Ano ang pagbabago ng disposisyon at ano ang mga pagkakaiba sa pagitan ng pagbabago ng disposisyon at mabuting pag-uugali
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang pagbabago ng disposisyon ng tao ay nakakamit sa pamamagitan ng maraming iba’t ibang uri ng gawain ng Diyos; kung wala ang gayong mga pagbabago sa kanyang disposisyon, hindi magagawa ng tao na magpatotoo sa Diyos at maging kaayon ng puso ng Diyos. Ang pagbabago ng disposisyon ng tao ay tanda na napalaya na ng tao ang kanyang sarili mula sa pagkaalipin kay Satanas at mula sa impluwensya ng kadiliman, at tunay nang naging isang huwaran at halimbawa ng gawain ng Diyos, isang saksi ng Diyos, at isang taong kaayon ng puso ng Diyos. Ngayon, naparito ang Diyos na nagkatawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain sa lupa, at hinihiling Niya sa tao na magkamit ng kaalaman tungkol sa Kanya, pagsunod sa Kanya, patotoo sa Kanya, malaman ang Kanyang praktikal at normal na gawain, sundin ang lahat ng Kanyang salita at gawain na hindi naaayon sa mga kuru-kuro ng tao, at magpatotoo sa lahat ng gawaing Kanyang ginagawa upang iligtas ang tao, pati na ang lahat ng gawang isinasakatuparan Niya upang lupigin ang tao. Yaong mga nagpapatotoo sa Diyos ay kailangang magkaroon ng kaalaman tungkol sa Diyos; ang ganitong uri lamang ng patotoo ang tumpak at totoo, at ang ganitong uri lamang ng patotoo ang maaaring magbigay-kahihiyan kay Satanas. Ginagamit ng Diyos ang mga taong nakakilala na sa Kanya sa pamamagitan ng pagdaan sa Kanyang paghatol at pagkastigo, pakikitungo at pagtatabas, upang magpatotoo sa Kanya. Ginagamit Niya yaong mga nagawang tiwali ni Satanas upang magpatotoo sa Kanya, at ginagamit din Niya yaong ang mga disposisyon ay nagbago na, at sa gayon ay nagkamit na ng Kanyang mga pagpapala, upang magpatotoo sa Kanya. Hindi Niya kailangang purihin Siya ng tao sa salita lamang, ni hindi rin Niya kailangan ang papuri at patotoo ng kauri ni Satanas, na hindi Niya nailigtas. Yaon lamang mga nakakakilala sa Diyos ang karapat-dapat na magpatotoo sa Kanya, at yaon lamang mga nabago na ang kanilang disposisyon ang karapat-dapat na magpatotoo sa Kanya. Hindi papayagan ng Diyos ang tao na sadyang magdala ng kahihiyan sa Kanyang pangalan.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nakakakilala Lamang sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos
Nagbabago ang disposisyon ng mga tao sa kasalukuyang mga salita ng Banal na Espiritu; kung lagi kang kumakapit sa dati mong mga karanasan at mga panuntunan noong araw, hindi magbabago ang iyong disposisyon. Kung hinihiling ng mga salita ng Banal na Espiritu sa ngayon na pumasok ang lahat ng tao sa isang buhay ng normal na pagkatao ngunit patuloy kang nakatuon sa mga panlabas na bagay, at nalilito ka tungkol sa realidad at hindi mo ito sineseryoso, isa kang tao na hindi nakaagapay sa gawain ng Banal na Espiritu, isang tao na hindi nakapasok sa landas ng patnubay ng Banal na Espiritu. Kung maaaring magbago ang iyong disposisyon o hindi ay depende sa kung umaagapay ka o hindi sa kasalukuyang mga salita ng Banal na Espiritu at kung mayroon kang tunay na kaalaman o wala. Kaiba ito sa dati ninyong naunawaan. Ang pagbabago sa iyong disposisyon na naunawaan mo dati ay na ikaw, na mabilis manghusga, ay tumigil na sa pagsasalita nang hindi nag-iisip sa pamamagitan ng pagdidisiplina ng Diyos; ngunit isang aspeto lamang ito ng pagbabago. Sa ngayon, ang pinakakritikal na punto ay ang pagsunod sa patnubay ng Banal na Espiritu: Sumunod sa anumang sinasabi ng Diyos, at sundin ang anumang sinasabi Niya. Hindi mababago ng mga tao ang sarili nilang disposisyon; kailangan silang dumaan sa paghatol at pagkastigo, at sa pagdurusa at pagpipino, ng mga salita ng Diyos, o sa pakikitungo, pagdidisiplina, at pagtatabas ng Kanyang mga salita. Pagkatapos noon, saka lamang sila magiging masunurin at matapat sa Diyos, at hindi na magpapadalus-dalos sa pakikitungo sa Kanya. Sa ilalim ng pagpipino ng mga salita ng Diyos nagbabago ang disposisyon ng mga tao. Sa pamamagitan lamang ng paglalantad, paghatol, pagdidisiplina, at pakikitungo ng Kanyang mga salita sila hindi na mangangahas na kumilos nang walang pakundangan kundi sa halip ay magiging matatag at mahinahon sila. Ang pinakamahalagang punto ay na nagagawa nilang magpasakop sa kasalukuyang mga salita ng Diyos, at sa Kanyang gawain, kahit hindi ito nakaayon sa mga kuru-kuro ng tao, nagagawa nilang isantabi ang mga kuru-kurong ito at maluwag sa loob na magpasakop. Noong araw, ang usapan tungkol sa mga pagbabago sa disposisyon ay pangunahing tumukoy lamang sa pagtalikod sa sarili, pagpapahintulot na magdusa ang laman, pagdidisiplina sa katawan ng isang tao, at pag-aalis sa sarili ng mga makamundong kagustuhan—na isang uri ng pagbabago sa disposisyon. Ngayon, alam ng lahat na ang tunay na pagpapakita ng pagbabago sa disposisyon ay sa pagsunod sa kasalukuyang mga salita ng Diyos at tunay na pagkaalam sa Kanyang bagong gawain. Sa ganitong paraan, maaaring mapawi ang dating pagkaunawa ng mga tao tungkol sa Diyos, na nakulayan ng sarili nilang mga kuru-kuro, at makapagtatamo sila ng tunay na kaalaman at pagsunod sa Diyos—ito lamang ang tunay na pagpapahayag ng isang pagbabago sa disposisyon.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Taong Nagbago Na ang Disposisyon ay Yaong mga Nakapasok Na sa Realidad ng mga Salita ng Diyos
Ano ba ang kahulugan ng isang pagbabago sa disposisyon? Nangyayari ito kapag ang isang mangingibig ng katotohanan, habang dinaranas ang gawain ng Diyos, ay tumatanggap ng paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita at sumasailalim sa lahat ng uri ng pagdurusa at pagpipino. Ang gayong tao ay nililinis mula sa mala-satanas na mga lason sa loob niya, at lubusang nakakawala sa kanyang tiwaling disposisyon, kaya nakakapagpasakop siya sa mga salita ng Diyos at sa lahat ng Kanyang mga plano at pagsasaayos, upang hindi na kailanman muling maghimagsik laban sa Kanya o labanan Siya. Ito ay isang pagbabago sa disposisyon. … Ang isang pagbabago sa disposisyon ay nangangahulugan na ang isang tao, sapagka’t iniibig niya at kayang tanggapin ang katotohanan, sa wakas ay nakakarating sa pagkaunawa sa kanyang kalikasang masuwayin na lumalaban sa Diyos; nauunawaan niya na ang tao ay napakalalim ang pagkakatiwali, nakikilala niya ang kahangalan at pagiging-mapanlinlang ng tao, nakikilala niya ang kasalatan at pagiging kahabag-habag ng tao, at sa wakas ay nauunawaan ang kalikasang diwa ng tao. Sa pagkaalam sa lahat ng ito, nagkakaroon siya ng kakayahang tanggihan at talikuran ang kanyang sarili nang ganap, makapamuhay ayon sa salita ng Diyos, at maisagawa ang katotohanan sa lahat ng bagay. Ito ay isa na nakakakilala sa Diyos; ito ay isa na nabago na ang disposisyon.
Hinango mula sa “Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw
Ang pagbabago sa disposisyon ay pangunahing tumutukoy sa pagbabago sa kalikasan ng isang tao. Ang mga bagay tungkol sa kalikasan ng isang tao ay hindi makikita mula sa panlabas na mga paggawi; ang mga ito ay tuwirang may kinalaman sa halaga at kabuluhan ng kanyang pag-iral. Iyan ay, tuwirang nakapaloob sa mga ito ang pananaw ng isang tao sa buhay at sa kanyang mga pinahahalagahan, sa mga bagay na nasa kaibuturan ng kanyang kaluluwa, at kanyang esensya. Kung ang isang tao ay hindi kayang tumanggap ng katotohanan, hindi siya sasailalim ng pagbabago sa mga aspetong ito. Sa pamamagitan lamang ng pagdaranas sa gawain ng Diyos, pagpasok nang lubusan sa katotohanan, pagbabago sa mga pinahahalagahan ng isa at mga pananaw ng isa tungkol sa pag-iral at buhay, pag-aayon ng pananaw ng isa sa pananaw ng Diyos, at pagiging may-kakayahang ganap na magpasakop at pagiging nakatalaga sa Diyos, saka masasabing nagbago na ang disposisyon ng isa. Maaaring ikaw ay lumilitaw na nagsisikap nang kaunti, maaaring ikaw ay matatag sa harap ng paghihirap, maaaring nagagawa mong magsakatuparan ng mga pagsasaayos ng gawain mula sa Itaas, o maaaring nagagawa mong pumunta saanmang dako ka pinapupunta, subali’t ang mga ito ay maliliit na pagbabago lamang ng gawi, at hindi sapat upang ibilang na pagbabago ng iyong disposisyon. Maaaring nakakaya mong tumahak sa maraming landasin, magdusa ng maraming mga kahirapan at magtiis ng matinding kahihiyan; maaaring nadarama mo na napakalapit mo sa Diyos, at ang Banal na Espiritu ay maaaring gumagawa sa iyo nang kaunti. Gayunpaman, kapag hinihingi ng Diyos sa iyo na gumawa ng isang bagay na hindi kaayon sa iyong mga kuru-kuro, maaaring hindi ka pa rin nagpapasakop; sa halip, maaring naghahanap ka ng mga dahilan, naghihimagsik at lumalaban sa Diyos, kahit hanggang sa puntong pinupuna mo na Siya at nagproprotesta laban sa Kanya. Ito ay magiging isang malalang suliranin! Makikita rito na mayroon ka pa ring kalikasan na lumalaban sa Diyos, at na hindi ka napasailalim sa anumang pagbabago kahit na kaunti.
Hinango mula sa “Ang Dapat Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Disposisyon ng Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw
Ang pagbabagong-anyo ng disposisyon ng tao ay hindi pagbabago ng pag-uugali, o pakunwaring panlabas na pagbabago o pansamantalang pag-iiba na ibinunga ng sigasig; bagkus, ito ay isang tunay na pagbabagong-anyo ng disposisyon na nagdudulot ng pagbabago sa pag-uugali. Ang gayong pagbabago sa pag-uugali ay hindi katulad ng mga pagbabagong naipakikita sa mga panlabas na pag-uugali at kilos ng isang tao. Ang pagbabagong-anyo ng disposisyon ay nangangahulugang naunawaan at naranasan mo ang katotohanan, at ang katotohanan na ang naging buhay mo. Sa nakaraan, naunawaan mo ang katotohanan ng bagay na ito, ngunit hindi mo ito naisagawa; ang katotohanan ay doktrina lamang sa iyo na hindi naisabuhay. Ngayong nagbagong-anyo na ang iyong disposisyon, hindi mo lamang nauunawaan ang katotohanan, kundi kumikilos ka rin ayon dito. Nagagawa mo nang talikuran ang mga bagay na nakahiligan mong gawin noong araw, ang mga bagay na dati mong gustong gawin, ang iyong mga paglalarawan sa isip, at ang iyong mga kuru-kuro. Nagagawa mo na ngayong talikuran ang mga bagay na hindi mo nagawang talikuran noong araw. Ito ay pagbabagong-anyo ng disposisyon, at ito rin ang proseso ng pagbabagong-anyo ng iyong disposisyon.
Hinango mula sa “Ang Dapat Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Disposisyon ng Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw
Sa paghahangad na baguhin ang iyong disposisyon, kailangan mong marating ang isang yugto sa pagkaunawa mo sa iyong sarili kung saan kaya mong matuklasan ang mga satanikong lason na nasa iyong sariling kalikasan. Kailangan mong malaman kung ano ang ibig sabihin ng suwayin ang Diyos, gayundin kung ano ang ibig sabihin ng maghimagsik laban sa Diyos, at kailangan mong matutuhan kung paano kumilos nang naaayon sa katotohanan sa lahat ng bagay. Kailangan mo ring magtamo ng kaunting pagkaunawa sa kalooban ng Diyos at sa mga hinihingi Niya sa sangkatauhan. Kailangan mayroon kang konsiyensya at katwiran sa harap ng Diyos, kailangan ay hindi ka mayabang magsalita o dinadaya ang Diyos, at kailangang hindi ka na gumagawa ng anuman para labanan ang Diyos. Kung magkagayon, nabago mo na ang iyong disposisyon. Yaong ang disposisyon ay nabago na ay nakadarama ng paggalang sa Diyos sa kaibuturan ng kanilang puso, at unti-unting nababawasan ang kanilang paghihimagsik laban sa Diyos. Bukod dito, sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin, hindi na kailangang mag-alala ang iba sa kanila, ni kailangan ng Banal na Espiritu na palagi silang disiplinahin. Talagang kaya nilang magpasakop sa Diyos, at nagtataglay ng katotohanan ang mga pananaw nila sa mga bagay-bagay. Ang ibig sabihin ng lahat ng ito ay naging kaayon na sila ng Diyos.
Hinango mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahabol sa Katotohanan Nakakamit ng Isang Tao ang Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw
Ang mga pagbabago sa disposisyon ay may isang katangian, na magawang magpasakop sa kung ano ang tama at naaayon sa katotohanan. Sinuman ang nagbibigay sa iyo ng mga mungkahi—bata man sila o matanda, nagkakasundo man kayo, at mabuti man o masama ang relasyon sa pagitan ninyo—basta’t may sinasabi silang tama at naaayon sa katotohanan, at kapaki-pakinabang din sa gawain ng bahay ng Diyos, maaari mong pakinggan, sang-ayunan, at tanggapin ito, at hindi ka maapektuhan ng iba pang mga kadahilanan. Ito ang unang aspeto ng katangiang iyon. Una sa lahat, maaari mong tanggapin ang katotohanan, gayundin ang mga bagay na tama at naaayon sa katotohanan. Ang isa pang aspeto ay nagagawa mong hanapin ang katotohanan tuwing may nakakaharap kang problema. Kailangan ay hindi mo lamang magawang tanggapin ang katotohanan; kailangang magawa mo ring hanapin ito. Halimbawa, kung makaharap mo ang isang bagong problemang walang sinumang makaarok, maaari mong hanapin ang katotohanan at tingnan kung ano ang dapat mong gawin o isagawa upang iayon ang bagay na iyon sa mga katotohanang prinsipyo at tugunan ang mga kinakailangan ng Diyos. Bukod dito, ang isa pang aspeto ay ang pagtatamo ng kakayahang maging mapagsaalang-alang sa kalooban ng Diyos. Paano ka dapat maging mapagsaalang-alang sa kalooban Niya? Ito ay nakasalalay sa kung anong tungkulin ang iyong ginagampanan at kung ano ang mga kinakailangan Niya rito. Kailangan mong unawain ang prinsipyong ito: Isakatuparan ang iyong tungkulin ayon sa mga kinakailangan ng Diyos, at gampanan ito para sa Kanyang kaluguran. Kailangan mo ring unawain ang kalooban ng Diyos, at kung ano ang hinahangad na resulta ng iyong tungkulin, at kailangan mong magawang kumilos nang may pananagutan at katapatan. Lahat ng ito ay mga paraan ng pagkakaroon ng konsiderasyon sa kalooban ng Diyos. Kung hindi mo alam kung paano maging mapagsaalang-alang sa kalooban ng Diyos sa bagay na iyong kasalukuyang ginagawa, sa gayon dapat maghanap ka para maisakatuparan iyan, at Siya’y mabigyang-kasiyahan. Kung maisasagawa ninyo ang tatlong prinsipyong ito, masusukat kung gaano mo talagang ipinamumuhay ang mga ito, at makasusumpong ng isang paraan ng pagsasagawa, mapapamahalaan ninyo ang mga bagay-bagay sa maprinsipyong paraan. Hindi alintana anuman ang maaaring makaharap ninyo at kahit ano pang mga problema ang maranasan ninyo, dapat ninyong hanapin palagi ang mga tamang prinsipyo ng pagsasagawa, anong mga detalye ang kasama sa bawat isa, at paano dapat isagawa ang mga ito para hindi ninyo malalabag ang mga prinsipyo. Kapag may malinaw na kayong kaunawaan sa mga bagay na ito, likas ninyong maisasagawa ang katotohanan.
Hinango mula sa “Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Naiwawaksi Mo ang Mga Tali ng Isang Tiwaling Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw
Sa paghahanap ng pagbabago sa iyong disposisyon, dapat mong maunawaan kung ano ang walang kinalaman sa pagbabago sa disposisyon at wala sa loob ng nasasakupan nito, kundi ay panlabas na mabuting pag-uugali, kung ano ang ibig sabihin ng Diyos kapag nagsasalita Siya tungkol sa mga pagbabago sa disposisyon, at kung ano sa mga tao ang nais baguhin ng Diyos. Dapat na maunawaan ng mga tao ang mga bagay na ito. Ang sa tingin mong isang pagbabago sa disposisyon at ang sinasabi ng Diyos na isang pagbabago sa disposisyon ay dalawang magkaibang bagay, dalawang landas. Ang isang nasa isip mo ay hindi matutugunan ang kalooban ng Diyos sa huli. Ang sinasabi ng Diyos na isang pagbabago sa disposisyon ay kapag ang isang tao, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng katotohanan at sa pamamagitan ng pagiging nahatulan at nakastigo, naiwasto at natabas, at pagiging nasubukan at napino ng Diyos, ay nakakamit ang isang pagkaunawa sa kalooban ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo, at namumuhay ayon sa mga katotohanang prinsipyo, hanggang makamit nila ang pagpapasakop at magkaroon ng isang puso ng paggalang para sa Diyos, walang mga maling pagkakaintindi sa Diyos, at magkaroon ng totoong kaalaman sa Diyos, at tunay na sambahin Siya. Ang sinasabi ng Diyos ay iyong may kinalaman sa disposisyon ng isang tao; ano, kung gayon, ang ibig sabihin ng mga tao kapag pinag-uusapan nila ang mga pagbabago sa disposisyon? Ibig nilang sabihin ay naging mas mabuti ang pag-uugali ng isang tao, na lumilitaw na matapat at kontrolado nang maayos ang isang tao, na may-kalinangan ang kanyang pananalita, at na pinapakinggan niya ang kanyang budhi sa kanyang mga pakikipag-ugnayan sa iba at mayroon siyang mga pamantayang moral. May pagkakaiba ba sa pagitan nito at ng sinasabi ng Diyos? Sa pakikipag-ugnayan man sa mga tao o bagay, ang lahat ng iyong lakas, ang mga prinsipyo sa likod ng iyong mga kilos, at ang iyong mga pamantayan para sa pagsusuri ay dapat naaayon sa katotohanan at kailangan mong hangarin ang mga katotohanang prinsipyo. Sa gayon lamang makakamit ang pagbabago sa disposisyon. Kung palagi kang gumagamit ng mga pamantayan sa pag-uugali bilang sukatan at palaging nakatuon sa panlabas na pagbabago sa pag-uugali, ngunit hindi hinahanap ang katotohanan upang lutasin ang iyong sariling tiwaling disposisyon, kung gayon ay hindi mo maaaring makamit ang kaalaman tungkol sa pagiging matuwid at kabanalan ng Diyos. Sa kasong iyon, paano ka magkakaroon ng isang tapat na pusong may paggalang sa Diyos? Kung hindi kaya ng isang tao na matakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan, kung gayon, walang bilang ng mabubuting pag-uugali ang mangangahulugang kaya nilang tunay na magpasakop sa Diyos. Samakatuwid, marami mang mabubuting pag-uugali ang isang tao, hindi ito nangangahulugang may naging pagbabago sa kanyang disposisyon.
Hinango mula sa “Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Maaaring Magtaglay ang Tao ng Normal na Pagkatao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw
Ang mga diwa ng mga pagbabago sa disposisyon at mga pagbabago sa paggawi ay magkaiba, at ang mga pagbabago sa pagsasagawa ay magkakaiba rin—ang lahat ng ito ay magkakaiba sa pinakadiwa. Naglalagay ang karamihan ng mga tao ng natatanging diin sa paggawi sa kanilang paniniwala sa Diyos, na ang nagiging resulta ay ang pagkakaroon ng ilang pagbabago sa kanilang pag-uugali. Pagkaraan nilang magsimulang maniwala sa Diyos, tumitigil sila sa pakikipaglaban sa iba, panlalait at pakikipag-away sa mga tao, paninigarilyo at pag-inom, at pagnanakaw ng anumang pag-aaring publiko—isang pako man ito o isang tabla ng kahoy—at umaabot pa nga sila sa hindi pagdulog sa hukuman kapag sila ay dumaranas ng pagkalugi o ginagawan ng mali. Walang duda, sadya silang sumasailalim sa ilang mga pagbabago sa pag-uugali. Sapagkat, sa sandaling maniwala sila sa Diyos, ang pagtanggap sa tunay na daan ay sadyang nakapagdudulot sa kanila ng mabuting pakiramdam, at dahil natikman na rin nila ngayon ang biyaya ng gawain ng Banal na Espiritu, sila ay talagang taimtim, at walang kahit anuman ang hindi nila makakayang talikuran o pagdusahan. Gayunman, pagkaraang makapaniwala sa loob ng tatlo, lima, sampu, o tatlumpung taon, sapagkat walang naging pagbabago sa kanilang mga disposisyon sa buhay, nauwi sila sa pagbabalik sa dating mga gawi; lalong lumilitaw ang kanilang kayabangan at kapalaluan, nagsisimula silang makipagpaligsahan para sa kapangyarihan at pakinabang, pinag-iimbutan nila ang salapi ng iglesia, ginagawa nila ang anumang bagay na nagsisilbi sa kanilang sariling kapakinabangan, naghahangad sila ng katayuan at mga kaaliwan, at nagiging palaasa sila sa tahanan ng Diyos. Lalo na, tinatalikdan ng mga tao ang karamihan sa mga yaong nagsisilbi bilang mga pinuno. At ano ang pinatutunayan ng mga katotohanang ito? Ang mga pagbabago lang sa ugali ay hindi napapanatili; kung walang pagbabago sa mga disposisyon sa buhay ng mga tao, sa malaon at madali ay magpapakita ang kanilang mapanirang bahagi. Sapagkat sigasig ang pinagmumulan ng mga pagbabago sa kanilang gawi, kakambal ng ilang gawain ng Banal na Espiritu sa panahong iyon, napakadali para sa kanila na maging maalab o magpakita ng pansamantalang kabaitan. Katulad ng sinasabi ng mga hindi naniniwala, “Madali ang paggawa ng isang mabuting gawa, ang mahirap ay ang habambuhay na paggawa ng mabubuting gawa.” Walang kakayahan ang mga tao na gumawa ng mabubuting gawa nang buong buhay nila. Ang pag-uugali ng isang tao ay pinangangasiwaan ng buhay; anuman ang kanyang buhay, gayundin ang kanyang ugali, at yaon lamang likas na naihahayag ang kumakatawan sa buhay, gayundin sa kalikasan ng isang tao. Hindi magtatagal ang mga bagay na huwad. Kapag gumagawa ang Diyos upang iligtas ang tao, hindi ito upang palamutian ang tao ng mabuting gawi—ang layunin ng gawain ng Diyos ay ang baguhin ang anyo ng mga disposisyon ng mga tao, upang sila ay muling isilang na bagong mga tao. Kaya naman, ang paghatol ng Diyos, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino ng tao ay pawang nagsisilbi upang baguhin ang kanyang disposisyon, upang matamo niya ang ganap na pagpapasakop at debosyon sa Diyos, at magawang normal na sambahin Siya. Ito ang layunin ng gawain ng Diyos. Ang pagpapakabait ay hindi katulad ng pagpapasakop sa Diyos, lalong hindi ito katumbas ng pagiging kaayon kay Cristo. Ang mga pagbabago sa ugali ay batay sa doktrina at bunga ng sigasig; hindi batay ang mga ito sa tunay na kaalaman sa Diyos o sa katotohanan, lalong hindi batay sa paggabay ng Banal na Espiritu. Bagama’t may mga pagkakataon na ang ilan sa ginagawa ng mga tao ay pinapatnubayan ng Banal na Espiritu, hindi ito isang pagpapahayag ng buhay, lalong hindi ito katulad ng pagkakilala sa Diyos; gaano man kabuti ang ugali ng isang tao, hindi nito pinatutunayan na nagpasakop na siya sa Diyos o na isinasagawa niya ang katotohanan. Ang mga pagbabago sa pag-uugali ay panandaliang ilusyon lamang, pagpapakita lamang ang mga ito ng sigasig. Hindi maibibilang na pagpapahayag ng buhay ang mga ito.
Hinango mula sa “Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Panlabas na mga Pagbabago at ng mga Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw
Maaaring magpakabait ang mga tao, nguni’t hindi ito nangangahulugan na taglay nila ang katotohanan. Ang pagkakaroon ng sigasig ay magagawa lamang na sumunod sila sa doktrina at sundin ang patakaran; ang mga tao na walang katotohanan ay walang pag-asa sa paglutas ng mga makabuluhang suliranin, at hindi mapapalitan ng doktrina ang katotohanan. Ang mga taong nakaranas ng pagbabago sa kanilang disposisyon ay naiiba; naunawaan na nila ang katotohanan, naiintindihan nila ang lahat ng usapin, alam nila kung paano kumilos alinsunod sa kalooban ng Diyos, kung paano kumilos alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo, at kung paano kumilos upang mapalugod ang Diyos, at nauunawaan nila ang kalikasan ng katiwalian na kanilang ipinapakita. Kapag ang kanilang sariling mga ideya at mga kuru-kuro ay naibubunyag, nagagawa nilang makakilala at tinatalikuran ang laman. Ganito ipinahahayag ang isang pagbabago sa disposisyon. Ang pangunahing bagay tungkol sa mga taong dumaraan sa pagbabago ng disposisyon ay nagagawa nilang maunawaan nang malinaw ang katotohanan, at kapag ipinatutupad ang mga bagay, isinasagawa nila ang katotohanan nang may kaugnay na kawastuhan at hindi sila nagbubunyag ng katiwalian nang madalas. Karaniwan, ang mga nagbago na ang disposisyon ay nagiging makatwiran at maunawain, at dahil sa kanilang pagkaunawa sa katotohanan, hindi sila gaanong nagpapakita ng pagmamataas o kayabangan. Nauunawaan at nahihiwatigan nila ang marami sa katiwaliang naibunyag sa kanila, kaya hindi sila nagyayabang. Nagagawa nilang magkaroon ng isang nasusukat na pagkaunawa sa kung ano ang kalagayan ng tao, kung paano gumawi nang may katwiran, kung paano maging masunurin, kung ano ang sasabihin at kung ano ang hindi sasabihin, at kung ano ang sasabihin at kung ano ang gagawin sa alin mang mga tao. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi na ang mga taong gaya nito ay medyo makatwiran. Ang mga tao na dumaraan sa pagbabago ng disposisyon ay tunay na namumuhay na kawangis ng tao, at taglay nila ang katotohanan. Lagi nilang nasasabi at nakikita ang mga bagay alinsunod sa katotohanan, at may prinsipyo sila sa lahat ng ginagawa nila; hindi sila sumasailalim sa impluwensiya ng sinumang tao o bagay, at lahat sila ay may sariling pananaw at kaya nilang panatilihin ang mga katotohanang prinsipyo. Ang kanilang disposisyon ay medyo matatag, hindi sila sala sa init at sala sa lamig, at anuman ang kanilang sitwasyon, nauunawaan nila kung paano isagawa nang wasto ang kanilang tungkulin at kung paano umasal na ikalulugod ng Diyos. Yaong nagbago ang mga disposisyon ay hindi nagtutuon ng pansin sa kung ano ang gagawin upang mapaganda ang kanilang mga sarili sa mababaw na antas—natamo nila ang panloob na kaliwanagan sa kung ano ang gagawin upang mapalugod ang Diyos. Kung gayon, sa panlabas maaaring tila hindi sila ganoon kasigasig o parang hindi sila nakagawa ng anumang totoong dakila, ngunit ang lahat ng kanilang ginagawa ay makahulugan, mahalaga, at nagbubunga ng praktikal na mga resulta. Yaong nagbago ang mga disposisyon ay nakatitiyak na magtataglay ng napakaraming katotohanan, at ito ay mapapatunayan sa pamamagitan ng kanilang mga pananaw sa mga bagay at sa kanilang mga maprinsipyong pagkilos. Yaong mga hindi nagtataglay ng katotohanan ay tiyak na hindi pa nagtamo ng anumang pagbabago sa disposisyon. Ang isang pagbabago ng disposisyon ay hindi nangangahulugan ng pagkakaroon nang husto at napapanahong pagkatao; pangunahin itong tumutukoy sa lahat ng mga pagkakataon kung kailan ang ilan sa napakasasamang lason ni Satanas sa loob ng kalikasan ng tao ay nagbabago bunga ng pagtatamo ng kaalaman tungkol sa Diyos at pag-unawa sa katotohanan. Ibig sabihin, ang napakasasamang lason ni Satanas na iyon ay nalinis na, at ang katotohanang ipinahayag ng Diyos ay nag-uugat sa kalooban ng gayong mga tao, nagiging buhay nila, at nagiging pundasyon ng kanilang pamumuhay. Saka lamang sila nagiging bagong tao, at dahil doon, nakararanas ng pagbabago ng kanilang disposisyon. Ang isang pagbabago sa disposisyon ay hindi nangangahulugan na ang panlabas na mga disposisyon ng mga tao ay mas mapagpakumbaba kaysa rati, na dati silang mayabang ngunit ngayo’y makatwiran nang magsalita, o na dati ay wala silang pinakikinggan ngunit ngayo’y kaya na nilang makinig sa iba; hindi masasabi na ang nakikitang mga pagbabagong ito ay mga pagbabago sa disposisyon. Mangyari pa, ang mga pagbabago sa disposisyon ay kinabibilangan ng mga estado at pagpapahayag na ito ngunit ang pinakamahalagang bagay ay na nagbago na ang kanilang kalooban. Ang katotohanang ipinahayag ng Diyos ang nagiging buhay nila mismo, ang napakasasamang lason sa kalooban ay naalis na, at ang kanilang mga pananaw ay ganap nang nagbago—at wala sa kanila ang nakaayon sa mga pananaw ng mundo. Nakikita ng mga taong ito nang malinaw ang mga pakana at lason ng malaking pulang dragon sa kung ano ang mga ito; naunawaan na nila ang tunay na esensya ng buhay. Kaya nagbago na ang kanilang mga pagpapahalaga sa buhay—ito ang pinakapangunahing pagbabago, pati na ang esensya ng isang pagbabago ng disposisyon.
Hinango mula sa “Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Panlabas na mga Pagbabago at ng mga Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw
Ang pagkakamit ng pagbabagong-anyo sa disposisyon ng isang tao ay hindi isang simpleng bagay; hindi ito nangangahulugan ng pagkakaroon lamang ng ilang mga pagbabago sa pag-uugali, pagkakamit ng ilang kaalaman sa katotohanan, kakayahang makapagsabi ng kaunting kaalaman ukol sa karanasan sa bawat aspekto ng katotohanan, o magbago nang kaunti o bahagyang maging masunurin pagkaraang madisiplina. Ang mga bagay na ito ay hindi bumubuo ng pagbabagong-anyo ng disposisyon sa buhay ng isang tao. Bakit Ko sinasabi ito? Bagama’t maaaring medyo nagbago ka na, hindi mo pa rin totoong isinasagawa ang katotohanan. Marahil dahil nasa isang angkop ka na kapaligiran pansamantala, at kanais-nais na kalagayan, o napilit ka ng mga kasalukuyang pangyayari, umaasal ka sa ganitong paraan. Dagdag pa rito, kapag matatag ang katayuan ng iyong isip at gumagawa ang Banal na Espiritu, nakapagsasagawa ka. Kung sumasailalim ka sa mga pagsubok, at nagdurusa sa mga ito tulad ng ginawa ni Job, o tulad ni Pedro na hiniling ng Diyos na mamatay, magagawa mo bang sabihin na “Kahit na mamatay ako matapos Kang makilala, ito ay magiging maayos”? Hindi nagaganap nang magdamag ang pagbabagong-anyo sa disposisyon, at kapag naunawaan mo na ang katotohanan ay hindi nangangahulugang makakaya mong isagawa ito sa bawat kapaligiran. Nasasangkot dito ang kalikasan ng tao. Minsan, mukhang isinasagawa mo ang katotohanan, ngunit ang totoo, ang ikinikilos mo ay hindi nagpapakita na isinasagawa mo ang katotohanan. Maraming tao na may ilang pag-uugaling ipinapakita, tulad ng pagsasantabi sa pamilya at trabaho at pagganap ng kanilang mga tungkulin, na dahil dito naniniwala silang isinasagawa nila ang katotohanan. Gayunpaman, hindi kinikilala ng Diyos na sila ay nagsasagawa ng katotohanan. Kapag ang mga ginagawa mo ay may personal na motibo at hindi puro, hindi mo isinasagawa ang katotohanan; nagpapakita ka lamang nang mababaw na pag-uugali. Ang totoo, malamang na isumpa ng Diyos ang ganitong klaseng pag-uugali; hindi Niya ito pupurihin o maaalala. Kung mas susuriin pa ito, gumagawa ka ng masama at ang pag-uugali mo ay laban sa Diyos. Kung titingnan mula sa labas, hindi ka nakagagambala sa anumang bagay at hindi ka nakagawa ng totoong pinsala o nakalabag ng anumang katotohanan. Mukhang makatwiran at makatarungan iyon, subalit ang diwa ng iyong mga kilos ay patungkol sa paggawa ng kasamaan at paglaban sa Diyos. Samakatuwid ay dapat kang magpasiya kung mayroon nang pagbabago sa iyong disposisyon at kung isinasagawa mo ang katotohanan sa pagtingin sa mga motibo sa likod ng iyong mga kilos ayon sa mga salita ng Diyos. Hindi iyon nakasalalay sa pananaw ng tao kung ang mga kilos mo ba ay base sa imahinasyon at intensyon ng tao, o kung ito ba ay angkop sa iyong panlasa; ang mga bagay na ito ay hindi mahalaga. Bagkus, nakadepende iyon sa pagsasabi ng Diyos kung sumusunod ka o hindi sa Kanyang kalooban, kung ang iyong mga kilos ay mayroong katotohanang realidad o wala, at kung tumutugon ang mga ito o hindi sa Kanyang mga hinihiling at pamantayan. Ang pagsukat lamang ng iyong sarili ayon sa mga hinihiling ng Diyos ang tama. Ang pagbabago sa disposisyon at pagsasagawa ng katotohanan ay hindi kasingpayak at kasindali ng inaakala ng tao. Nauunawaan mo na ba ito ngayon? May karanasan ka ba rito? Pagdating sa diwa ng isang suliranin, maaaring hindi ninyo ito maunawaan; labis na mababaw ang inyong pagpasok. Paroo’t parito kayo sa maghapon, mula bukang-liwayway hanggang takipsilim, bumabangon nang maaga at natutulog nang gabing-gabi na, subalit hindi pa ninyo nakakamit ang pagbabago sa inyong disposisyon sa buhay, at hindi ninyo maintindihan kung ano ang kailangan sa gayong pagbabago. Ibig sabihin ay napakababaw ng inyong pagpasok, hindi ba? Gaano katagal man kayo naniniwala sa Diyos, maaaring hindi ninyo madama ang diwa at malalalim na bagay na gagawin sa pagkakamit ng pagbabago sa disposisyon. Masasabi bang nagbago na ang iyong disposisyon? Paano ninyo malalaman kung pinupuri kayo ng Diyos o hindi? Kahit paano, madarama mo ang natatanging katatagan hinggil sa lahat ng iyong ginagawa, at madarama mo na ginagabayan at nililiwanagan ka ng Banal na Espiritu at gumagawa Siya sa iyo habang ginagampanan mo ang iyong mga tungkulin, ginagawa ang anumang gawain sa tahanan ng Diyos, o karaniwan. Ganap na aakma sa mga salita ng Diyos ang iyong pag-uugali, at kapag nagtamo ka na ng ilang antas ng karanasan, madarama mo na naangkop kahit papaano kung paano ka kumilos noong araw. Gayunman, kung makaraang magtamo ng karanasan sa loob ng ilang panahon, nadarama mo na hindi angkop ang ilan sa mga bagay na ginawa mo noong araw, at hindi ka nasisiyahan sa mga iyon, at nadarama mo na talagang walang katotohanan sa mga bagay na iyong ginawa, pinatutunayan nito, kung gayon, na ang lahat ng iyong nagawa ay ginawa bilang paglaban sa Diyos. Katunayan ito na ang iyong paglilingkod ay puno ng pagkasuwail, paglaban, at mga paraan ng pagkilos ng tao.
Hinango mula sa “Ang Dapat Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Disposisyon ng Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw
Nasa anong yugto na kayo ng pagpasok sa buhay ngayon? Nalaman mo nang mali ang iyong pananaw, subalit maaasahan mo pa rin ang iyong pananaw para mabuhay, at ginagamit mo iyon para sukatin ang gawain ng Diyos at hatulan at pag-isipan ang lahat ng ginagawa ng Diyos, ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, at ang mga sitwasyong isinasaayos Niya para sa iyo, at matatrato mo ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng iyong pananaw at iyong mga pamamaraan. Ito ba ay pagsasagawa ng katotohanan? Ang resultang ito ba ay isang resultang nakakamit matapos mabago ang disposisyon ng isang tao? Hindi, hindi ganoon. Kinikilala mo lang ngayon na mabuti at tama ang mga salita ng Diyos, at, kung titingnan ang iyong panlabas na pag-uugali, hindi ka gumagawa ng mga bagay na taliwas sa katotohanan, lalong hindi ka gumagawa ng mga bagay na humahatol sa gawain ng Diyos. Nagagawa mo ring magpasakop sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Ang ganoong tao ay nabago na mula sa pagiging isang hindi mananampalataya at naging isa nang alagad ng Diyos na may kagandahang-asal ng isang banal. Nagbago ka mula sa pagiging isang taong talagang namumuhay sa mga pilosopiya ni Satanas sa pamumuhay, at sa mga konsepto, mga prinsipyo, at kaalaman ni Satanas, at naging isang tao na matapos marinig ang mga salita ng Diyos ay nararamdaman na ang mga iyon ay mabuti, tama, at ang katotohanan, isa na gustong isabuhay ang mga salita ng Diyos, at isa na tinatanggap ang mga salita ng Diyos at itinuturing ang mga iyon na kanyang buhay. Iyon ay ganoong uri ng proseso—wala nang iba. Sa panahong ito, ang iyong pag-uugali at mga paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay ay tiyak na sasailalim sa ilang pagbabago at tiyak na magiging lubos na naiiba sa dati. Gayunman, sa anong paraan man nagkakaiba ang mga iyon, o kung ilang bagay man ang naiiba, ang nahahayag sa iyo ay, para sa Diyos, wala nang iba kundi mga pagbabago sa iyong pag-uugali at mga pamamaraan, mga pagbabago sa iyong pag-iisip at mga pananaw, mga pagbabago sa iyong mga pinakatatagu-tagong pagnanasa, at mga pagbabago sa iyong mga adhikain—wala nang iba kundi ang mga ito. Ngayon ay maaaring nagagawa mo, nang may pagsisikap, na ialay ang iyong buhay para sa Diyos, subalit hindi mo magawang magtamo ng lubos na pagsunod sa Diyos sa isang bagay na masyadong hindi kaaya-aya para sa iyo. Ito ang pagkakaiba ng isang pagbabago sa pag-uugali at isang pagbabago sa disposisyon. Marahil, pinahihintulutan ka ng mabuti mong puso na kumilos sa paraang daglian mong maiaalay ang iyong buhay para sa Diyos, sinasabing, “Nakahanda akong isuko ang aking buhay para sa Diyos. Sa buhay na ito, wala akong mga pagsisisi at walang mga reklamo! Tinalikuran ko na ang pag-aasawa, ang mga makamundong pag-aasam, ang lahat ng karangalan at kayamanan, at tinatanggap ko itong mga sitwasyong isinaayos ng Diyos. Kaya kong tiisin at tanggapin ang lahat ng pangungutya at paninirang-puri ng mundo.” Subalit ang kailangan lang gawin ng Diyos ay magsaayos ng mga sitwasyong hindi umaayon sa iyong mga kuru-kuro at pagkatapos ay sisigawan mo na Siya at lalabanan Siya. Ito ang pagkakaiba ng isang pagbabago sa pag-uugali at isang pagbabago sa disposisyon. Posible rin na kaya mong ialay ang iyong buhay para sa Diyos at talikuran ang mga tao at mga bagay na pinakamahahal mo, o ang bagay na pinakamahirap bitiwan para sa iyong puso—ngunit kapag ikaw ay inutusang magsabi ng isang tapat na salita sa Diyos at maging tapat na tao, hirap na hirap ka roon at hindi mo iyon magawa. Ito ang pagkakaiba ng isang pagbabago sa pag-uugali at isang pagbabago sa disposisyon. Gayunman, marahil ay hindi ka naghahangad ng kaginhawahan ng laman sa buhay na ito, hindi rin ng pagkain ng masasarap na pagkain at pagsusuot ng magagandang damit, araw-araw ay matindi kang nagtatrabaho hanggang sa mapagod. Kaya mong tiisin ang lahat ng uri ng sakit na dala ng laman, ngunit, kapag hindi umaayon sa iyong mga kuru-kuro ang mga pagsasaayos ng Diyos, hindi mo maintindihan, at umuusbong sa iyo ang mga reklamo laban sa Diyos at ang mga maling pagkaunawa sa Kanya, at sa ganoong panahon, ang ugnayan sa pagitan mo at ng Diyos ay unti-unting magiging tensyonado hanggang sa naisin mong itakwil at ipagkanulo Siya at hindi mo magawang lubos na magpasakop. Ito ang pagkakaiba ng isang pagbabago sa pag-uugali at isang pagbabago sa disposisyon. Kaya mong isuko ang iyong buhay para sa Diyos, kaya’t bakit hindi mo kayang magsabi ng isang tapat na salita sa Kanya? Kaya mong isantabi ang lahat maliban sa iyong sarili, kaya’t bakit hindi mo kayang maging labis na matapat sa atas at gawaing ibinigay ng Diyos sa iyo? Kaya mong isuko ang iyong buhay para sa Diyos, kaya’t bakit, kapag inilalantad mo ang iyong mga damdamin at itinataguyod mo ang iyong mga ugnayan sa iba ay hindi mo kayang manindigan na itaguyod ang gawain ng Diyos at ang Kanyang mga interes? Sumumpa ka sa harap ng Diyos na buong buhay mong igugugol ang iyong sarili para sa Kanya at tatanggapin ang anumang pagdurusang darating sa iyo, kaya’t bakit sa minsanang pagkakaalis sa iyo sa iyong tungkulin ay nalulugmok ka na nang husto sa pagiging negatibo na hindi ka makalabas nang maraming araw? Ang puso mo ay puno ng paglaban sa Diyos at hinanakit at maling pagkaunawa—lahat ng iyon ay negatibo. Anong nangyayari? Ito ang pagkakaiba ng isang pagbabago sa pag-uugali at isang pagbabago sa disposisyon.
Hinango mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Paglutas ng mga Kuru-kuro ng Isang Tao Siya Makapapasok sa Tamang Landas ng Paniniwala sa Diyos (3)” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw
Sa anong batayan nabuhay ang mga tao noon? Ang lahat ng tao ay nabubuhay para sa kanilang mga sarili. Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba—ito ang buod ng kalikasan ng tao. Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos para sa kanilang sariling mga kapakanan; tinatalikuran nila ang mga bagay-bagay, ginugugol ang kanilang mga sarili para sa Kanya, at tapat sa Kanya, nguni’t ang lahat ng mga bagay na ito ay ginagawa pa rin nila para sa kanilang sariling mga kapakanan. Sa kabuuan, lahat ito ay ginagawa para sa layunin ng pagkakamit ng mga pagpapala para sa kanilang mga sarili. Sa lipunan, ang lahat ay ginagawa para sa pansariling pakinabang; ang paniniwala sa Diyos ay ginagawa para lamang magkamit ng mga pagpapala. Para sa kapakanan ng pagkamit ng mga pagpapala kaya tinatalikuran ng mga tao ang lahat at nakatatagal sa matinding pagdurusa. Ang lahat ng ito ay katibayan mula sa karanasan ukol sa tiwaling kalikasan ng tao. Gayunman, iba yaong mga nagdaan na sa isang pagbabago sa disposisyon; naniniwala sila na ang paraan kung paano mabuhay nang makabuluhan, paano tuparin ang mga tungkulin ng isang tao upang maging karapat-dapat na matawag na tao, paano sambahin ang Diyos, at paano magpalugod at magpasakop sa Diyos—lahat ng ito—ang pundasyon ng kahulugan ng maging tao, at ito ay isang obligasyon na inorden sa Langit at kinikilala sa lupa. Kung hindi, hindi sila magiging karapat-dapat na matawag na tao; magiging hungkag at walang kabuluhan ang buhay nila. Pakiramdam nila ay dapat mabuhay ang mga tao upang palugurin ang Diyos, gampanan ang kanilang tungkulin nang maayos, at mabuhay nang makabuluhang buhay, upang kapag oras na para mamatay sila, makukuntento sila at hindi magkakaroon ng kahit katiting na panghihinayang, at na hindi sila nabuhay nang walang saysay. Sa pagkukumpara sa dalawang magkaibang sitwasyong ito, nakikita ng isang tao na ang huli ay isang tao na nagbago na ang disposisyon, at dahil nagbago na ang kanyang disposisyon sa buhay, tiyak na nagbago na rin ang kanyang pananaw sa buhay. Ngayong mayroon nang ibang mga pinahahalagahan, hindi na siya muling mabubuhay para sa sarili niya kailanman, at hindi na muling maniniwala sa Diyos kailanman para sa layuning magkamit ng mga pagpapala. Masasabi ng taong iyon na, “Kung mamatay ako pagkatapos kong makilala ang Diyos, ano ang kamatayan para sa akin? Kung kaya kong makilala ang Diyos, magagawa kong mabuhay nang makabuluhan, at pagkatapos ay hindi na ako nabuhay nang walang saysay, ni hindi ako mamamatay nang may anumang mga panghihinayang; hindi ako magrereklamo.” Hindi ba ito isang nagbagong pananaw sa buhay? Samakatuwid, ang pangunahing dahilan ng isang pagbabago sa disposisyon ng isang tao sa buhay ay ang pagtataglay ng katotohanan sa kanyang kalooban at pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa Diyos; samakatuwid ay nagbago ang pananaw ng isang tao sa buhay, at iba na ang kanyang mga pinahahalagahan kaysa rati. Ang pagbabago ay nagsisimula sa kalooban, at mula sa buhay ng isang tao; tiyak na hindi lamang ito isang panlabas na pagbabago. Ang ilan sa mga bagong mananampalataya, kapag nagsimula na silang maniwala sa Diyos, ay tinatalikuran ang sekular na mundo. Kapag nakakatagpo sila kalaunan ng mga hindi mananampalataya, walang gaanong masabi ang mga mananampalatayang ito, at bihira silang makipag-ugnayan sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan na hindi mananampalataya. Sinasabi ng mga hindi mananampalataya, “Nagbago na ang taong ito.” Pagkatapos ay iniisip ng mananampalataya, “Talagang nagbago na ang disposisyon ko; sinasabi ng mga hindi mananampalatayang ito na nagbago na ako.” Totoo bang nagbago na ang disposisyon ng taong iyon? Ang ipinamamalas niya ay panlabas na mga pagbabago lamang. Wala pang tunay na pagbabago sa buhay niya, at ang kanyang satanikong likas na pagkatao ay patuloy na nakaugat sa kanyang kalooban, ganap na hindi nagagalaw. Kung minsan, masiglang-masigla ang mga tao dahil sa gawain ng Banal na Espiritu; maaaring magkaroon ng ilang panlabas na pagbabago, at maaari silang gumawa ng ilang mabubuting gawa. Gayunman, hindi ito kapareho ng pagkakamit ng pagbabago ng disposisyon. Kung hindi mo taglay ang katotohanan at hindi pa nagbabago ang iyong pananaw sa mga bagay-bagay, hanggang sa punto na hindi ka kaiba sa mga hindi mananampalataya, at hindi rin nagbago ang iyong mga pinahahalagahan at pananaw sa buhay, at kung wala ka man lamang pagpipitagan sa Diyos—na siyang pinakamaliit na nararapat mong taglayin—napakalayo mo pa sa pagkakamit ng pagbabago sa disposisyon.
Hinango mula sa “Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Panlabas na mga Pagbabago at ng mga Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw
Kapag nakakaranas ang mga tao hanggang sa araw na ang kanilang pananaw sa buhay at ang kahulugan, ang batayan ng kanilang pag-iral ay lubusang nabago na, kapag nabago na sila hanggang sa kanilang pinaka-buto at naging ibang tao na, hindi ba ito magiging hindi kapani-paniwala? Ito ay malaking pagbabago, isang kamangha-manghang pagbabago. Tanging kapag ikaw ay naging di-interesado sa katanyagan at kayamanan, katayuan, salapi, kasiyahan, kapangyarihan at karangalan ng mundo, at madaling natatalikdan ang mga ito, magkakaroon ka ng wangis ng isang tao. Ang yaong mga sa huli ay magagawang ganap ay isang grupong katulad nito; nabubuhay sila para sa katotohanan, nabubuhay para sa Diyos, at nabubuhay para sa kung ano ang makatarungan. Ito ang wangis ng isang tunay na tao.
Hinango mula sa “Kailangang Maunawaan ng Tao na May mga Pagkakatulad at Pagkakaiba sa Likas na Pagkatao ng mga Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw
Kung ang isang tao ay kayang bigyang-kasiyahan ang Diyos habang tinutupad ang kanyang tungkulin, may prinsipyo sa mga salita at kilos niya, at kayang pumasok sa katotohanang realidad ng lahat ng aspeto ng katotohanan, siya ay isang taong gagawing perpekto ng Diyos. Masasabi na ang gawain at mga salita ng Diyos ay lubos na naging mabisa para sa gayong mga tao, na ang mga salita ng Diyos ay naging mga buhay nila, na nakamit na nila ang katotohanan, at na nagagawa nilang mabuhay alinsunod sa mga salita ng Diyos. Pagkatapos nito, ang kalikasan ng kanilang laman—iyon ay, ang pinakasaligan ng kanilang orihinal na pag-iral—ay mayayanig at mabubuwal. Pagkatapos taglayin ng mga tao ang mga salita ng Diyos bilang kanilang buhay, magiging mga bagong tao sila. Kung ang mga salita ng Diyos ay maging buhay nila, kung ang pangitain ng gawain ng Diyos, ang Kanyang mga kinakailangan mula sa sangkatauhan, ang Kanyang mga pahayag sa tao, at ang mga pamantayan para sa isang tunay na buhay na hinihingi ng Diyos na magawa nila ay maging buhay nila, kung nabubuhay sila alinsunod sa mga salita at katotohanang ito, sila ay pineperpekto sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Muling isinisilang ang gayong mga tao, at naging mga bagong tao na sila sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Ito ang landas kung paano naghabol si Pedro sa katotohanan; ito ay ang landas ng pagiging ginagawang perpekto, ginagawang perpekto sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, at nagkakamit ng buhay mula sa mga salita ng Diyos. Ang katotohanan na ipinahayag ng Diyos ay naging kanyang buhay, at sa gayon lamang siya naging isang tao na nakamit ang katotohanan.
Hinango mula sa “Paano Lakaran Ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.