Bumalik Na Nga Talaga ang Panginoon

Pebrero 17, 2019

Ni Reshi, USA

Naniniwala sa Diyos ang buong pamilya ko. Dumadalo ako sa misa kasama ng mama ko mula pa noong bata pa ako at napakaraming pagpapala na ang ibinigay sa amin ng Diyos—punung-puno kami ng pasasalamat sa Kanya at hinihintay din namin ang pagbabalik ng Panginoon. Pero kahit kailan ay hindi ko naisalarawan sa isip ko na kapag talagang bumalik na ang Panginoon upang gumawa at iligtas tayo, hindi ko makikilala ang Kanyang gawa ngunit sa halip ay aasa sa aking aroganteng kalikasan at kakapit sa mga luma kong paniniwala, muntik nang makaligtaan ang kaligtasan ng Panginoon. Sa tuwing iisipin ko ito ay nakakaramdam ako ng pagsisisi sa sarili ngunit nagbubunyi din ako. May awa sa akin ang Panginoong Jesus at sa pamamagitan ng matiyagang pagbabahagi sa akin ng mga kapatid tungkol sa mga bagong salita ng Panginoon ay naintindihan ko ang Kanyang bagong gawain, kaya naman nagawa kong sundan ang Kanyang mga yapak. Nagpapasalamat ako sa pagliligtas ng Diyos sa akin na naging daan upang mahabol ko ang pinakahuling tren para sa Kapanahunan ng Kaharian. Ngayon ay iba’t ibang eksena ng pagtanggap ko sa Panginoon ang naglalaro sa aking isipan....

Isang araw ay ang kaibigan ni mama sa simbahan, si Tita Li, ay nagsama ng ilang mga kaibigan sa simbahan sa aming bahay upang ibahagi ang ebanghelyo ng Diyos ng mga huling araw. Akala ko ay pumunta sila upang palipatin kami sa Kristiyanismo kaya hindi naging bukas ang pagtanggap ko sa kanila, ngunit sinabi ni Tita Li: “Dumating na ang Panginoon; Siya ay Makapangyarihang Diyos, Kristo ng mga huling araw. Inihayag ng Makapangyarihang Diyos ang mga katotohanan at ginawa ang gawain ng paghatol umpisa sa iglesia ng Diyos. Tapos na ang Kapanahunan ng Biyaya at ngayon ay nasa Kapanahunan ng Kaharian na tayo. Kapag nagkasala tayo, hindi na natin kailangang pumunta sa pari upang mangumpisal ngunit maaari nating basahin ng direkta ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at tanggapin ang kanilang paghatol at pagkastigo, magnilay at alamin ang sarili nating masasamang disposisyon mula sa Kanyang mga salita, at kumilos ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ganitong paraan ay maaari tayong unti-unting lumaya mula sa gapos ng kasalanan, maging malinis, at maging mga taong naaayon sa puso ng Diyos.” Matapos marinig ang lahat ng ito, nagulat ako, at naisip ko sa sarili ko: “Ang Makapangyarihang Diyos ang anyo ng Panginoon? Ngunit napakaraming taon ko nang nananampalataya sa Panginoon at tinamasa ang napakaraming biyaya Niya. Kung tatanggapin ko ang bagong gawain ng Makapangyarihang Diyos hindi ba’t pagtalikod iyon sa Panginoong Jesus?” Bahagya akong naguguluhan. Hindi ko isinatinig ang lahat ng iyon, kaya pagkatapos makita ang ikinilos ko ay hindi na sila nagsalita pa.

Pagkatapos niyon ay nakita kong madalas na lumabas mag-isa ang ate ko at pagbalik, mabubulungan sila ng mama ko. Kalaunan ay nag-umpisa silang lumabas na dalawa at sa tuwing uuwi sila ay ngiting-ngiti sila—mukhang mas maganda ang pakiramdam nila kaysa noon. Labis akong nalilito at napagtanto na may itinatago sila sa akin. Makalipas ang panahon ay seryosong-seryosong sinabi nila sa akin na tinanggap nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw at nalaman na ang Makapangyarihang Diyos ang anyo ng Panginoon. Pinayuhan nila ako na seryosong siyasatin iyon. Naririnig na sinasabi nila ito, nahirapan akong umintindi. Naisip ko: “Napaka-relihiyosong mananampalataya ang mama at ate ko, paanong pareho na silang naniniwala ngayon sa Makapangyarihang Diyos? Hindi ba’t paglayo ito mula sa paraang ng Panginoon at pagtalikod sa mga Katolikong paniniwala? Nagbago sila sa loob lang ng ilang araw?” Sumimangot ako at walang sinabi. Dahil nakitang hindi ako nagsasalita, sinabi ng ate ko: “Naiintindihan ko kung anong nararadaman mo. Noong dumating si Tita Li at ibinahagi ang ebanghelyo ng mga huling araw sa atin ay natakot din akong makuha ang maling pananampalataya, pero nalaman ko na may punto ang pangangaral nila at naaayon din sa mga hula sa biblia. Nakita ko rin na lalo pang lumalaki ang mga sakuna sa buong mundo. Mga senyales na nagtuturo sa pagbabalik ng Panginoon. Kung ang Makapangyarihang Diyos nga ang nagbalik na Panginoon, hindi ba’t mawawala sa akin ang biyaya ng Kanyang pagligtas kung tumanggi ako na tanggapin Siya? Kaya, araw-araw akong nanalangin sa Panginoon: Kung ang Makapangyarihang Diyos nga ang nagbalik na Panginoon, nawa’y maliwanagan ako ng Panginoon at gabayan ako upang masundan ko ang yapak ng Kanyang mga paa at hayaan akong makasalubong ang mga kapatid na nagbahagi sa’kin ng ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos. Kamangha-mangha, dumating silang muli upang ibahagi ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa akin at alam ko na ito ay disenyo at pagsasaayos ng Panginoon, kaya nag-umpisa akong siyasatin ang gawain sa mga huling araw ng Makapangyarihang Diyos. Kalaunan ay ipinabasa nila sa akin ang marami sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Nakita kong lahat ng iyon ay nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan, at lahat iyon ay katotohanan at ang tinig ng Diyos. Sinabi sa atin ng Makapangyarihang Diyos ang lahat: ang layunin ng plano ng pamamahala ng Diyos, paano inililigtas ng Diyos ang mga tao, ang ugat ng kasamaan ng sangkatauhan, kung paanong dapat na itakwil ng mga tao ang kasamaan at maligtas, at ang huling resulta at destinasyon. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, marami akong naintindihan na mga katotohanan at maraming misteryo ng Biblia. Nagliwanag nang husto ang puso ko at determinado akong ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus.” Matapos marinig ang kanyang dapat sabihin ay lumuwag nang kaunti ang aking puso. Mukhang hindi niya basta bulag na tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, ngunit nagpatuloy sa paghahanap ng pamumuno ng Panginoon at gabay. Noon ako nakaramdam ng kaunting pagkapahiya at pagsisisi, iniisip na hindi ako tumigil sa pag-asam sa pagbabalik ng Panginoon ngunit nang marinig ko ang patotoo ng mga tao na talagang nagbalik na Siya, wala akong mapagkumbabang puso ng paghahanap. Paano ko matatamo ang kaliwanagan at gabay ng Panginoon sa ganoong paraan? Kung talagang ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoon na nagbalik at hindi ako naghanap at siniyasat ito, hindi ba’t hindi ako makakatanggap ng Kanyang pagliligtas? Nang maisip ko iyon ay nangako ako sa ate ko na handa akong siyasatin ang mga gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw.

Makalipas ang dalawang araw ay sinama ako ng mama at ate ko sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos upang alamin iyon. Dahil medyo nag-aalangan pa rin ako, habang nakikinig ako sa pagbabahagi ng mga tao ay hindi ko magawang patahimikin ang sarili ko, ngunit dahil naroon ang mama at ate ko, para hindi mapahiya ay kailangan kong pilitin ang sarili kong “masigasig” na makinig. Sa mga oras na iyon ay narinig kong sinabi ng isang kapatid sa Iglesia: “Ngayon, karamihan sa mga tao ang nakakaramdam habang dumadalo sa misa na lumang mga bagay lamang mula sa Biblia ang sinasabi ng pari—tuyo iyon, walang bagong liwanag, at hindi naaaliw doon ang mga parokyano. Nangungumpisal sila araw-araw ngunit namumuhay pa rin sila sa kasalanang hindi sila makawala. Maraming tao ang nawalan ng pananampalataya at nahulog sa kadiliman. Nakita nating lahat na ang buong mundo ng relihiyon ay nasira at kulang sa gawain ng Banal na Espiritu. Isa itong katotohanang alam ng lahat! Ngunit alam niyo ba ang dahilan ng pagkawasak sa mga lupon ng relihiyon? May direkta itong ugnayan sa kung nagawa ba nating salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus o hindi. Ang totoo, mayroong dalawang pangunahing dahilan ang pagkawala sa mundo ng relihiyon ng paggawa ng Banal na Espiritu at pagkawasak. Ang una ay dahil ang mga pari at mga namumuno ay hindi sinusunod ang mga utos ng Panginoon o isinasagawa ang Kanyang mga salita, sa halip ay itinataguyod ang mga tradisyon ng tao at nagtutuon sa teolohikong diskusyon at kaalaman sa biblia. Ginagamit nila ito upang magmayabang at magpatotoo sa kanilang mga sarili upang hangaan sila ng iba. Kahit bahagya ay hindi sila nagpapatotoo o itinataas ang Panginoon, ni gabayan ang iba upang isagawa at maranasan ang salita ng Panginoon upang maabot ng mga tao ang pag-unawa sa katotohanan at makilala ang Panginoon. Tuluyan na silang nalihis sa landas ng Panginoon, kaya naman inabandona at inalis Niya sila. Ito ang pangunahing dahilan ng pagkawasak sa mga lupon ng relihiyon. Isa pang dahilan ay dahil nagbalik na ang Panginoong Jesus—Siya ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao, at isinagawa na Niya ang gawain ng paghatol umpisa sa iglesia ng Diyos sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, ipinahahayag ang mga katotohanan upang hatulan at linisin ang lahat nang tumanggap sa Kanyang gawain ng mga huling araw. Alinsunod dito, ang gawain ng Banal na Espiritu ay lumipat sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Ang mga tumanggap sa gawaing ito ay magtatamo ng gawain ng Banal na Espiritu gayundin ang pagkain at patubig ng tubig ng buhay. Gayunman, ang mga nanatili sa grupo ng relihiyon at tumangging tanggapin ang gawain ng Diyos ng mga huling araw ay naiwala na ang gawain ng Banal na Espiritu at nahulog na sa kadiliman, nagiging negatibo at mahina. Ito ang katuparan ng hula sa biblia na: ‘Nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo(Amos 4:7).”

Kahit na pinilit ko ang aking sarili na makinig ng “masigasig”, hindi ko talaga masyadong maintindihan ang ibinahagi ng kapatid na iyon dahil sa mga pangamba ko. Pagkauwi ko ay nagpatuloy ako sa pagpunta sa simbahan upang magdasal, magbasa ng Biblia, at dumalo sa misa, ngunit hindi ko magawang tuluyang mapanatag ang aking puso. Paulit-ulit na nangingibabaw sa isip ko ang pagbabahagi mula sa araw na iyon. Naisip ko: “May kahulugan ang pagbabahaging iyon ng kapatid na iyon at naramdaman ko rin ang kakulangan ng paggawa ng Banal na Espiritu sa iglesia. Maaari kayang nagbalik na nga ang Panginoon upang gumawa ng bagong gawain? Ngunit naniwala ako sa Panginoon sa mga nakalipas na taon at napakaraming biyaya na ang ibinigay Niya sa akin. Hindi ko Siya maaaring pagtaksilan!” Labis akong naguguluhan at hindi ko alam kung gusto kong magpatuloy sa pag-iimbestiga sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw o hindi.

Isang araw ay dumalo ako sa misa at nang dumating ako sa iglesia, natulala ako. Nang dumating ako, palagi nang nagsisimula na ang mga misa noon, ngunit nang araw na iyon ay ni hindi pa nakabukas ang ilang mga ilaw sa iglesia at napakadilim sa loob. Kakaunti lamang ang mga nagkalat na tao at nakaupo lang sila doon at nagkukuwentuhan tungkol sa mga bagay na walang kinalaman sa relihiyon. Wala akong nakitang kahit anong senyales ng pari doon. Labis na nakapanlulumo sa akin ang eksena sa harap ko, at naisip ko: “Unti-unti na ngang nawawasak ang iglesia! Maaari nga kayang katulad ng mga kapatid sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na nagbalik na ang Panginoon at gumawa ng bagong gawain, at ang mga hindi nakasunod doon ay naiwala na ang gawain ng Banal na Espiritu? Oh, lumipat na nga kaya ng gawain ang Panginoon?” Matapos ang misa ay umuwi ako at tumayo sa harap ng larawan ng Panginoong Jesus at tahimik na nanalangin: “Oh Panginoon! Talaga nga bang nagkatawang-tao Ka at gumawa ng bagong gawain? Talaga nga bang Ikaw ang nagbalik na Makapangyarihang Diyos? Panginoon! Nakikiusap ako sa Iyo na gabayan ako...” Matapos ang panalanging ito ay naramdaman kong tila inangat ang malaking bagay na nakadagan sa akin. Nagpakawala ako ng hininga, at naisip: “Dahil wala na ang gawain ng Banal na Espiritu sa iglesiang ito ay dapat akong humanap ng iglesia na nagtataglay nito! Oo, kailangan kong magpatuloy sa pagsisiyasat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Kung ang Makapangyarihang Diyos nga talaga ang nagbalik na Panginoong Jesus ay dapat akong bumalik upang tanggapin Siya!” Labis akong napanatag nang maisip ko iyon.

Pagkatapos niyon ay nagpatuloy ako sa pagsisiyasat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw kasama ng mama at ate ko. Nagulat ako nang magawa kong patahimikin ang akung puso nang makinig akong muli ng mga pangaral. Pagkatapos ay sinabi ko ang tungkol sa kalituhan sa loob ko: “Nang marinig ko ang pagbabahagi mo noon tungkol sa dahilan ng pagkawasak ng mga simbahan ay labis akong sumang-ayon. Tunay ngang nawasak na sila at kulang sa gawain ng Banal na Espiritu. Ngunit mayroon pa rin akong mga reserbasyon—naniwala ako sa Panginoon sa mga nakalipas na taon at labis na nagtamasa ng Kanyang biyaya. Kung lumayo ako sa Panginoong Jesus at naniwala sa Makapangyarihang Diyos, hindi ba iyon pagtataksil sa Panginoong Jesus? Maaari mo bang talakayin ang paksang ito?”

Ngumiti ang Kapatid na Liu nang marinig ang tanong ko at sinabing: “Kapatid, napakahalagang tanong ang sinabi mo. Ang pagkakaroon ng ganyang suliranin ay nagmumula sa kawalan ng kaalaman sa gawain ng Diyos. Tulad iyon ng katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan nang magkatawang-tao ang Diyos bilang Panginoong Jesus at pagkatapos ay kinumpleto ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya sa pundasyon ng Kapanahunan ng Kautusan. Ang mga nakarinig sa Kanyang salita, nakilala iyon bilang tinig ng Diyos at tinanggap ang Kanyang gawain, ay iyong mga nakasunod sa Panginoon. Tulad nina Pedro, Juan, at ng babaeng taga-Samaria, narinig nila ang mensahe ng Panginoong Jesus at napagtanto na Siya ang Mesiyas. Sumunod sila sa mga hakbang ng Diyos at nagtamasa ng patubig at pagkain ng mga salita ng Diyos, nagkakamit ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi lamang hindi sila nagtaksil kay Jehovah, ngunit sinundan nila ang mga yapak ng paa ng Diyos; iyon lang ang tanging paraan upang maging tapat sa Diyos na Jehovah. Pero ang tulad ng mga pinunong pari, mga eskriba, at mga Fariseo, na nangunyapit sa kautusan at tumangging tanggapin ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus ay hindi lamang nabigong matanggap ang papuri ng Diyos na Jehovah, kundi naging mga tao na tumanggi sa Diyos at pinuksa sa pamamagitan ng Kanyang gawain. Tulad niyon, ayon sa Kanyang plano ng pamamahala at alinsunod sa mga pangangailangan ng sangkatauhan, ang Panginoon ng mga huling araw ay ginawa ang yugto ng gawain ng paghatol at paglilinis sa pundasyon ng gawain ng Panginoong Jesus. Ang pagtanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ay hindi pagtataksil sa Panginoong Jesus, kundi pagsunod sa mga yapak ng Diyos. Pagtataguyod iyon ng paraan ng Diyos at relihiyosong pagsunod sa Kanya. Isinasakatuparan nito ang hula sa Aklat ng Pahayag: ‘At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon(Pahayag 14:4). Maiintindihan natin itong lalo matapos basahin ang ilang mga sipi mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sinabi Niya: ‘Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto. Hindi kabilang sa tatlong mga yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi ang tatlong mga yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa Pagkilala sa Diyos). ‘Mula sa gawain ni Jehova hanggang sa iyong gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa iyong kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng gawain at Siyang maghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na isinagawa ng isang Espiritu. Ang lahat ng mga naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3). ‘Naisulong ng gawaing ginagawa sa kasalukuyan ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya; iyan ay, ang gawain sa ilalim ng buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ay nakasulong. Bagama’t natapos na ang Kapanahunan ng Biyaya, nagkaroon ng pag-unlad sa gawain ng Diyos. Bakit paulit-ulit Kong sinasabi na ang yugtong ito ng gawain ay nagtatayo sa ibabaw ng Kapanahunan ng Biyaya at ng Kapanahunan ng Kautusan? Nangangahulugan ito na ang gawain sa kasalukuyan ay pagpapatuloy ng gawaing ginawa sa Kapanahunan ng Biyaya at isang pagsulong doon sa ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang tatlong yugto ay mahigpit na magkakaugnay at ang bawa’t kawing sa kadena ay nakadugtong sa isa. Bakit sinasabi ko rin na ang yugtong ito ng gawain ay tumatayo roon sa ginawa ni Jesus? Kung sakaling hindi nakatayo ang yugtong ito sa gawaing ginawa ni Jesus, kakailanganing magawa muli ang isa pang pagpapako sa krus sa yugtong ito, at ang gawaing pagtubos ng nakaraang yugto ay kailangang ulitin muli. Magiging walang saysay ito. Kaya’t hindi sa ganap nang natapos ang gawain, kundi nakasulong ang kapanahunan at ang antas ng gawain ay naitaas nang mas mataas pa kaysa rati. Maaaring sabihin na ang yugtong ito ng gawain ay itinayo sa pundasyon ng Kapanahunan ng Kautusan at sa bato ng gawain ni Jesus. Ang gawain ay itinatayo nang yugtu-yugto, at ang yugtong ito ay hindi isang bagong pasimula. Tanging ang pinagsamang tatlong yugto ng gawain ang maaaring ituring na anim-na-libong-taong plano ng pamamahala’” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawang Ganap ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao).

Ang tatlong yugto ay mahigpit na magkakaugnay at ang bawa’t kawing sa kadena ay nakadugtong sa isa.” “Nng tatlong yugtong ito ay ... ang lahat ay gawain ng isang Espiritu.” Iyon ang unang beses na nakarinig ako ng bago at labis akong nabighani doon. Naisip ko: “Ang tatlong yugto ng gawain na ito ang Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at ang Kapanahunan ng Kaharian; ay lahat ng tatlong yugto na ginawa ng Panginoon? Bakit mayroon Siyang tatlong yugto ng gawain? Paano nakukumpleto ang tatlong yugto na ito?” Labis akong nasabik at nais maintindihan ang misteryo sa loob nito, kaya ipinaliwanag ko ang aking kalituhan.

Nagbukas si Kapatid na Li ng larawan ng tatlong yugto ng gawain sa kanyang computer at ibinahagi sa akin: “Sinasabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na mayroong tatlong yugto sa Kanyang gawain upang iligtas ang sangkatauhan. Ang una ay ang Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan, ang pangalawa ay ang Kapanahunan ng Biyaya sa Bagong Tipan, at ang pangatlo ay ang Kapanahunan ng Kaharian na hinulaan sa Aklat ng Pahayag. Ang tatlong yugto na ito ay ang iba’t-ibang gawain ng Diyos sa iba’t-ibang kapanahunan, at kahit na ang kapanahunan, ang gawain, ang pangalan ng Diyos, at ang disposisyon na Kanyang ipinahahayag ay magkakaibang lahat, lahat ng ito ay gawain ng iisang Espiritu. Bawa’t isa sa tatlong yugto na ito ay mahigpit na sumusunod sa kasunod na yugto at bawa’t isa ay mas mataas at mas malalim kaysa sa huli. Kung wala ang kahit anong yugto, hindi magiging posible na iligtas ng lubusan ang sangkatauhan mula sa pamamahala ni Satanas. Sa Lumang Tipan, gumawa ang Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan sa ilalim ng pangalan na Jehovah. Ang disposisyon na Kanyang ipinahayag ay ang kamahalan, galit, awa, at sumpa; inilathala Niya ang mga kautusan at ang batas sa pamamagitan ni Moses, at pinangunahan ang mga buhay ng mga nilikhang tao noon sa mundo upang malaman nila kung ano ang kasalanan, paano nila dapat sambahin ang Diyos, at sundin ang mga kautusan ni Jehovah, at susunod ang pagpapala at biyaya ng Diyos. Sinumang lumabag sa kautusan ay babatuhin hanggang sa mamatay o susunugin ng buhay. Lahat sila ay nahaharap sa panganib na mahatulan at mapatay ayon sa kautusan. Sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan ay lalo pang naging masama at makasalanan ang mga tao at hindi na sinusunod ang kautusan. Isinagawa ng Diyos ang bagong yugto ng gawain ayon sa pangangailangan ng sangkatauhan, nagkakatawang-tao bilang Jesus upang gumawa. Nagpahayag siya sa Kapanahunan ng Biyaya, tinatapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Ang disposisyon na ipinahayag Niya ay pag-ibig at awa; dinala Niya ang paraan ng pagsisisi, tinuruan ang mga tao na maging mapagparaya at matiyaga, na mahalin ang kanilang mga kaaway at patawarin ang iba hanggang sa makapito; hanggang sa makapitumpu’t-pito. Nagkaloob rin siya ng maraming biyaya sa mga tao at sa huli ay ipinako upang iligtas ang sangkatauhan, nililigtas tayo mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Satanas. Mula noon, sa tuwing magkakasala tayo ay tinatawag natin ang Panginoong Jesus, mangungumpisal at magsisisi, at patatawarin ang ating mga kasalanan, hinahayaan tayong tamasahin ang kapayapaan at kaligayahang ipinagkaloob ng Diyos. Kahit na nabura ang ating mga kasalanan dahil sa pagtubos ng Panginoong Jesus, hindi pa rin tayo nakakatakas mula sa ating masasamang satanikong disposisyon kaya madalas pa rin tayong magkasala at hindi nakuha ng Diyos. Upang tuluyan tayong iligtas mula sa kasalanan, muling nagkatawang-tao ang Diyos at ginawa ang gawain ng paghatol umpisa sa iglesia ng Diyos sa ngalan ng Makapangyarihang Diyos, ipinahahayag ang milyong mga salita upang ihantad ang masasamang kalikasan ng sangkatauhan, hatulan ang ating pagiging di-makatuwiran, ipaalam sa atin ang sarili nating mga kalikasan sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, malinaw na makita ang katotohanan kung gaano kalalim ang pinsala sa atin ni Satanas, alamin ang ugat ng atin kasamaan, at makilala ang makatuwirang disposisyon ng Diyos na hindi hahayaan ang pagkakasala. Itinuturo din ng mga salita ng Diyos ang daan ng pagsasagawa upang mapalaya natin ang ating mga sarili mula sa ating mga satanikong disposisyon. Kung tatanggapin natin ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, magnilay sa ating mga sarili at alamin ang ating mga satanikong disposisyon sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga salita ng Diyos, at pagkatapos ay isagawa ang katotohanan, unti-unti nating maaalis ang gapos ng kasalanan, unti-unting magbabago ang ating pananaw sa mga bagay, at pagtagal ay magbabago ang mga disposisyon natin sa buhay. Sa huli, magagawa nating matakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan at maging mga tao na naaayon sa kalooban ng Diyos, at sa wakas ay madadala ng Diyos sa magandang patutunguhan. Ang tatlong yugto ng gawain ay ginawa ayon sa plano ng pamamahala ng Diyos, gayundin sa kasamaan ng sangkatauhan. Bawat yugto ay itinayo sa pundasyon ng huli; bawat yugto ay mas mataas at mas malalim kaysa sa huli. Kung gumawa lamang ng isa o dalawang yugto ng gawain ang Diyos ay hindi Niya magagawang lubusang iligtas ang sangkatauhan. Sa pamamagitan lamang ng paggawa ng tatlong yugto ng gawain Niya magagawang lubusang iligtas ang sangkatauhan. Tanging sa pamamagitan lamang ng paggawa ng tatlong yugto ng gawain Niya tuluyang maililigtas ang sangkatauhan mula sa pamumuno ni Satanas. Tanging ang tatlong yugto ng gawain lamang ang kumpletong gawain ng Diyos ng pagliligtas para sa sangkatauhan. Ito ang dahilan kung bakit ang pagtanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ay hindi pagtataksil sa Panginoong Jesus kundi pagsunod sa mga yapak ng Kordero. Tanging ang gumagawa lamang nito ang tunay na tapat sa Diyos.”

Matapos marinig ang mga salita ng Diyos at ang pagbabahagi ng kapatid na iyon ay labis na nagliwanag ang aking puso. Masaya kong sinabi: “Kung ganoon ay lahat ng tatlong yugto ng gawain ay ginawa ng iisang Diyos, ngunit dahil nasa iba’t-ibang kapanahunan sila ng gawain ng Diyos, ang Kanyang pangalan, at ang disposisyon na Kanyang ipinahahayag ay hindi magkatulad. Ginawa lamang ng Diyos ang tatlong yugto ng gawain upang lubusan tayong iligtas mula sa pamumuno ni Satanas. Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian ay itinatag sa pundasyon ng gawain ng Panginoong Jesus. Ito ay bagong hakbang sa mas mataas na gawain, at hangga’t tinatanggap natin ang bagong gawain ng Makapangyarihang Diyos ay magagawa nating itakwil ang ating makasalanang kalikasan, magtamo ng paglilinis at mailigtas ng Diyos! Sa pagkakataong ito ay naintindihan kong ang paniniwala sa Makapangyarihang Diyos ay hindi pagtatakwil sa Panginoong Jesus, kundi pagsubaybay sa bagong gawain ng Diyos at pagsalubong sa Panginoon.”

Naririnig ito, masayang sinabi ni Kapatid na Li: “Ang pagkakaroon ng ganitong uri ng pang-unawa ay paggabay ng Diyos. Papuri sa Panginoon! Sa mga huling araw, nagkatawang-tao ang Diyos at inihayag ang lahat ng katotohanan upang linisin at iligtas ang tao, ihantad ang mga misteryo ng Kanyang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala upang iligtas ang sangkatauhan. Sinabi Niya sa atin ang lahat ng katotohanan kabilang na ang layunin ng Kanyang tatlong yugto ng gawain upang iligtas ang sangkatauhan, mga misteryo ng Kanyang pagkakatawang-tao, kung paanong pininsala ni Satanas ang sangkatauhan, kung paano inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan, kung anong huling patutunguhan ng sangkatauhan, at kung paanong dapat tayo maghanap upang mailigtas at makapasok sa kaharian ng langit. Ang mga nagmamahal sa katotohanan at nagawang marinig ang tinig ng Diyos ay maririnig mula sa Kanyang mga salita na ang mga iyon ay tinig ng Panginoon at nagbalik upang tumayo sa harap ng Kanyang trono. Sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan ay magagawa nating matamo ang paglilinis at gawing perpekto ng Diyos. Gayunman, ang mga hindi nagmamahal sa katotohanan at tumatangging tanggapin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, na lumalaban at humahatol pa rin kay Kristo ng mga huling araw, ay maaari lamang mahulog sa kalamidad, pumapanaghoy at nagngangalit ang kanilang mga ngipin; inihantad sila at pinuksa. Sa pamamagitan ng ganitong uri ng praktikal na gawain inihihiwalay ng Diyos ang mga tao ayon sa kanilang uri, sa huli ay ginagantimpalaan ang mabuti at pinarurusahan ang masama. Lahat ng gawain sa Kanyang plano ng pamamahala ay ginawa mismo ng Diyos. Walang tao ang makakapalit doon.”

Pagkatapos ay binasa ni Kapatid na Yang ang dalawang sipi mula sa mga salita ng Diyos: “Kung ikaw ay may malinaw na kaalaman sa tatlong mga yugto ng gawain—na sa madaling salita, sa buong plano ng pamamahala ng Diyos—at kung kaya mong lubusang iugnay ang naunang dalawang yugto ng gawain ng Diyos sa pangkasalukuyang yugto, at makikitang ito ay gawaing ginawa ng isang Diyos, kung gayon hindi ka magkakaroon ng mas matibay na saligan. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ginawa ng isang Diyos, ito ang pinakadakilang pangitain, at ito ang tanging daan upang makilala ang Diyos. Ang tatlong mga yugto ay maaari lamang magawa ng Diyos Mismo, at walang tao ang kayang gumawa ng gawaing iyon sa pangalan Niya—na ibig sabihin ang Diyos Mismo lamang ang makagagawa ng Kanyang sariling gawain mula sa umpisa hanggang sa ngayon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa Pagkilala sa Diyos). “Yaong mga nakakaalam lamang at nagpapahalaga sa tatlong mga yugto ng gawain ang may kakayanang lubos at tiyak na kilalanin ang Diyos. Gayunpaman, hindi nila bibigyang-kahulugan ang Diyos bilang ang Diyos ng mga Israelita, o mga Hudyo, at hindi Siya makikita bilang isang Diyos na walang-hanggang nakapako sa krus para sa kapakanan ng tao. Kung nakikilala mo lamang ang Diyos mula sa isang yugto ng Kanyang gawain, kung gayon ang iyong pagkakilala ay masyadong, masyadong kaunti. Ang iyong pagkakilala ay isang patak lamang sa dagat. Kung hindi, bakit marami sa mga relihiyosong konserbatibong ayaw sa pagbabago ang nagpako sa Diyos nang buhay sa krus? Hindi ba dahil ikinukulong ng tao ang Diyos sa loob ng tiyak na mga parametro?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa Pagkilala sa Diyos).

Pagkatapos ay nagbabahaging sinabi ng kapatid: “Ang pagkaalam sa tatlong yugto ng gawain ang pinakamagandang pananaw sa ating pananampalataya at ito rin ang ating nag-iisang daan upang makilala ang Diyos. Kung hindi natin maiintindihan ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos o kilala lang natin ang Diyos sa pamamagitan ng isang yugto ng Kanyang gawain, naniniwala na Siya ay isa lamang Diyos ng pagliligtas sa sangkatauhan at nagbibigay ng biyaya sa atin, o naniniwala na ang tanging pangalan lamang Niya ay Jesus, at iba pa, malamang na lalagyan natin ng limitasyon ang Diyos at lilimitahan Siya ayon sa ating sariling mga paniniwala at imahinasyon. Tulad na lamang ng kung paanong mayabang na umasa lamang ang mga pinunong pari, mga eskriba, at mga Fariseo ng paniniwala ng mga Hudyo sa sarili nilang mga paniniwala at imahinasyon upang lagyan ng limitasyon ang gawain ng Panginoong Jesus, naniniwala na kung hindi Siya tinatawag na ‘Mesiyas” ay hindi maaaring Siya ang Diyos. At kinuha nila ang bawat pagkakataon upang labanan at husgahan ang Panginoong Jesus, sa huli ay ipinapako Siya sa krus, ginagawa ang pinaka-matinding kasalanan at kaya naman pinarusahan ng Diyos. Naging dahilan ito upang mawala sa mga Israelita ang kanilang bansa sa halos dalawang libong taon. Ngayon ay maraming mga pastor, mga matatanda, mga pari, at mga pinuno sa mundo ng relihiyon ang hindi nakakakilala sa gawain ng Diyos at umaasa lamang sa kanilang aroganteng kalikasan, pinaninindigan ang kanilang mga sariling paniniwala at imahinasyon upang labanan at isumpa ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Hindi ba’t ginagawa rin nila ang pagkakamali ng mga Fariseo? Kung hindi natin magagawang makilala ang pananaw ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay madali tayong susunod sa mga pari at mga pinuno ng mundo ng relihiyon sa paghatol at pagsumpa sa gawain ng Diyos, at ginagawa ang mga bagay na lumalaban sa Diyos. Napaka-seryoso nito at siguradong magiging dahilan ng pagkawala ng pagkakataon upang mailigtas ng Diyos!”

Mga Katolikong Paniniwala: Bumalik Na Nga Talaga ang Panginoon

Matapos marinig ang mga salita ng Diyos at pagbabahagi ng kapatid na ito, nasasabik kong sinabi: “Ngayon ay naintindihan ko na talaga. Tanging ang Diyos lamang mismo ang makagagawa ng tatlong yugto ng gawain upang iligtas ang sangkatauhan, at kung hindi nauunawaan ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay magagamit mo lamang ang sarili mong mga paniniwala at imahinasyon upang limitahan at labanan ang Diyos, at pagkatapos ay malamang na mawala sa’yo ang kaligtasan ng Kanyang pagbabalik. Kung ganoon ay hindi ba’t nabalewala ang pananampalataya ko sa Diyos sa mga nakalipas na taong ito? Bukod sa hindi ko nagawang matamo ang pagsang-ayon ng Diyos sa paraang iyon ay naging isa akong tao na naniniwala sa Kanya ngunit nilalabanan pa rin Siya! Nakakatakot iyong isipin. Dapat akong maging mapagkumbaba, masunuring tao, pakawalan ang sarili kong mga paniniwala at imahinasyon, at magmadali sa pagsisiyasat at tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.” Matapos akong marinig na sabihin ito, masayang sinabi ng aking ina: “Tama iyan!” Masaya rin akong pinalakpakan ng ate ko at ng ibang mga kapatid.

Pagkatapos niyon ay nag-umpisa akong masigasig na basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, manood ng mga pelikula ng ebanghelyo mula sa website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, magkaroon ng pagtitipon kasama ng mga kapatid upang basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at magkakasamang magbahagi tungkol sa pagkaunawa namin sa mga salita ng Diyos. Unti-unti ay nagawa kong maintindihan ang maraming mga katotohanan na hindi ko pa naintindihan noon sa paniniwala ko, tulad ng: misteryo ng paglitaw ng nagkatawang-taong Diyos at gumawa ng gawain, kung paano ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol, at ang kahalagahan ng pagbabago ng Diyos ng Kanyang pangalan. Sa pamamagitan ng pagdalo sa mga pagtitipon at panonood ng mga pelikula ng ebanghelyo mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi ko na pinagdududahan ang bagong gawain ng Diyos at naramdaman na ang relasyon ko sa Kanya ay lalo pang napapalapit. Naramdaman ko rin ang unti-unting paglaya ng puso ko at desididong ang Makapangyarihang Diyos nga talaga ang nagbalik na Panginoong Jesus! Kahit na hindi pa ganoon katagal mula nang tanggapin ko ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos, nararamdaman ko na sa pagkakataong ito ay mas maraming katotohanan akong naintindihan kaysa sa 20-kakaibang taon na naniwala ako sa Diyos bago nito. Nagpapasalamat ako sa Diyos para sa Kanyang pagliligtas para sa’kin!

Tala ng Editor: Matapos basahin ang sanaysay na ito ay nagawa nating maintindihan sa wakas ang dahilan kung bakit ang mga iglesia ngayon ay nasisisra na, gayundin kung paano natin dapat salubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Umaasa kami na ang lahat ng tapat na mga kapatid ay matamo ang gawain ng Banal na Espiritu at sundan ang mga yapak ng Diyos, gaya ng pangunahing tauhan. Kung ganoon ay paano tayo dapat manood at maghintay sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon? Nais naming irekomenda ang isang bahagi mula sa napakagandang pelikula na “Paghihintay”: Paano Tayo Dapat Manood at Maghintay sa Ikalawang Pagbabalik ng Panginoon?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pagsaksi sa isang Himala sa Gitna ng Kawalan ng Pag-asa

Sa mga pangyayaring kaugnay sa sakunang ito, nananalangin siya sa Diyos at umaasa sa Diyos, at sa ilalim ng patnubay ng mga salita ng Diyos, nakakatagpo siya ng pananampalataya at lakas, at nakakasaksi ng isang himala sa gitna ng kawalan ng pag-asa.