9. Paano harapin ang mapungusan
Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw
Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat magpasakop ang tao sa Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad at pinupungusan Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos. Kung hindi mo pinag-uukulan ang mga katotohanang ito ng pagpapahalaga at palaging iniisip ang pag-iwas sa mga ito, o paghahanap ng isang bagong daan bukod sa mga ito, kung gayon sinasabi Kong lubha kang makasalanan. Kung mayroon kang pananampalataya sa Diyos, ngunit hindi mo hinahanap ang katotohanan o ang mga layunin ng Diyos, ni hindi iniibig ang daan na naglalapit sa iyo sa Diyos, kung gayon sinasabi Kong ikaw ay isa na sinusubukang iwasan ang paghatol, at na isa kang sunud-sunuran at taksil na tumatakas mula sa dakilang puting luklukan. Hindi patatawarin ng Diyos ang sinuman sa mga mapanghimagsik na tumatakas sa ilalim ng Kanyang mga mata. Ang gayong mga tao ay makatatanggap ng lalo pang mas mabigat na kaparusahan. Silang mga nagsilapit sa harap ng Diyos upang mahatulan, at higit pa ay nadalisay na, ay mananahan magpakailanman sa kaharian ng Diyos. Siyempre, ito ay bagay na nabibilang sa hinaharap.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan
Hindi mababago ng mga tao ang sarili nilang disposisyon; kailangan silang dumaan sa paghatol at pagkastigo, at sa pagdurusa at pagpipino, ng mga salita ng Diyos, o sa pagdidisiplina at pagpupungos ng Kanyang mga salita. Pagkatapos noon, saka lamang sila magiging mapagpasakop at matapat sa Diyos, at hindi na magpapadalus-dalos sa pakikitungo sa Kanya. Sa ilalim ng pagpipino ng mga salita ng Diyos nagbabago ang disposisyon ng mga tao. Sa pamamagitan lamang ng paglalantad, paghatol, pagdidisiplina, at pagpupungos ng Kanyang mga salita sila hindi na mangangahas na kumilos nang walang pakundangan kundi sa halip ay magiging matatag at mahinahon sila. Ang pinakamahalagang punto ay na nagagawa nilang magpasakop sa kasalukuyang mga salita ng Diyos, at sa Kanyang gawain, kahit hindi ito nakaayon sa mga kuru-kuro ng tao, nagagawa nilang isantabi ang mga kuru-kurong ito at maluwag sa loob na magpasakop.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Taong Nagbago Na ang Disposisyon ay Yaong mga Nakapasok Na sa Realidad ng mga Salita ng Diyos
Maraming paraan ang Diyos para maperpekto ang tao. Ginagamit Niya ang lahat ng uri ng sitwasyon para pungusan ang tiwaling disposisyon ng tao, at gumagamit ng iba’t ibang bagay upang ilantad ang tao; sa isang bagay, pinupungusan Niya ang tao, sa isa pa ay inilalantad Niya ang tao, at sa isa pa ay ibinubunyag Niya ang tao, hinuhukay at ibinubunyag ang “mga hiwaga” sa kaibuturan ng puso ng tao, at ipinakikita sa tao ang kanyang kalikasan sa pamamagitan ng paghahayag sa marami sa kanyang mga kalagayan. Pineperpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng maraming pamamaraan—sa pamamagitan ng paghahayag, pagpupungos, pagpipino, at pagkastigo sa tao—para malaman ng tao na ang Diyos ay praktikal.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaon Lamang mga Nakatuon sa Pagsasagawa ang Mapeperpekto
Gumagawa ang Diyos sa bawat isang tao, at kung anuman ang Kanyang pamamaraan, anong uri ng mga tao, pangyayari at bagay ang ginagamit Niya sa Kanyang pagseserbisyo, o anumang uri ng tono mayroon ang mga salita Niya, isa lamang ang Kanyang panghuling mithiin: iligtas ka. At paano ka Niya inililigtas? Binabago ka Niya. Kaya paanong hindi ka magdurusa nang bahagya? Kakailanganing magdusa ka. Ang pagdurusang ito ay maaaring kapalooban ng maraming bagay. Una, kailangang magdusa ang mga tao kapag tinatanggap nila ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Kapag masyadong matindi at tahasan ang mga salita ng Diyos at nagkakamali ng pag-unawa ang mga tao sa Diyos—at mayroon pang mga kuru-kuro—maaaring masakit din iyon. Kung minsan ay nagpapalitaw ng sitwasyon ang Diyos sa paligid ng mga tao para ibunyag ang kanilang katiwalian, para pagnilayan at makilala nila ang kanilang sarili, at magdurusa rin sila nang kaunti roon. Kung minsan, kapag tuwiran silang pinungusan at inilantad, dapat magdusa ang mga tao. Parang inooperahan sila—kung walang pagdurusa, walang epekto. Kung sa tuwing ikaw ay pinupungusan, at tuwing ibinubunyag ka ng isang sitwasyon, pinupukaw nito ang iyong mga damdamin at pinalalakas ka, pagkatapos sa pamamagitan ng prosesong ito ay makakapasok ka sa katotohanang realidad, at magkakaroon ng tayog. Kung, tuwing ikaw ay sumasailalim sa pagpupungos, at sa pagbubunyag ng isang sitwasyon, wala kang nararamdamang anumang sakit o hirap, at wala kang nararamdamang anuman, at kung hindi ka lalapit sa Diyos para hangarin ang Kanyang mga layunin, hindi nagdarasal o naghahanap ng katotohanan, talagang napakamanhid mo! Hindi gumagawa ang Diyos sa iyo kapag walang nadarama ang espiritu mo, kapag hindi ito tumutugon. Sasabihin Niya: “Napakamanhid ng taong ito at napakalalim na ng kanyang pagkatiwali. Paano Ko man siya disiplinahin, pungusan, o subukang kontrolin, hindi Ko pa rin mapukaw ang kanyang puso o magising ang kanyang espiritu. Malalagay sa gulo ang taong ito; hindi siya madaling iligtas.” Kung isinasaayos ng Diyos ang ilang kapaligiran, tao, pangyayari at bagay para sa iyo, kung pinupungusan ka Niya; kung may natututuhan kang mga aral mula rito, kung natuto ka nang lumapit sa Diyos, natutong hanapin ang katotohanan, at, hindi namamalayan, binibigyang-liwanag at tinatanglawan at nagtatamo ka ng katotohanan, kung nakaranas ka na ng pagbabago sa mga kapaligirang ito, nagantimpalaan, at umusad, kung unti-unti ka nang nagkakaroon ng kaunting pagkaunawa sa layunin ng Diyos at hindi ka na nagrereklamo, lahat ng ito ay mangangahulugan na nanindigan ka sa gitna ng mga pagsubok ng mga kapaligirang ito, at natiis mo ang pagsubok. Kung gayon, nalampasan mo na ang mahigpit na pagsubok na ito. Paano ituturing ng Diyos yaong mga nakakayanan ang pagsubok? Sasabihin ng Diyos na mayroon silang tapat na puso, at kaya nilang tiisin ang ganitong uri ng pagdurusa, at na sa kaibuturan, minamahal nila at ninanais na makamit ang katotohanan. Kung mayroong ganitong uri ng pagtatasa sa iyo ang Diyos, hindi ka ba isang taong may tayog? Hindi ka ba may buhay kung gayon? At paano nakakamit ang buhay na ito? Ito ba ay ipinagkakaloob ng Diyos? Tinutustusan ka ng Diyos sa iba’t ibang paraan at gumagamit Siya ng iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay upang sanayin ka. Ito ay para bang ang Diyos ay personal na nagbibigay sa iyo ng pagkain at inumin, personal na naghahatid ng iba’t ibang pagkain sa harap mo para kainin mo hanggang mabusog at masiyahan ka; saka ka lamang lalago at tatatag. Ganito mo dapat danasin at unawain ang mga bagay na ito; ganito ang magpasakop sa lahat ng bagay na nagmumula sa Diyos. Ito ang uri ng pag-iisip at saloobing dapat mong taglayin, at dapat kang matutong hanapin ang katotohanan. Hindi ka dapat laging naghahanap ng mga panlabas na sanhi o sinisisi ang iba para sa iyong mga suliranin o naghahanap ng mga pagkakamali sa mga tao; dapat kang magkaroon ng isang malinaw na pag-unawa sa mga layunin ng Diyos. Sa panlabas, maaaring tila mayroong mga opinyon tungkol sa iyo o pagkiling laban sa iyo ang ilang tao, ngunit hindi mo dapat tingnan ang mga bagay-bagay sa ganoong paraan. Kung titingnan mo ang mga bagay-bagay mula sa ganitong uri ng pananaw, ang tanging gagawin mo ay magdahilan, at hindi ka makapagkakamit ng anuman. Dapat mong tingnan ang mga bagay-bagay nang walang pagkiling at tanggapin ang lahat mula sa Diyos. Kapag tiningnan mo ang mga bagay-bagay sa ganitong paraan, magiging madali para sa iyo na magpasakop sa gawain ng Diyos, at magagawa mong hanapin ang katotohanan, at maaarok mo ang mga layunin ng Diyos. Sa sandaling naitama na ang iyong pananaw at kalagayan ng pag-iisip, magagawa mong makamtan ang katotohanan. Kaya’t bakit hindi mo na lamang ito gawin? Bakit ka lumalaban? Kung ikaw ay tumigil sa paglaban, makakamit mo ang katotohanan. Kung lalaban ka, wala kang makakamit na anuman, at masasaktan mo rin ang damdamin ng Diyos at madidismaya mo Siya. Bakit madidismaya ang Diyos? Dahil hindi mo tinatanggap ang katotohanan, wala kang pag-asang maligtas, at hindi ka nakakamit ng Diyos, kaya paanong hindi Siya madidismaya? Kapag hindi mo tinatanggap ang katotohanan, katumbas ito ng pagwawaksi sa pagkaing personal nang inihandog sa iyo ng Diyos. Sinasabi mong hindi ka nagugutom at na hindi mo ito kailangan; paulit-ulit na sinusubukan ng Diyos na hikayatin kang kumain, ngunit ayaw mo pa rin. Mas gugustuhin mo pang magutom. Iniisip mong busog ka, kahit na ang totoo, wala kang kahit ano. Ang mga taong katulad nito ay kulang na kulang sa katwiran, at lubhang nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba; tunay ngang hindi nila alam ang isang mabuting bagay kapag nakita nila ito, sila ang pinakamahirap at kaawa-awang mga tao.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Matamo ang Katotohanan, Dapat Matuto ang Isang Tao mula sa mga Tao, Pangyayari, at Bagay sa Malapit
Nagiging negatibo ang ilang tao matapos mapungusan; ganap silang nawawalan ng lakas para gampanan ang kanilang mga tungkulin, at naglalaho rin ang kanilang katapatan. Bakit ganito? Napakalubha ng problemang ito; kawalan ito ng kakayahang tanggapin ang katotohanan. Hindi nila tinatanggap ang katotohanan, isang dahilan nito ay ang kawalan nila ng kaalaman tungkol sa kanilang mga tiwaling disposisyon, na humahantong sa kawalan nila ng kakayahang tumanggap ng pagpupungos. Ito ay tinutukoy ng kanilang kalikasan na mayabang at na may labis na pagtingin sa sarili, at na walang pagmamahal sa katotohanan. Ang isa pang dahilan ay hindi nauunawaan ng mga tao ang kabuluhan ng pagpupungos. Naniniwala sila na nangangahulugan ang pagpupungos na natukoy na ang kanilang kalalabasan. Dahil dito, mali nilang pinaniniwalaan na kung tatalikdan nila ang kanilang mga pamilya upang igugol ang kanilang sarili para sa Diyos, at mayroon silang kaunting katapatan sa Diyos, hindi sila dapat pungusan; kung pinungusan sila, hindi ito pag-ibig at pagiging matuwid ng Diyos. Ang ganoong uri ng maling pagkaunawa ay nagsasanhi na hindi mangahas ang maraming tao na maging tapat sa Diyos. Sa katunayan, kapag tapos na ang lahat, iyon ay dahil masyado silang mapanlinlang at ayaw nilang dumanas ng hirap. Gusto lang nilang magtamo ng mga pagpapala sa madaling paraan. Hindi man lang nauunawaan ng mga tao ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Hindi sila kailanman naniniwala na ang lahat ng pagkilos ng Diyos ay matuwid, o na ang Kanyang pakikitungo sa lahat ay matuwid. Hindi nila kailanman hinahanap ang katotohanan sa bagay na ito, kundi sa halip ay palagi silang gumagawa ng kanilang mga sariling argumento. Anumang masasamang bagay ang nagawa ng isang tao, anumang malalaking kasalanan ang kanyang nagawa, o gaano man karami ang kanyang nagawang kasamaan, hangga’t ang paghatol at kaparusahan ng Diyos ay sumasapit sa kanya, iisipin niya na ang Langit ay hindi patas, at na ang Diyos ay hindi matuwid. Sa mga mata ng tao, kung ang mga pagkilos ng Diyos ay hindi umaayon sa kanilang mga ninanasa, o kung ang Kanyang mga pagkilos ay hindi isinasaalang-alang ang kanilang mga damdamin, malamang ay hindi matuwid ang Diyos. Subalit, hindi alam ng mga tao kailanman kung ang kanilang mga kilos ba ay umaayon sa katotohanan, ni natatanto nila kailanman na naghihimagsik sila laban sa Diyos at na nilalabanan nila ang Diyos sa lahat ng pagkilos nila. Kung paano man lumabag ang mga tao ay hindi sila kailanman pinungusan ng Diyos o sinaway dahil sa kanilang paghihimagsik, bagkus ay naging kalmado at mahinahon Siya sa kanila, tinrato lamang sila nang may pagmamahal at pasensya, at hinayaan Niya silang kumain at magpakasaya kasama Niya magpakailanman, hindi kailanman magrereklamo ang mga tao tungkol sa Diyos o huhusgahan Siyang hindi matuwid; sa halip, paimbabaw nilang sasabihin na labis Siyang matuwid. Kilala ba ng mga gayong tao ang Diyos? Kaya ba nilang maging kaisa ng Diyos sa puso at isipan? Wala silang kaalam-alam na kapag hinahatulan at pinupungusan ng Diyos ang mga tao, nais Niyang dalisayin at baguhin ang mga disposisyon nila sa buhay upang magawa nilang magtagumpay sa pagpapasakop sa Kanya at pagmamahal sa Kanya. Ang gayong mga tao ay hindi naniniwalang ang Diyos ay isang matuwid na Diyos. Hangga’t sinasaway, inilalantad, at pinupungusan ng Diyos ang mga tao, sila ay magiging negatibo at mahina, palaging nagrereklamo na ang Diyos ay hindi mapagmahal, at palaging bumubulong-bulong na ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa tao ay mali, hindi nakikita na ito ay pagdadalisay at pagliligtas ng Diyos sa tao, at hindi naniniwala na pinagpapasyahan ng Diyos ang mga kahihinatnan ng mga tao batay sa kanilang pagpapakita ng pagsisisi. Palagi silang nagdududa sa Diyos at nagbabantay laban sa Kanya, at ano ang magiging resulta nito? Makapagpapasakop kaya sila sa gawain ng Diyos? Makakamit kaya nila ang tunay na pagbabago? Ito ay imposible. Kung magpapatuloy ang ganito nilang kalagayan, ito ay lubhang mapanganib, at magiging imposible para sa kanila na madalisay at magawang perpekto ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi
Anong disposisyon iyon kapag hindi kayang tanggapin ng mga tao na mapungusan sila, at hindi nila matanggap ang katotohanan? Hindi ba’t dapat ninyo itong malinaw na makilatis? Ang lahat ng ito ay pagpapamalas ng pagiging tutol sa katotohanan—ito ang diwa ng problema. Kapag tutol ang mga tao sa katotohanan, napakahirap para sa kanila na tanggapin ang katotohanan—at kung hindi nila matanggap ang katotohanan, maaayos ba ang problema ng kanilang tiwaling disposisyon? (Hindi.) Kaya ang isang taong ganito, isang taong hindi kayang tanggapin ang katotohanan—kaya ba niyang matamo ang katotohanan? Maililigtas ba siya ng Diyos? Tiyak na hindi. Tapat bang nananalig sa Diyos ang mga taong hindi tumatanggap sa katotohanan? Hinding-hindi. Ang pinakamahalagang aspekto ng mga taong tunay na nananalig sa Diyos ay na kaya nilang tanggapin ang katotohanan. Ang mga taong hindi kayang tanggapin ang katotohanan ay ganap na hindi tapat na nananalig sa Diyos. Kaya ba ng mga gayong tao na umupo nang tahimik sa isang sermon? Nagagawa ba nilang magkamit ng anuman? Hindi. Ito ay dahil inilalantad ng mga sermon ang iba’t ibang tiwaling kalagayan ng mga tao. Sa paghihimay sa mga salita ng Diyos, nagtatamo ng kaalaman ang mga tao, at pagkatapos, sa pamamagitan ng pagbabahagi sa mga prinsipyo ng pagsasagawa, binibigyan sila ng isang landas para isagawa, at sa ganitong paraan ay natatamo ang isang epekto. Kapag naririnig ng gayong mga tao na ang kalagayang inilalantad ay nauugnay sa kanila—na nauugnay ito sa sarili nilang mga isyu—dahil sa kahihiyan nila ay napupuno sila ng galit, at maaari pa nga silang tumayo at umalis sa pagtitipon. Kahit pa hindi sila umalis, maaari silang magsimulang mairita at magdamdam, kung magkaganito ay wala nang dahilan pa para dumalo sila sa pagtitipon o makinig sa sermon. Hindi ba’t ang layunin ng pakikinig sa mga sermon ay ang maunawaan ang katotohanan at malutas ang mga totoong problema ng isang tao? Kung palagi kang natatakot na malantad ang sarili mong mga problema, kung palagi kang natatakot na mabanggit, bakit ka pa nananalig sa Diyos? Kung sa pananampalataya mo ay hindi mo kayang tanggapin ang katotohanan, hindi ka talaga nananalig sa Diyos. Kung palagi kang natatakot na malantad, paano mo malulutas ang iyong problema ng katiwalian? Kung hindi mo malutas ang iyong problema ng katiwalian, bakit ka pa nananalig sa Diyos? Ang layunin ng pananampalataya sa Diyos ay ang matanggap ang pagliligtas ng Diyos, maiwaksi ang iyong tiwaling disposisyon, at maipamuhay ang wangis ng isang tunay na tao, at ang lahat ng ito ay natatamo sa pamamagitan ng pagtanggap sa katotohanan. Kung hindi mo man lang matanggap ang katotohanan, o maging ang mapungusan o mailantad, wala kang paraan para matamo ang pagliligtas ng Diyos. Kaya sabihin mo sa Akin: Sa bawat iglesia, ilan ang kayang tanggapin ang katotohanan? Marami ba o kaunti ang mga hindi kayang tanggapin ang katotohanan? (Marami.) Isa ba itong sitwasyon na talagang umiiral sa mga hinirang ng Diyos sa mga iglesia, isa ba itong totoong problema? Ang lahat ng hindi kayang tanggapin ang katotohanan at hindi kayang tanggapin na mapungusan, ay tutol sa katotohanan. Ang pagiging tutol sa katotohanan ay isang uri ng tiwaling disposisyon, at kung hindi mababago ang disposisyong ito, maililigtas ba sila? Tiyak na hindi. Sa kasalukuyan, maraming tao ang nahihirapan tanggapin ang katotohanan. Hindi naman talaga ito madali. Para malutas ito, kailangang maranasan ng isang tao ang kaunting paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at ang pagpipino ng Diyos. Kaya ano ang masasabi ninyo: Ano iyong disposisyon kapag hindi kaya ng mga taong tanggapin na mapungusan, kapag hindi nila inihahambing ang sarili nila sa salita ng Diyos o sa mga kalagayang ibinubunyag sa mga sermon? (Isang disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan.) … At paano pangunahing naipamamalas ang uri ng disposisyon na pagiging tutol sa katotohanan? Sa pagtangging tumanggap ng pagpupungos. Ang hindi pagtanggap na mapungusan ay isang uri ng kalagayang ipinamamalas ng ganitong uri ng disposisyon. Sa kanilang puso, partikular na palaban ang mga taong ito kapag pinupungusan sila. Iniisip nila, “Ayaw kong marinig iyan! Ayaw kong marinig iyan!” o, “Bakit hindi ibang tao ang pungusan? Bakit ako ang pinag-iinitan?” Ano ang ibig sabihin ng pagiging tutol sa katotohanan? Ang pagiging tutol sa katotohanan ay kapag ganap na walang interes ang isang tao sa anumang may kinalaman sa mga positibong bagay, sa katotohanan, sa hinihingi ng Diyos, o sa mga layunin ng Diyos. Kung minsan ay ayaw niya sa mga ito, kung minsan ay wala siyang interes sa mga ito, kung minsan ay wala siyang galang at pakialam, at itinuturing niyang hindi mahalaga ang mga ito, at siya ay walang katapatan at pabasta-basta lang sa mga ito, o hindi siya umaako ng pananagutan para sa mga ito.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Kaalaman Lamang Tungkol sa Anim na Uri ng Tiwaling Disposisyon ang Tunay na Pagkakilala sa Sarili
Ang pagkakapungos ay isang bagay na maaaring maranasan ng lahat ng nananampalataya sa Diyos. Lalo na sa panahon ng paggawa ng isang tungkulin, habang dumarami ang kanilang karanasan sa pagkakapungos, mas nagkakaroon ng kabatiran ang karamihan sa mga tao sa kahulugan ng pagkakapungos. Nararamdaman nila na napakaraming pakinabang sa pagkakapungos, at mas lalo nilang nagagawang tratuhin nang tama ang pagkakapungos. Siyempre, hangga’t kaya nilang gampanan ang isang tungkulin, at anuman ang tungkulin na kanilang ginagampanan, ang bawat tao ay magkakaroon ng pagkakataong mapungusan. Kayang tratuhin nang tama ng mga normal na tao ang pagkakapungos. Sa isang banda, kaya nilang tanggapin ang pagkakapungos nang may pusong nagpapasakop sa Diyos, at sa kabilang banda, kaya rin nilang pagnilay-nilayan at alamin ang mga problema na mayroon sila. Isang karaniwang saloobin at perspektiba ito sa kung paano tinatrato ng mga taong naghahangad sa katotohanan ang pagkakapungos. Kaya, ganito rin ba tinatrato ng mga anticristo ang pagkakapungos? Tiyak na hindi. Tiyak na naiiba ang mga saloobin ng mga anticristo at ng mga taong naghahangad sa katotohanan pagdating sa kanilang pagtrato sa pagkakapungos. Una sa lahat, pagdating sa usapin ng pagkakapungos, hindi ito kayang tanggapin ng mga anticristo. At may mga dahilan kung bakit hindi nila ito matanggap, ang pangunahing dahilan ay na kapag pinupungusan sila, pakiramdam nila ay napahiya sila, nawalan ng reputasyon, katayuan, at dignidad, na naiwan silang wala nang mukhang maihaharap sa lahat. May epekto sa puso nila ang mga bagay na ito, kaya’t nahihirapan silang tanggapin ang pagkakapungos, at pakiramdam nila, ang sinumang pumupungos sa kanila ay pinupuntirya sila at kaaway nila. Ito ang mentalidad ng mga anticristo kapag pinupungusan sila. Makakasiguro ka rito. Sa katunayan, sa pagpupungos lubusang nabubunyag kung kaya bang tanggapin ng isang tao ang katotohanan at kung tunay ba siyang makakapagpasakop. Ang matinding paglaban ng mga anticristo sa pagkakapungos ay sapat na para maipakita na tutol sila sa katotohanan at hindi nila ito tinatanggap kahit kaunti. Ito, kung gayon, ang pinakabuod ng problema. Hindi ang kanilang pride ang pinakabuod ng usapin; ang hindi pagtanggap sa katotohanan ang diwa ng problema. Kapag pinupungusan sila, hinihingi ng mga anticristo na gawin ito nang may magandang tono at ugali. Kung seryoso ang tono ng pumupungos at mabagsik ang kanyang ugali, lalaban at magiging suwail ang isang anticristo, at magagalit siya dahil sa kahihiyan. Hindi niya iniisip kung tama ba ang inilalantad sa kanya o kung katunayan ba ito, at hindi rin siya nagninilay-nilay kung saan siya nagkamali o kung dapat ba niyang tanggapin ang katotohanan. Ang iniisip lang niya ay kung nasaktan ba ang kanyang banidad at pride. Ganap na hindi kayang kilalanin ng mga anticristo na ang pagpupungos ay nakakatulong, mapagmahal, at nakapagliligtas sa mga tao, na kapaki-pakinabang ito sa mga tao. Ni hindi nila ito makita. Hindi ba’t medyo wala silang pagkilatis at katwiran? Kung gayon, kapag napupungusan, anong disposisyon ang ibinubunyag ng isang anticristo? Walang duda na disposisyon ito ng pagtutol sa katotohanan, pati na rin ng kayabangan at pagiging mapagmatigas. Ibinubunyag nito na pagtutol sa katotohanan at pagkamuhi rito ang kalikasang diwa ng mga anticristo. Samakatuwid, pinakakinatatakutan ng mga anticristo ang mapungusan; sa sandaling mapungusan sila, lubusang nalalantad ang kanilang pangit na kalagayan. Kapag pinungusan ang mga anticristo, anong mga pagpapamalas ang ipinapakita nila, at anong mga bagay ang maaari nilang sabihin o gawin, na malinaw na nagpapakita sa iba na mga anticristo ang mga anticristo, na iba sila sa karaniwang tiwaling tao, at na naiiba ang kanilang kalikasang diwa sa mga naghahangad sa katotohanan? Magbibigay Ako ng ilang halimbawa, at maaari ninyong pag-isipan ang mga ito at dagdagan pa ang mga ito. Kapag pinupungusan ang mga anticristo, nagkakalkula at nag-iisip muna sila: “Anong klaseng tao ang pumupungos sa akin? Ano ang pakay niya? Paano niya ito nalaman? Bakit niya ako pinungusan? Hinahamak ba niya ako? May nasabi ba akong nakapagpasama ng loob niya? Gumaganti ba siya sa akin dahil mayroon akong magandang bagay at hindi ko ito ibinigay sa kanya, at ginagamit niya ang pagkakataong ito para i-blackmail ako?” Sa halip na magnilay-nilay at kilalanin ang kanilang sariling mga pagsalangsang, mga dating maling gawa, at ang mga tiwaling disposisyong ibinunyag nila, gusto nilang makahanap ng mga pahiwatig sa usapin ng pagkakapungos. Pakiramdam nila ay may kahina-hinala rito. Ganito nila tinatrato ang pagkakapungos. Mayroon bang tunay na pagtanggap dito? Mayroon bang tunay na kaalaman o pagninilay-nilay? (Wala.) Kapag karamihan sa mga tao ay pinupungusan, maaaring iyon ay dahil nagpakita sila ng mga tiwaling disposisyon. Maaari ding dahil may ginawa silang mali dahil sa kamangmangan at na ipinagkanulo nila ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Maaari ding dahil naging pabasta-basta sila sa kanilang tungkulin at nagdulot ito ng mga kawalan sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Ang pinakakasuklam-suklam na bagay ay na lantarang ginagawa ng mga tao ang gusto nila nang walang pagpipigil, nilalabag ang mga prinsipyo, at ginagambala at ginugulo ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Ito ang mga pangunahing dahilan kaya pinupungusan ang mga tao. Anuman ang mga sitwasyong nagiging dahilan para pungusan ang isang tao, ano ang pinakamahalagang saloobing dapat taglayin ukol dito? Una, dapat mong tanggapin ito. Sinuman ang pumupungos sa iyo, anuman ang dahilan, hindi mahalaga kung malupit man ang dating nito, o anuman ang tono at pananalitang ginagamit, dapat mong tanggapin ito. Pagkatapos, dapat mong aminin ang nagawa mong mali, ang tiwaling disposisyon na ipinakita mo, at kung kumilos ka ba alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo. Unang-una sa lahat, ito ang saloobing dapat mong taglayin.
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikawalong Bahagi)
Bawat tao ay nakakaramdam ng kawalan kapag napupungusan siya, lalo na kung tinanggal siya at nawala ang katayuan niya. Pakiramdam niya ay nalagay siya sa isang alanganing sitwasyon, at napahiya nang kaunti sa harap ng iba, at hindi siya makaharap kahit kanino sa labis na kahihiyan. Gayumpaman, hindi magsasalita ng mga baluktot na argumento ang isang taong may hiya. Ano ang ibig sabihin ng hindi pagsasalita ng mga baluktot na argumento? Nangangahulugan ito ng kakayahang harapin ang lahat ng bagay sa tamang paraan, nang hindi nag-iisip at nagsasalita tungkol sa mga bagay-bagay sa baluktot na paraan, at sa halip ay matapat na inaamin ang mga maling bagay na nagawa niya, at hinaharap ang usapin nang patas at makatwiran. Ano ang ibig sabihin ng patas at makatwiran? Nangangahulugan ito na, dahil napungusan ka para sa isang bagay, malamang na may problema sa ginawa mo—kung isasantabi ang tiwaling disposisyon na mayroon ka, sabihin na lang natin na kung pumalpak ka sa usaping ito, tiyak na may kaunti kang responsabilidad para dito; at dahil may responsabilidad ka, dapat mo itong pasanin, at aminin na ginawa mo ito. Sa sandaling aminin mo ito, dapat mong suriin ang sarili mo, at tanungin: “Anong tiwaling disposisyon ang ibinunyag ko rito? Kung hindi ako inudyukan ng isang tiwaling disposisyon, nahaluan ba ng kalooban ng tao ang mga ikinilos ko? Idinulot ba ito ng kahangalan? May anumang kinalaman ba ito sa paghahangad ko, sa landas na tinatahak ko?” Ang kakayahang suriin ang sarili tulad nito ay tinatawag na pagkamakatwiran, pagkakaroon ng hiya, pagtingin sa mga bagay-bagay sa isang patas at obhetibong paraan, sa isang paraan na totoo batay sa mga katunayan. Ito mismo ang wala sa mga anticristo. Kapag sila ay pinupungusan, una nilang iniisip, “Paano mo nagawang walang-awang pungusan ang isang marangal na lider tulad ko sa harap ng napakaraming tao, inilantad pa nga ang kahiya-hiyang lihim ko? Nasaan ang katanyagan ko bilang lider? Sa pagpupungos sa akin, hindi ba’t winasak mo na ito? Sino na ang makikinig sa akin mula ngayon? Kung walang makikinig sa akin, paano ako magkakaroon ng anumang katayuan bilang lider? Hindi ba’t magiging tau-tauhan na lang ako kung ganoon? Paano ko matatamasa ang mga pakinabang ng katayuan kung gayon? Hindi ba’t hindi ko na matatamasa ang mga aytem na inihahandog ng mga kapatid?” Tama ba ang ideyang ito? Naaayon ba ito sa katotohanan? Makatwiran ba ito? (Hindi.) Ito ay pagkawalang-katwiran, at pagsasalita ng mga baluktot na argumento. Ano ang ibig mong sabihin sa katanyagan? Ano ang isang lider? Siguradong hindi ka inosente sa katiwalian? Ano ang ibig mong sabihin sa “paglalantad ng kahiya-hiya mong lihim”? Ano ang kahiya-hiya mong lihim? Ito ay ang tiwaling disposisyon mo. Ang tiwaling disposisyon mo ay kapareho ng sa iba—iyon ang kahiya-hiya mong lihim. Walang naiiba sa iyo, hindi ka nakahihigit sa iba. Nakita lang ng sambahayan ng Diyos na mayroon kang kaunting kakayahan at kayang gumawa ng ilang gawain, kaya itinaas nito ang ranggo mo at nilinang ka, at binigyan ka ng natatanging pasanin, ng kaunting dagdag na pasanin. Subalit hindi naman ibig sabihin nito na sa sandaling magkaroon ka ng katayuan, wala ka ng tiwaling disposisyon. At gayunman, kinakapitan ito ng mga anticristo, sinasabing, “Ngayong may katayuan na ako, hindi mo ako dapat pungusan, lalong hindi sa harap ng napakaraming tao, na magpapahintulot sa karamihan ng tao na malaman ang tungkol sa tunay kong sitwasyon.” Hindi ba’t baluktot na argumento ito? Saan maaaring gamitin ang diskarteng ito? Sa lipunan sa labas, kapag pinatataas mo ang kumpiyansa ng isang tao, kailangan mo siyang purihin bilang perpekto, at bumuo ng imahe ng pagiging perpekto para sa kanya, nang wala ni katiting na kapintasan. Hindi ba’t mapanlinlang iyon? Gagawin ba ito ng sambahayan ng Diyos? (Hindi.) Iyon ang ginagawa ni Satanas, at ito rin ang hinihingi ng mga anticristo. Walang katwiran si Satanas, at kaparehas ding walang katwiran ang mga anticristo sa bagay na ito. Hindi lang iyon, kundi gumagawa rin sila ng mga baluktot na argumento at nagsusulong ng mga labis na hinihingi. Para maprotektahan ang katayuan nila, hinihiling nila sa Itaas na bigyan ng pansin ang tungkol sa kung paano sila pinungusan at sa kung anong mga okasyon sila pinungusan, at kung anong uri ng tono ang ginamit. Kinakailangan ba ito? Mga tiwaling tao sila, at pinupungusan sila para sa isang bagay na tunay at totoo—anong pangangailangan ang mayroon para gawin ito sa isang partikular na paraan? Hindi ba’t makakapinsala sa mga kapatid ang pagpapataas ng kumpiyansa ng mga anticristo? Dapat bang pataasin ang kumpiyansa nila, at protektahan ang katayuan nila, sila na masasamang tao, para walang pakundangan silang makagawa ng masasamang gawa sa mga nasa ibaba at makapagtatag ng kanilang mga nagsasariling kaharian? Magiging patas ba iyon sa mga kapatid? Pagpapakita ba iyon ng responsabilidad sa kanila? Hindi iyon isang paraan ng pagpapakita ng responsabilidad sa kanila. Kaya ang isang anticristong kumikilos nang ganito, nag-iisip nang ganito, at gumagawa ng gayong mga uri ng mga hinihingi ay pagsasabi lang niya ng mga baluktot na argumento at paggawa ng gulo nang sinasadya, lubos na walang-hiya. Kapag pinupungusan para sa isang maling bagay na ginawa niya, hindi inaamin ng isang anticristo na may tiwaling disposisyon siya, hindi rin niya sinusuri kung anong tiwaling disposisyon ang nagbunsod sa kanyang gawin ang gayong bagay. Pagkatapos magsabi ng napakaraming baluktot na argumento, hindi lang siya tumatangging suriin ang sarili niya, nag-iisip din siya ng mga kontrang hakbang. “Sino ang nag-ulat nito? Sino ang nagpaabot nito sa itaas? Sino ang nag-ulat sa mga lider na ginawa ko ito? Kailangan kong malaman kung sino ito, at turuan siya ng leksiyon. Kailangan ko siyang kastiguhin sa mga pagtitipon, at ipakita sa kanya kung gaano ako kakila-kilabot.” Kapag pinungusan siya, gagawin ng isang anticristo ang lahat ng makakaya niya para ipagtanggol ang sarili niya, para makahanap ng palusot, iniisip na, “Naging pabaya ako sa pagkakataong ito at hinayaan kong mabunyag ang isang lihim, kaya dapat kong gawin ang makakaya ko para hindi na ulit ito mangyari sa susunod, at subukan ang ibang diskarte para malinlang ang itaas pati na rin ang mga kapatid sa ibaba, para wala sa kanila ang makaalam. Kapag nakakagawa ako ng tama, dapat akong magmadaling sumulong at akuin ang papuri para dito, subalit kapag nagkakamali ako, dapat mabilis kong maipasa ang responsabilidad sa iba.” Hindi ba’t iyon ay kawalan ng hiya? Kawalan ito ng hiya sa sukdulan! Kapag napungusan ang isang normal na tao, sa kaibuturan, pribado niyang inaamin sa sarili niya, “Hindi ako magaling—may tiwaling disposisyon ako. Wala nang masasabi pa. Dapat kong pagnilayan ang sarili ko.” Tahimik niyang pinagpapasyahan na kumilos ayon sa kung ano ang hinihingi ng Diyos kung mahaharap siyang muli sa ganitong sitwasyon. Kung makakamit man niya ito o hindi, anumang mangyari, kapag napungusan siya, tinatanggap niya ito nang makatwiran sa kaibuturan ng puso niya, at sinasabi sa kanya ng pagkamakatwiran niya na talagang nakagawa nga siya ng mali, at na dahil may tiwaling disposisyon siya, dapat niyang aminin ito. Nagpapasakop siya sa kaibuturan ng puso niya, nang walang anumang paglaban, at kahit na pakiramdam niya na medyo naagrabyado siya, ang pangunahing saloobin niya ay ang pagiging positibo. Nagagawa niyang pagnilayan ang sarili niya, makaramdam ng pagsisisi, at magpasyang magsikap na huwag gawin ang parehong pagkakamali sa usaping ito sa hinaharap. Sa kabilang banda, hindi lang sa hindi nakakaramdam ng pagsisisi ang isang anticristo, mapanlaban siya sa puso niya, at hindi lang sa hindi niya magawang bitiwan ang kasamaang ginagawa niya, sinusubukan pa niyang maghanap ng ibang paraan pasulong para patuloy na walang pakundangang gumawa ng masasamang gawa, nagpapatuloy sa masamang pag-uugali niya. Kapag napungusan siya, hindi niya sinusuri ang sariling tiwaling disposisyon niya, ang pinagmulan ng kamalian niya, ng mga layunin niya, o ng iba’t ibang kalagayan at perspektiba na umusbong sa kaibuturan niya nang mabunyag ang tiwaling disposisyon niya. Hindi niya kailanman sinusuri o pinagninilay-nilayan ang mga bagay na ito, hindi rin niya tinatanggap ito kapag may sinumang iba na nagbibigay ng mga mungkahi, payo, o naglalantad sa kanya. Sa halip, nagsisikap siya nang husto para maghanap ng iba’t ibang paraan, diskarte, at taktika para malinlang ang mga nasa itaas niya at nasa ibaba niya para maprotektahan niya ang katayuan niya. Pinagsisikapan niya nang husto ang pagdudulot ng kaguluhan sa sambahayan ng Diyos, at ginagamit ang katayuan niya para gumawa ng masama. Talagang wala siyang pag-asa!
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabing-isang Aytem
Pagdating sa pagpupungos, ano ang dapat malaman ng mga tao kahit papaano? Dapat maranasan ang pagkakapungos para magampanan nang sapat ang tungkulin ng isang tao—hindi puwedeng wala ito. Isa itong bagay na dapat harapin ng mga tao sa araw-araw at maranasan nang madalas para magtamo ng kaligtasan sa kanilang pananalig sa Diyos. Walang sinuman ang maaaring hindi mapungusan. Ang pagkakapungos ba sa isang tao ay isang bagay na may kinalaman sa kanyang kinabukasan at kapalaran? (Hindi.) Para saan ba ang pagpupungos sa isang tao? Ito ba ay para kondenahin siya? (Hindi, ito ay para tulungan ang mga tao na maunawaan ang katotohanan at magawa ang kanilang tungkulin ayon sa mga prinsipyo.) Tama iyon. Iyon ang pinakatamang pagkaunawa ukol dito. Ang pagpupungos sa isang tao ay isang uri ng disiplina, isang uri ng pagtutuwid, at likas na isa rin itong uri ng pagtulong at paglunas sa mga tao. Ang pagkakapungos ay nagtutulot sa iyo na mabago mo kaagad ang maling paghahangad mo. Tinutulutan ka nitong agarang matanto ang mga problemang kasalukuyang mayroon ka, at tinutulutan kang makita kaagad ang mga tiwaling disposisyong ipinapakita mo. Anu’t anupaman, nakakatulong sa iyo ang pagkakapungos na malaman mo ang iyong mga pagkakamali at magawa mo ang iyong mga tungkulin ayon sa mga prinsipyo, maagap ka nitong pinipigilan na makapagdulot ng mga pagkalihis at na maligaw, at pinipigilan ka nito na makapagdulot ng mga trahedya. Hindi ba’t ito ang pinakamalaking tulong sa mga tao, ang kanilang pinakamalaking lunas? Dapat magawang tratuhin nang tama ng mga may konsensiya at katwiran ang pagkakapungos.
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikawalong Bahagi)
Kapag pinupungusan ka, hindi mo muna sinusuri ang tama at mali—tinatanggap mo lang ito, nang may pusong nagpapasakop. Halimbawa, maaaring may magsabi na may ginawa kang mali. Bagamat hindi mo nauunawaan sa puso mo, at hindi mo alam kung ano ang ginawa mong mali, tinatanggap mo pa rin ito. Ang pagtanggap ay pangunahin na isang positibong saloobin. Bukod pa rito, mayroong isang saloobin na bahagyang mas negatibo—ang manatiling tahimik at huwag gumawa ng anumang pagtutol. Anong uri ng mga pag-uugali ang may kinalaman dito? Hindi ka nangangatwiran, nagtatanggol sa iyong sarili, o gumagawa ng mga obhektibong dahilan para sa sarili mo. Kung palagi kang nagdadahilan at nangangatwiran para sa sarili mo, at ipinapasa ang responsabilidad sa ibang tao, pagtutol ba iyon? Iyon ay isang disposisyon ng paghihimagsik. Hindi ka dapat tumanggi, lumaban, o mangatwiran. Kahit na tama ang pangangatwiran mo, iyon ba ang katotohanan? Isa iyong obhektibong dahilan ng tao, hindi ang katotohanan. Hindi ka tinatanong tungkol sa mga obhetibong dahilan—kung bakit nangyari ang bagay na ito, o kung paano nagkaganito—sa halip, sinasabi sa iyo na ang kalikasan ng kilos na iyon ay hindi naaayon sa katotohanan. Kung mayroon kang kaalaman sa ganitong antas, talagang magagawa mong tumanggap at hindi lumaban. Ang pagkakaroon muna ng mapagpasakop na saloobin kapag nangyayari sa iyo ang mga bagay-bagay ang pinakamahalaga. … Kapag nahaharap sa pagpupungos, anong mga kilos ang bumubuo sa isang bukas at mapagpasakop na saloobin? Kahit paano, dapat rasonable ka at nagtataglay ng katwiran. Dapat ka munang magpasakop, at hindi mo dapat labanan o tanggihan ito, at dapat tratuhin mo ito nang may katwiran. Sa ganitong paraan, magkakaroon ka ng pinakabatayan na antas ng katwiran. Kung nais mong matamo ang pagtanggap at pagpapasakop, dapat mong maunawaan ang katotohanan. Hindi simpleng bagay na maunawaan ang katotohanan. Una, dapat mong tanggapin ang mga bagay mula sa Diyos: Kahit papaano, dapat mong malaman na ang mapungusan ay isang bagay na pinahihintulutan ng Diyos na mangyari sa iyo, o na nagmumula ito sa Diyos. Ganap man na makatwiran o hindi ang pagpupungos, dapat kang magtaglay ng bukas at mapagpasakop na saloobin. Isa itong pagpapamalas ng pagpapasakop sa Diyos, at kasabay nito, ito ay pagtanggap din sa pagsisiyasat ng Diyos. Kung mangangatwiran ka lang at ipagtatanggol ang sarili mo, iniisip na ang pagpupungos ay nagmumula sa tao at hindi sa Diyos, kung gayon ay may depekto ang pagkaunawa mo. Una, hindi mo tinanggap ang pagsisiyasat ng Diyos, at pangalawa, wala kang mapagpasakop na saloobin o mapagpasakop na pag-uugali sa sitwasyong itinakda ng Diyos para sa iyo. Ito ay isang taong hindi nagpapasakop sa Diyos. … Para sa karamihan ng mga tao, kapag may nangyayari sa kanila na naaayon sa kanilang sariling mga kuru-kuro at imahinasyon, at naaayon sa kanilang sariling kagustuhan, napakaganda ng pakiramdam nila, kaya’t nasisiyahan silang magpasakop, at maayos ang takbo ng lahat. Panatag at payapa ang kanilang puso, at sila ay masaya at nagagalak. Pero kapag nahaharap sila sa isang bagay na hindi naaayon sa kanilang sariling mga kuru-kuro, o isang bagay na hindi nakabubuti sa kanila, hindi sila makapagpasakop kahit alam nilang dapat. Nakararamdam sila ng sakit, wala silang magawa kundi magdusa nang tahimik, at nahihirapan silang pag-usapan ang kanilang mga paghihirap. Nalulumbay sila, at napupuno ng mga hinaing na hindi nila mailabas, kaya’t nagngingitngit ang puso nila: “Tama ang iba. Mas mataas ang katayuan nila kaysa sa akin; paanong hindi ko magawang makinig sa kanila? Mabuti pang tanggapin ko na lang ang kapalaran ko. Kailangan kong maging mas maingat sa susunod at hindi mangahas—ang mga taong nangangahas ay pinupungusan. Hindi madali ang pagpapasakop. Napakahirap nito! Nabuhusan ng isang balde ng malamig na tubig ang apoy ng aking kasigasigan. Nais kong maging simple at bukas, ngunit ang naging resulta ay paulit-ulit kong nasasabi ang maling bagay, at palagi akong napupungusan. Sa hinaharap, tatahimik na lang ako, at magiging mapagpalugod ng tao.” Anong klaseng saloobin ito? Ito ay napakalaking pagbabago. Ano ang pinakalayon ng Diyos sa pagtulot sa mga tao na matutunan ang aral ng pagpapasakop? Gaano man karaming pagkakamali at pasakit ang dinaranas mo sa panahong iyon, gaano ka man ipinahihiya, o gaano man kalaki ang pinsalang dinanas ng iyong imahe, banidad, o reputasyon, hindi pangunahin ang lahat ng ito. Ang pinakamahalagang bagay ay ang baguhin ang kalagayan mo. Anong kalagayan? Sa normal na mga sitwasyon, umiiral ang isang uri ng mapagmatigas at mapaghimagsik na kalagayan sa kaibuturan ng puso ng mga tao—na ang pangunahing dahilan nito ay, sa kanilang mga puso, mayroon silang isang partikular na uri ng lohika ng tao at kalipunan ng mga kuru-kuro ng tao, na: “Hangga’t tama ang aking mga layunin, hindi mahalaga kung ano ang kalabasan: hindi mo ako dapat pungusan, at kapag ginawa mo iyon, hindi ko kailangang sumunod.” Hindi sila nagninilay-nilay kung naaayon ba ang kanilang mga kilos sa mga katotohanang prinsipyo, o kung ano ang mga kahihinatnan ng mga ito. Ang lagi nilang pinaninindigan ay, “Hangga’t mabuti at tama ang aking mga layunin, dapat akong tanggapin ng Diyos. Kahit pa hindi maganda ang kalabasan, hindi mo ako dapat pungusan, lalong hindi mo ako dapat kondenahin.” Ganito ang katwiran ng tao, hindi ba? Mga kuru-kuro ito ng tao, hindi ba? Laging nakapako ang isip ng tao sa sarili niyang pangangatwiran—may pagpapasakop ba rito? Ginawa mong katotohanan ang sarili mong pangangatwiran at isinantabi ang katotohanan. Naniniwala ka na iyong umaayon sa iyong pangangatwiran ang siyang katotohanan, at iyong hindi umaayon ay hindi. Mayroon pa bang sinumang higit na katawa-tawa? Mayroon pa bang mas mayabang at mapagmatuwid? Aling tiwaling disposisyon ang dapat malutas upang matutuhan ang aral ng pagpapasakop? Ang disposisyon ng kayabangan at pagmamagaling, na siyang pinakamatinding hadlang sa mga taong nagsasagawa ng katotohanan at nagpapasakop sa Diyos. Ang mga taong may mapagmataas at mapagmagaling na disposisyon ang pinakamalamang na mangatwiran at sumuway, lagi nilang iniisip na tama sila, kaya naman wala nang mas apurahan pa kaysa sa paglutas at pagpungos sa mapagmataas at mapagmagaling na disposisyon ng isang tao. Sa sandaling maging maayos ang asal ng mga tao at tumigil na sa pangangatwiran para sa kanilang sarili, malulutas ang problema ng paghihimagsik, at magagawa na nilang magpasakop. Kung magagawa ng mga taong makamit ang pagpapasakop, hindi ba’t kailangan na taglay nila ang isang partikular na antas ng pagkamakatwiran? Dapat taglay nila ang katwiran ng isang normal na tao. Halimbawa, sa ilang bagay, kung ginawa man natin ang tamang bagay o hindi, kung hindi nasisiyahan ang Diyos, dapat nating gawin kung ano ang sinasabi Niya, at ituring ang Kanyang mga salita bilang pamantayan para sa lahat ng bagay. Makatwiran ba ito? Gayon ang katwiran na dapat masumpungan sa mga tao bago ang anupaman. Kahit gaano pa tayo magdusa, at kahit ano pa ang ating mga layunin, pakay, at dahilan, kung hindi nasisiyahan ang Diyos—kung hindi natugunan ang Kanyang mga hinihingi—kung gayon walang pag-aalinlangang hindi nakaayon ang ating mga kilos sa katotohanan, kaya dapat tayong makinig at magpasakop sa Diyos, at hindi natin dapat subukang magpalusot o mangatwiran sa Kanya. Kapag nagtataglay ka ng gayong pagkamakatwiran, kapag nagtataglay ka ng katwiran ng isang normal na tao, madaling lutasin ang iyong mga problema, at magiging tunay kang mapagpasakop. Kahit ano pa ang sitwasyong kinalalagyan mo, hindi ka magiging rebelde, at hindi mo sasalungatin ang mga hinihingi ng Diyos; hindi mo susuriin kung tama ba o mali, mabuti ba o masama ang mga hinihingi ng Diyos, at magagawa mong sumunod—at dahil dito ay malulutas ang iyong kalagayan ng pangangatwiran, pagmamatigas, at pagrerebelde. May ganito bang mga mapaghimagsik na kalagayan ang lahat ng tao sa loob nila? Madalas lumilitaw ang mga kalagayang ito sa mga tao, at iniisip nila sa kanilang sarili, “Hangga’t makatwiran ang aking diskarte, mga panukala, at mga mungkahi, kahit labagin ko pa ang mga katotohanang prinsipyo, hindi ako dapat pungusan, dahil hindi naman ako gumawa ng masama.” Isang pangkaraniwang kalagayan ito sa mga tao. Ang pananaw nila ay na kung hindi sila nakagawa ng masama, hindi sila dapat pungusan; ang mga taong nakagawa lamang ng masama ang dapat pungusan. Tama ba ang pananaw na ito? Siyempre hindi. Pangunahing pinupuntirya ng pagpupungos ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao. Kung may tiwaling disposisyon ang isang tao, dapat siyang pungusan. Kung pinungusan lang siya matapos makagawa ng masama, huli na ito masyado, dahil nakagawa na siya ng pinsala. Kung nalabag ang disposisyon ng Diyos, manganganib ka, at maaaring hindi na gumawa sa iyo ang Diyos—kung magkagayon, ano pa ang silbi na pungusan ka? Wala nang ibang magagawa pa kundi ang ibunyag at itiwalag ka.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Limang Kondisyong Dapat Matugunan para Makapagsimula sa Tamang Landas ng Pananalig sa Diyos
Ano ang dapat maging saloobin ng mga tao sa pagpupungos ng Diyos sa kanila? Paano nila ito dapat tingnan? Hindi ba dapat pagnilayan ng mga tao ang gayong mga bagay? (Oo.) Dapat pagnilay-nilayan at pagbulay-bulayan ng mga tao ang tungkol sa ganitong mga bagay. Kailan man at paano man tinatrato ng isang tao ang Diyos, ang identidad ng tao, sa katunayan, ay hindi nagbabago; ang mga tao ay mamamalaging mga nilikha. Kung hindi mo matanggap ang iyong katayuan bilang isang nilikha, nangangahulugan iyan na suwail ka at malayong baguhin mo ang iyong disposisyon, malayong magkaroon ka ng takot sa Diyos at umiwas sa kasamaan. Kung lubos mo namang tanggap ang iyong lugar bilang isang nilikha, anong uri ng saloobin ang dapat mong taglayin para sa Diyos? (Pagpapasakop nang walang kondisyon.) Kahit papaano, dapat mong taglayin ang bagay na ito: ganap na pagpapasakop. Ang ibig sabihin niyan, sa anumang oras, ang ginagawa ng Diyos ay hindi kailanman mali, ang mga tao lang ang nagkakamali. Anumang sitwasyon ang sumulpot—lalo na sa harap ng paghihirap, at lalo na kapag ibinubunyag at inilalantad ng Diyos ang mga tao—ang unang dapat gawin ng tao ay humarap sa Diyos upang pagnilayan ang kanyang sarili, suriin ang kanyang mga salita at gawa at ang kanyang tiwaling disposisyon, sa halip na suriin, aralin, at husgahan kung tama ba o mali ang mga salita at kilos ng Diyos. Kung mananatili ka sa tama mong posisyon, dapat mo mismong malaman kung ano talaga ang dapat na ginagawa mo. Ang mga tao ay may tiwaling disposisyon at hindi nila nauunawaan ang katotohanan. Hindi ito isang malaking problema. Ngunit kapag may tiwaling disposisyon ang mga tao at hindi nila nauunawaan ang katotohanan, subalit hindi pa rin nila hinahanap ang katotohanan—mayroon na sila ngayong malaking problema. Mayroon kang tiwaling disposisyon at hindi mo nauunawaan ang katotohanan, at maaari mong mahusgahan ang Diyos nang wala sa katwiran, maaaring lumapit at makipag-ugnayan ka pa rin sa Kanya ayon sa dikta ng iyong kalooban, mga kagustuhan, at emosyon. Ngunit kung hindi mo hinahanap at isinasagawa ang katotohanan, hindi magiging gayon kadali ang mga bagay-bagay. Hindi lamang na hindi mo magagawang magpasakop sa Diyos, kundi maaaring maging mali rin ang pagkaunawa mo at magreklamo ka tungkol sa Kanya, kondenahin mo Siya, salungatin Siya, at kagalitan at tanggihan pa Siya sa puso mo, na sinasabing hindi Siya matuwid, na hindi lahat ng ginagawa Niya ay talagang tama. Hindi ba mapanganib na maaari mong maisip ang gayong mga bagay? (Oo.) Lubhang mapanganib ito. Ang hindi paghahanap sa katotohanan ay maaaring mangahulugan ng kanilang buhay! At maaari itong mangyari anumang oras at saanmang lugar.
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasampung Aytem (Ikatlong Bahagi)
Kung naglalantad ka ng katiwalian sa isang bagay, maisasagawa mo ba kaagad ang katotohanan kapag natanto mo iyon? Hindi. Sa yugtong ito ng pag-unawa, pinupungos ka ng iba, at pagkatapos, ang iyong kapaligiran ay pinipilit ka at pinupwersa ka na kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kung minsan, hindi mo pa rin matanggap na gawin iyon, at sinasabi mo sa sarili mo, “Kailangan ko bang gawin ito nang ganito? Bakit hindi ko ito pwedeng gawin sa paraang gusto ko? Bakit lagi akong sinasabihang isagawa ang katotohanan? Ayaw kong gawin ito, sawa na ako!” Ang pagdanas ng gawain ng Diyos ay nangangailangan ng pagdaan sa sumusunod na proseso: mula sa pag-aatubiling isagawa ang katotohanan, tungo sa kahandaang isagawa ang katotohanan; mula sa pagiging negatibo at mahina, tungo sa kalakasan at kakayahang maghimagsik laban sa laman. Kapag naabot ng mga tao ang isang tiyak na punto ng karanasan at pagkatapos ay dumaan sa ilang pagsubok, pagpipino, at sa huli ay naunawaan ang mga layunin ng Diyos at ilang katotohanan, magiging masaya na sila kahit paano at handang kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Sa pasimula, ang mga tao ay atubiling magsagawa ng katotohanan. Gawing halimbawa ang matapat na paggampan sa mga tungkulin: May kaunti kang pagkaunawa sa paggampan sa iyong mga tungkulin at pagiging matapat sa Diyos, at mayroon ka ring kaunting pagkaunawa sa katotohanan, subalit kailan mo magagawang maging ganap na matapat? Kailan mo magagawang gampanan ang iyong mga tungkulin sa ngalan at gawa? Mangangailangan ito ng proseso. Sa prosesong ito, maaaring dumanas ka ng maraming hirap. Maaaring pungusan ka ng ilang tao, maaaring punahin ka ng iba. Matutuon ang lahat ng mata sa iyo, susuriin ka ng mga ito, at doon mo lamang masisimulang matanto na ikaw ay nasa mali at na ikaw ang nakagawa nang hindi maayos, na hindi katanggap-tanggap ang kakulangan ng katapatan sa paggampan sa iyong tungkulin, at hindi ka dapat maging pabasta-basta! Liliwanagan ka ng Banal na Espiritu mula sa loob, at sasawayin ka kapag ikaw ay nagkamali. Sa prosesong ito, mauunawaan mo ang ilang mga bagay tungkol sa iyong sarili, at malalaman mo na masyado kang maraming karumihan, nagkikimkim ka ng napakaraming personal na motibo, at may napakaraming walang habas na pagnanais habang ginagampanan ang iyong mga tungkulin. Sa sandaling naunawaan mo na ang diwa ng mga bagay na ito, kung makakaya mo nang lumapit sa Diyos sa panalangin at magkaroon ng tunay na pagsisisi, malilinis sa iyo ang mga tiwaling bagay na iyon. Kung, sa ganitong paraan, madalas mong hinahanap ang katotohanan upang malutas ang iyong mga sariling praktikal na problema, unti-unting tatapak ka sa tamang landas ng pananampalataya; magsisimula kang magkaroon ng mga tunay na karanasan sa buhay, at magsisimulang unti-unting madalisay ang iyong tiwaling disposisyon. Kapag mas nadadalisay ang iyong tiwaling disposisyon, mas magbabago ang iyong buhay disposisyon.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Dapat Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Disposisyon ng Isang Tao
Habang nararanasan ang gawain ng Diyos, kahit ilang beses ka pang nabigo, nabuwal, napungusan, o naibunyag, hindi masasamang bagay ang mga ito. Paano ka man napungusan, o mga lider, manggagawa, o kapatid mo man ang gumawa niyon, mabubuting bagay ang lahat ng iyon. Dapat mong tandaan ito: Gaano ka man nagdurusa, ang totoo ay nakikinabang ka. Sinumang may karanasan ay mapatutunayan ito. Ano’t anupaman, ang mapungusan o maibunyag ay laging isang mabuting bagay. Hindi ito pagkokondena. Ito ay pagliligtas ng Diyos at ang pinakamagandang pagkakataon para makilala mo ang iyong sarili. Maaari nitong baguhin ang karanasan mo sa buhay. Kung wala ito, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon, ng kundisyon, ni ng konteksto para maunawaan mo ang katotohanan ng iyong katiwalian. Kung talagang nauunawaan mo ang katotohanan, at nagagawa mong ungkatin ang mga tiwaling bagay na nakatago sa kaibuturan ng puso mo, kung malinaw mong matutukoy ang mga ito, mabuti ito, nalutas nito ang isang malaking problema sa buhay pagpasok, at malaking pakinabang sa mga pagbabago sa disposisyon. Ang tunay na makilala ang iyong sarili ang pinakamagandang pagkakataon para mabago mo ang iyong mga pag-uugali at maging isa kang bagong tao; ito ang pinakamagandang oportunidad para magkaroon ka ng bagong buhay. Kapag tunay mong nakilala ang iyong sarili, makikita mo na kapag ang katotohanan ay naging buhay ng isang tao, mahalagang bagay iyon talaga, at mauuhaw ka sa katotohanan, isasagawa mo ang katotohanan, at papasok sa realidad. Napakagandang bagay niyan! Kung maaari mong samantalahin ang pagkakataong iyan at taimtim kang magninilay-nilay sa iyong sarili at magtatamo ng tunay na kaalaman tungkol sa iyong sarili tuwing ikaw ay mabibigo o madadapa, sa kabila ng pagiging negatibo at kahinaan, magagawa mong tumayong muli. Kapag nakaraan ka na sa pintuang ito, makakaya mo nang gumawa ng malaking hakbang at pumasok sa katotohanang realidad.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Matamo ang Katotohanan, Dapat Matuto ang Isang Tao mula sa mga Tao, Pangyayari, at Bagay sa Malapit
Kaugnay na mga Video
Maikling Dula “Ang Pagbabago ng Pagtanggap sa Pagpupungos”
Kaugnay na mga Patotoong Batay sa Karanasan
Paano Harapin ang Mapungusan
Kaugnay na mga Himno
Ang Kabiguan ay ang Pinakamagandang Oportunidad para Makilala ang Iyong Sarili
Anuman ang Ginagawa ng Diyos, Itong Lahat ay para Iligtas ang mga Tao