Paano Inililigtas ng Tagapagligtas ang Sangkatauhan sa Kanyang Pagparito?

Setyembre 10, 2021

Kapag pinag-uusapan natin ang tungkol sa Tagapagligtas, sumasang-ayon ang lahat ng mananampalataya na sa mga huling araw, tiyak na paparito Siya sa lupa para iligtas ang sangkatauhan. Maraming propeta ang nagsabing ang Tagapagligtas ay paparito sa mga huling araw. Sino ang Tagapagligtas? May iba’t ibang interpretasyon ang iba’t ibang denominasyon, at ang iba’t ibang relihiyon ay magkakaibang bagay ang sinasabi tungkol sa Kanya. Sino ang tunay na Tagapagligtas? Ang tunay na Tagapagligtas ay ang Panginoon na lumikha ng kalangitan at lupa at lahat ng bagay, at ang nag-iisang tunay na Diyos, ang Lumikha. Ang Panginoon lang na lumikha ng lahat ang nag-iisang tunay na Diyos, at ang nag-iisang tunay na Diyos sa katawang-tao lang ang Tagapagligtas na makapagliligtas sa sangkatauhan. Kung hindi ito ang tunay na Diyos na lumikha ng lahat ng bagay, ang taong ito ay hindi ang Lumikha at hindi makapagliligtas ng sangkatauhan. Isa itong bagay na kailangan nating linawin. Tandaan! Mayroon lang isang tunay na Diyos, at ang Diyos na nagkatawang-tao lang ang Tagapagligtas. Ang tunay na Diyos sa katawang-tao lang ang makapagpapahayag ng katotohanan at ganap na makapagliligtas ng sangkatauhan, at makapagdadala sa atin sa isang magandang destinasyon. Maraming huwad na diyos, kaya hindi na kailangang ilista ang lahat ng ito, pero mayroon lang isang tunay na Tagapagligtas. Kung gayon, sino talaga ang Tagapagligtas na ito? Dalawang libong taon na ang nakararaan, ang Panginoong Jesus ay pumarito at nagsabing, “Mangagsisi kayo: sapagkat malapit na ang kaharian ng langit(Mateo 4:17). Tapos, ipinako Siya sa krus para tubusin ang mga kasalanan ng tao. Natapos Niya ang gawain ng pagtubos at sinimulan ang Kapanahunan ng Biyaya, pinahihintulutan ang mga tao na lumapit sa harap ng Diyos, magdasal, makipag-usap sa Diyos, at sumunod sa Diyos hanggang ngayon. Ito ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Ang Panginoong Jesus ang Tagapagligtas, na pumarito sa piling ng tao at gumawa. Batay sa nakita na natin sa ngayon, sino ang Tagapagligtas? Ang Diyos sa katawang-tao na personal na pumarito para iligtas ang sangkatauhan. Ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, pinatatawad ang mga kasalanan ng mga tao, pero lagi pa ring nagkakasala ang mga tao at hindi makapagsagawa ng tunay na pagsisisi. Ang pagliligtas ng Diyos ay para tunay na mapagsisi ang mga tao, hindi lang para patawarin ang mga kasalanan natin at hanggang do’n lang. Iyon ang dahilan kaya nangako ang Panginoong Jesus na Siya’y babalik sa mga huling araw, para ganap na iligtas ang sangkatauhan. Ang Tagapagligtas ay nagbalik na ngayon at kasama natin. Nagpahayag Siya ng maraming katotohanan para dalisayin ang tao at iligtas tayo mula sa kasalanan, para maaari tayong ganap na bumaling sa Diyos at makamit Niya, tapos ay pumasok sa magandang destinasyon na inihanda Niya para sa atin—ang Kanyang kaharian. Mayroon nang mga tao sa buong mundo na nakarinig na sa tinig ng Diyos at naitaas na sa harap ng Kanyang trono. Sila ay hinahatulan at nililinis ng Diyos at mayroon silang kaibig-ibig na patotoo. Sila ang mga mananagumpay na nagawang ganap ng Diyos. Nakalulungkot nga lang, marami pa ring tao na hindi pa nakakarinig sa tinig ng Diyos, na hindi pa nakakamalas ng pagpapakita at gawain ng Diyos. Iyon ang dahilan kaya nagpapatotoo tayo ngayon kung paano inililigtas ng Tagapagligtas ang sangkatauhan.

Kapag pinag-uusapan natin ang tungkol sa kaligtasan, ang ilang tao ay may ganitong malabong ideya na ang Diyos ay biglang bababa mula sa langit at diretsong dadalhin ang mga mananampalataya sa itaas, tatakasan ang mga sakuna at pupunta sa langit. Ito ay isang kuru-kuro at pantasya ng tao, pero hindi ito makatotohanan. May isa pang mahalagang problema. Ang lahat ng tao ay labis na nagawang tiwali ni Satanas at may satanikong kalikasan. Ang lahat ay namumuhay sa kasalanan, puno ng dumi at katiwalian. Maaari ba talaga tayong direktang madala? Karapat-dapat ba tayo sa kaharian ng langit? Kung naghihintay ang lahat para bumaba ang Tagapagligtas, kumakapit sa kuru-kurong ito, nakatakda itong maging walang kabuluhan. Mahuhulog sila sa mga sakuna, tumatangis at nagngangalit ang mga ngipin. Kung gayon, paano inililigtas ng Tagapagligtas ang sangkatauhan sa Kanyang pagparito? Una, inililigtas Niya tayo mula sa kasalanan. Ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos para lamang mapatawad ang ating mga kasalanan, pero sa kabila ng kapatawaran na ‘yon, hindi pa rin natin maiwasang patuloy na magkasala. Hindi natin natakasan ang mga gapos ng kasalanan. Ito ay isang hindi maikakailang katotohanan. Banal at matuwid ang Diyos. Nagpapakita Siya para sa isang banal na lugar at itinatago ang Kanyang sarili mula sa isang lupain ng dumi. Dahil hindi banal, hindi maaaring mamasdan ng mga tao ang Panginoon, kaya paano tayo, na namumuhay sa kasalanan, magiging karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng Diyos? Iyon ang dahilan kaya nagkatawang-tao ulit ang Diyos sa mga huling araw at nagpapahayag ng mga katotohanan, at ginagawa ang gawain ng paghatol at pagkastigo para ganap na linisin ang mga tao at iligtas tayo mula sa kasalanan, mula kay Satanas. Tulad ito ng sinabi ng Makapangyarihang Diyos: “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).

Pumarito na ang Tagapagligtas. Ang Panginoong Jesus ay nagbalik sa katawang-tao bilang ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng lahat ng katotohanan na naglilinis at nagliligtas sa sangkatauhan, ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Walang iba kundi ang Diyos sa katawang-tao ang makapagpapahayag ng katotohanan at makapagliligtas sa sangkatauhan, gaano man kadakila o kasikat. Ang Diyos na nagkatawang-tao lang na pumarito sa lupa ang Cristo, ang ating Tagapagligtas. Ano ang ibig sabihin ng “Cristo”? Ang ibig sabihin nito’y Tagapagligtas. Kung gayon, paano ginagawa ng Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw, ang gawain ng paghatol para linisin at iligtas ang sangkatauhan?

Sinasabi sa atin ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Sa mga huling araw, inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan para ilantad ang ating makasalanang kalikasan, para makita natin ang ugat ng ating pagiging makasalanan at ang katotohanan ng ating katiwaliang idinulot ni Satanas. Sa sandaling makilala ito ng isang tao, maaari siyang magkaroon ng tunay na pagsisisi, at kamuhian at kapootan ang kanyang sarili. Tapos maaari na siyang magsimulang totoong magsisi, at aasamin lang niyang maunawaan at makamit ang katotohanan. Kapag nakakaya na niyang isagawa ang katotohanan, natutunan na niya kung paano magpasakop sa Diyos. Nauunawaan niya ang katotohanan at namumuhay ayon sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan, kaya ang kanyang disposisyon sa buhay ay nagsisimulang magbago. Sa pamamagitan ng laging pagdanas sa paghatol ng mga salita ng Diyos, siya’y nalilinis sa kanyang tiwaling disposisyon sa huli. Ito ay isang taong ganap na nailigtas at pagkatapos ay makakapasok siya sa magandang destinasyon na inihanda ng Diyos para sa tao. Iyon ang dahilan kaya dapat nating tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Dapat tayong totoong magsisi, tunay na magbago, at maging mga taong nagpapasakop at sumasamba sa Diyos. Ito lang ang tunay na kaligtasan, at ito lang ang nagpapamarapat sa atin na pumasok sa Kanyang kaharian.

Ngayon may isang bagay na tiyak na malinaw sa atin. Diyos lang, ang Lumikha lang ang makapagliligtas sa sangkatauhan at magdadala sa atin sa magandang destinasyon na ‘yon. Ang Diyos na ito, ang Lumikhang ito ay nagsasalita at gumagawa para gabayan at iligtas ang sangkatauhan sa simula pa lang, hanggang ngayon. Ang buong Biblia ay isang patotoo sa pagpapakita at gawain ng Diyos. Nagbibigay ito ng patotoo na ang langit at lupa, ang lahat ng bagay, ay nilikha ng Diyos, at nagpapatotoo sa pagpapakita at gawain ng Lumikha. Ang nag-iisang tunay na Diyos na nagkatawang-tao lang na pumarito sa piling natin ang Tagapagligtas. Siya lang ang makapagliligtas sa sangkatauhan. Ang Tagapagligtas nga na ito ang Diyos sa katawang-tao at kailangang magpahayag ng katotohanan. Siya lang ang tunay na Tagapagligtas. Ang sinumang ‘di-umano’y Tagapagligtas na hindi kayang magpahayag ng katotohanan ay isang masamang espiritu na nanlilinlang ng mga tao. Maraming huwad na diyos, tulad ng mga kilalang tao na labis na pinupuri at pagkatapos ay inoorden bilang mga diyos ng mga emperador pagkatapos ng kanilang pagkamatay. Makatwiran ba talaga ito? Ang mga taong ‘yon ay mga tiwaling tao lang na napupunta sa impiyerno kapag sila’y namatay, kaya sino’ng maililigtas nila? Ni hindi nila mailigtas ang kanilang sarili, at pinaparusahan sila ng Diyos dahil sa kanilang mga kasalanan. Maililigtas ba nila ang sangkatauhan? Ang lahat ng emperador na ‘yon ay namatay noon at nasa impiyerno silang lahat ngayon. Ang mga huwad na diyos na kanilang inorden ay talagang hindi makapagliligtas ng sangkatauhan. Anuman ang mangyari, huwag maniniwala sa isang huwad na diyos. Kahangalan at kamangmangan iyon, at tiyak na magdadala sa’yo sa kapahamakan. Tandaan na ang Tagapagligtas nga ang Diyos na nagkatawang-tao, na kailangan Niyang ipahayag ang katotohanan. Maaari lang itong magmula sa Diyos. Sinumang ‘di-umano’y Tagapagligtas na hindi kayang magpahayag ng katotohanan ay huwad at inililigaw ang mga tao. Sinumang hindi Diyos sa katawang-tao pero inihahayag na siya’y Diyos ay isang huwad na Cristo at isang masamang espiritu. Hindi mga tagapagligtas ang mga taong ‘yon at hindi makapagliligtas ng sangkatauhan. Si Satanas at ang lahat ng masasamang espiritu ay nagkukunwaring Diyos, pero hindi pa rin sila nangangahas na ihayag na sila ang Lumikha ng lahat ng bagay, at partikular na hindi sila nangangahas na ihayag na nilikha nila ang tao. Hindi rin sila nangangahas na ipahayag na maaari nilang pamahalaan ang kapalaran ng tao. Nagpapakita lang sila ng ilang palatandaan at milagro kung saan-saan para iligaw ang mga tao, para makamit ang katapatan ng mga ito. Ang mga huwad na diyos at masasamang espiritu na ito ay pawang mga demonyo, mga diyablo na inililigaw at ginagawang tiwali ang mga tao. Sila ang mga kalaban ng Lumikha, ng nag-iisang tunay na Diyos, at sinusubukang agawin ang sangkatauhan palayo sa Kanya. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga demonyo at masasamang espiritu na ito ay pawang mapait na kalaban ng Diyos, kung bakit sila ay kinamumuhian at isinusumpa Niya. Ang lahat ng gumagalang at sumasamba sa mga demonyo at masasamang espiritu na ito ay isusumpa at wawasakin ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Hangga’t patuloy na umiiral ang lumang mundo, ipupukol Ko ang Aking galit sa mga bansa nito, hayagang ipapahayag ang Aking mga atas administratibo sa buong sansinukob, at kakastiguhin ang sinumang lumalabag sa mga ito: Kapag ibinabaling Ko ang Aking mukha sa sansinukob upang magsalita, naririnig ng buong sangkatauhan ang Aking tinig, at pagkatapos ay nakikita ang lahat ng Aking nagawa sa buong sansinukob. Yaong mga lumalaban sa Aking kalooban, ibig sabihin, yaong mga kumokontra sa Akin sa mga gawa ng tao, ay sasailalim sa Aking pagkastigo. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa kalangitan at paninibaguhin ang mga ito, at dahil sa Akin, ang araw at ang buwan ay mapapanibago—ang kalangitan ay hindi na magiging gaya ng dati at ang napakaraming bagay sa lupa ay mapapanibago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang maraming bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahati-hatiin at papalitan ng Aking kaharian, kaya ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay maglalaho magpakailanman at lahat ay magiging isang kaharian na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, lahat ng nabibilang sa diyablo ay lilipulin, at lahat ng sumasamba kay Satanas ay isasadlak sa Aking naglalagablab na apoy—ibig sabihin, maliban doon sa mga sumusunod sa agos, lahat ay magiging abo. Kapag kinakastigo Ko ang maraming tao, yaong mga nasa relihiyosong mundo, sa iba’t ibang lawak, ay babalik sa Aking kaharian, na nalupig ng Aking mga gawa, dahil nakita na nila ang pagdating ng Banal na nakasakay sa isang puting ulap. Lahat ng tao ay paghihiwa-hiwalayin ayon sa sarili nilang uri, at tatanggap ng mga pagkastigo na nararapat sa kanilang mga kilos. Lahat ng kumalaban sa Akin ay masasawi; yaon namang mga hindi Ako kasali sa kanilang mga gawa sa lupa, sila, dahil sa paraan ng pagpapawalang-sala nila sa kanilang sarili, ay patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at Aking mga tao. Ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming tao at sa napakaraming bansa, at sa sarili Kong tinig, maririnig Ako sa ibabaw ng lupa, na ipinapahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para makita ng buong sangkatauhan sa sarili nilang mga mata” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 26).

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ano Talaga ang Marapture?

Dalawang libong taon na ang nakalilipas, matapos ipako sa krus ang Panginoong Jesus at makumpleto ang Kanyang gawain ng pagtubos, nangako...