Nakasaad sa Biblia na matapos bautismuhan ang Panginoong Jesus, ang langit ay nabuksan, at ang Banal na Espiritu ay bumaba sa Panginoong Jesus tulad ng isang kalapati, isang tinig ang nagsabing: “Ito ang sinisinta kong anak, na siya kong lubos na kinalulugdan” (Mateo 3:17). At kinikilala naming mga mananampalataya na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Diyos. Gayunman nagpatotoo kayo na ang Cristong nagkatawang-tao ay ang pagpapakita ng Diyos, ay Diyos Mismo, na ang Panginoong Jesus ay Diyos Mismo at ang Makapangyarihang Diyos ay Diyos Mismo. Medyo mahiwaga ito para sa amin at naiiba sa dati naming paniniwala. Kung gayon, ang Cristong nagkatawang-tao ba ang Diyos Mismo o ang Anak ng Diyos? Ang parehong situwasyon ay tila makatwiran sa amin, at kapwa ayon sa Biblia. Kung gayon, aling pang-unawa ang tama?
Sagot: Ang binanggit mong tanong ay ang mismong tanong na nihihirapang maunawaan ng maraming mananampalataya. Nang dumating ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao para gawin ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan, ang Diyos ay naging ang Anak ng tao, nagpapakita at ginagawa ang gawain kasama ang mga tao. Hindi lamang Niya binuksan ang Kapanahunan ng Biyaya, kundi pinasimulan rin ang bagong kapanahunan kung saan personal na dumating ang Diyos sa daigdig ng mga tao upang mamuhay na kasama ng mga tao. Sa malaking paghanga, tinawag ng mga tao ang Panginoong Jesus bilang Cristo, ang Anak ng Diyos. Noong panahong iyon, ang Banal na Espiritu ay nagpatotoo din sa katotohanan na ang Panginoong Jesus ang pinakamamahal na Anak ng Diyos, at ang Panginoong Jesus ay tinawag ang Diyos ng langit na Ama. Dahil dito, naniwala ang tao na ang Panginoong Jesus ay ang Anak ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang paniwala sa ugnayang ito ng Ama-Anak ay nabuo. Ngayon isipin natin sandali. Sinasabi ba ng Diyos saan man sa Genesis na mayroon Siyang anak na lalaki? Hindi Niya sinabi! Patunay ito na isa lang ang Diyos, walang binabanggit na ugnayang Ama-Anak. Ngayon maaaring itanong ng ilang tao: Noong Kapanahunan ng Biyaya, bakit sinasabi ng Panginoong Jesus na Siya ang Anak ng Diyos? Ang Panginoong Jesucristo ba ang Anak ng Diyos o Diyos Mismo? Maaari ninyong sabihin, na ito ay isang tanong na pinagdedebatihan nating mga mananampalataya sa paglipas ng mga panahon. Nahihiwatigan ng mga tao ang kontradikyon na likas sa isyung ito, ngunit hindi nila ito alam ipaliwanag. Ang Panginoong Jesus ay Diyos, ngunit Anak din ng Diyos, kung gayon mayroon din bang Diyos Ama? Lalong hindi kayang ipaliwanag ng mga tao ang isyung ito. Sa nakaraang dalawang milenya, kakaunti lamang ang nakakilala na ang Panginoong Jesucristo ay Diyos Mismo, ang pagpapakita ng Diyos. Sa katunayan, may malinaw na tala tungkol dito sa Biblia. Sa Juan 14:8, hiniling ni Felipe sa Panginoong Jesus: “Panginoon, ipakita Mo sa amin ang Ama, at sapat na ito sa amin.” Ngayon, noong panahong iyon, paano tumugon ang Panginoong Jesus kay Felipe? Sinabi ng Panginoong Jesus kay Felipe: “Malaon nang panahong Ako’y inyong kasama, at hindi Mo ako nakikilala, Felipe? Ang nakakita sa Akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita Mo sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na Ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa Akin? Ang mga salitang Aking sinasabi sa inyo’y hindi Ko sinasalita sa Aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa Akin ay gumagawa ng Kanyang mga gawa. Magsisampalataya kayo sa Akin na Ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa Akin: o kundi kaya’y magsisampalataya kayo sa Akin dahil sa mga gawa rin” (Juan 14:9–11). Dito, napakalinaw na sinabi ng Panginoong Jesus, “Ang nakakita sa Akin ay nakakita sa Ama.” Gaya ng nakikita ninyo, ang Panginoong Jesus ay ang pagpapakita ng Diyos Mismo. Hindi sinabi dito ng Panginoong Jesus na Siya at ang Diyos ay may ugnayang Ama-Anak. Sinabi lang Niya, “Ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa Akin.” “Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30). Ngayon, ayon sa mga salita ng Panginoong Jesus, hindi ba natin mapagtitibay na ang Panginoong Jesus ay Diyos Mismo, isa lamang ang Diyos at walang binabanggit na “ugnayang Ama-Anak”?
mula sa iskrip ng pelikulang Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.