Kung magagampanan ba ng isang tao ang kanyang tungkulin nang husto kung mamumuhay siya ayon sa kanyang tiwaling disposisyon

Enero 26, 2022

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling disposisyon ay hindi kailanman maaaring maglingkod sa Diyos. Kung ang disposisyon mo ay hindi pa nahatulan at nakastigo ng mga salita ng Diyos, ang disposisyon mo ay kumakatawan pa rin kay Satanas, na nagpapatunay na pinaglilingkuran mo ang Diyos ayon sa iyong mabubuting layunin, na ang paglilingkod mo ay batay sa iyong satanikong kalikasan. Naglilingkod ka sa Diyos gamit ang likas mong pagkatao, at ayon sa mga personal mong kagustuhan. Dagdag pa rito, lagi mong naiisip na ang mga bagay na handa kang gawin ay ang mga bagay na nakalulugod sa Diyos, at ang mga bagay na hindi mo nais gawin ay ang mga bagay na kinapopootan Niya; gumagawa ka nang ganap na naaayon sa sarili mong mga kagustuhan. Maaari ba itong matawag na paglilingkod sa Diyos? Sa huli, ang disposisyon mo sa buhay ay hindi magbabago ni katiting; sa halip, mas lalong magiging matigas ang ulo mo dahil sa iyong paglilingkod sa Diyos, na magpapalalim ng iyong tiwaling disposisyon. Dahil dito, mabubuo sa iyong kalooban ang mga alituntunin ukol sa paglilingkod sa Diyos na ang pangunahing batayan ay ang sarili mong pagkatao, at ang mga karanasang nakuha mo mula sa iyong paglilingkod ayon sa sarili mong disposisyon. Ito ang mga karanasan at mga aral ng tao. Ito ang pilosopiya ng tao sa pamumuhay sa mundo. Ang mga taong ganito ay maaaring mapabilang sa mga Fariseo at mga relihiyosong namumuno. Kung hindi sila kailanman magigising at magsisisi, tiyak na magiging mga huwad na Cristo at anticristo ang mga ito na manlilinlang sa mga tao sa mga huling araw. Magmumula sa ganitong mga tao ang binanggit noon na mga huwad na Cristo at anticristo. Kung ang mga naglilingkod sa Diyos ay sumusunod sa sarili nilang pagkatao at kumikilos ayon sa sarili nilang kagustuhan, nanganganib silang mapalayas anumang oras. Ang mga gumagamit ng mga karanasan nila sa paglilingkod sa Diyos sa loob ng maraming taon upang makuha ang puso ng ibang tao, mapangaralan at makontrol sila, at manatiling nakatataas—at hindi kailanman nagsisisi, hindi kailanman nangungumpisal ng kanilang mga kasalanan, hindi kailanman tumalikod sa mga benepisyo ng posisyon—ang mga taong ito ay malalagas sa harap ng Diyos. Sila ang mga uri ng tao na katulad ni Pablo, umaasa sa pagiging una nila sa panunungkulan at ipinagmamagaling ang kanilang mga kuwalipikasyon. Hindi dadalhin ng Diyos ang mga taong tulad nito sa pagkaperpekto. Ang ganitong uri ng paglilingkod ay humahadlang sa gawain ng Diyos. Ang mga tao ay mahilig kumapit sa luma. Kumakapit sila sa mga kuru-kuro ng nakaraan, sa mga bagay mula sa nakaraan. Malaking sagabal ito sa kanilang paglilingkod. Kung hindi mo kayang itakwil ang mga ito, magiging hadlang sila buong buhay mo. Hindi ka pupurihin ng Diyos, kahit katiting, kahit pa mabali mo ang iyong mga binti sa pagtakbo o ang iyong likod sa paggawa, kahit pa mapatay ka sa paglilingkod mo sa Diyos. Sa kabaligtaran: sasabihin Niya na ikaw ay isang masamang tao.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kailangang Maalis ang Paglilingkod na Pangrelihiyon

Ano ang pinaka-hindi-katanggap-tanggap sa paglilingkod ng tao sa Diyos? Alam ba ninyo? Laging gusto ng ilang mga tao na naglilingkod bilang mga lider na maging naiiba, na maging angat sa lahat, at na makatuklas ng ilang bagong pamamaraan upang maipakita sa Diyos kung gaano talaga sila kagaling. Subalit, hindi sila tumutuon sa pag-unawa sa katotohanan at pagpasok sa realidad ng mga salita ng Diyos; lagi nilang gustong magpakitang-gilas. Hindi ba’t ito mismo ang kapahayagan ng isang mapagmataas na kalikasan? Sinasabi pa ng iba: “Sa paggawa nito sigurado akong magiging napakasaya ng Diyos; magugustuhan Niya talaga ito. Sa pagkakataong ito, hahayaan kong makita ng Diyos, sosorpresahin ko Siya.” Bunga ng “sorpresang” ito, naiwala nila ang gawa ng Banal na Espiritu at natatanggal ng Diyos. Huwag mong basta-basta gagawin ang anumang pumapasok sa isip mo. Paano ito magiging ayos kung hindi mo isinasaalang-alang ang mga kahihinatnan ng iyong mga pagkilos? Kapag nilabag mo ang disposisyon ng Diyos at nilabag mo ang Kanyang mga atas administratibo, at pagkatapos ay tinanggal ka, wala ka nang masasabi. Anuman ang layon mo, sinasadya mo mang gawin iyon o hindi, kung hindi mo nauunawaan ang disposisyon ng Diyos o ang Kanyang kalooban, madali kang magkakasala sa Kanya at madali mong malalabag ang Kanyang mga atas-administratibo; isa itong bagay na dapat pag-ingatan ng lahat. Kapag lubha mo nang nilabag ang mga atas-administratibo ng Diyos o nilabag ang Kanyang disposisyon, hindi Niya isasaalang-alang kung sinadya mong gawin iyon o hindi. Ito ay isang bagay na dapat mong makita nang malinaw. Kung hindi mo maunawaan ang isyung ito, tiyak na makapagdudulot ka ng mga problema. Sa paglilingkod sa Diyos, nais ng mga tao na sumulong nang husto, gumawa ng mga dakilang bagay, magsambit ng mga dakilang salita, magsagawa ng dakilang gawain, magdaos ng malalaking pulong, at maging mahuhusay na lider. Kung palaging matatayog ang ambisyon mo, malalabag mo ang mga atas-administratibo ng Diyos; mabilis mamatay ang mga taong katulad nito. Kung hindi maganda ang asal mo, hindi ka deboto, at hindi ka maingat sa iyong paglilingkod sa Diyos, sa malao’t madali, malalabag mo ang Kanyang disposisyon.

Hinango mula sa “Kung Walang Katotohanan, Ang Isang Tao’y Madaling Magkakasala sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Sinumang hindi gumagalang sa Diyos at walang pusong nanginginig sa takot ay malamang lalabag sa mga atas administratibo ng Diyos. Maraming naglilingkod sa Diyos sa lakas ng silakbo ng damdamin nila ngunit walang pagkaunawa sa mga atas administratibo ng Diyos, at lalong walang sapantaha tungkol sa mga kahihinatnan ng mga salita Niya. Kaya naman, sa kanilang mabubuting mga layon, madalas silang nakagagawa ng mga bagay na gumagambala sa pamamahala ng Diyos. Sa mga malalang kalagayan, itinatapon sila, pinagkakaitan ng anumang karagdagang pagkakataong sumunod sa Kanya, at itataboy sa impiyerno, at tapos na ang lahat ng pakikisama sa tahanan ng Diyos. Gumagawa ang mga taong ito sa tahanan ng Diyos sa lakas ng mangmang na mabubuting layon nila, at nagtatapos sa pagpapagalit sa disposisyon ng Diyos. Dinadala ng mga tao sa tahanan ng Diyos ang mga paraan nila ng paglilingkod sa mga opisyal at mga panginoon at sinusubukang gamitin ang mga ito, iniisip nang may kahambugan na madaling magagamit ang mga ito dito. Hindi nila kailanman naipagpalagay na walang disposisyon ng tupa ang Diyos, kundi ng isang leon. Samakatuwid, yaong mga nakikisama sa Diyos sa unang pagkakataon ay walang kakayahang makipagtalastasan sa Kanya, sapagkat hindi tulad ng sa tao ang puso ng Diyos. Pagkatapos mo lamang maunawaan ang maraming mga katotohanan atsaka mo patuloy na makikilala ang Diyos. Hindi binubuo ng mga salita at mga doktrina ang kaalamang ito ngunit magagamit bilang kayamanan na sa pamamagitan nito makapapasok ka sa malapit na pagtitiwala ng Diyos, at bilang katibayang nalulugod Siya sa iyo. Kung kulang ka sa realidad ng kaalaman at hindi naaarmasan ng katotohanan, ang maalab mong paglilingkod ay magdadala lamang sa iyo ng pagkamuhi at pagkapoot ng Diyos.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala

Sa mga panahong ito, tuwing may mga bagay-bagay na nadaraanan ang mga tao, anuman ang aktuwal na sitwasyon, iniisip nila na magagawa nila ang ganito at ganoon, kaya wala ang Diyos sa puso nila, at ginagawa nila ito ayon sa sarili nilang kagustuhan. Angkop man o hindi ang kanilang ginagawa, o alinsunod man ito sa katotohanan o hindi, nagmamatigas lamang silang nagpapatuloy, at kumikilos ayon sa kanilang mga pansariling intensyon. Maaaring karaniwan ay waring nasa puso nila ang Diyos, ngunit kapag ginagawa nila ang mga bagay-bagay, wala ang Diyos sa kanilang puso. Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ako mapapalapit sa Diyos sa mga bagay na ginagawa ko. Noong araw, nakasanayan kong magsagawa ng mga relihiyosong seremonya, at sinubukan kong mapalapít sa Diyos, ngunit hindi iyon nagkaroon ng epekto. Hindi ako mapalapit sa Kanya.” Wala ang Diyos sa puso ng ganitong mga tao; sarili lamang niya ang nasa puso nila, at hindi nila talaga maisagawa ang katotohanan sa anumang ginagawa nila. Ang hindi pagkilos alinsunod sa katotohanan ay nangangahulugan ng paggawa ng mga bagay-bagay ayon sa sarili nilang kalooban, at ang paggawa ng mga bagay-bagay ayon sa sarili nilang kalooban ay nangangahulugan ng pagtalikod sa Diyos; ibig sabihin, wala ang Diyos sa puso nila. Ang mga naiisip ng tao ay karaniwang maganda at matuwid sa tingin ng mga tao, at tila ang mga ito ay hindi gaanong lalabag sa katotohanan. Pakiramdam ng mga tao ang paggawa ng mga bagay-bagay sa ganoong paraan ay pagsasagawa ng katotohanan; sa palagay nila ang paggawa ng mga bagay-bagay sa paraang iyon ay magiging pagpapasakop sa Diyos. Sa totoo lang, hindi sila tunay na naghahanap sa Diyos o nananalangin sa Diyos tungkol dito, at hindi sila nagsusumikap na gawin ito nang mabuti alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos, upang bigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos. Wala silang angking ganitong totoong kalagayan, ni wala silang ganoong hangarin. Ito ang pinakamalaking kamalian ng mga tao sa kanilang pagsasagawa. Naniniwala ka sa Diyos, nguni’t hindi mo iniingatan sa iyong puso ang Diyos. Paano ito hindi isang kasalanan? Hindi mo ba dinadaya ang iyong sarili? Anong uri ng mga bunga ang nakukuha mo kung patuloy kang naniniwala sa ganyang paraan? Bukod pa riyan, paano naipapamalas ang kabuluhan ng paniniwala sa Diyos?

Hinango mula sa “Ang Paghahanap sa Kalooban ng Diyos ay Alang-alang sa Pagsasagawa ng Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Ang wala sa loob na paggawa sa iyong tungkulin ay matinding ipinagbabawal. Kung patuloy kang kikilos nang ganito, hindi mo magagampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Dapat mo itong gawin nang buong puso! Napakahirap dumating ng pagkakataong ito sa mga tao! Kapag binibigyan sila ng Diyos ng pagkakataon, ngunit hindi nila ito sinusunggaban, nawawala ang pagkakataong iyon—at kahit na sa kalaunan, naisin nilang makahanap ng ganoong pagkakataon, maaring hindi na iyon muling dumating. Ang gawain ng Diyos ay hindi naghihintay sa sinuman, at hindi rin naghihintay sa sinuman ang mga pagkakataon para gawin ang tungkulin ng isang tao. Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ko ginampanan nang maayos ang tungkulin ko dati, ngunit ngayon ay nais ko pa rin itong gampanan, kaya sa pagkakataong ito ay desidido na ako; medyo magiging mas maingat ako at mas magsisikap pa nang kaunti, at mahusay kong kukumpletuhin ito.” Gayunpaman, kung minsan ay wala na ang oportunidad na ito. Hindi marami ang mga pagkakataong dumarating, kaya’t dapat mong hawakan ang mga iyon kapag dumating ang mga iyon. Kapag nahaharap ka sa isang tungkuling nangangailangan ng iyong pagsisikap at paggastos, at kinakailangan mong ilaan ang iyong katawan, isipan, at panahon, hindi ka dapat magkait ng anuman, magkimkim ng anumang katusuhan, o magpalusot. Kung ikaw ay nagpapalusot, tuso, o madaya at traydor, malamang na hindi maging maganda ang trabaho mo. Maaari mong sabihing, “Walang nakakita na nandaya ako. Ang galing!” Anong klaseng pag-iisip ito? Akala mo nalinlang ang mga tao sa mga kasinungalingan mo, at pati na ang Diyos. Ngunit sa totoo lang, alam ba ng Diyos kung ano ang nagawa mo o hindi? (Alam Niya.) Karaniwan, malalaman din ito ng mga taong nakakaugnayan mo sa loob ng mahabang panahon at sasabihin nila na isa kang taong palaging madaya, hindi masipag, at singkuwenta o sisenta porsiyento lamang ang ibinubuhos na pagsisikap, o otsenta ang pinakamalaki. Sasabihin nila na ginagawa mo ang lahat sa lubhang nakalilitong paraan, na ipinipikit ang iyong mga mata sa anumang ginagawa mo; ni hindi ka man lang seryoso sa iyong gawain. Kung may ipinagagawa sa iyo, saka ka lamang nagbibigay ng kaunting pagsisikap; kung may tumitingin kung ginagawa mo ang inaasahan sa iyo, medyo ginagandahan mo ang trabaho mo—ngunit kung walang nakatingin, medyo nagiging tamad ka na. Kung pinakikitunguhan ka, nagsusumikap kang gawin ito; kung hindi naman, palagi kang natutulog sa trabaho at sinusubukan mong makalusot kung kaya mo, na ipinapalagay na walang makakapansin. Lumilipas ang panahon, at napapansin ito ng mga tao. Sinasabi nila, “Hindi maaasahan at hindi mapagkakatiwalaan ang taong ito; kung bibigyan mo siya ng mahalagang tungkuling gagampanan, kakailanganin siyang pamahalaan. Magagawa niya ang mga karaniwang gawain at trabaho na hindi kinasasangkutan ng mga prinsipyo, ngunit kung bibigyan mo siya ng anumang mahalagang tungkuling gagampanan, malamang na guluhin lang niya iyon, at pagkatapos ay nalinlang ka na.” Makikita ng mga tao ang tunay na ugali niya, at lahat ng kanyang dignidad at integridad ay ganap na mawawala. Kung walang maaaring magtiwala sa kanya, paano pa ang Diyos? Ipagkakatiwala ba sa kanya ng Diyos ang anumang mahahalagang gawain? Ang gayong tao ay hindi mapagkakatiwalaan.

Hinango mula sa “Ang Pagpasok sa Buhay ay Dapat Magsimula sa Karanasan ng Pagganap sa Tungkulin ng Isa” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Dapat parehong harapin ng mga tao ang tungkulin at ang Diyos nang may matapat na puso—ito ang takot sa Diyos. Anong ugali ang dapat taglayin ng mga tao sa pagtrato sa Diyos nang may matapat na puso? Dapat gugulin ng mga tao ang kanilang sarili para sa Diyos sa kanilang tungkulin nang hindi tinatanong kung magdadala ito sa kanila ng sakuna o pagpapala, nang hindi gumagawa ng mga kondisyon, at sa pamamagitan ng pagpapasakop sa mga pangangasiwa ng Diyos; ang gayong tao ay nagtataglay ng matapat na puso. Ang mga laging nag-aalinlangan, laging gumagawa ng mga kondisyon, at sumasali sa walang tigil na pagsasaliksik ba ay nagtataglay ng matapat na puso? Ano ang nasa loob ng puso ng gayong tao? Sa loob ng puso nila ay mayroong pandaraya at kasamaan, at palagi silang sumasali sa pananaliksik. Kapag may nangyayaring nakaaapekto sa mga personal nilang interes, pinag-iisipan nila: “Anong iniisip ng Diyos nang gawin Niya sa akin ang bagay na ito at nang inayos Niya ang sitwasyong ito para sa akin? Ito ba ay bagay na nangyari na sa ibang tao? Matapos ko itong pagdaanan, ano ang mga kahihinatnan nito?” Sinasaliksik nila ang mga katanungang ito; sinasaliksik nila kung ano ang maaaring makuha o mawala nila, kung ang bagay bang ito ay magdadala sa kanila ng sakuna o pagpapala. Sa sandaling simulan nilang magsaliksik sa mga katanungang ito, may kakayahan ba silang isagawa ang katotohanan? May kakayahan ba silang sumunod sa Diyos? Kapag nagsimula sila ng tungkulin, sinasaliksik nila ito at tinatanong: “Magdurusa ba ako kung isasagawa ko ang tungkuling ito? Kailangan ko bang gumugol ng maraming oras sa malayo? Regular ba akong makakakain at makapagpapahinga? At anong uri ng mga tao ang makakaugnayan ko?” Bagaman sa panlabas ay tinatanggap nila ang tungkuling ito, sa kanilang puso ay nagkikimkim sila ng panlilinlang at palaging nagsasaliksik ng mga ganoong bagay. Sa katunayan, lahat ng bagay na ito na kanilang sinasaliksik ay nauugnay sa kanilang pansariling interes; hindi nila isinasaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ang sarili nilang mga interes lamang. Kung sarili nilang mga interes lamang ang isinasaalang-alang ng mga tao, hindi madali para sa kanila na isagawa ang katotohanan at wala silang tunay na pagsunod sa Diyos. Anong nangyayari sa huli sa karamihan sa mga taong ito na nakikibahagi sa ganitong uri ng pagsasaliksik? Ang iba ay naghihimagsik laban sa Diyos; ibig sabihin, gumagawa sila ng mga bagay na puno ng mga negatibong damdamin, nananatiling dilat habang gumagawa. Anong uri ng disposisyon ang nagdadala ng mga emosyong ito? Ito ay panlilinlang at kasamaan; dahil malayo na ang narating sa pagiging masama, inilalaban ng mga taong ito ang kanilang sarili sa Diyos! Kapag patuloy na nagsasaliksik ang mga tao, nahahati ang kanilang atensyon, kaya’t magagampanan ba nila nang maayos ang kanilang tungkulin sa kalagayang ito? Hindi nila sinasamba ang Diyos nang may katapatan at gamit ang kanilang mga espiritu, wala silang matatapat na puso, at habang isinasagawa nila ang kanilang tungkulin, palagi silang nagbabantay at nagpipigil. Anong kahihinatnan nito? Hindi sila ginagawaan ng Diyos, anuman ang gawin nila, hindi nila mahanap ang mga prinsipyo, at anuman ang gawin nila, palagi itong nagkakamali. Bakit laging nagkakamali ang mga bagay-bagay? Minsan, hindi sa inilalantad sila ng Diyos, kundi sinisira nila ang kanilang sarili. Hindi nila binibigyan ng anumang pagsasaalang-alang ang gawain ng sambahayan ng Diyos o ang mga interes ng sambahayan ng Diyos; palagi silang nagpaplano para sa kanilang sarili at gumagawa ng mga plano para sa kanilang karangalan at katayuan. Patuloy nila itong ginagawa at pagkatapos ay nagsisimula silang lumihis. Sa pagitan ng paggawa ng mga plano para sa sarili nilang mga interes at mga inaasam sa hinaharap, at sa pagsasaalang-alang sa gawain ng sambahayan ng Diyos at mga interes ng sambahayan ng Diyos, ang bunga ba ng kanilang mga kilos ay pareho? Hindi, ang bunga ay hinding-hindi pareho. Nakalantad ang mga ito, at ang pag-uugaling ito ay hindi kabilang sa pagsasagawa ng tungkulin; ang diwa at kalikasan ng mga aksyon ng taong ito ay nagbago na. Kung ito ay kaunting pagkawala lamang, magkakaroon pa rin sila ng posibilidad na maligtas—magkakaroon pa rin sila ng pagkakataon. Ngunit kung nagsanhi ito ng malaking pagkawala, mayroon pa bang pagkakataon para sa kanila? Kung ang pinag-uusapan ay isang seryosong kaso, na nagsasanhi pa ito ng pagkagambala at mga kaguluhan, dapat palitan at tanggalin ang taong sangkot; natanggal na ang ibang tao sa mismong ganitong paraan. Natuklasan na ba ninyo kung ano ang ugat nito? Ang ugat nito ay ang palaging pag-iisip ng mga tao sa sarili nilang mga interes, at natatangay sila ng mga iyon, nang wala ni katiting na katotohanan upang magkaroon ng pundasyon, o katiting na ugali ng pagsunod sa Diyos. Kaya paano susunod ang mga tao? Narito ang isang landas sa pagsasagawa. Kapag nahaharap sila sa isang problema, ang unang naiisip ng ilang tao ay, “Kapag ginawa ko ito nang ganito, magdurusa ang mga interes ng sambahayan ng Diyos; kapag ginawa ko ito nang ganoon, hindi—subalit mapapahiya ako, at magdurusa nang matindi, kakailanganin kong gumugol ng mas maraming oras para saliksikin ang mga bagay-bagay, at sumangguni sa ibang tao.” Nag-uurong-sulong sila sa kanilang isip tungkol doon: “Maliit na bagay lang naman kung magdusa nang kaunti ang sambahayan ng Diyos. Gagawin ko ito nang ganoon, ako ang may huling salita sa bagay na ito, hindi na kailangang kausapin pa ang lahat tungkol dito.” Akala nila ay maipapakita ng ganoong pagkilos ang kanilang katayuan at halaga, na maipapakita noon sa iba na sila ay determinado, bihasa, at may kakayahan, hindi mahina, urong-sulong, at walang paninindigan—pero sa huli, kapag nagawa na ang bagay, sila pa ang nakagambala, nakaantala at nakapinsala sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at malalantad sila at maaalis. Ang mga ito ang mga magiging kalalabasan. Ngunit kung nagpasakop sila sa mga pagsasaayos at pangangasiwa ng Diyos, at umakto alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo, iba ang magiging kalalabasan. Kapag nahaharap sila sa isang problema, hindi sila ang may huling salita; sama-samang magbabahagian at magsasanggunian ang ilang tao, at sa sandaling magsimulang gumawa ang Banal na Espiritu, mabibigyan ng kaliwanagan ang puso ng mga tao, mapagtatanto nila ang kanilang mga kapintasan at kamalian sa pagkilos alinsunod sa guni-guni ng tao, makahahanap sila ng mas mabuting landas, at hindi mapipinsala ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Bagaman, habang sama-samang nagbabahagian at nagsasanggunian ang lahat, ang kanilang sari-sariling pagkakakilanlan, katayuan, kalayaan, at kagalingan ay hindi prominenteng maitatampok, hindi mapipinsala ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Kaya naman iba ang magiging kalalabasan. Kung ganoon ay papalitan pa rin ba sila? (Hindi.) Ito ay isang kaso ng pag-alala sa iyo ng Diyos. Kung kapag naharap sila sa isang problema ay kaya ng mga taong kumilos alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo, aayusin ng Diyos ang lahat nang hindi nila nalalaman. Kung palaging nagbabalak, nagkakalkula, at bumubuo ng mga pakana ang mga tao para pangalagaan ang sarili nilang mga interes, nang hindi isinasaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos o ang kalooban ng Diyos, at wala sila ni kaunting kagustuhang sumunod sa mga pagsasaayos at pangangasiwa ng Diyos—kung wala sa kanila maging ang kagustuhang ito—ano ang magiging huling kalalabasan? Sila ay mabibigo; malalantad kung ano talaga sila. Ito ba ang nararapat sa kanila? Ang ganoong mga tao ba ay karapat-dapat kaawaan? (Hindi.) Ito ang hindi maiiwasang kalalabasan ng pagpapakana para sa sarili mong mga interes.

Hinango mula sa “Tanging sa Paghahanap ng mga Prinsipyo ng Katotohanan Nagagampanan nang Maigi ng Isa ang Kanyang Tungkulin” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Takot palagi ang ilang tao na maging mas sikat sa kanila ang iba at mahigitan sila, na nagtatamo ng pagkilala habang sila naman ay kinaliligtaan. Dahil dito, inaatake at ibinubukod nila ang iba. Hindi ba ito isang kaso ng pagkainggit sa mga taong mas may kakayahan kaysa sa kanila? Hindi ba makasarili at nakasusuklam ang ganitong pag-uugali? Anong klaseng disposisyon ito? Masama ito! Sarili lang ang iniisip, sariling mga hangarin lamang ang binibigyang-kasiyahan, walang konsiderasyon sa mga tungkulin ng iba, at iniisip lamang ang sariling mga interes at hindi ang mga interes ng bahay ng Diyos—ang ganitong klaseng mga tao ay may masamang disposisyon, at hindi sila mahal ng Diyos. Kung talagang kaya mong bigyan ng konsiderasyon ang kalooban ng Diyos, magagawa mong tratuhin nang patas ang ibang mga tao. Kung binibigyan mo ng rekomendasyon ang isang tao, at nagkaroon ng talento ang taong iyon, at sa gayo’y nagdadala ka ng isa pang taong may talento sa bahay ng Diyos, hindi ba nagawa mo nang maayos ang iyong gawain? Hindi ba naging tapat ka sa pagganap sa iyong tungkulin? Magandang gawa ito sa harap ng Diyos, at ganitong klaseng konsiyensya at katwiran ang dapat taglayin ng mga tao. Yaong mga may kakayahang magsagawa ng katotohanan ay makakayang tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos sa paggawa ng mga bagay. Kapag tinatanggap mo ang pagsisiyasat ng Diyos, naitutuwid ang puso mo. Kung gumagawa ka lamang ng mga bagay para makita ng iba at hindi tinatanggap ang pagsisiyasat ng Diyos, kung gayon, nasa puso mo pa ba ang Diyos? Ang mga taong tulad nito ay walang paggalang sa Diyos. Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag isipin ang iyong sariling katayuan, katanyagan, o reputasyon. Huwag mo ring isaalang-alang ang mga interes ng tao. Kailangan mo munang isipin ang mga interes ng bahay ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos at magsimula sa pamamagitan ng pagmumuni-muni kung ikaw ay naging dalisay o hindi sa pagtupad mo sa iyong tungkulin, kung nagawa mo ang lahat ng iyong makakaya upang maging matapat, nagawa ang lahat ng iyong makakaya upang matupad ang iyong mga pananagutan, at naibigay ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo nang naisaisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng bahay ng Diyos. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Isipin mong madalas ang mga ito, at magiging higit na madali sa iyong gampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Kung mahina ang iyong kakayahan, mababaw ang iyong karanasan, o hindi ka bihasa sa iyong mga propesyunal na gawain, kung gayon ay maaaring may ilang pagkakamali o kakulangan sa iyong gawain, at maaaring hindi maging napakaganda ng mga resulta—ngunit naibuhos mo na ang iyong buong pagsisikap. Kapag hindi mo iniisip ang iyong mga makasariling paghahangad o isinasaalang-alang ang iyong mga pansariling interes sa mga bagay na ginagawa mo, at sa halip ay nagbibigay ng palagiang pagsasaalang-alang sa gawain ng tahanan ng Diyos, taglay sa isip ang mga kapakanan nito, at ginagampanan nang mahusay ang iyong tungkulin, makakaipon ka, kung gayon, ng mabubuting gawa sa harap ng Diyos. Ang mga taong gumaganap sa mabubuting gawang ito ay yaong mga may angking katotohanang realidad; sa gayon, mayroon silang patotoo. Kung lagi kang namumuhay ayon sa laman, laging binibigyang-kasiyahan ang iyong mga makasariling paghahangad, kung gayon ay walang angking buhay realidad ang mga ganoong tao; ito ang tatak ng pagdadala ng kahihiyan sa Diyos. Sinasabi mo, “Wala naman akong anumang ginagawa; paano ko nadadalhan ng kahihiyan ang Diyos?” Sa iyong mga kaisipan at ideya, sa mga intensiyon, layunin at motibo sa likod ng iyong mga pagkilos, at sa mga kinahihinatnan ng mga nagawa mo na—sa bawat paraan na binibigyang-kasiyahan mo si Satanas, pagiging katatawanan nito, at hinahayaan itong makakuha ng masamang kaalaman tungkol sa iyo. Malayong may taglay kang patotoo na dapat mayroon ka bilang isang Kristiyano. Dinudungisan mo ang pangalan ng Diyos sa lahat ng bagay at hindi ka nagtataglay ng tunay na patotoo. Maaalala ba ng Diyos ang mga bagay na nagawa mo na? Sa huli, anong konklusyon ang mabubuo ng Diyos tungkol sa iyong mga kilos at sa tungkulin na iyong ginampanan? Hindi ba’t dapat may kalabasan iyan, isang uri ng pahayag? Sa Biblia, sinasabi ng Panginoong Jesus, “Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo’y nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan Mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang kamangha-mangha? At kung magkagayo’y ipahahayag Ko sa kanila, kailan ma’y hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.” Bakit ito sinabi ng Panginoong Jesus? Bakit naging tagagawa ng masama ang mga nagpapagaling ng maysakit at nagpapalayas ng mga demonyo sa pangalan ng Panginoon, yaong mga naglalakbay para mangaral sa ngalan ng Panginoon? Sino ang mga tagagawa ng masama na ito? Sila ba ang mga yaong hindi naniniwala sa Diyos? Lahat sila ay naniniwala at sumusunod sa Diyos. Tinatalikdan din nila ang mga bagay para sa Diyos, ginugugol ang mga sarili para sa Diyos, at tinutupad ang kanilang tungkulin. Gayunman, sa pagganap ng kanilang tungkulin, kulang sila sa debosyon at patotoo, kaya nauwi na ito sa paggawa ng masama. Ito ang dahilan kaya sinasabi ng Panginoong Jesus, “Magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.”

Hinango mula sa “Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Maraming tao sa Aking likuran ang nag-iimbot sa pagpapala ng katayuan, nagpapakasasa sila sa pagkain, mahilig silang matulog at masusing pinangangalagaan ang laman, palaging natatakot na wala nang pag-asa para sa laman. Hindi nila ginagampanan ang kanilang nararapat na tungkulin sa iglesia, bagkus ay sinasamantala ang iglesia, o kaya ay pinagsasabihan ang kanilang mga kapatiran gamit ang Aking mga salita, pinaghaharian ang iba mula sa mga posisyon ng awtoridad. Palaging sinasabi ng mga taong ito na ginagawa nila ang kalooban ng Diyos at palaging sinasabi na sila ay mga kaniig ng Diyos—hindi ba ito katawa-tawa? Kung ikaw ay may tamang mga intensyon, nguni’t hindi kayang maglingkod ayon sa kalooban ng Diyos, ikaw ay nagpapakahangal; nguni’t kung ang iyong mga intensyon ay hindi tama, at sinasabi mo pa rin na ikaw ay naglilingkod sa Diyos, ikaw ay isang taong sumasalungat sa Diyos, at nararapat kang parusahan ng Diyos! Wala Akong simpatya sa mga ganoong tao! Sa bahay ng Diyos, nagsasamantala sila, palaging nag-iimbot sa mga kaginhawahan ng laman, at walang pagsasaalang-alang sa mga interes ng Diyos. Palagi nilang hinahanap kung ano ang mabuti para sa kanila, at hindi nila iniintindi ang kalooban ng Diyos. Hindi nila tinatanggap ang pagsusuri ng Espiritu ng Diyos sa anumang ginagawa nila. Palagi nilang minamaniobra at nililinlang ang kanilang mga kapatiran, at dalawa ang kanilang mukha, tulad ng isang soro sa ubasan, palaging nagnanakaw ng mga ubas at tinatapak-tapakan ang ubasan. Maaari bang maging mga kaniig ng Diyos ang gayong mga tao? Ikaw ba ay angkop na tumanggap ng mga pagpapala ng Diyos? Hindi ka nagdadala ng pasanin para sa iyong buhay at sa iglesia, ikaw ba ay angkop na tumanggap ng tagubilin ng Diyos? Sino ang mangangahas na magtiwala sa isang katulad mo? Kapag ikaw ay naglilingkod nang ganito, maaari bang mangahas ang Diyos na ipagkatiwala sa iyo ang mas malaking gawain? Hindi ba ito magdudulot ng mga pagkaantala sa gawain?

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maglingkod na Kaayon ng Kalooban ng Diyos

Sa kasalukuyan, hinihingi sa iyo na mamuno sa ilang iglesia, ngunit hindi mo lang hindi isinusuko ang sarili mo, kumakapit ka pa sa sarili mong mga kuru-kuro at palagay, nagsasabi ng mga bagay-bagay gaya ng, “Sa tingin ko dapat gawin ang bagay na ito sa ganitong paraan, dahil sinabi ng Diyos na hindi tayo dapat mapigilan ng iba at na sa mga panahong ito hindi tayo dapat animo’y bulag na magpasakop.” Samakatuwid, kumakapit ang bawat isa sa inyo sa sarili ninyong palagay, at walang sumusunod sa isa’t isa. Bagama’t malinaw ninyong alam na hindi sumusulong ang inyong paglilingkod, sinasabi pa rin ninyo, “Sa nakikita ko, hindi nalalayo sa nararapat ang paraan ko. Sa paano man, lahat tayo ay may isang panig: Magsalita ka tungkol sa panig mo, at magsasalita ako tungkol sa akin; magbahagi ka tungkol sa mga pangitain mo, at magsasalita ako tungkol sa aking pagpasok.” Hindi ninyo kailanman inaako ang responsibilidad para sa maraming bagay na dapat mapakitunguhan, o sadyang hinahayaan lamang ninyo, ibinubulalas lamang ng bawat isa sa inyo ang sarili ninyong mga palagay at maingat na pinapangalagaan ang sarili ninyong katayuan, reputasyon, at kahihiyan. Wala sa inyo ang handang magpakumbaba, at alinmang panig ay hindi magkukusang isuko ang sarili at magpuno sa mga pagkukulang ng isa’t isa upang mas mabilis na umunlad ang buhay. Kapag sama-sama kayong nag-uugnayan, dapat kayong matutong maghangad ng katotohanan. Maaari ninyong sabihing, “Hindi malinaw ang pagkaunawa ko sa aspetong ito ng katotohanan. Ano ang karanasan mo rito?” O, maaari mong sabihing, “Mas marami kang karanasan kaysa sa akin sa aspetong ito; maaari mo ba akong gabayan nang kaunti?” Hindi ba magandang paraan iyan ng pagtrato roon? Nakarinig na kayo ng maraming sermon, at may kaunting karanasan sa paglilingkod. Kung hindi kayo natututo sa isa’t isa, nagtutulungan, at nagpupuno sa mga pagkukulang ng isa’t isa kapag ginagawa ninyo ang gawain sa mga iglesia, paano kayo matututo ng mga aral? Tuwing nakakaranas kayo ng anuman, dapat kayong magbahaginan sa isa’t isa upang makinabang ang mga buhay ninyo. Bukod pa roon, dapat kayong maingat na magbahaginan tungkol sa lahat ng uri ng bagay bago gumawa ng anumang mga pagpapasya. Tanging sa paggawa nito kayo umaako ng responsibilidad para sa iglesia sa halip na basta-basta lang kumikilos. Matapos ninyong bisitahin ang lahat ng iglesia, dapat kayong magtipun-tipon at magbahaginan tungkol sa lahat ng isyung natutuklasan ninyo at anumang mga problemang naranasan ninyo sa inyong gawain, at saka kayo dapat mag-usap tungkol sa kaliwanagan at pagpapalinaw na inyong natanggap—ito ay isang kinakailangang pagsasagawa ng paglilingkod. Dapat ninyong makamit ang pagtutulungan na may pagkakaisa para sa layunin ng gawain ng Diyos, para sa pakinabang ng iglesia, at upang udyukan pasulong ang inyong mga kapatid. Dapat kayong makipag-ugnayan sa isa’t isa, binabago ng bawat isa ang isa pa at humahantong sa mas mabuting kalalabasan ng gawain, upang pangalagaan ang kalooban ng Diyos. Ito ang tunay na pagtutulungan, at tanging yaong mga gumagawa nito ang magkakamit ng tunay na pagpasok. Habang nagtutulungan, maaaring hindi naaangkop ang ilan sa mga salitang sinasabi mo, ngunit hindi iyon mahalaga. Pagbahaginan ninyo ito pagkatapos, at magkamit ng malinaw na pagkaunawa rito; huwag itong pabayaan. Pagkatapos ng ganitong uri ng pagbabahaginan, magagawa ninyong punuan ang mga pagkukulang ng inyong mga kapatid. Tanging sa pagkilos nang lalong mas malalim sa gawain nang ganito nakakatamo ng mas mabubuting kalalabasan. Bawat isa sa inyo, bilang mga taong naglilingkod sa Diyos, ay dapat na magawang ipagtanggol ang mga interes ng iglesia sa lahat ng inyong ginagawa, sa halip na isipin lang ang mga pansarili ninyong interes. Hindi katanggap-tanggap na kumilos nang mag-isa, na pinapanghina ang bawat isa. Hindi naaangkop na maglingkod sa Diyos ang mga taong umaasal nang ganoon! Mayroon ang mga ganoong tao ng isang napakasamang disposisyon; walang natitirang ni katiting na pagkatao sa kanila. Isandaang porsiyento silang si Satanas! Mga hayop sila! Kahit ngayon, nangyayari pa rin ang ganitong mga bagay sa inyo; umaabot pa kayo sa puntong inaatake ninyo ang isa’t isa tuwing nagbabahaginan, sinasadyang maghanap ng mga pagdadahilan at namumula ang buong mukha habang nagtatalo tungkol sa isang maliit na bagay, kapwa ayaw isantabi ang sarili, ikinukubli ng bawat tao mula sa kabila ang mga panloob niyang mga kaisipan, masusing pinapanood ang kabilang partido at palaging nakabantay. Angkop ba ang ganitong uri ng disposisyon sa paglilingkod sa Diyos? Kaya ba ng gawain gaya ng sa iyo na tustusan ang mga kapatid mo ng anuman? Hindi ka lang walang kakayahang gabayan ang mga tao papunta sa isang tamang landas sa buhay, ngunit ikinikintal mo pa sa iyong mga kapatid ang mga sarili mong tiwaling disposisyon. Hindi mo ba sinasaktan ang iba? Ang konsensya mo ay napakasama, at ito ay bulok hanggang sa pinakaubod! Hindi ka pumapasok sa realidad, ni isinasagawa mo ang katotohanan. Dagdag pa rito, walang-kahihiyan mong inilalantad sa iba ang maladiyablo mong kalikasan. Sadyang hindi ka marunong mahiya! Ipinagkatiwala ang mga kapatid na ito sa iyo, ngunit dinadala mo sila sa impiyerno. Hindi ka ba isang taong ang konsensya ay nabulok na? Talagang wala kang hiya!

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maglingkod Gaya ng Ginawa ng mga Israelita

Ang ilang tao ay iresponsable sa paraan ng pagtupad nila ng kanilang tungkulin. Ito ay nagreresulta sa mababang-uri na gawa na laging dapat ulitin, na may matinding epekto sa pasulong na progreso. May mga dahilan ba para rito maliban sa kakulangan sa karanasan at propesyonalismo? Ang propesyonalismo at karanasan ay unti-unting natututunan at naiipon, subalit kung ang mga tao ay may mga isyung sangkot sa kanilang disposisyon, paano dapat lutasin ang problemang ito? Kinakailangan nito na ang mga tao ay pungusin at iwasto; kinakailangan nito na subaybayan ng mga tao ang isa’t-isa at na hanapin nila ang katotohanan. Ang pinakamalaking problema na humahantong sa gawain na kailangang laging ulitin sa paggawa ng tungkulin ay hindi ang di-sapat na propesyonalismo, at hindi ito kakulangan ng karanasan; dahil ito sa pagiging mapagmagaling at sobrang yabang ng mga tao, at hindi sila nakikipagtulungan nang nagkakaisa at sa halip ay kumikilos nang mag-isa at basta na lang, na nagreresulta na kapag natapos nila ang isang bagay, ang kanilang gawa ay hindi makakatayo sa sarili nitong merito, kung kaya naging walang kabuluhan ang pagsisikap. Ano ang pinakaseryosong problema sa likod nito? (Ang tiwaling disposisyon ng tao.) Dala ng tiwaling disposisyon ang malalaking balakid. At aling mga aspeto ng tiwaling disposisyon ang nakakaapekto sa bunga ng pagganap ng tungkulin ng mga tao? (Pagmamataas at pagmamagaling.) Paano ipinapakita ang pagmamataas at pagmamagaling sa pag-uugali? Paggawa ng desisyon nang mag-isa, hindi pakikinig sa iba, hindi pagkonsulta sa iba, hindi pakikipagtulungan nang nagkakaisa, at laging gusto na may huling desisyon sa mga bagay-bagay. Kahit na may ilang mga kapatid na nagtutulungan sa paggawa ng isang partikular na tungkulin, ginagawa ng bawat isa ang kanilang sariling gawain, ang pinuno ng grupo o ang taong namumuno ay laging gustong may huling desisyon; anuman ang kanilang ginagawa, hindi sila nagkakaisang nakikipagtulungan sa iba at hindi sila nakikibahagi at marahas na sinisimulan ang mga bagay nang hindi muna nakikipagsundo sa iba. Gusto nilang makinig ang lahat sa kanila, at narito ang problema. Higit pa, kapag nakita ng iba ang problema, ngunit hindi lumabas para pigilin ang taong namumuno, sa katapusan ay nagdudulot ito ng sitwasyon kung saan kailangan ulitin ng lahat ang kanilang gawa at pinapagod ang kanilang sarili sa proseso. Kaya, may responsibilidad din ba ang ibang tao? (Oo.) Sa isang banda, ang taong namumuno ay kumikilos nang mag-isa at basta na lang, pinipilit na gawin ang mga bagay sa kanilang paraan, at walang ginagawa ang iba upang pigilin sila, at mas seryoso pa, sumusunod pa sila; hindi ba sila nagiging mga kasabwat? Kapag hindi mo pinigilan, hinarangan, o nilantad ang taong ito, sa halip ay sumunod sa kanila at pinayagan silang manipulahin ka, hindi mo ba binibigyan ng kalayaan ang gawang panliligalig ni Satanas? Tiyak na problema mo ito. Sa kabilang banda, kapag nakita mo ang problema subalit hindi ito inulat, sa halip ay sumang-ayon na lamang, hindi ba ito pagpapahayag ng kawalan ng katapatan? Oo, tiyak na ito nga iyon—isang pagpapahayag ng kawalan ng katapatan sa Diyos. Ang lubhang nagpapaseryoso sa problemang ito ay na ikaw ay laging kumikilos bilang kasabwat ni Satanas, nagseserbisyo ka bilang tauhan at tagasunod, at wala ka ni katiting na katapatan sa iyong tungkulin at responsibilidad, gayon pa man ay tapat naman kay Satanas. Pagdating sa propesyonal na kakulangan, possible na patuloy na matuto at pagsamahin ang iyong mga karanasan habang gumagawa. Ang ganitong problema ay madaling lutasin, Ang pinakamahirap na lutasin ay ang tiwaling disposisyon ng tao. Kapag hindi ito nalutas; kapag hindi niyo hinangad ang katotohanan, at sa halip ay laging umaatras at nagiging taga-sunod; at kung hindi niyo inaako ang responsibilidad; at kung may taong gumawa ng mali ay hindi niyo ito nililinaw o inilalantad at hindi niyo sila hinaharap; at kung ipapalagay niyo na ang gawain ng bahay ng Diyos bilang isang biro, isang laro; at kung hindi niyo tutuparin ang inyong tungkulin at responsibilidad, kung gayon ay laging maantala nang paulit-ulit ang progreso ng gawain. Ang ganitong paggawa ng tungkulin ay hindi matapat.

Hinango mula sa “Ang Tamang Pagtupad ng Tungkulin ay Nangangailangan ng Nagkakaisang Pakikipagtulungan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Ang ilang tao ay takot na takot sa pagpapasan ng responsibilidad. Kapag inaatasan sila ng gawain ng bahay ng Diyos, gusto nilang malaman kung kaakibat nito ang pagtanggap ng responsibilidad. Kapag may nagsasabi sa kanilang, “Talagang kailangan mong tumanggap ng kaunting responsibilidad, at tiyak na iwawasto ka kapag hindi maayos ang trabaho mo,” sinasabi nila, “Kung ganoon ay hayaan mo munang pag-isipan ko ito.” Magdamag nila itong pag-iisipan at kinabukasan ay tatanggi sila, sinasabing, “Talagang pinag-isipan ko ito nang mabuti, at pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa tungkuling ito. Palagay ko ay dapat kang maghanap ng iba.” Ano ang tinatanggihan ng taong ito? Tinatanggihan nila ang isang atas. May ilan na kapag binigyan ng trabaho ay iniisip na sa simula ay magiging madali iyon, na para bang gumagawa sila ng trabaho kasama ng mga hindi mananampalataya, ng trabahong matatapos sa kaunting pagsisikap lang. Pagkatapos, kapag nakita nila na ang trabaho ay hindi kasing dali ng inakala nila, nakakaisip sila ng isang taktika: “Para makatakas sa pagdadala ng responsibilidad, iuulat ko na lang agad ang anumang problemang makakaharap ko at hahayaang ang lider ang humarap dito. Maaari itong asikasuhin ng lider kung paano man niya gustuhin. Matatapos ko na naman ang ulat ko, kaya bahala na ang lider na umayos nito. Maaabswelto na ako sa bagay na ito. Kapag naayos nila iyon nang mabuti, mananatili sa akin ang trabahong ito, at kapag hindi, wala na akong kinalaman doon. Hindi ako iwawasto, at sa pinakamasama ay hindi iyon magiging ganoon kasama para mapaalis ako, lalo na para matiwalag sa iglesia.” Ito ang kanilang intensyon. Dahil dito, sa sandaling makaranas sila ng kaunting problema, ang tanging ginagawa nila ay tawagan ang lider at sabihin sa kanilang hindi nila ito kayang ayusin sa sarili nila. Kapag sinabi ng lider sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin, naghahanap sila ng iba pang dahilan kung bakit hindi nila ito magagawa at hinihiling sa lider na harapin ito. Kapag humaharap sa problema, hindi nila ito pinagninilayan at hindi hinahanap ang mga prinsipyo ng katotohanan sa likod nito, at hindi rin nila sinusubukang mag-isip ng paraan para ayusin ito. Sa halip, ginagawa nila ang lahat ng magagawa nila para makahanap ng lider na mag-aasikaso rito, palaging sinusubukan na bitiwan ang responsibilidad nila nang hindi pinag-iisipan kung paano nila mismo maaayos ito. Ang paggawa ba sa kanilang tungkulin sa ganitong paraan ay nagpapakita ng debosyon sa Diyos? (Hindi.) Ang tawag dito ay pagbibitiw sa responsibilidad at pagpapabaya sa kanilang tungkulin. Kumikilos sila sa isang tusong paraan at tumatangging tumanggap ng responsibilidad. Ibinibigay lang nila ang kanilang serbisyo, hindi ang kanilang puso. Iniisip nila, “Paano kung tanggapin ko ito at magkamali ako?” Ito ang sentro ng kanilang pag-aalala. Maaari mo bang subukang hindi magkamali? Lahat ng tao ay nagkakamali. Kung tama ang mga intensyon nila pero kulang sila sa karanasan, kung hindi pa sila nakakahawak ng parehong problema noon pero ginagawa pa rin ang lahat ng makakaya nila, palagay mo ba ay makikita iyon ng Diyos? Sa tingin nila ay hindi Niya iyon makikita. Sinasabi nila, “Hindi, kapag dumating ang oras, kakailanganin kong akuin ang pananagutan sa anumang pagkakamali. Ano pang pakinabang ng pagsasapuso sa pagsubok? Sino ba ang makakaalam na buong puso kong sinubukan? Sinong nakakakita nito? Hindi ba’t ako ang iwawasto? Hindi ba’t ako ang magdadala ng pangunahing responsibilidad? Saan ako puwedeng pumunta para sabihin ang mga kawalang-katarungang dinaranas ko?” Paanong magkakaroon ng kawalang-katarungan sa bahay ng Diyos? Kahit na may magwasto sa iyo nang hindi tama, nakikita iyon ng Diyos. Dapat mo iyong paniwalaan. Sinusuri ng Diyos ang lahat ng bagay, at sinusuri Niya ang mga puso ng mga tao. Kung pati iyon ay hindi mo pinaniniwalaan, hindi na mahalaga kung gagampanan mo ang iyong tungkulin o hindi. Sa takot magpasan ng responsibilidad, ang una nilang ginagawa kapag may nangyayaring problema ay maghanap ng lider. Sinasabi nila sa lider ang problema sa halip na asikasuhin at lutasin muna nila ito. Siyempre, may ilang tao na ipinapaalam ito sa lider habang inaasikaso nila ito, pero hindi ito ginagawa ng iba—matapos ipaalam sa lider, nauupo at naghihintay lamang sila sa halip na aktibong ayusin ang problema. Naghihintay sa mga utos nang walang ginagawa. Kumikilos lamang sila kapag itinuturo ng lider ang daan, at ginagawa nila kung ano lamang ang sinasabi ng lider sa kanila. Wala silang ginagawa maliban na lamang kung bibigyan sila ng tagubilin, sa halip ay nagpapaliban-liban, naghihintay na sigawan sila o pilitin silang kumilos. Talaga bang ginagawa ng ganitong klase ng tao ang kanyang tungkulin? Ni hindi ito pagtupad sa tungkulin nang may debosyon; hindi sila karapat-dapat na gumanap ng tungkulin. May ilang taong natanggal dahil taglay nila ang ugaling ito sa paggawa ng kanilang tungkulin. Kahit ngayon, maaaring hindi pa rin nila nauunawaan: “Bakit ba ako malupit na pinaalis gayong masigasig kong inilalaan ang aking sarili sa aking tungkulin?” Kahit ngayon ay hindi pa rin nila nauunawaan. Ang mga hindi naghahangad sa katotohanan ay malamang na habambuhay na hindi maunawaan ito, sa halip ay ipaliliwanag ito gamit ang sarili nilang katuwiran. Iniisip nila: “Likas sa tao ang pag-iingat sa sarili, at isa itong bagay na dapat nating gawin. Sino bang hindi nagpuprotekta sa kanilang sarili? Sino bang hindi nag-iingat sa kanilang sarili? Sino bang hindi nag-iiwan ng daan palabas para sa kanilang sarili?” Kung pinuprotektahan mo ang iyong sarili at naglalaan ka para sa iyong sarili ng daan palabas, isinasagawa mo ba ang katotohanan? Ginagawa mo na ang iyong tungkulin sa bahay ng Diyos ngayon. Ano ang unang prinsipyo ng paggawa sa tungkulin? Iyon ay dapat mo munang gawin ang tungkulin mo nang buong puso, ginagawa ang lahat upang maingatan ang mga interes ng bahay ng Diyos. Isa itong prinsipyo ng katotohanan, isang prinsipyo na dapat mong isagawa. Ang paglalaan ng daan palabas at pagpuprotekta sa sarili mo ay ang prinsipyo ng pagsasagawang sinusunod ng mga hindi mananampalataya, ang kanilang pinakamataas na pilosopiya. Ang pagsasaalang-alang muna sa sarili sa lahat ng bagay at pag-uuna sa kanilang mga interes bago ang lahat, hindi pag-sasaalang-alang sa iba, hindi pagkakaroon ng koneksyon sa mga interes ng bahay ng Diyos at mga interes ng iba, pag-iisip muna sa kanilang mga interes at pagkatapos ay pag-iisip ng daan nila palabas—hindi ba’t ganoon ang isang hindi mananampalataya? Ito mismo ang tipikal na hindi mananampalataya. Ang ganitong klase ng tao ay hindi nararapat gumanap ng tungkulin.

Hinango mula sa “Sa Kanila Lamang Nila Pasusunurin ang Iba, Hindi sa Katotohanan o sa Diyos (I)” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Ano ang disposisyon ng kawalan ng pananagutan? Ito ay ang pagiging tuso. Ang pinaka-kapansin-pansing bagay sa mga pilosopiya ng tao sa pamumuhay ay ang pagiging tuso. Iniisip ng mga tao na masasaktan nila ang damdamin ng iba at hindi mapangangalagaan ang kanilang mga sarili kung hindi sila tuso; iniisip nila na kailangan nilang maging tuso upang hindi maghinanakit o masaktan ang sinuman, sa gayon ay mapananatili nilang ligtas ang kanilang mga sarili, mapangangalagaan ang kanilang mga kabuhayan at magkakaroon ng matatag na katatayuan sa mga tao. Ganitong kumilos ang mga tao sa mundo ng mga di-mananampalataya; bakit kaya ganito pa ring kumilos ang ilang mga tao sa bahay ng Diyos? Wala silang kibo kahit na makita nilang may sumisira sa mga kapakanan ng bahay ng Diyos; mabuti pang sabihin na lang nila “Kung may ibang gustong umalma tungkol dito, hayaan ninyo sila—pero ako, hindi aalma. Hindi ko sasaktan ang damdamin ninuman at hindi ako maglalakas-loob magsalita.” Ito ay kawalan ng pananagutan at pagiging tuso at ang mga ganoong tao ay hindi dapat pinagkakatiwalaan. Upang mapangalagaan ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, reputasyon, integridad, at dignidad, magsasauli sila ng perang napulot sa may-ari nito, nagagalak sa pagtulong sa iba, inaalay ang kanilang buhay alang-alang sa isang makatuwirang layunin, ginagawa ang anuman para sa ibang tao at hindi nag-aatubiling magbayad ng anumang halaga. Subalit kapag kinakailangang pangalagaan ang mga kapakanan ng bahay ng Diyos, pangalagaan ang katotohanan at pangalagaan ang hustisya, ang lahat ng ito ay naglalaho at hindi na nila isinasabuhay ang katotohanan. Ano ang problema? May umiiral na disposisyon dito, isa na ang pagkamuhi sa katotohanan. Bakit sinasabi kong mayroon silang disposisyon ng pagkasuklam sa katotohanan? Ito ay nagsisimula sa katotohanang tumatakas at umiiwas ang mga tao sa sandaling nariyan na ang realidad ng mga positibong bagay. Bagama’t maaaring nakadarama sila ng kaunting pagsisisi, hindi nila iyon pinapansin at nais nila iyong pigilan, saka iniisip, “Hindi ko iyon gagawin—isa iyong kahangalan,” o baka iniisip nilang hindi iyon isang mahalagang bagay, at maaari nilang pag-usapan na lang iyon sa ibang pagkakataon. Tumatakas sila at nabibigong akuin ang responsibilidad pagdating sa paninindigan sa hustisya at mga positibong bagay. Nagbubulag-bulagan sila at hindi siniseryoso ang bagay na ito. Ito ay halimbawa ng kawalan ng pagmamahal sa mga positibong bagay at ng pagkamuhi sa katotohanan. Kung gayon, paano ka dapat kumilos kapag lumitaw ang problemang ito? Ano-ano ang mga prinsipyo? Kung ang isang usapin ay nauugnay sa mga kapakanan ng bahay ng Diyos o sa pagpapatotoo para sa Diyos, kinakailangan mo itong tratuhin nang seryoso kung paano mong tinatrato ang mga pansarili mong kapakanan at gawin iyon sa abot ng iyong makakaya—ito ang ugali ng isang taong nagmamahal sa katotohanan at mga positibong bagay, isang taong umaako ng responsibilidad. Kung wala kayong ganitong ugali at pabaya sa pangangasiwa ng mga bagay-bagay at iniisip ninyong “Gagawin ko ang mga bagay na saklaw ng aking sariling tungkulin ngunit wala na akong pakialam sa iba pa. Kung may tinanong ka sa akin, sasagutin kita—kung nasa kundisyon ako. Kung wala naman, hindi kita sasagutin. Ito ang ugali ko,” kung gayon, ito ang uri ng disposisyong mayroon ka. Para lamang pangalagaan ang sariling posisyon, reputasyon, pagpapahalaga sa sarili at para lamang pangalagaan ang mga bagay na may kaugnayan sa pansariling interes—pinangangalagaan ba ng isang tao kung gayon ang isang makatuwirang layunin? Pinangangalagaan ba nila ang mga positibong bagay? Ang mga maliliit at mga makasariling motibong ito ay isang disposisyon ng pagkamuhi sa katotohanan. Karamihan sa inyo ay madalas na nagpapahayag ng mga ganitong uri ng pag-uugali at sa sandaling may makaharap kayong may kaugnayan sa mga kapakanan ng pamilya ng Diyos, nagsisinungaling kayo at sinasabing “Hindi ko nakita…. Hindi ko alam…. Hindi ko pa naririnig….” Kung totoo mang hindi mo alam ang isang bagay o nagkukunwari ka lamang na hindi, sa madaling salita ay may umiiral na disposisyon dito.

Hinango mula sa “Ang Pag-unawa sa Disposisyon ng Isang Tao ang Pundasyon ng Pagbabago Nito” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Karamihan sa mga tao ay nais hanapin at isagawa ang katotohanan, ngunit kadalasan ay may pagpapasiya at hangaring lamang sila na gawin iyon; hindi nila taglay ang buhay ng katotohanan sa loob nila. Dahil dito, kapag nakahaharap sila ng masasamang puwersa o nakatatagpo ng mga taong balakyot na gumagawa ng masasama, o ng mga huwad na pinuno at anticristo na gumagawa ng mga bagay sa isang paraang lumalabag sa mga prinsipyo—sa gayon ay nagdaranas ng mga pagkalugi ang gawain ng tahanan ng Diyos, at napapahamak ang mga taong hinirang ng Diyos—nawawalan ng lakas ng loob ang mga tao na manindigan at magsalita. Ano ang ibig sabihin kapag wala kang lakas ng loob? Ibig bang sabihin niyan ay kimi ka o hindi makapagsalita? O hindi mo ito lubos na nauunawaan, at sa gayon ay wala kang tiwalang magsalita? Hindi sa ganoon; nangyari lamang na kontrolado ka ng iba’t ibang uri ng tiwaling disposisyon. Ang isa sa mga disposisyong ito ay ang pagiging tuso. Inuuna mong isipin ang iyong sarili, na nag-aakalang, “Kung magsasalita ako, paano ako makikinabang dito? Kung magsasalita ako at may sumama ang loob, paano kami magkakasundo sa hinaharap?” Tusong pag-iisip ito, hindi ba? Hindi ba’t bunga ito ng isang tusong disposisyon? Ang isa pa ay makasarili at masamang disposisyon. Iniisip mo, “Ano ang kinalaman sa akin ng kawalan ng mga kapakinabangan sa bahay ng Diyos? Bakit ako mag-aalala? Wala itong kinalaman sa akin. Kahit na makita at marinig ko itong mangyari, hindi ko kailangang gumawa ng kahit ano. Hindi ko ito pananagutan—hindi ako pinuno.” Nasa loob mo ang mga gayong bagay, na tila umusbong mula sa iyong walang malay na isip, at tila ba sumasakop sila ng mga palagiang katayuan sa iyong puso—sila ang mga tiwali at satanikong disposisyon ng tao. Kinokontrol ng mga tiwaling disposisyong ito ang iyong saloobin at itinatali ang iyong mga kamay at paa, at kinokontrol nila ang iyong bibig. Kapag may nais kang sabihin na nasa iyong puso, umaabot sa iyong mga labi ang mga salita ngunit hindi mo binibigkas ang mga ito, o, kung magsalita ka, paliguy-ligoy ang iyong mga salita, na nag-iiwan ng puwang upang makapanlinlang—sadyang hindi ka talaga nagsasalita nang malinaw. Walang naramdaman ang iba pagkatapos kang marinig, at ang suliranin ay hindi nalutas ng sinabi mo. Iniisip mo sa iyong sarili: “Nagsalita naman ako. Maalwan ang aking budhi. Natupad ko ang aking tungkulin.” Ang totoo, alam mo sa iyong puso na hindi mo sinabi ang lahat ng dapat mong sabihin, na ang sinabi mo ay walang bisa, at nananatili ang pinsala sa gawain sa bahay ng Diyos. Hindi mo natupad ang iyong tungkulin, ngunit lantaran mong sinasabi na natupad mo ang iyong tungkulin, o hindi sa iyo malinaw ang nangyayari. Hindi ka ba ganap na nasasailalim ng kontrol ng iyong tiwali at mga satanikong disposisyon kung gayon? Kahit na positibo at umaayon sa katotohanan ang iniisip mo sa iyong puso at ang mga bagay na pinaniniwalaan mong tama, hindi ikaw ang panginoon ng iyong bibig, at hindi kailanman tumutugma sa nilalaman ng iyong puso ang sinasabi mo. Laging kailangang dumaan sa iyong isip at mga kaisipan ang iyong mga salita bago mo bigkasin ang mga ito. Hindi masasabi ng iba ang kahulugan sa likod ng mga ito, at nasisiyahan ka nang husto sa sarili mo. Wala ka talagang pakialam kung nagawa man ang trabaho o hindi—ganito ka mag-isip. Kinokontrol ka ng iyong napakasama at tiwaling disposisyon; hindi ka man lang panginoon ng sarili mong bibig. Kahit nais mong magsalita nang tapat, hindi mo magawa at takot ka ring sabihin ang mga ito. Hindi mo maipangako kahit ang isang sampu-kalibo ng mga bagay na dapat mong gawin, mga bagay na dapat mong sabihin, at ang responsibilidad na dapat mong tanggapin; nakatali ang iyong mga kamay at paa sa iyong napakasama at tiwaling disposisyon. Ni hindi man lang ikaw ang namamahala. Sinasabi sa iyo ng iyong napakasama at tiwaling disposisyon kung paano magsalita, kaya ka nagsasalita sa ganyang paraan; sinasabi nito sa iyo kung ano ang gagawin, kaya ginagawa mo iyon. Sa puso mo, iniisip mo, “Magsisikap ako nang husto sa pagkakataong ito, at magdarasal ako sa Diyos. Kailangan kong manindigan at pagsabihan ang mga gumagambala sa gawain ng sambahayan ng Diyos, ang mga iresponsable sa kanilang tungkulin. Kailangan kong tanggapin ang responsibilidad na ito.” Kaya labis ka mang nahihirapan, naglalakas-loob ka na magsalita. Dahil dito, sa sandaling magalit ang ibang tao, hindi ka makakilos at umuurong ka. Ikaw ba talaga ang namumuno? Ano ang naging silbi ng lakas ng loob mo? Ano ang naging silbi ng determinasyon at matibay na kapasyahan mo? Nawalan ng silbi ang mga iyon. Siguradong maraming beses na kayong naharap sa mga sitwasyong gaya nito, at sa huli ay nagmamakaawa kayong lahat, sinasabing, “Tapos na. Hindi ko mahal ang katotohanan, mukhang natanggal na ako at wala akong kakayahang hanapin ang katotohanan.” Totoo na hindi mo mahal ang katotohanan, ngunit hinahanap mo na ba ang katotohanan? Isinasagawa mo na ba ang katotohanan? Hindi mo hinahanap ang katotohanan, ni isinasagawa ang katotohanan. Nagpapatuloy ka lamang sa pagdarasal, pinatatatag mo ang iyong determinasyon, gumagawa ka ng mga pagpapasiya, at sumusumpa. At ano ang kinalabasan ng lahat ng ito? Sunud-sunuran ka pa rin: “Hindi ko gagalitin ang sinuman, ni hindi ko sasaktan ang sinuman. Kung may isang bagay na hindi ko problema, lalayuan ko ito; hindi ako magsasalita ng anuman tungkol sa mga bagay na walang kinalaman sa akin, at gagawin ko ito para sa lahat. Kung may anumang makakasira sa sarili kong mga interes, sa aking dangal, o sa paggalang ko sa sarili, hindi ko rin iyon papansinin, at maingat kong uunawain ang lahat ng iyon; hindi ako dapat magpadalus-dalos. Ang pakong nakausli ang unang napupukpok, at hindi ako ganoon kabobo!” Lubos kang sumasailalim sa pagkontrol ng iyong mga tiwaling disposisyon ng kasamaan, katusuhan, katigasan, at pagkamuhi sa katotohanan. Sinisira ka nito, at higit ka pang nahihirapang pasanin iyon kaysa sa isinuot na Ginintuang Singsing ng Haring Unggoy. Ang pamumuhay sa ilalim ng pagkontrol ng isang tiwaling disposisyon ay lubhang nakakapagod at napakasakit! Ano ang masasabi ninyo rito: Kung hindi ninyo hinahanap ang katotohanan, madali bang iwaksi ang inyong katiwalian? Kaya bang lutasin ang suliraning ito? Sinasabi Ko sa inyo, kung hindi ninyo hinahanap ang katotohanan at naguguluhan kayo sa inyong paniniwala, walang magagawa ang kahit ilang taon pang pakikinig sa mga sermon, at kung mamamalagi kayo sa ganitong paraan hanggang sa huli, kung gayon, mapalad nang maging isa kang huwad na relihiyoso at isang Fariseo, at iyon na ang magiging wakas niyon. Kung malala pa kayo kaysa rito, maaaring may dumating na pangyayari kung saan ay mahuhulog kayo sa tukso, at mawawala sa inyo ang inyong tungkulin at pagtataksilan ninyo ang Diyos. Malalaglag ka na. Lagi kang mapapasabingit ng isang bangin! Sa ngayon, walang mas mahalaga kaysa sa paghahanap ng katotohanan. Walang silbing hanapin ang iba pang bagay.

Hinango mula sa “Yaon Lamang mga Nagsasagawa ng Katotohanan ang May Takot sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Karamihan sa mga tao ay nagiging mapagmataas kapag nagkakaroon sila ng kaunting kasanayan, at kapag mayroon silang partikular na kalakasan sa isang bagay, ang tingin nila sa sarili nila ay pambihira at nagiging kampante sila. Hindi sila nakikinig sa kahit anong sinasabi ng sinuman, pakiramdam nila ay wala silang katulad sa aspetong iyon—anong disposisyon ito? Ito ay pagmamataas at kawalan ng katwiran. Ipagpalagay na may taong gumagawa ng kanilang tungkulin, at may ibang taong nagbibigay sa kanila ng plano para roon. Sa oras na iyon, magandang-maganda ang nagiging tugon nila rito at tinatandaan nila ito, subalit nakakalimutan nila ito sa sandaling sila ay tumalikod, inilalagay ito sa likod ng kanilang isipan nang walang anumang intensyong isakatuparan ito. Anong pag-uugali ito, at anong uri ng disposisyon ito? Ito ay ang pag-aakalang mas matuwid kaysa sa iba at pagiging mapagmataas na disposisyon. Mayroon bang anumang pagmamatigas rito? May kaunting pagmamatigas at pagmamataas sa bawat tao. Kapag ang isang tao ay nakarinig ng isang bagay na tama at makatwiran mula sa isa pang tao, kapag hinarap nila ang bagay na iyon nang may katwiran ng normal na pagkatao, mararamdaman nila na dapat nilang tanggapin ang mungkahi. Nangangahulugan ba iyon na maisasagawa nila iyon? Anong uri ng pag-uugali at pag-iisip ang kailangan nila upang magawa iyon? Una sa lahat, kailangan nilang bitiwan ang dati na nilang mga guni-guni, mga paghatol, o mga maling pagkakaunawa, at pagkatapos ay makuha ang mga bagay na tama, siyasatin at pag-isipan ang mga iyon nang mabuti, magawang sumang-ayon sa mga iyon, at isagawa ang mga iyon. Ito ay hindi isang mapagmataas na ugali, kundi isang uri ng maingat at responsableng pag-uugali. Isa itong pag-uugali ng pagtanggap sa katotohanan, ng pag-ibig sa mga positibong bagay. Maaaring mukhang maganda ang mungkahi ng ibang tao sa oras na iyon, at dala ng kagustuhang hindi mapahiya o dahil sa kaunting pang-unawa noong oras na iyon, sila ay sumang-ayon dito. Tapos kalaunan, kapag sila ay nagtatrabaho na, kung ginagawa lang nila ang kailangan nilang gawin, ginagawa ang kahit anong gusto nila at isinasantabi ang mungkahing iyon, kung gayon ay isa ba itong pag-uugali ng pagsasagawa ng katotohanan? Ang ganitong klase ng ugali ay kasuklam-suklam. Sa panlabas, tumatango sila at tinatanggap ito, buong-puso pa ngang sumasang-ayon dito, sinasabing, “Ako na ang bahala rito. Huwag kang mag-alala sa kahit ano, pangako ko sa iyo, aasikasuhin ko ito. Wala ka bang tiwala sa akin? Hindi mo ba alam kung anong klase akong tao?” Mukha silang may matinding kredebilidad at integridad, hanggang sa dumating ang oras na kailangan nilang humarap sa mga bagay-bagay, doon ay nagbabago ang kanilang pag-uugali at lumilitaw ang sarili nilang mga ideya: “Ito ang palagay ko, at sa tingin ko ay maganda ang paraang ito, kaya gagawin ko ito sa sarili kong paraan.” Hindi nila naaalala ang sinabi ng ibang tao sa kanila, hindi nila iyon isinasagawa, kundi sa halip ay isinasantabi iyon. Ito ay pagmamataas at pagrerebelde; ito ay pagkabigong tanggapin ang katotohanan at pagpapahintulot na mangibabaw ang kanilang sariling kalooban. Nangingibabaw ang sarili nilang mga ideya at pananaw, at isinasantabi nila ang katotohanang prinsipyo, ang mga positibong bagay at ang mga salita ng Diyos.

Ang ilang tao ay madaling kausap sa kanilang tungkulin sa harap ng ibang tao, pero pagkatapos, hindi talaga nila ginagawa ang mga bagay sa ganoong paraan, iniisip na, “Masyadong mahirap at nakakapagod ang pagharap sa mga bagay-bagay alinsunod sa mga prinsipyo. Masyado iyong nakakaubos ng oras at nangangailangan ng napakaraming talakayan. Gagawin ko ito nang ganito para makaiwas sa abala. Kahit na hindi sila sumang-ayon, kakailanganin pa rin ng lahat na gawin ito sa paraan ko. Ang sasabihin ko ang siyang masusunod!” Anong pag-uugali ito? Ito ay pagiging tuso. Kapag sumang-ayon sila sa isang bagay sa oras na iyon, mukha silang taimtim, may pananampalataya, walang muwang at masunurin, at mukha ring kaya nilang tumanggap ng mga mungkahi ng iba at ng katotohanan. Pero nagbabago iyon kapag dumating ang oras na kailangan na nilang gumawa. Bakit sila nagbabago? Bakit bumabaliktad ang kanilang pag-uugali? Ano ang nagdudulot nito? Pakiramdam nila ay matinding pagdurusa iyon sa laman, na parang masyado iyong malaking abala. Nagiging mabigat ang kalooban nila, walang gana. Wala talaga silang pakialam sa kung anong ipinangako o sinang-ayunan nilang gawin noong oras na iyon, o kung hinaharap nila ang mga bagay-bagay alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo. Nagiging pinakamahalaga ang pagbibigay-lugod sa sarili nilang laman—ito ang nangunguna. Napupunta sa hulihan ang mga atas ng Diyos, hindi sineseryoso. Ito ba ay isang taong umaako ng responsibilidad? Ito ba ay isang taong may kredebilidad? Ito ba ay isang taong umiibig sa katotohanan? Mayroon ding ilan na sinisiguro sa harap ng tao na magagawa nila nang mabuti ang gawain para mapanatag ito; sinasabi nilang natatandaan nila ang mga prinsipyo sa pag-asikaso rito. Pero nagkakaroon ng mga problema sa sandaling simulan nila itong gawin. Sa simula pa lamang, iniisip nila, “Sa paggawa rito nang ganito, malulugi ako, masusugatan ang dignidad ko, at bababa ang tingin sa akin ng iba. Masusubok ang sarili kong kahambugan, pagpapahalaga sa sarili, katayuan at dignidad, at kung gusto kong gawin nang mabuti ang gawaing ito, kakailanganin kong pagsikapan ito nang mabuti at pag-isipan ito nang mabuti. Maaari pa ngang hindi ako makatulog o makakain nang maayos sa loob ng ilang araw. Sa pagkakataong ito ay dapat akong magsumikap, paghirapan iyon. Kailangan kong magtiis at malagpasan lang iyon. Kailangan ko itong gawin alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo, huwag magtuon sa aking kapalaluan o katayuan, bagkus ay itaguyod, una sa lahat, ang mga interes ng bahay ng Diyos.” Humaharap sila sa salamin makalipas ang ilang araw at iniisip na, “Mukhang pagod na pagod ako! Masyadong nakakapagod itong nagdaang dalawang araw, namayat ako. Hindi ako puwedeng magpatuloy nang ganito kung hindi ay ako ang pinakamahihirapan. Kailangan kong maghanap ng mas madaling paraan. Matatapos ko pa rin ito, pero hindi ako magdurusa habang ginagawa ito. Sa huli, matatapos ko ito kahit papaano lang, magpapanggap hanggang sa matapos ito.” Mula sa puntong iyon, hindi na sila nagsisikap at itinitigil na nila ang kanilang mga pagsisikap na pag-ingatan ang mga interes ng bahay ng Diyos. Iniisip nila, “Magpapatangay na lang ako sa agos. Ayos lang ito basta’t hindi nalalagay sa panganib ang mga personal kong interes.” Nagbabago ang pag-uugali nila, hindi ba? Dedikado pa rin ba sila? (Hindi.) Kaya pa rin ba nilang ibigay ang lahat sa kanilang tungkulin? Na ibigay ang pinakamatindi nilang pagsisikap? Nalantad ang kanilang pusong may pag-ibig sa sarili. Kapag nanganganib ang sarili nilang mga interes, tumitigil na sila. Kahit gaano katama ang pagkakaalam nila sa katotohanan, mas mahalaga sa kanila ang pagliligtas sa sarili nila mula sa paghihirap. Walang makakatalo sa sarili nilang mga interes. Sa sandaling may dumating na maaaring maglagay sa kanilang mga interes sa panganib, sinusukuan nila ito—ito ang pinakamataas nilang pamantayan sa pagiging isang tao. Isa ba itong responsableng pag-uugali? Hindi ba’t pagtahak ito ng maling landas? Hindi ba sila gagawa ng masasamang bagay? Para sa iba ay mukhang nagtatrabaho sila araw at gabi para matapos ang gawain nila, at ginagawa nila iyon nang mabuti. Ano ang tingin ng Diyos dito? Natatandaan ba ng Diyos ang ganitong klase ng pag-uugali? Sinisiyasat ba ng Diyos ang mga puso at isip ng mga tao? (Oo.) At ano ang natutuklasan ng Diyos sa pamamagitan ng pagsisiyasat na ito? Natutuklasan Niya ang mga taong sumusubok makipagtawaran sa kanilang tungkulin, natutuklasan Niya na mapanlinlang at masama ang puso ng mga tao, natutuklasan Niya na nananabik sila sa mga interes ng laman, na hindi nila iniibig ang katotohanan, ngunit sa halip sila ay sawa na sa katotohanan. Makikita ba ng mga tao ang mga bagay na ito sa mga sarili lang nila? (Hindi, hindi nila makikita.) Bakit hindi? Ang mga bagay na nasa loob nila na inaasahan nila para sa kaligtasan ng kanilang buhay ay ang mga tiwaling disposisyon ni Satanas, at ang kanilang kakanyahan ay ang kakanyahan ni Satanas. Umaasa ang mga tao sa mga bagay na ito sa kanilang buhay, at nakakasanayan na nila ang pagtataguyod sa sarili nilang reputasyon, katayuan, dignidad, at ang kanilang mga interes na sa laman. Samakatuwid, ang pag-uudyok sa kanila na isagawa ang katotohanan, na harapin ang mga bagay alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos at mga katotohanang prinsipyo, na itaguyod ang mga interes ng bahay ng Diyos, na sumunod sa Diyos, na ganap na sundin ang mga salita ng Diyos, na kumilos alinsunod sa kalooban ng Diyos at alinsunod sa mga hinihingi at mga pamantayan ng katotohanan ay masyadong mahirap para sa kanila—ito ay masyadong mabigat.

Hinango mula sa “Ang Pag-unawa sa Disposisyon ng Isang Tao ang Pundasyon ng Pagbabago Nito” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Kung may natuklasan kang suliranin habang ginagampanan mo ang iyong tungkulin, dapat mo itong lutasin; ang mga hindi nalutas na suliranin ay mananatili magpakailanman at mas lumalala habang tumatagal. Ano ang ibig Kong sabihin sa mas lumalala? Ang ibig Kong sabihin, kung hindi mo lulutasin ang iyong suliranin, maaapektuhan nito ang iyong kalagayan, at maaapektuhan din nito ang ibang mga tao. Habang lumilipas ang panahon, pahihintuin ka ng iyong problema sa mahusay na paggawa ng iyong tungkulin, pag-unawa sa katotohanan, at paglapit sa Diyos. Hindi nga ba mga usapin ang lahat ng ito? Ito ay mabigat na suliranin, hindi lamang ito maliit. Ang mga hinaing ng isang tao, hinanakit, mga maling paniniwala tungkol sa Diyos, mga maling pagkaunawa tungkol sa sambahayan ng Diyos, mga maling palagay tungkol sa iba, at pagkalayo mula sa mga tao—sa paglipas ng panahon, ano ang kanilang kahihinatnan habang ang mga bagay na ito ay naiipon nang naiipon sa kalooban? Inaakay ka ba nila patungo sa landas ng pagpasok sa katotohanang realidad, o inaakay ka ba nila patungo sa landas ng masasamang tao? Sa landas na iyon, bubuti ka ba nang bubuti o palala ka nang palala? (Palala nang palala.) Gaano pa kalala? Kapag naipon ang mga bagay na ito sa kalooban ng mga tao sa paglipas ng mahabang panahon, ang kanilang pananampalataya ay unti-unting naglalaho; kapag ang tinatawag na pananampalataya nila ay naglaho, gayundin ang kanilang kasiglahan. Sa oras na ang kanilang kasiglahan ay nawala na, hindi ba’t pabawas din nang pabawas ang kanilang lakas at paghahangad na tuparin ang kanilang mga tungkulin? Hindi na nila nararamdaman ang kagalakan sa pananampalataya sa Diyos, ni nararamdaman ang Kanyang mga pagpapala habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin; dahil doon, hindi nila kayang maging malakas sa panloob, at sila ay napupuno at pinamamahalaan ng mga hinaing, pagkanegatibo, mga kuro-kuro at mga maling paniniwala. Kapag namumuhay sila sa mga bagay na ito, at nababalot at pinamamahalaan ng mga iyon, ang tangi nilang magagawa kapag ginagampanan ang kanilang mga tungkulin ay ang pilitin ang kanilang mga sarili, nagtitiis at basta na lang gumagawa nang walang kasiglahan; sa lahat ng kanilang ginagawa, dapat silang umasa sa pagtitiyaga at pagpipigil sa sarili. Hindi nila nakikita ang patnubay ng Diyos o ang Kaniyang mga pagpapala. Kaya, ano ang susunod? Gaano man nila isinasagawa ang kanilang mga tungkulin, hindi nila matagpuan ang mga prinsipyo. Habang nagpapatuloy sila, lalo silang naguguluhan at nalilito sa daang pasulong, at nawawala ang lahat ng kanilang kasiglahan sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin.

Hinango mula sa “Ang Pagkakaroon ng Wangis ng Tao ay Nangangailangan ng Maayos na Pagtupad ng Iyong Tungkulin Nang Buong Puso, Isip, at Kaluluwa” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.