Ano ang mabubuting gawa at paano naipapamalas ang mga ito
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang huling gawain Ko ay hindi lamang alang-alang sa pagpaparusa sa tao, kundi alang-alang din sa pag-aayos ng patutunguhan ng tao. Bukod dito, ito ay upang kilalanin ng lahat ng mga tao ang mga gawa at mga kilos Ko. Nais Kong makita ng bawat isang tao na tama ang lahat ng nagawa Ko na, at na ang lahat ng nagawa Ko na ay pagpapahayag ng disposisyon Ko. Hindi kagagawan ng tao, lalong hindi ng kalikasan, ang nagluwal sa sangkatauhan, kundi Ako, na nag-aaruga sa lahat ng nabubuhay na nilalang sa sangnilikha. Kung wala ang pag-iral Ko, mapapahamak lamang ang sangkatauhan at pagdurusahan ang hagupit ng kapahamakan. Walang tao ang kailanman ay makikitang muli ang napakarikit na araw at buwan, o ang luntiang mundo; makakatagpo lamang ng sangkatauhan ang napakalamig na gabi at ang walang tinag na lambak ng anino ng kamatayan. Ako lamang ang kaligtasan ng sangkatauhan. Ako lamang ang pag-asa ng sangkatauhan at, higit pa rito, Ako ang Siya kung saan nakasalalay ang pag-iral ng lahat ng sangkatauhan. Kung wala Ako, agad na hihinto ang sangkatauhan. Kung wala Ako, magdurusa ng kapahamakan at yuyurakan ng lahat ng uri ng mga multo ang sangkatauhan, bagaman walang nagbibigay ng pansin sa Akin. Nakagawa na Ako ng gawaing walang ibang sinumang makagagawa, at umaasa lamang na mababayaran Ako ng tao ng ilang mabubuting gawa. Bagaman iilan lamang ang nagagawang makabayad sa Akin, tatapusin Ko pa rin ang paglalakbay Ko sa mundo ng tao at sisimulan ang susunod na hakbang ng naglaladlad na gawain Ko, sapagkat ang lahat ng nagmamadaling paroo’t parito Ko sa gitna ng tao nitong maraming taon ay naging mabunga, at napakanasisiyahan Ako. Ang pinahahalagahan Ko ay hindi ang bilang ng mga tao, kundi ang mabubuti nilang gawa. Gayunman, umaasa Akong naghahanda kayo ng sapat na mabubuting gawa para sa patutunguhan ninyo. Kung gayon ay malulugod Ako; kung hindi, wala sa inyong makatatakas sa sakunang sasapitin ninyo. Magmumula sa Akin ang sakuna at mangyari pa ay isinasaayos Ko. Kung hindi kayo lilitaw bilang mabuti sa paningin Ko, hindi ninyo matatakasang pagdusahan ang sakuna. Sa gitna ng kapighatian, ang mga kilos at mga gawa ninyo ay hindi itinuring na lubos na naaangkop, dahil hungkag ang pananampalataya at pagmamahal ninyo, at ipinakita lamang ninyo ang mga sarili ninyo na mahiyain o matigas. Tungkol dito, gagawa lamang Ako ng paghatol ng mabuti o masama. Ang pag-aalala Ko ay patuloy na ang paraan kung paanong ang bawat isa sa inyo ay kumikilos at nagpapahayag ng sarili niya, na siyang batayan kung saan tutukuyin Ko ang wakas ninyo. Gayunman, dapat Ko itong gawing malinaw: Tungo sa yaong mga hindi nagpakita sa Akin ni katiting na katapatan sa mga panahon ng kapighatian, hindi na Ako magiging mahabagin, sapagkat natatakdaan ang abot ng habag Ko. Higit pa rito, wala Akong gugustuhin sa sinumang minsan na Akong ipinagkanulo, mas lalong hindi Ko gustong nakikipag-ugnayan sa yaong mga nagkakanulo sa mga kapakanan ng mga kaibigan nila. Ito ang disposisyon Ko, hindi alintana kung sino man ang taong iyan. Dapat Ko itong sabihin sa inyo: Sinumang babasag sa puso Ko ay hindi makatatanggap ng habag mula sa Akin sa ikalawang pagkakataon, at ang sinumang naging matapat sa Akin ay magpakailanmang mananatili sa puso Ko.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan
Ano ang pamantayan kung paano hinuhusgahan ang mga gawa ng isang tao bilang mabuti o masama? Depende ito sa kung taglay mo o hindi, sa iyong mga iniisip, pagpapahayag, at kilos, ang patotoo tungkol sa pagsasagawa ng katotohanan at pagsasabuhay ng katotohanang realidad. Kung wala ka ng realidad na ito o hindi mo ito isinasabuhay, walang duda na ikaw ay isang masamang tao. Ano ang tingin ng Diyos sa masasamang tao? Ang mga iniisip at ipinapakita mong mga kilos ay hindi sumasaksi sa Diyos, ni pinapahiya o tinatalo ng mga ito si Satanas; sa halip, pinapahiya ng mga ito ang Diyos, at puno ng mga markang nagpapahiya sa Diyos. Hindi ka nagpapatotoo para sa Diyos, hindi mo ginugugol ang sarili mo para sa Diyos, ni hindi mo ginagampanan ang responsibilidad at mga obligasyon mo sa Diyos; sa halip, kumikilos ka para sa iyong sariling kapakanan. Ano ang ipinahihiwatig ng “para sa iyong sariling kapakanan”? Para kay Satanas. Samakatuwid, sa bandang huli, sasabihin ng Diyos, “Magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.” Sa mga mata ng Diyos, hindi ka nakagawa ng mabubuting gawa; sa halip, naging masama ang iyong asal. Hindi ka gagantimpalaan at hindi ka aalalahanin ng Diyos. Hindi ba ito ganap na walang kabuluhan? Para sa bawat isa sa inyo na tumutupad sa inyong tungkulin, gaano man kalalim ang pagkaunawa mo sa katotohanan, kung nais mong pumasok sa katotohanang realidad, ang pinakasimpleng paraan para magsagawa ay isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos sa lahat ng ginagawa mo, at bitiwan ang iyong mga makasariling hangarin, indibidwal na layon, mga motibo, reputasyon, at katayuan. Unahin mo ang mga interes ng sambahayan ng Diyos—ito ang pinakamaliit na dapat mong gawin.
Hinango mula sa “Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw
Ang nais Ko ay ang iyong katapatan at pagkamasunurin ngayon, ang iyong pag-ibig at patotoo ngayon. Kahit na hindi mo pa alam sa sandaling ito kung ano ang patotoo o kung ano ang pag-ibig, dapat mong ibigay sa Akin ang iyong lahat-lahat, at ibigay sa Akin ang tanging kayamanan na mayroon ka: ang iyong katapatan at pagkamasunurin. Dapat mong malaman na ang patotoo ng Aking paggapi kay Satanas ay nakasalalay sa katapatan at pagkamasunurin ng tao, gayundin ang patotoo sa Aking ganap na paglupig sa tao. Ang tungkulin ng iyong pananampalataya sa Akin ay ang magpatotoo sa Akin, maging tapat sa Akin lamang, at maging masunurin hanggang sa huli. Bago Ko simulan ang susunod na hakbang ng Aking gawain, paano ka magpapatotoo sa Akin? Papaano ka magiging tapat at masunurin sa Akin? Itinatalaga mo ba ang iyong buong katapatan sa iyong tungkulin o basta ka na lang susuko? Mas nanaisin mo bang magpasakop sa bawat pagsasaayos Ko (maging ito man ay kamatayan o pagkawasak), o tumakas sa kalagitnaan upang maiwasan ang Aking pagkastigo? Kinakastigo kita upang ikaw ay magpatotoo sa Akin, at maging tapat at masunurin sa Akin. Higit pa rito, ang pagkastigo sa kasalukuyan ay upang ilantad ang susunod na hakbang ng Aking gawain at upang pahintulutang sumulong nang walang hadlang ang gawain. Kaya itinatagubilin Ko sa iyo na maging matalino at huwag tratuhin ang iyong buhay o ang kahalagahan ng iyong pag-iral na parang walang kabuluhang buhangin. Malalaman mo bang tiyak kung ano ang darating na gawain Ko? Alam mo ba kung paano Ako gagawa sa mga darating na araw at kung paano malalantad ang Aking gawain? Dapat mong malaman ang kabuluhan ng iyong karanasan sa Aking gawain, at bukod pa rito, ang kabuluhan ng iyong pananampalataya sa Akin. Marami na Akong nagawa; paano Ako susuko sa kalagitnaan ayon sa iyong palagay? Malawak na ang gawaing nagampanan Ko; paano Ko iyon mawawasak? Sa katunayan, naparito Ako upang wakasan ang kapanahunang ito. Ito ay totoo, ngunit higit pa rito, dapat mong malaman na magsisimula Ako ng isang bagong kapanahunan, upang magsimula ng bagong gawain, at, higit sa lahat, upang palaganapin ang ebanghelyo ng kaharian. Kaya dapat mong malaman na ang gawain ngayon ay para lamang simulan ang isang kapanahunan, at upang ilatag ang pundasyon para sa pagpapalaganap ng ebanghelyo sa panahong darating at sa pagwawakas sa kapanahunan sa hinaharap. Ang Aking gawain ay hindi kasing pangkaraniwan tulad ng iniisip mo, hindi rin ito kasing walang halaga o walang kahulugan gaya ng pinaniniwalaan mo. Samakatuwid, dapat Ko pa ring sabihin sa iyo: Dapat mong ibigay ang iyong buhay sa Aking gawain, at bukod dito, dapat mong italaga ang iyong sarili sa Aking kaluwalhatian. Matagal Ko nang hinahangad na magpatotoo ka sa Akin, at higit Kong hinahangad na palaganapin mo ang Aking ebanghelyo. Dapat mong maunawaan kung ano ang nasa Aking puso.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?
Dapat ninyong gawin ang inyong sariling tungkulin sa abot ng inyong makakaya nang may bukas at tapat na mga puso, at maging handang magbayad ng anumang kinakailangang halaga. Gaya nga ng sinabi ninyo, pagdating ng araw na iyon, hindi pababayaan ng Diyos ang sinumang nagdusa o nagbayad para sa Kanya. Ang ganitong uri ng matibay na paniniwala ay karapat-dapat panghawakan, at nararapat lamang na hindi ninyo ito kailanman kalimutan. Sa ganitong paraan Ko lamang mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo. Kung hindi, magpakailanman kayong magiging mga taong hindi Ko makakayang ipagpalagay ang Aking isipan, at magpakailanman kayong magiging mga layon ng Aking pag-ayaw. Kung masusunod ninyong lahat ang inyong konsensya, at ibibigay ang inyong lahat para sa Akin, nang walang hindi pagsusumikapan para sa Aking gawain, at mag-uukol ng buong buhay na pagsusumikap sa Aking gawain ng ebanghelyo, hindi ba’t laging lulukso sa tuwa ang Aking puso dahil sa inyo? Sa ganitong paraan, lubos Kong mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo, hindi ba?
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Hantungan
Karamihan sa mga taong naniniwala sa Diyos ay masayang ginugugol at inilalaan ang kanilang sarili para sa Kanya. Gayunman, yaon lamang mga may kakayahang tunay na maglaan at magsakripisyo ang nagtataglay ng tunay na realidad. Karamihan sa mga tao ay masayang nagsisikap na matamo ang katotohanan, ngunit medyo iilan lang ang nakapagsasagawa nito o nagsasakripisyo para matamo ito. Kapag dumarating ang kritikal na sandali, at nahilingan kang magsakripisyo at tumalikod, hindi mo matitiis na gawin iyon; hindi ito katanggap-tanggap, at nagpapakita ito na hindi ka tapat sa Diyos. Kung mas kritikal ang sandali, mas nakapagpapasakop ang mga tao at tinatalikuran nila ang sarili nilang mga interes, kahambugan, at kayabangan, at ginagampanan ang kanilang mga tungkulin nang wasto, saka lamang sila maaalala ng Diyos. Mabubuting gawa ang lahat ng iyan! Anuman ang ginagawa ng mga tao, alin ang mas mahalaga—ang kanilang kahambugan at kayabangan, o ang kaluwalhatian ng Diyos? (Kaluwalhatian ng Diyos.) Alin ang mas mahalaga—ang iyong mga responsibilidad, o ang sarili mong mga interes? Ang pagtupad sa iyong mga responsibilidad ang pinakamahalaga, at nakatali ka sa mga tungkuling iyon. Hindi ito isang slogan; kung iyan ang iniisip mo sa kaibuturan mo, at sinisikap mong magsagawa sa ganyang paraan, hindi ba nakapasok ka na nang kaunti sa realidad? Kahit paano, nangangahulugan iyan na taglay mo ang aspetong iyon ng realidad. Kapag naharap ka sa ilang bagay, hindi na hahadlang sa iyo ang sarili mong panandaliang makasariling mga pagnanasa at iyong kahambugan at kayabangan, at uunahin mo ang sarili mong tungkulin, ang kalooban ng Diyos, ang magpatotoo para sa Kanya, at ang sarili mong mga responsibilidad. Napakagandang paraan niyan ng pagpapatotoo, at naghahatid iyan ng kahihiyan kay Satanas! Ano ang iniisip ni Satanas, matapos makita ang lahat ng ito? Kung talagang gagawin mo ito, gamit ang totoong mga kilos upang tunay na magpatotoo sa Diyos at talikuran si Satanas, at gumagawa ka ng higit kaysa umawit ng mga slogan, wala nang ibang mas mabuting paraan para pahiyain si Satanas at magpatotoo sa Diyos. Napakagandang gumamit ng sari-saring pamamaraan para magpatotoo sa Diyos at ipakita kay Satanas ang determinasyon mong talikuran at itakwil si Satanas!
Hinango mula sa “Pagtatamo sa Diyos at sa Katotohanan ang Pinakamasaya sa Lahat” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw
Bilang mga pinuno ng iglesia, dapat ninyong matutuhan kung paano tumuklas at luminang ng talento, at hindi mainggit sa mga taong may talento. Sa ganitong paraan, kasiya-siyang magagampanan ang inyong tungkulin, at matutupad ninyo ang inyong pananagutan; magagawa rin ninyo ang inyong buong makakaya upang maging matapat. Takot palagi ang ilang tao na maging mas sikat sa kanila ang iba at mahigitan sila, na nagtatamo ng pagkilala habang sila naman ay kinaliligtaan. Dahil dito, inaatake at ibinubukod nila ang iba. Hindi ba ito isang kaso ng pagkainggit sa mga taong mas may kakayahan kaysa sa kanila? Hindi ba makasarili at nakasusuklam ang ganitong pag-uugali? Anong klaseng disposisyon ito? Masama ito! Sarili lang ang iniisip, sariling mga hangarin lamang ang binibigyang-kasiyahan, walang konsiderasyon sa mga tungkulin ng iba, at iniisip lamang ang sariling mga interes at hindi ang mga interes ng bahay ng Diyos—ang ganitong klaseng mga tao ay may masamang disposisyon, at hindi sila mahal ng Diyos. Kung talagang kaya mong bigyan ng konsiderasyon ang kalooban ng Diyos, magagawa mong tratuhin nang patas ang ibang mga tao. Kung binibigyan mo ng rekomendasyon ang isang tao, at nagkaroon ng talento ang taong iyon, at sa gayo’y nagdadala ka ng isa pang taong may talento sa bahay ng Diyos, hindi ba nagawa mo nang maayos ang iyong gawain? Hindi ba naging tapat ka sa pagganap sa iyong tungkulin? Magandang gawa ito sa harap ng Diyos, at ganitong klaseng konsiyensya at katwiran ang dapat taglayin ng mga tao. Yaong mga may kakayahang magsagawa ng katotohanan ay makakayang tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos sa paggawa ng mga bagay. Kapag tinatanggap mo ang pagsisiyasat ng Diyos, naitutuwid ang puso mo. Kung gumagawa ka lamang ng mga bagay para makita ng iba at hindi tinatanggap ang pagsisiyasat ng Diyos, kung gayon, nasa puso mo pa ba ang Diyos? Ang mga taong tulad nito ay walang paggalang sa Diyos. Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag isipin ang iyong sariling katayuan, katanyagan, o reputasyon. Huwag mo ring isaalang-alang ang mga interes ng tao. Kailangan mo munang isipin ang mga interes ng bahay ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos at magsimula sa pamamagitan ng pagmumuni-muni kung ikaw ay naging dalisay o hindi sa pagtupad mo sa iyong tungkulin, kung nagawa mo ang lahat ng iyong makakaya upang maging matapat, nagawa ang lahat ng iyong makakaya upang matupad ang iyong mga pananagutan, at naibigay ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo nang naisaisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng bahay ng Diyos. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Isipin mong madalas ang mga ito, at magiging higit na madali sa iyong gampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Kung mahina ang iyong kakayahan, mababaw ang iyong karanasan, o hindi ka bihasa sa iyong mga propesyunal na gawain, kung gayon ay maaaring may ilang pagkakamali o kakulangan sa iyong gawain, at maaaring hindi maging napakaganda ng mga resulta—ngunit naibuhos mo na ang iyong buong pagsisikap. Kapag hindi mo iniisip ang iyong mga makasariling paghahangad o isinasaalang-alang ang iyong mga pansariling interes sa mga bagay na ginagawa mo, at sa halip ay nagbibigay ng palagiang pagsasaalang-alang sa gawain ng tahanan ng Diyos, taglay sa isip ang mga kapakanan nito, at ginagampanan nang mahusay ang iyong tungkulin, makakaipon ka, kung gayon, ng mabubuting gawa sa harap ng Diyos. Ang mga taong gumaganap sa mabubuting gawang ito ay yaong mga may angking katotohanang realidad; sa gayon, mayroon silang patotoo.
Hinango mula sa “Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw
Tumutupad ka man sa iyong tungkulin o natututo ng propesyonal na kaalaman, kailangan mong sumunod sa mga prinsipyo sa lahat ng ginagawa mo. Kailangan mong tratuhin ang lahat ng ginagawa mo alinsunod sa katotohanan, at magsagawa alinsunod sa katotohanan. Kailangan mong gamitin ang katotohanan upang lutasin ang mga problema, upang lutasin ang mga tiwaling disposisyon na nabunyag sa iyo, at lutasin ang iyong mga maling paggawi at kaisipan. Kailangan mong patuloy na madaig ang mga ito. Sa isang bagay, kailangan mong suriin ang iyong sarili. Kapag nagawa mo na ito, kung matuklasan mo ang isang tiwaling disposisyon, kailangan mo itong lutasin, supilin, at talikuran. Kapag nalutas mo na ang mga problemang ito, kapag hindi mo na ginagawa ang mga bagay batay sa iyong mga tiwaling disposisyon, at kapag naiwawaksi mo na ang iyong mga motibo at interes at nakapagsasagawa na ayon sa katotohanang prinsipyo, saka mo lamang magagawa ang dapat gawin ng isang tunay na sumusunod sa Diyos. Katanggap-tanggap ba para sa Diyos ang partikular na pag-uugali, paraan ng pagkilos, at asal na ito? Katanggap-tanggap ito para sa Kanya; isa itong mabuting gawa! Bakit itinuturing na mabuting gawa ang pagkilos mo sa ganoong paraan? Ginagawa mo ito para sa kapakinabangan ng iba, alang-alang sa gawain ng bahay ng Diyos, o para sa mga interes ng bahay ng Diyos, at kasabay nito ay isinasagawa mo ang katotohanan, kung kaya’t sinasang-ayunan ito ng Diyos, at isa itong mabuting gawa. Kung ito ang isinasabuhay mo, ibig nitong sabihin ay nagpapatotoo ka sa Diyos.
Hinango mula sa “Tanging sa Paghahanap ng Katotohanan Magagawa ng Isang Tao na Makapasok sa Katotohanang Realidad” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw
Nagsisiyasat ang Diyos at nakakayang makita kung ano ang kinikimkim ng mga tao sa kanilang puso kapag tumutupad sila sa kanilang tungkulin, at kung gaanong lakas ang iniuukol nila. Napakahalaga na iniuukol ng mga tao ang kanilang buong puso at lakas sa kanilang ginagawa. Napakahalagang sangkap din ng pakikipagtulungan. Tanging sa pagsisikap ng mga tao na walang pagsisihan tungkol sa mga tungkuling kanilang naisagawa at mga bagay na kanilang nagawa, at hindi magkaroon ng pagkakautang sa Diyos, makakikilos sila nang buong at lakas. Kung hindi mo ibinibigay ngayon ang iyong buong puso at lakas, sa gayon, kapag may nangyaring mali kalaunan, at may mga kinahinatnan, hindi ba magiging huli na para sa mga pagsisisi? Habambuhay ka nang may pagkakautang, at iyan ay magiging batik sa iyo! Ang batik sa pagsasagawa ng tungkulin ay isang paglabag. Dapat mong sikaping gawin nang nararapat ang bahagi ng mga bagay na dapat at kailangan mong gawin nang buong puso at lakas. Hindi dapat ginagawa ang mga bagay na iyon nang walang ingat at walang interes; hindi ka dapat magkaroon ng mga pagsisisi. Sa ganitong paraan, ang mga tungkuling ginagawa mo ngayon ay matatandaan ng Diyos. Yaong mga bagay na natatandaan ng Diyos ay magagandang gawa. Ano, kung gayon, ang mga bagay na hindi natatandaan? Ang mga paglabag. Maaaring hindi tanggapin ng mga tao na masasamang gawa ang mga ito kung inilalarawan ang mga ito nang gayon sa ngayon, ngunit kapag dumating ang araw na may malubha nang kahihinatnan sa mga bagay na ito, at naging negatibong impluwensiya ang mga ito, kung gayon ay madarama mo na ang mga bagay na ito ay hindi lamang mga paglabag sa pag-uugali bagkus ay masasamang gawa. Kapag napagtanto mo ito, magsisisi ka, at iisipin sa sarili: dapat ay pinili ko nang umiwas! Kung bahagya ko man lamang napag-isipan at napagsikapan, hindi ko sana kinakaharap ang suliraning ito. Walang makabubura ng walang-hanggang batik na ito sa iyong puso, at magiging dahilan ito ng gulo kung ilalagay ka nito sa palagiang pagkakautang. Kaya, ngayon, sa tuwing ginagampanan mo ang iyong tungkulin, o tumatanggap ng isang gawain, dapat ninyong sikaping gampanan ito nang buong lakas at buong puso ninyo. Dapat ninyong gampanan ito nang malaya kayo sa pagkakasala at panghihinayang, upang ito ay matandaan ng Diyos, at isa itong mabuting gawa. Huwag kumilos nang pabaya at walang interes, na bukas ang isang mata at nakapikit ang isa; pagsisisihan ninyo ito, at hindi makagagawa ng mga pagtitika. Ito ang bubuo sa paglabag, at sa huli, sa inyong puso, lalaging may pagkakasala, pagkakautang, at pagpaparatang. Alin sa dalawang landas na ito ang pinakamahusay? Aling landas ang tamang daan? Ginagampanan ang iyong tungkulin nang buong puso at lakas, at naghahanda at nagtitipon ng mabubuting gawa, nang walang anumang pagsisisi. Huwag hayaang maipon ang inyong mga paglabag, pagsisihan ang mga ito, at mahulog sa pagkakautang. Anong mangyayari kapag ang isang tao ay nakagawa ng napakaraming paglabag? Dinadagdagan nila ang galit ng Diyos sa kanila sa Kanyang presensya! Kung lumabag ka nang lumabag, at higit na tumindi ang poot ng Diyos sa iyo, sa huli, ikaw ay parurusahan.
Hinango mula sa “Paano Lulutasin ang Suliranin ng Pagiging Pabaya at Kawalan ng Sigla Habang Gumaganap sa Iyong Tungkulin” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.