Ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus bilang handog para sa kasalanan ng tao, sa gayo’y tinutubos tayo mula sa kasalanan. Kung lalayo tayo sa Panginoong Jesus at maniniwala sa Makapangyarihang Diyos, hindi ba ito pagkakanulo sa Panginoong Jesus? Hindi ba ito apostasiya?
Sagot:
Sa mga huling araw ngayon, kapag nagagawa na ng Diyos ang bagong gawain at nagagamit ang bagong pangalan, ipinagkakanulo ba natin ang Diyos o sumasabay sa gawain ng Diyos nang iniwan natin ang pangalan ni Jesus at tinanggap ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos? Kapag pinasisimulan ng Diyos ang bagong gawain, maliligtas lamang ang tao sa pamamagitan ng pagsabay sa gawain ng Diyos. Totoo ito. Makikita natin mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos, ang dahilan na ginamit ng Diyos ang pangalang Makapangyarihang Diyos ay may kinalaman sa gawaing ginagawa sa mga huling araw at sa disposisyong inihahayag ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Nang ang Diyos ay naging tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, una sa lahat sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, naghahatid Siya ng iba pang katotohanan sa tao, nagpapakita ng iba pang mga paraan ng pagsasagawa, at sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layunin na lupigin ang tao at iligtas mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay hatulan at kastiguhin ang sangkatauhang ginawang tiwali, pagsama-samahin ang mga tao ayon sa kanilang mga uri at pagwawakas ng panahon. Dahil sa pagtubos ng Panginoong Jesus, pinatawad ang ating mga kasalanan. Nguni’t di-maikakaila, na hindi pa natin ganap na naihiwalay ang ating mga sarili mula sa kasalanan. Mapagmataas pa rin ang ating mga disposisyon, makasarili, sakim, mapanlinlang at masama. Tayo ay nabihag sa masamang siklo ng pagkakasala sa araw at pagsisisi sa gabi, umaasa sa biyaya para sa kaligtasan. Kaya, upang iligtas tayo nang lubusan, nagsasalita ang Diyos sa mga huling araw sa pamamagitan ng Kanyang matuwid, maringal at di-napupunong disposisyon, at ginagawa ang Kanyang bagong gawain ng paghatol, pagkastigo, paglupig at paglilinis sa tao, dinadala tayo sa isang ganap na bagong panahon—ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang yugto ng gawaing ginaganap ng Diyos sa mga huling araw ay hindi nagpapakita ng mga himala. Lahat ay isinasakatuparan sa pamamagitan ng mga salita. Ang kasalanan, paghihimagsik at di-pagkamakatuwiran ng tao ay hinahatulan at kinakastigo ng salita ng Diyos, sa gayon ay ganap na nililinis ang tao at ginagawang perpekto ang tao, mula kung saan ay makikita natin na napaka-makapangyarihan ng Diyos at marunong. Ang Diyos talaga ang Makapangyarihang Diyos Mismo. Ang Diyos ang lumikha sa lahat ng bagay at nangingibabaw sa lahat! Kaya ang mga tao ay nagpapatirapa sa harap ng Diyos at sumasamba sa Diyos. Kasabay nito, ang pangalang Makapangyarihang Diyos ay ginagamit upang ganap na tapusin ang anim-na-libong-taong pakikipagdigma kay Satanas.
Ang gawaing paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw ay gawain din ng pagbubukud-bukod ng mga tao ayon sa kanilang sariling mga uri. Tinutupad nito ang hula sa 1 Pedro 4:17, “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios.” Tinutupad din nito ang hula ng pagkilala sa kaibahan ng tupa sa kambing, ng trigo mula sa panirang damo at ng mabuting lingkod mula sa masamang lingkod. Ito ang mga gawain na ginagawa ng Diyos sa mga huling araw. Mauunawaan natin ito matapos basahin ang maraming taludtod ng salita ng Makapangyarihang Diyos.
“Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano ng pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakarating na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng nakasunod sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos.
“Ang ‘paghatol’ sa mga salitang nasabi na dati—ang paghatol ay magsisimula sa bahay ng Diyos—ay tumutukoy sa paghatol na ginagawa ng Diyos ngayon sa mga lumalapit sa harap ng Kanyang luklukan sa mga huling araw” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).
“Sa pamamagitan lamang ng pagkastigo at paghatol mahahayag ang kahihinatnan ng lahat ng nilikha. Ipinapakita lamang ng tao ang kanyang tunay na kulay kapag siya ay kinakastigo at hinahatulan. Ang masasama ay isasama sa masasama, ang mabubuti sa mabubuti, at buong sangkatauhan ay isasaayos ayon sa kanilang uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang kahihinatnan ng lahat ng nilikha ay mahahayag, para maparusahan ang mga masasama at magantimpalaan ang mabubuti, at lahat ng tao ay sumasailalim ng kapangyarihan ng Diyos. Ang buong gawaing ito ay kailangang magawa sa pamamagitan ng matuwid na pagkastigo at paghatol. Dahil umabot na sa sukdulan ang katiwalian ng tao at napakalala na ng kanyang pagsuway, ang matuwid na disposisyon lamang ng Diyos, yaong una sa lahat ay pinagsama-sama sa pagkastigo at paghatol, at inihahayag sa mga huling araw, ang lubos na mababago at magagawang ganap ang tao. Ang disposisyong ito lamang ang makapaglalantad sa kasamaan at sa gayon ay mapaparusahan nang matindi ang lahat ng makasalanan. Samakatuwid, ang disposisyong tulad nito ay puno ng kahalagahan ng kapanahunan, at ang pahayag at pagpapakita ng Kanyang disposisyon ay para sa kapakanan ng gawain sa bawat bagong kapanahunan. Hindi ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang disposisyon nang gayon-gayon lang at nang walang kabuluhan. Kung ang kalalabasan ng tao ay naibunyag sa mga huling araw, naghahandog pa rin ang Diyos sa tao ng walang hanggang awa at pagmamahal, at kapag Siya ay mapagmahal pa rin sa mga tao, at hindi Niya hinahayaang sumailalim ang tao sa matuwid na paghatol, kundi Siya’y nagpapamalas ng pagpaparaya, pagtitiis at pagpapatawad, kapag patuloy pa rin Siyang nagpapatawad sa tao anuman ang matinding kasalanang nagagawa niya, na walang matuwid na paghatol, magwawakas ba ang lahat ng pamamahala ng Diyos? Kailan magagawang mapangunahan ng ganitong disposisyon ang sangkatauhan patungo sa tamang hantungan? Ipagpalagay, halimbawa, ang isang hukom na mapagmahal, mabuti at magiliw. Mahal niya ang mga tao sa kabila ng kanilang mga nagawang kasalanan, at siya ay mapagmahal at mapagparaya sa sinumang tao. Kailan niya makakayang abutin ang makatwirang pasiya? Sa mga huling araw, ang matuwid na paghatol lamang ang makapag-uuri sa tao at makapagdadala sa kanila sa bagong mundo. Sa ganitong paraan, ang buong kapanahunan ay magwawakas sa pamamagitan ng matuwid na disposisyon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3). Malinaw na sinasabi sa atin ng salita ng Diyos na ang pangunahing gawain ng Diyos sa mga huling araw ay pagsama-samahin ang lahat ng bagay ayon sa kanilang sariling mga uri. Ito rin ang gawain ng paghatol at pagkastigo ng tao sa pamamagitan ng salita, hinahatulan ang kasalanan ng tao at kinakastigo ang paghihimagsik at di-pagkamakatuwiran ng tao, lubusang binabago ang tao at ginagawang perpekto ang tao. Lahat ng tumatanggap at sumusunod sa gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang mga layon ng paghatol at paglilinis ng Diyos. Tanging ang matuwid na paghatol ng Diyos ang nakapagliligtas sa tao, nakagagawang perpekto sa tao at nakapagdadala sa kanya sa isang bagong dako. At ginawa lamang ng mapagmahal at mahabaging Tagapagligtas na si Jesus ang gawain ng pagpapatawad sa kasalanan ng tao. Hindi Siya ang gagawa ng gawain ng paglilinis at pagbabago sa tao, hindi pa kasama ang pagbubukud-bukod sa mga tao ayon sa kanilang sariling mga uri. Samakatuwid, sa pagtanggap lamang ng gawain ng paghatol at pagkastigo ng salita ng Makapangyarihang Diyos, sa pagpaparangal sa pangalan ng Diyos bilang dakila, makatatanggap ang tao ng buong pagliligtas ng Diyos. Kung itinataguyod natin ang pangalan ng Panginoong Jesus nguni’t tinatanggihan ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos, hindi natin matatanggap ang katotohanan at kaligtasan para sa sangkatauhan mula sa Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw.
—mula sa Mga Sagot sa mga Tanong sa Screenplay
Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Diyos na Jehova, na minsang nagbigay ng kautusan upang gabayan ang buhay ng mga tao. Siya rin ang Panginoong Jesus na ipinako sa krus para tubusin ang sangkatauhan. Ang paghatol ng Makapangyarihang Diyos, ang pagtubos na ginawa ng Panginoong Jesus, at ang kautusan ng Diyos na Jehova ay gawa lahat ng iisang Diyos. Inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan sa paisa-isang hakbang, ayon sa Kanyang sariling plano, at sa mga pangangailangan ng sangkatauhan.
Ngayon tinatanggap natin ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos, na hindi ibig sabihin na wala tayong pasasalamat sa Panginoong Jesus at nagtaksil sa Kanya. Ibig sabihin nito sinusundan natin ang mga yapak ng Cordero, nananatiling tapat sa paraan ng Diyos, at matapat na sumusunod sa Kanya, at sa gayon lang natin makakamit ang pag-apruba ng Diyos. Tulad ng nakasaad sa Pahayag 14:4, “Ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero.” Lahat ng nakakapit sa pangalan ni Jesus at tumatangging tanggapin ang Makapangyarihang Diyos ay magiging mga taksil sa Diyos, at aalisin Niya. Noong panahon na dumating ang Diyos para gawin ang Kanyang gawain gamit ang pangalan ni Jesus, lahat ng disipulong tumanggap sa bagong gawain ng Diyos at sumunod sa Panginoong Jesus ay hindi lumilihis sa totoong daan o nagtataksil sa Diyos na Jehova. Sa katunayan, umaagapay sila sa mga hakbang ng Diyos at sila lamang ang matatapat sa Diyos, samantalang ang mga Fariseo na naniwala na tapat sila sa Diyos na Jehova ay kumapit lamang sa Kanyang pangalan, itinatatwa ang Panginoong Jesus. Ang resulta ay hindi nakamit ng kanilang katapatan ang pag-apruba ng Diyos na Jehova, kundi sa halip ay kabaligtaran ang nangyari: Sumailalim sila sa mga sumpa at parusa ng Diyos. Kaya dapat nating matutuhan ang aral ng kabiguan ng mga Fariseo. Kailangan nating tanggapin ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos at sundan ang mga yapak ng gawain ng Diyos. Ito lang ang paraan para matanggap natin ang pagliligtas ng Diyos.
—mula sa Mga Sagot sa mga Tanong sa Screenplay
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.