Paliwanag sa Zacarias 13:9—Bakit Pinapahintulutan ng Diyos na Magdusa ang mga Kristiyano?

Agosto 21, 2019

Ni Li Tong

Mga Nilalaman
Ang mga Pagsubok at Pagpipino ang Pinakamagandang Biyaya sa Atin ng Diyos
Matutulungan Ba Tayo ng Materyal na Biyaya na Umunlad sa Ating mga Buhay?
Paano Makakalampas sa mga Pagsubok at Pagpipino

Maraming mga Kristiyano ang nalilito: Ang Diyos ay pag-ibig at Siya ay makapangyarihan, kaya bakit Niya tayo hinahayaang magdusa? Maaari kayang inabandona na Niya tayo? Palagi akong nagtataka sa tanong na ito, ngunit kamakailan lang, sa pamamagitan ng pagdarasal at paghahanap, nagtamo ako ng kaunting kaliwanagan at paliwanag. Nalutas nito ang hindi ko pag-unawa sa Diyos, at nagawa kong maunawaan na ang paghihirap ay hindi pagwawalang-bahala sa atin ng Diyos, ngunit sa halip ay maingat itong isinaayos ng Diyos upang dalisayin at iligtas tayo. Ang mga pagsubok at pagpipino na ito ang pinakamagandang biyaya sa atin ng Diyos!

Ang mga Pagsubok at Pagpipino ang Pinakamagandang Biyaya sa Atin ng Diyos

Sinasabi ng Diyos, “At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila’y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila’y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila’y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya’y bayan ko; at kanilang sasabihin, Si Jehova ay aking Dios(Zacarias 13:9). “Narito dinalisay kita, nguni’t hindi parang pilak; pinili kita sa hurno ng kadalamhatian(Isaias 48:10). At sa 1 Pedro 5:10, sinasabing, “At ang Dios ng buong biyaya na sa inyo’y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo’y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo.”

Makikita natin mula sa mga salita ng Diyos at sa banal na kasulatan na naroon ang kalooban ng Diyos sa pagpayag Niyang magdusa tayo, at lahat ng iyon ay upang dalisayin at iligtas tayo. Isa itong mahalagang kayamanan na ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Bago dumating sa atin ang mga pagsubok at pagpipino, iniisip nating lahat na tayo ay mga taong pinaninindigan ang paraan ng Diyos. At pakiramdam pa nga ng ilan sa atin na sa pamamagitan ng pagtatakwil, paggugol sa Diyos, pagtatrabaho at paggawa para sa Diyos. Sa pamamagitan ng pagdurusa at pagbabayad ng kabayaran, lubos nating isinasaalang-alang ang kalooban ng Diyos. Na tayo ang mga tao na labis na nagmamahal sa Kanya, at na tayo ang pinaka-tapat sa Kanya. Naniniwala tayo na kahit sino pa man ang maaaring maging negatibo at mahina o magtakwil sa Diyos, hinding hindi natin iyon magagawa. Ngunit ang katotohanan ay kapag nahaharap tayo sa mga paghihirap gaya ng pagkawala ng trabaho, o mga kagipitang pampinansiyal, nagrereklamo tayo laban sa Diyos. Nawawala ang ating pananampalataya, at hindi na nais gumugol para sa Kanya. Kapag tinamaan ng kasawian ang ating mga pamilya o may naganap na sakuna, maaari pa rin tayong magreklamo tungkol sa Diyos dahil sa bagay na nakaaapekto sa ating mga personal na interes. Nakikipagtalo tayo at nakikipag-away, at sa mga seryosong pagkakataon, pinagtataksilan ang Diyos at tinatalikuran ang ating pananampalataya. Maraming beses na sinabi ng Diyos na hinihingi Niya sa atin na sundin ang Kanyang paraan, at hininging, “Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo(Mateo 22:37). Gayunman, palagi tayong nagkakalkula upang lalo pang dumami ang mga pangangailangan ng ating laman, at mas pinahahalagahan iyon kaysa sa ating pag-ibig sa Diyos. Kapag kumikilos ang Diyos ayon sa ating mga pansariling paniniwala, nagpapasalamat at pinupuri natin Siya. Ngunit kapag hindi, hindi natin Siya nauunawaan at nagrereklamo tungkol sa Diyos, o pinagtataksilan pa Siya. Ipinapakita nito sa atin kung gaano kalalim ang pagtitiwali sa atin ni Satanas. Palagi nating hinahabol ang mga biyaya sa ating pananampalataya, na tila pagtatangkang makipag-transaksiyon sa Diyos—ang gawin ito ay labis na makasarili, kasuklam-suklam, at wala sa katwiran! Sa puntong ito, maaari nating matamo ang tunay na pang-unawa sa mga masasamang disposisyon ng paghihimagsik at pagsalungat sa Diyos sa loob natin, gayundin ang pag-unawa sa mga maling motibo at paniniwala sa ating pananampalataya. Makikita natin na ang pamumuhay natin ay malayo mula sa hinihingi sa atin ng Diyos, at na lubos tayong hindi hindi karapat-dapat na makatanggap ng mga biyaya ng Diyos at pagsang-ayon. Gayon din, sa pamamagitan ng mga ganoong klaseng pagsubok at pagpipino, maaari nating maranasan ang kabanalan at katuwiran ng Diyos, at mararamdaman kung gaano karaming pagsasama ang nasa pananamplataya natin sa Kanya. Kung magpapatuloy tayong manampalataya sa Kanya nang may intensiyon na humingi ng mga biyaya, magiging dahilan lamang ito upang mandiri sa atin ang Diyos at mapoot sa atin. Sa oras na mahantad sa pamamagitan ng mga pagsubok, makikita natin na napakalaki ng ating pagiging tiwali at napakarami nating pagkukulang, kaya naman mag-uumpisa tayong lumapit sa Diyos upang manalangin, basahin ang Kanyang mga salita, at pagkatapos ay magnilay at alamin ang mga lugar sa loob natin na hindi naaayon sa kalooban ng Diyos at magpapatotoo sa Kanya. At hindi natin mamamalayan, nagkakaroon na tayo ng mas malapit na relasyon sa Diyos. Matapos ang ganoong uri ng karanasan, hindi lamang natin mauunawaan ang ating mga sarili at pag-unawa sa disposisyon ng Diyos, nagiging mas matatag at mahihinog tayo. Ang ating mapusok, mapagmataas, makasarili, at mapanlinlang na disposisyon ay napapabagsak. At noon lamang natin tunay na mauunawaan na habang ang mga pagsubok at pagpipino ay nagdudulot sa atin ng sakit sa katawan, ang bunga na dala nito sa atin ay ang kaligtasan at pagdadalisay, na malaki ang pakinabang at nakakapagpaganda para sa ating buhay.

Makikita rin natin ito mula sa mga karanasan ng mga santo sa mga nakalipas na panahon. Bago kinasangkapan ng Diyos si Moises, una Niyang tinimpla si Moises sa kasukalan sa loob ng 40 taon. Nang mga panahong iyon, tiniis ni Moises ang lahat ng uri ng paghihirap, wala siyang makausap, at madalas na nahaharap siya sa mga mababangis na hayop at marahas na panahon. Palaging nanganganib ang kanyang buhay. Labis nga siyang nagdusa sa marahas na kapaligirang iyon. Maaaring itanong pa ng ilang mga tao, “Hindi ba maaaring direktang gamitin ng Diyos si Moises? Bakit kailangan Niya muna itong ipadala sa kasukalan sa loob ng 40 taon?” Makikita natin dito ang kabutihan ng Diyos. Alam natin na matapat na tao si Moises na may pagpapahalaga sa hustisya, ngunit maigsi ang pasensiya niya at may ugali na kumikilos nang walang pasubali dahil sa kanyang ideya tungkol sa katuwiran. Nang makita niyang nilalatigo ng isang sundalong taga-Ehipto ang isang Israelita, pinukpok niya ang taga-Ehipto ng bato sa ulo, pinapatay ito. Ang natural na pasensiya ni Moises at pagiging bayani ay hindi naaayon sa kalooban ng Diyos, kaya kung direkta siyang gagamitin ng Diyos, magpapatuloy lamang siyang umasa sa mga pag-uugaling ito sa kanyang pagkilos at hindi kailanman makukumpleto ang ipinagkatiwala sa kanya—pangunguna sa mga Isaelita palabas ng Ehipto. Ito ang dahilan kung bakit hinayaan ng Diyos na manatili si Moises sa kasukalan sa loob ng 40 taon, upang maging mas nararapat siyang maging kasangkapan ng Diyos. Sa isang napakahirap at masungit na kapaligiran, si Moises ay hindi lamang patuloy na nanalangin at tumawag sa Diyos, ngunit nakita niya ang walang-hanggang kapangyarihan at pangingibabaw ng Diyos, at umasa sa Diyos para patuloy siyang mabuhay. Ang maigsing pasensiya, natural na mga katangian niya ay nawala, at nakabuo siya ng tunay na pananampalataya at pagpapasakop sa Diyos. Kaya, nang tinawag ng Diyos si Moises upang gawin ang Kanyang utos, ang pangunahan ang mga Israelita palabas ng Ehipto, nagawang tanggapin at sundin iyon ni Moises nang walang pagtutol, at sa gabay ng Diyos, walang problemang nagawa niya ang utos ng Diyos.

Nariyan din ang kuwento ni Job sa Biblia. Sumailalim si Job sa mga pagsubok ng pagtanggal sa mga pag-aari niya, winasak ang kanyang mga anak, at siya mismo ay nagkaroon ng mga bukol sa buong katawan niya. Ngunit sa kabila ng kanyang mga pagdurusa, ni minsan ay hindi siya nagkasala sa kanyang mga salita. Hindi siya nagreklamo tungkol sa Diyos, ngunit tinanggap ang lahat mula sa Diyos sa loob ng kanyang puso. Nagawa niya ring hanapin ang kalooban ng Diyos, at sa huli ay sinabing, “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nagalis; purihin ang pangalan ni Jehova” (Job 1:21) at “Tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama?” (Job 2:10). Umasa siya sa kanyang pananampalataya, takot at pagpapasakop sa Diyos upang sabihin ang mga bagay na ito, kaya naman nagpatotoo para sa Diyos. Ang dahilan kung bakit nagawang magpatotoo ni Job sa kabila ng ganoon kalalaking pagsubok ay dahil naniwala siya na pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay, at ang lahat nang mayroon siya at mga anak ay ibinigay sa kanya ng Diyos, kaya naman may karapatan ang Diyos na kunin sila. Bilang isang nilikhang nilalang, dapat siyang tumanggap at magpasakop. Ang kakayahan ni Job na tumayo sa posisyon ng isang nilikhang nilalang at walang kondisyon na sumund sa Lumikha ay pagpapatotoo para sa Diyos. Kalaunan ay nagpakita ang Diyos kay Job sa isang bagyo, at nakita ni Job ang likuran ng Diyos at narinig ang Diyos na makipag-usap sa kanya gamit ang sarili Niyang bibig. Nagtamo siya ng tunay na pag-unawa sa Diyos. Natamasa ni Job ang mga bunga na kailanman ay hindi niya natamasa sa isang komportableng kapaligiran, at ito ang pinakamagandang biyayang ipinagkaloob kay Job sa pamamagitan ng mga pagsubok at pagpipino. Gaya ng sinabi ni Job sa kanyang mga kaibigan matapos ang kanyang mga pagsubok, “Pagka kaniyang nasubok ako ay lalabas akong parang ginto” (Job 23:10).

Ipinapakita nito sa atin na ang mga pagsubok at pagpipino ay tunay at totoong pag-ibig ng Diyos sa atin. Tanging sa pamamagitan lamang nila tayo maaaring madalisay at mailigtas ng Diyos, dahilan upang maging mga taong naaayon sa kalooban ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit hinahayaan ng Diyos na maranasan natin ang mga bagay na ito.

Matutulungan Ba Tayo ng Materyal na Biyaya na Umunlad sa Ating mga Buhay?

Madalas, hindi natin nauunawaan ang magagandang intensiyon ng Diyos, at umaasa na mangyayari ang mga bagay ayon sa ninanais natin. Partikular na hindi natin gustong sumailalim sa mga pagsubok at pagpipino. Sa halip, umaasa tayo ng isang payapang buhay nang walang sakuna sa ating mga buhay o sa ating mga mahal sa buhay. Nais nating maging maayos ang lahat, at tamasahin ang mga pagpapala at biyaya ng Diyos. Ngunit inisip ba natin ni minsan kung magagawa ba nating iwaksi ang ating tiwaling mga disposisyon sa isang komportableng kapaligiran? Talaga bang matutulungan tayo ng mga materyal na biyaya na malaman ang disposisyon at kung ano ang Diyos? Kung ang matatamasa lamang natin ay ang Kanyang awa at biyaya, madadagdagan ba noon ang ating pananampalataya sa Kanya at hahayaan tayong bumuo ng tunay na pagmamahal at pagpapasakop sa Diyos? Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Kung tinatamasa mo lamang ang biyaya ng Diyos, sa isang mapayapang buhay ng sambahayan o mga pagpapalang materyal, kung gayon hindi mo nakamit ang Diyos, at ang iyong paniniwala sa Diyos ay nabigo. Ipinatupad na ng Diyos ang isang yugto ng gawain ng biyaya sa katawang-tao, at ipinagkaloob na ang mga materyal na pagpapala sa tao—ngunit ang tao ay hindi maaaring gawing perpekto sa pamamagitan lamang ng biyaya, pag-ibig, at habag. Sa mga karanasan ng tao nakakatagpo niya ang ilang pag-ibig ng Diyos, at nakikita ang pag-ibig at habag ng Diyos, ngunit sa pagdanas sa loob ng isang yugto ng panahon, nakikita niya na ang biyaya ng Diyos at ang Kanyang pag-ibig at habag ay walang kakayahan na gawing perpekto ang tao, at walang kakayahan sa paghahayag sa kung alin ang tiwali sa loob ng tao, ni nagagawa ng mga ito na alisin sa tao ang kanyang tiwaling disposisyon, o gawing perpekto ang kanyang pananampalataya at pag-ibig. Ang gawain ng biyaya ng Diyos ay ang gawain ng isang yugto, at hindi makaaasa ang tao sa pagtatamasa sa biyaya ng Diyos upang makilala ang Diyos(“Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos”).

Malinaw na malinaw ang mga salita ng Diyos. Kung magtutuon lamang tayo sa pagtatamasa ng awa at biyaya ng Diyos, hindi lamang tayo hindi makakalaya mula sa ating mga tiwaling disposisyon, ngunit hindi rin uunlad sa ating mga buhay. Hindi rin maaaring maperpekto ang ating pananampalataya, pag-ibig at pagsunod. Sinasabi ng Biblia, “Ang pagkawalang balisa ng mga mangmang ay ang sisira sa kanila” (Kawikaan 1:32). Kung patuloy tayong mamumuhay sa loob ng isang komportableng kapaligiran nang walang mga pagsubok o pagpipino, unti-unting mapapalayao ang ating mga puso mula sa Diyos at malamang na maging napakasama natin bilang resulta ng ating pagiging ganid sa mga materyal na bagay. Mamumuhay tayo sa loob ng ating mga tiwaling disposisyon kung saan puno ang ating mga sikmura ng pagkain at walang inaalalang problema ang ating mga isipan, sa huli ay walang naisasakatuparan, itinatapon ang ating mga buhay. Tulad ito ng pagiging isang magulang—kung palagi mong yayakapin ang iyong anak at mapagpatawad at mapagpalaya anuman ang gawin nilang mali, sa anong punto magagawang baguhin ng anak na iyon ang negatibo nilang mga katangian at uunlad? Kaya, hindi makatutulong ang komportableng kapaligiran sa ating pag-unlad sa buhay. Sa kabaligtaran, lalo tayo nitong gagawing sakim sa kasiyahan ng laman at patuloy lamang tayong hihingi ng biyaya at pagpapala ng Diyos, nagiging mas makasarili, sakim, masama, at mapanlinlang. Kung nais nating makatakas mula sa ating tiwaling disposisyon at maging mga tao na alinsunod sa kalooban ng Diyos, hindi tayo dapat makokontento sa pagpapasasa sa biyaya at pagpapala ng Diyos at pananampalataya sa Diyos sa isang komportableng kapaligiran, ngunit dapat din tayong dumaan sa maraming mga pagsubok at pagpipino. Iyon lamang ang paraan upang maalis natin ang ating mga tiwaling disposisyon at malinis ng Diyos.

Paano Makakalampas sa mga Pagsubok at Pagpipino

Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Kapag hinaharap mo ang mga pagdurusa, dapat mong makaya na hindi isaalang-alang ang laman at huwag magreklamo laban sa Diyos. Kapag itinatago ng Diyos ang Sarili Niya mula sa iyo, dapat magkaroon ng pananampalataya na sumunod sa Kanya, mapanatili ang iyong dating pag-ibig nang hindi hinahayaang maging marupok o maglaho ito. Maging anuman ang ginagawa ng Diyos, dapat magpasakop ka sa Kanyang plano, at higit na nakahandang sumpain ang iyong sariling laman sa halip na magreklamo laban sa Kanya. Kapag ikaw ay nakaharap sa mga pagsubok dapat mong mapalugod ang Diyos sa kabila ng anumang pagbabantulot na mawalay sa isang bagay na iyong iniibig, o mapait na pagtangis. Ito lamang ang matatawag na tunay na pag-ibig at pananampalataya. Maging anuman ang iyong aktuwal na tayog, dapat angkin mo muna ang kaloobang magdusa ng kahirapan gayundin ang totoong pananampalataya, at dapat mayroon kang kaloobang talikdan ang laman. Kailangang nakahanda kang personal na tiisin ang mga paghihirap at magdusa ng mga kawalan sa iyong mga personal na interes upang mapalugod ang kalooban ng Diyos. Dapat ka ring magkaroon ng isang pusong nanghihinayang sa iyong sarili, na hindi mo nagawang mapalugod ang Diyos noong nakalipas, at magawang magsisi ngayon sa iyong sarili. Walang isa man sa mga ito ang maaaring magkulang at gagawin kang perpekto ng Diyos sa pamamagitan ng mga bagay na ito. Kung kulang ka ng mga kalagayang ito, hindi ka magagawang perpekto(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino).

Binibigyan tayo ng mga salita ng Diyos ng daan upang isagawa. Kapag nakakatagpo tayo ng mga paghihirap, kritikal ang pakikitungo natin sa Diyos at direktang may kinalaman sa kung magagawa nating magpatotoo para sa Diyos, at madalisay at mailigtas Niya. Kung aasa tayo sa ating tiwaling masasamang disposisyon at sakim sa mga pangangailangan ng laman sa ating mga pagsubok at pagpipino, palaging isinasaalang-alang at nagpaplano para sa kapakanan ng ating sariling interes, malamang na tayo ay magkakaroon ng mga reklamo tungkol sa Diyos. Lalabanan at tututulan natin Siya, o gagawa pa ng mga bagay upang maghimagsik o labanan ang Diyos. Pagkatapos ay magiging katatawanan tayo ni Satanas at tuluyang mawawala sa atin ang ating patotoo. Ngunit kung magagawa nating tanggapin at magpasakop sa gawain ng Diyos sa pamamagitan ng mga paghihirap, at hahanapin ang kalooban at hinihingi ng Diyos sa atin sa loob ng mga iyon, kung magagawa nating talikuran ang laman at isagawa ang katotohanan, pinipiling magdusa sa katawan at magpatotoo para sa Diyos, kung mararanasan natin ang mga kapaligirang ito nang may pag-ibig sa Diyos at kagustuhang pasayahin Siya, kung ganoon ay magagawa nating maunawaan ang higit pang katotohanan sa pamamagitan ng mga pagsubok na ito. Maaaring linisin ng Diyos ang ating mga tiwaling disposisyon, at maaari tayong maging mga tao na naaayon sa kalooban ng Diyos.

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng problema sa aking pamilya—nawala ang supplier ng asawa ko para sa aming negosyo, nahihirapan ang anak ko sa trabaho, at hindi nawawalan ng problema sa negosyo. Napakasama ng loob ko at nalulumbay at hindi ko mapigilan ang sarili ko na magreklamo sa Diyos. Pakiramdam ko ay ginugugol ko ang bawat araw sa pagtatrabaho ng husto para sa Diyos, naglalakad sa mga kalsada upang ibahagi ang ebanghelyo at ginugugol ang aking sarili para sa Diyos, kaya bakit nangyayari ang mga bagay na ito sa aking pamilya? Bakit hindi prinotektahan ng Diyos ang aking pamilya? Sa panahong iyon, pakonti nang pakonti ang oras na ginugugol ko sa pagbabasa ng Banal na kasulatan at kahit na patuloy akong dumadalo sa mga pagtitipon at gumagawa, palaging puno ng kapaitan ang puso ko at hindi ko alam ang kalooban ng Diyos sa para sa akin sa kapaligirang iyon.

Pagkatapos, naghahanap na nanalangin ako sa Diyos, at binasa ang mga salitang ito mula sa Kanya: “Gaano karami ang naniniwala sa Akin upang pagagalingin lamang sila? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para gagamitin Ko lamang ang Aking kapangyarihan sa pagtaboy ng masasamang espiritu mula sa kanilang katawan? At gaano karami ang naniniwala sa Akin upang makatanggap lamang ng kapayapaan at kaligayahan mula sa Akin? Gaano karami ang naniniwala sa Akin upang hingan lamang Ako ng higit pang materyal na kayamanan, at gaano karami ang naniniwala sa Akin upang gugulin ang buhay na ito sa kaligtasan at upang maging ligtas at tiwasay sa mundong darating? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para maiwasan lamang ang pagdurusa ng impiyerno at tumanggap ng mga pagpapala ng langit? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para lamang sa pansamantalang ginhawa ngunit hindi naghahangad na may makamit man lang sa mundong darating? Nang Ako ay naghatid ng Aking matinding galit sa tao at tanggalin ang lahat ng kaligayahan at kapayapaan na dati niyang taglay, nagsimulang magduda ang tao. Nang ibinigay Ko sa tao ang pagdurusa ng impiyerno at binawi ang mga pagpapala ng langit, naging galit ang kahihiyan ng tao. Nang hilingin ng tao na pagalingin Ko siya, ngunit hindi Ko siya pinakinggan at namuhi Ako sa kanya, lumayo sa Akin ang tao at sa halip ay naghangad ng panggagaway at pangkukulam. Nang alisin Ko ang lahat ng hiningi ng tao sa Akin, naglaho ang tao nang walang bakas. Samakatuwid, sinasabi Ko na ang tao ay may pananampalataya sa Akin sapagkat Ako’y nagbibigay ng masyadong maraming biyaya, at masyadong maraming pakinabang(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?)

Hindi ko mapigilang umiyak habang binabasa ko ang mga salita ng Diyos—tila sinuntok ako at nasaktan, nahiya rin. Nakita ko na ang pananaw ko sa pananampalataya ay maling mali, at iyon ay para lamang humanap ng biyaya at pagpapala. Nang biyayaan ako ng Diyos, masigasig akong lumabas at ibinahagi ang ebanghelyo at ginugugol ang sarili ko at hindi natatakot sa paghihirap o pagod. Ngunit nang may lumitaw na problema sa aking pamilya, nag-umpisa akong mamuhay sa kahinaan at pagiging negatibo, nagkakaroon ng mga reklamo tungkol sa Diyos at sinisisi Siya sa hindi pagprotekta sa aking pamilya. Nagtayo ako ng pader laban sa Diyos sa aking puso. Kinailangan kong hanapin ang sarili ko, tinatanong ang aking sarili, “Ang pagtatrabaho ko nang husto ay hindi upang suklian ang pag-ibig ng Diyos ngunit kapalit lamang iyon ng mga biyaya ng Diyos—hindi ba’t pakikipag-transaksyon iyon sa Diyos? Paanong ang ganoong uri ng pananampalataya—puno ng mga maling pagganyak at pagsasama—ay matatamo ang pagsang-ayon ng Diyos? Patuloy akong humihinga sa hininga mismo ng Diyos, tinatamasa ang araw at ulan na nilikha Niya, at namumuhay sa kasaganahan ng mundong ginawa Niya. Ngunit hindi ko naisip suklian ang Diyos para sa kahit ano. Sa halip, patuloy akong humihingi sa Diyos. Hindi ba’t wala iyon sa katwiran?” Noon ko nakita kung gaano kasuklam-suklam at napakasama ng ganoong uri ng pananampalataya sa Diyos—wala ako sa posisyon ng isang nilikhang nilalang na sumasamba sa Diyos. Naintindihan ko rin na upang maging masunurin sa Diyos, kailangan kong tumayo sa posisyon ng isang nilikhang nilalang, at anuman ang gawin ng Lumikha, kung may ibibigay o babawiin Siya, kailangan kong sumunod at magpasakop nang hindi nakikipagtalo. Ang ganoong uri ng katwiran lamang ang dapat na taglayin ng isang nilikha. Nang maintindihan ko iyon ay sinabi ko sa Diyos na anuman ang mangyari sa sitwasyon ng trabaho ng aking asawa o anak, handa akong magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos at hindi magrereklamo sa Diyos. Nang maunawaan ko ang lahat ng ito, mas naging malaya ang pakiramdam ko at unti-unti akong nakaalis sa negatibo kong estado. Hindi na ako nababalisa o napipilitan sa mga isyu na ito, ngunit nagagawang kalmadong gumawa at gugulin ang sarili ko para sa Panginoon.

Ipinakita talaga ng karanasang ito kung gaano kapaki-pakinabang ang mga pagsubok at pagpipino para sa pag-unlad natin sa buhay. Kahit na magdusa tayo ng kaunti sa pamamagitan nila, may nakukuha tayong napakahalagang mga kayamanan sa buhay, at ang ating pananampalataya at pag-ibig para sa Diyos ay lalago. Nakasisiguro ako na ang lahat ng mga kapatid na naghahanap upang matamo ang pagsang-ayon ng Diyos ay naiintindihan na ngayon ang masidhing hangarin ng Diyos at hindi na magtatampo sa Kanya, at na magagawa nilang harapin ang anumang pagsubok nang hindi nababahala. Sa kung anumang pagsubok o hindi magagandang bagay na haharapin natin sa hinaharap, nawa ay patahimikin natin ang ating mga sarili sa harap ng Diyos at hanapin ang Kanyang kalooban at hanapin ang katotohanan. Sa ganitong paraan ay mararanasan natin ang pagbibigay ng Diyos ng mga biyaya sa atin sa pamamagitan ng mga pagsubok at pagpipino! Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Paliwanag sa Mateo 4:17—Ano ang tunay na Pagsisisi?

Tanging kapag mayroon tayong tunay na pagsisisi sa Diyos natin maaaring matamo ang Kanyang pangangalaga sa gitna ng mga sakuna. Kung gayon ano ang tunay na pagsisisi? At paano natin makakamit ang tunay na pagsisisi? Sasabihin sa iyo ng artikulong ito ang mga kasagutan.