Tanong 5: Sinusunod natin ang halimbawa ni Pablo at nagsusumikap tayo para sa Panginoon, sa pangangaral ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Panginoon, at pagpapastol sa mga iglesia ng Panginoon, gaya ni Pablo: “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya.” Hindi ba pagsunod ito sa kalooban ng Diyos? Ang ibig sabihin ng ganitong pamumuhay ay karapat-dapat tayong madala at makapasok sa kaharian ng langit, kaya bakit natin kailangang tanggapin ang gawain ng paghatol at pagdalisay ng Diyos sa mga huling araw bago tayo madala sa kaharian ng langit?

Sagot: Maraming nananalig sa Panginoon na sumusunod sa halimbawa ni Pablo. Ginagawa ba nila talaga ang kalooban ng Ama sa langit? Talaga bang karapat-dapat silang pumasok sa kaharian ng langit? Tingnan natin ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo’y nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan Mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang kamangha-mangha? At kung magkagayo’y ipahahayag Ko sa kanila, kailan ma’y hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan(Mateo 7:21–23). Nakikita natin mula sa mga salita ng Panginoong Jesus na kapag nagbalik Siya, maraming taong nangangaral at gumagawa sa pangalan ng Panginoon na hindi lamang Niya hindi pupurihin, kundi sa halip ay tutukuyin ng Panginoon na masasamang tao. Ipinapakita niyan na ang pagsasakripisyo, pagsaid ng inyong sariling lakas at pagsusumikap sa Kanyang pangalan ay hindi nangangahulugan na ginagawa ninyo ang kalooban ng Ama sa langit. Kung gayo’y ano ba talaga ang ibig sabihin ng gawin ang Kanyang kalooban? Tumutukoy lang ito sa kakayahang mahalin ang Diyos nang buong puso, igalang Siya bilang dakila, matakot sa Diyos at iwaksi ang kasamaan, ipamuhay ang mga salita ng Panginoon, sundin ang Kanyang mga utos, purihin at patotohanan nang madalas ang Diyos, tunay na sairin ang inyong lakas para sa Kanya, manatiling malaya sa anumang kasunduan o kahilingan, magawang sumaksi para sa Diyos sa mga oras ng pagsubok, at sumunod sa Kanyang kapangyarihan at mga pagsasaayos. Ito lamang ang paggawa ng kalooban ng Diyos. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pag-iisip mo. Ito ang dakila at pang-unang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili(Mateo 22:37–39). Kaya, lahat ng gumagawa ng kalooban ng Diyos ay yaong mga naiwaksi ang kasamaan at napadalisay. Sila ang mga taong maaaring ipamuhay ang katotohanan at tunay na sundin ang Diyos. Madalas nilang naipapamuhay ang mga salita ng Panginoon at nasusunod ang Kanyang mga utos, at minamahal nilang lahat nang taos-puso ang Diyos, at nagagawa nilang mabuhay na nakaasa sa mga salita ng Panginoon. Kung mayroong hindi nagmamahal nang taos-puso sa Diyos, nakikipagkasunduan sa Diyos habang gumagawa at nangangaral, madalas din silang lumaban at maghimagsik laban sa Kanya at hindi nila ipinamumuhay ang Kanyang mga salita, paano matatawag ang taong ito na isang taong gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit? At paano masasabi ng sinuman na naiwaksi na nila ang pagiging makasalanan at naging dalisay na sila? Nakikita nating lahat ang sumusunod na katotohanan. Matapos manalig sa Panginoon, nagawa ng marami na mangaral at magsikap sa Kanyang pangalan, magpasan ng krus at magdusa, at mabilanggo pa at mapatay bilang martir. Ipinapakita lang nito na may kaunti silang pananampalataya sa Panginoon, kaunting kasigasigan para sa Kanya. Pero hindi maikakaila na samantalang nagsusumikap ang mga tao madalas pa rin silang maghimagsik sa Diyos, lumaban sa Kanya, at gumawa ng mga bagay na naaayon sa sarili nilang kalooban at kagustuhan. Hindi sila nakatuon sa pagsasagawa ng mga salita ng Panginoon o pagsunod sa Kanyang mga utos. Nagnanasa pa ang iba ng katanyagan at katayuan; pinupuri at pinatototohanan nila ang kanilang sarili, o nagbubuo sila ng sarili nilang grupo o nagtatayo ng sarili nilang munting kaharian. Marami ring tao na hindi nagsisikap at nagdurusa para mahalin at bigyang-kasiyahan ang Diyos, kundi para magantimpalaan, maputungan ng korona. Kaya nga matapos silang magsikap at magtiis nang kaunti, sinisikap nilang gamitin ang kanilang nakaraan at ipasikat ang taas ng kanilang tungkulin. Buong tapang silang humihingi sa Diyos ng mga pagpapala ng kaharian ng langit. Totoo ito lalo na sa mga pastor at elder ng iba’t ibang relihiyon; nang pumarito ang Makapangyarihang Diyos para ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, patuloy silang umasa sa kanilang mga haka-haka at imahinasyon para labanan at tuligsain Siya, magtahi-tahi ng mga tsismis, magkalat ng mga kasinungalingan para linlangin at kontrolin ang mga nananalig at hadlangan ang pagsisiyasat ng mga ito sa tunay na daan. Mas mabigat pa ang mga kasalanan nilang paglaban sa Diyos kaysa mga Fariseong iyon na lumaban sa Panginoong Jesus. Nagawa nila ang napakabigat na kasalanan na muling ipako ang Diyos sa krus, at nasuway nila ang disposisyon ng Diyos. Ang mas malungkot pa ay matapos labanan at tuligsain si Cristo ng mga huling araw—ang Makapangyarihang Diyos—ang tingin pa rin nila sa sarili ay tanyag na mga tagapag-ambag na lubos na tapat sa Panginoon, at naghihintay pa rin silang bumaba ang Panginoong Jesus at dalhin sila sa kaharian ng langit. Mahirap paniwalaan iyan! Ipinapakita ng mga katotohanang ito na maraming nakakagawa ng mga sakripisyo, sinasaid ang kanilang lakas, at nagsusumikap sa pangalan ng Panginoon, pero hindi ito patunay na ginagawa nila ang kalooban ng Diyos, at lalo nang hindi ito patunay na pinupuri sila ng Diyos, o na karapat-dapat silang pumasok sa langit at tumanggap ng mga gantimpala. Dahil hindi pa nawawala ang kanilang likas na kademonyohan at hindi pa nila naiwawaksi ang mga gapos ng kasalanan, kahit habang gumagawa sila ng kasamaan at lumalaban sa Diyos, at tuwiran pang kinokontra ang Diyos. Paano sila matatawag na mga taong gumagawa ng kalooban ng Diyos? At paano sila magiging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit? Basahin natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kailangan mong malaman kung anong uri ng mga tao ang Aking nais; yaong mga hindi dalisay ay hindi pinapayagang makapasok sa kaharian, yaong mga hindi dalisay ay hindi pinahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Bagama’t maaaring marami kang nagawang gawain, at gumawa ka sa loob ng maraming taon, sa huli kung kalunus-lunos pa rin ang iyong karumihan, hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pumasok sa Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi Ako kailanman nakapag-alok ng madaling daan patungo sa Aking kaharian para sa mga humihingi ng pabor sa Akin. Ito ay isang panuntunan sa langit, at walang sinumang makasusuway rito! Kailangan mong hangarin ang buhay. Ngayon, yaong mga gagawing perpekto ay kauri ni Pedro: Sila yaong mga naghahangad ng mga pagbabago sa kanilang sariling disposisyon, at handang magpatotoo sa Diyos at gampanan ang kanilang tungkulin bilang nilalang ng Diyos. Ang ganitong mga tao lamang ang gagawing perpekto. Kung umaasa ka lang sa mga gantimpala, at hindi mo hinahangad na baguhin ang iyong sariling disposisyon sa buhay, lahat ng iyong pagsisikap ay mawawalan ng saysay—at ito ay isang katotohanang hindi mababago!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). Maliwanag na sinabi sa salita ng Makapangyarihang Diyos. Ang Diyos ay banal at matuwid. Lubos na pinagbabawalan ng Diyos ang sinumang marumi at tiwaling mga tao na pumasok sa Kanyang kaharian. Sang-ayon ba kayo? Pero sabi ni Pablo “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran.” Ang mga salitang ito ay sariling ideya at imahinasyon ni Pablo. Ni hindi ito naaayon sa mga salita ng Diyos o sa katotohanan. Kabaligtaran mismo ang mga ito ng mga salita ng Diyos!

Maraming nagtatanong, “Nagsusumikap tayo para sa Panginoon at sumusunod sa pangalan at landas ng Panginoon. Bakit hindi tayo makapasok sa kaharian ng langit?” Hindi lang ito kung sumusunod man tayo sa kalooban ng Diyos. Ang pinakamahalaga ay hindi pa nawawala ang ating pagiging likas na makasalanan. Samakatwid, kailangan ang karanasan sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw para malinis ang isang tao para mabago ang kanyang disposisyon sa buhay at maging isang taong sumusunod sa kalooban ng Ama sa langit. Sa ganitong paraan lang siya magiging marapat na madala sa kaharian ng langit. Ngayo’y maaaring nauunawaan natin kung bakit madalas tayong magkasala sa araw at mangumpisal ng mga kasalanan sa gabi, at hindi natin matalikuran ang pagkakasala? Nag-uugat iyan sa ating likas na kademonyohan kaya madalas manaig sa atin ang paglaban at paghihimagsik sa Diyos. Kahit madalas tayong mangumpisal ng ating mga kasalanan at magsisi sa Panginoon, hindi tayo makakahulagpos sa gapos ng kasalanan. Ganyan ang problema at katayuan ng lahat ng nananalig sa Panginoon. Para sa Kapanahunan ng Biyaya, isinagawa lang ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos para mapatawad ang tao sa kanyang kasalanan at maging marapat na manalangin sa Diyos, makipagniig sa Diyos at matamasa ang biyaya at mga pagpapala ng Diyos. Pero ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay pinatawad lang ang ating mga kasalanan pero hindi ang ating likas na kademonyohan. Kahit nagsumikap tayo sa pangalan ng Panginoon, nagsumigasig at sinaid natin ang ating lakas, hindi pa rin tayo makakahulagpos sa kontrol at gapos ng kasalanan. Kaya sinabi ng Panginoong Jesus na babalik Siya sa mga huling araw, para lunasan ang ating pagiging likas na makasalanan at makademonyong disposisyon. Sa mga huling araw, naparito ang Makapangyarihang Diyos para isagawa ang Kanyang gawain ng paghatol at paglilinis sa tao base sa pundasyon ng gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Sa pagpapahayag ng katotohanan, inihahayag at hinahatulan ng Diyos ang likas na kademonyohan ng tao, at nililinis ang makademonyong disposisyon nito, para lubos tayong mailigtas mula sa impluwensya ni Satanas at maligtas at mabawi ng Diyos. Basahin natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya at, pagkatapos ng libu-libong taon na paggawang tiwali ni Satanas, nasa kanyang kalooban ang matatag na kalikasang lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, kapag natubos na ang tao, ito ay walang iba kundi isang kaso ng pagtubos kung saan ang tao ay binili sa mataas na halaga, ngunit ang may lason na kalikasan sa kanyang kalooban ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay kailangang sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginagawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ng pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Ang totoo, ang yugtong ito ay yaong panlulupig pati na rin ang pangalawang yugto ng gawain ng pagliligtas. Ang tao ay nakakamit ng Diyos sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita; sa pamamagitan ng paggamit ng salita upang pinuhin, hatulan at ibunyag, na ang lahat ng karumihan, mga kuru-kuro, mga motibo, at mga indibidwal na pag-asam sa kalooban ng puso ng tao ay ganap na naibubunyag(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, natatanto natin na ginawa tayong napakasama ni Satanas. Nasa ating kalooban ang likas na pag-uugali ni Satanas. Bagama’t pinatawad ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, at maaari tayong mamuhay sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Jesus, mayroon pa rin tayong makademonyong disposisyon at hindi natin maipamuhay ang salita ng Diyos at hindi tayo makapamuhay nang naaayon sa Kanyang salita, dahil hindi pa nawawala ang likas na pag-uugali ni Satanas sa atin. Hindi ito ang uri ng mga tao na mababawi ng Diyos sa bandang huli. Ang mga taong mababawi ng Diyos ay yaong mga nalinis mula ang kanilang masamang disposisyon, yaong mga malaya sa kasamaan at masunurin sa kalooban ng Diyos. Kaya kailangan pa rin natin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos para mawala ang mga ugat ng ating kasalanan, tulad ng makademonyong disposisyon sa ating kalooban. Kapag nalinis na ang ating makademonyong disposisyon, lubos na tayong nahiwalay sa impluwensya ni Satanas, at tunay na nating masusunod at masasamba ang Diyos, sa gayo’y tunay tayong maliligtas at mababawi ng Diyos, at magiging marapat sa pangako ng Diyos na makapasok sa Kanyang kaharian. Walang duda iyan.

mula sa iskrip ng pelikulang Ang Hiwaga ng Kabanalan

Sinundan: Tanong 4: Lahat tayo ay naniwala sa Panginoon nang maraming taon, at lagi nating sinusunod ang halimbawa ni Pablo sa ating gawain para sa Panginoon. Naging tapat tayo sa pangalan at paraan ng Panginoon, at siguradong naghihintay sa atin ang korona ng pagkamatuwid. Ngayon, kailangan lang nating magtuon sa pagsusumikap para sa Panginoon, at pagmamasid sa Kanyang pagbabalik. Sa gayon lamang tayo maaaring dalhin sa kaharian ng langit. Iyon ay dahil sinabi sa Biblia na “at ang nangaghihintay sa akin ay hindi mangapapahiya(Isaias 49:23). Naniniwala kami sa pangako ng Panginoon: Dadalhin Niya tayo sa kaharian ng langit sa Kanyang pagbabalik. May mali ba talaga sa pagsampalataya sa ganitong paraan?

Sumunod: Tanong 6: Talikuran natin ang iba pa, ipangaral ang ebanghelyo ng Panginoon, at patnubayan ang iglesia. Ganitong pagsusumikap ang paraan para maisagawa ang kalooban ng Ama sa langit. May mali ba sa ginagawa nating ito?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 11: Pinatototohanan mo na si Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ang parehong si Cristo, ang una at ang huling Cristo. Hindi ’yan tinatanggap ng ating CCP. Sa The Internationale, malinaw na sinabi “Walang sinumang naging tagapagligtas ng mundo kailanman.” Pilit n’yong pinatototohanan na dumating na si Cristong Tagapagligtas. Paanong hindi kayo tutuligsain ng CCP? Sa palagay namin, ang Jesus na pinananaligan ng mga Kristiyano ay isang karaniwang tao. Ipinako pa nga siya sa krus. Kahit ang Judaismo ay hindi kinilala na Siya si Cristo. Ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw na pinatototohanan n’yo ay isa lamang palang karaniwang tao. Malinaw na inilalarawan sa mga dokumento ng CCP na may apelyido at pangalan Siya. Totoo rin ’yan. Bakit n’yo pinatototohanan na ang gayong karaniwang tao ay si Cristo, ang pagpapakita ng Diyos? Mahirap paniwalaan ’yan! Gaano man n’yo patotohanan ang katotohanang naipahayag at kung paano nagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, hindi kikilalanin ng ating CCP na ang taong ito ay ang Diyos. Palagay ko katulad lang kayo ng mga tao ng Kristiyanismo, Katolisismo, at Eastern Orthodoxy na nananalig kay Jesus, na nananalig na Diyos ang isang tao. Hindi ba kamangmangan ’yan? Ano ba talaga ang Diyos at ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Ibig sabihin ba nito ay ang pagpapahayag lang ng katotohanan at paggawa ng gawain ng Diyos ay pagpapakita ng tunay na Diyos? Yan ang hinding-hindi namin tatanggapin. Kung makakagawa ang Diyos ng mga himala at hiwaga, mapupuksa ang CCP at lahat ng kumakalaban sa Kanya, kikilalanin namin na Siya ang tunay na Diyos. Kung magpapakita ang Diyos sa kalangitan, gagawa ng madagundong na kulog na tatakot sa buong sanglibutan, yan ang pagpapakita ng Diyos. Sa gayo’y kikilalanin Siya ng ating CCP. Kung hindi, hinding-hindi tatanggapin ng CCP na may Diyos.

Sagot: Hindi ko lang maunawaan, bakit palaging galit ang CCP sa Diyos? Bakit nito palaging tinatanggihan ang Diyos? Bakit ito galit lalo na...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito