Tanong 4: Sa ilalim ng pamumuno ng gobyerno ng CCP, ang mga tao ay maaaring maaresto, mapahirapan at maaari pang mapatay dahil sa pagtanggap sa totoong daan! Hindi ko maintindihan, bakit takot na takot ang CCP sa gawain ng Makapangyarihang Diyos?

Sagot: Ang gobyerno ng CCP ay pumupunta na ngayon sa buong bansa upang lubusang masugpo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, buong galit na tinutugis si Cristo at hinuhuli at pinapahirapan ang bayan ng Diyos. Ang manampalataya sa totoong Diyos at gampanan ang ating tungkulin sa Tsina ay talagang may kaakibat na mga malalaking panganib, subalit hindi naiintindihan ng mga tao sa mga relihiyosong lupon at ng mga hindi nananampalataya: Bakit nananampalataya pa rin tayo sa Makapangyarihang Diyos kahit na ang gobyerno ng CCP ay pinapahirapan at kinokondena tayo nang ganito? Ito ay dahil ang Makapangyarihang Diyos ay ang totoong Diyos, ang muling pagpapakita ng Manunubos. Tanging ang Makapangyarihang Diyos ang makakapagligtas sa atin mula sa impluwensiya ni Satanas, magpapalaya sa atin mula sa kasalanan, magkakaloob sa atin ng isang kahanga-hangang hantungan. Sa huling panahon, kung maniniwala man tayo o hindi sa Makapangyarihang Diyos ay siyang tutukoy sa ating katapusan, sa ating kapalaran. Ang sabi ng Biblia, “ang buong sanlibutan ay nakahilig sa masama.” Ibig sabihin nito na ang buong mundo ay nasa ilalim ng kontrol ni Satanas, na ang buong sangkatauhan ay nabubuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, tiwali sa kaibuturan, walang pagkakahawig sa sangkatauhan. Ang pagdating ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay upang iligtas tayo na tiwaling sangkatuhan mula sa impluwensiya ni Satanas, upang tayo ay tunay na makabalik sa Diyos, makamit ang kaligtasan, mamuhay ng totoong buhay at matanggap ang isang kahanga-hangang hantungan. Ito ang kahulugan ng ating pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos. Dagdag dito, kailangan din nating maunawaan kung bakit ang CCP ay namumuhi sa Makapangyarihang Diyos at sinusugpo at pinapahirapan ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ano ang layunin nito? Karamihan ng tao ay nakikita ito nang napakalinaw. Ang lahat ay ginagawa ng masamang CCP upang ikondena, ipagkanulo, at siraan ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, walang-pakundangan na inaaresto at pinapahirapan ang bayan ng Diyos at sinusubukang gawin ang rehiyon ng Tsina na isang rehiyong walang Diyos, lahat ng ito ay para lang mapangalagaan ang madilim na rehimen nito at kontrolin ang mga tao ng Tsina nang walang hanggan, patuloy silang pamunuan at abusuhin ang kapangyarihan nito. Sa huli, pahihirapan nila nang husto ang lahat ng tao sa Tsina hanggang kamatayan at hihilain sila patungo sa impiyerno. Ang masamang CCP ang malasatanas na rehimen na pinakanamumuhi sa katotohanan at pinakanamumuhi sa Diyos. Alam na nito ngayon na ang Makapangyarihang Diyos ang tanging Iisa sa mundo na makapagpapahayag ng katotohanan, na kasalukuyan Niyang ginagawa ang Kanyang paghatol, paglilinis, at gawaing pagliligtas sa mga huling araw. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay nailathala na sa Internet, nang sa gayon, ito ay maaaring mahanap at maimbestigahan ng lahat ng sangkatauhan. Ang demonyong CCP ay lubos na natatakot dahil sa sandaling kumalat ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa mga tao, ang lahat ng nagmamahal sa katotohanan at katarungan ay babaling sa Makapangyarihang Diyos. Pagkatapos, ang kanyang mala-demonyong mukha na galit sa katotohanan, tumututol sa Diyos ay ganap na mailalantad sa liwanag, at tatanggihan at buburahin ito ng lahat ng sangkatauhan, tatapakan nila ito, hahayaang mag-iwan ng amoy nang sampung libong taon, nang sa gayon hindi na ito kailanman muling magkakaroon ng lugar na tatayuan sa Tsina, nang sa gayon, hindi na nito kailanman magagawang itiwali at saktan ang mga tao sa mundo. Ito ang dahilan kung bakit sukdulan ang galit ng CCP sa lahat ng katotohanan na ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos, galit sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at ginagawa ang lahat ng kaya nitong gawin upang pigilan ang mga tao sa pagtanggap ng totoong daan at bumaling sa Makapangyarihang Diyos. Kung hindi natin mabatid ang pakana ni Satanas, at patuloy na malinlang, matali, at makontrol ng CCP, samakatuwid tayo ay mga hangal na hindi na maaaring mailigtas.

mula sa iskrip ng pelikulang Awit ng Tagumpay

Sinundan: Tanong 3: Nagpatotoo kayo Ang Kidlat ng Silanganan ang tunay na daan, pero idineklara na ng CCP na kulto ang Kidlat ng Silanganan. Paano Masasabi ang Isang Mabuting Relihiyon Mula sa Isang Masamang Kulto

Sumunod: Tanong 5: Inisip ko dati na ang mga araw ng CCP ay bilang na at malapit nang bumagsak, kaya hindi ba makakatulong nang malaki kung hinintay ko ang kanyang pagbagsak bago ako naniwala? Pero ngayon nakikita ko na ang layunin ng CCP na pahirapan at arestuhin tayo ay upang tayo ay maipadala sa impiyerno! Kung hintayin natin na mamatay ang CCP bago tayo manampalataya sa Makapangyarihang Diyos, matatanggap pa kaya natin ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw at makakapasok sa kaharian ng Diyos? Mapapalampas kaya natin ang ating pagkakataon na mailigtas?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 14: Sa paniniwala n’yo sa Kanya, lahat kayo ay may mga sariling ideya at opinyon. Sa tingin ko ang mga ideya nyo at teyorya, ay pawang mga pakiramdam ng pansariling kamalayan, at puro ilusyon lamang ninyo sa mga bagay-bagay. Naniniwala kaming mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, dahil naayon ang lahat ng yon sa syensya. Malinaw na nagbibigay ang ating bansa ng materyalista at ebolusyonistang edukasyon mula paaralang elementarya hanggang sa unibersidad. Sa tingin n’yo bakit? Yun ay para ipalaganap ang ateista at ebolusyonistang pag-iisip sa lahat ng kabataan sa murang edad, para lumayo sila sa relihiyon at ganun na rin sa pamahiin, at ng sa ganun siyentipiko at maayos nilang maipaliwanag ang lahat ng katanungan. Isang halimbawa ang, tanong tungkol sa pinagmulan ng buhay. Ignorante at makaluma ang mga tao sa nakaraan, at naniwala sa mga kwentong gaya ng paghihiwalay ni Pangu sa langit at lupa, at paglikha ni Nüwa sa mga tao. Ang mga taga-kanluran naman, ay naniwalang ang Diyos ang lumikha sa sangkatauhan. Ang totoo, mitolohiya lang at alamat ang lahat ng ito, at hindi naaayon sa syensya. Mula nang lumitaw ang teorya ng ebolusyon na nagpaliwanag sa pinagmulan ng sangkatauhan, kung paano nagmula ang tao sa mga unggoy, pinabulaanan ng teorya ng ebolusyon ang alamat ng paglikha ng Diyos sa tao. Nalikha ang lahat ng bagay sa natural na pamamaraan. Yun lamang ang katotohanan. Kaya nga Kailangan nating maniwala sa syensya, at sa teorya ng ebolusyon. Kayong lahat ay mga edukado at maraming nalalaman. Kaya bakit kayo naniniwala sa Diyos? Kaya n’yo bang sabihin sa’min ang inyong pananaw?

Sagot: Naniniwala kayong mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, at kinikilala n’yo sina Marx at Darwin....

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito