Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Bakit sinasabi na mas kailangan ng tiwaling sangkatauhan ang pagliligtas ng Diyos na naging tao?

97

6. Bakit sinasabi na mas kailangan ng tiwaling sangkatauhan ang pagliligtas ng Diyos na naging tao?

Bakit sinasabi na mas kailangan ng tiwaling sangkatauhan ang pagliligtas ng Diyos na naging tao?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginawa sa pamamagitan ng paraan ng Espiritu o bilang Espiritu, sapagka’t ang Kanyang Espiritu ay hindi maaaring mahawakan o makita ng tao, at hindi maaaring malapitan ng tao. Kung sinubukan Niyang direktang iligtas ang tao sa paraan ng Espiritu, hindi makakaya ng tao na tanggapin ang Kanyang pagliligtas. At kung hindi dahil sa Diyos na nagsuot ng panlabas na anyo ng isang nilalang na tao, hindi nila makakayang tanggapin ang kaligtasang ito. Sapagka’t walang paraan ang tao upang makalapit sa Kanya, katulad ng walang maaaring makalapit sa ulap ni Jehova. Tanging sa pamamagitan ng pagiging isang tao ng paglikha, iyan ay, ang paglalagay ng Kanyang salita sa Kanyang magiging katawang-tao, saka lamang Niya personal na magagawa ang salita tungo sa lahat ng sumusunod sa Kanya. Saka lamang maaaring marinig ng tao para sa kanya mismo ang Kanyang salita, makita ang Kanyang salita, at matanggap ang Kanyang salita, at sa gayon sa pamamagitan nito ay lubusang mailigtas. Kung ang Diyos ay hindi naging katawang-tao, walang makalamang tao ang makakatanggap ng gayong dakilang kaligtasan, at wala rin kahit isang tao ang maliligtas. Kung ang Espiritu ng Diyos ay gumawa nang direkta sa tao, ang tao ay masasaktan o ganap na mabibihag ni Satanas dahil hindi kaya ng tao na makisama sa Diyos. Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng katawang-tao ni Jesus, iyon ay, iniligtas Niya ang tao mula sa krus, nguni’t ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog para sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas yaong mga taong tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad ay mapalaya mula sa kanilang mga kasalanan at magawang ganap na malinis, at magkamit ng pagbabago sa disposisyon, at sa gayon ay makakawala sa kapangyarihan ng kadiliman ni Satanas at makakabalik sa harap ng trono ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring maging lubos na mapabanal ang tao.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

(Mga Piling Talata ng Salita ng Diyos)

Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Naging Tao

Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may laman at nagawang tiwali na ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya nagawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, nagawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang nilalang na may kamatayan, na may laman at dugo, at ang Diyos lamang ang tanging Isa na maaaring magligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang katawang-tao na nagtataglay ng parehong mga katangian bilang tao upang gawin ang Kanyang gawain, upang makamit ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil ang tao ay sa laman, at hindi kayang pagtagumpayan ang kasalanan o alisin ang kanyang sarili sa laman. Kahit na ang diwa at pagkakakilanlan ng Diyos na nagkatawang-tao ay malaki ang pagkakaiba mula sa diwa at pagkakakilanlan ng tao, gayon pa man ang Kanyang hitsura ay kapareho ng tao, nasa Kanya ang hitsura ng isang pangkaraniwang tao, at namumuhay bilang isang karaniwang tao, at yaong mga nakakakita sa Kanya ay walang makikitang pagkakaiba sa isang karaniwang tao. Ang karaniwang hitsurang ito at normal na pagkatao ay sapat para sa Kanya na gawin ang Kanyang maka-Diyos na gawain sa normal na pagkatao. Ang Kanyang katawang-tao ay nagbibigay-daan sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa normal na pagkatao, at tumutulong sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, at ang Kanyang normal na pagkatao, bukod doon, ay tumutulong sa Kanya na isagawa ang gawain ng pagliligtas sa gitna ng tao. Kahit na ang Kanyang normal na pagkatao ay naging sanhi ng malaking kaguluhan sa gitna ng tao, ang ganoong kaguluhan ay hindi nakaapekto sa karaniwang mga bunga ng Kanyang gawain. Sa madaling salita, ang gawain ng Kanyang normal na katawang-tao ay may sukdulang pakinabang sa tao. Kahit na karamihan sa mga tao ay hindi tinatanggap ang Kanyang normal na pagkatao, ang Kanyang gawain ay maaari pa ring maging mabisa, at ang mga epekto na ito ay nakakamit salamat sa Kanyang normal na pagkatao. Ito ay hindi mapag-aalinlanganan. Mula sa Kanyang gawain sa katawang-tao, ang tao ay nakakatamo ng sampung beses o dose-dosenang beses na higit na mga bagay kaysa sa mga pagkaintindi na umiiral sa gitna ng tao tungkol sa Kanyang normal na pagkatao, at ang ganoong mga pagkaintindi sa huli ay lahat malululon ng Kanyang gawain. At ang epekto na nakamit na ng Kanyang gawain, na ang ibig sabihin, ang kaalaman ng tao tungo sa Kanya, ay higit na lamang kaysa mga pagkaintindi ng tao tungkol sa Kanya. Walang paraan upang isipin o sukatin ang gawain na ginagawa Niya sa katawang-tao, dahil ang Kanyang katawang-tao ay hindi katulad ng sinumang taong maka-laman; kahit na ang panlabas na balat ay magkapareho, ang diwa ay hindi pareho. Ang Kanyang katawang-tao ay gumagawa ng maraming pagkaintindi sa gitna ng tao tungkol sa Diyos, gayon pa man ang Kanyang katawang-tao ay maaari ring payagan ang tao upang makakuha ng maraming kaalaman, at maaari ring lupigin ang sinumang tao na nagmamay-ari ng isang katulad na panlabas na balat. Dahil Siya ay hindi lamang isang tao, kundi ang Diyos na may panlabas na balat ng isang tao, at walang maaaring ganap na makaarok o makaintindi sa Kanya. Ang isang hindi nakikita at hindi nahihipong Diyos ay minamahal at tinatanggap ng lahat. Kung ang Diyos ay isa lamang Espiritu na hindi nakikita ng tao, napakadali para sa tao na maniwala sa Diyos. Ang tao ay maaaring magbigay nang walang patumangga sa kanyang imahinasyon, maaaring pumili ng kahit anong larawan na gusto niya bilang larawan ng Diyos upang mapalugod ang kanyang sarili at gawing masaya ang kanyang sarili. Sa ganitong paraan, maaaring gawin ng tao ang anumang pinakagustong ipagawa sa kanya ng sarili niyang Diyos, nang walang anumang pag-aalinlangan. Higit pa rito, ang tao ay naniniwala na walang sinuman ang mas tapat at masipag kaysa kanya tungo sa Diyos, at na ang lahat ng iba ay mga asong Gentil, at mga di-matapat sa Diyos. Maaaring sabihin na ito ang hinahangad ng mga yaong ang paniniwala sa Diyos ay malabo at batay sa doktrina; ang kanilang hinahanap ay halos lahat magkakapareho, na may kaunting pagkakaiba. Magkakaiba lamang ang mga larawan ng Diyos sa kanilang imahinasyon, nguni’t ang kanilang diwa ay tunay na pareho.

Ang tao ay hindi naliligalig ng kanyang walang inaala-alang paniniwala sa Diyos, at naniniwala sa Diyos paano man niya naisin. Ito ay isa sa mga “karapatan at kalayaan ng tao,” na walang sinuman ang maaaring gumambala, dahil ang tao ay naniniwala sa kanyang sariling Diyos at hindi sa Diyos ng kung sino pa man; ito ay ang kanyang sariling pribadong ari-arian, at halos lahat ay nagtataglay ng ganitong uri ng pribadong ari-arian. Itinuturing ng tao ang ari-arian na ito bilang mahalagang kayamanan, nguni’t sa Diyos ay walang anuman na mas mababa o walang kabuluhan, sapagka’t walang mas malinaw na pagpapakita ng pagsalungat sa Diyos kaysa itong pribadong pag-aari ng tao. Dahil sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao na ang Diyos ay nagiging laman na may isang nasasalat na anyo, at maaaring makita at mahipo ng tao. Siya ay hindi isang walang hugis na Espiritu, nguni’t isang katawang-tao na maaaring makaugnayan at makita ng tao. Gayunman, karamihan ng mga Diyos na pinaniniwalaan ng mga tao ay mga walang lamang diyos na walang hugis, na mga walang anyo rin. Sa ganitong paraan, ang nagkatawang-taong Diyos ay naging kaaway ng karamihan sa mga taong naniniwala sa Diyos, at ang mga taong hindi matatanggap ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay, kapareho nito, naging mga kaaway ng Diyos. Ang tao ay nagtataglay ng mga pagkaintindi hindi dahil sa kanyang paraan ng pag-iisip, o dahil sa kanyang pagka-mapanghimagsik, nguni’t dahil sa pribadong pag-aari na ito ng tao. Karamihan sa mga tao ay namamatay dahil sa pag-aari na ito, at ang malabong Diyos na ito na hindi maaaring hipuin, hindi maaaring makita, at sa totoo ay hindi umiiral ang sumisira sa buhay ng tao. Ang buhay ng tao ay naiwawala hindi ng nagkatawang-taong Diyos, lalo na ng Diyos ng langit, kundi ng Diyos na sariling guni-guni ng tao. Ang tanging dahilan na ang nagkatawang-taong Diyos ay naparito sa katawang-tao ay dahil sa mga pangangailangan ng tiwaling tao. Ito ay dahil sa mga pangangailangan ng tao nguni’t hindi ng Diyos, at ang lahat ng Kanyang mga sakripisyo at paghihirap ay para sa kapakanan ng sangkatauhan, at hindi para sa kapakanan ng Diyos Mismo. Walang mga kabutihan at di-kabutihan o mga gantimpala para sa Diyos; hindi Siya gagapas ng anumang ani sa hinaharap, kundi ay ng mga dati nang pagkakautang sa Kanya. Ang lahat ng Kanyang ginagawa at mga sakripisyo para sa sangkatauhan ay hindi upang Siya ay maaaring magkamit ng dakilang mga gantimpala, nguni’t pulos para sa kapakanan ng sangkatauhan. Kahit ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay nagsasangkot ng maraming hindi mailarawan na mga paghihirap, ang mga epekto na nakakamit nito sa huli ay labis na lagpas sa mga gawaing direktang ginawa ng Espiritu. Ang gawain ng katawang-tao ay kinasasangkutan ng maraming paghihirap, at ang katawang-tao ay hindi magtataglay ng parehong dakilang pagkakakilanlan tulad ng Espiritu, hindi maaaring magsagawa ng parehong higit-sa-karaniwang mga gawa tulad ng Espiritu, at higit na hindi Siya maaaring magtaglay ng parehong awtoridad tulad ng Espiritu. Nguni’t ang diwa ng gawaing nagawa ng karaniwang katawang-tao na ito ay lubhang nakahihigit sa gawain na direktang ginawa ng Espiritu, at ang katawang-tao Niyang ito ang siyang kasagutan sa lahat ng pangangailagan ng tao. Para sa mga ililigtas, ang nagsisilbing halaga ng Espiritu ay higit na mas mababa kaysa sa katawang-tao: Ang gawain ng Espiritu ay nagagawang masakop ang buong sansinukob, lahat ng bundok, ilog, lawa, at karagatan, nguni’t ang gawain ng katawang-tao ay mas mabisang may kinalaman sa bawat tao na nakakaugnayan Niya. Higit pa rito, ang katawang-tao ng Diyos na mayroong nasasalat na anyo ay maaaring mas maunawaan at mapagkatiwalaan ng tao, at higit pang mapalalim ang kaalaman ng tao sa Diyos, at maaaring mag-iwan sa tao ng mas malalim na impresyon ng mga aktwal na mga gawa ng Diyos. Ang gawain ng Espiritu ay nababalutan ng misteryo, ito ay mahirap para sa mga may kamatayan na nilalang upang arukin ang lalim, at mas mahirap para sa kanila upang makita, at kaya maaari lamang silang umasa sa mga hungkag na pagpapalagay. Ang gawain ng katawang-tao, sa kabilang banda, ay karaniwan, at batay sa realidad, at nagtataglay ng mayamang karunungan, at ito ay isang katotohanan na maaaring makita ng pisikal na paningin ng tao; maaaring personal na maranasan ng tao ang karunungan ng mga gawain ng Diyos, at hindi kailangan na gamitin ang kanyang masaganang imahinasyon. Ito ang katumpakan at tunay na halaga ng gawain ng Diyos sa katawang-tao. Ang Espiritu ay maaari lamang gumawa ng mga bagay na hindi nakikita ng tao at mahirap para sa kanyang isipin, halimbawa ang kaliwanagan ng Espiritu, ang paggalaw ng Espiritu, at ang patnubay ng Espiritu, nguni’t para sa tao na may isip, ang mga ito ay hindi nagbibigay ng anumang malinaw na kahulugan. Sila ay nagbibigay lamang ng isang makabagbag-damdamin, o isang malawak na kahulugan, at hindi maaaring magbigay ng isang tagubilin na mga salita. Ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, sa kabilang banda, ay lubos na naiiba: Ito ay may tumpak na patnubay ng mga salita, may malinaw na kalooban, at may malinaw na kinakailangang mga layunin. At kaya ang tao ay hindi kailangang mag-apuhap sa paligid, o gamitin ang kanyang imahinasyon, lalo na ang gumawa ng mga panghuhula. Ito ang kalinawan ng gawain sa katawang-tao, at ang malaking pagkakaiba mula sa gawain ng Espiritu. Ang gawain ng Espiritu ay angkop lamang para sa isang limitadong saklaw, at hindi maaaring palitan ang gawain ng katawang-tao. Ang gawain ng katawang-tao ay nagbibigay sa tao ng mas tumpak at kinakailangang mga layunin at mas makatotohanan, mahalagang kaalaman kaysa sa gawain ng Espiritu. Ang pinakamahalagang gawain sa tiwaling tao ay yaong nagbibigay ng tumpak na mga salita, malinaw na mga layunin upang itaguyod, at maaaring makita at mahawakan. Tanging ang makatotohanang gawain at napapanahong pagpatnubay ang angkop sa mga panlasa ng tao, at tanging tunay na gawain ang maaaring magligtas sa tao mula sa kanyang tiwali at mahalay na disposisyon. Ito ay maaari lamang makamit ng nagkatawang-taong Diyos; tanging ang nagkatawang-taong Diyos ang maaaring magligtas sa tao mula sa kanyang dating tiwali at mahalay na disposisyon. Kahit na ang Espiritu ang likas na diwa ng Diyos, ang gawaing tulad nito ay maaari lamang gawin ng Kanyang katawang-tao. Kung ang Espiritu ay gumawa nang nag-iisa, kung gayon ay hindi posible na maging epektibo ang Kanyang gawain—ito ay isang malinaw na katotohanan. Kahit karamihan sa mga tao ay naging mga kaaway ng Diyos dahil sa katawang-tao na ito, kapag winakasan Niya ang Kanyang gawain, ang mga taong laban sa Kanya ay hindi lamang titigil sa pagiging Kanyang mga kaaway, nguni’t sa halip ay magiging Kanyang mga saksi. Sila ay magiging mga saksi na nalupig na Niya, mga saksi na kaayon sa Kanya at hindi maaaring ihiwalay mula sa Kanya. Papangyarihin Niyang malaman ng tao ang kahalagahan ng Kanyang gawain sa katawang-tao sa tao, at malalaman ng tao ang kahalagahan ng katawang-tao na ito sa kahulugan ng pag-iral ng tao, malalaman ang Kanyang tunay na halaga sa paglago ng buhay ng tao, at, higit pa rito, malalaman na ang katawang-tao na ito ay magiging isang buhay na bukal ng buhay kung saan ang tao ay hindi makakayang mapahiwalay. Kahit na ang nagkatawang-taong katawan ng Diyos ay malayo mula sa pagtutugma ng pagkakakilanlan at posisyon ng Diyos, at tila hindi kaayon sa tao sa Kanyang tunay na katayuan, ang katawang-tao na ito, na hindi nagtataglay ng tunay na larawan ng Diyos, o ng tunay na pagkakakilanlan ng Diyos, ay maaaring gawin ang gawain na hindi nakakayang gawing direkta ng Espiritu ng Diyos. Gayon ang tunay na kabuluhan at halaga ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at ito ang kabuluhan at halaga na hindi mapahalagahan at makilala ng tao. Kahit lahat ng tao ay tumitingala sa Espiritu ng Diyos at hinahamak ang katawang-tao ng Diyos, hindi isinasaalang-alang kung paano nila tinitingnan o pinag-iisipan, ang tunay na kabuluhan at kahalagahan ng katawang-tao ay malayong nahigitan ang sa Espiritu. Siyempre, ito ay tungkol lamang sa tiwaling sangkatauhan. Para sa lahat na naghahangad ng katotohanan at nasasabik sa pagpapakita ng Diyos, ang gawain ng Espiritu ay makakapagbigay lamang ng pagpupukaw ng damdamin o pagbubunyag, at isang pakiramdam ng pagkamangha na hindi naipaliliwanag at hindi nailalarawan ng isip, at isang pakiramdam na ito ay dakila, walang kapantay, at kahanga-hanga, nguni’t hindi rin maaaring makamit at matamo ng lahat. Ang tao at ang Espiritu ng Diyos ay maaari lamang tumingin sa bawat isa mula sa malayo, na parang may napakalayong distansya sa pagitan ng mga ito, at sila ay kailanman hindi maaaring maging magkapareho, na parang pinaghiwalay ng isang hindi nakikitang pagitan. Sa katunayan, ito ay isang ilusyon na ibinibigay ng Espiritu sa tao, dahil ang Espiritu at ang tao ay hindi pareho ng uri, at ang Espiritu at ang tao ay hindi kailanman magkasamang umiral sa parehong mundo, at sapagka’t ang Espiritu ay hindi nagtataglay ng pagkatao. Kaya ang tao ay hindi kinakailangan ang Espiritu, sapagka’t ang Espiritu ay hindi direktang magagawa ang gawain na pinakakinakailangan ng tao. Ang gawain ng katawang-tao ay nag-aalok sa tao ng tunay na mga layunin upang itaguyod, malinaw na mga salita, at isang pakiramdam na Siya ay tunay at normal, na Siya ay mapagpakumbaba at pangkaraniwan. Kahit maaaring matakot ang tao sa Kanya, para sa karamihan ng mga tao Siya ay madaling makaugnay: Maaaring masdan ng tao ang Kanyang mukha, at dinggin ang Kanyang tinig, at hindi Siya kailangang tingnan mula sa malayo. Pakiramdam ng tao na madaling lapitan ang katawang-taong ito, hindi malayo, o di-maarok, nguni’t nakikita at mahihipo, dahil ang katawang-tao na ito ay nasa parehong mundo bilang tao.

Para sa lahat ng nabubuhay sa laman, ang pagbabago ng kanilang disposisyon ay nangangailangan ng mga layuning pagsisikapan, at ang pagkilala sa Diyos ay nangangailangan ng pagsaksi sa tunay na mga gawa at tunay na mukha ng Diyos. Ang katawang-tao lamang ng Diyos ang makakagawa ng dalawang ito, at maisasakatuparan lamang ang dalawang ito ng normal at tunay na katawan. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ang pagkakatawang-tao, at kung bakit ito kailangan ng lahat ng tiwaling sangkatauhan. Dahil kailangang makilala ng mga tao ang Diyos, ang mga larawan ng malabo at higit-sa-karaniwang mga Diyos ay kailangang maiwaksi sa kanilang puso, at dahil kailangan nilang alisin ang kanilang tiwaling disposisyon, kailangan muna nilang malaman ang kanilang tiwaling disposisyon. Kung gagawin lamang ng tao ang gawain para maiwaksi ang mga larawan ng malalabong Diyos mula sa puso ng mga tao, mabibigo siyang makamit ang tamang epekto. Ang mga larawan ng malalabong Diyos sa puso ng mga tao ay hindi maaaring ilantad, alisin, o ganap na mapalis ng mga salita lamang. Sa paggawa nito, sa huli ay hindi pa rin posibleng iwaksi ang mga bagay na ito na malalim na nakaugat sa mga tao. Tanging ang praktikal na Diyos at ang tunay na larawan ng Diyos ang makakapalit sa malabo at higit-sa-karaniwang mga bagay na ito upang tulutan ang mga tao na unti-unting malaman ang mga ito, at sa ganitong paraan lamang maaaring makamit ang angkop na epekto. Kinikilala ng tao na ang Diyos na kanyang hinangad ng mga nakaraang panahon ay malabo at hindi pangkaraniwan. Na ang maaaring makapagkamit ng epekto na ito ay hindi ang direktang pamumuno ng Espiritu, lalong hindi ang mga aral ng isang tiyak na indibidwal, nguni’t ang nagkatawang-taong Diyos. Ang mga pagkaintindi ng tao ay inilalantad kapag opisyal na ginagawa ng nagkatawang-taong Diyos ang Kanyang gawain, dahil ang pagiging normal at ang realidad ng nagkatawang-taong Diyos ay ang kabaligtaran ng malabo at hindi pangkaraniwang Diyos sa imahinasyon ng tao. Ang orihinal na mga pagkaintindi ng tao ay maaari lamang ibunyag sa pamamagitan ng kaibahan ng mga ito sa nagkatawang-taong Diyos. Kung wala ang paghahambing sa nagkatawang-taong Diyos, ang mga pagkaintindi ng tao ay hindi mabubunyag; sa ibang salita, kung walang kaibahan sa realidad ang malalabong bagay ay hindi mabubunyag. Walang may kakayahan na gumamit ng mga salita upang gawin ang gawaing ito, at walang sinuman ang may kakayahang magsalita nang maliwanag sa gawaing ito gamit ang mga salita. Tanging ang Diyos Mismo ang makakagawa ng Kanyang sariling gawain, at wala nang ibang makakagawa ng gawaing ito para sa Kanya. Gaano man kayaman ang wika ng tao, hindi niya kayang sabihin nang maliwanag ang realidad at pagiging normal ng Diyos. Maaari lamang makilala ng tao ang Diyos nang mas praktikal, at maaari lamang Siyang makita nang mas malinaw, kung personal na gagawa ang Diyos sa tao at ganap na ipapakita ang Kanyang larawan at pagkatao. Hindi makakamtan ng sinumang makamundong tao ang epektong ito. Maaaring iligtas ng Diyos ang tiwaling tao mula sa impluwensya ni Satanas, nguni’t ang gawain na ito ay hindi maaaring direktang gawin ng Espiritu ng Diyos; sa halip, ito ay maaari lamang gawin ng katawang-tao na suot ng Espiritu ng Diyos, ng nagkatawang-taong katawan ng Diyos. Ang katawang ito na tao at Diyos din, ay isang tao na nagmamay-ari ng normal na pagkatao at Diyos din na nagmamay-ari ng buong pagka-Diyos. At sa gayon, kahit na ang katawang-taong ito ay hindi ang Espiritu ng Diyos, at lubos na naiiba sa Espiritu, ito pa rin ang nagkatawang-taong Diyos Mismo na nagliligtas sa tao, na ang Espiritu at ang katawang-tao rin. Kahit na ano ang tawag sa Kanya, sa huli ito pa rin ang Diyos Mismo na nagliligtas ng sangkatauhan. Sapagka’t ang Espiritu ng Diyos ay hindi mapaghihiwalay mula sa katawang-tao, at ang gawain ng katawang-tao ay ang gawain din ng Espiritu ng Diyos; lamang, ang gawaing ito ay hindi ginagawa gamit ang pagkakakilanlan ng Espiritu, nguni’t ito ay ginagawa gamit ang pagkakakilanlan ng katawang-tao. Ang gawain na kailangang direktang gawin ng Espiritu ay hindi nangangailangan ng pagkakatawang-tao, at ang gawain na kailangang gawin ng katawang-tao ay hindi maaaring gawin nang direkta ng Espiritu, at maaari lamang gawin ng Diyos na nagkatawang-tao. Ito ang kinakailangan para sa gawaing ito, at ito ang kinakailangan ng tiwaling sangkatauhan. Sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos, isang yugto lamang ang direktang natupad ng Espiritu, at ang natitirang dalawang yugto ay ipinatutupad ng nagkatawang-taong Diyos, at hindi direkta ng Espiritu. Ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan na ginawa ng Espiritu ay hindi kabilang ang pagpapalit ng tiwaling disposisyon ng tao, at wala rin itong kaugnayan sa kaalaman ng tao sa Diyos. Ang gawain ng katawang-tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya at sa Kapanahunan ng Kaharian, sa kabilang banda, ay naglalakip sa tiwaling disposisyon ng tao at ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos, at ito ay isang mahalaga at maselang bahagi ng gawain ng pagliligtas. Samakatuwid, ang tiwaling sangkatauhan ay mas kinakailangaan ang pagliligtas ng nagkatawang-taong Diyos, at mas nangangailangan ng direktang gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Kinakailangan ng sangkatauhan ang nagkatawang-taong Diyos upang magpastol sa kanya, sumuporta sa kanya, diligin siya, magpakain sa kanya, hatulan at kastiguhin siya, at nangangailangan siya ng higit na biyaya at mas higit na pagtubos mula sa nagkatawang-taong Diyos. Tanging ang Diyos sa katawang-tao ang maaaring maging pinagtitiwalaan ng tao, ang pastol ng tao, ang handang sumaklolo sa tao, at lahat ng ito ay ang pangangailangan ng pagkakatawang-tao ngayon at sa mga nakaraang panahon.

Ang tao ay nagawang tiwali na ni Satanas, at siya ang pinakamataas sa lahat ng nilalang ng Diyos, kaya ang tao ay nangangailangan ng pagliligtas ng Diyos. Ang pakay ng pagliligtas ng Diyos ay ang tao, hindi si Satanas, at ang maliligtas ay ang laman ng tao, at ang kaluluwa ng tao, at hindi ang demonyo. Si Satanas ang layon ng paglipol ng Diyos, ang tao ay ang layon ng pagliligtas ng Diyos, at ang laman ng tao ay nagawang tiwali na ni Satanas, kaya ang unang ililigtas dapat ay ang laman ng tao. Ang laman ng tao ay ang pinakamatinding nagawang tiwali, at ito ay naging isang bagay na lumalaban sa Diyos, na lantaran pang sumasalungat at tinatanggihan ang pag-iral ng Diyos. Ang tiwaling laman na ito ay talagang masyadong hindi mapaamo, at walang mas mahirap na pakitunguhan o baguhin kaysa sa tiwaling disposisyon ng laman. Pumapasok si Satanas sa laman ng tao upang lumikha ng gulo, at ginagamit ang laman ng tao upang abalahin ang gawain ng Diyos, at pahinain ang plano ng Diyos, at sa gayon ang tao ay naging si Satanas, at ang kaaway ng Diyos. Upang mailigtas ang tao, dapat muna siyang lupigin. Ito ang dahilan kung bakit humaharap ang Diyos sa hamon at pumapasok sa katawang-tao upang gawin ang gawain na balak Niyang gawin, at labanan si Satanas. Ang Kanyang layunin ay ang kaligtasan ng sangkatauhan, na naging tiwali, at ang pagkatalo at pagkalipol ni Satanas, na naghihimagsik laban sa Kanya. Natatalo Niya si Satanas sa pamamagitan ng Kanyang gawaing panlulupig sa tao, at kasabay na inililigtas ang tiwaling sangkatauhan. Kung kaya, nalulutas ng Diyos ang dalawang problema kaagad. Siya ay kumikilos sa katawang-tao, at nagsasalita sa katawang-tao, at isinasagawa ang lahat ng gawain sa katawang-tao upang mas mahusay na makipag-ugnayan sa tao, at mas mahusay na lupigin ang tao. Sa huling sandaling nagkatawang-tao ang Diyos, ang Kanyang gawain sa mga huling araw ay matatapos sa katawang-tao. Pagbubukud-bukurin Niya ang lahat ng tao ayon sa uri, tinatapos ang Kanyang buong pamamahala, at tinatapos din lahat ng Kanyang gawain sa katawang-tao. Matapos ang lahat ng Kanyang gawain sa lupa ay dumating sa katapusan, Siya ay magiging ganap na matagumpay. Sa paggawa sa katawang-tao, ang Diyos ay ganap na malulupig ang sangkatauhan, at ganap na makakamit ang sangkatauhan. Hindi ba ito nangangahulugan na ang Kanyang buong pamamahala ay parating na sa katapusan? Kapag winakasan ng Diyos ang Kanyang gawain sa katawang-tao, dahil lubos na Niyang natalo si Satanas at naging matagumpay, si Satanas ay wala nang pagkakataon upang gawing tiwali ang tao. Ang gawain ng unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay ang pagtubos at kapatawaran ng mga kasalanan ng tao. Ngayon ito ang gawaing panlulupig at ganap na pagkamit ng sangkatauhan, upang si Satanas ay hindi na magkakaroon ng anumang mga paraan upang gawin ang gawain nito, at magiging ganap na natalo, at ang Diyos ay magiging ganap na matagumpay. Ito ang gawain ng katawang-tao, at ang gawain na ginawa ng Diyos Mismo. Ang paunang gawain ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay direktang ginawa ng Espiritu, at hindi ng katawang-tao. Ang huling gawain ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos, gayunpaman, ay ginagawa ng nagkatawang-taong Diyos, at hindi direkta ng Espiritu. Ang gawain ng pagtubos sa tagapamagitan na yugto ay ginawa din ng Diyos sa katawang-tao. Sa buong gawaing pamamahala, ang pinakamahalagang gawain ay ang kaligtasan ng tao mula sa impluwensya ni Satanas. Ang pinakamahalagang gawain ay ang ganap na paglupig sa tiwaling tao, sa gayon ay pinapanumbalik ang orihinal na paggalang sa Diyos sa puso ng nalupig na tao, at pinahihintulutan siyang makamit ang isang normal na buhay, na ang ibig sabihin, ang normal na buhay ng isang nilikha ng Diyos. Ang gawain na ito ay maselan, at ito ang saligan ng gawaing pamamahala. Sa tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas, ang unang yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan ay malayo mula sa saligan ng gawaing pamamahala; ito lamang ay nagkaroon ng bahagyang pagpapakita ng gawain ng pagliligtas, at hindi ang simula ng gawain ng pagliligtas ng Diyos sa tao mula sa sakop ni Satanas. Ang unang yugto ng gawain ay direktang ginawa ng Espiritu dahil, sa ilalim ng kautusan, ang tanging alam ng tao ay sumunod sa kautusan, at hindi nagkaroon ng mas maraming katotohanan, at sapagka’t ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay halos hindi nilakipan ng mga pagbabago ng disposisyon ng tao, lalong hindi ito nagpahalaga sa gawain kung paano maligtas ang tao mula sa sakop ni Satanas. Kung kaya ang Espiritu ng Diyos ay ginawang ganap itong sukdulan na simpleng yugto ng gawain na walang kinalaman sa tiwaling disposisyon ng tao. Ang bahaging ito ng gawain ay mayroon lamang maliit na kaugnayan sa saligan ng pamamahala, at walang malaking ugnayan sa opisyal na gawain ng pagliligtas sa tao, at sa gayon hindi kinailangan ng Diyos na maging katawang-tao upang personal na gawin ang Kanyang gawain. Ang gawain na ginawa ng Espiritu ay ipinapahiwatig at di-maarok, at ito ay kakila-kilabot at hindi malapitan ng tao; ang Espiritu ay hindi angkop sa direktang paggawa ng gawain ng pagliligtas, at hindi angkop sa direktang pagbibigay-buhay sa tao. Ang pinaka-angkop para sa tao ay ang pagbabagong-anyo ng gawain ng Espiritu sa isang paraan na malapit sa tao, na ang ibig sabihin, kung ano ang pinaka-angkop para sa tao ay ang Diyos na maging isang ordinaryo, karaniwang katauhan upang gawin ang Kanyang gawain. Kinakailangan nito na magkatawang-tao ang Diyos upang halinhan ang gawain ng Espiritu, at para sa tao, wala nang mas angkop na paraan para gumawa ang Diyos. Sa tatlong mga yugtong gawaing ito, dalawang yugto ang natutupad ng katawang-tao, at ang dalawang yugto na ito ay ang mahahalagang bahagi ng gawaing pamamahala. Ang dalawang pagkakatawang-tao ay magkatugma sa bawat isa at ginagawang perpekto ang isa’t isa. Ang unang yugto ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang naglatag ng pundasyon para sa ikalawang yugto, at maaaring sabihin na ang dalawang anyo ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay bumubuo ng isang kabuuan, at hindi di-magkaayon sa isa’t isa. Ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos na ito ay isinasagawa ng Diyos sa Kanyang pagkakakilanlan ng pagkakatawang-tao dahil ang mga ito ay napakahalaga sa buong gawaing pamamahala. Halos masasabi na, kung wala ang gawain ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, ang buong gawaing pamamahala ay mahihinto, at ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan ay magiging walang anuman kundi walang saysay na salita. Kung mahalaga o hindi ang gawain na ito ay batay sa mga pangangailangan ng sangkatauhan, at ang realidad ng kabuktutan ng sangkatauhan, at ang kalubhaan ng pagsuway ni Satanas at ang kanyang panggugulo sa gawain. Ang isang tama para sa gawain ay nakasalalay sa kalikasan ng kanyang gawain, at ang kahalagahan ng gawain. Pagdating sa kahalagahan ng gawain na ito, sa kung anong paraan ng gawain ang gagamitin—ang gawain na direktang ginawa ng Espiritu ng Diyos, o gawain na ginawa ng Diyos na nagkatawang-tao, o gawaing ginampanan sa pamamagitan ng tao—ang unang aalisin ay ang gawain na ginampanan sa pamamagitan ng tao, at, batay sa kalikasan ng gawain, at sa kalikasan ng gawain ng Espiritu laban sa yaong sa katawang-tao, ito ay napagpasyahan sa huli na ang gawain na ginawa sa katawang-tao ay mas kapaki-pakinabang para sa tao kaysa sa gawain na direktang ginawa ng Espiritu, at nag-aalok ng higit na mga pakinabang. Ito ang kaisipan ng Diyos sa oras ng pagpapasya kung ang gawain ay ginawa ng Espiritu o ng katawang-tao. May isang kabuluhan at batayan sa bawat yugto ng gawain. Ang mga ito ay hindi walang batayan na mga pagguni-guni, at ni hindi ang mga ito nagkataong isinagawa; mayroong tiyak na karunungan sa mga ito. Gayon ang katotohanan sa likod ng lahat ng gawain ng Diyos. Sa partikular, may mas higit pa sa plano ng Diyos sa gayong isang kadakilang gawain kung saan ang Diyos na nagkatawang-tao ay personal na gumagawa sa gitna ng tao. At sa gayon, ang karunungan ng Diyos at ang kabuuan ng pagiging ano Siya ay nasasalamin sa Kanyang bawat kilos, pag-iisip, at ideya sa paggawa; ito ang kung ano ang Diyos na mas kongkreto at sistematiko. Ang hindi kapansin-pansing mga saloobin at mga ideya ay mahirap guni-gunihin para sa tao, at mahirap para sa tao na paniwalaan, at, higit pa rito, mahirap para sa tao na malaman. Ang gawain na ginawa ng tao ay ayon sa pangkalahatang prinsipyo, na, para sa tao, ay lubos na kasiya-siya. Nguni’t kung ihahambing sa gawain ng Diyos, may talagang masyadong malaking pagkakaiba; kahit na ang mga gawa ng Diyos ay dakila at ang gawa ng Diyos ay nasa isang kagila-gilalas na antas, sa likod ng mga ito ay maraming mumunti at eksaktong mga plano at mga pagsasaayos na hindi mailarawan ng isip ng tao. Bawat yugto ng Kanyang gawain ay hindi lamang ayon sa prinsipyo, nguni’t naglalaman din ng maraming bagay na hindi maaaring masalita nang maliwanag sa pamamagitan ng wika ng tao, at ito ang mga bagay na hindi nakikita ng tao. Hindi alintana kung ito ay gawain ng Espiritu o gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, ang bawat isa ay naglalaman ng mga plano ng Kanyang gawain. Hindi Siya gumagawa nang walang batayan, at hindi gumagawa ng walang-kabuluhang gawain. Kapag ang Espiritu ay gumagawa nang direkta ito ay sa Kanyang mga layunin, at kapag Siya ay nagiging tao (na ang ibig sabihin, kapag nagbabagong-anyo ang Kanyang panlabas na balat) upang gumawa, ito ay higit pa sa Kanyang layunin. Bakit pa Niya malayang babaguhin ang Kanyang pagkakakilanlan? Bakit pa Siya malayang magiging isang tao na itinuring na hamak at pinag-uusig?

Ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay may sukdulang kabuluhan, na sinasabi tungkol sa gawain, at ang Isa na sa huli ay tumatapos sa gawain ay ang nagkatawang-taong Diyos, at hindi ang Espiritu. Ang ilan ay naniniwala na ang Diyos ay maaaring minsan pumarito sa lupa at magpakita sa tao, kung saan ay hahatulan Niya mismo ang buong sangkatauhan, sinusubukan ang bawat isa na walang sinuman ay malalampasan. Ang mga nag-iisip sa ganitong paraan ay hindi alam ang yugto na ito ng gawain ng pagkakatawang-tao. Hindi hinahatulan ng Diyos ang mga tao nang isa-isa, at hindi sinusubukan ang tao nang isa-isa; ang paggawa ng gayon ay hindi magiging gawain ng paghatol. Hindi ba ang katiwalian ng lahat ng sangkatauhan ay pare-pareho? Hindi ba ang diwa ng tao ay magkakapareho? Ang hinuhusgahan ay ang tiwaling diwa ng sangkatauhan, ang diwa ng tao na ginawang tiwali ni Satanas, at ang lahat ng kasalanan ng tao. Hindi hinahatulan ng Diyos ang walang kapararakan at walang kabuluhang mga kamalian ng tao. Ang gawain ng paghatol ay kumakatawan, at hindi isinasagawa para sa isang tiyak na tao. Sa halip, ito ay gawain kung saan ang isang grupo ng mga tao ay hinahatulan upang kumatawan sa paghatol ng lahat ng sangkatauhan. Sa pamamagitan ng personal na pagsasagawa ng Kanyang gawain sa isang grupo ng mga tao, ang Diyos sa katawang-tao ay ginagamit ang Kanyang gawain upang kumatawan sa gawain ng buong sangkatauhan, kung saan pagkatapos ito ay unti-unting lumalaganap. Ang gawain ng paghatol ay ganoon din. Hindi hinahatulan ng Diyos ang isang tiyak na uri ng tao o isang tiyak na grupo ng mga tao, nguni’t hinahatulan ang hindi pagkamatuwid ng buong sangkatauhan—ang pagsalungat ng tao sa Diyos, halimbawa, o kawalang-galang ng tao sa Kanya, o panggugulo sa gawain ng Diyos, at iba pa. Ang hinuhusgahan ay ang diwa ng pagsalungat ng sangkatauhan sa Diyos, at ang gawaing ito ay ang gawain ng paglupig sa mga huling araw. Ang gawain at salita ng nagkatawang-taong Diyos na nasaksihan ng tao ay gawain ng paghatol sa harap ng malaking puting trono sa mga huling araw, na naisip ng tao sa mga panahon na nakaraan. Ang gawain na kasalukuyang ginagawa ng nagkatawang-taong Diyos ay eksaktong ang paghatol sa harap ng malaking puting trono. Ang nagkatawang-taong Diyos sa panahon ngayon ay ang Diyos na humahatol sa buong sangkatauhan sa mga huling araw. Ang katawang-tao na ito at ang Kanyang gawain, salita, at buong disposisyon ay ang kabuuan Niya. Kahit na ang saklaw ng Kanyang gawain ay limitado, at hindi direktang nalalakip ang buong sansinukob, ang diwa ng gawain ng paghatol ay ang direktang paghatol sa lahat ng sangkatauhan; ito ay hindi lamang isinasagawa na gawain para sa Tsina, o para sa isang maliit na bilang ng mga tao. Sa panahon ng gawain ng Diyos sa katawang-tao, kahit na ang saklaw ng gawain na ito ay hindi kalakip ang buong sansinukob, ito ay kumakatawan sa gawain ng buong sansinukob, at pagkatapos Niyang tapusin ang gawain sa loob ng gawaing saklaw ng Kanyang katawang-tao, agad Niyang palalawakin ang gawain na ito sa buong sansinukob, sa parehong paraan na ang ebanghelyo ni Jesus ay lumaganap sa buong sansinukob kasunod ng Kanyang muling pagkabuhay at pag-akyat sa langit. Hindi alintana kung ito ay ang gawain ng Espiritu o ang gawain ng katawang-tao, ito ay gawain na natutupad sa loob ng isang limitadong saklaw, nguni’t kumakatawan sa gawain ng buong sansinukob. Sa panahon ng mga huling araw, nagpapakita ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain gamit ang Kanyang nagkatawang-taong pagkakakilanlan, at ang Diyos sa katawang-tao ay ang Diyos na humahatol sa tao sa harap ng malaking puting trono. Hindi alintana kung Siya ang Espiritu o ang katawang-tao, Siya na gumagawa ng gawain ng paghatol ay ang Diyos na humahatol sa sangkatauhan sa mga huling araw. Ito ay inilalarawan ayon sa Kanyang gawain, at hindi inilalarawan ayon sa Kanyang panlabas na anyo o iba pang mga kadahilanan. Kahit ang tao ay may mga pagkaintindi sa mga salitang ito, walang sinuman ang maaaring tumanggi sa katotohanan ng paghatol at paglupig ng nagkatawang-taong Diyos sa lahat ng sangkatauhan. Hindi alintana kung ano ang iniisip ng tao, ang mga katunayan ay, sa kabila ng lahat, mga katunayan. Walang sinuman ang maaaring sabihin na “Ang gawain ay ginagawa ng Diyos, nguni’t ang katawang-tao ay hindi Diyos.” Ito ay kalokohan, dahil ang gawain na ito ay maaaring gawin lamang ng Diyos sa katawang-tao. Dahil ang gawain na ito ay nagawa nang ganap, susunod sa gawain na ito ang gawain ng paghatol ng Diyos sa tao ay hindi lilitaw sa pangalawang pagkakataon; ang pangalawang nagkatawang-taong Diyos ay natapos na ang lahat ng gawain ng buong pamamahala, at walang magiging ikaapat na yugto ng gawain ng Diyos. Dahil ang tao ang siyang hinahatulan, ang tao na laman at naging tiwali, at hindi ang espiritu ni Satanas ang direktang hinahatulan, ang gawain ng paghatol ay hindi tinutupad sa espirituwal na daigdig, kundi sa gitna ng tao. Walang sinumang mas angkop, at karapat-dapat, kaysa sa Diyos sa katawang-tao para sa gawain ng paghatol sa katiwalian ng katawan ng tao. Kung ang paghatol ay isinagawa nang direkta ng Espiritu ng Diyos, kung gayon ito ay hindi magiging para sa lahat. Bukod dito, ang gayong gawain ay magiging mahirap para sa tao na tanggapin, sapagka’t ang Espiritu ay hindi kayang lumapit nang harap-harapan sa tao, at dahil dito, ang mga epekto ay hindi magiging agaran, lalong hindi makikita ng tao ang di-naaagrabyadong disposisyon ng Diyos nang lalong malinaw. Matatalo lamang nang lubusan si Satanas kung hahatulan ng Diyos sa katawang-tao ang katiwalian ng sangkatauhan. Dahil tulad sa tao na nagtataglay ng normal na pagkatao, maaaring tuwirang hatulan ng Diyos sa katawang-tao ang kasamaan ng tao; ito ang tatak ng Kanyang likas na kabanalan, at ng Kanyang pagiging katangi-tangi. Diyos lamang ang karapat-dapat, at nasa posisyon, na hatulan ang tao, sapagkat taglay Niya ang katotohanan, at katuwiran, kaya nga nagagawa Niyang hatulan ang tao. Yaong mga walang katotohanan at katuwiran ay hindi akmang hatulan ang iba. Kung ang gawain na ito ay ginawa ng Espiritu ng Diyos, kung gayon ito ay hindi magiging tagumpay laban kay Satanas. Ang Espiritu ay likas na higit na mabunyi kaysa may kamatayang mga nilalang, at ang Espiritu ng Diyos ay likas na banal, at matagumpay sa laman. Kung direktang ginawa ng Espiritu ang gawaing ito, hindi Niya magagawang hatulan ang lahat ng pagsuway ng tao, at hindi maaaring ibunyag ang lahat ng hindi pagkamatuwid ng tao. Sapagka’t ang gawain ng paghatol ay natutupad din sa pamamagitan ng mga pagkaintindi ng tao sa Diyos, at ang tao ay hindi kailanman nagkaroon ng anumang mga pagkaintindi sa Espiritu, at sa gayon ang Espiritu ay hindi kaya ang mas mainam na pagbubunyag sa hindi pagkamatuwid ng tao, lalong hindi kaya ang ganap na pagsisiwalat ng gayong hindi pagkamatuwid. Ang nagkatawang-taong Diyos ay kaaway ng lahat ng tao na hindi nakakakilala sa Kanya. Sa pamamagitan ng paghatol sa mga pagkaintindi ng tao at pagsalungat sa Kanya, isinisiwalat Niya ang lahat ng pagsuway ng sangkatauhan. Ang mga epekto ng Kanyang gawain sa katawang-tao ay mas kitang-kita kaysa sa mga gawain ng Espiritu. At kaya, ang paghatol ng lahat ng sangkatauhan ay hindi natutupad nang direkta ng Espiritu, nguni’t ito ay gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Ang Diyos sa katawang-tao ay makikita at mahihipo ng tao, at ang Diyos sa katawang-tao ay maaaring ganap na lupigin ang tao. Sa kanyang relasyon sa Diyos sa katawang-tao, ang tao ay umuusad mula sa pagsalungat patungo sa pagsunod, mula sa pag-uusig patungo sa pagtanggap, mula sa pagkaintindi patungo sa kaalaman, at mula sa pagtanggi patungo sa pag-ibig. Ito ang mga epekto ng gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Naliligtas lamang ang tao sa pamamagitan ng pagtanggap ng Kanyang paghatol, unti-unti lamang na nakikilala Siya sa pamamagitan ng mga salita ng Kanyang bibig, nalulupig Niya sa panahon ng kanyang pagsalungat sa Kanya, at tumatanggap ng panustos ng buhay mula sa Kanya sa panahon ng pagtanggap ng Kanyang pagkastigo. Ang lahat ng gawaing ito ay ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi ang gawain ng Diyos sa Kanyang pagkakakilanlan bilang Espiritu. Ang gawain na ginawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay ang pinakadakilang gawain, at ang pinakamatinding gawain, at ang maselang bahagi ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay ang dalawang yugto ng gawain ng pagkakatawang-tao. Ang matinding katiwalian ng tao ay isang malaking balakid sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Sa partikular, ang gawain na natupad sa mga tao sa mga huling araw ay lubhang napakahirap, at ang kapaligiran ay kalaban, at ang kakayahan ng bawat uri ng tao ay sadyang mahina. Nguni’t sa katapusan ng gawain na ito, makakamit pa rin nito ang tamang epekto, nang walang anumang kapintasan; ito ay ang epekto ng gawain ng katawang-tao, at ang epekto na ito ay mas mapanghikayat kaysa sa gawain ng Espiritu. Ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay tatapusin sa katawang-tao, at dapat na tapusin ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang pinakamahalaga at pinakamaselang gawain ay ginagawa sa katawang-tao, at ang kaligtasan ng tao ay dapat personal na tuparin ng Diyos sa katawang-tao. Kahit na pakiramdam ng lahat ng sangkatauhan na ang Diyos sa katawang-tao ay walang kaugnayan sa tao, sa katunayan ang katawang-tao na ito ay may kinalaman sa kapalaran at pamumuhay ng buong sangkatauhan.

Bawat yugto ng gawain ng Diyos ay para sa kapakanan ng lahat ng sangkatauhan, at nakadirekta sa buong sangkatauhan. Kahit na ito ay Kanyang gawain sa katawang-tao, ito pa rin ay nakadirekta sa lahat ng sangkatauhan; Siya ang Diyos ng buong sangkatauhan, at ang Diyos ng lahat ng nilikha at hindi nilikha. Kahit ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay napapaloob ng isang limitadong saklaw, at ang layunin ng gawain na ito ay limitado rin, sa tuwing Siya ay nagiging katawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain pinipili Niya ang isang layunin ng Kanyang gawain na sukdulang kumakatawan; hindi Siya pumipili ng isang grupo ng simple at karaniwang mga tao kung saan Siya gagawa, kundi sa halip ay pumipili Siya ng isang grupo ng mga tao bilang pakay ng Kanyang gawain na may kakayahang maging kinatawan ng Kanyang gawain sa laman. Ang grupo ng mga taong ito ay pinipili dahil ang saklaw ng Kanyang gawain sa katawang-tao ay limitado, at hinahanda lalo na para sa Kanyang nagkatawang-taong laman, at pinipili lalo na para sa Kanyang gawain sa katawang-tao. Ang pagpili ng Diyos sa mga bagay ng Kanyang gawain ay hindi walang saligan, nguni’t ayon sa mga prinsipyo: Ang layunin ng gawain ay dapat may benepisyo sa gawain ng Diyos sa katawang-tao, at dapat na kumatawan sa buong sangkatauhan. Halimbawa, nagawa ng mga Judio na kumatawan sa buong sangkatauhan sa pagtanggap ng personal na pagtubos ni Jesus, at ang mga Tsino ay nagagawang kumatawan sa buong sangkatauhan sa pagtanggap ng personal na paglupig ng nagkatawang-taong Diyos. Mayroong isang batayan upang kumatawan ng buong sangkatauhan ang mga Judio, at mayroon ding isang batayan para sa mga mamamayang Tsino na kumatawan para sa buong sangkatauhan sa pagtanggap ng personal na paglupig ng Diyos. Walang nagbubunyag ng kahalagahan ng pagtubos higit sa mga gawain ng pagtubos na ginawa sa gitna ng mga Judio, at walang nagbubunyag sa kalubusan at tagumpay ng gawain ng paglupig nang higit pa sa gawain ng paglupig sa mga mamamayang Tsino. Ang gawain at salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay tila nakatutok lamang sa isang maliit na grupo ng mga tao, nguni’t sa katunayan, ang Kanyang gawain sa gitna ng maliit na grupong ito ay ang gawain ng buong sansinukob, at ang Kanyang salita ay nakadirekta sa buong sangkatauhan. Pagkatapos na ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay dumating sa katapusan, ang mga taong sumusunod sa Kanya ay magsisimulang palaganapin ang gawain na Kanyang nagawa na sa gitna nila. Ang pinakamainam na bagay tungkol sa Kanyang gawain sa katawang-tao ay maaari Siyang mag-iwan ng tumpak na mga salita at mga pangaral, at ang Kanyang tumpak na kalooban para sa sangkatauhan patungkol sa mga taong sumusunod sa Kanya, sa gayon pagkatapos nito ang Kanyang mga tagasunod ay maaaring mas tumpak at mas konkretong maipasa ang lahat ng Kanyang mga gawain sa katawang-tao at ang Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan sa mga tumatanggap sa ganitong paraan. Tanging ang gawain ng Diyos sa katawang-tao sa gitna ng tao ang tunay na nagsasakatuparan sa katunayan ng kung ano ang Diyos at ang pamumuhay kasama ng tao. Tanging ang gawaing ito ang nagsasakatuparan sa kagustuhan ng tao na mamasdan ang mukha ng Diyos, masaksihan ang gawain ng Diyos, at marinig ang personal na salita ng Diyos. Winawakasan ng Diyos na nagkatawang-tao ang kapanahunan na likod lamang ni Jehova ang nagpakita sa sangkatauhan, at tinatapos din ang kapanahunan ng paniniwala ng sangkatauhan sa malabong Diyos. Partikular na, ang gawain ng huling Diyos na nagkatawang-tao ay dinadala ang buong sangkatauhan sa isang kapanahunan na mas makatotohanan, mas praktikal, at mas kaaya-aya. Hindi lamang Niya tinatapos ang kapanahunan ng kautusan at doktrina; ang mas mahalaga, inihahayag Niya sa sangkatauhan ang isang Diyos na tunay at normal, na matuwid at banal, na nagpapasimula sa gawain ng plano ng pamamahala at nagpapamalas ng mga hiwaga at hantungan ng sangkatauhan, na lumikha sa sangkatauhan at winawakasan ang gawaing pamamahala, at nanatiling nakatago nang libu-libong taon. Winawakasan Niya ang kapanahunan ng kalabuan nang lubusan, tinatapos Niya ang kapanahunan kung saan ang ninais ng buong sangkatauhan na hanapin ang mukha ng Diyos ngunit hindi nila nagawa, winawakasan Niya ang kapanahunan kung kailan nagsilbi kay Satanas buong sangkatauhan, at inaakay ang buong sangkatauhan hanggang sa dulo ng isang ganap na bagong panahon. Lahat ng ito ay resulta ng gawain ng Diyos sa katawang-tao sa halip na ng Espiritu ng Diyos. Kapag ang Diyos ay gumagawa sa Kanyang katawang-tao, ang mga taong sumusunod sa Kanya ay hindi na humihingi at naghahanap sa mga malabo at hindi malinaw na mga bagay, at tumitigil sa paghula sa kalooban ng malabong Diyos. Kapag pinalalaganap ng Diyos ang Kanyang gawain sa katawang-tao, ang mga sumusunod sa Kanya ay ipapasa ang gawain na Kanyang ginawa sa katawang-tao sa lahat ng mga relihiyon at denominasyon, at kanilang ipagtatalastasan ang lahat ng Kanyang mga salita sa mga pandinig ng buong sangkatauhan. Ang lahat na naririnig ng mga yaong tumanggap sa Kanyang ebanghelyo ay magiging mga katunayan ng Kanyang gawain, magiging mga bagay na personal na nakita at narinig ng tao, at magiging mga katunayan at hindi sabi-sabi. Ang mga katunayang ito ay ang katibayan na Kanyang pinalalaganap ang gawain, at ito rin ang mga kasangkapan na ginagamit Niya sa pagpapalaganap ng gawain. Kung wala ang pag-iral ng mga katunayan, ang Kanyang ebanghelyo ay hindi lalaganap sa lahat ng bansa at sa lahat ng lugar; kapag walang katunayan nguni’t sa mga guni-guni lamang ng tao, Hindi Niya kailanman magagawa ang gawaing panlulupig sa buong sansinukob. Ang Espiritu ay hindi masasalat ng tao, at di-nakikita ng mga tao, at ang gawain ng Espiritu ay hindi kayang mag-iwan ng anumang karagdagang katibayan o mga katunayan ng gawain ng Diyos para sa tao. Ang tao ay hindi kailanman makikita ang tunay na mukha ng Diyos, at palaging maniniwala sa malabong Diyos na hindi umiiral. Ang tao ay hindi kailanman makikita ang tunay na mukha ng Diyos, ni ang tao ay makaririnig ng mga salita na personal na sinabi ng Diyos. Ang mga imahinasyon ng tao, kunsabagay, ay walang laman, at hindi mapapalitan ang tunay na mukha ng Diyos; ang likas na disposisyon ng Diyos, at ang gawain ng Diyos Mismo ay hindi magagaya ng tao. Ang di-nakikitang Diyos sa langit at ang Kanyang gawain ay maaari lamang dalhin sa lupa ng Diyos na nagkatawang-tao na personal na ginagawa ang Kanyang gawain sa mga tao. Ito ang pinakamainam na paraan kung saan nagpapakita ang Diyos sa tao, kung saan nakikita ng tao ang Diyos at nalalaman ang tunay na mukha ng Diyos, at hindi ito makakamtan ng isang Diyos na hindi nagkatawang-tao. Dahil isinagawa na ng Diyos ang Kanyang gawain sa yugtong ito, ang Kanyang gawain ay nakamit na ang pinakamainam na epekto, at naging isang ganap na tagumpay. Ang personal na gawain ng Diyos sa katawang-tao ay nagawang ganap ang siyamnapung porsiyento ng mga gawain ng buo Niyang pamamahala. Ang katawang-tao na ito ay nagbigay na ng isang mas mahusay na pasimula sa lahat ng Kanyang gawain, at isang buod para sa lahat ng Kanyang gawain, at napagtibay na ang lahat ng Kanyang gawain, at ginawa ang huling masusing pagpapanauli sa lahat ng gawaing ito. Simula ngayon, wala nang isa pang magkakatawang-taong Diyos na gagawin ang ikaapat na yugto ng gawain ng Diyos, at wala na ring higit na mga nakamamanghang gawain ng ikatlong pagkakatawang-tao ng Diyos.

Ang bawat yugto ng gawain ng Diyos sa katawang-tao ay kumakatawan sa Kanyang gawain ng buong kapanahunan, at hindi kumakatawan sa isang tiyak na panahon gaya ng gawain ng tao. At kaya ang katapusan ng gawain ng Kanyang huling pagkakatawang-tao ay hindi nangangahulugan na ang Kanyang gawain ay nakarating na sa punto ng ganap na katapusan, dahil ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay kumakatawan sa buong kapanahunan, at hindi lamang kumakatawan sa yugto na kung saan Siya ay gumagawa ng Kanyang gawain sa katawang-tao. Ito lamang ay dahil sa tinatapos na Niya ang Kanyang gawain sa buong kapanahunan sa panahon na Siya ay nasa katawang-tao, kung saan pagkatapos ito ay lumalaganap sa lahat ng dako. Pagkaraang matupad ng nagkatawang-taong Diyos ang Kanyang ministeryo, ipagkakatiwala Niya ang Kanyang gawain sa hinaharap sa mga taong sumusunod sa Kanya. Sa ganitong paraan, ang Kanyang gawain sa buong kapanahunan ay maipagpapatuloy nang walang patid. Ang gawain ng buong kapanahunan ng pagkakatawang-tao ay maituturing lamang na ganap sa sandaling ito ay napalaganap na sa buong sansinukob. Ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagsisimula ng isang bagong panahon, at ang mga nagpapatuloy sa Kanyang gawain ay ang mga tao na ginagamit Niya. Ang gawain na ginawa ng tao ay napapaloob sa ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao, at hindi kaya na lumampas sa ganitong saklaw. Kung ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi dumating upang gawin ang Kanyang gawain, ang tao ay walang kakayahan upang dalhin ang lumang kapanahunan sa katapusan, at hindi kayang maghatid ng isang bagong panahon. Ang gawain na ginawa ng tao ay tanging sa loob na saklaw ng kanyang tungkulin na posible sa tao, at hindi kumakatawan sa gawain ng Diyos. Tanging ang nagkatawang-taong Diyos ang maaaring dumating at gawing ganap ang gawain na dapat Niyang gawin, at bukod sa Kanya, walang sinuman ang maaaring gawin itong gawain sa Kanyang ngalan. Siyempre, ang tinutukoy Ko ay ang tungkol sa gawain ng pagkakatawang-tao. Itong nagkatawang-taong Diyos ay unang nagsasagawa ng isang hakbang ng gawain na hindi sumasang-ayon sa mga pagkaintindi ng tao, pagkatapos noon ay gumagawa pa Siya ng mas maraming gawain na hindi sumasang-ayon sa mga pagkaintindi ng tao. Ang layunin ng gawain ay ang paglupig sa tao. Sa isang pagsasaalang-alang, ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay hindi sumusunod sa mga pagkaintindi ng tao, karagdagan bukod diyan gumagawa Siya ng higit pang gawain na hindi sumasang-ayon sa mga pagkaintindi ng tao, at sa gayon ang tao ay bumubuo pa ng mas kritikal na mga pananaw tungkol sa Kanya. Ginagawa lamang Niya ang gawain ng paglupig sa gitna ng mga tao na may napakaraming bilang ng pagkaintindi sa Kanya. Hindi alintana kung paano nila Siya trinatrato, kapag nakamit na Niya ang Kanyang ministeryo, lahat ng tao ay magiging sakop ng Kanyang kapamahalaan. Ang katunayan ng gawaing ito ay hindi lamang inilalarawan sa mga mamamayang Tsino, nguni’t kumakatawan kung paano ang buong sangkatauhan ay lulupigin. Ang mga epekto na nakakamit sa mga taong ito ay isang nauuna sa mga epekto na makakamit sa kabuuan ng sangkatauhan, at ang mga epekto ng mga gawain na ginagawa Niya sa hinaharap nga’y lubusang unti-unting lalampasan ang mga epekto sa mga taong ito. Ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay hindi kaugnay ng dakilang pagpaparangya, ni ito man ay nababalutan ng misteryo. Ito ay tunay at aktwal, at ito ay gawain kung saan ang isa at isa ay katumbas ng dalawa. Hindi ito nakatago mula sa kahit na sino, ni nililinlang nito ang kahit na sino. Ang nakikita ng mga tao ay tunay at totoong mga bagay, at kung ano man ang nakukuha ng tao ay tunay na katotohanan at kaalaman. Kapag ang gawain ay natapos na, ang tao ay magkakaroon ng isang bagong pagkakilala sa Kanya, at yaong mga taong tunay na naghahanap sa Diyos ay hindi na magkakaroon ng anumang mga pagkaintindi sa Kanya. Hindi lamang ito ang epekto ng Kanyang gawain sa mga mamamayang Tsino, nguni’t kumakatawan din sa epekto ng Kanyang gawaing panlulupig ng buong sangkatauhan, dahil walang mas kapaki-pakinabang sa gawaing panlulupig sa buong sangkatauhan kaysa sa katawang-tao na ito, at ang gawain ng katawang-tao na ito, at lahat ng bagay sa katawang-taong ito. Ang mga ito ay kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain ngayon, at kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain sa hinaharap. Ang katawang-taong ito ay lulupigin ang buong sangkatauhan at makakamit ang buong sangkatauhan. Walang mas mahusay na gawain na kung saan ang buong sangkatauhan ay makikita ang Diyos, at susundin ang Diyos, at makikilala ang Diyos. Ang gawain na ginawa ng tao ay kumakatawan lamang sa isang limitadong saklaw, at kapag ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ay hindi Siya nagsasalita sa isang tiyak na tao, nguni’t nagsasalita sa buong sangkatauhan, at sa lahat ng taong tumatanggap ng Kanyang mga salita. Ang katapusan na Kanyang ipinapahayag ay ang katapusan ng lahat ng tao, hindi lamang ang katapusan ng isang tao. Hindi Siya nagbibigay ng kahit anupamang espesyal na pagtrato kanino man, ni hindi Siya nambibiktima ninuman, at Siya ay gumagawa para sa, at nagsasalita sa, buong sangkatauhan. Kung kaya itong nagkatawang-taong Diyos ay nauri na ang buong sangkatauhan ayon sa klase, nahatulan na ang buong sangkatauhan, at nasaayos na ang isang angkop na hantungan para sa buong sangkatauhan. Bagama’t ginagawa lamang ng Diyos ang Kanyang gawain sa Tsina, sa katunayan nalutas na Niya ang gawain ng buong sansinukob. Hindi Siya makakapaghintay hanggang ang Kanyang gawain ay napalaganap na sa buong sangkatauhan bago gawin ang Kanyang mga pagbigkas at mga kaayusan nang paisa-isang hakbang. Ito ba ay hindi pa huli? Ngayon ay ganap na Niyang nagawang ganap ang hinaharap na gawain nang patiuna. Dahil ang gumagawa ay ang Diyos sa katawang-tao, Siya ay ang gumagawa ng walang limitasyong gawain sa loob ng isang limitadong saklaw, at pagkatapos nito pagagawain Niya ang tao ng mga tungkulin na dapat gampanan ng tao; ito ay ang prinsipyo ng Kanyang gawain. Siya ay maaari lamang mabuhay kasama ang tao para sa isang panahon, at hindi maaaring samahan ang tao hanggang ang gawain sa buong panahon ay matapos. Ito ay dahil Siya ay Diyos na naghahayag Siya ng Kanyang gawain sa hinaharap nang patiuna. Pagkatapos, uuriin Niya ang buong sangkatauhan ayon sa klase sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at ang sangkatauhan ay papasok sa Kanyang bawat hakbang na gawain alinsunod sa Kanyang mga salita. Walang sinuman ang makatatakas, at ang lahat ay dapat magsagawa ayon sa mga ito. Kaya, sa hinaharap ang kapanahunan ay gagabayan ng Kanyang mga salita, at hindi gagabayan ng Espiritu.

Ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay dapat magawa sa katawang-tao. Kung ito ay ginawa nang direkta ng Espiritu ng Diyos ito ay magbubunga nang walang epekto. Kahit na ito ay ginawa ng Espiritu, ang gawain ay walang dakilang kabuluhan, at sa huli ay hindi makahihikayat. Ang lahat ng nilalang ay nais na malaman kung ang gawain ng Lumikha ay may kabuluhan, at kung ano ang kinakatawan nito, at sa kung anong kapakanan, at kung ang gawain ng Diyos ay puno ng awtoridad at karunungan, at kung ito ay may sukdulang kahalagahan at kabuluhan. Ang gawain na Kanyang ginagawa ay para sa kaligtasan ng buong sangkatauhan, para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas, at para sa pagpapatotoo ng Kanyang sarili sa lahat ng bagay. Tulad ng nabanggit, ang gawain na ginagawa Niya ay dapat na may malaking kabuluhan. Ang laman ng tao ay nagawang tiwali na ni Satanas, at lubusang binulag, at matinding napinsala. Ang pinakapangunahing dahilan kung bakit gumagawa ang Diyos nang personal sa katawang-tao ay dahil ang layon ng Kanyang pagliligtas ay ang tao, na galing sa katawan, at dahil si Satanas ay gumagamit din ng laman ng tao upang abalahin ang gawain ng Diyos. Ang paglaban kay Satanas ang talagang gawaing panlulupig sa tao, at kasabay nito, ang tao din ang layon ng pagliligtas ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay napakahalaga. Ginawang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, at ang tao ay naging sagisag ni Satanas, at naging layon upang talunin ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang gawain ng pakikipaglaban kay Satanas at pagliligtas sa buong sangkatauhan ay nangyayari sa lupa, at ang Diyos ay dapat maging tao upang gawin ang paglaban kay Satanas. Ito ang gawain na sukdulang praktikal. Kapag ang Diyos ay gumagawa sa katawang-tao, Siya ay aktuwal na nakikipaglaban kay Satanas sa katawang-tao. Kapag Siya ay gumagawa sa katawang-tao, ginagawa Niya ang Kanyang gawain sa espirituwal na dako, at ginagawa nang buo ang Kanyang gawain sa espirituwal na dako na tunay sa lupa. Ang tanging nalulupig ay ang tao, kung sino ang hindi masunurin sa Kanya, ang natatalo ay ang pinakalarawan ni Satanas (siyempre, ito ay tao rin), na nakikipag-alitan sa Kanya, at ang naililigtas sa dakong huli ay ang tao rin. Sa ganitong paraan, mas kinakailangan para sa Kanya na maging isang tao na may panlabas na anyo ng isang nilalang, upang Siya ay may kakayahang gumawa ng tunay na pakikipaglaban kay Satanas, panlulupig sa tao, na mapanghimagsik sa Kanya at nagmamay-ari ng parehong panlabas na anyo katulad ng sa Kanya, at pagliligtas sa tao, na may parehong panlabas na anyo gaya Niya at napinsala na ni Satanas. Ang Kanyang kaaway ay ang tao, ang pakay ng Kanyang paglupig ay ang tao, at ang layon ng Kanyang pagliligtas ay ang tao, na nilikha Niya. Kaya Siya ay dapat maging tao, at sa ganitong paraan, ang Kanyang gawain ay nagiging mas madali. Nagagawa Niyang talunin si Satanas at lupigin ang sangkatauhan, at, higit pa rito, ay may kakayahan upang iligtas ang sangkatauhan. Kahit na ang katawang-taong ito ay karaniwan at tunay, Siya ay hindi pangkaraniwang katawang-tao: Siya ay hindi katawang-tao lamang na katulad ng sa tao, nguni’t katawang-tao na parehong sa tao at sa Diyos. Ito ang Kanyang pagkakaiba sa tao, at ito ay ang tatak ng pagkakakilanlan ng Diyos. Tanging ang katawang-tao na tulad nito ang maaaring gumawa ng mga gawaing Kanyang mga ninanais na gawin, at matupad ang ministeryo ng Diyos sa katawang-tao, at ganap na magawang ganap ang Kanyang gawain sa gitna ng mga tao. Samakatwid kung hindi ganoon, ang Kanyang gawain sa gitna ng mga tao ay palaging magiging hungkag at may kapintasan. Kahit na ang Diyos ay maaaring gawin ang pakikipaglaban sa espiritu ni Satanas at lumitaw na matagumpay, ang lumang kalikasan ng tiwaling tao ay maaaring hindi malutas kailanman, at lahat ng mapanghimagsik sa Kanya at sumasalungat sa Kanya ay hindi kailanman tunay na magiging sakop ng Kanyang kapamahalaan, na ang ibig sabihin, hindi Niya kailanman maaaring lupigin ang sangkatauhan, at hindi kailanman maaaring makamtan ang buong sangkatauhan. Kung ang Kanyang gawain sa lupa ay hindi maaaring malutas, kung ganoon ang Kanyang pamamahala ay hindi kailanman madadala sa katapusan, at ang buong sangkatauhan ay hindi maaaring pumasok sa kapahingahan. Kung hindi maaaring pumasok sa kapahingahan ang Diyos kasama ang lahat ng Kanyang mga nilikha, kung ganoon ay walang kalalabasan kailanman ang naturang gawaing pamamahala, at ang kaluwalhatian ng Diyos dahil dito ay mawawala. Kahit ang Kanyang katawang-tao ay walang awtoridad, ang gawain na Kanyang ginagawa ay makakamit ang epekto nito. Ito ay ang hindi maiiwasang direksyon ng Kanyang gawain. Hindi alintana kung ang Kanyang katawang-tao ay nagtataglay ng awtoridad o hindi, hangga’t kaya Niyang gawin ang gawain ng Diyos Mismo, sa gayon ay Siya ang Diyos Mismo. Hindi alintana kung gaano kakaraniwan o kaordinaryo ang katawang-tao na ito, maaari Niyang gawin ang gawain na dapat Niyang gawin, dahil ang katawang-tao na ito ay Diyos at hindi tao lamang. Ang dahilan na magagawa ng katawang-taong ito ang gawain na hindi kaya ng tao ay sapagka’t ang Kanyang panloob na diwa ay hindi katulad ng sa sinumang tao, at ang dahilan na kaya Niyang iligtas ang tao ay sapagka’t ang Kanyang pagkakakilanlan ay naiiba mula sa sinumang tao. Ang katawang-tao na ito ay napakahalaga sa sangkatauhan sapagka’t Siya ay tao at lalong higit ay Diyos, sapagka’t maaari Niyang gawin ang mga gawain na hindi kaya ng ordinaryong katawan ng tao, at dahil maaari Siyang magligtas ng tiwaling tao, na naninirahan kasama Niya sa lupa. Bagama’t Siya ay kapareho sa tao, ang nagkatawang-taong Diyos ay mas mahalaga sa sangkatauhan kaysa sa sinumang tao na may halaga, dahil magagawa Niya ang gawain na hindi magagawa ng Espiritu ng Diyos, mas mayroong kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos upang magpatotoo sa Diyos Mismo, at mas mayroong kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos upang lubos na makamtan ang sangkatauhan. Bilang resulta, kahit na ang katawang-tao na ito ay karaniwan at ordinaryo, ang Kanyang ambag sa sangkatauhan at ang Kanyang kahalagahan sa pag-iral ng sangkatauhan ay lubos na ginagawa Siyang napakahalaga, at ang tunay na halaga at kabuluhan ng katawang-tao na ito ay hindi masukat ng sinumang tao. Kahit na ang katawang-tao na ito ay hindi maaaring direktang puksain si Satanas, maaari Niyang gamitin ang Kanyang gawain upang lupigin ang sangkatauhan at talunin si Satanas, at gawin si Satanas na lubos na magpasakop sa Kanyang kapamahalaan. Sapagka’t ang Diyos ay nagkatawang-tao na kaya Niyang talunin si Satanas at kayang iligtas ang sangkatauhan. Hindi Niya direktang pinupuksa si Satanas, nguni’t naging katawang-tao upang gawin ang gawain na lupigin ang sangkatauhan, na nagawang tiwali ni Satanas. Sa ganitong paraan, mas mahusay Niyang magagawang magpatotoo sa Sarili Niya sa gitna ng mga nilalang, at mas mahusay na nagagawang iligtas ang tiwaling tao. Ang paglupig ng nagkatawang-taong Diyos kay Satanas ay magdudulot ng mas malaking patotoo, at ito ay mas mapanghikayat, kaysa sa direktang pagpuksa ng Espiritu ng Diyos kay Satanas. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay mas kayang magawang tumulong sa tao para kilalanin ang Lumikha, at mas kayang magpatotoo sa Sarili Niya sa gitna ng mga nilalang.

—mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kaugnay na Content