Paano makikilala ng isang tao ang katotohanan at sino ang talagang makapagpapahayag ng katotohanan
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang Diyos Mismo ay buhay, at ang katotohanan, at sabay na umiiral ang Kanyang buhay at katotohanan. Yaong mga walang kakayahang makamit ang katotohanan ay hindi kailanman makakamit ang buhay. Kung wala ang patnubay, pag-alalay, at paglaan ng katotohanan, ang tanging makakamit mo lamang ay mga titik, mga doktrina, at, higit sa lahat, kamatayan. Laging naririyan ang buhay ng Diyos, at umiiral nang sabay ang Kanyang katotohanan at buhay. Kung hindi mo matatagpuan ang pinagmulan ng katotohanan, kung gayon hindi mo makakamit ang pampalusog ng buhay; kung hindi mo makakamit ang panustos ng buhay, kung gayon tiyak na hindi ka magkakaroon ng katotohanan, at sa gayon bukod sa mga guni-guni at mga kuru-kuro, magiging walang iba ang kabuuan ng katawan mo kundi ang laman mo—ang umaalingasaw mong laman. Alamin mong hindi itinuturing na buhay ang mga salita ng mga aklat, hindi maaaring sambahin na katotohanan ang mga talaan ng kasaysayan, at hindi maaaring magsilbing isang ulat ng mga salitang sinasabi ng Diyos sa kasalukuyan ang mga tuntunin ng mga nakalipas na panahon. Tanging ang mga inihahayag lamang ng Diyos kapag pumarito Siya sa lupa at namumuhay kasama ng tao ay ang katotohanan, ang buhay, ang kalooban ng Diyos, at ang Kanyang kasalukuyang paraan ng paggawa.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan
Ang katotohanan ang pinakatunay na talinghaga ng buhay, at ang pinakamataas sa gayong mga talinghaga sa buong sangkatauhan. Sapagkat hinihiling ito ng Diyos sa tao, at ito ang gawaing personal na ginagampanan ng Diyos, kaya’t tinatawag itong “talinghaga ng buhay”. Hindi ito isang talinghagang binuo mula sa kung anong bagay, o hindi rin ito isang tanyag na banggit mula sa isang dakilang tao. Sa halip, ito ang binibigkas sa sangkatauhan mula sa Panginoon ng kalangitan at ng lupa at ng lahat ng bagay; hindi ito ilang salita na nilagom ng tao, kundi ang likas na buhay ng Diyos. Kaya nga ito ang tinatawag na “pinakamataas sa lahat ng talinghaga ng buhay.”
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos
Ang katotohanan ay nagmumula sa mundo ng tao, subalit ang katotohanang nasa tao ay ipinapasa ni Cristo. Ito ay nagmumula kay Cristo, ibig sabihin, mula sa Diyos Mismo, at hindi ito isang bagay na kaya ng tao. Subalit si Cristo ay naglalaan lamang ng katotohanan; hindi Siya pumaparito upang magpasiya kung ang tao ay magiging matagumpay sa kanyang paghahangad na matamo ang katotohanan. Sa gayon nangangahulugan ito na ang tagumpay o kabiguan sa katotohanan ay dahil lahat sa pinagsisikapang matamo ng tao. Ang tagumpay o kabiguan ng tao sa katotohanan ay hindi nagkaroon ng kinalaman kay Cristo kailanman, kundi sa halip ay nalalaman sa pamamagitan ng kanyang paghahangad. Ang hantungan at tagumpay o kabiguan ng tao ay hindi maaaring isisi sa Diyos, para ang Diyos Mismo ay magpasan nito, dahil hindi ito isang bagay na para sa Diyos Mismo, kundi direkta itong nauugnay sa tungkuling dapat gampanan ng mga nilalang ng Diyos.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao
Ang katotohanan ay hindi gaya ng isang pormula, hindi rin ito isang batas. Hindi ito patay—ito ay buhay mismo, ito ay isang buhay na bagay, at ito ang patakaran na dapat sundin ng isang nilikha habang nabubuhay at ang patakaran na dapat taglayin ng isang tao habang nabubuhay. Isang bagay ito na dapat mong, hangga’t maari, ay maunawaan sa pamamagitan ng karanasan. Ano mang yugto ang narating mo na sa iyong karanasan, hindi ka maihihiwalay sa salita ng Diyos o sa katotohanan, at kung ano ang iyong pagkaunawa sa disposisyon ng Diyos at kung ano ang iyong nalalaman sa kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay ipinahahayag lahat sa mga salita ng Diyos; nauugnay ang mga ito nang hindi maihihiwalay sa katotohanan. Ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano Siya ay, mismong, ang katotohanan; ang katotohanan ay isang tunay na pagpapakita ng disposisyon ng Diyos at ng kung anong mayroon at kung ano Siya. Ginagawa nitong kongkreto ang kung anong mayroon at kung ano Siya, at malinaw nitong ipinahahayag ang kung anong mayroon at kung ano Siya; sinasabi nito sa iyo nang mas tuwiran kung ano ang gusto ng Diyos, kung ano ang hindi Niya gusto, kung ano ang nais Niyang gawin mo at kung ano ang hindi Niya pinahihintulutang gawin mo, kung anong mga tao ang kinamumuhian Niya at kung anong mga tao ang kinagigiliwan Niya. Sa likod ng mga katotohanang ipinahahayag ng Diyos, makikita ng tao ang Kanyang kaluguran, galit, kalungkutan, at kasiyahan, gayundin ang Kanyang diwa—ito ang paghahayag ng Kanyang disposisyon.
— Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III
Ang katotohanan ang realidad ng lahat ng mga positibong bagay. Maaari itong maging buhay ng tao at direksyon kung saan siya naglalakbay; maaari nitong akayin ang tao na itakwil ang kanilang tiwaling disposisyon, matakot sa Diyos at iwasan ang kasamaan, maging taong sumusunod sa Diyos at isang marapat na nilikha, isang taong iniibig ng Diyos at nakasusumpong sa Kanyang pabor. Dahil sa kahalagahan nito, ano dapat ang pag-uugali at pananaw na mayroon ang tao patungkol sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan? Ito ay lubhang malinaw: Para sa mga tunay na naniniwala sa Diyos at mayroong pusong may paggalang sa Kanya, ang Kanyang mga salita ang kanilang buhay. Dapat na pakaingatan ng tao ang mga salita ng Diyos, at kumain at uminom ng mga ito, at tamasahin ang mga ito, at tanggapin ang mga ito bilang kanyang buhay, bilang direksyon kung saan siya tumutungo, bilang kanyang handang saklolo at panustos; dapat na mamuhay, magsagawa, at makaranas ang tao alinsunod sa mga ipinapahayag at hinihingi ng katotohanan, at magpasakop sa mga hinihingi nito sa kanya, sa bawat isa sa mga ipinapahayag at hinihingi sa kanya ng katotohanan, sa halip na isailalim ito sa pag-aaral, pagsusuri, pagpapalagay, at pag-aalinlangan. Dahil ang katotohanan ang handang saklolo ng tao, ang kanyang handang panustos, at maaaring maging buhay niya, dapat na tratuhin ng tao ang katotohanan bilang pinakamahalagang bagay, sapagkat dapat siyang magtiwala sa katotohanan upang mabuhay, upang matugunan ang mga hinihingi ng Diyos, matakot sa Kanya at maiwasan ang kasamaan, at upang mahanap sa kanyang pang-araw-araw na buhay ang landas kung saan makapagsasagawa, mauunawaan ang mga prinsipyo ng pagsasagawa at matatamo ang pagpapasakop sa Diyos. Dapat ding magtiwala sa katotohanan ang tao upang maitakwil ang kanyang tiwaling disposisyon, upang maging isang taong nailigtas at isang marapat na nilikha.
Hinango mula sa “Kinamumuhian Nila ang Katotohanan, Garapal na Nilalabag ang mga Prinsipyo, at Binabalewala ang mga Pagsasaayos ng Bahay ng Diyos (VII)” sa Paglalantad sa mga Anticristo
Ang Diyos Mismo ay nagtataglay ng katotohanan, at Siya ang pinagmumulan ng katotohanan. Bawa’t positibong bagay at bawa’t katotohanan ay nagmumula sa Diyos. Maaari Siyang humatol sa kawastuhan at kamalian ng lahat ng bagay at lahat ng kaganapan; maaari Siyang humatol sa mga bagay na nangyari, mga bagay na nangyayari ngayon, at mga bagay sa hinaharap na hindi pa alam ng tao. Siya ang tanging hukom na maaaring humatol sa kawastuhan at kamalian ng lahat ng bagay, at ang ibig sabihin niyan ay Siya lamang ang maaaring humatol sa kawastuhan at kamalian ng lahat ng bagay. Alam Niya ang mga panuntunan para sa lahat ng bagay. Ito ang pinakalarawan ng katotohanan, na nangangahulugan na Siya Mismo ay nagtataglay ng diwa ng katotohanan. Kung naunawaan ng tao ang katotohanan at nakamtan ang pagiging perpekto, magkakaroon ba siya kung gayon ng kinalaman sa pinakalarawan ng katotohanan? Kapag ang tao ay ginawang perpekto, mayroon siyang tumpak na paghatol sa lahat ng ginagawa ng Diyos ngayon at sa mga bagay na hinihiling Niya, at mayroon siyang tumpak na paraan ng pagsasagawa; nauunawaan din ng tao ang kalooban ng Diyos at alam ang tama sa mali. Subali’t may ilang bagay na hindi maaabot ng tao, mga bagay na malalaman lamang niya matapos sabihin ng Diyos sa kanya ang mga ito—hindi malalaman ng tao ang mga bagay na hindi pa nalalaman, mga bagay na hindi pa nasasabi ng Diyos sa kanya, at hindi makagagawa ng mga prediksyon ang tao. Bukod pa riyan, kahit natamo ng tao ang katotohanan mula sa Diyos, at nagtaglay ng katotohanang realidad, at nalaman ang diwa ng maraming katotohanan, at nagkaroon ng kakayahang masabi ang tama sa mali, hindi siya magkakaroon ng kakayahang kontrolin at pamahalaan ang lahat ng bagay. Iyan ang kaibhan. Matatamo lamang ng mga nilikha ang katotohanan mula sa pinagmumulan ng katotohanan. Matatamo ba nila ang katotohanan mula sa tao? Ang tao ba ang katotohanan? Makapagbibigay ba ang tao ng katotohanan? Hindi, at iyan ang kaibhan. Maaari ka lamang tumanggap ng katotohanan, hindi magbigay nito—matatawag ka bang pinakalarawan ng katotohanan? Ano ba talaga ang diwa ng pinakalarawan ng katotohanan? Ito ang pinagmumulan na naglalaan ng katotohanan, ang pinagmumulan ng pamamahala at pamumuno sa lahat ng bagay, at ito rin ang mga pamantayan at panuntunan kung saan lahat ng bagay at kaganapan ay hinahatulan. Ito ang pinakalarawan ng katotohanan.
Hinango mula sa “Sa Kanila Lamang Nila Pasusunurin ang Iba, Hindi sa Katotohanan o sa Diyos (III)” sa Paglalantad sa mga Anticristo
Ang mga salita ng Diyos ay mga salita ng Diyos; ang mga salita ng Diyos ay katotohanan. Ang mga ito ang pundasyon at ang batas kung saan dapat umiral ang sangkatauhan, at yaong diumano’y mga doktrinang nagmumula sa sangkatauhan ay kinokondena ng Diyos. Hindi nakakamit ng mga ito ang Kanyang pagsang-ayon, at lalo nang hindi ang mga ito ang pinagmulan o batayan ng Kanyang mga pagbigkas. Ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon at ang Kanyang diwa sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Lahat ng salitang inilabas ng pagpapahayag ng Diyos ay katotohanan, sapagkat taglay Niya ang diwa ng Diyos, at Siya ang realidad ng lahat ng positibong bagay. Ang katunayan na ang mga salita ng Diyos ay katotohanan ay hindi nagbabago, gaano man inilalagay o ipinapakahulugan ng tiwaling sangkatauhan ang mga ito, ni kung paano nila ipinapalagay o inuunawa ang mga ito. Ilang salita man ng Diyos ang nasambit na, at gaano man kinokondena at tinatanggihan nitong tiwali at makasalanang sangkatauhan ang mga ito, nananatili ang isang katunayan na hindi mababago: Maging sa mga sitwasyong ito, ang diumano’y kultura at mga tradisyon na pinahahalagahan ng sangkatauhan ay hindi magiging mga positibong bagay, at hindi magiging katotohanan. Hindi mababago iyan. Ang tradisyonal na kultura at paraan ng pag-iral ng sangkatauhan ay hindi magiging katotohanan dahil sa mga pagbabago o paglipas ng panahon, at hindi rin magiging mga salita ng tao ang mga salita ng Diyos dahil sa pagkondena o pagiging malilimutin ng sangkatauhan. Hindi magbabago ang diwang ito kailanman; ang katotohanan ay palaging katotohanan. Anong katotohanan ang umiiral dito? Lahat ng kasabihang iyon na ibinuod ng sangkatauhan ay nagmumula kay Satanas—iyon ay mga imahinasyon at kuru-kuro ng tao, na nagmumula pa nga sa pagiging mainitin ng dugo ng tao, at ni wala man lang kinalaman sa mga positibong bagay. Ang mga salita ng Diyos, sa kabilang dako, ay mga pagpapahayag ng diwa at katayuan ng Diyos. Para sa anong dahilan ang Kanyang pagpapahayag ng mga salitang ito? Bakit Ko sinasabing katotohanan ang mga ito? Ito ay dahil namumuno ang Diyos sa lahat ng batas, prinsipyo, ugat, diwa, aktwalidad, at hiwaga ng lahat ng bagay, at hawak ng kamay Niya ang mga ito, at ang Diyos lamang ang nakakaalam ng pinagmulan ng mga ito at kung ano talaga ang mga pinag-ugatan nito. Samakatuwid, ang mga pakahulugan lamang ng lahat ng bagay na binanggit sa mga salita ng Diyos ang pinakatumpak, at ang mga kinakailangang gawin ng sangkatauhan na napapaloob sa mga salita ng Diyos ang tanging pamantayan para sa sangkatauhan—ang tanging sukatan na dapat pagbatayan ng pag-iral ng sangkatauhan. Gayunman, ang mga batas kung saan umiiral ang sangkatauhan ay hango, sa isang banda, mula sa paglabag sa katotohanan ng paghahari ng Diyos sa lahat ng bagay, at sa isa pang banda mula sa paglabag sa katotohanan ng kapangyarihan ng Diyos sa mga batas ng lahat ng bagay. Nagmumula ang mga ito sa mga imahinasyon at kuru-kuro ng tao, at nagmumula rin kay Satanas. Anong uri ng papel ang ginagampanan ni Satanas? Una, ginagaya ni Satanas ang katotohanan; pangalawa, sinisira, ginagambala, at niyuyurakan nito ang lahat ng prinsipyo at batas ng paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay. Kung gayon, tiyakang tumutugma ang mga bagay na nagmumula kay Satanas sa diwa nito, at puno ang mga ito ng masasamang hangarin, tukso, at pagpapanggap, pati na ng walang-katapusang ambisyon ni Satanas. Hindi magiging katotohanan ang mga ito kailanman, kaya mang mahiwatigan ng tiwaling sangkatauhan ang mga ito, gaano man tinatanggap ng tiwaling sangkatauhan ang mga ito, at gaano man katagal ang panahon na hinahangaan, sinasamba, at ipinangangaral ng tiwaling sangkatauhan ang mga ito, at gaano man karaming tao ang humahanga, sumasamba, at nangangaral tungkol sa mga ito. Hindi kailanman magiging katotohanan ang mga ito, at palaging mananatiling mga negatibong bagay ang mga ito, dahil ang diwa, pinagmulan, at ugat ng mga ito ay si Satanas, ang Satanas na kalaban ng Diyos at napopoot sa katotohanan. Kapag walang katotohanang sumasalungat sa kanila, maaaring magpanggap sila na mabubuti at positibo, ngunit kapag ginamit ang katotohanan upang masusing suriin at ilantad sila, lumilitaw ang kanilang mga kahinaan. Hindi sila makapanindigan, at sila ay mga bagay na mabilis hatulan, ilantad, at isantabi. Ang katotohanang ipinapahayag ng Diyos ay umaayon talaga sa mga pangangailangan ng normal na pagkatao ng sangkatauhan, na nilikha ng Diyos, samantalang ang ibinibigay ni Satanas sa tao ay paglabag mismo sa mga pangangailangang iyon. Ginagawa nitong abnormal, mapagmalabis, makitid ang isip, hambog, hangal, masama, mahirap pakitunguhan, malupit, at, higit sa lahat, ubod ng yabang ang isang normal na tao. Sa isang tiyak na punto, nasisiraan ng ulo ang taong iyon, ni hindi nila alam kung sino sila. Ayaw nilang maging normal na mga tao kundi kailangan nilang kumilos bilang di-normal na mga tao; Ayaw nilang maging karaniwang mga tao kundi sa halip ay iginigiit nilang maging napakahusay na mga tao—at sa gayon ay nababaluktot ang pagkatao ng mga tao, at sa gayon ay nababaluktot ang kanilang mga likas na ugali. Ang katotohanan ay tinutulungan ang mga tao na mas makapamuhay nang likas alinsunod sa mga prinsipyo at batas ng normal na pagkatao at sa lahat ng prinsipyong iniutos na ng Diyos, samantalang ang tinatawag na mga kasabihan at batas ni Satanas ang mismong dahilan kaya nilalabag ng mga tao ang kanilang mga likas na ugali at sinusubukang takasan ang mga batas na iniatas at iniutos na ng Diyos, at tinatalikuran pa ang landas ng normal na pagkatao, at gumagawa ng kalabisang mga bagay na hindi dapat gawin at hindi dapat isipin ng mga taong may normal na pagkatao.
Hinango mula sa “Ginagawa Lamang Nila ang Kanilang Tungkulin upang Maitangi ang Kanilang mga Sarili at Magatungan ang Kanilang Sariling Mga Kapakanan at Ambisyon; Hindi Nila Kailanman Isinasaalang-alang ang mga Kapakanan ng Bahay ng Diyos, at Ipinagkakanulo Pa ang mga Kapakanang Iyon Kapalit ng Personal na Kaluwalhatian (I)” sa Paglalantad sa mga Anticristo
Ang katotohanan ay ang buhay ng Diyos Mismo, kumakatawan ito sa Kanyang disposisyon, Kanyang diwa, at lahat-lahat na nasa Kanya. Kung sinasabi mo na ang pagkakaroon ng kaunting karanasan ay nangangahulugan na taglay mo ang katotohanan, kaya mo bang katawanin ang disposisyon ng Diyos? Maaaring may ilang karanasan o liwanag ka tungkol sa isang aspeto o panig ng isang katotohanan, ngunit hindi mo ito maibibigay sa iba magpakailanman, kaya itong liwanag na natamo mo ay hindi katotohanan; isang punto lamang ito na maaaring maabot ng mga tao. Ito lamang ang tamang karanasan at tamang pagkaunawa na dapat taglay ng isang tao: ilang aktuwal na karanasan at kaalaman sa katotohanan. Ang liwanag, kaliwanagan at pagkaunawang ito na batay sa karanasan ay hindi kailanman makakahalili sa katotohanan; kahit pa ganap nang naranasan ng lahat ng tao ang katotohanang ito, at pinagsama-sama ang lahat ng kanilang mga pagkaunawang batay sa karanasan, hindi pa rin nito mapapalitan ang nag-iisang katotohanang iyon. Gaya nang nasabi na sa nakalipas, “Binubuod Ko ito sa isang kasabihan para sa mundo ng tao: Sa gitna ng mga tao, walang sinumang nagmamahal sa Akin.” Ito ay pangungusap ng katotohanan: ito ang totoong diwa ng buhay. Ito ang pinakamalalim sa mga bagay; ito ay sariling pagpapahayag ng Diyos Mismo. Maaaring patuloy mong mararanasan ito at kung mararanasan mo ito sa loob ng tatlong taon magkakaroon ka ng mababaw na pagkaunawa nito; kung mararanasan mo ito sa loob ng pito o walong taon magtatamo ka ng higit pang pagkaunawa nito—nguni’t anumang pagkaunawa na matamo mo ay hindi kailanman makakahalili sa nag-iisang pangungusap ng katotohanang iyan. Ang isa pang tao, matapos maranasan ito sa loob ng dalawang taon ay maaaring magtamo ng kaunting pagkaunawa at pagkatapos ay bahagyang mas malalim na pagkaunawa matapos maranasan ito sa loob ng sampung taon at pagkatapos ay ilang higit pang pagkaunawa matapos maranasan ito sa buong buhay—nguni’t kung pagsasamahin ninyo kapwa ang pagkaunawa na natamo na ninyo, magkagayunman—gaano man kalaking pagkaunawa, gaano karaming karanasan, gaano karaming kaunawaan, gaano kalaking liwanag, o gaano karaming halimbawang kapwa mayroon kayo—lahat ng iyan ay hindi pa rin makakahalili sa nag-iisang pangungusap ng katotohanan na iyan. Sa madaling salita, ang buhay ng tao ay palaging magiging buhay ng tao, at gaano man kaayon sa katotohanan, sa mga intensyon ng Diyos at Kanyang mga kahilingan ang iyong pagkaunawa, hindi nito kailanman makakayang humalili sa katotohanan. Ang sabihing ang katotohanan ay natamo na ng mga tao ay nangangahulugan na mayroon silang kaunting realidad, na may natamo na silang kaunting pagkaunawa sa katotohanan, na naabot na nila ang kaunting tunay na pagpasok sa mga salita ng Diyos, na nagkaroon na sila ng kaunting tunay na karanasan sa mga ito, at na sila ay nasa tamang landasin sa kanilang pananampalataya sa Diyos. Ang isa lamang na pahayag ng Diyos ay sapat na para maranasan ng isang tao habambuhay; kahit maranasan pa ito ng mga tao nang ilang habambuhay o kahit na ilang milenyo, hindi pa rin nila ganap at lubusang mararanasan ang isang katotohanan. Kung nauunawaan lamang ng mga tao ang kaunting mabababaw na salita, subali’t sinasabi nilang nakamtan na nila ang katotohanan, hindi ba iyan ganap at lubos na kawalang-saysay?
Hinango mula sa “Alam Mo ba Kung Ano Talaga ang Katotohanan?” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw
Ang Aking mga salita ay ang katotohanang hindi magbabago kailanman. Ako ang tagapagbigay ng buhay para sa tao at ang tanging gabay para sa sangkatauhan. Ang halaga at kahulugan ng Aking mga salita ay hindi itinatakda ng pagkilala o pagtanggap ng sangkatauhan, kundi ng mismong diwa ng mga salita. Kahit na wala ni isang tao sa daigdig na ito ang makatatanggap ng Aking mga salita, ang halaga ng Aking mga salita at ang tulong ng mga ito sa sangkatauhan ay hindi masusukat ng sinumang tao. Samakatuwid, kapag nahaharap sa maraming tao na naghihimagsik, nagpapabulaan, o lubos na nanglalait sa Aking mga salita, ang Aking paninindigan ay ito lamang: Hayaan ang panahon at katunayan na maging saksi Ko at magpakita na ang Aking mga salita ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Hayaang ipakita ng mga ito na ang lahat ng Aking sinabi ay tama, at iyon ang dapat na maipagkaloob sa tao, at, higit pa rito, ito ang dapat tanggapin ng tao. Hahayaan Ko ang lahat ng sumusunod sa Akin na malaman ang katunayang ito: Ang mga hindi kayang tumanggap nang lubos sa Aking mga salita, ang mga hindi kayang isagawa ang Aking mga salita, ang mga hindi makahanap ng layunin sa Aking mga salita, at ang mga hindi tumanggap ng kaligtasan dahil sa Aking mga salita, ay ang mga taong nakondena ng Aking mga salita at, bukod dito, nawalan ng Aking kaligtasan, at hindi kailanman malilihis ang Aking tungkod sa kanila.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa
Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan, kundi sa isang napakakaraniwang katawan. Bukod dito, hindi lamang ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, ito rin ang katawan kung saan bumabalik ang Diyos sa katawang-tao. Isa itong napakapangkaraniwang katawang-tao. Wala kang makikitang anumang nag-aangat sa Kanya mula sa iba, ngunit maaari kang magkamit mula sa Kanya ng mga katotohanang hindi pa dating narinig. Itong hamak na katawang-taong ito ang kumakatawan sa lahat ng mga salita ng katotohanan mula sa Diyos, nangangasiwa sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at nagpapahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos upang maintindihan ng tao. Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na maunawaan ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang hantungan ng sangkatauhan? Sasabihin Niya sa iyo ang lahat ng mga lihim na ito—mga lihim na wala pang sinumang taong nakapagsabi sa iyo, at sasabihin din Niya sa iyo ang mga katotohanang hindi mo nauunawaan. Siya ang pintuan mo patungo sa kaharian, at gabay mo patungo sa bagong kapanahunan. Nagtataglay ng maraming mga hiwagang di-maarok ang gayong karaniwang katawang-tao. Maaaring di-malirip sa iyo ang Kanyang mga gawa, ngunit ang buong layunin ng lahat ng gawain Niya ay sapat na upang hayaan kang makitang hindi Siya, gaya ng inaakala ng mga tao, isang simpleng katawang-tao. Sapagkat kinakatawan Niya ang kalooban ng Diyos at ang pangangalagang ipinakita ng Diyos para sa sangkatauhan sa mga huling araw. Bagaman hindi mo naririnig ang mga salita Niya na tila yumayanig sa mga kalangitan at lupa, bagaman hindi mo nakikita ang mga mata Niya na tulad ng mga lumalagablab na apoy, at bagaman hindi mo natatanggap ang disiplina ng Kanyang pamalong bakal, gayunman, maririnig mo mula sa Kanyang mga salita na mapagpoot ang Diyos, at mababatid na nagpapakita ang Diyos ng habag para sa sangkatauhan; makikita mo ang matuwid na disposisyon ng Diyos at ang karunungan Niya, at bukod dito, matatanto ang malasakit ng Diyos sa buong sangkatauhan. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pahintulutan ang tao na makita ang Diyos na nasa langit na namumuhay kasama ng mga tao sa lupa, at bigyang-kakayahan ang tao na mabatid, sundin, igalang, at mahalin ang Diyos. Ito ang dahilan kung bakit bumalik Siya sa katawang-tao sa pangalawang pagkakataon. Kahit na ang nakikita ng tao ngayon ay isang Diyos na katulad ng tao, isang Diyos na mayroong ilong at dalawang mga mata, at isang hindi kapansin-pansing Diyos, sa huli, ipakikita sa inyo ng Diyos na kung hindi umiral ang taong ito, magdadaan ang langit at lupa sa napakatinding pagbabago; kung hindi umiral ang taong ito, magdidilim ang kalangitan, malulublob sa kaguluhan ang lupa, at mamumuhay ang buong sangkatauhan sa gitna ng taggutom at mga salot. Ipakikita Niya sa inyo na kung hindi dumating ang Diyos na nagkatawang-tao upang iligtas kayo sa mga huling araw, matagal na sanang winasak ng Diyos ang buong sangkatauhan sa impiyerno; kung hindi umiral ang katawang-taong ito, magiging pangunahing mga makasalanan kayo magpakailanman, at magiging mga bangkay kayo habang panahon. Dapat ninyong malaman na kung hindi umiral ang katawang-taong ito, haharap ang buong sangkatauhan sa hindi maiiwasang kapahamakan at makikitang imposibleng makatakas sa mas matinding kaparusahang ilalapat ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kung hindi isinilang ang karaniwang katawang-taong ito, mapupunta kayong lahat sa kalagayang kung saan magsusumamo kayo para sa buhay nang walang kakayahang mamuhay, at mananalangin para sa kamatayan nang walang kakayahang mamatay; kung hindi umiral ang katawang-taong ito, hindi ninyo makakamit ang katotohanan at makaparoroon sa harap ng trono ng Diyos ngayon, kundi sa halip, parurusahan kayo ng Diyos dahil sa matindi ninyong mga kasalanan. Alam ba ninyong kung hindi dahil sa pagbalik sa katawang-tao ng Diyos, walang magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan; at kung hindi dahil sa pagdating ng katawang-taong ito, matagal nang tinapos ng Diyos ang lumang kapanahunan? Dahil dito, magagawa pa rin ba ninyong tanggihan ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos? Yamang napakaraming pakinabang ang matatamo ninyo sa karaniwang taong ito, bakit hindi ninyo Siya malugod na tatanggapin?
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.