Mga Kondisyon sa Pagpasok sa Kaharian ng Langit
-
-
-
-
-
-
-
-
8
Nananalig na tayo sa Panginoon sa loob ng napakaraming taon. Kahit maaari tayong mangaral at kumilos para sa Panginoon at magdusa nang husto, maaari pa rin tayong palaging magsinungaling, manloko at mandaya. Araw-araw, ipinagtatanggol natin ang ating sarili. Napakadalas, mayabang tayo, mapagmataas, pasikat, at mapanghamak sa iba. Namumuhay tayo sa sitwasyon ng pagkakasala at pagsisisi, at hindi tayo makaalpas sa pang-aalipin ng laman, at dumaranas at nagsasagawa ng salita ng Panginoon. Hindi pa natin nararanasan ang anumang realidad ng salita ng Panginoon. Sa kaso natin, madadala man lang ba tayo sa kaharian ng langit? Sabi ng ilang tao, gaano man tayo magkasala, gaano man tayo inaalipin ng laman, ang tingin sa atin ng Panginoon ay walang kasalanan. Sumusunod sila sa salita ni Pablo: “Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng trumpeta: sapagka’t tutunog ang trumpeta, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin” (1 Corinto 15:52). At ipinapalagay nila na agad babaguhin ng Panginoon ang ating anyo pagdating Niya at dadalhin tayo sa kaharian ng langit. Naniniwala ng ilang tao na ang mga tumatanggap ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya pero patuloy pa ring nagkakasala ay hindi karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng langit. Nakabatay ito unang-una na sa salita ng Panginoong Jesus: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal” (Levitico 11:45). Ito ay dalawang magkakumpitensyang pananaw na hindi malinaw na masasabi ng sinuman, Makipag-usap naman kayo para sa amin.
-
9
Dahil maraming taon na kaming naniniwala sa Panginoon, nadarama namin na basta’t ang isang tao ay mapagpakumbaba, mapagparaya at mapagmahal sa mga kapatid, at masusunod niya ang halimbawa ni Pablo sa pamamagitan ng paggugol at pagsisikap para sa Panginoon, sinusundan niya ang daan ng Panginoon, at madadala siya sa kaharian ng langit pagbalik ng Panginoon. Tulad ng sabi ni Pablo, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8). Pero nasaksihan n’yo na kapag naniniwala tayo sa Panginoon, kailangan nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Kapag tumatanggap tayo ng paglilinis, pupurihin tayo ng Diyos at tatanggapin sa kaharian ng langit. May tanong ako: Naniniwala kami sa Panginoon sa loob ng napakaraming taon, at gumugugol at nagsisikap kami para sa Panginoon; makakapasok ba kami sa kaharian ng langit nang hindi tinatanggap ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw?
-
10
Naniwala tayo sa Panginoon sa loob ng maraming taon, at pinanatili natin ang Kanyang pangalan. Lagi tayong nagbabasa ng Biblia, nananalangin at kinukumpisal ang ating mga kasalanan sa Panginoon; tayo’y mapagpakumbaba, matiyaga, mapagmahal sa iba. Lagi tayong nagkakawang-gawa, nagbibigay, at nagsasakripisyo ng lahat ng iba pang bagay para magsilbi sa Panginoon at ikinakalat ang ebanghelyo para sumaksi sa Kanya. Hindi ba natin isinasagawa ang mga salita ng Panginoon at sinusunod ang Kanyang paraan? Paano mo nasabi na hindi tayo kailanman nagkaroon ng katotohanan sa pananalig sa Panginoon o isang hindi naniniwala? Sa Biblia, sinabi ni Pablo na, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8). Samakatuwid, sa tingin ko makakamit ng ating pananalig sa Panginoon ang Kanyang papuri. Kapag dumating ang Panginoon, tiyak na dadalhin Niya tayo sa kaharian ng langit.
-
11
Namatay sa krus ang Panginoong Jesus para sa atin. Tinubos niya tayo sa mga kasalanan at pinatawad ang ating mga sala, ginawa Niya ito para iligtas tayo at ipinagkaloob sa atin na makapasok sa kaharian ng langit. Kahit patuloy tayong nagkakasala at kailangan pa tayong linisin, pinatawad ng Panginoon ang lahat ng kasalanan natin at ginawa tayong karapat-dapat sa pamamagitan ng ating pananampalataya. Akala ko hangga’t isinasakripisyo natin ang lahat para makagawa para sa Panginoon, hangga’t payag tayong magtiis ng paghihirap at magbigay ng kabayaran, papayagan tayong makapasok sa kaharian ng langit. Akala ko ’yon ang pinangako sa atin ng Panginoon. Gano’n pa man, ilan sa mga kapatid natin ang kumukwestyon ngayon sa paniniwalang ’yon. Sabi nila kahit daw nagsikap tayo para sa Panginoon, madalas pa rin tayong magkasala at ikinukumpisal ang mga kasalanan natin, kaya hindi pa rin tayo nalilinis. Inihayag nila na banal ang Panginoon, kaya hindi Siya maaaring makita ng mga taong hindi banal. Ang tanong ko ay: Tayong mga isinakripisyo ang lahat para sa Panginoon, talaga bang madadala tayo sa kaharian ng langit? Talagang hindi pa natin alam ang sagot sa tanong na ’yon, kaya gusto naming kausapin niyo kami tungkol do’n.
-
12
Sabi mo kailangang tanggapin ng mga taong nananalig sa Diyos ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at noon lang mababago ang kanilang masamang disposisyon. Pero, alinsunod sa mga ipinagagawa ng Panginoon, nagpapakumbaba at nagpapasensya tayo, minamahal natin ang ating mga kaaway, pinapasan ang ating krus, sinusupil ang ating katawan, tinatalikuran ang mga makamundong bagay, at nagsisikap at nangangaral para sa Panginoon at kung anu-ano pa. Kaya hindi ba mga pagbabago natin ang lahat ng ito? Hindi ba puwedeng maging mga kredensyal ang mga ito para sa pagpasok natin sa kaharian ng langit? Naniniwala ako na basta’t naghanap tayo sa ganitong paraan, mapapadalisay tayo, at makakapasok sa kaharian ng langit.
-
-
-
-
-
17
Sinasabi mo na dapat nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, dahil doon lamang malilinis at mababago ang ating mga tiwaling satanikong disposisyon, at saka lamang tayo makakapasok sa kaharian ng Diyos. Kaya, tulad ng hinihingi ng Panginoon, tayo ay nagpapakumbaba at nagpaparaya, minamahal natin ang ating mga kaaway, pinapasan natin ang ating krus, dinidisiplina natin ang ating katawan, tinatalikuran natin ang mga makamundong bagay, gumagawa tayo at nangangaral para sa Panginoon, at iba pa. Hindi ba’t ang lahat ng ito ay mga pagbabagong naganap sa atin? Sinasabi mo bang hindi pa ito sapat upang makapasok tayo sa kaharian sa langit? Naniniwala ako na hangga’t nagpapatuloy tayo sa pagsusumikap sa ganitong paraan, tayo ay magiging banal at makakapasok sa makalangit na kaharian.
-
-
19
Sinabi ng Panginoong Jesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:21–23). Ang mga nagsasabing “Panginoon, Panginoon” ay naniniwala lahat at naglilingkod sa Panginoon. Palagi silang nagsasakripisyo, ginugugol ang kanilang sarili, at nagsusumikap para sa Panginoon, at ipinalaganap nila ang ebanghelyo at nagtayo ng mga iglesia. Hindi ba nila sinunod ang kalooban ng Panginoon sa pamamagitan ng paggawa ng lahat ng ito? Sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, bakit hindi sila pupurihin ng Panginoon, at sa halip ay hahatulan Niya bilang mga gumagawa ng kasamaan?
-
-
-