Bakit napakadilim at napakasama ng mundo? Ngayong sukdulan na ang katiwalian ng sangkatauhan, dapat ba silang lipulin?

Nobyembre 16, 2019

1) Bakit napakadilim at napakasama ng mundo?

Kaugnay na mga Talata sa Biblia:

Ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama(1 Juan 5:19).

“At ang ilaw ay lumiliwanag sa kadiliman; at ito’y hindi napagunawa ng kadiliman” (Juan 1:5).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sina Adan at Eva na nilalang ng Diyos sa pasimula ay mga banal na tao, ibig sabihin, habang nasa Hardin ng Eden sila ay banal, walang bahid ng karumihan. Sila rin ay tapat kay Jehova, at wala silang alam tungkol sa pagkakanulo kay Jehova. Ito ay dahil sa wala silang paggambala ng impluwensya ni Satanas, walang kamandag ni Satanas, anupa’t sila ang pinakadalisay sa lahat ng sangkatauhan. Sila ay nakatira sa Hardin ng Eden, hindi nabahiran ng anumang dumi, hindi naangkin ng laman, at may paggalang kay Jehova. Sa dakong huli, nang sila ay tinukso ni Satanas, nagkaroon sila ng kamandag ng ahas, at ng pagnanasa na ipagkanulo si Jehova, at namuhay sila sa ilalim ng impluwensya ni Satanas. Sa pasimula, sila ay banal at gumagalang kay Jehova; kaya lamang sila ay tao. Kalaunan, pagkatapos silang tuksuhin ni Satanas, kinain nila ang bunga ng punongkahoy ng kaalaman ng mabuti at masama, at namuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas. Unti-unti silang nagawang tiwali ni Satanas, at naiwala ang orihinal na larawan ng tao. Sa pasimula, ang tao ay mayroong hininga ni Jehova, at wala kahit katiting na pagkamasuwayin, at walang kasamaan sa kanyang puso. Noong panahong iyon, ang tao ay tunay na tao. Pagkatapos gawing tiwali ni Satanas, ang tao ay naging isang hayop. Ang kanyang kaisipan ay napuno ng kasamaan at karumihan, walang kabutihan at kabanalan. Hindi ba’t ito si Satanas?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Nawalan ng takot ang tao sa Diyos matapos siyang gawing tiwali ni Satanas at nawalan ng silbi na dapat taglayin ng isa sa mga nilalang ng Diyos, naging isang kaaway na suwail sa Diyos. Namuhay ang tao sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas at sumunod sa mga utos ni Satanas; kaya, walang paraan ang Diyos para kumilos sa gitna ng Kanyang mga nilikha, at lalo pang hindi nagagawang magkaroon ng takot ang Kanyang mga nilikha. Ang tao ay nilikha ng Diyos, at kailangang sumamba sa Diyos, ngunit ang tao ay talagang tumalikod sa Diyos at sumamba kay Satanas. Naging idolo si Satanas sa puso ng tao. Kaya nawalan ng lugar ang Diyos sa puso ng tao, na ibig sabihin ay nawalan ng kahulugan ang Kanyang paglikha sa tao, kaya upang maibalik ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa tao kailangan Niyang ibalik ang tao sa orihinal wangis ng tao at alisin sa tao ang kanyang tiwaling disposisyon.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama

Makalipas ang ilang libong taon ng katiwalian, ang tao ay naging manhid at mapurol ang pag-iisip, isang demonyong kumakalaban sa Diyos, hanggang sa ang pagiging mapanghimagsik ng tao ay naitala na sa mga aklat ng kasaysayan kung saan hindi man lang kayang isalaysay nang buo ng tao ang kanyang mga mapag-alsang gawi—sapagkat ang tao ay nagawang tiwali na nang husto ni Satanas, at nailigaw na ni Satanas na anupa’t hindi niya nalalaman kung saan tutungo. Kahit sa ngayon, pinagtataksilan pa rin ng tao ang Diyos: Kapag nakikita ng tao ang Diyos, nagtataksil siya sa Kanya, at kapag hindi niya makikita ang Diyos, Siya’y pinagtataksilan pa rin niya. Mayroon ngang iba na kahit nakasaksi na sa mga sumpa ng Diyos at sa poot ng Diyos, ay pinagtataksilan pa rin Siya. Kung kaya masasabi Ko na ang katinuan ng tao ay wala na sa orihinal na gamit, at ang konsensya ng tao, gayundin, ay wala na sa orihinal na gamit. …Isinilang sa isang napakaruming daigdig, ang tao ay nasira na nang labis ng lipunan, siya ay naimpluwensiyahan na ng mga etikang pyudal, at naturuan na sa “mga instituto ng dalubhasaan.” Ang paurong na kaisipan, tiwaling moralidad, masamang pagtanaw sa buhay, kasuklam-suklam na pilosopiya, lubos na walang saysay na pag-iral, at napakabuktot na uri ng pamumuhay at mga kaugalian—lahat ng bagay na ito ay matinding nanghimasok na sa puso ng tao, at matinding nagpahina ng kanyang katuwiran at inusig ang kanyang konsensya. Bilang resulta, ang tao ay mas lalong malayo sa Diyos, at mas lalong naging tutol sa Kanya. Ang disposisyon ng tao ay lalong nagiging mas mabangis sa bawat araw, at wala ni isa mang tao ang magkukusa na talikdan ang anuman para sa Diyos, kahit isang tao na kusang susunod sa Diyos, ni, higit pa rito, isang tao na magkukusang maghanap sa pagpapakita ng Diyos. Sa halip, sa ilalim ng sakop ni Satanas, ang tao ay walang ginawa kundi magpatuloy sa pagpapakasaya, ibinibigay ang sarili sa katiwalain ng laman sa pusali. Marinig man nila ang katotohanan, ang mga nananahan sa kadiliman ay hindi mag-iisip isagawa ito, ni hindi sila nakahandang matamo ang Diyos kahit na namasdan na nila ang Kanyang pagpapakita. Papaanong ang isang sangkatauhan na ubod ng sama ay magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan? Papaanong ang isang sangkatauhan na napakasama ay mabubuhay sa liwanag?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos

Ang pagsalungat at pagka-mapanghimagsik ng tao laban sa Diyos ay ang kanyang katiwalian sa pamamagitan ni Satanas. Dahil siya ay nagawang tiwali na ni Satanas, ang konsensya ng tao ay naging manhid na, siya ay imoral, ang kanyang mga saloobin ay sumasama, at siya ay may paurong na pangkaisipang pananaw. Bago siya ginawang tiwali ni Satanas, ang tao ay likas na tumalima sa Diyos at sumunod sa Kanyang mga salita pagkatapos marinig ang mga ito. Siya ay likas na may maayos na katinuan at konsensya, at normal na pagkatao. Matapos magawang tiwali ni Satanas, ang kanyang dating katinuan, konsensya, at pagkatao ay pumurol at pinahina ni Satanas. Kaya, nawala na niya ang kanyang pagkamasunurin at pag-ibig sa Diyos. Ang katinuan ng tao ay naging lihis na, ang kanyang disposisyon ay naging kagaya na ng sa hayop, at ang kanyang pagka-mapanghimagsik sa Diyos ay nagiging mas madalas at mas matindi. Nguni’t hindi pa rin alam o ni kinikilala ng tao ito, at basta na lang lumalaban at naghihimagsik nang walang taros. Ang pahayag ng disposisyon ng tao ay ang pagpapahayag ng kanyang katinuan, pananaw at konsensya, at sapagkat ang kanyang katinuan at pananaw ay hindi batay sa katotohanan, at ang kanyang konsensya ay sukdulang pumurol, kaya ang kanyang disposisyon ay mapaghimagsik laban sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos

Habang tahimik na sumasapit ang gabi, walang malay ang tao, dahil hindi mahiwatigan ng kanyang puso kung paano sumasapit ang dilim, ni kung saan ito nagmumula. Habang tahimik na lumilipas ang gabi, sinasalubong ng tao ang liwanag ng araw, ngunit tungkol sa kung saan nagmula ang liwanag, at kung paano nito naitaboy na ang dilim ng gabi, mas hindi ito alam ng tao, at lalong wala siyang malay diyan. Ang paulit-ulit na pagsasalitan ng araw at gabi ay dinadala ang tao mula sa isang panahon tungo sa isa pa, mula sa isang konteksto ng kasaysayan tungo sa sumunod, habang tinitiyak din na ang gawain ng Diyos sa bawat panahon at ang Kanyang plano para sa bawat kapanahunan ay isinasagawa. Naraanan na ng tao ang mga panahong ito na kasama ang Diyos, ngunit hindi niya alam na ang Diyos ang namumuno sa tadhana ng lahat ng bagay at buhay na nilalang, ni kung paano ipinaplano at pinangangasiwaan ng Diyos ang lahat ng bagay. Naging mailap ito sa tao noon pa man hanggang ngayon. Bakit? Hindi dahil tagung-tago ang mga gawa ng Diyos, ni dahil kailangan pang maisakatuparan ang Kanyang plano, kundi dahil napakalayo ng puso’t espiritu ng tao sa Diyos, hanggang sa patuloy pa ring nagsisilbi ang tao kay Satanas kahit sinusunod niya ang Diyos—at hindi pa rin niya alam iyon. Walang sinumang aktibong naghahanap sa mga yapak at pagpapakita ng Diyos, at walang sinumang handang mabuhay sa pangangalaga at pagkalinga ng Diyos. Sa halip, nais nilang umasa sa paninira ni Satanas, ang diyablo, para makaangkop sa mundong ito, at sa mga patakaran ng buhay na sinusunod ng masamang sangkatauhan. Sa puntong ito, ang puso’t espiritu ng tao ay naging parangal na niya kay Satanas at siyang bumubuhay rito. Higit pa rito, ang puso’t espiritu ng tao ay naging lugar na kung saan si Satanas ay makakapanirahan at naging akmang palaruan niya ito. Sa gayon hindi alam ng tao na nawawala ang kanyang pag-unawa sa mga prinsipyo ng pagiging tao, at ang halaga at kahulugan ng buhay ng tao. Ang mga batas ng Diyos at ang tipan sa pagitan ng Diyos at ng tao ay unti-unting naglalaho sa puso ng tao, at tumitigil siya sa paghahanap o pakikinig sa Diyos. Sa paglipas ng panahon, hindi na nauunawaan ng tao kung bakit siya nilikha ng Diyos, ni hindi niya nauunawaan ang mga salitang nagmumula sa bibig ng Diyos at lahat ng nagmumula sa Diyos. Sa gayo’y nagsisimula ang tao na labanan ang mga batas at utos ng Diyos, at nagiging manhid ang kanyang puso’t espiritu…. Nawawala sa Diyos ang tao na orihinal Niyang nilikha, at nawawala sa tao ang ugat na kanyang pinagmulan: Ito ang pighati ng sangkatauhang ito.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Mula nang unang magkaroon ang tao ng agham panlipunan, ang isip ng tao ay naging abala sa agham at kaalaman. Doon ang agham at kaalaman ay naging mga kasangkapan para sa pamumuno ng sangkatauhan, at doon ay wala nang sapat na puwang para sa tao upang sambahin ang Diyos, at walang kanais-nais na mga kondisyon para sa pagsamba sa Diyos. Ang posisyon ng Diyos ay lumubog nang lalo pang mas mababa sa puso ng tao. Ang isang mundo sa puso ng tao na walang lugar para sa Diyos ay madilim, walang laman sa kawalang pag-asa. At kaya lumitaw ang maraming panlipunang siyentipiko, mananalaysay, at mga pulitiko upang magpahayag ng mga teorya ng araling panlipunan, ang teorya ng ebolusyon ng tao, at iba pang mga teorya na sinasalungat ang katotohanang nilikha ng Diyos ang tao, upang punuin ang puso at isip ng tao. At sa ganitong paraan, yaong naniniwala na ang Diyos ang lumikha ng lahat ng bagay ay naging lalo pang kakaunti, at yaong naniniwala sa teorya ng ebolusyon ay mas lalo pang dumami ang bilang. Parami nang parami ang mga tao na itinuturing ang mga talaan ng gawain ng Diyos at Kanyang mga salita sa kapanahunan ng Lumang Tipan bilang mga alamat at mga kathang-isip. Sa kanilang mga puso, ang mga tao ay nagwalang-bahala sa karangalan at kadakilaan ng Diyos, sa doktrina na ang Diyos ay umiiral at humahawak ng kapamahalaan sa lahat ng bagay. Ang pagpapanatili ng sangkatauhan at ang kapalaran ng mga bayan at mga bansa ay hindi na mahalaga sa kanila. Nakatira ang tao sa isang hungkag na mundo na iniintindi lamang ang pagkain, pag-inom, at ang paghahangad ng kasiyahan. … Iilang tao lang ang inaako mismo ang paghanap kung saan ginagampanan ng Diyos ang Kanyang gawain ngayon, o hanapin kung paano Niya pinamumunuan at inaayos ang hantungan ng tao. At sa ganitong paraan, hindi namamalayan ng tao, ang sibilisasyon ng tao ay lalo at lalong nawalan ng kakayahang tugunan ang mga kagustuhan ng tao, at mayroon pang maraming tao na nakararamdam na, sa pamumuhay sa gayong mundo, sila ay hindi gaanong masaya kung ihahambing sa mga taong yumao na. Maging ang mga tao ng mga dating napakaunlad na sibilisadong bayan ay nagpapahayag ng mga naturang karaingan. Sapagkat kung walang patnubay ng Diyos, gaano man pakaisipin ng mga pinuno at sosyolohista na maipreserba ang sibilisasyon ng tao, ito ay walang kabuluhan. Walang sinuman ang makapupuno ng kawalan sa puso ng tao, dahil walang sinuman ang maaaring maging buhay ng tao, at walang teoryang panlipunan ang maaaring magpalaya sa tao mula sa kawalan kung saan siya ay namimighati. Agham, kaalaman, kalayaan, demokrasya, paglilibang, kaginhawahan, ang mga ito ay isa lamang pansamantalang pahinga. Kahit na sa mga bagay na ito, ang tao ay hindi maiiwasang magkasala at managhoy sa kawalang katarungan ng lipunan. Hindi mababawasan ng mga bagay na ito ang pagnanasa at hangarin ng tao na tumuklas. Sapagkat ang tao ay nilalang ng Diyos at ang walang katuturang mga sakripisyo at mga pagtuklas ng tao ay maaari lamang humantong sa mas lubusang pagkabagabag. Ang tao ay iiral sa patuloy na kalagayan ng pagkatakot, na hindi malalaman kung paano haharapin ang kinabukasan ng sangkatauhan, o kung paano haharapin ang landas sa hinaharap. Darating ang panahon na kahit ang agham at kaalaman ay katatakutan ng tao, at higit na kakatakutan ang pakiramdam ng kawalan sa kaloob-looban niya. Sa mundong ito, hindi alintana kung ikaw ay nakatira sa isang malayang bayan o sa isang walang mga karapatang pantao, ikaw ay walang lubos na kakayahang takasan ang kapalaran ng sangkatauhan. Ikaw man ang pinuno o ang pinamumunuan, ikaw ay walang lubos na kakayahang takasan ang pagnanais na galugarin ang kapalaran, mga hiwaga, at hantungan ng sangkatauhan. Lalo nang wala kang kakayahang takasan ang nakalilitong pakiramdam ng kawalan. Ang gayong di-pangkaraniwang mga pangyayari, na karaniwan sa buong sangkatauhan, ay tinatawag ng mga sosyolohista na di-pangkaraniwang mga pangyayari sa lipunan, ngunit walang dakilang taong maaaring lumabas upang lutasin ang naturang mga problema. Ang tao, kung sabagay, ay tao. Ang posisyon at buhay ng Diyos ay hindi mapapalitan ng sinumang tao. Ang sangkatauhan ay hindi lang basta nangangailangan ng isang makatarungang lipunan kung saan lahat ng tao ay kumakain nang sapat at pantay-pantay at malaya, kundi ang pagliligtas ng Diyos at ang Kanyang panustos ng buhay sa kanila. Kapag natanggap na ng tao ang pagliligtas ng Diyos at ang Kanyang panustos ng buhay sa kanila, saka lamang malulutas ang mga pangangailangan, kasabikang tumuklas, at espirituwal na kahungkagan ng tao. Kung ang mga tao ng isang bayan o ng isang bansa ay hindi makatatanggap ng pagliligtas at pag-aalaga ng Diyos, tatahak ang bansa o bayang iyon sa landas tungo sa pagkawasak, patungo sa kadiliman, at lilipulin ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

Bakit napakadilim at napakasama ng mundo? Ngayong sukdulan na ang katiwalian ng sangkatauhan, dapat ba silang lipulin?

2) Ngayong sukdulan na ang katiwalian ng sangkatauhan, dapat ba silang lipulin?

Kaugnay na mga Talata sa Biblia:

“At tiningnan ng Dios ang lupa, at, narito sumama; sapagka’t pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa. At sinabi ng Dios kay Noe, Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko; sapagka’t ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila; at, narito, sila’y aking lilipuling kalakip ng lupa(Genesis 6:12-13).

At kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Noe, ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao. Sila’y nagsisikain, sila’y nagsisiinom, sila’y nangagaasawa, at sila’y pinapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe, at dumating ang paggunaw, at nilipol silang lahat. Gayon din naman kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Lot; sila’y nagsisikain, sila’y nagsisiinom, sila’y nagsisibili, sila’y nangagbibili, sila’y nangagtatanim, sila’y nangagtatayo ng bahay. Datapuwa’t nang araw na umalis sa Sodoma si Lot, ay umulan mula sa langit ng apoy at asupre, at nilipol silang lahat: Gayon din naman ang mangyayari sa araw na ang Anak ng tao ay mahayag(Lucas 17:26-30).

“Pagka ang masama ay lumilitaw na parang damo, at pagka gumiginhawa ang lahat na manggagawa ng kasamaan; ay upang mangalipol sila magpakailan man” (Awit 92:7).

At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ni Jehova, dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay; nguni’t ang ikatlo ay maiiwan. At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila’y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila’y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila’y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya’y bayan ko; at kanilang sasabihin, Si Jehova ay aking Dios(Zacarias 13:8-9).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay naplano nang may katiyakan. Kapag nakakakita Siya ng isang bagay o sitwasyong nagaganap, may nakalaang pamantayan upang sukatin ito sa Kanyang mga mata, at ang pamantayang ito ang magsasabi kung magsasagawa Siya ng isang plano upang makitungo dito o kung paano harapin ang bagay at sitwasyong ito. Hindi malamig ang Kanyang loob o walang pakiramdam sa lahat ng bagay. Sa katunayan ito ay lubos na kabaliktaran. May bersikulo dito na sinabi ng Diyos kay Noe: “Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko; sapagka’t ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila; at, narito, sila’y aking lilipuling kalakip ng lupa.” Sa mga salita ng Diyos dito, sinabi ba Niyang lilipulin lamang Niya ang mga tao? Hindi! Ang sabi ng Diyos ay lilipulin Niya ang lahat ng nabubuhay na laman. Bakit gusto ng Diyos ang panlilipol? May isa pang pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos dito: Sa mga mata ng Diyos, may hangganan ang Kanyang pasensiya sa katiwalian ng tao, sa karumihan, karahasan, at pagsuway ng lahat ng laman. Ano ang Kanyang hangganan? Tulad ng sinabi ng Diyos: “At tiningnan ng Diyos ang lupa, at, narito sumama; sapagka’t pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa.” Ano ang ibig sabihin ng pariralang “sapagka’t pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa”? Ito ay nangangahulugan na anumang nabubuhay, kasama na ang mga sumusunod sa Diyos, ang mga tumatawag sa pangalan ng Diyos, ang mga minsan ay naghandog ng mga sinunog na alay sa Diyos, ang mga nagsalita ng pagkilala sa Diyos at nagpuri pa sa Diyos—sa sandaling ang kanilang mga asal ay mapuno ng katiwalian at makaabot sa mga mata ng Diyos, kailangan Niyang lipulin sila. Iyan ang hangganan ng Diyos. Kaya hanggang saan nanatiling mapagpasensiya ang Diyos sa tao at sa katiwalian ng lahat ng laman? Hanggang sa lahat ng tao, maging mga sumusunod sa Diyos o hindi mananampalataya, ay hindi lumalakad sa tamang landas. Hanggang sa ang tao ay hindi lang tiwali ang moralidad at puno ng kasamaan, nguni’t wala na ring naniniwalang may Diyos, lalo nang wala ang naniniwala na ang mundo ay pinaghaharian ng Diyos at makapagdadala ang Diyos ng liwanag at ng tamang landas. Hanggang sa ang tao ay nasuklam sa pag-iral ng Diyos at hindi pinayagang umiral ang Diyos. Sa sandaling umabot sa puntong ito ang katiwalian ng tao, mawawalan na ng pasensiya ang Diyos. Ano ang papalit rito? Ang pagdating ng poot ng Diyos at kaparusahan ng Diyos. Hindi ba isang bahagi iyon ng pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos? Sa panahong ito, mayroon pa bang matuwid na tao sa mata ng Diyos? Mayroon pa bang perpektong tao sa mata ng Diyos? Ito ba ay panahon kung saan ang asal ng lahat ng laman sa lupa ay tiwali sa mata ng Diyos? Sa araw at panahong ito, bukod doon sa mga gustong gawing ganap ng Diyos, iyong mga makakasunod sa Diyos at makakatanggap ng Kanyang pagliligtas, hindi ba hinahamon ng lahat ng taong laman ang hangganan ng pasensiya ng Diyos? Hindi ba puno ng karahasan ang lahat ng nangyayari sa tabi ninyo, ang mga nakikita ng mga mata ninyo, at naririnig ng mga tainga ninyo, at personal na nararanasan ninyo sa araw-araw sa mundong ito? Sa mata ng Diyos, hindi ba dapat na wakasan ang ganitong uri ng mundo, ang ganitong uri ng panahon? Bagama’t ang kalagayan sa kasalukuyang panahon ay ibang-iba sa kalagayan noong panahon ni Noe, ang mga damdamin at poot ng Diyos para sa katiwalian ng tao ay nananatiling ganap na katulad noong panahong iyon. Nagagawang maging mapagpasensiya ang Diyos dahil sa Kanyang gawain, nguni’t alinsunod sa lahat ng uri ng mga kalagayan at mga kundisyon, matagal na sanang dapat ginunaw ang mundong ito sa mata ng Diyos. Ang sitwasyon ay malayo at lampas na sa kung ano ang mundo noong ginunaw sa pamamagitan ng baha.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

Magbalik-tanaw sa panahon ng arko ni Noe: Ang sangkatauhan ay lubhang tiwali, lumayo sa pagpapala ng Diyos, at hindi na pinangangalagaan ng Diyos, at naiwala na ang mga pangako ng Diyos. Sila ay nanirahan sa kadiliman, na wala ang liwanag ng Diyos. Kaya sila ay naging likas na mahalay, pinabayaan ang kanilang sarili na maging napakasama. Ang ganitong mga tao ay hindi na maaaring makatanggap ng pangako ng Diyos; sila ay hindi karapat-dapat na masaksihan ang mukha ng Diyos, o kaya ay marinig ang tinig ng Diyos, sapagkat tinalikuran nila ang Diyos, isinantabi ang lahat ng Kanyang ipinagkaloob sa kanila, at kinalimutan ang mga turo ng Diyos. Ang kanilang puso ay lumihis papalayo nang papalayo mula sa Diyos, at dahil dito, sila ay naging ubod ng sama higit sa lahat ng katwiran at pagkatao, at lalong nagiging masama. Kaya sila ay naging mas malapit sa kamatayan, at sumailalim sa poot at kaparusahan ng Diyos. Si Noe lamang ang sumamba sa Diyos at umiwas sa kasamaan, at sa gayon narinig niya ang tinig ng Diyos, at narinig ang mga tagubilin ng Diyos. Kanyang itinayo ang arko ayon sa mga tagubilin ng salita ng Diyos, at tinipon ang lahat ng uri ng buhay na nilalang. At sa ganitong paraan, sa sandaling ang lahat ng bagay ay handa na, pinakawalan ng Diyos ang Kanyang pagwasak sa mundo. Si Noe lamang at ang pitong miyembro ng kanyang pamilya ang nakaligtas sa pagkawasak, dahil sumamba si Noe kay Jehova at umiwas sa kasamaan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

Sa panahon ni Noe, kumakain at umiinom ang mga tao, nag-aasawa at nakikipag-asawa hanggang sa puntong hindi na kayang tingnan ito ng Diyos, kaya Siya ay nagpadala ng malaking baha upang wasakin ang sangkatauhan at iniwan lamang ang pamilya ni Noe na walong tao at ang lahat ng uri ng mga ibon at hayop. Sa mga huling araw, gayunman, yaong mga kinupkop ng Diyos ay lahat niyaong naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan. Kahit na ang parehong panahon ay puno ng matinding katiwaliang hindi mabata ng Diyos na masaksihan, at ang sangkatauhan sa parehong kapanahunan ay napakatiwali na itinanggi niya ang Diyos bilang ang Panginoon, ang lahat ng tao sa panahon ni Noe ay winasak ng Diyos. Nagdulot ng labis na kapighatian sa Diyos ang sangkatauhan sa parehong kapanahunan, nguni’t nanatiling matiisin ang Diyos sa mga tao sa mga huling araw hanggang sa kasalukuyan. Bakit ganito? Hindi ba ninyo ito pinag-isipan kailanman? Kung talagang hindi ninyo alam, hayaan ninyong sabihin Ko sa inyo. Ang katwiran kung bakit kayang pakitunguhan ng Diyos ang mga tao sa mga huling araw ay hindi dahil sila ay di-gaanong tiwali kaysa sa mga tao sa panahon ni Noe o sila ay nagpakita ng pagsisisi sa Diyos, lalong hindi dahil hindi matiis ng Diyos na wasakin ang mga tao sa huling mga araw kung saan ang teknolohiya ay nakasulong. Sa halip, ito ay dahil ang Diyos ay mayroong isasagawang gawain sa isang pangkat ng mga tao sa mga huling araw at ito ay gagawin ng Diyos na nagkatawang-tao Mismo. Higit pa rito, mamimili ang Diyos ng isang bahagi ng pangkat na ito bilang mga pag-uukulan ng Kanyang pagliligtas, ang bunga ng Kanyang plano ng pamamahala, at dadalhin ang mga taong ito kasama Niya patungo sa susunod na kapanahunan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao

Noong ang sangkatauhan ay napuno ng katiwalian at naging suwail sa Diyos hanggang sa ganap na hangganan, kinailangan ng Diyos, dahil sa Kanyang disposisyon at Kanyang diwa, at alinsunod sa Kanyang mga panuntunan, na lipulin ang sangkatauhang ito. Nguni’t dahil sa diwa ng Diyos, kinaawaan pa rin Niya ang sangkatauhan, at nagnais pang gumamit ng iba’t ibang mga paraan upang tubusin ang sangkatauhan upang makapagpatuloy silang mabuhay. Sa halip, nilabanan ng tao ang Diyos, nagpatuloy na sumuway sa Diyos, at tinanggihan na tanggapin ang pagliligtas ng Diyos, na ang ibig sabihin, tinanggihan na tanggapin ang Kanyang mabubuting layunin. Kahit paano man sila tinawag ng Diyos, pinaalalahanan, tinustusan, tinulungan, o pinagbigyan, hindi ito naunawaan o pinahalagahan ng tao, at ni hindi rin sila nagbigay-pansin. Sa kabila ng sakit Niyang nadama, hindi pa rin kinalimutan ng Diyos na ibigay sa tao ang pinakamataas na antas ng Kanyang pagpaparaya, sa paghihintay na manumbalik ang tao. Matapos Niyang maabot ang Kanyang hangganan, ginawa Niya ang dapat Niyang gawin nang walang anumang alinlangan. Sa madaling sabi, may nakatakdang panahon at proseso mula sa sandaling binalak ng Diyos na lipulin ang sangkatauhan hanggang sa opisyal na simula ng Kanyang gawain na paglipol sa sangkatauhan. Umiral ang ganitong proseso sa layuning mapanumbalik ang tao, at ito ang huling pagkakataon na ibinigay ng Diyos sa tao. Kaya ano ang ginawa ng Diyos sa panahong ito bago lipulin ang sangkatauhan? Napakaraming pagpapaalala at masidhing paghihikayat ang ginawa ng Diyos. Kahit gaano pa katindi ang sakit o pighating pinagdadaanan ng puso ng Diyos, patuloy Niyang ibinigay ang Kanyang pag-aalaga, malasakit, at masaganang awa sa sangkatauhan.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

May hangganan ang pagpapasensiya ng Diyos para sa katiwalian, karumihan at karahasan ng tao. Kapag umabot Siya sa hangganang iyon, hindi na Siya magiging mapagpasensiya at sa halip ay sisimulan na ang Kanyang bagong pamamahala at bagong plano, sisimulan nang gawin ang dapat Niyang gawin, ibunyag ang Kanyang mga gawa at ang kabilang bahagi ng Kanyang disposisyon. Ang pagkilos Niyang ito ay hindi upang ipakita na hindi Siya dapat saktan kailanman ng tao o ipakita na Siya ay puno ng awtoridad at poot, at hindi upang ipakita na kaya Niyang wasakin ang sangkatauhan. Ito ay dahil ang Kanyang disposisyon at ang Kanyang banal na diwa ay hindi na maaaring pahintulutan, ubos na ang pasensiya para sa ganitong uri ng sangkatauhan na mabuhay sa Kanyang harapan, mabuhay sa ilalim ng Kanyang kapamahalaan. Ang ibig sabihin, kapag ang buong sangkatauhan ay laban sa Kanya, kapag wala Siyang maaaring iligtas sa buong mundo, wala na Siyang pasensiya para sa ganitong uri ng sangkatauhan, at isasagawa nang walang anumang pag-aalinlangan ang Kanyang plano—ang wasakin ang ganitong uri ng sangkatauhan. Ang ganitong kilos ng Diyos ay itinakda ng Kanyang disposisyon. Ito ay isang hindi maiiwasang kahihinatnan, at isang kahihinatnan na dapat tiisin ng bawat nilikha sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

Ang pakikitungo ng Diyos sa kabuuan ng hangal at mangmang na sangkatauhan ay pangunahing nakabase sa awa at pagpapaubaya. Sa kabilang banda, ang Kanyang poot ay nakatago sa lubhang napakalawak na bahagi ng panahon at ng mga bagay-bagay; nakalihim ito sa tao. Bilang resulta, mahirap para sa tao na makitang inilalabas ng Diyos ang Kanyang poot, at mahirap ding maunawaan ang Kanyang poot. Dahil dito, pinapagaan ng tao ang poot ng Diyos. Kapag humarap na ang tao sa huling gawain ng Diyos at hakbang ng pagpapaubaya at pagpapatawad sa tao—iyan ay, kapag ang huling pagkakataon ng kaawaan ng Diyos at huling babala Niya ay makaabot sa kanila—kung gagamitin pa rin nila ang parehong mga paraan ng pagsalungat sa Diyos at hindi gumawa ng kahit anong pagsisikap upang magsisi, ayusin ang kanilang mga pag-uugali o tanggapin ang Kanyang kaawaan, hindi na ipagkakaloob ng Diyos ang Kanyang pagpapaubaya at pagtitiyaga sa kanila. Sa kabaligtaran, ito ay ang panahon na babawiin na ng Diyos ang Kanyang kaawaan. Kasunod nito, ipadadala na lamang Niya ang Kanyang poot. Maaari Niyang ipahayag ang Kanyang poot sa iba’t ibang mga paraan, gaya ng kung paanong maaari Siyang gumamit ng iba’t ibang mga pamamaraan upang parusahan at wasakin ang mga tao.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II

Nananangis ang Diyos sa hinaharap ng sangkatauhan, nagdadalamhati sa pagkahulog ng sangkatauhan, at nasasaktan dahil naglalakad ang sangkatauhan, nang dahan-dahan, patungo sa pagkabulok at sa landas na wala nang balikan. Isang sangkatauhan na nagwasak sa puso ng Diyos at nagtakwil sa Kanya para hanapin ang diyablo: Napag-isipan na ba ng sinuman ang direksyong maaaring patunguhan ng sangkatauhang ito? Ito mismo ang dahilan kung bakit walang nakadarama sa galit ng Diyos, kung bakit walang naghahanap ng paraan para mapalugod Siya o nagsisikap na mapalapit sa Kanya, at bukod pa riyan, kung bakit walang naghahangad na maunawaan ang Kanyang dalamhati at pasakit. Kahit matapos marinig ang tinig ng Diyos, patuloy na tumatahak ang tao sa sarili niyang landas, pilit na lumalayo sa Diyos, umiiwas sa biyaya at kalinga ng Diyos, at lumalayo sa Kanyang katotohanan, mas ginugustong ibenta ang kanyang sarili kay Satanas, ang kaaway ng Diyos. At sino na ang nakapag-isip—dapat bang ipilit ng tao ang katigasan ng kanyang ulo—tungkol sa kung paano kikilos ang Diyos sa sangkatauhang ito na nagpaalis na sa Kanya nang hindi man lang lumilingon? Walang nakakaalam na ang dahilan ng paulit-ulit na mga paalala’t pangaral ng Diyos ay dahil inihanda na Niya sa Kanyang mga kamay ang isang walang-katulad na kalamidad, yaong hindi kakayanin ng katawan at kaluluwa ng tao. Ang kalamidad na ito ay hindi lamang isang kaparusahan sa katawan, kundi pati na rin sa kaluluwa. Kailangan mong malaman ito: Kapag nabigo ang plano ng Diyos, at walang tumugon sa Kanyang mga paalala at pangaral, anong klaseng galit ang Kanyang ipamamalas? Isang bagay ito na hindi pa nararanasan o naririnig ng sinumang nilalang. Kaya sinasabi Ko, ang kalamidad na ito ay walang katulad, at hindi na mauulit kailanman. Sapagkat ang plano ng Diyos ay minsan lamang likhain ang tao, at minsan lamang iligtas ang sangkatauhan. Ito ang unang pagkakataon, at ito rin ang huli.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply