, ang Diyos na nagkatawang-tao ay maaari lamang tawaging Panginoon, at Cristo. Ngunit noon, sinabi lamang ng Espiritu sa langit na Siya ang sinisintang Anak ng Diyos at hindi binanggit ang Kanyang pagiging bugtong na Anak ng Diyos. Hindi ito talaga nangyari. Paano magkakaroon ng kaisa-isang anak ang Diyos? Kung gayon ay hindi ba naging tao ang Diyos? Dahil Siya ang pagkakatawang-tao, tinawag Siyang sinisintang Anak ng Diyos, at, dito nagmula ang relasyon sa pagitan ng Ama at Anak. Dahil lamang iyon sa pagkahiwalay sa pagitan ng langit at lupa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Umiiral Ba ang Trinidad?).

Malinaw na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ang mga bagay. Noong gumagawa ang Panginoong Jesus na kasama ang mga tao, iyon ay talagang ang Espiritu ng Diyos sa katawan bilang isang tao na kumikilos at nagpapakita sa tao. Kahit paano ipinapahayag ng Panginoong Jesus ang Kanyang salita o nagdarasal sa Diyos Ama, ang Kanyang diwa ay pagka-Diyos, hindi pagkatao. Ang Diyos ay Espiritu, na hindi nakikita ng tao. Kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao, ang nakikita lamang ng tao ay ang katawan, hindi niya nakikita ang Espiritu ng Diyos. Kung ang Banal na Espiritu ay direktang sumaksi sa katotohanan na ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao ay Diyos, malamang hindi ito tinanggap ng tao. Dahil, noong panahong iyon, wala ni isang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng magkatawang-tao ang Diyos. Nakakasalamuha lang nila ang pagkakatawang-tao ng Diyos at kakaunti lang ang pang-unawa. Hindi nila maisip na itong karaniwang Anak ng tao ay magiging ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos, ibig sabihin, ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao. Bagamat ipinahayag ng Panginoong Jesus ang marami sa Kanyang salita sa panahon ng Kanyang gawain, dinala sa tao ang daan, “Mangagsisi kayo: sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit,” at nagpakita ng maraming himala, ganap na ibinubunyag ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, nabigo ang tao na makilala mula sa salita at gawa ng Panginoong Jesus na ang Panginoong Jesus ang Diyos Mismo ibig sabihin, ang pagpapakita ng Diyos. Kaya nga, ang Diyos ay gumawa ayon sa sukat ng mga tao noong panahong iyon, hindi Niya sila pinahirapan. Ang Banal na Espiritu ay makapagpapatotoo lamang sa abot ng pang-unawa ng mga tao noong panahong iyon, kaya tinawag Niya ang Panginoong Jesus na pinakamamahal na Anak ng Diyos, pansamantalang tinutulutan ang tao na isipin ang Panginoong Jesus bilang Anak ng Diyos. Sa ganitong paraan ay mas akma sa mga pagkaintindi ng mga tao, at mas madaling tanggapin dahil noong panahong iyon, ang Panginoong Jesus ay ginagawa lamang ang gawain ng pagtubos. Kahit ano pa ang itawag ng mga tao sa Panginoong Jesus, ang mahalaga ay tinanggap nila na ang Panginoong Jesus ang Tagapagligtas, napatawad ang kanilang mga kasalanan, at naging kwalipikado upang matamasa ang biyaya ng Diyos. Kaya’t, ang Espiritu ng Diyos ay sumaksi sa Panginoong Jesus sa ganitong paraan dahil mas angkop ito sa sukat ng mga tao noong panahong iyon. Ganap na tinutupad nito ang salita ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang Sarili; kundi ang anumang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13).

Sa kabila ng katotohanan na hindi natin nakikita ang Espiritu ng Diyos, kapag ang Espiritu ng Diyos ay nagkaroon ng katawan, ang disposisyon ng Diyos, ang lahat ng mayroon at kung ano Siya, ang Kanyang pagkamakapangyarihan at karunungan ay ipinapahayag lahat sa pamamagitan ng Kanyang katawang-tao. Mula sa salita at gawa ng Panginoong Jesucristo at sa disposisyon na ipinapahayag Niya, talagang makatitiyak tayo na ang Panginoong Jesus ang Diyos Mismo. Ang salita at gawa ng Panginoong Jesus ay puno ng awtoridad at kapangyarihan. Ang sinasabi Niya ay nagkakatotoo, ang hinihiling Niya ay nakakamit. Sa sandaling magsalita Siya, ang Kanyang mga salita ay nagkakatotoo. Tulad ng pagiging sapat ng isang salita mula sa Panginoong Jesus para patawarin ang pagkamakasalanan ng tao at muling buhayin ang patay. Pinapaya ng isang salita ang hangin at ang dagat at marami pang iba. Mula sa salita at gawa ng Panginoong Jesus, hindi ba natin nakikita ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, na namamahala sa lahat ng bagay? Hindi ba natin nakita ang pagkamakapangyarihan, karunungan, at kagila-gilalas na mga gawa ng Diyos? Ipinahayag ng Panginoong Jesus ang daan sa Kanyang mga salita, “Mangagsisi kayo: sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit.” Pinasimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya, tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan, ipinahayag ang magiliw at mapagmahal na disposisyon ng Diyos at kinumpleto ang gawain ng pagtubos ng sangkatauhan. Ginawa ba ng Panginoong Jesus ang gawain ng Diyos Mismo? Ang salita at gawa ng Panginoong Jesus ay direktang pagpapahayag ng Espiritu ng Diyos. Hindi ba’t katibayan ito na ang Espiritu ng Diyos ay nagkatawang-tao para magsalita at gumawa para sa tao, upang magpakita sa kanila? Posible ba na kahit paano magsalita at gumawa sa katawang-tao ang Espiritu ng Diyos, hindi natin Siya kayang makilala? Ito bang panlabas na anyo ng laman ay talagang makakahadlang sa atin sa pagkilala sa pagka-Diyos ni Cristo? Maaari ba na, kapag nagkaroon ng katawan ang Espiritu ng Diyos upang magsalita at gawin ang gawain, kahit gaano pa ang maranasan natin ay hindi pa rin natin makikilala ang pagpapakita at gawa ng Diyos? Kung ganito ang sitwasyon, masyadong matigas ang ulo natin sa ating paniniwala. Paano pa natin makakamit ang pagpuri ng Diyos?

mula sa iskrip ng pelikulang Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.