Pamumuhay sa Nakakapagod na Buhay, Ano ang Dapat Kong Gawin?

Abril 10, 2021

Ni Su Chenyu

Nakatayo ako sa isang abalang kalye, nakikinig sa ugong ng mga busina ng kotse, pinapanood ang maraming tao na nagmamadaling naglalakad habang nagbubuhol-buhol ang mga bus sa mga interseksyon, nakatambak na parang sardinas sa taas at baba ng kalsada. Sa ganitong uri ng kapaligiran, ang hangin ay may kapansin-pansing tensyon. Sa panahong ito ng mabilis na paglago ng ekonomiya, ang daloy ng buhay ay nagiging mas abala.

Simula alas-singko ng umaga, ang subway ng lungsod ay nagsisimulang maging abala. Ang kaguluhan ay tumatagal ng buong araw at sa madaling araw lamang nagsisimulang numipis ang mga tao sa lansangan. Kahit sa mga oras na iyon, ang mga ilaw ng ilang mga opisina sa gusali ay nananatiling nakasindi buong gabi. Ang mga tao ay nagmamadali nang may kaabalahan, ang kanilang buhay ay tulad ng mga umiikot na trumpo na umiinog sa mas mabilis na tulin. Ang ilang mga tao ay hinahabol ang kanilang mga pangarap, pinapataas ang kanilang mga ranggo sa kanilang mga larangan; Ang ilan, upang matustusan ang kanilang pamilya, ay nagtatrabaho sa lahat ng oras, hindi pinalalampas ang anumang oportunidad na kumita ng pera; Ang iba ay labis na nag-iisip sa pagsasaliksik ng mga paraan upang yumaman, upang maaari silang mamuhay ng marangya… ang ilan ay nakakamit ang kanilang mga hinahangad—para sa kanila, ang langit ang hangganan sa kanilang daan patungo sa kayamanan; ang iba ay hindi masyadong mapalad at ang kanilang landas tungo sa kaunlaran at katanyagan ay lubos na sinira ng paulit-ulit na pagkabigo. Maging mga kilalang tao, iginagalang na mga tao, o mga ordinaryong tao lamang, ang bawat isa ay nakikipaglaban at nagtitiyaga sa nakakasakal na kasulasulasok na modernong buhay, at hindi ako naiiba.

Sa landas na ito ng paghahangad ng kayamanan at katanyagan, nagsimula ako sa pamamagitan ng pag-abala sa aking sarili sa gawain sa paaralan, inaasahan na “mamukod-tangi at magdala ng parangal sa aking mga ninuno.” Nais kong maging mas magaling sa aking mga kasamahan at maging isa sa mga piling tao, upang ang lahat ay tumingin sa akin nang may paggalang at paghanga. Sinabi ko sa aking sarili na dapat akong magsikap upang makamit ang aking mga layunin at madalas na sabik kong hinihintay ang araw kung kailan magkakatotoo aking mga pangarap. Sa mga sumunod na araw at taon, itinalaga ko ang aking sarili sa masigasig na pag-aaral at nagsumikap nang higit kaysa sa sinuman sa aking mga kasamahan. Matapos ang higit sa sampung taong pagsusumikap sa pag-aaral, nasubukan ako sa unibersidad at nakakuha ng trabaho na may mataas na suweldo nang makapagtapos, tulad ng nais ko. Gayunpaman, sa isang lipunan na pinahahalagahan ang pera higit sa lahat, ang mga tao ay nakikibahagi sa lahat ng uri ng pagsasabwatan, intriga at panlilinlang upang makamit ang katayuan at kapangyarihan. Nakikihalubilo sa lahat ng uri ng mga tao, araw-araw, dahan-dahang naiwala ko ang pagkilala sa sarili. Mas nagiging abala ako, mas nadarama ko ang isang kakaibang pakiramdam ng pagkabalisa na lumalapit sa akin at mas hinahabol ko ang mga layunin na nais kong makamit, mas mahina at hungkag ang pakiramdam ko sa loob. Nahulog ako sa isang masamang siklo at madalas makaramdam ng hindi maipaliwanag na pag-aalala at pagkabalisa. Tila matapos kong makamit ang aking pangarap na “mamukod-tangi at magdala ng parangal sa aking mga ninuno” sa loob ng higit sa sampung taong masigasig na pag-aaral, dapat ay masaya ako, kuntento at nasisiyahan sa aking sarili, kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako lubos na masaya at hindi nakakaramdam ng kahit katiting na espirituwal na kaaliwan. Sa kabaligtaran, paano kaya na, nakararamdam ako ng ganap na kahungkagan sa loob? Hindi ko makita ang ugat ng aking problema, mas lalo na ang malaman ko kung paano alisin ang sarili ko sa kakaibang pakiramdam ng pagkabalisa at kahungkagan.

Kinalaunan, nakita ko ang sagot sa mga salita ng Diyos: “Ang katanyagan at mabuting kapalaran na natatamo ng isang tao sa materyal na mundo ay maaaring makapagbigay sa kanya ng panandaliang kasiyahan, lumilipas na kaaliwan, at isang huwad na pakiramdam ng kaluwagan; dahilan para mawala sa landas ang isang tao. Kaya habang sila’y kumakawag-kawag sa malawak na dagat ng sangkatauhan, nananabik sa kapayapaan, kaginhawahan, at kapanatagan ng puso, ang mga tao’y muli’t muling nadadala sa ilalim ng mga alon. Kapag malalaman pa lamang ng mga tao ang mga katanungan na pinakamahalagang maunawaan—kung saan sila nanggaling, bakit sila nabubuhay, saan sila patutungo, at iba pa—sila ay naaakit ng katanyagan at mabuting kapalaran, inililigaw, kinokontrol ng mga ito, tuluyan nang nawala. Mabilis na lumilipas ang panahon; dumadaan ang mga taon sa isang kisapmata; at bago pa matanto ng isang tao, siya ay nakapagpaalam na sa pinakamaiinam na taon ng kanyang buhay(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Pinahintulutan ako ng mga salita ng Diyos na makita nang malinaw kung bakit nawala ako sa aking landas. Kaya pala, ang problema, ay ang aking paghahangad ng kayamanan at katanyagan. Pinagnilayan ko kung paanong sa pagtataguyod ng aking mga layunin, hindi ko nahanap ang aking totoong direksyon at, sa halip, naakay ng kayamanan at katanyagan, iniisip na ang pagkamit ng kayamanan at katanyagan ay magpapahintulot sa akin na masiyahan sa isang saganang materyal na pamumuhay at masuportahan at mapuri ng aking mga kasamahan. Nang magsikap ako nang husto sa mga ranggong akademiko, nang maresolba ko ang mga pinakamahihirap na mga hanay ng problema, nang tumayo ako sa entablado upang tanggapin ang aking mga parangal, nang nakatanggap ako ng papuri mula sa iba, nang nagsimula akong magtrabaho at kitain ang aking unang milyon ... Sa lahat ng mga pagkakataong iyon, naramdaman ko ang isang panandaliang kasiyahan at kaluguran at naniniwala na sa wakas ay naipakita ko ang aking halaga. Pangungunahan ako nito upang magpatuloy na mas magsikap, na may pag-asam ng mas malaking tagumpay… Hindi ko akalain na di-sinasadyang ako’y ganap na natupok sa kakatwang paghahangad ng pera at katanyagan nang higit sa lahat. Sa pagdaan ng panahon, ako’y nahuhulog nang mas malalim sa aking obsesyon, unti-unting nawala ang pagkilala sa sarili at ganap na walang kakayahang bumaba sa treadmill na ito tungo sa kayamanan at katanyagan. Sa buong proseso na ito, palagi kong nadarama ang nananalaytay na kahungkagan na ito na nagdulot sa akin ng pag-aalala, kawalang-magawa at pagkabalisa, ngunit hindi ko alam kung ano ang problema. Pagkatapos lamang na mabasa ang salita ng Diyos na napagtanto ko na ang aking mga problema ay nag-ugat lahat sa aking walang katapusang paghahangad ng kayamanan at katanyagan. Ang kayamanan at katanyagan ay ang gantimpala na nagtutulak sa akin pasulong at ang kakatwang paghahangad na ito ay nagdulot sa aking maiwala ang aking daan, kaya’t nakaramdam ako ng kawalang direksyon at kulang ang diwa ng pagtanggap sa aking puso at kaluluwa.

Tinutulutan ako ng mga salita ng Diyos na maunawaan ang pinagmumulan ng ating kahungkagan at ipinapakita sa akin kung paanong sa mortal na mundong ito ng materyal na paghahangad, ang lahat ng tao ay nagsusumikap para sa katanyagan at kapalaran at ibinibigay ang lahat sa kanilang hangarin, ngunit halos walang sinuman ang naghahangad ng kahulugan ng buhay. Tulad ng sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Sa loob ng mga dekada, ng libu-libo, sampu-sampung libong taon hanggang sa ngayon, inaaksaya na ng mga tao ang kanilang oras sa ganitong paraan, na walang sinuman ang lumilikha ng isang perpektong buhay, lahat ay naghahangad lamang na makipagpatayan sa madilim na mundong ito, nakikipagkarera para sa katanyagan at kapalaran, at nang-iintriga laban sa isa’t isa. Sino ang naghanap na sa kalooban ng Diyos? Mayroon na bang nagbigay-pansin sa gawain ng Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 3). Ang mga salitang ito ay nagpapaisip sa akin kung paanong, sa ating paghahangad ng katanyagan at kapalaran, ay nakikilahok tayo kapwa sa pakikibaka at pagpatay at hindi nangangahas na sayangin kahit isang segundo. Sinasabi natin ang mga matatayog na mga salita na kagaya ng mga “mithiin”, “karera” at “hangarin” bilang mga dahilan upang magsumikap para maungusan ang susunod na lalaki, at natatakot din tayong masapawan. Natatakot tayo na kung hindi tayo magiging mapagbantay sa isang segundo lamang, mawawala sa atin ang lahat at natatakot na kung hindi tayo makakasabay sa lipunan ay maaalis tayo. Ang ating mga puso ay puno ng takot, at kaya pinupwersa natin ang ating mga sarili sa pag-aaral, nagsusunog ng kilay gabi-gabi; nakikipagpatayan tayo sa trabaho, at patuloy na nagtatrabaho upang pataasin ang ating kaalaman; nakikipagsabwatan tayo at nanlilinlang sa pamilihan, iniisip lamang kung paano mapanatili ang ating mga maselan at kumplikadong relasyon sa mga kasamahan; sa larangan ng pulitika ay kumikilos tayo nang hindi nag-iisip, nakikipagbuno sa lahat ng uri ng walang katiyakan at mapanganib na mga sitwasyon, at tila palaging sumusuray sa bingit ng kapahamakan. Sa paghahangad ng katanyagan at kayamanan, walang sinuman ang nakakaalam kung sino ang panalo o kung sino ang talunan. Gayunpaman, ang bawat isa ay tumataya sa kanilang pusta na para bang sinasakmal ng kabaliwan, walang gustong matalo at sa gayon ay palagi silang naghahanda para sa susunod na yugto ng labanan. Nasisiyahan tayo sa panandaliang mga tagumpay at nalulungkot sa ating mga pagkabigo. Sa bawat kabiguan, muli nating nararamdaman ang pagnanais na tumindig at lumaban muli, kaya’t nagsisikap tayo sa susunod nating tagumpay ... Pabalik-balik tayo, at hindi tayo makatakas sa masamang pag-ikot na ito. Sa paghahangad ng pera, katanyagan, kapangyarihan at katayuan pinangungunahan natin ang mabilis na uri ng pamumuhay araw-araw. Ang bawat tao’y nakikibaka at nakikipaglaban, lalong lumulubog sa buhay ng kasamaan, nagiging mas malayo sa Diyos, at unti-unting nawawala ang anumang kahulugan ng direksyon sa buhay. Walang tumitigil upang pagnilayan ang totoong kahulugan at halaga ng buhay, iniisip na sa pamamagitan lamang ng paghahangad na tulad ng ginagawa nila ay hindi sila mamumuhay nang walang kabuluhan. Tayo ay hinihimok nang walang habas ng paghahangad ng katanyagan at kapalaran, bulag na umuusad na para bang nasa isang hamog na nag-aaksaya ng mahahalagang taon ... Ilang mga tao ang lubos na pinapagod ang kanilang mga katawan at isipan, na itinutulak ang kanilang mga sarili sa hangganan upang makamtan ang kanilang mga layunin? Araw-araw silang nagtatrabaho nang obertaym, pinupwersa nila nang labis ang kanilang sarili sa trabaho, kung minsan ay isinasakripisyo pa ang kanilang buhay sa proseso at, sa gayon, madalas tayong makarinig ng mga taong namamatay mula sa sobrang pagtatrabaho. Gaano karaming mga tao ang nagtagumpay sa kanilang trabaho at nakatamo ng isang mabuting reputasyon upang mapagtanto lamang na ang kanilang kalusugan ay matagal nang lumala at ang lahat ng katanyagan at kayamanan sa mundo ay walang kapangyarihan upang mabawasan ang sentensya ng kamatayan ng anumang sakit na dumadapo sa kanila. Nang sa wakas ay napagtanto nila ang lahat ng ito, huli na ang lahat. Sa ating mga pakikibaka para sa katanyagan at kayamanan, dumadaan tayo sa madilim na sakop ni Satanas, nawawala ang pagpapala ng Diyos at lumulubog sa kailaliman ng walang katapusang pagdurusa.

Ano ang maaari nating gawin upang labanan ang tukso ni Satanas, makababa sa treadmill patungo sa katanyagan at kapalaran at mabuhay ng isang payapa at malayang uri ng pamumuhay? Sa aking paghahanap para sa sagot sa katanungang ito, natagpuan ko ang karanasan nina Job at Abraham sa isang librong binabasa ko at lubos akong naantig, alam kong natagpuan ko ang aking direksyon sa buhay. Si Job ay isang taong may mataas na katayuan sa mga taga-Silangan, ngunit hindi niya hinangad ang kanyang katayuan sa lipunan, sa halip ay inialay ang kanyang buhay sa paghahangad sa landas ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Nang sinalakay at tinukso ni Satanas si Job, inilagak siya sa suliranin sa pananalapi, hindi nag-alala si Job tungkol sa kung paano niya mababawi ang kanyang kayamanan at muling itatag ang kanyang sarili sa lipunan, bagkus ay hinangad ang kalooban ng Diyos. Alam niya na kung nagbibigay o nag-aalis man ang Diyos, dapat niyang purihin ang pangalan ng Diyos na si Jehova. Dahil dito, hindi siya nagbitiw kahit isang salita ng reklamo laban sa Diyos at nanatiling matatag sa kanyang patotoo sa Diyos. Natanggap ni Job ang papuri ng Diyos at namuhay ng isang pinaka-makabuluhan at mahalagang buhay. Si Abraham ay isang tao na hindi maliit ang kayamanan at reputasyon sa kanyang pamayanan, ngunit hindi siya nabuhay para sa katanyagan at kayamanan. Inialay rin niya ang kanyang buhay sa paghahangad ng pagsamba at pagpapasakop sa Diyos. Nang inutusan siya ng Diyos na iwanan ang kanyang bansa at kaanak at lumipat sa lupain na tinukoy ng Diyos, Si Abraham ay walang problema sa pag-iwan ng kanyang reputasyon at hindi nag-alala tungkol sa hinaharap, bagkus nakinig lamang sa salita ng Diyos at nagpasakop sa mga plano ng Diyos, buo ang loob na umalis mula sa kanyang dating bansa. Nang si Abraham ay nagkaroon ng kanyang unang anak sa edad na isandaan, sinubukan siya ng Diyos sa pamamagitan ng paghiling na ibalik niya sa Diyos ang kanyang unang anak. Walang nakitang ibang pagpipilian si Abraham kundi gawin ang sinabi ng Diyos—hindi niya sinubukan na mangatwiran sa Diyos, bagkus tahasang nagpasakop sa Kanya, hinahandog ang kanyang nag-iisang anak sa Kanya. Nang mamasdan ng Diyos ang pagpapakita ng katapatan ni Abraham, hindi lamang Niya tinanggihan na kunin si Isaac, pinagpala pa Niya si Abraham ng supling na kasingsagana ng mga bituin sa langit o ng mga butil ng buhangin sa dalampasigan. Ni si Abraham o si Job man ay hindi naakit ng katanyagan at kayamanan at nagpursige sila sa kanilang pagpapasakop at may takot sa Diyos kahit anuman ang sitwasyon. Nagawa nila ito sapagkat naiintindihan nila ang kanilang relasyon sa Diyos at alam na, bilang mga nilikhang nilalang, dapat nilang sambahin ang Panginoong Lumikha nang walang kondisyon. Nagtitiwala ako na marami sa atin, bilang mga Kristiyano ay nauunawaan ang ideyang ito sa teorya, ngunit mahihirapan tayong talikuran ang kayamanan at reputasyon, sundan ang daan ng Diyos at magpasakop sa mga plano at pagsasaayos ng Diyos tulad nina Abraham at Job. Katunayan, bilang mga tao na naninirahan sa mundong ito, nararapat lamang na tayo’y maghangad ng kaalaman tungkol sa Diyos, sumamba sa Diyos, isagawa ang salita ng Diyos at matakot sa Diyos at iwasan ang kasamaan. Ito ang tungkuling dapat nating gampanan bilang mga nilikha na tinatamasa ang panustos ng buhay ng Diyos at ito ang pinakakahulugan at halaga ng ating buhay. Tulad ng sabi ng Diyos: “Kung may tunay na pagkaunawa ang mga tao sa disposisyon ng Diyos, at nakapagbibigay ng taos-pusong papuri sa Kanyang kabanalan at katuwiran, nangangahulugan ito na tunay nga silang kumikilala sa Kanya at nagtataglay ng katotohanan; saka lamang sila mabubuhay sa liwanag. Kapag nagbago na ang pananaw ng isang tao sa mundo at sa buhay, saka lamang siya magkakaroon ng malaking pagbabago. Kapag ang isang tao ay may layunin sa buhay at kumikilos ayon sa katotohanan, kapag ganap siyang nagpapasakop sa Diyos at nabubuhay ayon sa Kanyang mga salita, kapag panatag siya at natatanglawan hanggang sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa, kapag walang kadiliman sa kanyang puso, at kapag siya ay nakapamumuhay nang lubos na malaya at hindi napipigilan sa presensya ng Diyos, saka lamang siya makapamumuhay ng isang tunay na buhay ng tao, at saka lamang siya magiging isang taong nagtataglay ng katotohanan. Bukod pa rito, ang lahat ng katotohanang taglay mo ay mula sa mga salita ng Diyos at mula sa Diyos Mismo. Ang Naghahari sa buong sansinukob at sa lahat ng bagay—ang Kataas-taasang Diyos—ay sinasang-ayunan ka bilang isang tunay na taong namumuhay ng tunay na buhay ng tao. May mas makabuluhan pa ba kaysa sa pagsang-ayon ng Diyos? Ito ang ibig sabihin ng pagtataglay ng katotohanan(“Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahabol sa Katotohanan Nakakamit ng Isang Tao ang Pagbabago sa Disposisyon”).

Sa pamamagitan ng salita ng Diyos, nakatamo ako ng ilang pagkilala at pagkilatis sa aking mga maling pagpapahalaga at pilosopiya ng buhay. Ayoko nang mamuhay sa maka-satanas na lohika at prinsipyo sa buhay ng “mamukod-tangi at magdala ng parangal sa kanyang mga ninuno,” hinahabol ang katanyagan at kayamanan. Handa na ako ngayon na hanapin ang katotohanan, kaalaman sa Diyos, pagpapasakop sa Diyos at pagsamba sa Diyos. Sa paggawa lamang nito ako maaaring mangasiwa ng pinakamahalaga at makabuluhang uri ng buhay! Sa ilalim ng patnubay ng mga salita ng Diyos, nakawala ako sa masamang siklo ng aking mabilis na buhay. Mayroon akong bagong oportunidad para magpatuloy sa buhay at nakamit ko ang espirituwal na paglaya at kasarinlan.

Sa modernong panahong ito, ang makulay na ningning ng materyal na mundo ay inaakit at tinutukso tayo sa lahat ng oras. Kung wala tayong katotohanan bilang ating gabay, napakadali na mawalan ng direksyon. Kung nabihag ka sa pakikipaglaban para sa katanyagan at kayamanan at iniaahon ang iyong sarili habang tinatangay ng rumaragasang alon mula sa baybayin, kung hindi mo matakasan ang pakiramdam ng kahungkagan at sakit na kaakibat bawat araw ng iyong mabilis na buhay, bakit hindi lumapit sa harapan ng Diyos at pakinggan ang Kanyang mga salita gamit ang yong puso? Maaaring ito lamang ang kailangan mo upang makawala sa iyong abalang pamumuhay at makapagbago.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Paliwanag sa Mateo 4:17—Ano ang tunay na Pagsisisi?

Tanging kapag mayroon tayong tunay na pagsisisi sa Diyos natin maaaring matamo ang Kanyang pangangalaga sa gitna ng mga sakuna. Kung gayon ano ang tunay na pagsisisi? At paano natin makakamit ang tunay na pagsisisi? Sasabihin sa iyo ng artikulong ito ang mga kasagutan.