Ang Landas Tungo sa Buhay na Walang Hanggan
-
-
-
-
-
-
-
7
Pero naniniwala kami na sa pamamagitan ng pagsampalataya at pagsunod sa Panginoon, makakamtan natin ang buhay na walang hanggan. Suportado ito ng salita ng Panginoon: Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang pagkabuhay na mag-uli, at ang buhay: ang siyang sumasampalataya sa Akin, bagama’t siya’y patay, gayunma’y siya ay mabubuhay; At ang sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa Akin ay hindi mamamatay magpakailanman” (Juan 11:25–26). “Datapuwa’t ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni’t ang tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan” (Juan 4:14). Ang mga talatang ito ang pangako ng Panginoong Jesus. Ang Panginoong Jesus ay makapagbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan, ang landas ng Panginoong Jesus ay ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Sabi sa Biblia, “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan: nguni’t ang hindi nananalig sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Diyos ay sumasa kaniya” (Juan 3:36). Hindi nga ba ang Panginoong Jesus Anak ng tao, hindi ba Siya ang Cristo? Sa pananalig sa Panginoong Jesus, dapat ding mapasaatin ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Ngunit nagpapatotoo kayo na ipapakita sa atin ni Cristo sa mga huling araw ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Lahat tayo ay alagad ng Panginoong Jesucristo. Bakit hindi pa ito sapat para makita ang daan tungo sa buhay na walang hanggan? Kaya bakit namin kailangang tanggapin ang mga salita at gawain ni Cristo sa mga huling araw?
-
-
-