Natagpuan Ko Na ang Landas Tungo sa Kaharian ng Langit

Setyembre 12, 2020

Ni Mengai, Taiwan

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Nang pumarito si Jesus sa mundo ng tao, pinasimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa mga huling araw, minsan pang naging tao ang Diyos, at sa pagkakatawang-taong ito ay winakasan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at pinasimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Lahat ng nagagawang tumanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay aakayin tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at bukod pa riyan ay magagawang personal na tumanggap ng patnubay ng Diyos. Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Napakalinaw ng salita ng Diyos. Ginawa ng Panginoong Jesus ang pagtubos, na pagpapatawad lang sa kasalanan. ‘Di Niya tinanggal ang makasalanan nating kalikasan. Kailangan pa rin Siyang bumalik para gawin ang paghatol at pagdadalisay, para bigyan tayo ng mas maraming katotohanan para maitakwil natin ang bigkis ng kasalanan. Tapos ‘di na tayo lalaban sa Diyos, at magiging mga tao tayong may takot sa Diyos. Do’n lang tayo magiging akmang pumasok sa kaharian Niya. ‘Di ko maunawaan ang gawain ng Diyos noon. Akala ko pinatawad na tayo ng Panginoon, kaya makakapasok na tayo sa langit. Pero matapos ang sampung taong pananalig, hindi ko pa rin maisagawa’ng salita Niya. Banal ang Diyos, at walang sinumang hindi banal na makakakita sa Diyos, kaya ang gaya kong nabubuhay sa kasalanan madadala ba sa kaharian ng Diyos sa pagdating ng Panginoon? Talagang nalito ako. Hindi ko ‘yon magawang intindihin. Matapos basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos saka ko lang naunawaang kulang ako sa karanasan sa pinakamahalagang hakbang ng gawain ng Diyos—ang gawain ng paghatol sa mga huling araw na nagsisimula sa bahay ng Diyos. Sa pananalig natin, kailangan tayong hatulan ng Diyos sa mga huling araw para malinis ang disposisyon natin. ‘Yon lang ang paraan para maligtas tayo. Gusto kong ibahagi ang karanasan ko rito.

Lumaki akong nagsisimba kasama’ng magulang ko. Mahilig akong makinig sa pagbabahagi ng mga kapatid. Nung mag-asawa ako, inuna pa rin namin ng asawa ko’ng gawain ng iglesia. Aktibo kami sa mga serbisyo ng iglesia, maliit at malaki. Pero sa katagalan, natanto kong yung mga sermon ng pastor namin, walang sustansya’t lagi siyang nanghihikayat na maghandog. Mas interesado pa siya sa pera kesa sa buhay namin. Yung mga pastor at elder, nagtatalo tungkol sa posisyon nila, iniintriga’ng isa’t isa. Kumonti yung mga dumalo sa mga paglilingkod, at kung dumalo man sila ro’n, nagkukwentuhan lang sila, at nakakatulog pa pagdating ng sermon. Hindi ko na rin maramdaman ang gabay ng Panginoon, at nakakapagod ang paglilingkod sa iglesia. Nagkakasala ako at ‘di ko maisagawa’ng salita ng Panginoon. At kapag umuuwi ang asawa ko galing sa trabaho, at mag-o-online games na lang siya at wala nang ibang gagawin, ‘di ko mapigil ang sarili ko na pagsalitaan siya, pinapagawa siya ng kung anu-ano na may pautos na tono. ‘Di siya nakikinig, kaya lalo lang akong naiinis. Hindi ko rin matagalan ‘pag nakikita ko siyang mabagal na gumagawa, at pinupuna ko siya dahil sa kawalan niya ng kasanayan. Lagi niya rin akong pinupuna, sabi niya, “Wala kang pinagbago sa mga taon mo bilang mananampalataya.” Nakonsensya ako at naisip ko ang salita ng Panginoong Jesus: “Ba’t mo tinitingnan ang puwing sa mata ng ‘yong kapatid, nguni’t ‘di pansin ang tahilan sa sariling mata? O pa’no mo sasabihin sa ‘yong kapatid, Aalisin ko’ng puwing sa mata mo; at may tahilan sa sarili mong mata?(Mateo 7:3–4). Tinuro ng Panginoon na huwag nating tingnan ang pagkukulang ng iba, mas suriin natin ang pagkukulang natin. Pero pag nagsasalita o gumagawa’ng asawa ko ng ‘di ko gusto, ‘di ko ‘yon matiis. Lagi akong nagagalit at nakikipag-away sa kanya. Sumasama na ang relasyon namin, at talagang nahihirapan na ako. Ang sabi ng Diyos: “Kayo’y maging mga banal; sapagka’t ako ay banal(Levitico 11:44). Banal ang Diyos, at sinumang hindi banal, hindi makikita’ng Panginoon. Pero ‘di ko mapanatili ang turo Niya o maisagawa’ng salita Niya. Lagi akong nagkakasala, ‘di ko matakasan ang kasalanan. Pa’no makakapasok ang gaya ko sa kaharian ng langit? ‘Di ako mapakali sa pag-iisip tungkol sa bagay na ‘yon.

Minsan, matapos ang isang service, nagtanong ako sa pastor tungkol sa problema ko. Sabi niya, “Huwag kang mag-alala. Kahit madalas tayong magkasala, napatawad na ng Panginoong Jesus ang kasalanan natin. Basta patuloy tayong nagdarasal at nangungumpisal sa Panginoon, pagdating Niya, dadalhin Niya tayo sa kaharian ng langit.” Hindi nalutas ng sinabi niya’ng pagkalito ko. Sinasabi sa Biblia, “Sundin niyo’ng kapayapaan sa tao, at ang kabanalan na kung wala ito’y sinuma’y ‘di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14). “Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan” (Mga Hebreo 10:26). Malinaw na nasusulat kung sadya tayong nagkakasala, wala nang magiging sakripisyo para sa kasalanan. Kaya madadala ba sa langit ang mga taong laging nagkakasala? ‘Di ko alam kung pa’no titigil sa pagkakasala, kaya pinagsikapan ko’ng pagpaparaya na tinuro ng Panginoon, pero ‘di ko ‘yon maisagawa. Dahil do’n, lumapit uli ako sa pastor. Napailing na lang siya at sinabi niyang, “Wala akong solusyon sa problema ng pagkakasala at pangungumpisal. Maski si Pablo sinabing ‘Pagka’t ang pagnanasa’y nasa ‘kin, datapuwa’t wala’ng paggawa ng mabuti. Pagka’t ang mabuting ibig ko’y hindi ko ginagawa: nguni’t ang masamang ‘di ko ibig, ginagawa ko’ (Roma 7:18–19). ‘Di natin mapipigil na magkasala, kaya mas magsisi at mangumpisal lang tayo sa Panginoon, at mas ipagdarasal din kita.” No’ng marinig ko ‘yon sa pastor, pinanghinaan ako ng loob. Dahil sa sakit, nagdasal ako sa Panginoon: “Panginoon! Ayokong magkasala, pero ‘di ko talaga mapigil ang sarili ko. Masakit ang mabuhay sa kasalanan pero ‘di ko alam kung pa’no tatakasan ‘to. Takot akong iwan Mo ‘ko ‘pag nagpatuloy ‘to. Panginoon, iligtas Mo po ako.”

Kung sa’n nagtatapos ang tao, nagsisimula’ng Diyos. Isang araw no’ng May 2018, nakilala ko online si Sister Susan. Nagbahaginan kami tungkol sa Biblia. Iba ang kabatiran niya sa Biblia’t nakakaliwanag ang pagbabahagi niya, kaya binahagi ko sa kanya yung mga problema ko sa paghahanap. Sabi ko, “Ilang taon na ‘kong nananalig, pero ‘di ko maisagawa’ng pagpapatawad. At lagi akong nagkakasala. Baka hindi ako makapasok sa kaharian ng langit. Sabi ng pastor, pinatawad na ng Panginoong Jesus ang sala natin, at hangga’t nagdarasal at nangungumpisal tayo sa Panginoon, dadalhin Niya tayo sa langit. Pero nalilito pa rin ang puso ko. Ano ba ang masasabi mo tungkol dito?” Ang sabi niya, “Pinatawad nga ng Panginoong Jesus ang sala natin, pero ‘di yon nangangahulugang nalinis na tayo, o malaya sa kasalanan. Sabi ng Panginoong Jesus, ‘Bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailanman: ang anak ang nananahan magpakailanman(Juan 8:34–35). ‘Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit(Mateo 7:21). ‘Di sinabi ng Panginoong Jesus na makakapasok tayo sa langit dahil pinatawad tayo, sinabi Niyang yung gumagawa lang ng kalooban ng Ama’ng makakapasok sa kaharian ng langit. Pagkaunawa lang ng tao na makakapasok tayo sa kaharian ng Diyos dahil lang sa pinatawad ang sala natin. Wala ‘yong basehan sa salita Niya. Isa ang nakita natin sa mga taon ng pananampalataya natin: Matapos manalig at mapatawad ang tao, patuloy silang nabubuhay sa pagkakasala, pangungumpisal, paulit-ulit lang. Pinapakita nito na ang pananalig sa Panginoon at pagpapatawad sa’tin ay iba sa pagtakwil sa kasalanan, at ‘di ‘yon nangangahulugang nalinis na tayo. Banal ang Diyos. Hindi Niya papapasukin sa kaharian Niya’ng nagkakasala’t lumalaban sa Kanya. Ang nakakasunod lang sa Diyos at gumagawa sa kalooban Niya’ng papasok sa kaharian ng langit.” Pagkarinig sa pagbabahagi niya, naisip ko, “Gano’n nga. Kung papapasukin ng Diyos sa kaharian ng langit ang laging nagkakasala, papa’no maipapahayag ang kabanalan Niya?”

Tinuloy niya ang pagbabahagi. “Kahit nagdarasal at nangungumpisal tayo sa Panginoon at ‘sinasagawa’ng mga turo Niya, kahit ano’ng pagsisikap natin, napipigilan pa rin tayo ng kasalanan. Ano ang tunay na dahilan nito?” Nagbasa siya ng ilang sipi ng salita ng Diyos. “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). “Kahit na ang tao ay maaaring natubos at napatawad na sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaari lamang na ituring na hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag nito. Subalit, kapag ang tao na namumuhay sa katawang tao, ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, inihahayag nang walang katapusan ang kanyang satanikong disposisyon. Ito ang buhay ng tao, isang walang-katapusang pagpapaulit-ulit ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog para sa kasalanan ay walang hanggan ang bisa sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagkat ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon. … Hindi madali para sa tao na mabatid ang kanyang mga kasalanan; wala siyang paraan para kilalanin ang kanyang sariling kalikasang nag-ugat na nang malalim, at kailangan niyang umasa sa paghatol ng salita upang makamit ang ganitong resulta. Sa ganitong paraan lamang maaaring unti-unting mabago ang tao mula sa puntong ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). “Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginagawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ng pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at maaaring madalisay ang tao. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4).

Nagpatuloy si Sister Susan matapos basahin ‘yon. “Kahit natanggap natin ang pagtubos ng Panginoong Jesus at napatawad na’ng sala natin, ‘di pa nareresolba ang mga satanikong kalikasan natin. Kaya ‘di natin mapigil na magkasala’t labanan ang Diyos, at ‘di maisagawa’ng salita ng Panginoon. Sa Kapanahunan ng Biyaya, pagtubos lang ang ginawa ng Panginoong Jesus para tubusin tayo sa kasalanan para makatakas sa parusa’t paggapos ng batas, maging akmang humarap sa Diyos at tamasahin ang biyaya’t galak na binibigay Niya sa’tin. Kahit pinatawad ng Panginoong Jesus ang sala natin, hindi pa nalulutas ang mga satanikong disposisyon at kalikasan natin. Mayabang pa rin tayo, pa-importante, buktot, makasarili at kasuklam-suklam. Mataas ang tingin natin sa sarili’t gusto nating tayo’ng masunod at sumunod lang ang iba sa gusto natin. ‘Pag may gumawa ng ‘di natin gusto, pinapagalitan natin sila. Palagi rin tayong nagsisinungaling, at ang dasal natin sa Diyos, mga salitang walang laman. Sinasabi nating sumusunod tayo sa Diyos, pero para sa sarili natin ang ginagawa natin. Ginugugol natin ang sarili para makapasok sa kaharian ng Diyos. Masaya tayo ‘pag binibiyayaan, pero nagrereklamo ‘pag nahaharap sa pagsubok. Pinagtataksilan pa natin ang Diyos. Mas malala pa sa kasalanan ang mga satanikong disposisyong ito. ‘Pag ‘di ‘yon nalutas, kakalabanin natin ang Diyos anumang oras. Kauri tayo ni Satanas. Pa’no tayo magiging nararapat sa kaharian ng Diyos? Kaya nangako ang Panginoong Jesus na babalik Siya. Ang Makapangyarihang Diyos, ang nagbalik na Panginoong Jesus. Pinahayag Niya’ng katotohanan para iligtas ang sangkatauhan. Ginagawa Niya’ng paghatol simula sa bahay ng Diyos. Ito’y para lutasin ang satanikong disposisyon ng tiwaling sangkatauhan, para pawiin ang problema ng laging pagkakasala’t paglaban sa Diyos, at para lubusan tayong madalisay, at madala sa kaharian ng langit. Tinutupad ng gawai’t salita ng Makapangyarihang Diyos ang propesiyang ito ng Panginoong Jesus: ‘Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). ‘Ako naparito upang humatol sa sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan. Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:47–48). At sinasabi ng 1 Pedro: ‘Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos(1 Pedro 4:17). Sa pagtanggap sa paghatol ng salita ng Makapangyarihang Diyos, matatamo’ng katotohanan. Malilinis ang satanikong disposisyon nati’t papasok tayo sa kaharian ng Diyos.”

Nakita kong puno ng liwanag ang pagbabahagi ni Sister Susan at naayon ‘yon sa Biblia. Lubos akong nakumbinsi. Gawain lang ng pagtubos ang ginawa ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, pero ‘di ‘yon paglutas sa makasalanang kalikasan ng tao. Kapatawaran lang ang mabibigay ng pananalig sa Panginoon, kailangan nating sumailalim sa paghatol ng Diyos para lutasin ang pagkamakasalanan natin, takasan ang kasalana’t malinis. Namulat ang mata ko. May yugto’ng gawain ng Diyos na ‘di ko pa nararanasan. Binahagi ng sister na ‘to na nagbalik na’ng Panginoong Jesus at nagpahayag ng katotohanan para gumawa ng paghatol mula sa bahay ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan at sa huli’y dalhin tayo sa kaharian ng Diyos. Sabik na sabik ako, agad kong tinanong si Sister Susan, “Pa’no ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang paghatol para dalisayin tayo?”

Nagbasa siya ng salita ng Makapangyarihang Diyos. “Ang gawain ng Diyos sa kasalukuyang pagkakatawang-tao ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon una sa lahat sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Batay sa pundasyong ito, naghahatid Siya ng dagdag na katotohanan sa tao at nagtuturo sa kanya ng iba pang mga paraan ng pagsasagawa, sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layuning lupigin ang tao at iligtas siya mula sa kanyang sariling tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Tinuloy ni Sister Susan ang pagbabahagi niya. “Pinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan para humatol. Pinahayag Niya’ng katotohanan para iligtas ang sangkatauhan, at nilantad ang hiwaga ng gawain ng pamamahala. Nilantad Niya’ng diwa ng pagkatiwali ni Satanas sa tao, at binunyag ang kalikasan natin na paglaban sa Diyos, sinabi sa’tin kung ano’ng mga lason ang nasa kalikasan natin, kung anong tiwaling kalagayan ang dinudulot ng mga satanikong lasong ito, at kung pa’no lulutasin ang mga ‘to. Nililinaw din ng salita ng Diyos ang bawat aspeto ng katotohanan, kung ano’ng tunay na pag-ibig sa Diyos, at pa’no maging tapat na tao. Pinapakita nito ang paraan para iwaksi ang tiwali nating disposisyon. Hinahayag din nito sa tao’ng banal, matuwid, ‘di naaagrabyadong disposisyon ng Diyos. Sa pagdanas ng pagkastigo’t paghatol ng salita ng Diyos, mauunawaan natin ang katotohanan, at ang diwa at katotohanan ng pagtitiwali sa’tin ni Satanas. Kamumuhian natin kung ga’no niya tayo tiniwali, magpapatirapa sa harap ng Diyos, at magtutuon sa pagsasagawa ng katotohanan. Malilinis at mababago’ng mga tiwali nating disposisyon, at magkakamit tayo ng kaunting paggalang sa Diyos. Mababawasan na ang pagkakasala natin.” Binahagi rin ni Sister Susan ang personal niyang karanasan. Sabi niya, lagi niyang iniisip na mas magaling siya sa iba, na sarili lang ang iniisip niya at pinipilit niya sa iba’ng pananaw niya. Iniitsipuwera niya’ng ‘di umaayon sa kanya. Masakit at nakakasakal ‘yon para sa lahat. Sa paghatol at pahayag ng salita ng Diyos, natanto niyang nabubuhay siya sa lohika’t batas ni Satanas na “Ako lang ang pinakamataas” at “Sa’kin umiikot ang mundo.” Napakayabang niya’t ayaw niyang yumuko kaninuman, lagi niyang gustong sundin ng iba’ng ideya niya na parang katotohanan ‘yon. Wala siyang anumang paggalang sa Diyos at hindi makatwiran. Namuhi ro’n ang Diyos at nasuklam ang mga tao. Gusto niya lagi siyang pakinggan ng iba, at isa ‘yong satanikong disposisyon. Palalo’t mayabang si Satanas, gusto niya kapantay niya ang Diyos. Gusto niyang kontrolin ang tao’t pakinggan at igalang siya ng mga ‘yon, kaya sinumpa siya ng Diyos. Natakot si Sister Susan nang matanto niya’ng kalikasan ng problema, tapos nagtuon siya sa pagsasagawa ng katotohanan. Naging mas mababang-loob na’ng pakikisalamuha niya. ‘Di niya na sila hinahamak o pinupuwersa gaya dati. Nagagawa niya nang tanggapin kapag tama’ng ibang tao, at mas kasundo niya na ngayon ang iba. Naliwanagan ang puso ko nang marinig ko’ng pagbabahagi niya sa salita ng Makapangyarihang Diyos. Nalaman kong bumibigkas ng salita’ng Diyos para hatulan ang tiwali nating disposisyon. Praktikal ang ganitong pagliligtas Niya sa’tin! Ilang taon na ‘kong nananalig, pero ‘di ko matakasan ang kasalanan. Nabubuhay ako sa sakit, pero nahanap ko na’ng landas sa wakas!

Simula no’n, nagbasa ‘ko ng salita ng Makapangyarihang Diyos at nakinig ng mga himno mula sa app ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dumalo rin ako sa pagtitipon para magbahagi ng salita ng Diyos. Ramdam ko’ng gabay ng Banal na Espiritu. Naunawaan ko’ng maraming katotohanang ‘di ko nalaman sa mga taon ng pananampalataya ko. Alam ko sa puso kong ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus!

Mas nagbasa pa ‘ko ng salita ng Makapangyarihang Diyos at nagtamo ng kaunting pag-unawa sa mayabang kong disposisyon. Lagi kong pinagagalitan ang iba at satanikong disposisyon ‘yon. Na kinamumuhian ng Diyos. Nagdasal ako sa Diyos para magsisi. Ayoko nang kumilos ayon sa satanikong disposisyon ko’t magtuon sa problema ng ibang mga tao. ‘Pag nakikita kong naglalaro’ng asawa ko o gumagawa ng ‘di ko gusto, nagdarasal ako sa Diyos para magawa kong kausapin siya nang kalmado. Isang araw, biglang sinabi ng asawa ko, “O, nagbago ka na ah! Mula nang maniwala ka sa Makapangyarihang Diyos, naging iba ka na. Hindi ka na nagagalit sa’kin kagaya ng dati, at dinadaan na natin sa usap ang problema.” Paulit-ulit akong nagpasalamat sa Diyos. Alam kong nakamit ko ‘yong lahat sa pamamagitan ng salita ng Diyos. Ang talagang ikinagulat ko nang makita ng asawa ko’ng pagbabago ko, nagbasa na rin siya ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Natanto ng asawa ko gamit ang salita ng Diyos na ang online games ay isa sa paraan ni Satanas para akitin, kontrolin at gawing tiwali ang tao. Naunawaan niya ang diwa at panganib ng paglalaro ng online games, kaya ngayon, hindi na siya no’n naaakit gaya ng dati. At saka hindi na rin kami nagtatalo ngayon. Sabay kaming nagbabasa ng salita ng Diyos at nagbabahagi. ‘Pag may problema kami, hinahanap namin ang katotohanan sa salita ng Diyos para maresolba ‘yon. Ramdam kong ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos ang kailangan ko, at mahalaga ‘yon para malinis at lubos kaming maligtas. Nahanap ko na’ng landas para makapasok sa kaharian ng langit. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...