Umuwi ang isang Pagala-galang Puso

Abril 28, 2018

Ni Novo, Pilipinas

Ako ay si Novo, Ako ay isang Pilipino. Mula pagkabata ko, naniwala ako sa Diyos kasama ang aking ina. Nagsisimba ako kasama ang aking mga kapatid para makinig sa mga sermon. Kahit na naniwala ako sa Panginoon nang maraming taon, naramdaman ko na para akong isang hindi mananampalataya. Sa aking puso, pinag-iisipan ko kung paano kumita ng mas maraming pera at magkaroon ng mas magandang buhay sa buong araw. Bukod dito, palagi akong lumalabas para makipag-inuman sa aking mga kaibigan. Kapag mayroon akong sobrang pera, lumalabas ako at nagsusugal. Kahit na alam ko na ang aking ginagawa ay masama at palagi akong nagdarasal sa Diyos at sinasabing babaguhin ko ang aking mga maling gawi, hindi ko kailanman ito isinasagawa. Sa ganitong paraan, lalo akong naging masama. Hindi ako taimtim na nagdarasal sa Diyos. Linggo-linggo, nagdarasal lamang ako ng ilang simpleng dalangin sa mababaw na paraan. May mga pagkakataon na nagiging desperado ako dahil alam ko na kapag bumalik ang Panginoon, hahatulan Niya ang mga gawain ng lahat. Pagkatapos magdedesisyon Siya kung ang bawat tao ay pupunta sa langit o sa impiyerno. Naramdaman ko na ako ay isang masamang tao at hindi ako patatawarin ng Diyos. Kalaunan, ako ay nag-asawa at nagkaroon ng mga anak. Wala na akong inisip kundi ang tungkol sa aking asawa at mga anak. Pagdating sa aking pananampalataya, isinantabi ko ito sa aking isipan. Para mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang aking mga anak at para makamtam ko ang aking mga hangaring maging mayaman, napagpasyahan ko na umalis ng bansa para maghanap ng trabaho. Bilang resulta, ako ay pumunta dito sa Taiwan. Kahit na noong nakahanap ako ng trabaho, hindi ko pa rin binago ang aking nakalipas na pamumuhay. Sa panahon na may libreng oras ako, lumalabas pa rin ako upang uminom at kumanta kasama ang aking mga katrabaho. Ang buhay ko ay buhay ng isang hindi mananampalataya.

Noong 2011, nagtrabaho ako bilang isang welder sa isang pagawaan sa Taiwan. Isang araw noong 2012, tinanong ako ng isang katrabaho sa Taiwan kung ako ba ay isang Katoliko. Sumagot ako ng oo. Pagkatapos, inanyayahan niya ako para sa Misa sa kanyang simbahan. Pagkatapos, isang Linggo ng umaga, sa madaling-araw, pumunta siya sa pagawaan para sunduin kami at dinala kami sa bahay ng kanyang kaibigan. Doon, nakilala ko si Kapatid na Joseph. Tinanong niya ako, “Kapatid, inaasahan mo ba ang pangalawang pagparito ng Panginoong Jesus?” Sinabi ko na oo. Muli akong tinanong ni Joseph, “Alam mo ba kung anong gawain ang gagawin ng Panginoong Jesus kapag Siya ay bumalik?” Sumagot ako, “Siya ay uupo sa isang puting trono at hahatulan ang sangkatauhan at hahatiin ang mga tao sa iba’t ibang mga grupo. Pagkatapos, ang Diyos ay magdedesisyon, batay sa mga ugali at gawain ng bawat tao, kung siya ay pupunta sa langit o sa impiyerno.” Ipinagpatuloy akong tinanong ni Kapatid na Joseph, “Kung sabihin namin sa iyo na ang Panginoong Jesus ay dumating na at ginagawa na ang gawain ng paghatol, maniniwala ka ba?” Medyo nabigla ako nang narinig kong sabihin niya ito. Naisip ko: Nagbalik na nga ba ang Panginoong Jesus? Paano ito posible? Hindi ba Niya tayo hahatulan kung Siya ay bumalik na? Hindi ko pa nakita ang paghatol sa harapan ng malaking puting trono! Subalit, hindi ko diretsahang tinanong sa kanya ang mga katanungang ito dahil naramdaman ko na ang paghatol ng Diyos ay isang misteryo at ang karunungan ng Diyos ay hindi maarok ng tao. Maaaring hindi tama ang aking mga pananaw. Naramdaman ko na mas mabuti na ako ay makinig muna sa kanilang mga pananaw. Bilang resulta, sumagot ako, “Ito ay isang bagay na hindi ko pa kayang kumpirmahin. Mangyaring ipagpatuloy ang iyong pagsasalita.” Pagkatapos, ipinakita ni Kapatid na Joseph at ng ibang mga kasama ang maraming sipi mula sa Biblia na tumatalakay tungkol sa gawaing paghatol na Kanyang gagawin sa sandaling Siya ay bumalik. Ang mga sumusunod ay dalawang bersikulo mula sa seleksyon na ito: “Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos(1 Pedro 4:17). Pagkatapos kong makita ang mga hulang ito, itinuon ko ang aking atensyon sa sasabihin ng mga kapatid na ito. Naniwala ako na ang kanilang ibinahagi sa akin ay ang katotohanan dahil alam ko na itinala ng Biblia ang gawain ng Diyos.

Pagkatapos, hinayaan kami ni Kapatid na Joseph na basahin ang dalawa pang mga sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya natural na ang Diyos Mismo ang dapat gumawa nito; hindi ito maaaring gawin ng tao para sa Kanya. Sapagkat ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, walang pag-aalinlangan na magpapakita pa rin ang Diyos bilang nagkatawang-taong imahe upang gawin ang gawaing ito sa mga tao. Ibig sabihin, gagamitin ng Cristo ng mga huling araw ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos.” “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Pagkatapos kong basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos, ipinagpatuloy nilang makipag-usap sa akin. Tinulungan nila akong intindihin na ang gawain ng Diyos ay talagang totoo at hindi ito kababalaghan. Ang gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay hindi tulad ng aking iniisip—maghahanda ang Diyos ng isang malaking mesa sa kalangitan at uupo sa isang malaking puting trono. Ang lahat ay nakatayo sa harapan ng Diyos habang inililista Niya ang ating mga kasalanan para malaman kung tayo ay mabuti o masama. Pagkatapos, magdedesisyon Siya kung tayo ay pupunta sa langit o sa impiyerno. Sa halip, ang Diyos ay totoong nagkatawang-tao upang ipahayag ang Kanyang mga salita at ibunyag ang katiwalian at pagkasuwail ng tao. Hinahatulan Niya ang mga kasalanan ng tao at tinutulungan ang tao para maintindihan ang kanyang sariling tiwaling kalikasan. Pagkatapos, aalisin Niya ang ating makasalanang kalikasan at tatapusin ang sakit ng ating buhay na nagkakasala sa araw at nangungumpisal sa gabi. Tinutulungan Niya tayo na magkaroon ng tunay na pagkaintindi sa Kanya upang ating makamtan ang paglilinis at kaligtasan. Sa paraang ito, ang tao ay magiging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit. Ang mga hindi tatanggap sa gawaing paghatol ng mga huling araw at hindi babaguhin ang disposisyon ng kanilang buhay ay itatapon sa lawa ng apoy sa kahuli-hulihan. Sa pamamagitan ng Kanyang paggawa sa gawaing paghatol sa ganitong paraan, tunay na umaayon ang Diyos sa mga makatotohanang pangangailangan ng tao. Naisip ko ang aking sarili: Kahit na ako ay naniwala sa Panginoon nang maraming taon at madalas na nagdasal sa Diyos at ikinumpisal ang aking kasalanan, namuhay pa rin ako sa kasalanan. Ako ay nagsugal, uminom, nagsinungaling at nanlinlang. Palagian akong nagkakasala, ikinukumpisal ang mga ito at pagkatapos ay gagawin ko naman ang mga ito. Ang aking buhay ay puno ng pagdurusa. Mukhang talagang kailangan nating pumunta ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawaing paghatol at pagliligtas. Sinasabi ng Biblia: “Kung walang kabanalan, walang taong makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14). Ang Panginoon ay banal. Kung hindi huhugasan ng tao ang kanyang sarili sa kanyang mga kasalanan, hindi siya karapat-dapat na makita ang mukha ng Panginoon. Halimbawang ito ay mangyayari na tulad ng ating iniisip. Ang Diyos ay darating sa mga huling araw at maghahanda ng isang puting trono sa kalangitan para hatulan ang tao. Tuwiran Niyang ipapasiya ang katapusan ng tao. Kung ganito ang mangyayari, paano aalisin ng tao ang kanyang mga kasalanan? Hindi ba ang tao ay naisumpa na at naparusahan na? Parang ang Makapangyarihang Diyos ay malamang ang bumalik na Panginoong Jesus. Dapat akong seryosong maghanap at magsiyasat. Hindi ko dapat mapalampas ang pagkakataon na salubungin ang Panginoon.

Pagkatapos, ibinigay nila sa akin ang libro na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao Napakasaya ko. Pagkatapos kong bumalik sa aking tirahan, sinimulan kong basahin ang salita ng Diyos buong gabi. Binasa ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang inyong bibig ay puno ng mga salita ng panlilinlang at karumihan, ng pagkakanulo at kayabangan. Kailanma’y hindi kayo nangusap ng mga salita ng katapatan sa Akin, walang mga banal na salita, walang mga salita ng pagpapasakop sa Akin matapos maranasan ang Aking salita. Ano, sa huli, ang katulad ng inyong pananampalataya? Walang anuman kundi pagnanasa at salapi ang nasa inyong puso, at wala kundi mga materyal na bagay ang nasa inyong isipan. Araw-araw, kinakalkula ninyo kung paano makakakuha ng isang bagay mula sa Akin. Araw-araw, binibilang ninyo kung gaano kalaking kayamanan at gaano karaming materyal na bagay ang natamo ninyo mula sa Akin. Araw-araw, hinihintay ninyong bumaba sa inyo ang mas marami pang biyaya nang sa gayon ay matamasa ninyo, nang mas marami at mas mataas ang kalidad, ang mga bagay na maaaring matamasa. Hindi Ako ang laman ng inyong isipan sa bawat isang sandali, ni ang katotohanang nagmumula sa Akin, kundi ang inyong asawa, inyong mga anak, at ang mga bagay na inyong kinakain at isinusuot. Iniisip ninyo kung paano kayo magtatamo ng higit at mas mataas pang kasiyahan. Ngunit kahit halos pumutok na ang inyong tiyan sa kabusugan, hindi pa rin ba kayo isang bangkay? Kahit, sa tingin, napapalamutian ninyo nang marangyang bihisan ang inyong sarili, hindi pa rin ba kayo naglalakad na bangkay na walang buhay? Nagpapakahirap kayo alang-alang sa inyong sikmura, hanggang sa tubuan na kayo ng uban, subalit walang sinuman sa inyo ang nagsasakripisyo ni isang hibla ng buhok para sa Aking gawain. Palagi kayong humahangos, pinapagod ninyo ang inyong katawan at kinakalog ninyo ang inyong utak, para sa kapakanan ng inyong sariling laman, at para sa inyong mga anak—subalit wala ni isa sa inyo ang nagpapakita ng anumang pag-aalala o malasakit para sa Aking kalooban. Ano pa ba ang inaasam ninyong matamo mula sa Akin?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Marami ang Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang Nahirang). Naramdaman kong tumagos ang salita ng Diyos sa aking puso na tulad ng matalim na espada. Ibinunyag ng mga salitang ito ang eksaktong kondisyon ng aking buhay. Inilarawan ng mga ito ang tunay na kalagayan ng kaibuturan ng aking puso. Nalaman ko na tanging ang Diyos ang makapag-uusig sa puso ng tao at tanging ang Diyos ang makapagbubunyag sa katiwalian ng tao. Naramdaman ko na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tunay na salita ng Diyos. Mula sa salita ng Diyos, naintindihan ko na ang aking sariling pananampalataya ay puno ng mga kasinungalingan at kasakiman. Tinanggap ko lang ang pangalan ng Diyos ngunit wala sa aking puso ang Diyos. Mahalaga lang sa akin ang tungkol sa aking pamilya, aking trabaho at mga sarili kong inaasam. Bawat araw, inisip ko lamang kung paano ako kikita ng mas maraming pera at paano ko matutulungang magkaroon ang aking pamilya ng mas masaganang buhay. Kahit pa madalas kong sinasabi sa Diyos na mamahalin ko Siya, hindi ko ginawa ang sinabi kong gagawin ko. Patuloy kong nililinlang ang Diyos. Isa pa, mula’t simula, nagdasal ako sa Diyos at hiningi sa Kanyang biyayaan ako nang higit pa, dahil naniwala ako na ang Diyos ay walang-hanggan na isang Diyos ng pagmamahal at ang Diyos ay puno ng awa para sa tao, at na kahit nagkasala ako, patatawarin pa rin ng Diyos ang aking mga kasalanan, maaawa sa akin at bibiyayaan ako. Subalit, matapos kong basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naintindihan ko na walang sinuman ang pinahihintulutang agrabyaduhin ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Nagsimulang ipagpitagan ng aking puso ang Diyos. Ang mga salita ng Diyos na paghatol at pagkastigo ay naging dahilan upang makaramdam ako ng matinding pagsisisi para sa aking nakalipas. Napakalungkot ko at umiyak ako sa aking kama. Sa unang pagkakataon, buong-pait akong umiyak habang nagdarasal sa Diyos at nagsisisi, “Diyos ko, patawarin sana Ninyo ako para sa aking mga kasalanan. Tinutulan Kita sa lahat ng bagay. Nilinlang Kita. Hindi ako karapat-dapat na hingin na samahan Mo ako. Dapat akong maparusahan. Diyos ko, salamat sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong magsisi at mailigtas. Magmula ngayon, gagawin ko ang aking makakaya upang hanapin ang katotohanan. Mamahalin Kita nang may pusong matapat….” Pagkatapos kong magdasal, sinabi ko sa aking sarili na kailangan kong tanggapin ang paghatol ng Diyos upang mabago ko ang sarili kong buhay na natigil sa isang siklo ng paggawa ng kasalanan at pangungumpisal. Kinailangan kong magbasa nang higit pang salita ng Makapangyarihang Diyos at pagnilayan ito nang madalas upang mas maintindihan ko ang katotohanan at magkaroon ng lakas na talikdan ang aking laman, isagawa ang katotohanan at paluguran ang kalooban ng Diyos.

Magmula noon, dinala ko ang kopya ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao sa trabaho. Sa aking libreng oras sa trabaho, binabasa at pinagninilayan ko ang salita ng Diyos. Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakita ko kung gaano katiwali at mapanghimagsik ang aking mga saloobin. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Dapat kang manalangin nang paisa-isang hakbang, alinsunod sa tunay na kalagayan ng puso mo at sa gawain ng Banal na Espiritu; nakakaniig mo ang Diyos alinsunod sa Kanyang kalooban at sa mga hinihingi Niya sa tao. Kapag nagsimula kang manalangin, ibigay mo muna ang puso mo sa Diyos. Huwag kang magtangkang unawain ang kalooban ng Diyos—subukan mo lamang sabihin sa Diyos ang nasa puso mo. Kapag humarap ka sa Diyos, ganito ang sabihin mo: ‘Diyos ko, ngayong araw ko lamang napagtanto na dati akong sumusuway sa Iyo. Totoong ako ay tiwali at kasuklam-suklam. Sinasayang ko lang ang buhay ko. Mula sa araw na ito mabubuhay ako para sa Iyo. Mamumuhay ako nang makabuluhan at palulugurin ko ang Iyong kalooban. Nawa’y gumawa palagi sa akin ang Iyong Espiritu, patuloy akong liwanagan at tanglawan. Hayaan akong matibay at matunog na magpatotoo sa Iyong harapan. Hayaang makita ni Satanas sa amin ang Iyong kaluwalhatian, ang Iyong patotoo, at ang katibayan ng Iyong tagumpay.’ Kapag nanalangin ka sa ganitong paraan, ganap na mapapalaya ang puso mo. Sa pagdarasal sa ganitong paraan, mas mapapalapit ang puso mo sa Diyos…(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin). Sa salita ng Diyos, nagkaroon ako ng landas kung saan ay malulutas ko ang aking tiwaling disposisyon. Nagsimula akong magdasal sa Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso nang may pinakamatapat na saloobin. Sa ganitong uri ng dasal, madalas kong nararamdaman na ginagabayan ako ng Diyos. Sa kalooban ko, mayroon akong pananampalataya at lakas. Hindi na ako nabuhay tulad ng dati at hindi ko na isinagawa ang mga tiwaling pag-iisip at ideya na nasa aking puso. Nagbago na ang aking buhay. Hindi na ako nabubuhay na nagkakasala at pagkatapos ay pinagsisisihan ang mga ito. Sa halip, tunay akong nabuhay sa liwanag ng Diyos. Ngayon ay hinahangad kong kumilos ayon sa salita ng Diyos. Marami na ring nagbago sa aking mga pananaw. Mas masaya na akong nabubuhay kaysa noon. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay nagbigay sa akin ng tamang layunin para sa aking buhay. Hindi ko na pinapagod ang aking utak at hinahangad na mabuhay sa karangyaan tulad noon. Hindi ko na hinahangad na maging mas mahusay kaysa sa ibang mga tao. Sa halip, hinahanap ko ang katotohanan upang makawala mula sa aking tiwaling disposisyon at magtamo ng paglilinis at kaligtasan. Hinahangad ko ring sundin ang mga salita ng Diyos sa lahat ng bagay at tuparin ang aking tungkulin bilang isang nilikha upang masuklian ang pagmamahal ng Diyos.

Noong Hulyo 2014, bumalik ako sa Pilipinas. Napakasaya kong malaman na pinili ng Diyos ang maraming kapatid mula sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, nabubuhay ako sa buhay iglesia at ibinabahagi ang tungkol sa salita ng Diyos sa aking mga kapatid sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tinutulungan at sinusuportahan namin ang isa’t isa at lahat kami ay nagsisikap nang husto upang hanapin ang katotohanan, hangarin ang pagbabago sa aming disposisyon sa buhay at makamit ang kaligtasan. Nagsisikap din kami nang mabuti upang sumaksi sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa mga tao sa aming sariling bansa at maging sa ibang mga bansa. Gusto naming malaman nila na ang Panginoong Jesus ay bumalik na at gusto rin naming makamit nila ang pagliligtas ng Diyos ng mga huling araw tulad namin. Salamat Makapangyarihang Diyos! Ngayon, ang aking buhay ay napakasagana at masaya araw-araw. Ganap ko nang natanggal sa aking sarili ang masama at bulok na buhay. Ang Makapangyarihang Diyos ang nagturo sa akin na hanapin ang aking layunin at direksyon sa buhay. Nararamdaman ko na ang ganitong uri ng pamumuhay ang paraan upang magkaroon ang isang tao ng makabuluhang buhay!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Natagpuan Ko ang Tunay na Liwanag

Naniniwala ang mga Protestante at Katoliko sa iisang Diyos. Pareho silang naniniwala sa Panginoong Jesus. Bilang resulta, tinanggap ko ang imbitasyon ng pinuno ng maliit na grupo na sumama sa kanya sa iglesia. Matapos pakinggan ang pangangaral ng mga pastor at marinig ang pananalita tungkol sa Biblia ng ilang kapatid, nagkaroon ako ng ilang pagkaunawa tungkol sa buhay ng Panginoong Jesus. Ginawa nitong magkaroon ako ng higit na pananampalataya sa Panginoon.