Bakit Napapailalim ang Tamang Daan sa Pag-uusig
-
-
-
3
Sa Biblia, sinabi ni Pablo, “Ang bawa’t kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka’t walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao’y hinirang ng Dios. Kaya nga’t ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili” (Roma 13:1–2). Kung isasagawa ang mga salita ni Pablo, dapat tayong magpasakop sa mga namumunong kapangyarihan sa lahat ng bagay. At gayon pa man, ang ateistikong gobyerno ng CCP ay umuusig sa relihiyosong paniniwala sa buong kasaysayan nito. Galit ito sa Diyos, at hindi lamang sa hindi nito pinapayagan na maniwala tayo sa Panginoon, ngunit inaaresto at inuusig din nito ang mga nagpapalaganap ng ebanghelyo at nagpapatotoo sa Diyos. Kung yuyuko tayo sa gobyernong Komunista ng China, titigil sa paniniwala sa Panginoon, at ihihinto ang pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos, hindi ba tayo tatayo sa panig ni Satanas sa pamamagitan ng paglaban at pagtalikod sa Panginoon? Hindi ko talaga maintindihan ito: Ano talaga ang dapat kong gawin upang makasunod sa kalooban ng Panginoon sa mga usapin tungkol sa naghaharing kapangyarihan?
-
-
5
Simula nang pag-aralan natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, Kapatid na Zhang, Kapatid na Xu, simula nang pag-aralan natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, mas lalong kinokondena ng mga pastor at elder ng relihiyon ang Makapangyarihang Diyos, ginagawa nila ang lahat para hadlangan tayo sa pag-aaral ng totoong daan. Hindi ito naiba sa pagkalaban at pagkondena noon ng mga Judiong Fariseo sa Panginoong Jesus! Nag-iisip-isip ako nitong, bakit dalawang beses na nagpakita ang Diyos sa katawang-tao para gumawa at makalawang nakaharap ang pagkondena at pang-uusig ng lahat ng relihiyon at ng gobyernong ateista? Sa mga huling araw, nagpapakita at gumagawa ang Makapangyarihang Diyos para lamang ipahayag ang katotohanan, sa pagsasalita at paggawa para linisin at iligtas ang sangkatauhan. Bakit matindi ang galit kay Cristo ng mga relihiyon at ng gobyernong Komunista ng Tsina? na pinakikilos pa nila ang media corp at sandatahang puwersa ng pulisya para ikondena, lapastanganin, hulihin at patayin si Cristo? Dahil dito naaalala ko noong narinig ni Haring Herodes na ang Hari ng mga Judio, o ang Panginoong Jesus ay isinilang, ipinapatay niya ang lahat ng lalaking sanggol sa Bet-lehem na wala pang dalawang taong gulang. Mas gugustuhin niyang ipapatay ang libu-libong inosenteng mga sanggol kaysa hayaang mabuhay si Cristo. Noong dumating ang Diyos sa katawang-tao para sa kaligtasan ng sangkatauhan, bakit hindi tinanggap ng mga relihiyon at gobyerno ang Kanyang pagdating kundi galit na galit na kinondena at nilapastangan ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Bakit inubos niya ang kabuhayan ng buong bansa para lang maipako sa krus si Cristo? Bakit napakasama ng sangkatauhan at matindi ang galit laban sa Diyos?
-