Madalas sabihin ng mga tao, “May gantimpala ang kabutihan, may parusa ang kasamaan,” kung gayon ay bakit hindi inaalis ng Diyos ang lahat ng masasamang tao ngayon?
Kaugnay na mga Talata sa Biblia:
“Sa bawa’t bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawa’t panukala sa silong ng langit” (Mangangaral 3:1).
“At kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Noe, ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao. Sila’y nagsisikain, sila’y nagsisiinom, sila’y nangagaasawa, at sila’y pinapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe, at dumating ang paggunaw, at nilipol silang lahat. Gayon din naman kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Lot; sila’y nagsisikain, sila’y nagsisiinom, sila’y nagsisibili, sila’y nangagbibili, sila’y nangagtatanim, sila’y nangagtatayo ng bahay. Datapuwa’t nang araw na umalis sa Sodoma si Lot, ay umulan mula sa langit ng apoy at asupre, at nilipol silang lahat: Gayon din naman ang mangyayari sa araw na ang Anak ng tao ay mahayag” (Lucas 17:26-30).
“Sapagka’t ang Anak ng tao ay pariritong nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ang kaniyang mga anghel; at kung magkagayo’y bibigyan ang bawa’t tao ayon sa kaniyang mga gawa” (Mateo 16:27).
“Narito, ako’y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa’t isa ayon sa kaniyang gawa” (Pahayag 22:12).
“Sapagka’t, narito, ang araw ay dumarating, na nagniningas na parang hurno; at ang lahat na palalo, at ang lahat na nagsisigawa ng kasamaan ay magiging parang dayami, at ang araw na dumarating ay susunog sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, na anopa’t hindi magiiwan sa kanila ng kahit ugat ni sanga man. … At inyong yayapakan ang masasama; sapagka’t sila’y magiging abo sa ilalim ng mga talampakan ng inyong mga paa sa kaarawan na aking gawin, sabi ni Jehova ng mga hukbo” (Malakias 4:3).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay naplano nang may katiyakan. Kapag nakakakita Siya ng isang bagay o sitwasyong nagaganap, may nakalaang pamantayan upang sukatin ito sa Kanyang mga mata, at ang pamantayang ito ang magsasabi kung magsasagawa Siya ng isang plano upang makitungo dito o kung paano harapin ang bagay at sitwasyong ito. Hindi malamig ang Kanyang loob o walang pakiramdam sa lahat ng bagay. Sa katunayan ito ay lubos na kabaliktaran. May bersikulo dito na sinabi ng Diyos kay Noe: “Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko; sapagka’t ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila; at, narito, sila’y aking lilipuling kalakip ng lupa.” Sa mga salita ng Diyos dito, sinabi ba Niyang lilipulin lamang Niya ang mga tao? Hindi! Ang sabi ng Diyos ay lilipulin Niya ang lahat ng nabubuhay na laman. Bakit gusto ng Diyos ang panlilipol? May isa pang pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos dito: Sa mga mata ng Diyos, may hangganan ang Kanyang pasensiya sa katiwalian ng tao, sa karumihan, karahasan, at pagsuway ng lahat ng laman. Ano ang Kanyang hangganan? Tulad ng sinabi ng Diyos: “At tiningnan ng Diyos ang lupa, at, narito sumama; sapagka’t pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa.” Ano ang ibig sabihin ng pariralang “sapagka’t pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa”? Ito ay nangangahulugan na anumang nabubuhay, kasama na ang mga sumusunod sa Diyos, ang mga tumatawag sa pangalan ng Diyos, ang mga minsan ay naghandog ng mga sinunog na alay sa Diyos, ang mga nagsalita ng pagkilala sa Diyos at nagpuri pa sa Diyos—sa sandaling ang kanilang mga asal ay mapuno ng katiwalian at makaabot sa mga mata ng Diyos, kailangan Niyang lipulin sila. Iyan ang hangganan ng Diyos. Kaya hanggang saan nanatiling mapagpasensiya ang Diyos sa tao at sa katiwalian ng lahat ng laman? Hanggang sa lahat ng tao, maging mga sumusunod sa Diyos o hindi mananampalataya, ay hindi lumalakad sa tamang landas. Hanggang sa ang tao ay hindi lang tiwali ang moralidad at puno ng kasamaan, nguni’t wala na ring naniniwalang may Diyos, lalo nang wala ang naniniwala na ang mundo ay pinaghaharian ng Diyos at makapagdadala ang Diyos ng liwanag at ng tamang landas. Hanggang sa ang tao ay nasuklam sa pag-iral ng Diyos at hindi pinayagang umiral ang Diyos. Sa sandaling umabot sa puntong ito ang katiwalian ng tao, mawawalan na ng pasensiya ang Diyos. Ano ang papalit rito? Ang pagdating ng poot ng Diyos at kaparusahan ng Diyos. Hindi ba isang bahagi iyon ng pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos? Sa panahong ito, mayroon pa bang matuwid na tao sa mata ng Diyos? Mayroon pa bang perpektong tao sa mata ng Diyos? Ito ba ay panahon kung saan ang asal ng lahat ng laman sa lupa ay tiwali sa mata ng Diyos? Sa araw at panahong ito, bukod doon sa mga gustong gawing ganap ng Diyos, iyong mga makakasunod sa Diyos at makakatanggap ng Kanyang pagliligtas, hindi ba hinahamon ng lahat ng taong laman ang hangganan ng pasensiya ng Diyos? Hindi ba puno ng karahasan ang lahat ng nangyayari sa tabi ninyo, ang mga nakikita ng mga mata ninyo, at naririnig ng mga tainga ninyo, at personal na nararanasan ninyo sa araw-araw sa mundong ito? Sa mata ng Diyos, hindi ba dapat na wakasan ang ganitong uri ng mundo, ang ganitong uri ng panahon? Bagama’t ang kalagayan sa kasalukuyang panahon ay ibang-iba sa kalagayan noong panahon ni Noe, ang mga damdamin at poot ng Diyos para sa katiwalian ng tao ay nananatiling ganap na katulad noong panahong iyon. Nagagawang maging mapagpasensiya ang Diyos dahil sa Kanyang gawain, nguni’t alinsunod sa lahat ng uri ng mga kalagayan at mga kundisyon, matagal na sanang dapat ginunaw ang mundong ito sa mata ng Diyos. Ang sitwasyon ay malayo at lampas na sa kung ano ang mundo noong ginunaw sa pamamagitan ng baha.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I
Sa panahon ni Noe, kumakain at umiinom ang mga tao, nag-aasawa at nakikipag-asawa hanggang sa puntong hindi na kayang tingnan ito ng Diyos, kaya Siya ay nagpadala ng malaking baha upang wasakin ang sangkatauhan at iniwan lamang ang pamilya ni Noe na walong tao at ang lahat ng uri ng mga ibon at hayop. Sa mga huling araw, gayunman, yaong mga kinupkop ng Diyos ay lahat niyaong naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan. Kahit na ang parehong panahon ay puno ng matinding katiwaliang hindi mabata ng Diyos na masaksihan, at ang sangkatauhan sa parehong kapanahunan ay napakatiwali na itinanggi niya ang Diyos bilang ang Panginoon, ang lahat ng tao sa panahon ni Noe ay winasak ng Diyos. Nagdulot ng labis na kapighatian sa Diyos ang sangkatauhan sa parehong kapanahunan, nguni’t nanatiling matiisin ang Diyos sa mga tao sa mga huling araw hanggang sa kasalukuyan. Bakit ganito? Hindi ba ninyo ito pinag-isipan kailanman? Kung talagang hindi ninyo alam, hayaan ninyong sabihin Ko sa inyo. Ang katwiran kung bakit kayang pakitunguhan ng Diyos ang mga tao sa mga huling araw ay hindi dahil sila ay di-gaanong tiwali kaysa sa mga tao sa panahon ni Noe o sila ay nagpakita ng pagsisisi sa Diyos, lalong hindi dahil hindi matiis ng Diyos na wasakin ang mga tao sa huling mga araw kung saan ang teknolohiya ay nakasulong. Sa halip, ito ay dahil ang Diyos ay mayroong isasagawang gawain sa isang pangkat ng mga tao sa mga huling araw at ito ay gagawin ng Diyos na nagkatawang-tao Mismo. Higit pa rito, mamimili ang Diyos ng isang bahagi ng pangkat na ito bilang mga pag-uukulan ng Kanyang pagliligtas, ang bunga ng Kanyang plano ng pamamahala, at dadalhin ang mga taong ito kasama Niya patungo sa susunod na kapanahunan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao
Ngayon, hindi alintana ang kanilang mga kilos, basta’t hindi nila pinipigil ang pamamahala ng Diyos at hindi nakikialam sa bagong gawain ng Diyos, ang mga taong iyon ay hindi isasailalim sa nararapat na kaparusahan, dahil hindi pa dumarating ang araw ng poot. Maraming bagay ang pinaniniwalaan ng tao na dapat ay napakitunguhan na ng Diyos, at iniisip nila na ang mga makasalanang iyon ay dapat sumailalim sa kaparusahan sa lalong madaling panahon. Nguni’t dahil ang gawain ng pamamahala ng Diyos ay hindi pa natapos, at ang araw ng poot ay hindi pa dumating, ang mga hindi-matuwid ay patuloy pa ring gumaganap ng kanilang hindi-matuwid na mga gawa. … Hindi ngayon ang panahon para sa kaparusahan ng tao, kundi ang panahon upang isakatuparan ang gawain ng panlulupig, maliban na lamang kung mayroong mga maninira sa pamamahala ng Diyos, kung saan sila ay isasailalim sa kaparusahan batay sa tindi ng kanilang mga kilos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao
Ang layunin ng gawain ng Diyos sa tao ay upang kanilang mapalugod ang kalooban ng Diyos at ito lahat ay ginagawa upang iligtas ang tao, kung gayon sa panahon ng Kanyang pagliligtas sa tao hindi Niya ginagawa ang gawain ng pagpaparusa sa tao. Sa panahon ng kaligtasan ng tao, hindi pinarurusahan ng Diyos ang masama at ginagantimpalaan ang mabuti, ni hindi Niya ibinubunyag ang mga hantungan para sa lahat ng iba’t ibang uri ng mga tao. Sa halip, pagkatapos lamang na ang panghuling yugto ng gawain Niya ay matapos saka Niya gagawin ang gawain ng pagpaparusa sa masama at pagbibigay ng gantimpala sa mabuti, at saka pa lamang Niya ibubunyag ang mga katapusan ng lahat ng uri ng mga tao. Yaong mga pinarurusahan ay yaong hindi talaga nagagawang iligtas, samantalang yaong mga inililigtas ay yaong mga nagkakamit ng pagliligtas ng Diyos sa panahon ng Kanyang pagliligtas sa tao. Sa panahon ng gawain ng Diyos ng pagliligtas, lahat ng maaaring iligtas ay ililigtas sa sukdulang limitasyon, wala sa kanila ang naitatapon, dahil ang layon ng gawain ng Diyos ay ang iligtas ang tao. Lahat sila, sa panahon ng pagliligtas ng Diyos sa tao, ay hindi nagagawang makamit ang isang pagbabago sa kanilang disposisyon, lahat silang hindi nagagawang sumunod nang lubos sa Diyos, lahat ay magiging mga pakay para sa kaparusahan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Isantabi ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos na Maghatid ng Kaligtasan sa Tao
Minsang ihiwalay batay sa mabuti at masama, ang mga tao ay hindi agad pinaparusahan o ginagantimpalaan; sa halip, isasagawa lamang ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa mabuti matapos Niyang isagawa ang Kanyang gawaing panlulupig sa mga huling araw. Sa totoo lang, nagamit na Niya ang mabuti at masama upang paghiwalayin ang sangkatauhan mula pa noong nagsimula Siyang gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng sangkatauhan. Gagantimpalaan lang Niya ang matuwid at parusahan ang masama sa sandaling maging ganap ang Kanyang gawain, sa halip na paghiwalayin ang masasama at matutuwid sa sandaling magawang ganap ang Kanyang gawain sa katapusan at pagkatapos ay agad na itatakda ang Kanyang gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa mabuti. Ang Kanyang panghuling gawain ng pagpaparusa sa masama at paggantimpala sa mabuti ay ganap na natatapos upang lubos na dalisayin ang lahat ng sangkatauhan, sa gayon ay maaari Niyang dalhin ang isang ganap na banal na sangkatauhan sa walang hanggang kapahingahan. Ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay ang pinakamaselan Niyang gawain. Ito ang huling yugto ng kabuuan ng Kanyang gawaing pamamahala. Kung hindi pinuksa ng Diyos ang masasama at sa halip ay pinababayaan Niya silang manatili, kung gayon ang buong sangkatauhan ay hindi pa rin makakapasok sa kapahingahan; at hindi madadala ng Diyos ang lahat ng sangkatauhan sa isang mas mabuting dako. Ang ganitong uri ng gawain ay hindi ganap na matatapos. Kapag natapos Niya ang Kanyang gawain, ang buong sangkatauhan ay magiging ganap na banal. Sa ganitong paraan lang maaaring matiwasay na mamuhay ang Diyos sa kapahingahan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.