Sabi sa Biblia, “Sino ang magsasakdal ng anuman laban sa mga hinirang ng Diyos? Ang Diyos ay ang nagbibigay-katwiran. Sino siya na humahatol?” (Roma 8:33–34). Patunay ’yan na nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, napatawad na ang lahat ng kasalanan natin. Sa Kanya’y hindi na tayo makasalanan. Sino pang magbibintang sa’tin?

Agosto 26, 2018

Sagot: Nakasulat sa Biblia, “Sino ang magsasakdal ng anuman laban sa mga hinirang ng Diyos?” Eto, kailangan, talagang malinaw. Sino talaga ang mga miyembro ng mga hinirang ng Diyos? Lahat ng nagkakasala, taksil sa Diyos at kaibigan nila, nagnanakaw ng handog sa Diyos, nakikiapid, dungo, at ipokritong mga Fariseo, hinirang ba sila ng Diyos? Kung bahagi ng mga hinirang ng Diyos ang sinumang nananalig sa Diyos, pa’no natin ipapaliwanag ang sinasabi sa Pahayag na, “Nangasa labas ang mga aso, at ang mga manggagaway, at ang mga mapakiapid, at ang mga mamamatay-tao, at ang mga mapagsamba sa diyos-diyosan, at ang bawa’t nag-iibig at gumagawa ng kasinungalingan(Pahayag 22:15)? Kung gayon, hindi lahat ng taong nananalig sa Diyos ay bahagi ng mga hinirang ng Diyos. Yaon lang tunay na naglilingkod at nagmamahal sa Panginoon, na tunay ang patotoo sa Kanya ang bahagi ng mga hinirang Niya. Halimbawa, sumunod at nagpitagan sa Diyos sina Abraham, Job, at Pedro. Matuwid ang kanilang mga gawa at patotoo. Ang ginawa nila ay aprubado ng Diyos. Walang maaaring mag-akusa sa kanila. Kailan sinabi ng Diyos na lahat ng tapat ay matuwid? Halos lahat sila ay madalas magkasala, kumalaban at magtaksil sa Diyos. Totoo ’yan. Hindi sinabi ng Panginoong Jesus kailanman na halos lahat ng nananalig ay matuwid. Kung gayon, ang mga hinirang ng Diyos ay yaong matuwid ang mga gawa at sumusunod sa kalooban ng Diyos.

mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply