Pagkilala sa Totoong Cristo at mga Huwad na Cristo
-
-
-
3
Naniniwala ako na kung tayo ay magiging tapat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa paraan ng Panginoon at hindi tatanggapin ang panlilinlang ng bulaang Cristo at mga bulaang propeta, kung tayo ay alerto habang tayo ay naghihintay, kung gayon ang Panginoon ay tiyak na magbibigay sa atin ng mga rebelasyon kapag Siya ay dumating. Hindi natin kailangang makinig sa boses ng Panginoon upang tayo ay dalhin. Sabi ng Panginoong Jesus, “Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinumang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati na’ng mga hirang” (Mateo 24:23–24). Hindi n’yo ba nakikita ang panlilinlang ng mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta? Kaya nga, naniniwala kami na lahat ng nagpapatotoo sa pagdating ng Panginoon ay tiyak na bulaan. Hindi na natin kailangang maghanap at magsiyasat. Dahil pagdating ng Panginoon, maghahayag Siya sa atin, at tiyak na hindi Niya tayo pababayaan. Naniniwala ako na ito ang tamang pagpapatupad. Ano sa tingin ninyong lahat?
-
-
-
-
7
Sa kasalukuyan ay may bilang ng mga insidente ng panlilinlang ng mga huwad na Cristo sa iba’t ibang mga relihiyosong komunidad sa buong mundo. Hindi magawang makita kung ano ba talaga ang panlilinlang na ito, maraming tao ang sumunod sa mga huwad na Cristong ito, sa gayon ay natutupad ang propesiya ng Panginoong Jesus: “Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang” (Mateo 24:23–24). Samakatuwid, naniniwala kami na ang sinumang pinapatotohanan bilang ang pagdating ng Panginoon ay walang alinlangan na isang huwad na Cristo, at hindi na sila kailangang hanapin at siyasatin. Mali ba kami sa paniniwalang ito?
-