Tanong 6: Ang Biblia ay ang Biblia, ang Diyos ay Diyos. Nauunawaan ko na ang Biblia ay hindi talaga maaaring kumatawan sa Diyos. Ngunit ano nga ba talaga ang relasyon sa pagitan ng Biblia at ng Diyos? Hindi ko pa rin maintindihan. Mangyaring makipag-ugnayan sa amin nang higit pa!

Sagot: Ang Panginoong Jesusay ipinaliwanag ang tanong na ito nang napakalinaw. Mangyaring buksan sa Juan 5:39–40. “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa Akin. At ayaw ninyong magsilapit sa Akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay.” Ang Panginoong Jesusay ipinaliwanag nang napakalinaw ang relasyon sa pagitan ng Biblia at Diyos. Ang Biblia ay isang patotoo ng Diyos. Ang Biblia mismo ay walang buhay na walang hanggan at hindi makakapagbigay buhay sa tao. Si Cristo lamang ang katotohanan, daan, at buhay. Samakatuwid, sa pamamagitan lamang ng pagtanggap at pagsunod kay Cristo at pagsunod sa mga salita at gawain ng Diyos ngmga huling araw, natin makakamit ang katotohanan at buhay na walang hanggan. Tingnan nating muli kung paanong maraming tao pa rin sa mga relihiyosong lupon ang nagpapanatili pa rin na “Ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, ang pag-alis mula sa Biblia ay nangangahulugan ng hindi paniniwala sa Panginoon.” Iniisip pa nila na hangga’t nananalig sila sa Biblia maaari silang dalhin sakaharian ng langit. Hindi ba masyadong kakatuwa ang pananaw na ito? Sa totoo lang, ang Biblia ay isa lamang libro ng kasaysayan, isang tala na nagdodokumento sa gawain ng Diyos. Kung hindi ito nauunawaan ng mga tao at patuloy na nananalig sa Biblia, kung gayon hayaanakong tanunginang ating mga kapatid: Maaari bang palitan ng Biblia ang gawain ng Diyosng mga huling araw? Maaari bang palitan ng Biblia si Cristo sa pagpapahayag ng katotohanan? Maaari ba talagang makakuha ng katotohanan at buhay ang isa sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsunod sa Biblia? Kung ang mga tao ay matigas ang ulo sa pananalig sa mga Banal na Kasulatan tulad ng mga Fariseo, pinatutunayan ba nito na tumatango at sumusunod sila sa Diyos? Kung ang mga tao ay nananalig lamang sa Biblia ngunit hindi tinatanggap o sinusunod ang gawain ni Cristosa mga huling araw, kung gayon paano nila makakamtan ang katotohanan at buhay, makakamit ang kaligtasan, maging perpekto, at mapapasok sa kaharian ng Diyos? Basahin natin ang ilan pang mga sipi ng mga salita ngMakapangyarihang Diyos at mauunawaan natin nang mas malinaw ang aspetong ito ng katotohanan!

Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Mula sa panahon ng pagkakaroon ng Biblia, ang pananalig ng mga tao sa Panginoon ay ang pananalig sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay naniniwala sa Panginoon, mas mabuting sabihin na naniniwala sila sa Biblia; sa halip na sabihing nagsimula na silang magbasa ng Biblia, mas mabuting sabihing nagsimula na silang maniwala sa Biblia; at sa halip na sabihing nagbalik na sila sa Panginoon, mas mabuti pang sabihing nagbalik na sila sa Biblia. Sa ganitong paraan, sinasamba ng mga tao ang Biblia na para bang ito ang Diyos, na para bang ito ang dugong bumubuhay sa kanila, at ang mawalan nito ay kapareho ng mawalan ng kanilang buhay. Itinuturing ng mga tao ang Biblia na kasintaas ng Diyos, at mayroon pang itinuturing itong mas mataas kaysa sa Diyos. Kung wala sa mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, kung hindi nila nadarama ang Diyos, maaari pa rin silang patuloy na mabuhay—ngunit sa sandaling mawala sa kanila ang Biblia, o mawala ang mga kilalang kabanata at kasabihan mula sa Biblia, parang nawalan na rin sila ng buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1).

Naniniwala sila sa pag-iral Ko sa loob lamang ng saklaw ng Biblia, at ipinapantay nila Ako sa Biblia; kung wala Ako wala ang Biblia, at kung wala ang Biblia wala Ako. Hindi sila nagbibigay ng pansin sa pag-iral o mga kilos Ko, ngunit sa halip ay nag-uukol ng sukdulan at espesyal na pansin sa bawat salita ng Banal na Kasulatan. Marami pa ang naniniwala na hindi Ko dapat gawin ang anumang bagay na nais Kong gawin maliban kung ito ay hinulaan ng Banal na Kasulatan. Nagbibigay sila ng sobrang pagpapahalaga sa Banal na Kasulatan. Masasabing nakikita nilang napakahalaga ang mga salita at mga pagpapahayag, hanggang sa ginagamit nila ang mga bersikulo mula sa Biblia upang sukatin ang bawat salitang sinasabi Ko at upang kondenahin Ako. Ang hinahangad nila ay hindi ang daan ng pagiging-magkaayon sa Akin o ang daan ng pagiging-magkaayon sa katotohanan, ngunit ang daan ng pagiging-magkaayon sa mga salita ng Biblia, at naniniwala silang anumang hindi umaayon sa Biblia ay, walang pagbubukod, hindi Ko gawain. Hindi ba ang ganitong mga tao ay ang masusunuring mga inapo ng mga Fariseo? Ginamit ng mga Fariseong Hudyo ang batas ni Moises upang parusahan si Jesus. Hindi nila hinangad ang pagiging-magkaayon sa Jesus ng panahong iyon, ngunit masusing sinunod ang eksaktong sinabi ng batas, hanggang—matapos Siyang kasuhan ng hindi pagsunod sa batas ng Lumang Tipan at pagiging hindi ang Mesiyas—sa huli ipinako nila sa krus ang walang-salang Jesus. Ano ang pinakadiwa nila? Hindi ba’t hindi nila hinangad ang daan sa pagiging-magkaayon sa katotohanan? Nahumaling sila sa bawat salita ng Banal na Kasulatan habang hindi nagbibigay pansin sa kalooban Ko o sa mga hakbang at mga kaparaanan ng gawain Ko. Hindi sila mga taong naghangad ng katotohanan, ngunit mga taong mahigpit na kumapit sa mga salita; hindi sila mga taong naniwala sa Diyos, ngunit mga taong naniwala sa Biblia. Sa pinakadiwa, mga tagapagbantay sila ng Biblia. Upang mapangalagaan ang mga interes ng Biblia, upang mapanatili ang dangal ng Biblia, at upang maprotektahan ang reputasyon ng Biblia, humantong sila sa pagpako nila sa krus sa mahabaging Jesus. Ginawa nila ito alang-alang lamang sa pagtatanggol sa Biblia, at alang-alang sa pagpapanatili ng katayuan ng bawat salita ng Biblia sa puso ng mga tao. Kaya ginusto nilang talikdan ang kinabukasan nila at ang handog para sa kasalanan upang kondenahin si Jesus, na hindi umayon sa doktrina ng Banal na Kasulatan, sa kamatayan. Hindi ba sila mga manghihibo sa bawat salita ng Banal na Kasulatan?

At ano naman ang mga tao ngayon? Dumating si Cristo upang ilabas ang katotohanan, subalit mas gugustuhin nilang paalisin Siya mula sa mundong ito upang makamit nila ang pagpasok sa langit at makatanggap ng biyaya. Mas gugustuhin pa nilang lubos na ikaila ang pagdating ng katotohanan upang mapangalagaan ang mga interes ng Biblia, at mas gugustuhin pa nilang muling ipako sa krus ang Cristong nagbalik sa katawang-tao upang matiyak ang walang hanggang pag-iral ng Biblia. Paanong matatanggap ng tao ang pagliligtas Ko kung mapaghangad ng masama ang puso niya at laban sa Akin ang kalikasan niya?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Hangarin ang Daan ng Pagiging Kaayon ni Cristo).

Ang mga salita ngMakapangyarihang Diyosay malinaw na inilantad ang mga relihiyosong pinuno na nagbubunyi lamang at sumasaksi sa Biblia ngunit hindi kailanman nagbubunyi o sumasaksi sa Diyos, at inilantad din ang katotohanan at kakanyahan ng kanilang paggamit ng Biblia upang palitan ang Diyos at magpanggap na Diyos at ang kanilang paggamit ng mga salita ng Biblia upang labanan at batikusin ang gawain ng Diyos, ganap na inilalantad ang kanilang pagkasuklam sa katotohanan at ang likas na satanikong pagsalungat sa Diyos. Isiping muli ang panahon kung kailan matigas ang ulo ng mga Fariseo sa pananalig sa mga Banal na Kasulatan at nilimitahan ang Diyos sa Banal na Kasulatan. Hindi nila kailanman hinanap ang katotohanan o ang mga yapak ng Diyos. Kahit naang Panginoong Jesus, kapag nangangaral at ginagampanan ang Kanyang gawain, ay naghayag ng maraming katotohanan at nagsagawa ng maraming palatandaan at kababalaghan, ipinapakita na angawtoridadat kapangyarihan ng Diyos, ano ang ginawa ng mga Fariseo? Wala silang pakialam kung gaano kalalim ang pangaralng Panginoong Jesuso kung gaano kalawak ang Kanyangawtoridad. Hangga’t hindi ito tumatalima sa mga salita ng Banal na Kasulatan, galit nilang babatikusin at lalabanan angPanginoong Jesus. At dahilang Panginoong Jesusay naghayag ng salita ng Diyos, binatikos nila at nilapastangan ang mga salita ngPanginoong Jesusbilang kalapastangan, at sa huli ay ipinako nang buhay ang maawaingPanginoong Jesus sa krus, ganap na inilalantad ang kanilang pagkasuklam sa katotohanan at ang likas na satanikong pagsalungat sa Diyos. Ngayon, ang mga relihiyosong pastor at elder ay tulad lamang ng mga Fariseo noong una. Ginagawa nila ang lahat ng magagawa nila upang magbunyi at sumaksi sa Biblia, ngunit hindi kailanman nagbubunyi o sumasaksi sa Diyos, at bukod dito ay hindi nagpapahayag at sumasaksi sa mga salita ng Panginoon at sa lahat ng katotohanang inihayag ng Panginoon. Nagpapakadalubhasa sila sa pakikipag-usap tungkol sa kaalaman at teolohiya ng Biblia, ikinakalat ang iba’t ibang mga kabalintunaan, walang laman na mga teoryang espirituwal upang linlangin, kontrolin, at taliin ang mga tao, na sinasabing, “Ang lahat ng mga pagbigkas at gawain ng Diyos ay naitala sa Biblia, walang mga pagbigkas at gawain ng Diyos sa labas ng Biblia, Ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paglisan mula sa Biblia ay nangangahulugan ng hindi paniniwala sa Diyos. Kailangan lamang na manalig nang matatag ang isa sa Biblia upang madala sa kaharian ng langit,” pinapaniwala ang lahat nang mali na ang buhay na walang hanggan ay nasa Biblia, at kailangan lamang manampalataya ng mga tao sa Biblia upang makapasok sa kaharian ng langitat makatanggap ng buhay na walang hanggan. Bago nila nalaman ito, pinalitan ng Biblia ang posisyon ng Diyos sa puso ng mga tao. Bulag na naniniwala at sumasamba ang lahat sa Biblia, at tinatrato ang Biblia bilang Diyos. Di-namamalayan, ang Biblia ay naging isang panaling gayuma sa mga mananampalataya, at ang posisyon ng Panginoon sa puso ng mga tao ay ganap na nawala. Ano ang kahihinatnan nito? Ang pananampalataya at kaalaman ng mga tao sa Panginoon ay nawala na! Ito ang kinahinatnan ng pagpapahintulot sa mga relihiyosong pastor at elder na magpaliwanag ng Biblia.

mula sa iskrip ng pelikulang Basagin ang Sumpa

Sinundan: Tanong 5: Ginawang napakalinaw ni Pablo sa 2 Timoteo na “ang buong Biblia ay kinasihan ng Diyos” (2 Timoteo 3:16). Ibig sabihin nito na ang bawat salita sa Biblia ay ang salita ng Diyos, at kinakatawan ng Biblia ang Panginoon. Ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia. Ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Panginoon. Ang paglayo mula sa Biblia ay nangangahulugan ng hindi paniniwala sa Panginoon! Hinihingi lamang ng ating paniniwala sa Panginoon na manalig tayo nang matatag sa Biblia. Kahit na hindi natin tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, maaari pa rin tayong maligtas at makakapasok sa kaharian ng langit. May anumang pagkakamali ba saganitong pag-unawa?

Sumunod: Tanong 7: Pinatototohanan n’yo na dumating na ang Panginoong Jesus at Siya ang Makapangyarihang Diyos. At na nagpahayag Siya ng maraming katotohanan at nagsasagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw. Palagay ko imposible ’yan. Lagi nating pinaninindigan na ang mga salita at gawain ng Diyos ay nakatala sa Biblia, at ang mga salita at gawain ng Diyos ay hindi maaaring umiral sa labas ng Biblia! Nananalig kami na nasa Biblia na ang kaganapan ng pagliligtas ng Diyos, ang Biblia ay kumakatawan sa Diyos. Basta’t sumunod ang isang tao sa Biblia, papasok siya sa kaharian ng langit. Ang ating paniniwala sa Panginoon ay nakabatay sa Biblia, ang paglihis mula sa Biblia ay bumubuo ng pagtanggi at pagtataksil sa Panginoon! May mali ba sa pagkaunawang ito?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 10: Matagal na akong nagtatrabaho para sa United Front, at napag-aralan ko na ang iba’t ibang relihiyon. Ang Kristiyanismo, Katolisismo at Eastern Orthodoxy ay pawang mga relihiyong orthodox na nananalig kay Jesus. Pero ibang-iba ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Ayon sa mga dokumento ng CCP, ang Makapangyarihang Diyos ay ni hindi kabilang ng Kristiyanismo. Nangangaral kayo ng ebanghelyo sa iba’t ibang sekta sa ilalim ng Kristiyanismo na hindi kayo kinikilalang Kristiyano. Kaya hinding-hindi ko kayo papayagang manalig sa Makapangyarihang Diyos. Maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo kung gusto nyo. Mas magaan ang pagpapahirap ng gobyerno sa ganitong paraan. Kung maaresto at mabilanggo kayo dahil sa pananalig sa Makapangyarihang Diyos, manganganib ang buhay n’yo. Nakita na ng CCP na lahat ng nananalig sa Makapangyarihang Diyos ay walang salang mga alagad ni Cristo sa mga huling araw na mga disipulo at apostol ni Cristo. Ang lubhang pinangangambahan ng CCP ay ang mga pahayag at patotoo sa aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na ipinahayag ni Cristo sa mga huling araw, pati na ang matatag na grupong sumusunod kay Cristo sa mga huling araw. Napag-aralan na namin ang kasaysayan ng Kristiyanismo. Ang lubhang pinangambahan ng imperyong Romano ay ang mga disipulo at apostol ni Jesus. Kaya nang hulihin ang mga taong ito, pinagpapatay sila sa iba’t ibang pamamaraan. Ngayon, kung hindi ginawa ang mga hakbang na ito para supilin at lubos na ipagbawal ang grupong ito ng mga tao na sumusunod sa Cristo ng mga huling araw, ilang taon pa lang, mapapailalim sa kanila ang lahat ng iba’t ibang relihiyon. Sa ngayon, ang ilang pangunahing grupong Kristiyano sa China ay napailalim na ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kung hindi inimbento ng CCP ang ilang opinyon ng publiko at nagpakana ng Kaso sa Zhaoyuan, darating siguro ang araw na mapapailalim ang iba’t ibang relihiyon sa mundo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kapag napailalim sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng iba’t ibang relihiyon, lubhang makakasama ’yan sa pamamahala ng CCP. Sa gayon, matatag ang determinasyon ng Central Committee na gamitin ang lahat ng puwersa para lubos na ipagbawal ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa loob ng maikling panahon. Dapat n’yong malaman, ang paglitaw ng Kidlat ng Silanganan ay hindi lamang nabalita sa China, malaking balita rin ito sa mundo. Dahil gumawa kayo ng napakalaking hakbang, paanong hindi galit na maglulunsad ng malakihang pagsupil at pag-aresto ang CCP laban sa inyo? Kung kailangan n’yong maniwala sa Diyos, maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo. Talagang bawal kayong manalig sa Makapangyarihang Diyos. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi kabilang ng Kristiyanismo, hindi n’yo ba alam ’yan?

Sagot: Kasasabi n’yo lang ng mismong dahilan kaya sinusupil ng CCP ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pero hindi ba n’yo alam kung...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito