Ang 6 na mga Senyales ng Ikalawang Pagparito ng Panginoon ay Lumitaw: Magmadali sa Pagsalubong sa Panginoon

Abril 11, 2021

Ni Xinjie

Ang mga salot, lindol, baha, tagtuyot at iba pang mga sakuna ay naging pangkaraniwang nangyayari sa buong mundo, at mas nagiging matindi. Makikita na ang mga mapaminsalang kalamidad ng mga huling araw ay parating, at ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon sa Biblia ay natupad na. Ang lahat ng mga palatandaang ito ay nagpapahiwatig na ang Panginoon ay bumalik na! Kung gayon paano natin mahahanap ang daan para masalubong ang Panginoon upang mabati ang Kanyang pagbabalik?

Mga Nilalaman

1. Mga Lindol, Taggutom, Salot at Giyera

2. Ang Paglitaw ng mga Di-Pangkaraniwan sa Kalangitan

3. Pagpanglaw ng mga Simbahan at Panlalamig ng Pag-ibig ng mga Mananampalataya

4. Ang Paglitaw ng mga Huwad na Cristo

5. Ang Pagpapanumbalik ng Israel

6. Ang Paglaganap ng Ebanghelyo Hanggang sa Dulo ng Mundo

Unang Palatandaan ng Pagbabalik ng Panginoon: Mga Lindol, Taggutom, Salot at Giyera

Sinasabi sa Mateo 24:6–8: “At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka’t kinakailangang ito’y mangyari datapuwa’t hindi pa ang wakas. Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako. Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.” Madalas na nagaganap ang digmaan sa mga nagdaang taon, tulad ng pagbagsak ng rehimeng Taliban sa Afghanistan, ang salungatan sa pagitan ng India at Pakistan, ang pagsalakay ng Estados Unidos sa Iraq, at ang patuloy na pag-abante ng digmaan sa pagitan ng Israel at Palestine. Ang mga salot, sunog, pagbaha, at lindol ay masasaksihan rin sa lahat ng dako. Sa partikular na tala ay ang “novel coronavirus,” na lumaganap sa Wuhan, China noong 2019 at mula noon ay kumalat sa buong mundo. Nagkaroon din ng malubhang sunog sa kagubatan sa Australia noong Setyembre 2019, habang ang isang matinding pagkuyog ng mga balang ay nangyari sa East Africa sa kabilang panig ng planeta, may maraming mga bansa na nahaharap ngayon sa taggutom. Noong Enero 2020, ang Indonesia ay dumanas ng pagbaha, at ang Newfoundland sa Canada ay hinagupit ng minsanan sa loob ng isang siglo na snowstorm. Ang mga paglindol ay nangyari sa Elazig sa Turkey, timog Cuba sa Caribbean, at sa iba pang lugar. Mula sa mga palatandaang ito, makikita na ang propesiya na ito ay natupad na.

Ikalawang Palatandaan ng Pagbabalik ng Panginoon: Ang Paglitaw ng mga Di-Pangkaraniwan sa Kalangitan

Sinasabi sa Pahayag 6:12, “At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo.” Sabi sa Joel 2:30–31, “At ako’y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok. Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ni Jehova.” Sa mga nagdaang taon, maraming mga pagkakataon na ang buwan ay nagiging mapulang dugo. Halimbawa, sa loob ng dalawang taong haba ng 2014 at 2015, isang serye ng apat na “blood moons” ang naganap, at noong Enero 31, 2018, mayroong isang “super blue blood moon,” na lumilitaw nang isang beses lamang sa bawat 150 taon. Pagkatapos, isang “super blood wolf moon” ang lumitaw noong Enero 2019. Ang prinopesiyang kababalaghan nang pagiging itim ng araw ay lumitaw din, at, sa katunayan, maraming mga solar eclipse, tulad ng eclipse sa Singapore noong Disyembre 26, 2019 at sa Chile noong ika-2 ng Hulyo ng parehong taon. Ang katuparan ng propesiya na ito ay maliwanag sa mga kababalaghang ito.

Ikatlong Palatandaan ng Pagbabalik ng Panginoon: Pagpanglaw ng mga Simbahan at Panlalamig ng Pag-ibig ng mga Mananampalataya

Sinasabi sa Mateo 24:12, “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig.” Sa lahat ng relihiyon sa buong mundo, lumalaganap ang kapanglawan. Ang pangangaral ng mga pastor at elder ay naging pagal at karaniwan, at nabigo sa pagtustos sa mga mananampalataya. Sa kanilang pakikibaka para sa katayuan, ang ilang mga pastor ay bumubuo ng mga grupo at lumilikha ng mga paksyon sa mga simbahan, at ang ilan ay napadpad sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga pabrika upang pangunahan ang mga nananampalataya sa landas na walang kaugnayan sa relihiyon; Samantala, sa gitna ng mga mananampalataya, mayroong pangkalahatang kahinaan ng kumpyansa at pag-aatubili na humiwalay sa mundo, at namumuhay sila sa nakakapagod na kasalimuotan. Ang ilang mga simbahan ay mukhang masikip at buhay na buhay mula sa labas, ngunit maraming tao ang nagsisimba para lamang mapalawak ang kanilang network at magbenta ng mga produkto, ginagamit ang simbahan bilang lugar ng komersyo. Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng simbahan ngayon at ng templo hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan? Sa mga bagay na ito, ang kumpletong katuparan ng propesiyang ito ng pagbabalik ng Panginoon ay maliwanag.

Ikaapat na Palatandaan ng Pagbabalik ng Panginoon: Ang Paglitaw ng mga Huwad na Cristo

Sinasabi sa Mateo 24:4–5, “At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman. Sapagka’t marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami.” Mula sa propesiya ng Panginoon, makikita natin na sa pagbabalik ng Panginoon, ang mga bulaang Cristo ay maglilitawan at lilinlangin ang mga tao. Sa mga nagdaang taon, naglitawan ang mga bulaang Cristo at nilinlang ang mga tao sa mga bansa tulad ng Tsina, Timog Korea, at Japan. Ang mga bulaang Cristo na ito ay hindi nagtataglay ng diwa ni Cristo, o na maaari nilang maipahayag ang katotohanan, bagkus inaangkin nila ang kanilang sarili bilang Cristo. Kalakip nito, ang katuparan nitong propesiya ay malinaw.

Ikalimang Palatandaan ng Pagbabalik ng Panginoon: Ang Pagpapanumbalik ng Israel

Sinasabi sa Mateo 24:32–33, “Sa puno ng igos nga ay pagaralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw: Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya’y malapit na, nasa mga pintuan nga.” Marami sa naniniwala sa Panginoon ang alam na ang pananariwa ng mga sanga at dahon ng puno ng igos ay tumutukoy sa pagpapanumbalik ng Israel. Kapag napanumbalik ang Israel, nalalapit na ang araw ng Panginoon, at nanumbalik ang Israel noong Mayo 14, 1948. Maliwanag na, lubusan ng natupad ang propesiyang ito ng pagbabalik ng Panginoon.

Ikaanim na Palatandaan ng Pagbabalik ng Panginoon: Ang Paglaganap ng Ebanghelyo Hanggang sa Dulo ng Mundo

Nakatala sa Mateo 24:14: “At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo’y darating ang wakas.” Sa Marcos 16:15, sinabi ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga alagad pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, “Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.” Pagkaraan ng muling pagkabuhay ni Jesus at pag-akyat sa kalangitan, nagsimulang pamunuan ng Banal na Espiritu ang mga sumunod sa Panginoong Jesus upang sumaksi sa Panginoong Jesus. Kasalukuyan, ang mga Kristiyano ay kumalat sa lahat ng lupalop ng mundo at maraming demokratikong mga bansa ang pinagtibay ang Kristiyanismo bilang kanilang relihiyon ng estado. Kahit na sa Tsina, kung saan ang partidong namumuno ay ateyista, milyon-milyong tao ang tumanggap sa ebanghelyo ng Panginoong Jesus, kaya’t makikita na ang ebanghelyo ng pagtubos sa sangkatauhan sa pamamagitan ng Panginoong Jesus ay lumaganap sa buong mundo. Dito, madaling makita na ang propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay natupad na.

Paano Dapat Natin Salubungin ang Pagbabalik ng Panginoon?

Mula sa mga katotohanang nakalista sa itaas, makikita natin na ang 6 na senyales ng pagbabalik ng Panginoon ay lumitaw na. Ngayon ang pinakamahalagang oras sa pagsalubong sa pagdating ng Panginoon. Ano ang dapat nating gawin bago natin masalubong ang pagbabalik ng Panginoon? Matagal nang panahon ng ibinigay sa atin ng Panginoong Jesus ang sagot sa katanungang ito.

Sa Juan 16:12–13, sinabi ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.” Sabi sa Pahayag 3:20, “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko.” Mayroon ring maraming mga propesiya sa kabanata 2 at 3 ng Pahayag: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Tulad ng nakikita mo mula sa mga talatang ito, sa pagbabalik ng Panginoon, magpapahayag Siya ng mga pagbigkas at magsasalita sa mga iglesia, ipapahayag sa atin ang lahat ng mga katotohanan na hindi natin nauunawaan noon. Yaong mga naririnig ang pagbigkas ng Diyos at nakilala ang Kanyang tinig, tinatanggap Siya at nagpapasailalim sa Kanya ay magagawang salubungin ang Panginoon at makadalo sa kapistahan ng Kordero; ang hindi nakakakilala sa tinig ng Diyos, sa kabilang banda, ay tiyak na hindi mga tupa ng Diyos, at sila ay malalantad at aalisin ng Diyos. Dito, maliwanag na kapag hinihintay natin ang pagdating ng Panginoon, kritikal na matagpuan natin ang mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia at matutong makinig sa tinig ng Diyos. Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagka’t kung saan man naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan man naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan man naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saan man nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan).

Naririnig ito, may ilang nagtatanong: “Kung gayon, saan kami tutungo upang mahanap ang tinig ng Diyos?” Sa Mateo 25:6, Sinabi ng Panginoong Jesus, “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya.” Yamang tinatawag ng Panginoon ang Kaniyang tupa sa pamamagitan ng Kanyang mga pagbigkas at pananalita, tiyak na may ilang mga tao na unang makakarinig sa tinig ng Panginoon at susundan ang mga yapak ng Kordero, at pagkatapos ay magtatawag saanman, “Dumating ang kasintahang lalaki,” na kung saan ay ipapakalat ang balita ng pagbabalik ng Panginoon at ang mga salita ng ikalawang pagparito ng Panginoon, upang ang lahat ay magkaroon ng pagkakataong marinig ang tinig ng Diyos. Samakatuwid sinabi na kung maaari tayong makasunod sa mga yapak ng Kordero ay nakasalalay kung mayroon tayong mga puso na nag-aasam na mahanap Siya at kung makikilala natin ang tinig ng Diyos. Katulad noong unang nagpakita ang Panginoong Jesus at nagsimulang gumawa, kinilala nina Pedro, Maria, at iba pa ang Panginoong Jesus bilang Mesiyas mula sa Kanyang gawain at pananalita, at sinundan nila Siya at nagsimulang masaksihan ang Kanyang ebanghelyo. Ang mga nakikinig sa gawain at mga salita ng Panginoong Jesus at nakakakilala sa tinig ng Diyos ay ang mga matalinong dalaga, samantalang ang mga pari, eskriba, at mga Fariseo na hindi nagmamahal sa katotohanan ay narinig ang awtoridad at kapangyarihan ng mga salita ng Panginoong Jesus ngunit hindi sinisiyasat ang mga ito. Sa halip, hambog na sumunod sila sa kanilang mga paniwala at imahinasyon, na iniisip na “ang isang hindi tinawag na Mesiyas ay hindi Diyos” at hinihintay na magpakita sa kanila ang Mesiyas. Kinondena at nilapastangan pa nila ang gawain ng Panginoong Jesus, at, sa huli, nawala ang kaligtasan ng Diyos. Nariyan din ang mga Hudyong naniniwala na sumunod sa mga Fariseo at hindi nakikilala ang tinig ng Diyos sa gawain at mga salita ng Panginoong Jesus, na pikit-matang nakinig sa mga pari, eskriba, at mga Fariseo, at tinanggihan ang kaligtasan ng Panginoon. Ang ganitong mga tao ay nagiging mga mangmang na mga dalaga na inabandona ng Panginoon. May ilang maaaring magtanong: “Gayon, paano makikilala ang tinig ng Diyos?” Sa katunayan, hindi ito mahirap. Ang pagbigkas at pananalita ng Diyos ay dapat na hindi kayang masabi ng tao. Dapat rin na partikular na may awtoridad at makapangyarihan. Maaari nitong mailahad ang mga hiwaga ng kaharian ng langit at ibunyag ang katiwalian ng tao, at iba pa. Ang lahat ng mga salitang ito ay mga katotohanan, at lahat ng mga ito ay maaaring maging buhay ng tao. Ang sinumang may puso at espiritu ay mararamdaman ito kapag naririnig niya ang salita ng Diyos, at magkakaroon ng kumpirmasyon sa kanyang puso na nagsasalita ang Lumikha at nagpapahayag ng Kanyang pagbigkas sa atin na mga tao. Ang mga tupa ng Diyos ay nakikinig sa tinig ng Diyos. Kung natitiyak natin na ang mga salitang ito ay tinig ng Diyos, kung gayon dapat nating tanggapin at sundin ang mga ito, gaano man ito umaayon sa ating mga paniwala. Sa ganitong paraan lamang natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon.

Sa buong mundo ngayon, tanging Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang nagpapatotoo na ang Panginoon—nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos—ay nakabalik na. Nagpahayag na ang Makapangyarihang Diyos ng milyun-milyong mga salita, at ang mga salitang ito ay na ilathala sa Internet para sa mga tao mula sa lahat ng mga bansa at landas ng buhay upang suriin. Paisa-isa, maraming tao ng bawat bansa na nagnanais ng katotohanan ay umaasa na marinig ang tinig ng Diyos at salubungin ang Panginoon. Tulad ng nasabi sa Bibliya, “Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya.” Kung babasahin lamang natin nang higit pa ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, pakikinggan upang makilala kung ang mga ito ay tinig ng Diyos, kung gayon, matutukoy natin kung nagbalik na ba o hindi pa ang Panginoon. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus sa Juan 10:27: “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin.” Naniniwala ako na hangga’t mayroon tayong puso na mapagpakumbabang naghahanap, makikilala natin ang tinig ng Diyos at masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman