Tanong 9: Gusto kong malaman kung pa’no ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang paghatol Niya para iligtas ang sangkatauhan kay Satanas. Maaari niyo bang ibahagi sa ’min ang karanasa’t patotoo niyo?

Sagot: Maganda ngang tanong ’yan. Dapat nating itanong ’yan sa pagsisiyasat sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Malaking tulong ’to para maligtas tayo sa pagsampalataya sa Diyos. Tungkol sa ginagawang paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw para iligtas ang sangkatauhan kay Satanas, basahin muna natin ang mga salita Niya. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo upang magtamo ang tao ng kaalaman tungkol sa Kanya, at alang-alang sa Kanyang patotoo. Kung hindi sa Kanyang paghatol sa tiwaling disposisyon ng tao, hindi posibleng malaman ng tao ang Kanyang matuwid na disposisyon, na hindi nagpapalampas ng pagkakasala, at ni hindi niya mapapalitan ng bago ang dati niyang pagkakilala sa Diyos. Alang-alang sa Kanyang patotoo, at alang-alang sa Kanyang pamamahala, ipinapakita Niya ang Kanyang kabuuan sa publiko, na nagbibigay-daan sa tao, sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita sa publiko, na magkaroon ng kaalaman tungkol sa Diyos, baguhin ang kanyang disposisyon, at magbigay ng matunog na patotoo sa Diyos. Ang pagbabago ng disposisyon ng tao ay nakakamit sa pamamagitan ng maraming iba’t ibang uri ng gawain ng Diyos; kung wala ang gayong mga pagbabago sa kanyang disposisyon, hindi magagawa ng tao na magpatotoo sa Diyos at maging kaayon ng puso ng Diyos. Ang pagbabago ng disposisyon ng tao ay tanda na napalaya na ng tao ang kanyang sarili mula sa pagkaalipin kay Satanas at mula sa impluwensya ng kadiliman, at tunay nang naging isang huwaran at halimbawa ng gawain ng Diyos, isang saksi ng Diyos, at isang taong kaayon ng puso ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nakakakilala Lamang sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos).

Mula nang simulan ng Makapangyarihang Diyos na gawin ang Kanyang paghatol, sinimulan nang tamasain ng mga hinirang Niya ang Kanyang mga salita. Tatalakayin nila sa bawat pulong ang mga karanasan nila sa mga salita ng Diyos. Sumapit ang ang salita ng Makapangyarihang Diyos sa mga hinirang Niya na dala ng matuwid Niyang disposisyon, hinuhusgahan ang pagkatao at diwa ng paglaban ng tao sa Diyos, nilalantad kung pa’no nililinlang at kinokontrol ni Satanas ang tao, ang iba-iba nilang sitwasyon sa pagkalaban sa Diyos habang sakop ni Satanas, at inihahayag sa sangkatauhan ang matuwid at dakilang disposisyon ng Diyos. Sa pamamagitan ng salita ng Diyos, nakikita ng mga hinirang Niya’ng matuwid ang disposisyon Niya at namamasdan ang kadakilaan Niya sa mga pahayag Niya sa sangkatauhan. Nagsisisi nang husto at hiyang-hiya ang lahat ng tao sa harap ng Diyos. Noon lang nila nadarama na di-masusuway ang banal na diwa ng Diyos. Nakikita nila kung ga’no sila kasama at wala silang mukhang ihaharap sa Diyos. Kinasusuklaman nila si Satanas at kinamumuhian nila’ng puno sila ng disposisyon ni Satanas. Nakikita nila na parang kumakatawan kay Satanas ang kanilang pamumuhay, hindi sila totoong tao! Noon lang sila nagsisimulang taos na magsisi at maging handang tanggapin ang katotohanan para maging bagong tao. Natanto natin sa pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos na kayang itakwil ng masamang sangkatauhan ang Diyos at hindi tumigil sa pagkakasala dahil lang sa panlilinlang at pagkontrol ng iba’t ibang impluwensya ni Satanas. Halimbawa, ang impluwensya ng CCP, ng mga relihiyosong anticristo, ng iba’t ibang maling paniwala ni Satanas, ng mga pilosopiya at batas, at iba pa. Parang ’di nakikitang bitag ang mga impluwensyang ’to ni Satanas, matibay na gumagapos at kumokontrol sa ’ting lahat, kaya hindi natin makita ang liwanag at anyo ng Diyos, di nauunawaan ang mga intensyon ng Diyos at namumuhay sa kadiliman, labis na nahihirapan. Yan ang paghatol ng Makapangyarihang DIyos na nagpapakita ng lalim ng kasamaan ng tao, at na ang mundo ay masama at kontrolado ni Satanas. Malinaw nating nakikita ang mapanlinlang at mapanganib na kademonyohan ng CCP, malinaw nating nakikita ang likas na pagka-iprokrito at pagkamuhi ng mga pastor at elder sa katotohanan, at naiintindihan natin ang kanilang iba’t ibang maling akala, at natatanto na tayo’y lubhang nilinlang at ginawang masama ni Satanas! Naging likas na lang sa ’tin ang mga lason at pilosopiya, at batas ni Satanas. Umaasa tayo sa mga bagay na ’to para mabuhay at isinasabuhay natin ang kapangitan ni Satanas: mayabang at palalo, ginagawa ang gusto natin, makasarili at kasuklam-suklam, tuso at mapanlinlang, sinungaling, sawa na sa katotohanan, may pusong ni walang takot sa Diyos. Matagal na tayong kumakatawan kay Satanas, hindi tayo totoong tao! Gayunpaman, inaasam pa rin nating madala sa kaharian ng langit. Napakawalanghiya natin. Noong araw, nilinlang at kinontrol tayo ng mga pastor at elder. Sinusunod natin si Satanas at kinakalaban ang Diyos. Nanalig tayo sa Diyos pero sinunod natin ang tao, at nakinig tayo sa mga pastor at elder, pero mas pinili pa natin na hindi sundin ang Diyos. Talagang bulag tayo, ’di natin kilala ang Diyos. Mula nang maranasan ang paghatol ng Makapangyarihang Diyos, unti-unti nating naunawaan at nalaman ang lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, at mas natutukoy natin ang positibo’t negatibong bagay, at lalo nating nakikilala ang Diyos. Nagbago rin ang ating pananaw sa buhay at mga pagpapahalaga. Unti-unting nalinis ang makademonyong disposisyon natin, at ’di na tayo gapos ng impluwensya ni Satanas. Hindi na tayo madaling malinlang ngayon ng mga kamalian ni Satanas. Nakawala na tayo sa lahat ng pagkaalipin sa mga sekular na pamilya. Nagsimula na tayong mamuhay nang malaya sa harap ng Diyos, tumutupad sa tungkulin ng isang nilalang, isinasabuhay ang mga salita ng Diyos bawat araw, at unti-unting tinatanggap na totoo ang salita ng Diyos. Ganyan natin harapang nararanasan ang gawain ng Diyos. Sa pagtupad ng ating tungkulin madalas din nating tinatanggap ang disiplina at pagpungos ng Diyos, nabubuhay sa pagmamahal ng Diyos. Talagang nadama nating lahat na napaka-praktikal ng gawain ng Makapangyarihang Diyos. Maililigtas at magagawa nga nitong perpekto ang tao. Pinasasalamatan talaga nating sa pagtanggap lang ng paghatol sa harap ng luklukan ni Cristo magtatamo ang tao ng katotohanan at buhay. Hatid ng Cristo ng mga huling araw ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Masasabi kong talagang totoo ’yan.

mula sa iskrip ng pelikulang Kumawala sa Bitag

Sinundan: Tanong 8: Kahit pinamamahalaan ng mga pastor at elder ang mga relihiyon, at mga ipokrito sila na tumatahak sa landas ng mga Fariseo, ano ang kinalaman natin sa mga kasalanan nila? Kahit sinusunod natin sila at pinakikinggan, ang pinaniniwalaan natin ay ang Panginoong Jesus at hindi ang mga pastor. Pakiramdam ko, ’di pa tayo nakatapak sa landas ng mga Fariseo. Bakit naging mga Fariseo rin tayo?

Sumunod: Tanong 10: Madalas na ipinapaliwanag ni Pastor Yuan ng aming iglesia ang Biblia, tinuturuan tayong maging mababang-loob, matiyaga, at masunurin. Kapani-paniwala ang kanyang pananalita, at mukhang makadiyos mula sa kanyang panlabas na anyo. Nakinig din si Pastor Yuan sa inyong pagpapatotoo tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa atin. Inamin din niya na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ngunit bakit hindi niya ito tinatanggap? Bakit nagkakalat pa siya ng mga tsismis sa lahat ng lugar, kinokondena at tinututulan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at pinipigilan ang mga tao na bumaling sa Makapangyarihang Diyos?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito