8. Paano lutasin ang problema ng pagiging imoral

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Isang bagay sa loob ng isang tiwaling disposisyon ang pagharap sa mga bagay-bagay nang walang galang at iresponsable: Kasalaulaan ang madalas na tawag ng mga tao rito. Sa lahat ng bagay na kanilang ginagawa, ginagawa nila ito sa puntong “tama lang iyan” at “puwede na”; ito ay isang saloobin ng “siguro,” “posible,” at “malamang”; ginagawa nila ang mga bagay-bagay nang pabasta-basta, nasisiyahan na silang gumawa sa pinakamababang paraan, at nasisiyahang gumawa nang walang kaplanu-plano; wala silang nakikitang dahilan para seryosohin ang mga bagay-bagay o maging metikuloso, at lalong wala silang nakikitang dahilan para hanapin ang mga katotohanang prinsipyo. Hindi ba ito isang bagay na nasa loob ng isang tiwaling disposisyon? Pagpapamalas ba ito ng normal na pagkatao? Hindi. Tama lamang na tawagin itong kayabangan, at angkop na angkop ding tawagin itong bulok—ngunit para maunawaan ito nang malinaw, ang tanging salitang puwede na ay “salaula.” Karamihan ng mga tao ay may kasalaulaan sa loob nila, iba-iba lamang ang antas. Sa lahat ng bagay, nais nilang gawin ang mga bagay-bagay sa pabasta-basta at walang ingat na paraan, at may bakas ng panlilinlang sa lahat ng ginagawa nila. Dinadaya nila ang iba tuwing may pagkakataon sila, nilalaktawan ang ilang hakbang hangga’t kaya nila, nagtitipid ng oras kapag kaya nila. Iniisip nila sa kanilang sarili, “Hangga’t maiiwasan kong mabunyag, at walang idinudulot na mga problema, at hindi ako pinananagot, mairaraos ko ito. Hindi ko kailangang gumawa ng isang napakagandang trabaho, masyadong abala iyon!” Ang gayong mga tao ay walang natututuhang kasanayan, at hindi sila nagsisikap o nagdurusa at nagbabayad ng halaga sa pag-aaral nila. Gusto lang nilang mababaw na matutunan ang isang paksa at pagkatapos ay tinatawag ang sarili nila na bihasa roon, naniniwala na natutuhan na nila ang lahat ng dapat malaman, at pagkatapos ay umaasa sila rito upang iraos lang ang gawain. Hindi ba ito ang saloobin ng mga tao sa ibang mga tao, pangyayari, at bagay? Maganda ba ang ganitong pag-uugali? Hindi. Sa madaling salita, ito ay ang “makaraos lang.” Ang gayong kasalaulaan ay umiiral sa lahat ng tiwaling sangkatauhan. Ang mga taong may kasalaulaan sa kanilang pagkatao ay may pananaw at saloobing “makaraos lang” sa anumang bagay na ginagawa nila. Nagagawa ba nang tama ng gayong mga tao ang kanilang tungkulin? Hindi. Nagagawa ba nila ang mga bagay-bagay nang may prinsipyo? Lalong malamang na hindi.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Ikalawang Bahagi)

Naglalaman ng maraming kahulugan ang “marumi”—ang pagiging mababang-uri, masama, nakakapandiri, makasarili, imoral, hindi inaayos ang asal, hindi pagiging lantad o tapat sa mga kilos ng isang tao, at sa halip ay kumikilos sa isang palihim na paraan, at gumagawa lang ng mga hindi wastong bagay. Ang mga ito ang iba’t ibang pag-uugali at pagpapamalas ng mga maruming tao. Halimbawa, kung gusto ng isang normal na tao na gumawa ng isang bagay, hangga’t wasto ito, ginagawa niya ito sa isang lantad na paraan, at kung nilalabag nito ang batas, susuko siya at hindi na gagawin ito. Hindi magkakapareho ang mga maruming tao; isasakatuparan nila ang kanilang mga layon kahit sa anumang paraan at may mga diskarte para kontrahin ang mga limitasyon ng batas. Pinapaikutan nila ang batas at naghahanap ng mga paraan para maisakatuparan ang kanilang mga layon, ang paggawa man nito ay nakaayon sa mga etika, moralidad, o pagkatao, at kahit ano pa ang mga kahihinatnan. Wala silang pakialam sa anumang mga bagay na ito, at hinahangad lang na maisakatuparan ang mga layon nila kahit sa anumang paraang posible. Ito ay ang pagiging “marumi.” Mayroon bang anumang integridad o dignidad ang mga maruming tao? (Wala.) Sila ba ay mga taong marangal o hamak? (Hamak.) Sa paanong paraan sila hamak? (Walang batayang moral ang kanilang asal.) Tama iyon, ang ganitong uri ng tao ay walang batayan o mga prinsipyo sa kanyang asal; hindi niya isinasaalang-alang ang mga kahihinatnan, at basta ginagawa ang anumang gusto niya. Wala siyang pakialam sa batas, sa moralidad, sa kung matatanggap ba ng konsensiya niya ang kanyang mga kilos, o kung tutuligsain, huhusgahan, o kokondenahin ba siya ng sinuman. Nagsasawalang-bahala siya sa lahat ng mga ito, at walang pakialam hangga’t nagkakamit siya ng mga benepisyo at nasisiyahan siya. Masama ang paraan niya ng paggawa ng mga bagay-bagay, kasuklam-suklam ang pag-iisip niya, at pareho itong kahiya-hiya. Ito ang ibig sabihin ng pagiging marumi. … Kaya, ano nga ba ang eksaktong tinutukoy ng pagiging marumi? Ano ang mga pangunahing sintomas at pagpapamalas nito? Tingnan kung ang Aking buod ay tumpak o hindi. Ano ang katumbas ng mga maruming tao? Katumbas nila ang mga mailap, hindi pinalaki nang maayos, mga ligaw na hayop, at ang mga pangunahing pagpapamalas nito ay kayabangan, kalupitan, kawalan ng pagpipigil, pagkilos ng walang habas, hindi pagtanggap sa katotohanan kahit katiting, pati na rin pagsasagawa ng anumang naisin, hindi pakikinig kahit kaninuman, o pagpayag sa sinuman na pamahalaan sila, nangangahas na sumalungat sa sinuman, at walang pagsasaalang-alang sa sinuman. Sabihin mo sa Akin, malubha ba ang iba’t ibang pagpapamalas ng pagiging marumi? (Oo.) Kahit papaano, masyadong malubha ang diposisyong ito ng kayabangan, ng kawalan ng katwiran, at ng pagkilos ng walang habas. Kahit na ang isang tao na tulad nito ay para bang hindi ginagawa ang mga bagay na humuhusga o lumalaban sa Diyos, dahil sa kanyang mapagmataas na disposisyon, malamang na gagawa siya ng kasamaan at lalabanan ang Diyos. Ang lahat ng mga kilos niya ay mga pagbubunyag ng kanyang tiwaling disposisyon. Kapag ang isang tao ay naging marumi hanggang sa isang tiyak na punto, nagiging isang mandarambong at diyablo siya, at hindi kailanman tatanggapin ng mga mandarambong at diyablo ang katotohanan—puwede lang silang wasakin.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaapat na Aytem: Itinataas at Pinatototohanan Nila ang Kanilang Sarili

Paano masasabi ng isang tao ang kaibahan sa pagitan ng marangal at hamak na mga tao? Tingnan lamang ang kanilang pag-uugali at ang kanilang ikinikilos sa mga tungkulin, at tingnan kung paano sila kumikilos kapag nagkakaroon ng mga problema. Ang mga taong may integridad at dignidad ay metikuloso, matapat at masipag sa kanilang mga kilos, at handa silang magbayad ng halaga. Ang mga taong walang integridad at dignidad ay walang ingat at padaskol kumilos, laging nanloloko, laging gustong magtrabaho lamang nang pabasta-basta. Anumang pamamaraan ang inaaral nila, hindi nila ito masigasig na pinag-aaralan, hindi nila ito matutunan, at gaano man katagal nila itong pag-aralan, nananatili silang lubos na mangmang. Ito ang mga taong mababa ang karakter. Pabasta-basta sa paggawa ng mga tungkulin ang karamihan ng mga tao. Anong disposisyon ang gumagana roon? (Pagiging salaula.) Paano tinatrato ng mga salaulang tao ang kanilang tungkulin? Siguradong wala silang tamang saloobin dito, at siguradong pabasta-basta sila rito. Nangangahulugan ito na wala silang normal na pagkatao. Sa totoo lang ay parang mga hayop ang mga salaulang tao. Parang pag-aalaga ito ng isang aso: Kung hindi mo ito babantayan, ngangatngatin nito ang mga bagay-bagay at sisirain ang lahat ng iyong kasangkapan at kagamitan. Magiging kawalan iyon. Mga hayop ang mga aso; hindi iniisip ng mga ito na tratuhin ang mga bagay nang may mapagmahal na pangangalaga, at hindi ka maaaring makipagtalo sa mga ito—kailangan mo lang pangasiwaan ang mga ito. Kung hindi mo ito gagawin, at sa halip ay hahayaan ang isang hayop na magwala at guluhin ang iyong buhay, ipinapakita niyon na may isang bagay na nawawala sa iyong pagkatao. Hindi ka gaanong naiiba sa isang hayop, kung gayon. Napakababa ng iyong IQ—wala kang kuwentang tao. Kaya, paano mo pangangasiwaan nang maayos ang mga ito? Kailangan mong mag-isip ng paraan para pigilan sila sa loob ng ilang partikular na hangganan, o panatilihin silang nakakulong, palalabasin sila sa dalawa o tatlong nakatakdang oras bawat araw, para magkaroon sila nang sapat na gawain. Mapipigil niyon ang walang habas nilang pagngatngat, at mabibigyan din sila ng ehersisyo, para mapanatili silang malusog. Sa ganoong paraan, maayos na napapangasiwaan ang aso, at napoprotektahan din ang iyong kapaligiran. Kung hindi napapangasiwaan ng isang tao ang mga bagay na nakakaharap niya at wala siyang tamang saloobin, may nawawala sa kanyang pagkatao. Hindi nito maaabot ang pamantayan ng normal na pagkatao.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Ikalawang Bahagi)

Ang mga tao na walang disiplina at walang pagpipigil ay gumagamit ng mga salitang katulad ng sa mga bandido at mga maton ng mundong walang pananampalataya; partikular silang nasisiyahan sa panggagaya ng pananalita at estilo ng mga sikat na tao at ng mga negatibong personalidad sa lipunan, kung saan karamihan sa wika nila ay may kasuklam-suklam na tono na parang isang maton o sanggano ang magsasabi. Halimbawa, kapag dumating ang isang walang pananampalataya, nagsabi ng ilang kakaibang parirala matapos kumatok sa pinto, sinasabi ng mga kapatid, “May kakaiba; bakit parang tiktik o espiya ang taong ito?” Bagama’t hindi pa sila makasiguro sa sandaling iyon, nababalisa ang karamihan ng tao. Gayumpaman, mapangahas na nagsasalita ang tao na walang disiplina at walang pagpipigil, malakas pa nga ang loob niya, sinasabi niya, “Tiktik? Hindi ako natatakot! Bakit kailangan silang katakutan? Kung natatakot kayo, huwag na kayong lumabas. Ako na ang bahala sa kanila.” Tingnan ninyo kung gaano sila katapang at kamapangahas. Magsasalita ba kayo nang ganito? (Hindi, hindi ganito magsalita ang mga normal na tao; parang pambandido ang dating ng ganitong pagsasalita.) Iba ang pagsasalita ng mga bandido kumpara sa mga normal na tao; partikular silang bastos at walang katwiran. Natututuhan ng mga tao ang wika ng kanilang uri; gumagamit ng mga salitang balbal ang mga tao na sanay sa kalye, may sariling bokabularyo naman ang mga bandido at maton, at ang mga hindi mananampalataya ay nagsasalita na parang mga walang pananampalataya. Nasusuklam at napopoot ang mga mabuti, kagalang-galang, at matuwid na tao kapag naririnig nila ang pananalita ng mga walang pananampalataya; wala sa kanila ang sumusubok na gayahin ang ganoong uri ng pananalita. Ang ilang hindi mananampalataya, kahit na sampu o dalawampung dekada na silang nananampalataya, ay gumagamit pa rin ng wika ng mga walang pananampalataya, sadyang pinipili nila ang gayong pananalita, at maging ang mga muwestra, tingin, ekspresyon, at kilos ng katawan habang nagsasalita para gayahin ang mga walang pananampalataya. Maaari bang maging kaaya-aya sa mata ng mga kapatid sa iglesia ang mga gayong indibidwal? (Hindi.) Nasusuya at naaasiwa ang karamihan sa kapatid kapag nakikita sila. Ano sa palagay ninyo ang nararamdaman ng Diyos tungkol sa kanila? (Pagkasuklam.) Malinaw ang sagot: pagkasuklam. Mula sa kanilang pamumuhay, mga hangarin, at sa mga tao, pangyayari, at bagay na iginagalang nila sa puso nila, malinaw na ang pagkatao nila ay hindi kumakatawan sa dignidad at katuwiran at malayong-malayo sa debosyon at angkop na asal ng mga banal. Bihirang marinig mula sa bibig nila ang mga salitang dapat sabihin ng mga mananampalataya o mga banal, at ang mga salitang nagpapatibay sa iba at nagpapahiwatig ng integridad at dignidad; malamang na hindi nila sabihin ang mga ito. Ang iginagalang, inaasam, at hinahangad nila sa kanilang puso ay talagang hindi tugma sa dapat hangarin at asamin ng mga banal, kaya mahirap para sa kanila na pigilan ang panlabas na pamumuhay, pananalita, at pag-uugali nila. Isang malaking hamon na hilingin sa kanila na magpigil, hindi maging walang disiplina o hindi magpakasasa, at magpanatili ng dignidad at katuwiran. Ni hindi nila kayang maging normal na tao na may integridad at dignidad na angkop sa asal ng mga banal, sumusunod sa mga tuntunin, at mukhang may katwiran sa panlabas, lalong hindi nila kayang mamuhay bilang isang tao na may pagkatao at katwirang nakakaunawa sa katotohanan at nakakapasok sa katotohanang realidad. Noon, may isang tao na pumunta sa kanayunan para ipalaganap ang ebanghelyo at nakita niyang ang ilang kapatid ay may mga pamilyang salat sa yaman at nakatira sa mga bahay na sira-sira na. Sinabi niya nang may pang-uuyam at pangungutya, “Masyado nang sira-sira ang bahay na ito, hindi na ito akma para sa mga tao; halos hindi na nga ito akma para sa mga baboy. Dapat umalis na kayo agad dito!” Tumugon ang mga kapatid, “Madali namang umalis, pero sino ang magbibigay sa amin ng ibang bahay na matitirhan?” Nagsalita siya nang walang ingat at pakundangan, sinabi niya ang anumang pumasok sa isip niya nang hindi iniisip ang epekto nito sa iba. Ito ay pagkakaroon ng kasuklam-suklam na kalikasan. Nagtanong ang mga kapatid, “Kung aalis kami, sino ang magbibigay sa amin ng bahay na matitirhan? May bahay ka ba?” Wala siyang naisagot. Kapag nakakita ka ng isang tao na nahihirapan, dapat ay magawa mo munang lutasin ang suliranin niya bago ka magsalita; kung magsasalita ka nang walang ingat nang hindi mo naman kayang lutasin ang suliranin niya, anong kahihinatnan ang idinudulot nito? Ito ba ay problema ng pagiging masyadong prangka at diretsahan? Hinding-hindi. Ang problema ay masyadong malubha ang pagiging kasuklam-suklam niya; isa itong tao na walang disiplina at walang pagpipigil. Ang mga gayong tao ay lubos na walang anumang konsepto ng integridad, dignidad, pagsasaalang-alang, pagtitiis, pagmamalasakit, paggalang, pag-unawa, pakikisimpatiya, awa, pagkamaaalahanin, pagtulong at iba pa—mga katangiang mahalaga sa normal na pagkatao, na dapat taglayin ng mga tao. Bukod sa wala sila ng mga katangiang ito, sa pakikitungo nila sa iba, kapag nakikita nila ang mga suliranin ng isang tao, nagagawa pa nilang mangutya, mang-uyam, at manlibak; bukod sa wala silang kakayahang unawain o tulungan ang mga tao, nagdudulot pa sila ng kalungkutan, kawalan ng pag-asa, pasakit, at maging ng problema sa mga ito. Para sa mga taong labis na kasuklam-suklam, nakikilatis sila ng karamihan ng tao, at paulit-ulit silang tinitiis ng mga ito. Sa palagay ninyo, pwede bang magkaroon ng tunay na pagsisisi ang mga gayong tao? Sa tingin Ko ay malabo ito. Batay sa kalikasang diwa nila, hindi sila nagmamahal sa katotohanan, kaya paano nila matatanggap ang pagpupungos, ang pagdidisiplina? May mga terminong ginagamit ang mga walang pananampalataya para ilarawan ang gayong pag-uugali bilang “pagsunod sa sariling landas” o “pagtahak sa sariling landas kahit ano pa ang sabihin ng iba”—isang kalokohan ang lohikang ito! Ang mga diumano’y sikat na kasabihan at idyomang ito ay madalas na itinuturing na mga positibong bagay sa lipunang ito, na nagbabaluktot sa mga katunayan at nakakalito sa kung ano ang tama at mali.

—Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 25

Maraming tao ang gumaganap sa kanilang tungkulin nang pabasta-basta na lamang, hindi ito kailanman sineseryoso, na tila ba nagtatrabaho sila para sa mga walang pananampalataya. Ginagawa nila ang mga bagay sa paraang garapal, mababaw, walang pakialam at pabaya, na tila ba ang lahat ay biro. Bakit ganito? Sila ay mga walang pananampalataya na nagtatrabaho; mga hindi mananampalatayang gumaganap sa mga tungkulin. Ang mga taong ito ay labis na bastos; wala silang pakundangan at di-mapigilan, at wala silang ipinagkaiba sa mga walang pananampalataya. Kapag gumagawa sila ng mga bagay para sa sarili nila, tiyak na hindi sila pabasta-basta, kaya bakit ni katiting ay hindi sila masigasig o masipag pagdating sa pagganap ng kanilang mga tungkulin? Anuman ang kanilang gawin, anumang tungkulin ang kanilang ginagampanan, may katangian ng pagiging mapaglaro at pilyo. Ang mga taong ito ay laging pabasta-basta at may taglay na katangiang mapanlinlang. May pagkatao ba ang mga taong ganito? Tiyak na wala silang pagkatao; wala rin silang ni katiting na konsensiya at katwiran. Tulad ng mga ligaw na buriko o ligaw na kabayo, nangangailangan sila ng patuloy na pamamahala at patnubay. Nililinlang at dinadaya nila ang sambahayan ng Diyos. Nangangahulugan ba ito na nagtataglay sila ng anumang taos-pusong paniniwala sa Kanya? Ginugugol ba nila ang kanilang sarili para sa Kanya? Tiyak na kulang sila at hindi kwalipikadong magtrabaho. Kung ang mga ganoong tao ay pinagtrabaho ng sinuman, masisisante sila sa loob ng ilang araw. Sa sambahayan ng Diyos, talagang tumpak na sabihing sila ay mga trabahador at inupang manggagawa, at maaari lamang silang itiwalag. Maraming tao ang madalas na pabasta-basta habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin. Kapag naharap sila sa pagpupungos, tatanggi pa rin silang tanggapin ang katotohanan, pilit na ipagtatanggol ang kanilang punto, at irereklamo pang ang sambahayan ng Diyos ay hindi patas sa kanila, walang awa at pang-unawa. Hindi ba’t hindi ito makatwiran? Upang mas ipahayag ito nang walang kinikilingan, ito ay isang mapagmataas na disposisyon, at wala silang ni katiting na konsiyensiya at katwiran. Iyong mga tunay na naniniwala sa Diyos ay dapat na tanggapin man lang ang katotohanan at gawin ang mga bagay nang hindi lumalabag sa konsensiya at katwiran. Ang mga taong hindi kayang tumanggap o magpasakop sa pagpupungos, ay lubhang mayabang, mapagmagaling, at sadyang di-makatwiran. Ang tawagin silang mga halimaw ay hindi isang pagmamalabis dahil sila ay lubos na walang pakialam sa lahat ng kanilang ginagawa. Ginagawa nila ang mga bagay ayon sa kanilang kagustuhan at walang anumang pagsasaalang-alang sa mga kahihinatnan; kung may lumitaw na mga problema, wala silang pakialam. Ang mga taong tulad nito ay hindi kwalipikadong magtrabaho. Dahil ganito ang pagtrato nila sa kanilang mga tungkulin, hindi makayanan ng ibang panoorin sila at nawawalan ng tiwala sa kanila ang mga ito. Kung gayon, maaari kayang magkaroon ng tiwala sa kanila ang Diyos? Sa kadahilanang hindi man lamang nila naabot ang pinakamababang pamantayang ito, hindi sila kwalipikadong magtrabaho at maaari lamang itiwalag.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Ang mga bagay na may kinalaman sa pagkatao—ang mga saloobin, kaisipan, at opinyon na ibinubunyag ng mga tao sa kanilang pagtrato sa ibang mga tao, pangyayari, at bagay—ay napakalinaw. Ano ang sinasabi ng mga ito? Sinasabi ng mga ito kung paano makikita ang karakter ng isang tao, kung sila ay isang disente at matuwid na tao. Ano ang maging disente at matuwid? Ang pagiging tradisyonal ba ay disente at matuwid? Ang pagiging sibil at may mabuting asal ba ay disente at matuwid? (Hindi.) Ang pagsunod ba sa mga tuntunin nang eksakto ay disente at matuwid? (Hindi.) Wala ito sa mga ito. Kaya, ano ang pagiging disente at matuwid? Kung ang isang tao ay isang disente at matuwid na tao, anuman ang kanilang gawin, ginagawa nila ito nang may isang partikular na mentalidad: “Hindi mahalaga kung gusto ko mang gawin ang bagay na ito o hindi, o kung ito ay nasa saklaw ng aking mga interes o isang bagayna mayroon akong kaunting interes—ibinigay ito sa akin para gawin, at gagawin ko ito nang mabuti. Sisimulan ko itong pag-aralan mula sa simula, at, nang may mga paang nakatapak sa lupa, gagawin ko ito nang paisa-isa. Sa huli, gaano man kalayo ang narating ko sa gawain, nagawa ko ang lahat ng aking makakaya.” Kahit papaano, dapat kang magtaglay ng isang uri ng praktikal na saloobin at mentalidad. Kung, mula sa sandaling tinanggap mo ang isang gawain, ginagawa mo ito nang naguguluhan at hindi mo ito pinapahalagahan nang kahit kaunti—kung hindi mo ito taimtim na tinatrato, at hindi sumasangguni sa mga nauugnay na mapagkukunan, gumagawa ng mga detalyadong paghahanda, o naghahanap at kumonsulta sa iba; at kung, higit pa riyan, hindi mo dinaragdagan ang oras na iyong ginugugol sa pag-aaral ng bagay na ito para patuloy mong itong mapaghusay, nagkakamit ng kadulabhasaan sa kasanayan o propesyong ito, pero nagpapanatili ng isang mas pabayang saloobin dito at isang saloobin na makaraos lang sa iyong pagtrato rito, isang problema ito sa iyong pagkatao. Hindi ba’t ito ay para makaraos lang? Sinasabi ng ilan, “Hindi ko gusto kapag binibigyan mo ako ng ganitong uri ng tungkulin.” Kung hindi mo ito gusto, huwag itong tanggapin—at kung tinatanggap mo ito, dapat mo itong harapin nang may taimtim, responsableng saloobin. Iyon ang uri ng saloobin na dapat mong taglayin. Hindi ba’t ito ang saloobin na dapat taglayin ng mga taong may normal na pagkatao? Ito ang maging disente at matuwid. Sa aspektong ito ng normal na pagkatao, kinakailangan mo, kahit papaano, ang pagiging maasikaso, pagiging matapat, at ang kahandaang magbayad ng halaga, kasama ang mga saloobin ng pagiging praktikal, taimtim, at responsable. Ang magkaroon ng mga bagay na ito ay sapat na.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Ikalawang Bahagi)

Sinundan: 7. Paano lutasin ang problema ng pagiging sutil at walang pagpipigil

Sumunod: 9. Paano lutasin ang problema ng madalas na pagkanegatibo

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito