Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Kabanata 2 Ang mga Katotohanan Tungkol sa mga Pangalan ng Diyos

2. Bakit Tinatawag ang Diyos sa Iba’t Ibang Pangalan sa Iba’t Ibang Kapanahunan?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng mga bagong gawain at Siya ay tinatawag sa bagong pangalan; paano Niya naisasagawa ang parehong gawain sa magkaibang kapanahunan? Paano Siya nananatili sa luma? Ang pangalan ni Jesus ay ginamit para sa gawain ng pagtubos, kaya matatawag pa rin ba Siya sa parehong pangalan kapag Siya ay bumalik sa mga huling araw? Isasagawa pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit iisa lang si Jehova at si Jesus, nguni’t Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan sa magkaibang kapanahunan? Hindi ba dahil magkaiba ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain? Maaari bang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan ang iisang pangalan lamang? Sa paraang ito, nararapat na tawagin ang Diyos sa ibang pangalan sa ibang kapanahunan, at nararapat gamitin ang pangalan upang baguhin ang kapanahunan at kumatawan sa kapanahunan. Dahil walang anumang pangalan ang ganap na makakatawan sa Diyos Mismo, at ang bawat pangalan ay maaari lang kumatawan sa pansamantalang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa isang tiyak na kapanahunan; ang kailangan lang nitong gawin ay kumatawan sa Kanyang gawain. Samakatuwid, maaaring mamili ang Diyos ng anumang pangalan na angkop sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

“Jehova” ang pangalan na Aking ginamit sa kapanahunan ng Aking gawain sa Israel, at ito ay nangangahulugang ang Diyos ng mga Israelita (ang hinirang na bayan ng Diyos) na maaaring maawa sa tao, sumpain ang tao, at gumabay sa buhay ng tao. Nangangahulugan ito na ang Diyos na may angking dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. Ang “Jesus” ay Emmanuel, at ito’y nangangahulugang ang handog para sa kasalanan na puspos ng pagmamahal, puspos ng habag, at tumutubos sa tao. Ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at kinakatawan ang Kapanahunan ng Biyaya, at maaari lamang katawanin ang isang bahagi ng plano ng pamamahala. Na ang ibig sabihin, tanging si Jehova ang Diyos ng hinirang na bayan ng Israel, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ang Diyos ni Moises, at ang Diyos ng lahat ng tao ng Israel. At sa gayon sa kasalukuyang kapanahunan, lahat ng Israelita maliban sa tribo ni Juda ay sumasamba kay Jehova. Nag-aalay sila sa Kanya ng mga hain sa altar, at naglilingkod sa Kanya na suot ang mga mahahabang damit ng mga pari sa templo. Ang inaasahan nila ay ang pagpapakitang muli ni Jehova. Tanging si Jesus ang Manunubos ng sangkatauhan. Siya ang handog para sa kasalanan na tumubos sa sangkatauhan mula sa kasalanan. Na ang ibig sabihin, ang pangalan ni Jesus ay nanggaling sa Kapanahunan ng Biyaya, at umiral dahil sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalan ni Jesus ay umiral upang hayaan ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya na muling maisilang at maligtas, at isang tanging pangalan para sa pagtubos ng buong sangkatauhan. At sa gayon ang pangalan ni Jesus ay kumakatawan sa gawain ng pagtubos, at tumutukoy sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalang Jehova ay isang tanging pangalan para sa mga tao sa Israel na namuhay sa ilalim ng kautusan. Sa bawa’t kapanahunan at bawa’t yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang-basehan, subali’t may taglay na kumakatawang kabuluhan: Bawa’t pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang “Jehova” ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, at ito ay pamimitagan para sa Diyos na sinasamba ng bayan ng Israel. Ang “Jesus” ang kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang pangalan ng Diyos ng lahat niyaong natubos noong Kapanahunan ng Biyaya. Kung pinananabikan pa rin ng tao ang pagdating ni Jesus na Tagapagligtas sa panahon ng mga huling araw, at umaasa pa rin na Siya ay darating sa larawan na Kanyang tinaglay sa Judea, samakatwid ang buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ay titigil sa Kapanahunan ng Pagtubos, at hindi na makakayang sumulong pa. Ang mga huling araw, bukod diyan, kailanman ay hindi na darating, at ang kapanahunan ay hindi na matatapos kailanman. Iyon ay dahil si Jesus na Tagapagligtas ay para lamang sa pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan. Ginamit Ko ang pangalang Jesus para sa kapakanan ng lahat ng makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya, at hindi ito ang pangalan na kung saan sa pamamagitan nito ay Aking dadalhin ang buong sangkatauhan sa katapusan. Bagaman ang Jehova, Jesus, at ang Mesiyas ay kumakatawang lahat sa Aking Espiritu, ang mga pangalang ito ay tumutukoy lamang sa iba’t ibang mga kapanahunan sa Aking plano ng pamamahala, at hindi kumakatawan sa Akin sa Aking kabuuan. Ang mga pangalan na siyang itinatawag sa Akin ng mga tao sa lupa ay hindi nakakapagpaliwanag nang malinaw ng Aking buong disposisyon at ng lahat-lahat ng kung ano Ako. Ang mga iyon ay iba’t ibang mga pangalan lamang na katawagan sa Akin sa iba’t ibang kapanahunan. At sa gayon, kapag ang panghuling kapanahunan—ang kapanahunan ng mga huling araw—ay dumarating, ang Aking pangalan ay magbabagong muli. Hindi Ako tatawaging Jehova, o Jesus, lalo nang hindi Mesiyas, kundi tatawagin Akong ang Makapangyarihang Diyos Mismo, at sa ilalim ng pangalang ito wawakasan Ko ang buong kapanahunan.

—mula sa “Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Minsan na Akong nakilala bilang Jehova. Ako ay tinawag ding ang Mesiyas, at minsan na Akong tinawag ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas sapagka’t minahal at iginalang nila Ako. Subali’t ngayon hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao sa nakalipas na mga panahon—Ako ang Diyos na nagbalik na sa mga huling araw, ang Diyos na magdadala sa kapanahunan sa katapusan. Ako ang Diyos Mismo na tumatayo sa mga dulo ng mundo, puno ng Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan at kaluwalhatian. Kailanman ay hindi nakipag-ugnayan sa Akin ang mga tao, kailanma’y hindi Ako nakilala, at palaging walang-alam tungkol sa Aking disposisyon. Mula sa pagkalikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isang tao ang nakakita na sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw nguni’t nakatago sa gitna ng tao. Siya ay naninirahan kasama ng tao, tunay at totoo, tulad ng nagniningas na araw at naglalagablab na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Walang isa mang tao o bagay na hindi mahahatulan ng Aking mga salita, at walang isa mang tao o bagay na hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, ang lahat ng bansa ay mapapagpala dahil sa Aking mga salita, at madudurog din nang pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, makikita ng lahat ng tao sa mga huling araw na Ako ang Tagapagligtas na bumalik, Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa buong sangkatauhan, at para sa tao Ako ay minsang ang handog para sa kasalanan, subali’t sa mga huling araw Ako rin ay nagiging mga ningas ng araw na tumutupok sa lahat ng bagay, gayundin ay ang Araw ng pagkamatuwid na nagbubunyag ng lahat ng bagay. Ganoon ang Aking gawain ng mga huling araw. Ginamit Ko ang pangalang ito at angkin Ko ang disposisyong ito upang maaaring makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, at Ako ay ang nagliliyab na araw, at ang nagniningas na apoy. Ito ay gayon upang ang lahat ay maaaring sumamba sa Akin, ang tanging tunay na Diyos, at sa gayon maaaring makita nila ang Aking tunay na mukha: Ako ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, at hindi rin Ako basta ang Manunubos—Ako ang Diyos ng lahat ng nilikha sa buong kalangitan at lupa at karagatan.

—mula sa “Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinasabi ng iba na ang pangalan ng Diyos ay hindi nagbabago, kaya’t bakit ang pangalan ni Jehova ay naging Jesus? Nahulaan na ang pagdating ng Mesiyas, kaya bakit dumating ang isang tao na may pangalang Jesus? Bakit nagbago ang pangalan ng Diyos? Hindi ba ang gayong gawain ay isinakatuparan na noong matagal na? Hindi ba nakakagawa ang Diyos ngayon ng bagong gawain? Ang gawain ng kahapon ay nababago, at ang gawain ni Jesus ay nakakasunod mula roon kay Jehova. Hindi ba kung gayon nasusundan ang gawain ni Jesus ng isa pang gawain? Kung ang pangalan ni Jehova ay napapalitan ng Jesus, kung gayon hindi ba ang pangalan ni Jesus ay napapalitan din? Ito’y hindi di-karaniwan, at iniisip nga ang ganoon ng tao[a] dahil lamang sa kanilang kakitiran ng isip. Ang Diyos ay palaging magiging Diyos. Hindi alintana ang mga pagbabago sa Kanyang gawain at Kanyang pangalan, ang Kanyang disposisyon at karunungan ay nananatiling di-nagbabago magpakailanman. Kung naniniwala ka na ang Diyos ay matatawag lamang sa pangalang Jesus, kung gayon kakaunti lamang ang iyong nalalaman. Lakas-loob mo bang iginigiit na ang Jesus ay magpakailanmang ang pangalan ng Diyos, na ang Diyos ay magpakailanman at laging magpapatuloy na tatawagin sa pangalang Jesus, at ito’y hindi kailanman magbabago? Lakas-loob mo bang iginigiit nang may katiyakan na ang pangalan ni Jesus yaong tumapos sa Kapanahunan ng Kautusan at tatapos din sa huling kapanahunan? Sino ang nakapagsasabi na nawawakasan ng biyaya ni Jesus ang kapanahunan?

—mula sa “Paano Makatatanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Limitado ang Pagkaintindi tungkol sa Diyos?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kung sakaling palaging pareho ang gawain ng Diyos sa bawat kapanahunan, at Siya ay palaging tinatawag sa parehong pangalan, paano Siya makikilala ng tao? Ang Diyos ay nararapat na tawaging Jehova, at maliban sa Diyos na tinatawag na Jehova, ang isang tinatawag sa anumang ibang pangalan ay hindi Diyos. Kung hindi, ang Diyos ay maaari lang tawaging Jesus, at ang Diyos ay hindi maaaring tawagin sa ibang mga pangalan maliban sa Jesus; maliban kay Jesus, hindi Diyos si Jehova, at ang Makapangyarihang Diyos ay hindi rin Diyos. Naniniwala ang tao na ang Diyos ay tunay na makapangyarihan, nguni’t ang Diyos ay isang Diyos na kapiling ang tao, nararapat Siyang tawaging Jesus, dahil ang Diyos ay kapiling ang tao. Ang gawin ito ay pagsunod sa doktrina at pagkulong sa Diyos sa isang saklaw. Kaya, ang gawain na isinasagawa ng Diyos sa bawat kapanahunan, ang pangalan kung saan Siya ay tinatawag, at ang anyong Kanyang kinukuha—ang gawain na Kanyang ginagawa sa bawat yugto hanggang ngayon—ang mga ito ay hindi sumusunod sa iisang alituntunin, at hindi sumasailalim sa anumang paghihigpit. Siya ay si Jehova, nguni’t Siya rin ay si Jesus, gayundin ang Mesiyas, at ang Makapangyarihang Diyos. Ang Kanyang gawain ay maaaring sumailalim sa unti-unting pagbabago, nang may mga katumbas na pagbabago sa Kanyang pangalan. Walang iisang pangalan ang maaaring kumatawan nang ganap sa Kanya, nguni’t ang lahat ng pangalan kung saan Siya ay tinatawag ay maaaring kumatawan sa Kanya, at ang gawain na Kanyang isinasagawa sa bawat kapanahunan ay kumakatawan sa Kanyang disposisyon.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang gawain na isinagawa ni Jesus ay kumatawan sa pangalan ni Jesus, at kumatawan ito sa Kapanahunan ng Biyaya; para sa gawain na isinagawa ni Jehova, ito ay kumatawan kay Jehova, at kumatawan sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang Kanilang gawain ay gawain ng isang Espiritu sa dalawang magkaibang kapanahunan. … Kahit na Sila ay tinatawag sa dalawang magkaibang pangalan, ang parehong yugto ng gawain ay isinagawa ng iisang Espiritu, at ang gawain na isinagawa ay tuluy-tuloy. Dahil magkaiba ang pangalan, at ang nilalaman ng gawain ay magkaiba, ang kapanahunan ay magkaiba rin. Nang dumating si Jehova, iyon ang kapanahunan ni Jehova, at nang dumating si Jesus, iyon ang kapanahunan ni Jesus. At kaya, sa bawat pagkakataon na dumarating ang Diyos, Siya ay tinatawag sa iisang pangalan, kinakatawan Niya ang isang kapanahunan, at Siya ay nagbubukas ng bagong daan; at sa bawat bagong daan, Siya ay gumagamit ng bagong pangalan, na nagpapakita na ang Diyos ay laging bago at di kailanman luma, at ang Kanyang gawain ay patuloy na umuunlad pasulong. Ang kasaysayan ay patuloy na sumusulong, at ang gawain ng Diyos ay patuloy na sumusulong. Upang marating ang katapusan ng Kanyang anim na libong taong plano sa pamamahala, nararapat itong patuloy na umunlad pasulong. Kailangan Niyang magsagawa ng bagong gawain sa bawat araw, kailangan Niyang magsagawa ng bagong gawain sa bawat taon; kailangan Niyang magbukas ng mga bagong daan, mga bagong kapanahunan, magsimula ng bago at higit na malaking mga gawain, at magdala ng mga bagong pangalan at gawain.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Talababa:

a. Ang nakasaad sa orihinal na teksto ay “na siyang.”

Sinundan:Bakit May mga Pangalan ang Diyos, at Maaari bang Kumatawan ang Isang Pangalan sa Kabuuan ng Diyos?

Sumunod:Ano ang Gawain ng Pamamahala sa Sangkatauhan?

Baka Gusto Mo Rin