Ang mga tao ay makasalanan, pero ang handog ng Panginoong Jesus para sa kasalanan ay epektibo magpakailanman. Basta’t inamin natin ang ating mga sala sa Panginoon, patatawarin Niya tayo. Wala tayong kasalanan sa paningin ng Panginoon, kaya makakapasok tayo sa kaharian ng langit!
Sagot: Hindi komo napatawad na ng Panginoong Jesus ang mga kasalanan ng sangkatauhan ay wala nang kasalanan ang tao, na hindi na sila nagkakasala o naging banal na sila. Pinatatawad ng Panginoong Jesus ang mga kasalanan ng tao. Ano talaga ang tinutukoy ng “kasalanan” sa kontekstong ito? Tinutukoy nito ang pakikiapid, pagnanakaw, atbp., anumang labag sa mga batas, kautusan o salita ng Diyos ay kasalanan. Kasalanan din ang kumalaban, tumuligsa o humatol sa Diyos. Anumang kalapastanganan sa Diyos ay kasalanan, na walang kapatawaran! Sa Kapanahunan ng Biyaya, naging handog ang Panginoong Jesus para sa kasalanan ng sangkatauhan. Yaon lamang nanalangin sa Panginoon at nagsisi ang hindi parurusahan o mamamatay. Ibig sabihin, hindi na ituturing ng Diyos na makasalanan. Ang taong pinatawad sa kanyang mga kasalanan ay makapagdarasal nang direkta sa Panginoon at makakabahagi sa Kanyang biyaya. ’Yan ang tunay na kahulugan ng “Pinatawad ang mga kasalanan.” Hindi komo pinatawad na ang mga kasalanan ng tao dahil sa handog ng Panginoong Jesus para sa kasalanan, tumigil na sila sa paggawa ng kasalanan at pagkalaban sa Diyos. Nananatili pa rin ang likas na pagkamakasalanan ng tao, kaya nagagawa pa rin nilang kalabanin at pagtaksilan ang Diyos at ituring Siyang kaaway. Pa’no magiging marapat ang ganyang mga tao na makapasok sa kaharian ng langit? Sabi nga ng Makapangyarihang Diyos, “Ang isang makasalanang tulad mo, na katutubos pa lang, at hindi pa nabago, o nagawang perpekto ng Diyos, makakaayon ka ba ng puso ng Diyos? Para sa iyo, na ang dating ikaw pa rin, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at na ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka magiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, puno ka ng karumihan, sakim ka at masama, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—hindi ka ganoon kasuwerte! Nalaktawan mo ang isang hakbang sa iyong pananalig sa Diyos: Natubos ka pa lang, ngunit hindi pa nabago. Para maging kaayon ka ng puso ng Diyos, kailangang ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain ng pagbabago at paglilinis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lamang, wala kang kakayahang magtamo ng kabanalan. Dahil dito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa magagandang biyaya ng Diyos, dahil nalaktawan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pagperpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang manahin ang pamana ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa mga Pangalan at sa Pagkakakilanlan). Ang pagtubos ng Panginoong Jesus ay pinatawad lang ang mga kasalanan ng tao; hindi nito nilutas ang kanilang tiwaling disposisyon. Ang kayabangan sa utak, pagkamakasarili, kasakiman, panloloko at nananatili pa rin ang iba pang mga aspeto ng kanilang napakasamang disposisyon. Ang tiwaling disposisyong ito ay mas malalim at mas determinado kaysa kasalanan. Ito ang pinagmumulan ng ating pagkakasala at pagkalaban sa Diyos. Pag hindi nalutas ang tiwali at napakasamang disposisyong ito, patuloy silang magkakasala, kakalaban sa Diyos, at hahatulan at tutuligsain Siya ayon sa kanilang sariling mga imahinasyon at ideya. Pag nagdurusa at pinahihirapan sila, maaari nilang itanggi at itakwil pa ang Diyos tulad ng ginawa ni Judas. Kapag may kapangyarihan sila, maaari silang magtatag ng mga kaharian na malayang kakalaban sa Diyos. Nagnanakaw pa nga ng mga alay sa Diyos ang ilan at sinasaktan ang Kanyang disposisyon; parurusahan at papatayin sila ng Diyos. Karamihan ngayon ng mga pastor at pinuno ng mga relihiyon ay hindi sumusunod sa mga salita ng Panginoong Jesus. Iniinterpret nila ang Biblia batay sa sarili nilang mga ideya. Itinuturing nilang mga salita ng Diyos ang mga salita ng mga tao sa Biblia. Pinupuri nila ang mga salita ng mga tao sa halip na patotohanan ang mga salita ng Panginoong Jesus. Dahil dito, mga tao ang sinasamba at sinusunod ng mga tao, at walang lugar sa puso nila ang Panginoong Jesus. Ang mga nananalig na ito ay nabibitag at kontrolado ng mga pinuno ng mga relihiyon. Totoo ito lalo na pag nagbalik ang Panginoong Jesus para humatol. Hindi hinahanap o inaaral ng mga pastor at pinunong ’yon ang gawain ng Diyos. Sa halip, tinutuligsa nila ang Kanyang gawain, at hinahatulan at nilalapastangan Siya. Nagtatahi-tahi sila ng mga kasinungalingan para linlangin ang mga nananalig at harangin ang iglesia. Hayagan nilang itinuturing na kaaway ang Diyos at sinasaktan ang Kanyang disposisyon. Ito ang pinakamalubhang pagkalaban sa Diyos. Kasalanan ito na walang kapatawaran! Mas nakakagulat pa ang kanilang kasamaan kaysa sa mga Fariseo sa pagkalaban sa Panginoong Jesus! Kung gayon, pag ’di nalutas ang ugali ng mga tao na kalabanin ang Diyos, pag ’di nalinis ang masama at tiwali nilang disposisyon, kaya nilang gumawa ng anumang kasamaan para kalabanin ang Diyos. Pa’no makakapasok ang ganitong klaseng mga tao sa kaharian ng Diyos? Kung gayon, ayon sa Kanyang plano ng pamamahala na iligtas ang sangkatauhan at sa mga aktuwal na kinakailangan ng tiwaling sangkatauhan, nagpapahayag Siya ng iba’t ibang aspeto ng katotohanan sa mga huling araw, at isinasagawa Niya ang Kanyang gawain na tumutupad sa propesiya sa Biblia na, “ailangang magsimula ang paghuhukom sa bahay ng Diyos,” at nilulutas ang pangunahing problema na ang tiwaling sangkatauhan ay kontrolado ng kanilang kademonyohan. Ganyan dahan-dahang kakawala ang tao mula sa kanilang tiwali at masamang disposisyon, titigil sa paghihimagsik at pagkalaban sa Diyos, magagawang sumunod at magpitagan sa Diyos. Noon lamang sila malilinis at makakapasok sa kaharian ng langit.
mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.