Bakit hindi maaaring magkamit ng pagbabago ng disposisyon at kaligtasan ang isang taong walang kaalaman tungkol sa sarili
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Nagsisimula ang pagbabago ng disposisyon ng tao sa kaalaman ng kanyang diwa at sa pamamagitan ng mga pagbabago sa kanyang pag-iisip, kalikasan, at pangkaisipang pananaw—sa pamamagitan ng mga pangunahing pagbabago. Tanging sa ganitong paraan lamang makakamtan ang mga tunay na pagbabago sa disposisyon ng tao. Nagmumula ang tiwaling disposisyon ng tao sa pagkalason at pagyurak sa kanya ni Satanas, mula sa napakalaking pinsalang idinulot ni Satanas sa kanyang pag-iisip, moralidad, kaunawaan, at katinuan. Sumasalungat ang tao sa Diyos at hindi nauunawaan ang katotohanan dahil mismo nagawa nang tiwali ni Satanas ang mga pangunahing bagay ng tao, at lubhang hindi na katulad ng orihinal na pagkakalikha ng Diyos sa kanila. Sa gayon, dapat magsimula ang mga pagbabago sa disposisyon ng tao sa mga pagbabago sa kanyang pag-iisip, kaunawaan, at katinuan na siyang magbabago ng kanyang pagkakilala sa Diyos at kanyang pagkakilala sa katotohanan. Mas lalong ignorante sa kung ano ang Diyos o sa kung ano ang kahulugan ng paniniwala sa Diyos yaong isinilang sa pinakamalubhang natiwali sa lahat ng lupain. Mas tiwali ang mga tao, mas kakaunti ang kanilang kaalaman sa pag-iral ng Diyos, at mas mahina ang kanilang katinuan at kaunawaan. Ang ugat ng pagsalungat at pagiging mapanghimagsik ng tao laban sa Diyos ay ang kanyang katiwalian sa pamamagitan ni Satanas. Dahil sa katiwalian ni Satanas, naging manhid ang konsensiya ng tao; imoral siya, masama ang kanyang mga saloobin, at paurong ang kanyang pangkaisipang pananaw. Bago siya ginawang tiwali ni Satanas, likas na tumatalima sa Diyos ang tao at sumusunod sa Kanyang mga salita pagkatapos marinig ang mga ito. Siya ay likas na may maayos na katinuan at konsensiya, at may normal na pagkatao. Matapos gawing tiwali ni Satanas, pumurol at pinahina ni Satanas ang orihinal na katinuan, konsensiya, at pagkatao ng tao. Sa gayon, nawala niya ang kanyang pagkamasunurin at pag-ibig sa Diyos. Nalihis ang katinuan ng tao, naging katulad na ng sa hayop ang kanyang disposisyon, at nagiging mas madalas at mas matindi ang kanyang pagiging mapanghimagsik sa Diyos. Nguni’t hindi pa rin ito batid ni kinikilala ng tao, at basta na lamang siyang sumasalungat at naghihimagsik. Ibinubunyag ng mga pagpapahayag ng kanyang katinuan, kaunawaan, at konsensiya ang disposisyon ng tao; dahil wala sa ayos ang kanyang katinuan at kaunawaan, at sukdulan nang pumurol ang kanyang konsensiya, kaya mapanghimagsik laban sa Diyos ang kanyang disposisyon. Kung hindi mababago ang katinuan at pananaw ng tao, hindi posible ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon, at ganoon din ang pagsunod sa kalooban ng Diyos. Kung hindi maayos ang katinuan ng tao, hindi niya maaaring paglingkuran ang Diyos at hindi siya akmang gamitin ng Diyos. Tumutukoy “ang normal na katinuan” sa pagsunod at pagiging tapat sa Diyos, sa paghahangad sa Diyos, sa pagiging ganap tungo sa Diyos, at sa pagkakaroon ng konsensiya tungo sa Diyos. Tumutukoy ito sa pagiging isa sa puso at isip tungo sa Diyos, at hindi pasadyang lumalaban sa Diyos. Hindi ganito ang pagkakaroon ng lihis na katinuan. Mula noong ginawang tiwali ni Satanas ang tao, nakabuo na siya ng mga kuru-kuro ukol sa Diyos, at wala siyang katapatan sa Diyos o paghahangad sa Kanya, at lalo na ang pagkakaroon ng konsensiya tungo sa Diyos. Sadyang sinasalungat at hinahatulan ng tao ang Diyos, at, bukod pa riyan, pumupukol sa Kanya ng mga pagtuligsa sa Kanyang likuran. Hinahatulan ng tao ang Diyos nang patalikod, nang may malinaw na kaalamang Siya ang Diyos; walang intensiyon ang tao na sundin ang Diyos, at gumagawa lamang ng mga bulag na kahilingan at pakiusap sa Kanya. Ang gayong mga tao—mga taong may lihis na katinuan—ay walang kakayahang makilala ang sarili nilang pag-uugaling kasuklam-suklam o ang pagsisihan ang kanilang pagiging mapanghimagsik. Kung may kakayahan ang mga taong makilala ang mga sarili nila, bahagya nilang nabawi na ang kanilang katinuan; habang mas naghihimagsik sa Diyos ang mga taong hindi pa nakakikilala sa mga sarili nila, mas wala sa ayos ang kanilang katinuan.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos
Bawat bagay na umiiral sa ating puso ay salungat sa Diyos. Kabilang dito ang mga bagay na sa palagay natin ay mabuti, at maging yaong mga pinaniniwalaan na nating positibo. Nailista na natin ang mga bagay na ito bilang mga katotohanan, bilang bahagi ng normal na pagkatao, at bilang mga positibong bagay; gayunpaman, sa pananaw ng Diyos, ito ay mga bagay na Kanyang kinapopootan. Hindi masusukat ang agwat sa pagitan ng iniisip natin at ng katotohanang sinasambit ng Diyos. Kaya, dapat nating kilalanin ang ating sarili. Mula sa ating mga ideya, pananaw, at kilos hanggang sa natanggap nating edukasyong pangkultura, bawat bagay ay nararapat na pakasaliksikin at lubos na suriin. Ilan sa mga bagay na ito ay mula sa kapaligirang panlipunan, ilan ay mula sa mga pamilya, ilan ay mula sa edukasyong natamo sa paaralan, at ilan ay mula sa mga aklat. Ang ilan ay mula rin sa ating mga guni-guni at kuru-kuro. Ang ganitong mga bagay ang pinakanakakatakot, sapagka’t ginagapos at pinipigilan ng mga ito ang ating mga salita at kilos, pinangingibabawan ang ating mga isipan, at ginagabayan ang mga motibo, layunin, at mithiin natin sa ating mga ginagawa. Kung hindi natin tutuklasin ang mga bagay na ito, hindi natin kailanman lubos na tatanggapin ang mga salita ng Diyos sa ating kalooban, at hindi natin kailanman tatanggapin nang walang pag-aatubili ang mga ipinagagawa ng Diyos at isasagawa ang mga ito. Hangga’t nagkikimkim ka ng mga sarili mong ideya at pananaw, at matitibay na paniniwala sa mga bagay na pinaniniwalaan mong tama, hindi mo kailanman tatanggapin ang mga salita ng Diyos nang ganap o walang pag-aalinlangan, ni isasabuhay ang mga ito sa orihinal nilang anyo; tiyak na isasabuhay mo lamang ang mga ito matapos mong pagbulayan ang mga ito sa iyong isipan. Ganito mo gagawin ang mga bagay-bagay, at ito rin ang magiging paraan mo para tulungan ang iba: Maaari ka pa ring magbahagi tungkol sa mga salita ng Diyos, ngunit palagi mo itong mahahaluan ng mga sarili mong dumi, at iisipin mong ito ang ibig sabihin ng pagsasagawa ng katotohanan, na naunawaan mo na ang katotohanan, at na taglay mo na ang lahat. Hindi ba’t kaawa-awa ang kalagayan ng tao? Hindi ba nakakatakot ito? Hindi sapat ang isa o dalawang salita para sabihin ang mga bagay na ito sa kanilang kabuuan, o upang gawing malinaw ang mga ito. Mayroon, siyempreng, maraming iba pang mga bagay sa buhay, tulad ng higit sa isang daang lason ni Satanas na nabuod kanina. Nauunawaan mo ang mga salita, ngunit paano mo susukatin ang iyong sarili sa mga ito? Nagawa mo na bang pagtuunan ang pagmuni-muni sa sarili? Hindi ba’t may bahagi ka rin sa mga lasong ito? Sinasalamin rin ng mga ito kung paano ka mag-isip, hindi ba? Kapag gumagawa ka ng mga bagay-bagay, hindi ka rin ba umaasa sa mga lasong ito? Kailangan mong maghukay nang malalim sa personal mong karanasan, at sukatin ito laban sa mga salitang iyon. Kung panandalian lamang nating babasahin o susulyapan ang listahan ng mga lason ni Satanas at pagkatapos ay ilalapag ito, walang pag-iisip lamang na babasahin ang mga salita ng Diyos, hindi naiuugnay sa realidad ang mga iyon o nakikita ang totoo nating kalagayan at sumusunod lamang sa titik at mga patakaran ng mga salita ng Diyos sa ang ating pagsasagawa habang ipinapalagay na nagsasagawa tayo ng katotohanan—ganoon ba ito kasimple? Ang mga tao ay may buhay: Lahat sila ay may mga saloobin, at ang mga bagay sa loob ng kanilang mga saloobin ay nag-uugat sa kanilang mga puso. Kapag kumilos ang isang tao, siguradong lilitaw ang mga bagay na ito, sapagkat ang mga ito ay naging buhay na ng taong iyon. Samakatuwid, sa bawat bagay na ginagawa mo, mayroong pananaw at prinsipyong namamahala kung paano mo ito ginagawa, na pinapatnubayan ang iyong paraan. Kapag kumikilos ka, malalaman mo kung mayroon o wala ng mga gayong bagay sa loob mo. Ngayon, siyempre, habang sinusuri mo ang iyong mga saloobin at pananaw, pakiramdam mo ay parang wala naman doong pagkapoot sa Diyos; sa palagay mo ay totoo ka at tapat, higit pa sa handang gawin ang iyong tungkulin, may kakayahang magsakripisyo at gugulin ang sarili para sa Diyos, at ikaw ay medyo malakas sa bawat lugar. Ngunit, kung susubukin ba ng Diyos ang iyong kaginhawaan, o magpapagawa sa iyo ng gawain, o may gagawin ang Diyos na pangyayari sa iyo, paano mo iyon haharapin? Sa ganoong panahon, ang mga saloobin mo at pananaw ay hindi-mapigilang dadagsa palabas, na para bang nasira ang mga bakuran; hindi mo sila mapipigilan—wala sa iyong mga kamay—at, kamuhian mo man ang mga ito, palabas pa ring dadagsa ang mga ito, pagdagsa ng mga bagay na lahat ay lumalaban sa Diyos. Kapag sinabi mo, “Bakit wala akong magawa dito? Ayokong labanan ang Diyos, kaya bakit ko gagawin ito? Ayokong magpataw ng paghatol sa Diyos, at ayokong magkaroon ng mga kuru-kuro sa kung ano ang Kanyang ginagawa, kaya paano ako magkakaroon ng gayong mga kuru-kuro?”—iyan ang panahong dapat mong pagsikapang kilalanin ang iyong sarili, suriin kung ano ang nasa loob mo na lumalaban sa Diyos, at kung ano sa loob mo ang may galit at lumalaban sa gawaing ginagawa Niya sa kasalukuyan.
Hinango mula sa “Makikilala Mo ang Iyong Sarili sa Pamamagitan Lamang ng Pagkilala sa Iyong mga Maling Pananaw” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw
May ilang kalagayan sa loob ng mga tao na, kung hindi nila nauunawaan ang mga iyon at hindi nila nadamang mali ang mga ito, kung ganoon, gaano man sila katapat na nagsisikap o gaano man sila kasigasig, maaari silang madapa isang araw. Kung sabagay, kakaunting tao lang ang kayang magtamo ng katotohanan. Ang pag-unawa sa katotohanan ay hindi isang simpleng bagay. Inaabot ng mahabang panahon para maunawaan ang kahit kaunti noon, mahabang panahon para magtamo ng kaunting kaalaman mula sa karanasan, para magkamit ng bahagyang dalisay na pagkaunawa o para magkamit ng kaunting liwanag. Kung hindi mo lulutasin ang lahat ng karumihan sa loob mo, ang kaunting liwanag na iyon ay maaaring matabunan anumang oras o lugar. Ang pangunahing paghihirap ng tao ngayon ay na bawat tao ay may ilang imahinasyon, kuru-kuro, pagnanasa at hungkag na mga mithiin sa kaibuturan nila na hindi magawang tuklasin ng mismong mga sarili nila. Palaging sumasama ang mga ito sa mga tao bilang mga karumihan sa loob nila. Ito ay tunay ngang mapanganib, at anumang oras ay posibleng maglabas ang mga tao ng mga hinanakit. Napakaraming karumihan sa loob ng tao. Kahit na maaaring may mabubuting adhikain ang mga tao, nagnanais silang maghangad ng katotohanan at taimtim na maniwala sa Diyos, hindi pa nila ito kayang makamit. Madalas mangyari ang ganitong klase ng bagay sa karanasan ng bawat tao: Nakahaharap sila ng isang maliit na bagay, at iniisip ng iba na dapat ay magawa nilang bitiwan ito nang mabilis. Bakit hindi nila magawa? Bakit kadalasan ay sila na masasabing may karanasan, na mukhang malakas para sa iba, at mayroong malinaw na pag-iisip ang nadarapa kapag nahaharap sila sa isang maliit na bagay, at nadarapa nang napakabilis? Ang tao ay tunay na nasa ilalim ng pagiging pabagu-bagu ng kapalaran; paano kaya niya iyon mahuhulaan? Sa loob ng bawat tao, mayroong ilang bagay na handa silang hangarin at tamuhin, at ang bawat isa ay mayroong mga kanya-kanyang kagustuhan. Kadalasan, hindi ito kayang unawain ng mga tao sa kanilang mga sarili, o pinaniniwalaan nilang ayos lang ang mga bagay na ito, na walang mali sa mga ito. Pagkatapos, isang araw, darating ang isang bagay na katulad nito at sila ay natitisod; nagiging negatibo at mahina sila, at hindi sila makabangon. Maaaring sila mismo ay hindi nalalaman kung ano ang problema, pakiramdam nila ay nasa katwiran sila at ang Diyos ang gumawa ng masama sa kanila. Kung hindi nauunawaan ng mga tao ang kanilang mga sarili, hindi nila kailanman malalaman kung saan ibinabatay ang sarili nilang mga paghihirap, o kung sa aling mga aspeto sila posibleng mabigo at madapa. Kaawa-awa sila. Samakatuwid, ang mga taong hindi nauunawaan ang kanilang mga sarili ay maaaring madapa, mabigo, at sirain ang kanilang mga sarili sa anumang oras.
Hinango mula sa “Makapagsisimula Ka sa Tamang Daan sa Pamamagitan Lamang ng Pag-unawa sa Sarili Mong Katayuan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw
Sa kasalukuyan, ito ang kalagayan kung saan umiiral ang karamihan sa mga tao, ang yugto ng tayog na taglay nila: Tinatanggap nila na may kapintasan ang mga paraan nila ng paggawa sa mga bagay-bagay, na sila ay masasamang tao, na sila ang diyablong si Satanas. Ngunit bibihira nilang aminin na mahina ang kanilang kakayahan at baluktot ang kanilang pang-unawa, o kung aling aspeto ng kanilang kalikasan at diwa ang tumutugma sa kung ano ang naihayag ng Diyos. Ito ay kawalan ng tunay na kaalaman sa sarili. At kaya bang tanggapin ng mga hindi tunay na nakakikilala sa kanilang sarili na sila ay tiwali? (Hindi.) Hindi madaling gawin ang pagkumbinsi sa mga tao na tanggaping sila ay tiwali. Ang hindi nagbabagong asal ng mga tao ay na matapos gumawa ng isang maling bagay, nalalaman nilang nakagawa sila ng isang pagkakamali, ngunit kung tatanungin mo sila tungkol sa kanilang pang-unawa sa kanilang tiwaling disposisyon, sinasabi nilang walang kaugnayan ang dalawang iyon. Sinasabi nila na isa lamang iyong panandaliang pagkakamali, na hindi nila pinag-isipan ang mga bagay-bagay, na naging padalus-dalos sila, at hindi nila iyon sinasadya. Ang pagsasabing isa iyong panandaliang pagkakamali o isang bagay na hindi sinasadya, kasama ng iba pang mga makatwirang dahilan ay kadalasang isang panangga at pagkukunwari para sa hindi nila pagkilala sa sarili nilang tiwaling disposisyon. Ito ba ay tunay na pagkilala sa sarili nilang katiwalian? Kung palagi kang gumagawa ng mga palusot o naghahanap ng paraan upang takasan ang mga tiwaling disposisyon na iyong inihahayag, kung gayon ay hindi mo kayang tunay na harapin ang sarili mong tiwaling disposisyon o tunay na aminin iyon, at lalong hindi mo iyon kayang alamin. … Kapag may isang bagay na nangyayari sa iyo ay naghahayag ka ng isang tiwaling disposisyon, ngunit gaano man sabihin ng mga tao na mali ang iyong ginawa o gaano man kaseryoso ang mga kahihinatnan, wala kang ibang ginagawa kundi aminin na nakagawa ka ng isang pagkakamali. Ayaw mong kilalanin na isa itong resulta ng paglalantad ng iyong tiwaling disposisyon. Pumapayag ka lamang na itama ang kamalian, ngunit hindi kailanman pumapayag na kilalanin ang pag-iral ng iyong tiwaling disposisyon. Kung kaya, kapag nakasagupa mo ulit ang parehong problema, bagaman may pagbabago sa iyong asal at sa iyong pamamaraan sa mga bagay-bagay, nananatiling ganap na walang pagbabago ang iyong disposisyon. Ito ang hirap sa pagbabago ng disposisyon ng isang tao. Kung kinikilala mo na ang iyong inihayag ay dahil nagtataglay ka ng isang tiwaling disposisyon, na nagdulot sa iyo na gawin ang iyong ninanais, na sundin lang ang iyong sarili, na mabigong makipagtrabaho nang mabuti sa iba, at ng iyong pagmamataas, kung inaamin mo na ito ay dulot ng isang aroganteng disposisyon, ano ang magiging mga benepisyo para sa iyo? Sa pagpapatuloy, ibubunyag mo ang mga katotohanang ito at magsisikap kang lutasin ang mga tiwaling disposisyon na nahayag sa iyo. Ngunit ano ang mga kahihinatnan kung aamin ka lamang sa paggawa ng pagkakamali? Tutuon ka lamang at magsisikap sa paraan mo ng pagkilos; itatama mo kung paano mo ginagawa ang mga bagay-bagay, at sa panlabas, magmumukhang tila ginagawa mo nang wasto ang mga iyon. Ikukubli mo ang mga paghahayag ng iyong disposisyon. Sa paggawa nito, ikaw ay lalo pang magiging tuso, at ang iyong mga pamamaraan ng panlilinlang sa iba ay lalo pang magiging mahusay. Iisipin mo, “Kaya nasaksihan ng lahat ang aking pagkakamali sa pagkakataong ito ay dahil hindi ako gaanong naging maingat; Masyadong espesipiko ang sinabi ko, at hinayaan ko sila na makita ang aking mahihinang punto at makahanap ng bagay na magagamit nila laban sa akin. Hindi ko na ulit gagawin ang parehong pagkakamali—magiging mas malabo na ako, bibigyan ko ang sarili ko ng pagkakataong ibahin ang mga bagay.” Binago mo ang paraan ng pagkilos mo at itinago mo ang iyong disposisyon, nagiging mas mapandaya ka, mas malihim, mas katulad ng isang Fariseo. Pinagtutuunan at pinagbubuti mo ang mga paraan mo ng paggawa sa mga bagay-bagay o pagsasabi ng mga bagay-bagay; walang mga problemang maaaring matukoy sa panlabas, walang makahahanap ng kamalian, wala iyong kapintasan. Gayunpaman, hindi nagkaroon ng ni katiting na pagbabago sa iyong panloob na disposisyon. Kung hindi mo ito tinatanggap at kinikilala, imposibleng mabago ang iyong tiwaling disposisyon.
Hinango mula sa Pagbabahagi ng Diyos
Madali bang lutasin ang mga tiwaling disposisyon? Kinasasangkutan ito ng kalikasang diwa ng isang tao. Taglay ng mga tao ang diwang ito, ang ugat na ito, at dapat itong hukayin nang paunti-unti. Dapat itong hukayin mula sa bawat kalagayan, mula sa mga layunin ng bawat salitang binibigkas mo. Dapat itong himayin at maunawaan mula sa mga salitang sinasabi mo. Kapag ang ganitong kamalayan ay naging labis na mas malinaw at higit na naging mas matalino ang iyong espiritu, kung gayon ay makakamit mo ang pagbabago. Ang paglutas sa mga tiwaling disposisyon ay nangangailangan ng malasakit at sipag. Kailangan mo talagang magtuon ng pansin at suriin ang iyong mga layon at katayuan nang paunti-unti. Kapag palagi mong sinusuri ang mga bagay na ito, darating ang araw na bigla mong matatanto ang paraan ng karaniwan mong pagsasalita: “Masama ito, at hindi ito isang pagpapahayag ng normal na pagkatao. Salungat ito sa katotohanan at kailangan kong baguhin ang paraan ng pagsasalita ko.” Mula sa araw na taglayin mo ang kamalayang ito, lalo mong madarama nang malinaw ang grabeng kalubhaan ng masamang disposisyong ito. Kaya, ano ang dapat mong susunod na gawin? Suriin nang walang humpay ang mga layon na umiiral sa katulad na paraan ng iyong pagsasalita, at sa pamamagitan ng proseso ng iyong walang humpay na pagtuklas, lalo mong tunay at tumpak na matutukoy na mayroon kang ganitong uri ng diwa at disposisyon. Pagdating ng araw na tunay mong maaamin sa iyong sarili na mayroon ka ngang masamang disposisyon, sa wakas ay magagawa mong kamuhian at kasuklaman ito. Kapag hindi na naniniwala ang isang tao na mabuti silang tao, na kumikilos sila nang matuwid at makatarungan, na sila ay pinagkalooban ng isang diwa ng katarungan, na sila ay marangal at tapat, at sa halip ay kinikilala nila ang kanilang kalikasang diwa bilang pagiging mayabang, mapagmatigas, mapanlinlang, masama, at walang pagmamahal sa katotohanan, saka lamang nila malalaman nang tumpak ang kanilang lugar, at malalaman kung ano sila talaga. Ang kaswal na pag-amin o pagkilala lamang mayroon silang gayong mga ipinapakita at kalagayan, wala silang kakayahang tunay na mamuhi; ang tunay na pagkamuhi ay natatamo kapag kinilala na nila sa kanilang mga kilos na mayroon sila ng mga disposisyon at diwang ito. …
Kapag nagagawang tanggapin ng mga tao ang iba-ibang kalagayang inilalabas ng iba-ibang disposisyon, saka lamang unti-unting magkakaroon ng pagbabago sa kanilang disposisyon. Kung hindi tinatanggap ng mga tao ang mga kalagayang ito, kung hindi nila maintindihan ang mga ito at maiangkop ang mga ito sa kanilang sarili, maaari bang magkaroon ng pagbabago sa kanilang disposisyon? (Hindi.) Ang pagbabago sa disposisyon ay nagsisimula sa pagtanggap sa iba-ibang kalagayang inilalabas ng iba-ibang disposisyon. Kung hindi pa nasimulan ng isang tao na tanggapin ito, kung hindi pa nakapasok ang isang tao sa aspetong ito ng realidad, hindi na kailangang pag-usapan pa ang pagbabago sa disposisyon ng isang tao. Kaya, yamang hindi na kailangang pag-usapan pa ang pagbabago sa disposisyon, ano ang papel na ginagampanan ng karamihan sa mga tao habang ginagawa nila ang kanilang tungkulin? Iyon ay ang pagsusumikap nila, pagiging abala nila mismo sa mga gawain. Ginagawa nila ang kanilang tungkulin, ngunit karamihan ay nagpapakasipag. Kung minsan kapag maganda ang pakiramdam nila lalo silang nagpupursigi, at pagkatapos kapag hindi gaanong maganda ang pakiramdam nila, hindi sila gaanong nagpupursigi. Pagkatapos nito, pinag-iisipan nila ito at nakadarama sila ng kaunting kalungkutan, kaya nagdaragdag sila ng kaunti pang sigla at pakiramdam nila ay nakapagsisi na sila. Sa katunayan, hindi ito tunay na pagbabago; hindi ito tunay na pagsisisi. Ang tunay na pagsisisi ay nagsisimula sa iyong pag-uugali. Kung may pagbabago sa iyong pag-uugali, nagagawa mong talikuran ang iyong sarili at hindi mo na ginagawa ang mga bagay-bagay sa gayong paraan, ang iyong mga kilos ay nagmumukhang nakaayon sa mga prinsipyo, at unti-unti ay nagagawa mong maging maprinsipyo kapwa sa salita at sa gawa, simula na ito ng pagbabago sa disposisyon.
Hinango mula sa “Kapag Kilala Mo ang Iyong Sarili, Saka Mo Lamang Hahangaring Matamo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw
Kung mas bumubuti ang iyong kakayahan sa pagtuklas ng iyong sariling katiwalian, mas nagiging tumpak ang pagtuklas na ito, at mas higit mong mababatid ang iyong sariling diwa, at mas malamang na ikaw ay maliligtas at higit kang mapapalapit sa kaligtasan. Kung mas lumiliit ang iyong kakayahang matuklasan ang iyong mga suliranin, mas lalo mong iisipin na ikaw ay isang mabuting tao, isang tao na lubhang dakila, at dahil dito, lalo kang napapalayo mula sa landas na patungo sa kaligtasan, at ikaw ay nasa malaking panganib pa rin. Sadyang may hamak na katayuan ang sinumang gumugugol ng buong araw sa pagpaparada ng kanilang sarili—nagpapasikat ng kanilang mga nagawa, nagsasabing sila ay mahusay sa pagsasalita, makatuwiran, nakaka-unawa sa katotohanan, at may kakayahang gumawa ng mga pagpapakasakit kapag isinasagawa nila ang katotohanan. Anong uri ng tao ang may mas malaking pag-asa ng kaligtasan, at may kakayahang tahakin ang landas ng kaligtasan? Silang mga tunay na nakakaunawa sa kanilang tiwaling disposisyon. Kung higit na malalim ang kanilang kaalaman, higit silang napapalapit sa kaligtasan. Ang pagkilala sa iyong tiwaling disposisyon, pagkilala na ikaw ay walang saysay, walang silbi, na ikaw ay isang buhay na Satanas—kapag tunay mong nalalaman ang iyong pinakadiwa, hindi na ito isang mabigat na suliranin. Ito ay isang mabuting bagay, hindi isang masamang bagay. Mayroon bang nagiging mas negatibo habang lalo nilang nakikilala ang kanilang sarili, nag-iisip na: “Tapos na ang lahat, ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay naipataw na sa akin, ito ay kaparusahan at kabayaran, hindi ako gusto ng Diyos at wala akong pag-asa ng kaligtasan”? Ang mga taong ito ba ay magkakaroon ng ganitong mga ilusyon? Sa katunayan, kung mas nakikita ng tao ang kanilang kawalan ng pag-asa, mas malaki ang pag-asa para sa kanila. Hindi sila dapat maging negatibo at hindi dapat sumuko. Ang pagkilala sa iyong sarili ay isang mabuting bagay—ito ang landas na dapat nilang tahakin patungo sa kaligtasan. Kung ikaw ay lubos na walang malay sa iyong sariling tiwaling disposisyon at sa iyong pinakadiwa, na marami at magkakaiba ang ginagawang pagsalungat sa Diyos, at kung wala ka pang anumang plano na magbago, ikaw ay nasa isang kaguluhan. Ang ganitong mga tao ay naging manhid na, sila ay patay na. Ang mga patay ba ay maaari pang mabuhay muli? Sila ay patay na—hindi na ito maaari.
Hinango mula sa “Kapag Kilala Mo ang Iyong Sarili, Saka Mo Lamang Hahangaring Matamo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw
Sa mga naghahangad ng buhay, si Pablo ay isang taong hindi alam ang sarili niyang diwa. Hindi siya mapagpakumbaba o masunurin, sa anumang paraan, ni hindi niya alam ang kanyang kakanyahan, na salungat sa Diyos. Kaya nga, siya ay isang taong hindi pa sumailalim sa mga detalyadong karanasan, at isang taong hindi nagsagawa ng katotohanan. Iba si Pedro. Alam niya ang kanyang mga pagkakamali, kahinaan, at tiwaling disposisyon bilang isang nilalang ng Diyos, kaya nga nagkaroon siya ng isang landas ng pagsasagawa na naging daan upang magbago ang kanyang disposisyon; hindi siya isa sa mga mayroon lamang doktrina ngunit hindi nagtaglay ng realidad. Yaong mga nagbabago ay mga baguhan na naligtas na, sila yaong mga karapat-dapat sa pagsisikap na matamo ang katotohanan. Ang mga taong hindi nagbabago ay kabilang sa mga natural na laos na; sila yaong mga hindi naligtas, ibig sabihin, yaong mga kinamuhian at tinanggihan ng Diyos. Hindi sila maaalaala ng Diyos gaano man kadakila ang kanilang gawain. Kapag ikinumpara mo ito sa sarili mong pagsisikap, kapareho ka man ni Pedro o ni Pablo sa huli ay dapat maging malinaw. Kung wala pa ring katotohanan sa iyong hinahanap, at kung kahit ngayon ay mayabang ka pa rin at walang-pakundangan na kagaya ni Pablo, at magaling ka pa ring magsalita at mayabang na katulad niya, walang duda na isa kang masamang tao na nabibigo. Kung hinahangad mo ang hinangad ni Pedro, kung hinahangad mo ang mga pagsasagawa at tunay na mga pagbabago, at hindi ka mayabang o matigas ang ulo, kundi hinahangad mong gampanan ang iyong tungkulin, ikaw ay magiging nilalang ng Diyos na kayang magtagumpay. Hindi alam ni Pablo ang sarili niyang kakanyahan o katiwalian, lalong hindi niya alam ang sarili niyang pagsuway. Hindi niya binanggit kailanman ang kanyang kasuklam-suklam na paglaban kay Cristo, ni hindi siya masyadong nagsisi. Nag-alok lamang siya ng maikling paliwanag at, sa kaibuturan ng kanyang puso, hindi siya lubusang nagpasakop sa Diyos. Bagama’t nahulog siya sa daan patungong Damasco, hindi siya tumingin sa kanyang sariling kaibuturan. Kuntento na siyang patuloy lamang na gumawa, at hindi niya itinuring na pinakamahalaga sa mga problema ang kilalanin ang kanyang sarili at baguhin ang kanyang dating disposisyon. Masaya na siya sa pagsasalita lamang ng katotohanan, sa pagtustos sa iba bilang pampalubag sa sarili niyang konsiyensya, at sa pagtigil sa pag-usig sa mga disipulo ni Jesus upang aliwin ang kanyang sarili at patawarin ang kanyang sarili para sa kanyang nakaraang mga kasalanan. Ang mithiing kanyang pinagsikapang matamo ay walang iba kundi isang korona sa hinaharap at panandaliang gawain, ang mithiing kanyang pinagsikapang matamo ay saganang biyaya. Hindi siya naghangad ng sapat na katotohanan, ni hindi siya naghangad na maunawaan nang mas malalim ang katotohanang hindi niya naunawaan noon. Samatuwid ay masasabi na ang kanyang kaalaman tungkol sa kanyang sarili ay mali, at hindi siya tumanggap ng pagkastigo o paghatol. Hindi komo nakaya niyang gumawa ay mayroon siyang kaalaman tungkol sa kanyang sariling likas na pagkatao o kakanyahan; ang kanyang tuon ay nasa panlabas na mga pagsasagawa lamang. Ang kanyang pinagsumikapan, bukod pa riyan, ay hindi pagbabago, kundi kaalaman. Ang kanyang gawain ay ang lubos na resulta ng pagpapakita ni Jesus sa daan patungong Damasco. Hindi iyon isang bagay na orihinal niyang naipasiyang gawin, ni hindi ito gawaing naganap matapos niyang matanggap ang pagtatabas ng kanyang dating disposisyon. Paano man siya gumawa, hindi nagbago ang kanyang dating disposisyon, kaya nga ang kanyang gawain ay hindi naging bayad para sa dati niyang mga kasalanan kundi gumanap lamang ng isang papel sa mga iglesia noong panahong iyon. Para sa isang taong tulad nito, na ang dating disposisyon ay hindi nagbago—ibig sabihin, hindi nagkamit ng kaligtasan, at lalo pang walang taglay na katotohanan—talagang wala siyang kakayahang maging isa sa mga tinanggap ng Panginoong Jesus.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.